The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 3: Breaking up
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 21: Surprise gift
Chapter 22: Stranded
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 26: Hello Korea
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 29: Her other side
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 37: Father and Son
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 40: Who and where?
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 49: Tragedy
Chapter 50: He's Gone
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 53: Win or Lose
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 55: Make a Wish
Chapter 56: Road to Forever
Chapter 57: The Heir
Chapter 58: The Choice
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 23: Stuck with each other

2.6M 63.5K 37.3K
By blue_maiden

Nakaupo lang ako sa mga bench habang si Jeydon naman, nakahiga pa rin sa gitna ng court. Hindi ba siya nilalamig diyan?

Tiningnan ko 'yong cellphone ko pero wala pa ring signal. Ano 'to? Nasa bundok ba kami? Pambihira naman o. Kasalanan 'to no'ng nag-text sa 'kin e. Ano bang plano niya? Pati ba si Jeydon pinapunta niya rito? O baka naman si Jeydon 'yong nag-text sa 'kin? O talagang napadaan lang siya rito? Amp! Mababaliw na ako sa kakaisip.

Biglang tumayo si Jeydon tapos naglakad siya papalapit sa 'kin. Akala ko kung anong gagawin niya pero umupo lang siya sa tabi ko. Kapal niyang umupo sa tabi ko. Sana tinanong muna niya ako kung gusto ko siyang katabi.

"Ang lamig pala ng sahig."

"Hindi ko tinatanong."

"Bakit? Ikaw ba kinakausap ko?"

Napatingin ako sa kanya bigla. Hindi ako makapaniwala. Hanggang ngayon pala, masama pa rin talaga 'yong ugali niya. Ang yabang niya pa rin at buti na lang, hindi ako natangay ng hangin niya. "Sino kayang kinakausap niya? Multo? Tsss," bulong ko sa sarili ko.

"Balita ko nga, may multo raw rito. Luma na kasi 'tong gym." Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya?

Bumilis agad 'yong tibok ng puso ko. Takot ako sa multo kahit na noon pa. Hapon pa lang pero medyo madilim na kasi nakatakip 'yong mga bintana. Kaso pakiramdam ko, niloloko lang ako ni Jeydon. Akala naman niya matatakot niya ko. Asa siya! Sorry, but not sorry. I'm not scared.

"Multo? So what?" sabay tawa ng malakas. Akala naman niya matatakot ako? Please. Hindi niya ako matatakot. Walang multo kapag araw. "Multo ha."

"Oh my gosh!" Sa gulat ko, napakapit agad ako bigla sa braso ni Jeydon. Shet! Wala na bang pinipiling oras ngayon 'yong mga multo? "What's that?" Tumawa nang malakas si Jeydon.

"Hindi pala takot." No'ng pumasok sa isip ko na nakakapit nga pala ako sa braso ni Jeydon, bigla akong lumayo sa kanya. Anong pumasok sa isip ko at nagawa ko 'yon? Ew ha. "Ang tapang mo pa kanina, takot ka rin pala." Tawa pa rin siya nang tawa. Tiningnan ko nga siya nang masama. Sige, tawa pa! Akala mo naman nakakatawa.

"Tangek! Joke lang 'yon. Hindi naman talaga ako natakot e." Tumawa ako tapos tumalikod ako sa kanya.

"Ako, natakot?" Slight lang naman ha? Leche talaga. Nakakahiya 'yong nagawa ko. Lupa, pwedeng kainin mo muna ko ngayon?

Alas kwatro pa lang ng hapon. Ilang oras pa ba 'yong natitira para may pumunta rito at buksan 'yong pintuan nitong gym na 'to? Hindi ko na ata kayang tagalan 'yong kayabangan ng kasama ko.

Pinatong ko lang 'yong ulo ko sa mga tuhod ko. Mabilis lang naman siguro lumipas 'yong oras. Sigurado ako, hindi ko na rin mamamalayan na gabi na.

"Sa hindi inaasahang... pagtatagpo ng mga mundo..."

Bakit sa lahat pa ng pwede niyang kantahin, bakit theme song pa namin? Nananadya ba siya?

Sa tuwing naririnig ko 'yong kanta na yan, hindi ko maiwasang maisip 'yong mga masasayang nangyari sa 'min noon. 'Yong mga panahon na mahal na mahal pa namin 'yong isa't isa. Muntik na akong matawa sa naisip ko. Ako nga lang pala 'yong nagmahal sa 'ming dalawa, ako lang.

