STUCK WITH YOU FOR LIFE!

By queenofparadise1

129 4 2

Isang babaeng saksakan ng yaman. ngunit ni minsan ay hindi pa nakatikim ng kalayaan. isang araw ay pinaglaban... More

Chapter 1 (Getting Married)

124 4 2
By queenofparadise1

Karylle's POV

I'm Ana Karylle Tatlonghari. I'm a very rich young woman and I love to go shopping with my friends. our family own the Build n Design, an architecture company. my mom is the chief executive officer while my dad is the managing principal. I'm a very intelligent woman, I finished my course of architecture with a degree. I'm not the nerdy type of person and I also love to go on a party with my friends during High school and college. but when the examination day is near, I stay at home and study. that's why my parents trust me so much, because I always balance my time for my studies and my social life. that's why she wants me to be her replacement in our company after I get married. but the problem is...I don't wanna get married...not yet. Kasalukuyan ako'y nasa mall kasama ang aking dalawang matalik na kaibigan na sina Kristine at Erika. Nakaupo lang ako habang hinihintay na lumabas si Kristine sa fitting room at si Erika naman ay naghahanap ng damit. Wala ni isa samin ang umiimik hanggang sa nagsawa si Erika sa paghanap ng damit at agad na umupo sa tabi ko.

"K, ano ba kasi itong malaking balita na pinagsasabi mo sa telepono?" Agad kong inilagay sa bag ang Cellphone ko at humarap kay Erika.

"Fren hindi ko alam kung paano sisimulan..."

"Fren, straight to the point." hinahawak ko ang dalawang kamay ni Erika at tumingin sa kanya sa mata.

"Fren I'm getting married soon." lumaki ang mga mata ni Erika sa Gulat at narinig ko rin ang tunog ng hanger na bumagsak malapit sa may fitting room. nakalabas na pala si Kristine sa fitting room at halatang narinig niya ang sinabi ko base sa reaksyon niya ngayon na kasalukuyang nakatulala at nakatingin sa amin.

"Girl, kailan lang yan? Oh my gosh! is he good looking? I hope he is! What's his name? how old is he? How did you two know each other? Where did you meet? when did he court you? How long are you two together?" Sunod sunod na tanong ni Kristine habang naglalakad papalapit sa amin ni Erika at umupo sa tabi ko.

"ARAY!" Biglang hinila ni Erika ang buhok ni Kristine para patahimikin ito.

"MMM!!! Kristine pwede isa isa lang? Sa dami ng tanong mo hindi na niya alam kung ano ang unang sasagutin. Kabilin bilinan ko sayo, wag magpadala sa excitement. Baka ikamatay mo pa yan." inikot naman ni Kristine ang kanyang mata at humalukipkip sa sobrang pagkairita.

"Guys I can't give you a single answer...because...I don't know. We haven't even met before."

"Diyos ko! Fren mahal na mahal ka namin. Saan ba kami nagkulang? paano mo nagawa ito? Paano mo nagawang pumayag na magpakasal sa isang hindi mo kakilala?! BAKIT?!?! ARAY KO! DIYOS KO PO YUNG ILONG KO!" Dahil sa sobrang pag dadrama ni Erika ay tinapon ko ang pouch bag na nakasabit sa maniquin.

"Isa ka pa diyan eh! pwede ba hayaan niyong tapusin ko ang paliwanag ko? It's an arrange marriage. Next week Is my 25th birthday. Well I thought It's just a big fuckin' joke. Sabi ni mama on my 18th birthday, I'm free to be with any sane guys that I want to experience to be in a relationship with. But the moment I reach 25, I have to break up with whomever I am with and marry that man they chose for me."

"Eh ano pa ang problema mo? wala ka namang naging boyfriend since then. Wala ka namang masasaktan na damdamin kung sakaling magpapakasal ka. kung makareact naman ito parang 10 years na in a relationship. Wala kang lovelife teh! Kaya wag ka nang maginarte pa pag pogi."

