MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SA...

By Gretisbored

1.3M 42.7K 2.3K

SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #2 (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********* Nilait-lait ni Markus alias Mar... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
EPILOGUE

CHAPTER SEVENTEEN

38.1K 1.4K 41
By Gretisbored

Napatigil kami ni May sa paglalakad sa pasilyo ng third floor kung saan kami nagtatrabaho nang makitang halos napapatingin sa aming magkakaibigan ang lahat ng nadadaanan at nakakasalubong naming staff. Ang weird kasi. Yes, we were among the foreign trainees they hired for a three-month contract, but we never got that look even when we first came to the office. Bigla kaming kinabahan ni May.

"May kinalaman kaya kay Mr. Kostosomething 'to?" anas niya sa akin.

Naalala ko ang huli naming eksena sa elevator at bigla akong napalunok. Lalo kaming ninerbiyos nang makasalubong namin si Zenith, ang isa sa mga kabarkada ni Crystal na mortal naming kaaway sa campus. Doon din siya nag-o-OJT pero kabilang siya sa ibang departamento. Nakangisi siya sa amin na parang may gustong ipahiwatig. Nang magkasalubong ang mga mata namin, she gave me a hair flip. I was tempted to grab her hair and twirl them around my fingers.

"Mr. Franklin wants to see you guys," salubong sa amin ng isa sa mga senior staff na kasali sa team namin pagkakita niya sa amin ni May. We didn't even have time to put our things on our table or to freshen up.

"May, maayos ba'ng mukha ko? Hindi ba mukhang sabog ang hair ko?" Ang hangin kasi sa labas kaya worried akong nagmukha akong biktima ng bagyo.

"You look fabulous as ever, sistah! E ako naman? Check mo nga ang mascara ko baka kumalat na iyan. Tsaka ang false eyelashes ko, nakakabit pa ba?"

"Kung hindi bading si Mr. Franklin tiyak na magkaka-orgasm siya pagkakita sa hitsura mo," nakangisi kong biro kay May.

"Loka-loka!" singhal nito sa akin at dinukot ang maliit niyang salamin sa bag at tsinek ang hitsura habang naglalakad kami papunta sa upisina ng pinaka-bosing namin.

"Ms. Siciliano! Ms. Tevez!"

Nabitawan ni May ang maliit niyang salamin sa gulat at lumagapak ito sa nangingintab na tiles. Lalo kaming pinaningkitan ni Mrs. Johnson. Sa pagkataranta, dali-dali naming pinulot ang nagkalat na bubog kung kaya pareho kaming nasugatan. Kahit dumugo na mga kamay namin ni hindi namin siya kinakitaan ng simpatiya.

"You guys are pretty careless! Well, what can I expect from people like you?" ang sabi pa niya bago kami nilampasan. Nauna na siyang pumunta sa upisina ni Mr. Franklin.

Hindi tulad noong nakaraang araw, hindi maganda ang modo ng matanda nang makita niya kami. Katunayan, basta na lang kaming kinambatang parang aso. I didn't like it at all. Ni hindi pa kami pinaupo.

"It came to my attention that the two of you did something to make Mr. Kostopoulos change his mind," deretsahang sabi sa amin ng gurang. Mahina lang ang boses niya pero halata namin na nagpipigil lang siyang magalit. Ang bruhang Mrs. Johnson naman ay nakangiti sa gilid na para bang nagdiriwang dahil sinasabon kami ng matanda.

"We---we don't remember doing anything that could make him feel bad, sir," sagot ko agad. Si May ay nakatungo lang. Alam kong parang maiiyak na siya kaya ako na lang ang sumagot sa lahat ng tanong ni Mr. Franklin.

"Do you know how much we lost in this deal? It's close to 100 million dollars!"

"I hate to say this, Mr. Franklin, but I told you so. We should have recommended them for termination already. Just because they are personal friends of one of Mr. San Diego's sons doesn't mean they should be treated differently. When Mr. Magnus San Diego found out that we fucked this up, he would surely fry our butts."

Napahawak sa sentido niya si Mr. Franklin at hinilot-hilot ito. Magsasalita pa sana ako para mag-esplika pero nagtaas na ng kamay ang matanda at sinenyasan kaming umalis na.

Mayamaya pa, nagpatawag ito ng emergency meeting. Hindi kami kasali. Pero narinig naming pinadalo si Zenith. Later na lang namin nalaman na kasali ito sa grupo na inatasang gumawa ng panibagong proposal para kay Mr. Kostopoulos. Bwisit na bwisit kami ni May.