Inangat ko 'yong ulo ko pagkatapos ay tumingin ako sa kanya.

"Jeydon, itigil mo na 'yang pagkanta mo."

Natigilan siya sa sinabi ko. Nagkatinginan kaming dalawa at nagulat ako kasi bigla siyang ngumiti. Jeydon's evil smile. What's with the smile? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Bakit mo ako pinapatigil? Naaalala mo ba 'yong mga nangyari sa 'tin noon? Akala ko pa naman naka-move on ka na." Wow ha. Ilang page ka, Jeydon? Ang kapal e.

"Itigil mo na kasi ang pangit ng boses mo." Tumawa ako nang malakas. Akala mo ha. Lakas ng loob niya kumanta e, wala pa nga sa kalingkingan ng boses ni Lucas 'yong boses niya.

"Ah ganon? Sayawan kaya kita riyan." Nakangiti pa rin siya tapos kumikindat-kindat pa siya. Ew ha! Hindi na sa 'kin uubra 'yong mga ganyang galawan niya e. "Ay kaso, 'wag na. Baka ma-in love ka na naman sa 'kin."

"Ako? Ma-in love ulit? Hindi ako tanga para magpaloko ulit sa 'yo." Tinarayan ko siya. "Nagpaloko na ako noon tapos magpapaloloko na naman ako? Ano 'yon, history repeats itself?"

"Walang maloloko kung walang nagpapaloko. Kaya pwede ba, 'wag lang ako 'yong sisihin mo." Wow talaga ha. As in wow. So ibig sabihin pala, may kasalanan din ako?

"Walang maloloko kung walang nagpapaloko? Bakit? Malalaman mo ba agad na niloloko ka lang niya?"

Tumawa lang siya sa sinabi ko. "Ikaw naman, niloloko lang kita e."

Argh! Maloloka na talaga ako! Bwiset na Jeydon 'to! Bakit ba kasi sa lahat ng tao na makakasama kong makulong dito, siya pa talaga? Kung si Kim 'yong nakasama ko rito, for sure kayang kaya ko tagalan pero siya? Baka mabaliw ako bigla.

"Hindi ka talaga mai-in love sa sayaw ko ha?" Tumayo siya bigla. Nanlaki 'yong mata ko. What the hell? So sasayaw talaga siya?! Nahihibang na ba siya?

"Hoy, Jeydon, itigil mo nga 'yan." Natawa na naman siya. Weirdo talaga siya kahit kailan.

"Hindi naman ako sasayaw e. Nag-unat lang ako. Gusto mo talaga akong makita na sumayaw 'no?" sabay kindat sa 'kin. Grabe! Hindi ko siya kayang tagalan. "Sabihin mo lang, sasayawan kita."

Tumayo ako sa upuan ko pagkatapos ay dumiretso ako sa pintuan. Hindi ko na kaya! "Tulong! May tao rito! Buksan niyo 'yong pinto!"

Kahit hindi siya nagsasalita at hindi ko siya nakikita, damang dama ko na natatawa si Jeydon sa likod ko. Bad trip kasi. Bakit walang tao?! Magdidilim na ha?

"Tulong! Wala bang tao riyan?!"

Ilang minuto rin akong sigaw nang sigaw pero wala pa ring nakarinig sa 'kin. Seriously? Napaka-isolated ba ng lugar na 'to para wala man lang makarinig sa 'kin?

Narinig kong sumipol si Jeydon. Nilingon ko siya tapos nakita ko siyang nakahiga ro'n sa mga bench. Ang cool pa niya na akala mo wala man lang nangyari.

Teka nga, mukha na siguro akong tanga rito. Siya pa-easy easy lang tapos ako, nagpa-panic dito. Nasisira poise ko nito e. Sira 'yong ganda ko.

Bumalik na lang ako sa bench. Wala, pahiya lang ako ro'n eh. Mukha akong tanga. Umupo ako tapos tiningnan ko 'yong phone ko pero wala pa ring signal. Pinaglalaruan na naman ba ako ng tadhana? Bakit kailangan kong ma-stuck kasama 'yong ex-boyfriend ko?

Kung paglaruan talaga ako ng tadhana, wagas! Sakit sa bangs.

"Jeydon, pwede bang gumawa ka ng paraan para makalabas na tayo rito?"

