I Love You since 1892 (Publis...

By UndeniablyGorgeous

124M 2.6M 4.3M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 43
Kabanata 44
Ang Wakas
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Kabanata 42

2.6M 52K 152K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 42]

Etoy Aqui (I Am Here)

Hindi ko na mapigilan ang panginginig ng buong katawan ko. Gulat akong nakatitig ngayon sa harapan ng salamin habang ang mga salitang iyon ay patuloy na naghahatid ng takot sa aking puso't-isipan.

Kailanman ay hindi ako natutong makaintindi ng wikang Kastila. Ngunit sa pagkakataong ito kahit ang sarili ko ay hindi ko na makontrol.

Dahan-dahan akong napatingin sa aking mga kamay na ngayon ay may mga sugat at tusok ng karayom. Ika-2 na ng Pebrero ngayon, tatlong araw ang lumipas nang hindi ko man lang namalayan. Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko dahilan para mapaatras ako "Binibini? Ayos lang po ba kayo? Nito kasing mga nakaraang araw hindi niyo ako kinakausap, nagulat nga po ako noong paggising niyo noong isang araw ay hindi niyo po ako kilala" malungkot na sabi ni Belinda at napayuko siya.

Tama! Si Theresita ang huling naging tagapagsilbi ni Carmelita, noong isang linggo lang nagtrabaho dito si Belinda kung kaya't hindi siya kilala ni Carmelita.

"A-ano bang nangyari sa akin p-pagkatapos natin manood ng selebrasyon ng Bagong Taon ng mga Intsik?" maging ang mga lalamunan ko ay halos matuyo na rin ngayon dahil sa kaba. Napatingin naman sa akin si Belinda at parang nagtataka yung itsura niya.

"Po? Hindi niyo na po maalala Binibini? Napagalitan nga po ako at ang mga guardia personal na kasama natin dahil nahimatay po kayo sa gitna ng selebrasyon" sagot ni Belinda. Bigla kong naalala yung gabing iyon, kinalabit ako ni Maria at tinuro niya si Juanito na nandoon din sa selebrasyon, nagkatinginan kami ni Juanito at ngumiti siya sa akin pero hindi niya magawang makalapit sa amin dahil kasama namin si Belinda at ang mga guardia personal. Pero ilang sandali lang, bigla akong nahilo at pumasok ang alaala ni Carmelita sa isipan ko.

"Kung kaya't mukhang mahihirapan na po tayong magpaalam muli kay Don Alejandro dahil nag-alala po talaga siya ng sobra" sagot ni Belinda. Hindi maaari!

Posible kayang nakausap na ni Carmelita si Don Alejandro?

Agad akong napahawak sa braso ni Belinda "A-ano pang nangyari? Ikwento mo ang lahat sa akin" utos ko sa kaniya dahilan para mas lalong magtaka yung itsura niya.

"Masama pa rin po ba ang pakiramdam niyo Binibini? Mas mabuti po kung magpahinga----" hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi bigla akong nagsalita.

"A-ayos lang ako... sabihin mo sa akin ngayon kung anong mga nangyari matapos akong mawalan ng malay sa selebrasyon" pakiusap ko pa sa kaniya. Magsasalita na sana siya kaya lang biglang dumating si Maria at may dala-dala itong tsaa.

"Oh! Gising ka na pala Carmelita, Heto nagdala ako ng tsaa upang mas lalo kang ganahan sa iyong pagbuburda" nakangiting tugon ni Maria at inilapag niya yung tsaa sa mesa ko. "Belinda, tulungan mo muna ang iba sa kusina, hindi pa rin sila tapos ngayon sa paghuhugas ng mga pinagkainan" tugon ni Maria kay Belinda, agad naman itong nag-bow at umalis na.

Napatingin ako sa labas ng bintana, sobrang dilim sa labas kahit pa kabilugan ng buwan ngayon. "Carmelita, natutuwa akong makita na nagbabalik na muli ang hilig mo sa pagtatahi" nakangiting tugon ni Maria at lumapit siya sa akin. Gulat akong napatingin sa kaniya, ibig sabihin nakausap at nameet na niya ulit ang totoong kapatid niya.