**********

I was on my way to Bloomingdale's to buy presents for Mama and Shelby when I caught a familiar figure walking on the street. Mukha siyang lulugu-lugo. Nang iangat niya ang mukha para hawiin ang mga hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha, napasinghap ako. It was indeed Alexis and she seemed crying.

"Stop the car!" mando ko sa driver namin.

Napalingon sa akin si Mr. Conrad na tila nagulat. Malayo-layo pa kasi kami sa Bloomingdale's. Ganunpaman, hindi na siya nang-usisa pa. Itinabi niya agad ang sasakyan. Tumakbo agad ako kay Alexis bago pa siya makatawid sa kabilang kalye.

"Alexis, hey!"

"Markus! What are you doing here?"

"Are you okay?" Hinawakan ko na ang isa niyang braso. Dahan-dahan naman niyang inalis ang kamay ko at tumango siya sa akin. Nangunot naman ang noo ko.

"You don't look well. May nangyari ba?"

"W-wala. Sige, ha? Mauuna na ako. Hinihintay na ako ni May sigurado."

Hindi ko siya nagawang pigilan. I just stared at her back while she walked away.

"Is she somebody special?" tanong ni Mr. Conrad nang makabalik ako sa kotse. Nakangiti na ito sa akin pero nang hindi ko iyon sinagot ng ngiti rin, tumahimik na siya. Paminsan-minsan, napapatingin ito sa salamin sa harapan niya na parang pinapakiramdaman ako sa likuran.

**********

"Tange!" naiinis na singhal agad ni May sa akin nang ikuwento ko ang brief encounter namin ni Markus sa kalye. Sinisi niya ako nang sinisi dahil hindi ko man lang nasabi kung ano ang ginawa sa amin nila Mrs. Johnson.

"They warned us! They'll make our lives a living hell here if we say a single word about it to Markus! Isa pa, ayaw ko siyang madamay."

"What's the difference? Kahit hindi mo naman sabihin, they're making our lives hell na. "Nakakainis ka! Pagkakataon mo na'y pinalampas mo pa."

Napaupo ako sa kama na parang wala sa sarili. Kung sa bagay may punto si May.

"Alam mo, hindi ko talaga maintindihan kung bakit mabigat ang dugo sa atin ni Mrs. Johnson. Ang sabi naman nila Roxy kadalasan lang daw dini-discriminate rito ay ang maiitim o mga panget. Modesty aside, we're neither of the two. Pareho naman tayong dyosa, pero bakit tayo inaapi nang ganito?"

Naudlot ang pagtulo ng luha ko at natawa ako bigla. Hinampas ko ng unan ang loka-loka kong kaibigan.

"Kidding aside, what are we going to do if they decide to terminate our contract and send us home?" nababahala kong tanong. "Hindi biro ang mawalan ang kompanya ng potential income na 100 million dollars. Palagay ko, kahit mabait sa atin si Mr. San Diego kakampi iyon sigurado kina Mr. Franklin. Business is business. At mukha namang istriktong negosyante iyon."

Napahinga nang malalim si May.

"Kung bakit kasi sa iyo pa nagkagusto ang hinayupak na lintek na Griyegong iyon! Kung sa akin sana, hindi na siya magpapakahirap pa. Kakaladkarin ko na siya agad papuntang simbahan."

I rolled my eyes. Kahit sa gitna ng posibilidad na mapapauwi kami nang wala sa oras, nagawa pang magbiro ng bruha. Nakakainis na minsan!

"I'm not kidding! Akala mo nagbibiro ako?"

Tinalukuran ko na lang ang loka-loka at nagbukas ng YouTube channel ko.

**********

"Don't worry, girls. It's not your fault if Mr. Kostopoulos retracted his words. It just showed how unprofessional he is," pampalakas-loob sa amin ng isa sa mga kasamahan namin sa team.

"Yeah. If they fire you for this, I'll tell Mr. San Diego what they asked you to do. It's not fair! You didn't come here to be some billionaire's piece of entertainment!" dugtong naman ng isa pa. Kahit paano'y nabuhayan kami ng loob ni May. Pagdedesisyunan kasi sa araw na iyon kung hahayaan kaming makatapos ng kontrata o hindi.

