From A Distance

By hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... More

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
55. Sorpresa
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

42. Pamilyang Pelaez

16.3K 248 200
By hunnydew

"You have a very interesting not to mention, large family. Any chance I could meet them one of these days?" tanong ni Elay.

Napaisip nang ilang sandali si Mase. Maingay at magulo ang pamilya nila sa karaniwang araw. Kung ipapakilala niya si Hayley, baka kung anong isipin ng mga ito at lalo lamang mag-ingay, lalo na ang mga kuya. "Magulo silang kausap. 'Wag na lang," tanggi niya rito.

Kumunot naman ang noo ng kausap. "Why not? I think they're fun to be with," saad nito at ipinagpatuloy ang tahimik na pagtingin sa mga larawan ng mag-asawang Pelaez habang maingay na nakikipag-usap ang kapatid sa matalik nitong kaibigan.

Mukhang ipinapakita ni Louie ang bawat sulok ng bahay nito kay Charlie na hindi magkandatuto sa pagpuri kung gaano kaganda doon. Upang lunurin ang talakayang naririnig pa rin niya mula sa kusina, isinindi na lamang ni Mason ang telebisyon. Subalit nasapawan nga ang usapan ng isang palabas sa telebisyon, hindi naman niya maialis sa isipan ang mga nalaman tungkol kay Louie.

Model na pala siya, kumento niya sa isip. Kung sabagay, hindi naman na kataka-taka kung mangyayari iyon dahil nga sa angking kagandahan ng dalaga at sa balingkinitan nitong pangangatawan. Bagamat natutuwa siya para kay Louie, hindi niya maiwasang mag-alala. Paano na lamang kung makisabay na ito sa klase ng pamumuhay ng mga ka-edad sa Canada lalo pa't magtatagal ito doon? Magbabago kaya ang ugali nito? Ang anyo?

"Marcus," narinig niya ang tinig ni Hayley na nakatutop pa rin sa isa sa mga photo albums ng kanilang pamilya. Kasalukuyan itong nakatingin sa larawan ng panganay noong isang taong gulang pa lamang ito. "Your eldest Kuya?" tanong ni Elay at tumango naman si Mase bilang pagsang-ayon. "Pogi," bulong nito at natawa na lamang siya habang pinapasadahan ng bisita ang mga larawan. "How many years apart are you?"

"Siyam," tugon naman niya dito bago inilipat ng dalaga ang pahina na naglalaman ng larawan ng ikalawang kuya.

Kumunot ang noo ni Elay. "A new baby after a year? Wow," kumento nito saka binasa ang pangalang nakasulat doon. "Chino." Binalikan nito ang ilang pahina at tila pinaghahalintulad ang mga larawan. "He looks like your Dad, while Marcus..." muling bumalik ito sa pinakaunang pahina. "Halo...and pogi din," sambit niya. "What are they doing now?"

"Nagre-residency na si 'Ya Marcus, katatapos lang mag-bar exam ni Kuya Chino," saad naman niya.

"Achievers. Nice." Tumango-tango naman ang dalaga at patuloy sa pagtingin sa mga larawan. "And yet another baby after two years!" tila namamangha nitong sabi nang makarating sa larawan naman ng ikatlong anak. "Mark." Tumingin si Elay sa kanya. "Do you know that 'Marcus' is the Latin name of 'Mark'?"

"Baka hindi alam nila Mama," simpleng paliwanag naman ni Mase.

"Are they the same? Si Kuya Marcus and Kuya Mark? Like, same personalities?"

Umiling siya. "Mahiyain si 'Ya Marcus. Kabaliktaran si Kuya Mark."

Muli, binalikan ni Elay ang larawan sa unang pahina. "He looks like your Mom." Pagkatapos ay tinignan siya nito at tila sinuri. "And you too. Konti."

Napangiti na lamang si Mase sa obserbasyon ng dalaga. "Kaka-graduate lang niya ng Business Ad," saad niya dahil mukhang iyon ang susunod na itatanong ng bisita. "HR Associate na ngayon."

