Her Eyes #Wattys2018 Winner

By deitoy

285K 9.3K 3K

Wattys 2018 'The Heroes' Winner She sees what a normal person can't see. She can predict what is unexpected... More

Her Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
After Story
Amari Reign Ramos
Janice Fuego
Aether Irish Allyson
Dieve Salazar

Chapter 9

8.1K 230 71
By deitoy







[Reed]

I don't know if I still need to be thankful for this eyes or am I curse. It's been half an hour and still I was gawking at the ceiling. Mag-gagabi na rin sa labas and I still can't accept the fact that Rin is dead. She's too young.

Muli bumalong nanaman ang mga luha sa aking mata. I want to curse all I want but then wala na iyong magagwa pa, wala na si Rin kailangan ko na lang tanggapin pa yung katotohanan. I heaved a sigh and try to rest but I can't even fell asleep or even take a nap.

I feel so weak yet I can't even rest,as if I forgotten what rest is. Biling-baliktad ako sa higaan but I can't even feel an ounce of tiredness. A knock woke me up from debating with myself.

"Reed you awake?" I did not answer. Narinig ko na lang ang papalayo niyang yabag. Tinalukbungan ko ang sarili ko ng comforter at mariing pumikit.

Sa bawat pagpikit po ang nakangiting mukha ni Rin ang nakikita ko. Ang mga hagikhik at bungisngis niya. This isn't how I expect her to end sobrang aga pa para iwan niya kami. Nag umpisa na muling tumulo ang luha ko. Pinalis ko ito pero patuloy na ito sa pag agos at hindi na mapigilan pa, hinayaan ko na lamang itong lumandas sa pisngi ko sa pagbabakasakali na makatulog ako.

Lumipas ang oras pero hindi ko pa rin magawang matulog o magpahinga, hindi ko na rin alam kung anong oras na lalo at madilim na sa labas. Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero nanatili lang akong nagtatalukbong doon. Narinig ko rin ang maingat na yabag ng pumasok. "Bakit naman siya nagtalukbong eh ang init?" dinig kong tanong ni Ryoichi. Tinanggal niya ang talukbong ko at nagulat na lang ako ang mukha niya ang sumalubong sa mugto kong mata.

He seemed to be taken a back when he saw me. "Hey, tahan na," umupo siya sa tabi ko kaya naramdaman ko ang paglundo ng kama. Hindi ko na napigilan pa lahat ng luha at tuloy tuloy na itong lumandas sa pisngi ko at nagpakawala na rin ng hikbi ang mga labi ko.

"Bakit ganon? Bakit parang sobrang aga?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot niyakap lang niya ako. "Isn't it much better if you know nothing?" tanong niya pabalik sa akin pero hindi ko na magawang sumagot, napahigpit na lamang ang kapit ko sa t-shirt niya.

Gusto ko malaman, Ryoichi, gusto ko malaman lahat, lahat lahat ng katanungan ko, hindi ako naniniwala na basta na lang susuko si Rin.

Tanging ang pag aalo niya at hikbi ko ang naririnig sa loob ng silid. Bakit sa bisig niya pakiramdam ko ligtas ako? Bakit sa bisig niya pakiramdam ko hindi ako nag-iisa?

Hindi ko rin namalayan ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at unti-unti kong naramdaman ang pagod at antok maging ang hapdi ng mga mugto kong mga mata.

Nagising lang ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pakiramdam ko rin ay may mabigat na nakapatong sa aking bewang. Pagdilat ko ay ang maamong mukha ni Ryoichi ang bumati sa akin. Natutulog pa siya at ang marahang pagbaba taas ng dibdib niya ang nagsasabi na nahihimbing pa siya sa kanyang tulog.

Mahapdi ang mga mata ko marahil dahil sa pag-iyak ko kahapon, sinubukan kong tanggalin ang braso niya pero siya ring pagtangka ko ay gumalaw siya at ang kanyang singkit na mga mata ay tumingin sa akin. Kahit pa malamlam ang mga mata niya ay nakaka-akit ito na titigan mo. Para bang hindi ka magsasawa titigan ang mga mata niya.

"Mamahinga ka pa," simple niyang sabi at umupo siya tsaka sumandal sa headboard ng kama. Nakatingin lang siya sa akin pero agad ding pinilig ang ulo niya tsaka umiling. Tumayo siya at naglakad na papalabas. "Padadalhan na lang kita ng pagkain dito."