Ang hindi namin alam, kahit wala pang desisyon ang kompanya kumalat na pala sa buong Santa Monica College na pumalpak daw kami ni May sa OJT namin. Napag-alaman ko na lang iyon dahil sa sunud-sunod na notif na natanggap ko para sa uploaded video ko about our New York escapade.

"Delusional! If I know tapos na ang maliligayang araw n'yo riyan!" – Kesshoqueen

"The boulevard of broken dreams! Poor girl" – Godin

"Yabang kasi, e!" - Bellezaempecable

"Those who exalt themselves wil be humbled-Matthew 23:12" -Foreverbeautiful

Kahit na gumamit sila ng kakaibang username, alam namin pareho ni May na sina Crystal at mga kabarkada niya lang ang nang-ookray sa amin lalong-lalo na sa akin. Pinatunayan nga ito ng mga kaibigan naming nasa Pilipinas. Isa-isa silang tumawag sa amin ni May at inalam ang lagay naming dalawa. Siyempre, hindi namin inamin sa kanila na medyo tagilid kami sa New York. We all told them we were both doing well.

"Why don't you disable comments for that video or better yet take that off your channel," payo sa akin ni May dahil sa sunud-sunod na litaw ng notif.

Nagdalawang-isip ako dahil ibig sabihin no'n hindi ko na mababalik-balikan ang mga comments ni MarkydeLurky. Nahulaan siguro ni May ang nasa isipan ko kung kaya napatirik siya ng mata nang ilang beses.

Nang pinatawag na kaming dalawa para pumunta sa conference room kung saan naghihintay ang mga top bosses, nanginig kaming magkakaibigan. Nakadagdag ng pag-aalala at stress namin ang kakaibang ngiti ni Zenith nang makasalubong namin ito. Kagagaling lang ng bruha roon at mukhang ang saya-saya niya.

Pagkakita ko kung sino ang nandoon, binayo sa kaba ang dibdib ko. Hindi ako makatingin nang deretso kay Mr. Magnus San Diego. Hiyang-hiya ako dahil siya pa naman ang nag-anunsiyo noon sa eskwelahan namin na ako ang nanguna sa lahat ng mga aplikante sa kompanya nila, tapos heto ngayon at hindi magandang balita ang isinalubong ko sa kanya. Alam kong hindi ako dapat matakot dahil kung tutuusin wala akong ginawang masama. Nagkataon lang na nakursunadahan ako ng spoiled brat na billionaire at biglang umikot a hudred eighty degrees ang utak niya, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mataranta. Nakaka-intimidate kasi ang presensiya niya kahit wala siyang sabihin.

Pinaupo niya kaming dalawa sa pinakadulo ng conference table kaharap siya. Although we seemed to be miles apart dahil pang-dalawampo't katao ang kada hanay ng magkabilang gilid no'n, pakiramdam ko ang lapit-lapit lang niya at ano mang oras ay sasakmalin niya kaming magkakaibigan.

"As we were saying, Mr. San Diego, Mr. Kostopoulos called up to say one of them insulted him and he felt like---"

Insulted him?!

Nagkatinginan kami ni May. Nanlaki pareho ang mga mata namin sa narinig na kasinungalingan kay Mrs. Johnson. Sasabat na sana ako pero sinenyasan ako ni Mr. Franklin na patapusin ang matandang bruha. Nang matapos nga siya, lahat ng mga mata'y bumaling sa amin.

"Did Mr. Kostopoulos harass you girls?" tanong ng isa sa mga executives from the Toronto office. Puti rin siya pero hindi tulad ni Mrs. Johnson mukhang fair and sensible ang ginang. Tinandaan ko agad ang pangalan niya. Ms. Schlossberg.

"Of course not, Ms. Schlossberg. Why would somebody like Mr. Kostopoulos do something like that to just a mere trainee?" sabat agad ni Mrs. Johnson.

Tinaas ni Magnus ang isang kamay at natahimik ang bruhang matanda. All eyes na ito ngayon kay Ms. Schlossberg. Paminsan-minsan ay napapasulyap siya sa amin ni May. Bago makapagpatuloy ang babae may bigla na lang nagsalita.

"He saw me and Alexis holding hands," sabat ng isang pamilyar na boses. Napatingin kami lahat sa bagong dating. Prenteng-prente na nakasandal sa nakapinid na pintuan ng conference room si Markus. He was just wearing a faded maong jeans and a long sleeve blue shirt. Naka-kurbata din siya like the rest of the guys in the room pero ang kanya'y dark blue na may guhit-guhit na kulay itim. I never thought a maong jeans would go well with a formal shirt but he rocked it. Nakita kong napahawak sa noo si Mr. San Diego pagkakita sa anak at napahilot-hilot ng sentido. Hindi ko alam kung ikinagalit niya iyon o ano. Isa lang ang sigurado ako, Markus has never looked as handsome and dashing as he was at that very moment. Napangiti na nang abot-tainga si May.