Inilipat ni Elay ang pahina at inilapit ang mukha sa sumunod na larawan. "Chino ulit?" tanong nito nang may pag-aalinlangan.

Umiling si Mason. "Si Chad 'yan. Graduating ng Educ."

"Really?" di-makapaniwalang sambit nito at tinignan ulit ang naunang larawan ng pangalawa nila. "Oo nga," pagsang-ayon din naman nito matapos ang ilang beses na pagkukumpara ng larawan ng dalawa. "Oh, wait... ten months lang? The difference between him and Mark?" tanong nito at tumango naman siya. "Wow, your parents never get tired, do they?"

Sa puntong iyon, natawa na lamang si Mason. "Gusto raw kasi nilang magka-anak ng babae."

Tila naguluhan naman ang dalaga sa tinuran niyang iyon. "You mean, Charlie is older than you?"

"Hindi."

"You're twins?"

Ngumiti si Mason. "Titigil lang daw sila kapag nagkaanak sila ng babae."

"Oh, then I'm glad you're not a girl," puna nitong nakangisi at nagpatuloy sa pagtingin sa bawat pahina. "Pogi kayong lahat," dagdag pa nito subalit bumawi rin. "I meant, the boys. Charlie is... well..."

"Ayos lang," natatawang sambit ni Mason. Hindi naman kasi niya ito masisi kung mukha nga ring lalaki ang bunso. "Sanay na kami."

"Okay, so let me get this right..." bulong ng bisita at binuklat ang panibagong photo album na naglalaman ng mga larawan ng magkakapatid at magkakasunod na tinuro ang mga ito ayon sa pagkakapanganak. "Marcus, Chino, Mark, Chad, Mase, Charlie-Oh hey! There's a pattern! M-C-M-C-M-C! Any particular reason why? I'm guessing it's from your parents?"

"Matilda at Charles," tugon niya. Habang nakatingin din sa mga larawan, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting pagkalumbay lalo na't halos magkakahiwalay na sila at minsan o dalawang beses lamang kada buwan makumpleto. Nakaka-miss din pala ang kaingayan ng pamilya nila.

"Charlie looks so much like you when you were younger," pukaw ulit ni Elay habang sinusuri naman ang pang-limang photo album noong high school na sila ng bunso. "Almost like twins," dagdag pa nito. "Close? Kayong... dalawa?" pag-aalinlangan nito na tila hindi sigurado kung paano ipahiwatig ang nais sabihin.

"Sakto lang," tugon naman ni Mason. Dahil siguro sa magkalapit na edad nila ng bunso kaya siguro pakiramdam niya rin ay siya lamang ang nakikinig nang mabuti sa mga kwento nito. At halos siya rin ang sumubaybay sa paglaki ni Charlie. Isa pa, tila nagkaroon na rin ng buddy system ang magkakapatid upang tiyakin ang kaligtasan ng isa't-isa: si Marcus at Chino, si Mark at Chad, si Mase at Charlotte. Kaya rin sa kabila ng pagiging magkaiba ng ugali ng dalawang bunso, lumaki silang halos laging magkasama.

Dahil maraming itinanong si Elay tungkol sa pamilyang Pelaez, hindi na nila namalayan ang pagtakbo ng oras. Kapwa na lamang sila nagulat nang may narinig silang bumusina sa labas ng bahay.

"Yehey!" masiglang sambit ni Charlie na galing sa kwarto. "May dala raw-" natigilan ito nang makitang naroon pa rin si Elay. "P-Picha...ano...ahhh.. b-big brother Mark...h-have...Picha...?"

"Has," pagtatama ni Mason. "Mag-Tagalog ka na lang. Naiintindihan niya," pigil na tawang abiso niya rito.

Bumusangot naman ang bunso. "Pa'no ako matututo kung 'di ko sasanayin ang sarili ko." Saka umubo nang kaunti bago bumungisngis kay Elay. "Ehem, big brother Mark...h-hav-HAS picha, you like?"