Nang makalabas na siya ng kwarto ay napabuntonghininga na lamang ako. Umupo na rin ako at sumandal sa headboard. Gusto ko mang umuwi alam kong hindi ako basta-basta pauuwiin ni Ryoichi. Tumayo na ako at pumasok sa banyo naghilamos at nagsuklay na rin ako nang mapansin ko kung gaano namumugto ang aking mga mata. Pulang pula ito at sa ilalim non ay dark circles.

Matapos akong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako sa kwarto pero nagulat ako nang magbukas ang kwarto na katapat ng akin.

"Good morning," bati sa akin ng isang lalaki na mas matanda lamang ng ilang taon sa amin, meron siyang dyed hair na kulay puti. Maamo rin ang mukha niya kamukha ni Ryoichi.

Ngumiti siya sa akin at tinignan ako. "You're cute, no wonder my brother seems head over heels to you," nadistract ako sa ginawa niya pero nag-ulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Imposible!

Ngumiti na lang din ako sa kanya at nauna nang maglakad. "Woah, that's rude." Dinig kong sabi niya. Ryosuke Hiroto.

Yon ang pangalan niya. Hindi ko na kailangan malaman pa yon, alam ko na ang pangalan niya oras na nakita ko ang mukha niya. Nang makababa ako ay may sumalubong sa aking aso at tinahulan ako. "Ziggy!" dinig ko ang boses ni Ryoichi na tinawag ang aso at agad na tumakbo pabalik sa kitchen. Simple lang ang condo ni Ryoichi pero nagdodominate ang asul at puti sa kanyang condo. Para ka tuloy nasa ulap kung wala yung ibang gray na designs at furnitures niya.

Ang bintana niya ay natatakpan ng mabibigat na kurtinang gray din, makikita rin sa isang sulok ang isang desk na puno ng monitors. Marahil sa security systems. Simple lang din ang sala niya na may dalawang single sofa at isang family sofa sa gitna at isang puting glass top coffee table.

Meron din mga painting sa ilang sulok at makikita mo na ang iba ay replica ng paintings ni Monet at Van Gogh. Iniikot ko pa ang paningin ko sa buong paligid at namamangha sa kaayusan nito. Napadako rin ang tingin ko sa isang mounted na gray bookshelves. Puno ito ng iba't ibang libro, mapa-refferences o kaya fictions.

Nang sa pag-ikot ko ay nagulat ako nang nakitang nakatayo sa likod ko si Ryoichi, halos ilang hibla na lamang ang pagitan naming at naramdaman ko rin ang init ng kanyang hininga. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko na para bang lalabas na sa rib cage ko at hinihiling ko na sana hindi niya ito naririnig. Nakatitig lamang siya sa aking mga mata at tila ayaw niyang tanggalin ang titig niya sa akin. Para bang oras na ibaba namin ang tingin naming ay ikamamatay naming dalawa.

"Uhm, tinitignan ko lang yung mga gamit," pagbawi ko sa tingin, tsaka ako bahagyang lumayo. Naramdaman ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Tumatakbo namang lumapit ang aso ni Ryoichi sa pwesto namin at napangiti naman siya. Binuhat niya ang aso at iniharap sa akin. "Ang cute naman niyan," komento ko para maibsan ang awkwardness sa pagitan naming. "He is," malamig na sabi niya habang nakatingin sa alaga niyang aso. "Ano pangalan niya?" tanong ko. "Ziggy."

Ramdam ko pa rin ang awkwardness nang magsimula na kaming mag almusal sa island counter top nila. Gusto ko nang takasan ang awkwardness na iyon buti at tumikhim ang kapatid niya. "So, Reed paano kayo nagkakilala ni Ryoichi?" tinignan ko si Ryoichi na para bang walang pakielam sa paligid niya. "Schoolmates," sagot ko, ngumiti naman ang kapatid niya sa akin at para bang manghang mangha pa sa akin.

Medyo nailang ako sa pagtitig niya sa akin. "Omae wa," (You, informal manner) malamig na wika ni Ryoichi. Ngumisi lamang si Ryosuke. "Hidoi ne, otouto," (How cruel, Little Brother) nakangisi pa ring tingin ni Ryosuke sa akin. Biglang tumayo si Ryoichi at naglakad paakyat. "Pagkakain mo mag-ayos ka ng sarili mo ihahatid kita."