"Alam kong gabi na at dapat ka ng matulog ngunit kailangan kitang makausap, naalala ko kasi ang sinabi mo sa akin kagabi na hindi mo hahayaang magtagumpay ang taong sumira sa ating pamilya" tugon ni Maria at parang biglang tumigil ang pagikot ng mundo ko dahil sa narinig ko.

Ano? Hindi hahayaan ni Carmelita magtagumpay ang taong sumira sa kanilang pamilya?!

Ako ba ang tinutukoy niyang sumira sa kanilang pamilya?

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko at ramdam kong tumindig ang mga balahibo ko. "Sang-ayon naman ako sa iyong sinabi ngunit mahihirapan tayong mapatunayang nagkasala nga sila Gobernador Flores, Natasha at Leandro dahil malaki ang impluwensiya nila at malapit din sila sa gobernador-heneral" patuloy pa ni Maria.

Naguguluhan na ako, Sino ba ang tinutukoy ni Carmelita na taong sumira sa pamilya nila? Ako ba? O ang pamilya Flores?

Hindi naman ako nakapagsalita, patuloy pa rin akong binabagabag ng mga salita ni Carmelita, Napansin siguro ni Maria na wala ako sa katinuan ngayon, kaya agad niyang hinawakan ang balikat ko at iniharap ako sa kaniya "Sige na magpahinga ka na muna kapatid ko, bukas na lang natin ipagpatuloy ang usapang ito, gumising ka rin ng umaga bukas upang makasabay natin muli si ama sa agahan" tugon pa ni Maria at numiti siya ng bahagya sa akin.

ANO?

Nakausap na nga ni Carmelita ang tatay niya!

Hinalikan naman ako ni Maria sa noo, lalabas na sana siya ng kwarto kaya lang pinigilan ko siya "A-ate Maria, A-anong nangyari sa akin matapos akong mawalan ng malay sa selebrasyon ng Bagong taon ng mga I-intsik?" tanong ko sa kaniya, hindi niya sana mapansin ang kaba ngayon sa tono ng pananalita ko. Lumingon naman si Maria sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi mo ba maalala?" nagtataka niyang tanong. Napayuko naman ako.

"K-kasi ang daming nangyari, masyadong mabilis ang lahat... kung kaya't naguguluhan ako" palusot ko, pero nginitian lang ako ni Maria.

"Bueno, Nagulat kami dahil bigla ka na lang bumagsak sa lupa noong gabing iyon, buti na lang nahawakan ka agad ni Belinda kung kaya't hindi malakas ang pagkakatama ng ulo mo sa lupa, Tatakbo sana si Juanito papalapit sa atin upang tulungan ka pero agad ko siyang sinenyasan na manatili na lang sa kinatatayuan niya at huwag lumapit sa atin dahil makikilala siya ng mga guardia personal na kasama natin" panimula ni Maria at inalalayan niya akong maupo kami sa kama.

"Agad nagpatawag ng doktor si ama at pinatingnan ka, ang sabi naman ng doktor bumigay ang iyong katawan dahil kulang ka sa pagkain at tulog, at nakakapanghina rin ng katawan ang masyadong pag-iisip sa mga problema, Nilagnat ka rin noong gabing iyon kung kaya't dito na ako natulog sa tabi mo, nagulat nga ako paggising ko kinabukasan nang makita kitang nakatayo sa tapat ng bintana, natakot din ako na baka tumalon ka doon kaya agad kitang niyakap at hinila paatras pero nagulat ako kasi umiiyak ka habang nakatanaw sa lawa ng luha" sabi ni Maria at biglang naging malungkot ang expression ng mukha niya.

Umiyak si Carmelita? At bakit nakatanaw siya sa lawa ng luha?

Hinawi naman ni Maria ang buhok ko at inilagay ito sa likod ng tenga ko at tiningnan niya ako ng mabuti, yung tingin na makapagpapagaan ng kalooban mo. "Carmelita makinig ka, alam kong hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa iyo at para sa amin ang pagkawala ni ina at Josefina, ngunit gaya nga ng sinabi ni ama kailangan na nating tanggapin ang pagkawala nila, dahil malulungkot sila kapag nakikita nila tayong nagdadalamhati pa rin hanggang ngayon" tugon ni Maria habang hinimas-himas niya ang buhok ko.