Bago pa makasagot ang dalaga ay bumukas na ang pinto at pumasok si Chad na may bitbit na malaking kahon ng pizza pie galing sa S&R kaya sinalubong ito ng magkapatid. "O, nandito ka na pala Mase-" sandaling natigilan din ito nang makita ang bisita.

"Ano ba? Bakit humaharang ka sa pin-" angil ng kasunod na si Mark na nabato rin nang mamataan si Elay.

"Good afternoon," bati ng dalaga nang nakangiti nang matamis habang nakatayo.

Napabuntong-hininga si Mason at hinayaan na lamang nang kusang lapitan ni Mark ang kaklase niya. "Good afternoon. I'm Mark," pagpapakilala nito nang nakalahad ang kamay.

Agad naman itong tinanggap ng dalaga. "I'm Hayley. But you can call me Elay. You must be one of the Kuyas?"

Umiling na lamang si Mase nang mapansing hindi pa rin binibitawan ng kuya ang kamay ng kausap. "Yes, I am," segunda ni Mark. "Pretty name for a pretty lady like you," susog pa nito.

Mas lalo namang napangiti si Elay sa tinurang iyon ng kapatid. "Thank you."

"By any chance, classmate ka ni Charlotte?"

"Mason's actually."

Sing-bilis ng pagkakasabi noon ni Elay ay ang agad na pagbitiw ni Mark sa kamay nito. "A-Aahh, okay. Nice meeting you," pahabol nito bago binalingan si Mason na nakikinig sa usapan. "Nice catch. Bilis mong maka-move on ah!" puna pa nitong tumatawa bago nagtungo sa kusina.

Siya namang pagsalisi ni Chad upang ipakilala rin ang sarili sa bisita at sa tingin ni Mase ay mas mainam-hindi siya paulit-ulit na magpapakilala lalo na kung darating ang iba pa. Mabuti na lang at may pagkukusa ang mga kuya. Sandali muna niyang iniwan si Elay upang ikuhanan ito ng maiinom at ng ilang piraso ng pizza. Batid kasi niyang magaling makipag-usap si Chad lalo na sa mga babae.

"Hoy, Chad! Ayan ka na naman ha," pukaw ni Mark. "Back off, kay Mase 'yan."

"Alam ko," sagot naman ng isa bago ito tumayo at malawak ang ngiting ibinigay kay Mase na may bitbit nang platito at baso ng orange juice.

"Pasensiya ka na talaga sa kanila," nahihiyang paumanhin niya sa dalaga habang inilalapag sa mesa ang merienda. "Ano...kain ka muna."

Hindi pa man nakakaupo ang dalawa ay muling bumukas ang pinto at iniluwa nito ang magkasunod na si Marcus at Chino na kapwa nagulat din nang makita si Mason at Elay. Nagsimula na tuloy manghinala si Mase kung may radar ba ang mga kapatid pagdating sa kanya.

"B2, namamalik-mata yata ako," bulong ng panganay sa pangalawa. "Si Totoy, may inuwing babae?"

"Oo, B1," sagot naman ng huli. "Mas chinita kesa kay ano-"

Isang buntong-hininga na naman ang kumawala sa mga labi ni Mase lalo na noong kusang lumapit sa mga ito si Elay. "Let me guess... Kuya Marcus and... Kuya Chino?" nakangiting panghuhula nito.

"Kilala tayo, B1!" namamanghang puna ni Chino na tila namatanda pa rin sa may pintuan. "Hello sa'yo. And you are?"

"Name's Hayley but you can call me Elay-"

"Britton, B2! Ayos ang mga tipo mo Totoy ah, may lahi na nga, may accent pa! Aprub!"

Sinulyapan siya ni Elay na may pilyong ngiti. "Totoy?"

"'Wag mo na lang pansinin," abiso niya rito.

Wala nang nagawa si Mason nang sunud-sunod nang tanungin ng mga kapatid ang kaklase niya tungkol sa pinagmulan nito, sa buhay ng dalaga sa London, kung kailan bumalik sa Pilipinas at kung anu-ano pa. Kaya naman inabot na ng dilim doon si Elay na tila aliw na aliw din sa pagsagot sa mga tanong ng mga ito gayundin sa hiling nilang marinig ang British accent ng dalaga.

