“Comatose po and inyong anak na si Nelson”
Isang linggo na ang nakalipas noong sabihin ng doctor sa mama ni Nelson ang nangyari sa anak nya. Para kaming pinagbagsakan ng langit at lupa noong araw na iyon.
Naaksidente sya noong araw ng kasal namin. Isang malaking aksidente na kumitil sa pitong buhay at maraming sugatan. Maswerte si Nelson dahil nakaligtas sya.
Ang saklap di ba? Naaksidente ang taong pinakamamahal mo sa araw ng kasal nyo.
Noong una, parang hindi ako makapaniwala na nangyari iyon. Pero totoo talaga. At parang nag-slow motion pa sa utak ko ang pangyayari.
Pero malaki pa rin ang pasasalamat namin sa diyos dahil hindi nya kinuha sa amin ng tuluyan si Nelson. Pero, hindi man nya ito tuluyang kinuha eh masakit pa rin sa amin ang estado nya ngayon.
Ang mas masakit ay yung sinabi ng doctor na 50-50 ang chances na magising pa si Nelson. Dahil na rin iyon sa lakas ng tama ng ulo nya ay hindi nagfa-function ng ayos ang utak nya.
Halos halikan ko na ang paa ng doctor noon dahil sa sobrang pagmamakaawa na gumawa sila ng paraan para lang mabuhay si Nelson.
Hindi kami nawawalan ng pag-asa. Alam namin na hindi kami basta basta iiwan ni Nelson at hindi nya ako basta basta iiwan na lang, nag ganun-ganon lang. At malaki ang tiwala ko sa kanya.
May buhay nga sya para naman syang patay. Isang Nelson na nakahiga sa kama, hindi namin makausap, may bandage sa ulo nya sa braso, sa binti at sa may dibdib nya, may mga sugat at pasa sa iba’t ibang parte ng katawan nya at ang daming nakasaksak na kung ano-anong aparato sa katawan nya.
Hindi ko sya matignan ng maayos. Hindi ko kayang makita syang ganoon. Naaawa ako sa kanya at nasasaktan na makita ko sya sa ganoong lagay. Parang hindi si Nelson ang nakikita ko.
Under observation pa sya. At natatakot kaming lahat dahil hindi pa ganoon ka-okay ang lagay nya. Kaylangan syang i-check ng doctor at nurses kada tatlo o limang oras.
Hindi rin namin sya magawang hawakan man lang dahil nga sa mga nakasaksak ng kung ano ano sa katawan nya pero nalalapitan namin sya.
“Joel, hindi ka pa ba uuwi? Kami na muna dito magpahinga kana muna sa inyo” malumanay na sabi sa akin ni mama Agnes, ang mama ni Nelson. Kitang kita parin ang mapupula nyang mga mata.
Nakatayo sya sa harap ko.
Tumango ako bilang tugon at tumayo. “Sige po aalis na po ako mama. Babalik po ako dito bukas”
“Mag ingat ka sa byahe ha. Matulog ka ng mahimbing. Kaylangan mong magpahinga ng matagal at kumain ka ng marami. Kahit wag kana muna pumunta dito para makapagpahinga ka. Ayaw ni Nelson na ganyan ang itsura mo Joel” hinawakan nya ang dalawa kong braso “Baka kapag nagising si Nelson eh pagalitan nya kami at sabihing pinapabayaan ka pa namin” pabirong sabi ni Mama Agnes kaya napatawa rin kami parehas.
“Sige po Mama. Sa makalawa na lang po ako babalik dito” tumango sya at ngumiti.
***
Tinatahak ko na ang daan pauwi sa condo ko. Mabagal lang ang pagmamaneho ko at kita kong kaaunti lamang ang mga sasakyan sa paligid. Tumingin ako sa orasan. “10:33 pm na pala”
Nang makarating na ako sa condo ko ay agad akong nag-shower at nagpalit ng pantulog na damit. Nagpainit ako ng tubig para sa instant noodles na binili ko sa convenient store.
Tahimik lang ako habang kumakain at ang dami dami kong naiisip. Nagfa-flashback sa utak ko yung pangyayari noong araw ng kasal sana namin. Yung may biglang tumawag sa cellphone ko at sinabing naaksidente at sa ospital si Nelson.
Nag-flashback yung dumating kami sa ospital at ilang oras kaming naghihintay sa labas ng Emergency Room.
At ang huling nag-flashback ay yung sinabi na sa amin ng doctor na comatose si Nelson.