Ibig sabihin... ngayon pa lang nalaman ni Carmelita na patay na ang kaniyang ina na si Donya Soledad at ang kapatid niyang si Josefina.

"At siguradong matutuwa sila ina at Josefina kapag nakita nilang bumabalik na muli ang iyong mga dating gawain, alam mo bang napangiti si ama nang malaman niyang nagpabili ka ng mga gamit sa pagtatahi, sinulatan rin ni ama si tiya Rosario kahapon upang humingi ng mga libro para sa iyo, makakatulong ito para kahit papaano ay mabawasan ang iyong pangungulila" dagdag pa ni Maria at nginitian niya ako pero napansin kong may luhang namumuo sa kaniyang mga mata, alam kong nagungulila din siya ngayon sa pagkawala ng ina at kapatid niya.

Hindi ko akalaing madami nang nagawa si Carmelita sa loob ng tatlong araw na siya ang nasa katawan ko.

Paano ko mapagtatagumpayan ang misyon ko kung magagawang kontrolin ni Carmelita ang katawan ko?







Hindi ako makatulog buong gabi, natatakot ako na baka paggising ko ay lumipas na ang isang linggo. Hindi ko alam kung bakit nandito na ngayon si Carmelita? Hindi pa tapos ang misyon ko, pero bakit nandito na siya?

Hindi ko rin alam kung anong gusto niya, nais niya ba akong tulungan na magtagumpay sa misyon ko? o balak niyang sirain at pigilan ako?

Pero bakit niya gagawin iyon? Ang misyon kong ito ay para sa kaniya. Bakit niya ako hahadlangan?

Pinatago ko rin kay Belinda lahat ng mga binurda ni Carmelita, maging ang pulang kurtina at mga bulaklak na nilagay ni Carmelita sa buong kwarto ay pinatanggal ko rin. Hindi ko alam kung bakit pero natatakot at kinikilabutan ako sa tuwing makikita ko ang mga bagay na ginawa niya habang nasa katawan ko siya.

Nakatulala ako ngayon sa kisame, Kailangan ko ngayon si madam Olivia, kailangan kong malaman kung bakit nangyayari ang lahat ng ito?

Kailangan kong malaman kung kakampi ko ba si Carmelita?... o Hindi?

Bigla kong naalala noong binayaran niya si Kolonel Santos upang barilin si Juanito sa araw ng kasal nila. Tama! Ibig sabihin si Kolonel Santos ang magiging instrumento ni Carmelita sa pagpatay kay Juanito. Naalala ko rin yung gabi kung saan nahuli kami ni Leandro na magkasama ni Juanito sa labas ng hacienda Montecarlos...

"Disparale!" (Shoot him!) utos ni Leandro kay kolonel Santos na nasa tabi niya ngayon, nagulat naman si kolonel Santos at napatingin kay Juanito. dahan-dahan siyang naglakad papalapit kay Juanito at tinutok na niya ang baril niya kay Juanito.

Pero sa mga oras na iyon halatang kabado si kolonel Santos at bakas sa mukha niya na hindi niya kayang barilin si Juanito. at dahil dun napamura sa inis si Leandro at itinulak niya si kolonel Santos papalayo.

"Wala kang kwenta!" sigaw ni Leandro kay Kolonel Santos. At si Leandro mismo ang bumaril kay Juanito.

Ibig sabihin... nakatakdang si Kolonel Santos talaga ang babaril kay Juanito, ngunit kahit si Leandro ang nag-utos sa kaniya hindi naman si Leandro ang totoong nagpapatay kay Juanito, kung kaya't hindi namatay si Juanito.

At ngayon, kung si Carmelita ang mag-uutos kay Kolonel Santos... mamamatay si Juanito!

Agad akong napabangon sa higaan, Kailangan kong makausap si Kolonel Santos at sabihan siya na lumayo muna.

Pero paano? Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Kolonel Santos. Hindi ko na siya nakita pa mula noong nagalit si Leandro sa kaniya dahil hindi niya sinunod ito, nabalitaan ko rin na inalis na ni Leandro si Kolonel Santos sa kaniyang hukbo at tinanggalan rin ito ng ranggo.