"Blodzie heyl," panggagaya ng bunso sa pagsasalita ni Elay. "Ang hirap naman!" busangot ni Charlie.

"Para ka lang nanonood ng 'Harry Potter'. Ganyan sila magsalita," saad naman ni Chad. .

"Aba, kumpleto pala kayo ngayon!" narinig nila ang tinig ng Ama na hindi nila napansing dumating na pala. Agad namang sinalubong ng magkakapatid ang mga magulang at isa-isang nagmano dito. "Anong meron?"

"Akin na po 'yang mga bitbit niyo, Pa."

"May bisita po."

"Meron pa po bang kukunin sa kotse?"

"Nakabuntis po si Mase, hahaha."

"Siya pa talaga? Baka mamaya ikaw pala ang may anak na, wahahaha."

"Gagu."

"Don't say bad words! Mama o!"

"Anong kaguluhan ito?" asik ng papasok na si Matilda at kapansin-pansin ang pagtahimik ng paligid. "Anong sabi ko sa inyo tungkol sa pagmumura na 'yan?"

"Say 'thank you' nalang po," sagot ng bunso bago sunud-sunod na nagmano sa Ina at nagtungo sa kusina upang hayaang maipakilala ang mga magulang sa dalaga.

"Ma, masyadong high blood," pag-aamo naman ng kabiyak nito. "May bisita o." Nakangiti itong bumaling sa dalaga na nagmano na rin dito. "Ikaw na ba ang girlfriend ni Totoy?"

"Pa..." pigil ni Mase habang pinagmamasdang magmano naman ang bisita sa Ina.

"Ay siya nga?" tila nasisiyahan naman ang tinig ni Matilda. "Kaawaan ka ng Diyos. Akala ko si Louie-"

"MA-!" angil niya at napakamot nalang sa ulo. "Ano po...si Hayley Marie Lao. Kaklase ko po."

Subalit tila hindi na rin siya narinig ng Ina nang igiya nito ang dalaga pabalik sa sofa at nagsimula nang magkwento tulad ng ginawa nito sa kasintahan nina Chino na si Llana at dating kasintahan ni Marcus na si Nica, gayundin ang ipinakilala na rin ni Mark noon na si Elise.

Nakakailang man, nauunawaan pa rin ni Mason ang pagkasabik ng Ina na magkaroon ng mga kasintahan ang mga anak na lalaki. Dala kasi ito ng kagustuhan ni Matilda na magkaroon ng anak na babae na kilos dalaga rin na sa kasamaang-palad ay hindi pa rin naisasakatuparan ng bunso.

Kaya hindi rin niya masisi ang Ina na todo-asikaso sa tuwing darating si Llana o di kaya ay si Louie. At siguradong pati na rin si Hayley. Mabuti na lamang at marunong makihalubilo sa pamilya nila ang mga kababaihan sa buhay ng magkakapatid na Pelaez.

===

A/N: "Blodzie heyl" <-- kung paano binibigkas ng mga briton ang 'bloody hell'

Salamat sa matiyagang paghihintay!!! Sobrang hirap na hirap kami ni Erin sa pagpiga neto dahil may hang-over pa ako sa kwento ni Mark.. lelelels. At halos lahat ng lumabas na mga linya dito ay... WALA SA ORIGINAL na ginawa namin.. hahaha XD

So.. ano ang sense ng chapter na ito? Kung gaano kagulo ang pamilyang Pelaez kapag nagsama-sama. Ang masasabi ko lang... ang swerte ni Elay dahil... uhm... dun niyo nalang malalaman sa POV niya.. huehuehue.

Anjan sa gilid ang mga larawan ng magkakapatid :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
5.5M 276K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
1.9M 49.4K 45
Fake relationship • devoid of any real love or emotional connection. ------- A bit cliche, but not really a typical love story. Have you heard of fak...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...