"Tin, nakita mo yung baseball bat na yun?" Turo ko sa isang mahabang baseball bat na nakadisplay sa tindahan na nasa kabila. "yun ang ipamalo ko diyan sa bibig mo na hindi masara sara." agad naman niyang tinikum ang bibig niya sabay ngiti at nag pag peace sign niya. Inirapan ko lang siya. Maya maya ay binayaran na nila ang kanilang mga pinamili. Nanibago ang dalawa sa akin dahil sa wala akong binili kahit isang bagay man lang. mula noon kasi, pag pumupunta kami sa mga malls ay hindi ako nakakalabas pag wala akong hawak kahit isang bagong bagay lang man galing sa mga paninda.

"Fren eh may point din naman si Kristine doon. Bakit ka ba namomoblema eh samantalang wala ka namang kailangang hiwalayan? wala namang masasaktan."

"Guys don't you get it? I don't wanna get married to...to a stranger. I want to marry the most special man that I would love with all my heart. I want to make sure he's the one for me. But mom...she couldn't understand."

"Ooh...yun pala. Grabe ka fren, pinadugo mo pa yung ilong namin, hindi mo nalang sinabi straight to the point." Pabiro naman tinakpan ni Erika ang kanyang ilong.

"Tulungan niyo naman ako. mag isip kayo kung paano ko tatakasan 'to." Pagmamakaawa ko sa aking dalawang kaibigan. Nagtinginan naman silang dalawa at nginitian nila ang isa't isa na parang may binabalak.

"gumawa ka ng mga bagay na nakakaturn off." parehong ideya nila na sabay din nilang sinabi sakin. tinaasan ko sila ng kilay.

"what do you mean?"

"tara fren." hinawakan ni Erika ang aking kamay at hinila palabas at diretso sa parking lot. si Kristine naman ay sumusunod sa likod. binuksan ni Erika ang pinto ng sasakyan niya at karakarakang pinapasok ako sa loob. si Erika ang nagdadrive, nasa tabi niya ako at si Kristine naman ay umupo sa likod. agad pinaandar ni Erika ang sasakyan at nagtaka naman ako kung saan nila ako dadalhin. habang nagmamaneho si Erika ay kinukulit ko parin siya na sabihin sakin kung ano ang ibig nilang sabihin. ang tanging sagot na naririnig ko ay 'basta!'. nagtaka ako nang bigla nilang pinahinto ang kotse sa gilid ng kalsada. wala namang kahit ano doon maliban sa isang pulubi na napapalibutan ng basura at nanglilimos ng pera. hindi ko nalang pinansin at tinanong ko ulit ang aking dalawang makulit na kaibigan.

"ano ba ang meron dito? bakit niyo ako dinala dito?" naguguluhang tanong ko sa kanila.

"yan! yang pulubing yan. yan ang gagawin mo." nakangising sabi ni Erika. binatukan ko naman ang dalawa.

"nahihibang na ba kayo? bakit naman ako manlilimos sa kalye?! PAANO NAGING SAGOT YAN SA PROBLEMA KO?!"

"ay teh atat mashado?! hindi makahintay sa full explanation?!may lakad ka?!?!" sarkastikong tanong ni Erika habang hawak hawak parin ulo niya na binatukan ko.

"Fren, you have to create a temporary bad habit. like biting your nails, spitting infront of him, slurping soups, not covering your mouth when sneezing, scatching your head, sitting improperly..."

"make them realize that you are not the right one for that man. bigyan mo sila ng rason para hindi ka magustuhan. at pag sa kabila na mismo ang tumanggi sa kasal na 'to. wala nang rason ang mga magulang mo para ipilit na ipakasal ka doon." pagpapatuloy ni Kristine sa paliwanag ni Erika.

"pero paano naman ang dignidad ko? sirang sira na kung nagkataon. at paano kung maghahanap nanaman sila ng iba? edi sayang lang."

"Mmm...I'm out of ideas." napahiga naman si Kristine sa likod.

"think guys,think!" tumalikod ako at humarap sa bintana.

"edi balikan mo ang isa sa mga ex mo. si Dingdong?" napaupo naman agad si Kristine.

"may asawa na yun!"

"si Christian?"

"naku Pari na yun."

"ay diyos ko." agad namang nagsign of the cross si Kristine.

"si Yael?" pagpapatuloy ni Erika.