Napahawak na lang ako ng mahigpit sa ulo ko, Hindi ko na alam ang gagawin ko, Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.





Kinabukasan, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, agad akong napabangon sa kama at pinagmasdan ko ang buong paligid. Maayos naman ang buong kwarto, walang bakas ng mga pagbuburda at mga gawain ni Carmelita. Pasikat pa lang ang araw at umaalingawngaw na sa buong paligid ang mga tilaok ng manok. Agad akong tumayo at dumungaw sa bintana, nakita kong nagwawalis sa labas si Belinda.

"Belinda!" tawag ko sa kaniya dahilan para mapatingala siya. "G-gising na po pala kayo Binibini... a-akyat na po ako diyan" gulat na tugon ni Belinda at agad niyang itinabi yung walis na hawak niya at nagtungo dito sa kwarto.

"P-pasensiya na po Binibini, hindi ko po akalaing magigising kayo ng maaga k-kung kaya't nagwalis lang po muna ako sa ibaba" paliwanag ni Belinda na ngayon ay mukhang kinakabahan, bakas sa mukha niya na natatakot siya sa akin.

Bakit siya natatakot sa akin? Wala naman akong maalala na tinarayan o sinigawan ko siya.

"B-bakit? M-may problema ba? Bakit ganiyan ang itsura mo?" tanong ko sa kaniya. Napayuko naman siya at inayos niya ang sarili niya.

"W-wala po Binibini... Ah! Nais niyo na po bang kumain? o sasabay po k-kayo sa inyong ama mamaya?" tanong niya at halatang gusto niyang ibahin ang usapan. Hindi ko alam pero parang may tinatago si Belinda sa akin.

Biglang tinago ni Belinda yung braso niya dahilan para maghinala ako lalo. Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ko ang braso niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malaking pasa dito at nangingitim na.

"Anong nangyari sayo? Saan mo----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang napayuko si Belinda sa akin at umiiyak na siya ngayon. malinaw sa itsura niya na nagulat at natakot siya nang hawakan ko siya.

Hindi maaari!

Posible kayang sinaktan ni Carmelita si Belinda?

"P-paumanhin po Binibini, m-magtutungo po muna ako sa kusina upang ipaghanda kayo ng agahan" sagot niya nang hindi nakatingin sa mga mata ko at nanginginig na din siya ngayon sa takot. At dahil dun bigla akong napabitaw sa kaniya.

Kasabay ng pagbitaw ko sa braso niya biglang pumasok ang alaala ni Carmelita sa utak ko...

"Stupida! Sinabi kong hanapin mo ang talaarawan ko! at huwag kang babalik dito hangga't hindi mo nakukuha iyon!" sigaw ni Carmelita kay Belinda na ngayon ay nakaluhod na sa harapan niya at humihingi ito ng tawad.

Nandito silang dalawa sa kwarto na ito, nakasandal naman si Carmelita sa kama at may hawak itong makapal na libro. Galit na galit siya at ang talim din ng tingin niya kay Belinda na nakaluhod ngayon sa harapan niya.

"Palibhasa Wala kang Kwenta!" sigaw pa ni Carmelita, inis na inis siya sa pagmamakaawa at pag-iyak ni Belinda kung kaya't inihampas niya ang hawak niyang makapal na libro sa braso ng tagapagsilbi. Napapikit naman sa sakit si Belinda pero hindi pa rin ito umalis sa pagkakaluhod sa harapan ni Carmelita, tiniis na lang niya ang sakit ng pagkakahampas nito sa kaniyang braso.

"Sal de aqui" (Get out of here!) sigaw pa ni Carmelita, dahan-dahan namang napatayo si Belinda na sobrang nanginginig na sa takot at umiiyak siyang umalis.

Napatulala na lang ako kay Belinda na ngayon ay nakayuko lang sa tapat ko at nanginginig sa takot na baka saktan ko siya ulit. Humakbang pa ako papalapit sa kaniya para magpaliwanag pero bigla siyang napaatras.