"Sabihin mo munang pogi ako tapos mag-please ka. 'Yong mahabang please." Nagpapatawa ba siya? Well, natawa ako. "Ganito, Candice o. Poging Jeydon, gumawa ka ng paraan para makaalis tayo rito, pleeeease."

"Mag-isa ka! Magtitiis na lang ako."

"Okay," ngumiti siya nang napakalapad.

Leche! Sama talaga ng ugali niya. Siya 'yong pinaka-bad boy sa lahat ng bad boy! Ahhh! Bakit kasi naging ex-boyfriend ko pa siya? Bakit sa lahat ng lalaki, siya pa 'yong napili kong mahalin noon?

Biglang lumamig dahil madilim na 'yong paligid. Hindi ko na kaya 'yong lamig kaya nilabas ko 'yong regalo sa 'kin ni Blake na jacket. Kahit ayoko siyang isuot, wala akong nagawa. Mas mabuti nang lunukin 'yong pride kaysa manigas ako rito sa lamig.

Pagkasuot ko ng jacket, napatingin ako kay Jeydon. Naka-evil smile na naman siya sa 'kin. Alam ko na kung bakit siya nakangiti nang ganyan e. Dahil may Doraemon sa harap ng jacket ko.

"'Wag ka ngang ngumiti riyan."

"Pakialam mo kung nakangiti ako?" Bwiset talaga siya. Hindi ko na lang siya kakausapin. Wala akong matinong sagot na nakukuha sa kanya. "Mahal mo talaga ako 'no? Kahit sa jacket, may Doraemon ka."

"Porket may Doreamon, ikaw agad?" Tinarayan ko lang ulit siya. "At correction, hindi na kita mahal."

Bigla siyang naging seryoso. "Okay, mabuti 'yan. Mabuti 'yong hindi mo na ako mahal." Tapos ngumiti siya nang kakaiba. Kakaiba talaga si Jeydon. Talagang may pagka-weirdo siya.

Nanahimik na naman kaming dalawa. Pinatong ko ulit 'yong ulo ko sa tuhod ko. Ilang minuto na 'yong nahintay ko pero wala pa ring dumadating na kahit sino. Pakiramdam ko isang linggo na akong nandito kasama 'tong si Jeydon.

Muntik na akong mahulog sa pagkakaupo ko no'ng narinig kong nag-ring 'yong phone ko. Kinuha ko agad 'yong phone ko tapos nakita kong tumatawag si Lucas.

"Noona?"

"Lucas!" Sa sobrang pagka-excite ko, napasigaw ako.

"Okay ka lang ba? Parang kakaiba 'yong boses mo? May problema ka ba?" Alalang-alala 'yong boses niya.

Napaisip ako kung sasabihin ko ba kay Lucas 'yong totoong nangyari sa 'kin. Ayoko siyang mag-alala e, lalo na nasa ibang bansa siya. Knowing him, baka bukas bumalik na 'yon dito kapag nalaman niyang nakulong ako rito kasama si Jeydon.

"Ah, walang problema. Okay lang naman ako. Ikaw, kumusta riyan?"

"I'm not okay."

"Ha? Bakit? Anong nangyari sa 'yo?"

"Ang sakit ng puso ko e." May sakit ba sa puso si Lucas? Nag-aalala ako bigla sa kanya. Wala akong alam na may gano'n siyang sakit.

"Yah! Pabo! Kung masakit 'yang puso mo, go to the hospital or take some meds!" Masakit na puso niya pero nagawa pa niyang tumawag sa 'kin? Aish! This boy.

"Kaya lang naman sumasakit 'yong puso ko kasi miss ka na niya. Kaya nga ito o, kinakausap na kita para gumaling na siya."

Hindi ko napigilan na mapangiti. Kinikilig? Siguro nga. I never thought na makikita ko 'yong sweet side niya. All I know is misteryoso siya at napakaseryosong bad boy.

"I'm missing you too, Lucas. Kaya pwede bang umuwi ka na?"

"Uuwi agad ako para sa 'yo. Sige na, matulog ka na. I have to go. I love you."

"Take care." Tapos binaba na niya 'yong phone.

Tiningnan ko agad 'yong phone ko kung may signal pa para matawagan ko si Stacey pero it went naging no signal again. Seriously? So ano? Pinatawag lang talaga sa 'kin si Lucas? Aish.

Maghihintay na lang ako na may makakita sa 'min kaysa mag-alala si Lucas sa 'kin. Konting oras na lang naman e.

Hoy, tadhana! Ang dami mo nang utang sa 'kin. Sobra mo kong pinaglalaruan.