"Mrs. Johnson knew that this guy is not really after the ad that our company can do for him. He just came to us because he saw Alexis on the company's homepage and he began to take a liking to her. Right Mrs. Johnson?"

Nautal sa pagsagot ang bruha.

Lumapit na si Markus sa amin.

"The last time I checked, the company's doing very well. We are not that desperate to compromise our trainees' safety just to close some deals, or are we?" Kay Mr. Franklin na siya nakatutok ngayon.

Hindi sumagot ang matanda. Sa halip inayos-ayos nito ang kurbata na para bagang nasasakal ito. Ilang beses din itong napatikhim-tikhim. Halatang tensyonado na.

Tumabi si Markus sa ama at tiningnan isa-isa ang top executives from the New York office. Bawat isa ay hindi makatingin nang deretso sa kanya. Nanatiling tahimik naman ang ama nito. Hindi namin alam ni May kung ano ang nasa isipan ni Mr. San Diego nang mga sandaling iyon dahil nanatili itong walang kaekspre-ekspresyon sa mukha.

"And I don't like that you asked another trainee to talk with that guy to reconsider us. We can't stoop down to his level. My grandfather built this company to be known for its intergrity, fairness, and good service. Our performance should speak for ourselves. We don't need to resort to any stupid gimmicks just to get some spoiled-brat clients!"

Sa puntong ito, hinawakan na ni Mr. San Diego sa braso ang anak na tila pinapahinahon. Tumaas na kasi ang boses ni Markus at pinaniningkitan na ng mga mata ang mga bosing namin sa New York branch. Nang sulyapan nito si Mrs. Johnson, nakita kong namutla ang bruha.

"We don't need the two ladies here anymore," mahinahong sabi ni Mr. San Diego. Nakatingin siya sa mga executives niya.

"Please go back to your work now," bigla na lang ay sabi niya sa amin. Hindi namin alam ni May kung okay na ba kami or what pero tahimik kaming lumabas ng room.

After like an eternity, sumilip si Markus sa working area namin at tinawag niya ako. Nang magkaharap na kami'y bigla na lang niya akong hinila at niyakap nang mahigpit.

"You should have told me that you are not teated well here," bulong niya sa akin.

"Okay naman kami rito. Si Mrs. Johnson lang naman---," Napakagat ako ng labi as soon as I uttered those words. Naalala ko kasi ang sinabi kanina ng isa sa mga kasamahan namin sa team. Hindi naman daw maldita noon si Ms. Minchin. Naging sobrang mabagsik at mapanglait na lang daw ito nang mamatay ang anak na babae sa isang barilan sa eskwelahan nila at isang Fil-Am ang sinasabing pasimuno ng lahat. Kahit papaano nagkaroon din ako ng simpatiya sa kanya. Alam ko kung gaano kasakit ang pinagdaanan niya at ayaw kong dagdagan pa iyon.

"I mean---she sometimes---you know," at napakumpas-kumpas ako para pagtakpan ang kawalan ko ng masasabi para ipagtanggol sana ang bruhang matanda. "Teka, paano mo pala nalaman ang tungkol sa nangyari dito sa amin ni May?" pag-iba ko na lang ng usapan.

Napangiti na si Markus.

"I have eyes and ears in the office."

Nag-thumbs up sign ito sa direksiyon ng mga kasamahan namin. Paglingon ko, nakangiting nakatingin sa amin si Mr. Parker, ang itim naming team leader.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 26.2K 61
Beatrice Maurice Antonio ~ Simple, matalino, mahirap (di naman masyado!) Alexis Falcon ~ Mayaman, mayabang, habulin ng babae at nagpapahabol naman, m...
326K 10.9K 35
[Gaya ni Agnes sa teleseryeng Forevermore(ABS-CBN)] Naniniwala si Alia na sinumang dalaga at binata ang kumain ng kambal na strawberry ay magkakatulu...
1.3M 41.4K 27
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangara...
15.1K 417 29
GIRLS MEANistry where mean girls rule... Hope you'll love it. Happy reading! Votes and Comments are highly appreciated guys. More thankies!! :) <3<3<3