"Ariel na ngayon."

"eh si Jericho?"

"matagal nang patay yun. ano?huhukayin natin?"

"what?!" nabigla naman si Erika sa narinig.

"ayan kasi! Canada pa more! hindi ka man lang nagtatanong kung ano na ang nangyayare dito." sabi ni Kristine.

"pero seryoso. akala ko talaga ibang babae ang dahilan ng break up niyo. pagbalik ko may iba ka na and nakamove on. kaya hindi na ako nagtanong pa. kasi baka masakit talaga ang dahilan at maalala mo nanaman."

"masakit nga talaga. pero I'm over it."

"fren, naubusan ka na ng ex na babalikan." napabuntong hininga naman si Kristine. maya maya ay hinatid na nila ako sa aking tahanan at hindi na ako sumama pang mag inuman sa bar dahil wala akong ganang mag inuman ngayon. pagpasok ko sa aming sala ay binati ako ng mga katulong namin.

"good afternoon po maam Karylle." tumango lang ako at binigyan sila ng isang pekeng ngiti.

"may problema po ba maam?" hindi sila nahihiyang magtanong sa akin dahil sinanay ko sila na wag matakot sa akin. hindi ko sila nilalait gaya ng ibang amo diyan at mas lalong hindi ko pinaparamdam sa kanila na katulong lang sila dito sa aming tahan. itinuro sa akin aming ina na ituring na parang parte ng pamilya ang mga katulong sa bahay, kaya lumaki akong hindi maldita at nare-reyna-reynahan sa mga nagtatrabaho sa amin. lalo na pag medyo nakatatanda sa akin ang trabahador.

"wala naman po aling Lucy. medyo napagod lang po. ah aling Lucy, magpapaluto po sana ako ng fried chicken and fried rice with mayo please? kung meron pa pong coke o pepsi po diyan, yun nalang po ang drinks ko. kung wala na, siguro pineapple Juice nalang po." magalang kong utos sa aming katulong na medyo may edad na rin.

"coming right up maam." agad nitong sinunod ang aking utos at nagpunta sa kusina. umakyat na ako ng kwarto at humiga sa aking malambot na kama. bigla akong napaisip at napatanong sa aking sarili 'malas ba ako sa buhay? ito ba ang kapalit ng kayamanan na binigay sakin ng diyos? ang mawalan ng karapatan na mamili ng mapapangasawa?' bumangon ako sa aking kama at binuksan ang drawers ko sa gilid ng aking kama at kinuha sa loob nito ang isang lumang notebook. halos kalahati ng notebook na ito ay may punong puno ng tula. sabi ng Lola ko ay galing daw ito sa aming ninuno pero wala nang may alam kung sino tunay na nagmamay ari nito.

baliktanaw...

mag isa akong nakaupo sa ilalim ng puno sa likod ng bahay ng aking lolo't lola. nagsusulat ako sa aking notebook at parang baliw na nakangiti sa aking tula. sampong taong gulang pa lang ako nung mga panahon na yun pero tila'y kapansin pansin ang aking hilig sa pagsusulat.

"ang galing galing talaga ng aking apo." napatingin ako sa taas at nakita ko ang aking nakangiting lola at masaya akong pinagmamasdan sa ginagawa ko.

"salamat lola." ginantihan ko rin siya ng isang matamis na ngiti. umupo siya sa aking tabi at binasa ang aking tula.

"magaling ka apo...oh ito, regalo ko sayo." iniabot naman niya sa akin isang lumang notebook.

"ano po ito lola?" innocente kong tanong at binuksan ang notebook.

"ito'y isang notebook na galing sa mga ninuno ng ating pamilya. gusto kong ipasa ito sayo. nang sa ganon, pag nagkaanak ka, ipapasa mo rin ito sa kanya. yan ang huling habilin ng lola mo sa tuhod. ang aking pinakamamahal na ina. kaya gusto kong iwanan ito sayo."

"pero diba po dapat si mommy po muna ang hahawak nito? bakit po sa akin niyo binibigay?"