"O, bakit hindi mo sinabi kay Lucas na stranded ka rito para matulungan ka niya?" singit ni Jeydon.

"Ayoko siyang mag-alala sa 'kin e."

"Ang sweet mo naman. Bakit? Mahal mo na ba si Lucas?" Why is he even asking me that? Ano bang pakialam niya?

"Mind your own business." Natawa siya bigla.

"Kaya pala noon, sinundan mo pa sina Troy at Tiffany sa date nila. Tapos ngayon sasabihin mo, mind your own business? E ikaw nga hindi mo magawa 'yan." Ano bang gusto niya? That's like four years ago.

"Ano bang pinaglalaban mo? Naiinggit ka ba sa 'min ni Lucas?" Now it's my turn para mang-asar. "Hindi ba kayo ganyan ka-sweet ni Kim?" nginitian ko siya.

Natawa naman siya. "Baka langgamin ka kapag nakita mo kaming dalawa na sweet sa isa't isa?"

Tumawa rin ako. "Baka masuka lang ako."

"Sus! Kaya pala dati kapag ang sweet ako sa 'yo, kilig na kilig ka. 'Yong abot langit 'yong ngiti mo." Hinarap na niya talaga ako tapos nginitian niya ako nang pang-asar.

"Past is past," nginitian ko rin siya. Hindi ako magpapatalo sa kanya. "'Yong sweetness mo ba 'yong pinagyayabang mo? E walang-wala 'yan kay Lucas. Lahat nga ng ginawa mo noon ay natabunan na ng mga nagawa sa 'kin ni Lucas."

Tumawa ulit siya. Ano bang nakakatawa?

"Mapapalitan mo ako pero hinding-hindi mo mapapalitan 'yong mga alaala na meron tayo noon."

"E bakit ba inuungkat mo pa 'yong nakaraan? Umamin ka nga. Mahal ko pa ko 'no?"

"Paano kung sabihin kong oo?"

Natigilan ako. Hindi ko inaasahan 'yong sagot niyang 'yan.

"Anong sinasabi mo?" Natawa na naman siya.

"Joke lang 'yon. Hindi na kita mahal kasi si Kim na 'yong mahal ko." E di sila na! Magsama pa silang dalawa.

"Sabi mo e."

"Disappointed ka siguro." Tinaasan ko ulit siya ng kilay. Ang laki talaga ng problema niya.

"Ako?"

"Hindi, ako." Tss! Lakas mamilosopo. "Dapat kasi pinaglaban mo ako para hindi ka nanghihinayang nang ganyan."

"Ikaw 'yong nang-iwan 'di ba? Kaya bakit pa kita kailangang ipaglaban?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Ang love, para lang 'yang sintas ng sapatos. Dalawang dulo 'yong kailangan para mapagbuhol, pero isang dulo lang 'yong kailangan para kumalas."

Natigilan siya sa sinabi ko. Natahimik na naman kaming dalawa. Para kaming tanga na dalawa rito. Bakit kasi pinagsama pa ulit kami nang kaming dalawa lang? Nakakabaliw.

"Masaya ka na ba talaga?" bigla niyang tanong.

"Alam mo, Jeydon, masaya na tayo sa mga buhay natin. Ikaw, masaya kay Kim, at ako, masaya ako kay Lucas. Kaya pwede ba? 'Wag mo nang ungkatin 'yong nakaraan."

Natahimik na naman kami. Mukha na talaga kaming ewan dito. Sana makalabas na kami rito kasi parang hindi ko na talaga kayang makasama pa siya.

Maya-maya, may narinig akong pinto na bumukas sa kabilang dulo ng court. Tumayo agad ako at tumakbo roon.

"Candice, sandali!"

Hindi ko pinansin si Jeydon. Tumakbo ako ro'n sa pintuan na narinig kong bumukas pero no'ng nakita ko, sarado pa rin siya. Sinubukan kong buksan pero ayaw naman. Sa inis ko, sinipa ko 'yong pinto.

"Palabasin niyo na ko rito!"

"Candice, sa likod mo!" sigaw ni Jeydon.

Napatingin ako sa sa likod ko tapos may lalaking balot na balot at may hawak na kutsilyo. Balak niyang ihagis sa 'kin 'yon. Mabilis ang mga pangyayari kaya alam kong hindi na ako makaiiwas pero bigla akong tinulak ni Jeydon.