Bigla na namang bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko na sila napigilan at hindi na sila na-ubos ubos. Ang sakit sakit isipin ang mga pangyayaring iyon at kahit ayoko kang isipin ay paulit ulit silang nagpe-play sa utak ko na parang isang kanta na naka-play into repeat mode.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at humiga sa malambot kong kama. At least medyo nare-relax naman ako dahil sa kama ko. Niyakap ko ang unan ko at walang tigil paring lumalabas ang mga luha sa mga mata ko.
“Nami-miss na kita Nelson. Sobrang nami-miss na kita. Kelan ka ba magigising? Please gumising kana. Mahal na mahal kita” yun ang mga katagang sinabi ko at hindi ko namalayang nakatulog na ako.
***
‘Nelson, kumapit ka ng maigi. Please Nelson lumapit ka’
‘Elisse hindi ko na kaya. Kapitan mo ako ng maigi malapit na akong makabitaw’
‘Huwag please Nelson kapitan mo ako’
‘Elisse mahal na mahal kita’
‘Mahal na mahal din kita Nelson’
Binigyan nya ako ng isang ngiti at tuluyan ng bumitaw sa kamay ko
‘NELSON!!!!!’
“NELSON”
Bigla akong napamulat at napaupo sa pagkakahiga ko.
“Panaginip lang” sabi ko sa sarili ko habang kapit kapit ang naninikip kong dibdib. Nagsimula na namang magsipagtuluan ang mga luha ko.
Nanaginip na naman ako ng ganoon. Napanaginipan ko na naman si Nelson. Simula ng nangaring aksidente ay napapanaginipan ko sya tapos puro ganoong klase ng pangaginip pa. Puro pagbitaw sa kamay at pagsasabi ng mahal kita ang mga eksena.
Anong ibig sabihin non?
Ibig sabihin ba non ay iiwanan na na ako?
Hindi pwede.
Hindi pwede.
“HINDI PWEDE” napasigaw ako at humagulgol na ako ng humagulgol sa pag-iyak habang kapit kapit ko ang aking dibdib.
Hindi pwedeng iwan na nya ako.
“Hindi ko kaya”
“Hindi ko kayang iwan mo ako Nelson”
“Hindi mo kaya?”
“Oo hindi ko kaya”
“Talaga?”
“Oo. Talagang talaga”
“Mahal mo talaga sya?”
“Mo. mahal na ma---“ napatigil ako bigla. Teka, bakit may sinasagot akong tanong?
At sino yung nagtatanong? Ako lang naman mag isang nakatira sa unit ko ah. Iniangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang kasamo ko sa kwarto ko. At pagka-angat ng ulo ko ay…
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH”
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHH”
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA--------” tinakpan nya ang bibig ko ng isa nyang kamay at yung isa nya ay naka-gesture na nagsasabing tumahimik ako.
Tumambad sa harapan ko ang isang lalaking nakasuot ng puting shirt at puting pantalon. Pero gumalaw ako ng gumalaw at pinipilit kong sumigaw pero malakas sya kaya hindi ako makasigaw ng malakas.
“Please wag kang maingay. Tatanggalin ko tong kamay ko basta wag ka lang mag ingay ha” sabi nya sa akin at ngumiti ng bahagya.
Sino ba tong nilalang na ito? Lagot sya sa akin kapag binitawan na nya ako.
Tumango ako bilang tugon. Pero may naisip akong plano. Gulpi sa akin tong lalaking to.
“Ikaw lagot ka sa akin” nang tinanggal nya ang mga kamay nya sa akin ay agad ko sana syang hihigitin sa braso para pilipitin ito pero nagulat na lang ako nang bigla syang nawala sa harap ko at nang mapatingin ako sa paligid ay nakita ko sya sa may pinto ng kwarto ko na naka-indian sit at ang laki ng ngiti.
“Hindi mo ako maiisahan. Hehehe” isang nakakaasar na ngiti at ipinakita nya sa akin.
“Eh? Teka paano ka agad nakapunta jan?” nanlalaki ang mga mata ko sa gulat habang nakaturo ang hintuturo ko sa kanya “At sino ka ba ha? Anong ginagawa mo dito?”
“Ako?” Tinuro nya ang sarili nya habang nakangiti sa akin, “Ako ang angel mo”
Ano daw??
“YOU’RE WHAT??”
“Your angel” tapos nag-peace sign pa ang dalawa nyang kamay, “And I’m here for your mission”
Napanganga na lang ako sa sinabi nya.
What the hell is he saying?
-----
Kei's Note: VOTE AND COMMENT PO!! PLEASE!! Para ganahan akong i-post ang mga susunod na kabanata.. salamat..