"Mmm...sinubukan ko namang ibigay ito sa kanya. pero...hindi ko kasi nakikita ang hilig niya sa pagsusulat. pero kahit na hindi niya yun naging hilig, sinubukan ko paring ibigay sa kanya. pero sa tuwing sinusubukan kong ibigay, laging hindi natutuloy. pakiramdam ko parang may humaharang sa akin na ibigay ito sa kanya. kaya baka hindi talaga itinakda ng may kapal na dumaan ito sa kanya. kaya itago at ingatan mo ito apo. dahil napakaimportante nitong bagay na ito sa ating pamilya."

"opo lola." binigyan ko ng isang yakap ang aking lola.

"naniniwala akong...isang araw, maibabalik ng ating pamilya ang notebook na yan sa tunay na nag mamay ari."

sa kasalukayan, hindi ko parin maiwasang maglungkot pag naaalala ko ang sandaling iyon. dahil isang linggo ang lumipas pagkatapos ng araw na 'yon, ay binawian na ng buhay ang aking pinakamamahal na lola. pakiramdam ko ay sinadya ng diyos na hindi muna siya kunin nung araw na ibinigay niya itong notebook sa akin, dahil nakatadhana nang mapunta ito sa akin. kaya mula nung namatay si lola ay doble ingat na ako dito. ang bawat tula na nakasulat dito ay parang may istorya sa likod. sa lahat ay hindi ko maiwasang mapangiti sa pinaka unang tula.

Hindi maipinta ang aking mukha
Nang ako'y kanilang kinuha
Walang bahid ng saya
Pero ako'y hindi malaya

Nang ika'y aking nakasama
Puro hirap at sakit ang nadarama
Buong araw, punta dito, punta doon
kahit saan ay dapat ako'y naroroon

Araw araw ay sinasapian ng manok
swerte pag tinamaan ka ng antok
nagpapahinga ang kanyang sungay
at ang kasamaan ay namamatay

hindi ko napigilan at napatawa nalang ako bigla. Hanggang sa may kumatok sa pintuan ng aking silid.

"Bukas yan. Pasok!" dahan dahan naman binuksan ng tagakatok ang pintuan hanggang sa napagtanto ko ay kapatid ko pala ito.

"Ate tumatawa ka nanaman. Yung notebook mo nanaman ba? Para kang baliw diyan." sambit ng aking kapatid na si Zia. Pumasok siya sa aking silid at umupo sa tabi ko. Limang taon ang agwat ng edad namin ni Zia. sobrang malapit kami ng kapatid ko isa't isa at halos hindi na kami mapaghiwalay sa buong buhay namin.

"pasensya na pero natatawa lang kasi talaga ako sa mga tula dito."

"Ate sino ba talaga ang may ari niyang notebook?"

"hindi ko nga alam. Hindi rin alam ni lola kung kanino talaga, ang alam lang niya ay isa sa mga ninuno natin noon at ipinasa sa kanilang mga anak hanggang sa mapunta ito sakin."

"Eh ate, maiba naman tayo. Pinakilala na ba sayo ni mama ang mapapangasawa mo?" napabuntong hininga naman ako.

"hindi pa nga eh...at hindi ko rin alam kung papayag ako dito sa kasunduan na ito."

"Ate may ilang araw ka pa naman para makapag isip kung ano talaga ang gusto mo."

"Malinaw na malinaw sa akin ang gusto kong mangyare. Kaso impossible nang mangyare pa yun, dahil wala na akong takas kay mama."
"Ate give him a chance nalang. Malay mo naman...kasing pogi ni Prince Charming."

"Eh paano kung hindi?"




- - - - - - - -
Author's note: Hi guys! I'm back! Sana magustuhan niyo ang bagong istorya na gusto kong ibahagi sa inyong lahat. ngayon...ang tanong, sino ba talaga ang may ari ng Notebook? Abangan!









To Be Continued...




Continue Reading

You'll Also Like

77.4K 2K 71
"mom, dad, Im married!" lahat ng relatives namin ay nagulat sa announcment ko. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang unica ija ng pamilyang Letpr...
176K 449 105
Erotic shots
1.2M 40K 59
Princess Nymeria is well aware that her kingdom is in decline. It has been for hundreds of years after all. Unlike her ancestors, she's willing to re...