Nadaganan niya ako dahil sa pagtulak niya sa 'kin. Napahawak ako sa mukha ko tapos nakakita ako ng dugo. Bigla akong kinabahan. Kinapa ko 'yong mukha ko pero mukha namang walang sugat. Saan nanggaling 'yong dugo?

Napatingin ako sa mukha ni Jeydon at may galos 'yong pisngi niya. Ang daming dugo na umaagos sa mukha niya. Nanghina ako bigla. Pakiramdam ko nanginginig 'yong buong katawan ko.

Dugo. Ang daming dugo. Ayoko ng dugo. Natatakot ako. Ayoko ng dugo.

Tinakpan ko 'yong mukha ko. Anong nangyayari? Bakit ang daming dugo?

"Candice, ayos ka lang ba?" Hinarap niya ako sa kanya. Nakita ko 'yong mukha niya na puno ng dugo.

Nag-hysterical agad ako.

"Dugo, ayoko ng dugo." Hindi na ako mapakali. Nanginginig na 'yong buong katawan ko. "Dugo! Ilayo mo sa 'kin 'yan!"

Hinawakan ni Jeydon 'yong mukha ko. "Candice, kumalma ka baka atakihin ka ng hika mo!" sigaw sa 'kin ni Jeydon.

Tiningnan lang niya ako sa mata ko. Unti-unting kumakalma na ako.

Tumayo siya pagkatapos ay naglakad siya palayo pero pinigilan ko siya. "Saan ka pupunta?"

"Hahabulin ko 'yong gumawa sa 'yo nito!" Nahihibang na ba siya? Sugatan na nga siya at lahat tapos hahabulin pa niya 'yong gumawa no'n?

Paalis na sana siya pero hinigpitan ko 'yong pagkakahawak ko sa kamay niya.

"'Wag na. 'Wag mo akong iwan." Nagulat siya sa sinabi ko pero nanatili siya sa tabi ko dahil do'n. "Ayokong mag-isa kaya rito ka lang."

Niyakap ako ni Jeydon. Sa oras na 'yon, wala akong pakialam kung yakapin niya man ako. Ang alam ko lang ayokong mag-isa.

"'Wag kang mag-alala. Hindi kita iiwan."

Sa puntong 'yon, nawalan na ako ng malay.

***

"Candice my loves?"

Minulat ko 'yong mga mata ko pagkatapos ay nakita ko si Blake. Teka, bakit nandito na ako sa kwarto ko? Paano ako napunta rito?

"Kumusta ka na?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Blake. "Maayos na ba 'yong pakiramdam mo?"

"Si Jeydon? Anong nangyari sa kanya?" Napaupo ako sa higaan ko.

"Dinala ka niya sa bahay nila tapos hinanap niya 'yong contact number ko. Tinawagan niya ako para sunduin ka at ihatid ka rito sa bahay niyo." Ginawa niya ba talaga lahat ng 'yon? "Sinabi ko na lang kina Charles na napagod ka lang para hindi na sila mag-alala pa sa 'yo."

"Hindi ko maintindihan kung ano 'yong nangyari." Hinawakan ni Blake 'yong kamay ko.

"Matulog ka na at magpahinga."

"Pero naguguluhan pa rin ako. Sino 'yong gustong saktan ako? Bakit ginawa ni Jeydon 'yon? Bakit niya ako niligtas? Hindi na niya ako mahal, 'di ba? Bakit niya 'yon ginawa?" Sumasakit 'yong ulo ko sa kakaisip.

"May tamang panahon para sagutin 'yang mga tanong mo. Sa ngayon, matulog ka na at magpahinga." Ginulu-gulo niya 'yong buhok ko tapos tumayo siya at pinatay niya 'yong ilaw. "Good night, Candice."

Pagkasara ni Blake ng pinto, naramdaman ko 'yong antok at pagod. Bago pa man ako makatulog, bigla kong na-miss si Lucas. Kapag may problema kasi ako, siya 'yong palaging nandiyan para sa 'kin. Hindi na ako sanay na si Jeydon 'yong nagliligtas sa 'kin.

Naisip ko ulit si Jeydon. Bakit niya ginawa 'yon?

Kailan ko ba talaga malalaman lahat ng sagot sa mga tanong ko?


Continue Reading

You'll Also Like

463K 14.6K 33
This is my life... Jeydon Lopez is the epitome of the word 'bad boy'. He doesn't care about girls and romance. Not at all. But what people don't know...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
621K 13.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
97.7M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...