Bakit kailangan saktan ni Carmelita si Belinda? Hindi ko akalaing kaya niya palang pagbuhatan ng kamay ang tagapagsilbi niya.

At bakit niya hinahanap ang diary niya? alam niya kayang itinapon ko iyon sa lawa ng luha?

Bigla akong napatulala, Teka! Kagabi lang noong makausap ko si Belinda hindi naman siya ilag o takot sa akin... pero bakit ngayon bigla na lang siya natakot?

Posible kayang... Lumipas na naman ang mga araw ng hindi ko namamalayan?

"B-belinda, A-anong araw na ba ngayon?" tanong ko sa kaniya dahilan para tumingala siya sa akin na may halong pagtataka.

"Ika-7 na po ng Pebrero Binibini" sagot ni Belinda. Parang biglang nanlamig ang buong katawan ko. at nanghina rin ang mga tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. Nagulat naman si Belinda at agad siyang tumakbo papalapit sa akin.

"B-binibini... Ayos lang po ba kayo? N-nahihilo na naman po ba kayo?" nagpapanic na tanong ni Belinda, ilang saglit lang biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Maria at ang ilan pang mga kasamabahay. Nagulat siguro sila dahil sa pagpapanic na sigaw ni Belinda.

"Carmelita! Masama pa rin ba ang iyong pakiramdam?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Maria at agad niyang pinag-utos na tumawag ng doktor. Inalalayan naman nila ako pahiga sa kama. At sa pagkakataong iyon, biglang naagaw ng atensyon ko ang isang bagong painting na nakasabit sa dingding ng kwarto na ito na malapit sa pinto

Isa itong painting ng dalawang rosas na magkadikit. Ang isang rosas ay kulay puti, at ang isa naman ay kulay pula.

Parang biglang kumirot ang puso ko, nang mapagtanto ko kung anong ibig sabihin ng painting na iyon. Ang dalawang rosas na iyon ay sumisimbolo sa aming dalawa ni Carmelita.

Ako ang puting rosas.

At siya naman ang pulang rosas.

Magkapantay ang laki ng dalawang rosas, ngunit iisa lamang ang dapat na mangibabaw sa kanilang dalawa.

Sa pagkakataong iyon, hindi ko mapigilang mapanghinaan ng loob, ika-7 na ng Pebrero ngayon. Lumipas na naman ang 4 na araw nang hindi ko namalayan dahil nagawang makontrol ni Carmelita ang katawan ko.





"Kamusta na po ang ating negosyo ama?" tanong ni Maria, nandito na kami ngayon sa hapag-kainan, nakaupo sa gitna si Don Alejandro, nasa kaliwa naman niya si Maria at nasa kanan naman ako.

"Se está haciendo mejor, pensé que Donya Julieta Valdez se negaría a comprar nuestros granos debido a los conflictos (It's getting better, I thought Donya Julieta Valdez would refuse to buy our grains due to the conflicts...) sagot ni Don Alejandro kay Maria pero hindi na niya nagawa pang ituloy yung huling sasabihin niya kasi gets naman namin na may hidwaan din ang pamilya Montecarlos at pamilya Valdez.

Napatulala lang ako ngayon sa kinakain ko, Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot ngayon dahil naiintindihan ko na ang wikang Espanyol.

"Espero que todo vaya bien" (I hope that everything will be okay) sagot naman ni Maria at napatingin siya sa akin, at sinenyasan ako na magsalita at pagaanin din ang loob ni Don Alejandro na ngayon ay balisang-balisa na, nahihirapan siguro siyang isalba ang kabuhayan namin.

Magsasalita na sana ako kaso nagulat ako kasi biglang napatingin sa akin si Don Alejandro "Carmelita, hindi muna kita mapapayagan magtungo sa Laguna bukas upang bisitahin ang puntod ng iyong ina dahil nagkalat na ang mga rebelde ngayon sa paligid, kahapon lang ay natagpuang patay ang apat na guardia civil na rumuronda sa tabing ilog, nasamsam ang mga kagamitan nila lalong-lalo na ang mga bagong armas" tugon ni Don Alejandro habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, gulat naman akong napatulala sa kaniya.

ANO?