"Ano nangyari don?" tanong ko sa kapatid niya. "Hindi ko alam sa kanya, moody talaga yong, lil bro ko."

Tumango na lang ako at tinapos ko ang pagkain ko tsaka ako umakyat sa guest room para makapag ayos ng sarili at makaalis na.

Nang pagpasok ko roon ay mayroong mga paper bag sa kama kaya tinignan ko ang mga laman noon, mga pamalit na damit at kaht undergarments ay kasama. Naramdaman ko ang pag-pula ng pisngi ko sa mga gamit na nasa harap ko.

Pumasok na lang ako sa banyo at binabad ang sarili sa shower doon at sinusubukan pahupain ang init ng pisngi ko. Nakakahiya! Hindi ko na napigilan ang sarili ko na pumadyak sa loob ng shower. Sobrang nakakahiya!

Hindi ko siguro kayang harapin si Ryoichi nito nang hindi namumula ang pisngi ko. Simpleng black crop top na may tank top sa loob at high waisted ripped jeans ang nasa paper bag tsaka isang pares ng itim na sneakers.

Simple kung titignan pero ganon ang style na madalas kong gusto. Ipinusod ko ng ponytail ang buhok ko, may ilang hibla noon na bumagsak sa gilid ng mukha ko.

Nang pakiramdam ko ay ayos na ang itsura ko ay lumabas na ako pero laking gulat ko roon na nakatayo sa gilid ng pinto si Ryoichi, may headphones na nakasukbit sa leeg at nakasuot ng itim na pullover hoodie at tattered jeans tsaka loafers. "Wow, hindi ata puti ang motif mo ngayon," pagpuri ko sa kanya pero inismaran niya lang ako. Nang makatalikod siya ay umakto akong gusto siyang sakalin at saksakin.

"Nakakagigil na lalaki to! Hindi mo matantsa ang ugali!" sabi ko sa sarili ko. Nagdirediretso lang siya sa pagbaba at ako ay naglalakad sa likod niya na naka halukipkip at naka labi. "Kuya Dino!" tawag niya kay Kuya Dino na lumabas naman agad sa mukhang opisina nito. "Yung susi ng motor ko," agad namang kinuha ni Kuya Dino yung susi ng motor niya at iniabot yon sa kanya.

Tumingin siya sa akin at iminuwestra ang elevator agad akong sumunod sa kanya. Tahimik lang kami nang pababa na sa elevator maging sa parking lot, puno ito ng iba't ibang brand ng kotse at motor. Naglakad si Ryoichi papunta sa itim na motorbike may dalawang helmet na andoon. Kinuha niya yung isa na mas maliit at lumapit sa akin.

Isinuot niya sa akin yon pero hindi ko mapigilan na mapatitig sa kanya. Andon nanaman yung pagtibok ng puso ko yung hindi mo matantyang pagtibok nito na para bang lalabas na sa dibdib mo. Napatingin din siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Madilim man ang mata niya pero may mga nakatagong emosyon doon. Mga emosyong hindi niya masabi.

Nang sikipan niya iyon ay nawala na ang pagkakatitig namin sa isa't isa. Dumiretso na rin siya sa motor niya at sinuot ang helmet niya.

Nang makaangkas ako ay pinaandar na niya ito. "Kumapit ka lang, hindi kita kayang saluhin oras na mahulog ka kasi pati ako mahuhulog din."

Ryoichi, delikado tong ginagawa mo kasi pag di ka tumigil baka tuluyan nga akong mahulog, hindi sa motor kundi sa iyo.

Ipinulupot ko na lang ang braso ko sa bewang niya and he drove through the traffic.

Ako ang magiging kamatayan mo, Ichi.

Continue Reading

You'll Also Like

6.8K 1.1K 35
Maurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters h...
3.3M 161K 81
SEASON 1: |COMPLETED| Meet August White. Orphan and a gangster. Lumaki siyang walang magulang at walang kilalang kamag-anak. Isang araw habang nasang...
1.1M 29.9K 75
[Trinnity High 1st Series] Madness lies within us all. Welcome to Hell.
2K 91 22
Cordelia (means Daughter of the Sea) is the daughter of Aqautic Goddess Hydeline and a human Xyron. Just like her mom, Cordelia has an ability to con...