Nagpaalam si Carmelita na pupunta siya ng Laguna?

"Anak, sana maintindihan mo ang sitwasyon natin ngayon, lumalakas na ang grupo ng mga rebelde, at natatakot ako na baka umatake muli sila" patuloy pa ni Don Alejandro at hinawakan niya ang kamay ko upang pakalmahin ako. Akala niya siguro nagulat ako ngayon dahil hindi niya ako pinayagang pumunta sa Laguna, pero ang totoo nagulat ako kasi kumikilos na si Carmelita.

"Ama, hindi po ba sinabi ni Heneral Leandro na magtatalaga siya ng mga guardia civil na roronda sa palibot ng ating hacienda?" tanong ni Maria. napasandal naman si Don Alejandro sa upuan niya at napabuntong-hininga siya. May sakit ba siya ngayon? bakit ang tamlay-tamlay niya?

"Mas mabuti nang maging maingat at handa na lang tayo sa lahat ng oras, huwag nating iasa sa iba ang kapakanan at kaligtasan natin" sagot ni Don Alejandro. Natauhan na ba siya na hindi dapat pagkatiwalaan ang pamilya Flores? magmula noong umatake ang mga rebelde dito sa aming hacienda at ang tagal bago dumating ng mga guardia civil sa pamumuno ni Leandro.

Teka! Tama! Siguro alam ngayon ni Leandro kung nasaan si Kolonel Santos. Kailangan ko siyang makausap.

Magpapaalam sana ako kay Don Alejandro na pupunta ako mamaya sa bahay ng mga Flores kaya lang nagsalita na siya "Carmelita anak, tungkol pala sa nakatakda niyong kasal ni Leandro..." panimula ni Don Alejandro at mukhang nag-aalanganin siyang ituloy ang sasabihin niya.

"Bakit po Ama? Hindi na po ba matutuloy ang kasal nila?" sabat ni Maria at parang mag-cecelebrate siya ngayon kapag sinabi ni Don Alejandro na hindi na nga tuloy ang kasal. Tiningnan lang ni Don Alejandro si Maria saka tumingin ulit ito sa akin. Hinawakan niya ulit ang kamay ko, para bang sinasabi niya na makinig ka ngayon sa sasabihin ko anak.

"Nais mo ba talagang ituloy ang kasal niyo ni Leandro?" tanong sa akin ni Don Alejandro dahilan para lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

ANO?

KELAN KO SINABING GUSTO KO MAKASAL KAY LEANDRO?

Gulat ding napatingin sa akin si Maria "Eres Serio Carmelita?"(Are you serious Carmelita?) tanong ni Maria sa akin at halos hindi siya makapaniwala. Hindi rin naman sila maniniwala kung sasabihin kong hindi naman talaga ako ang nagsabi niyon.

Si Carmelita ang nagsabi niyon!

Pero bakit niya gustong matuloy ang kasal kay Leandro?

Hindi ba, tinanggihan niya ito noon dahil si Juanito ang talagang mahal niya. Ano ba talaga ang plano niya?!

Hindi naman ako nakapagsalita, Hindi ko alam ang sasabihin ko. baka mas lalong malito si Don Alejandro dahil sa pabago-bagong desisyon ng kaniyang anak.

Kahit pa hindi pa ako sigurado sa kung ano man ang plano ni Carmelita ngayon... malakas ang kutob ko na hindi ito maganda.





Nandito ako ngayon sa tapat ng bintana ng kwarto ko at nakatulala sa lawa ng luha, Hindi pa rin malinaw sa akin kung paano nakokontrol ni Carmelita ang katawan ko, at bakit naalala ko din ang mga ginagawa niya habang nasa katawan ko siya.

Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto at sumilip si Belinda, "B-binibini... nahanap ko na po ang inyong talaarawan" tugon niya dahilan para gulat akong mapatingin sa kaniya.

Pumasok na siya sa loob ng kwarto ko habang hawak-hawak ang isang puting tela at inilapag iyon sa mesa "N-naalala ko po na nagpakalunod kayo sa lawa ng luha kung kaya't naisip ko po na baka sakaling dala-dala niyo doon ang talaarawan na ito, hindi naman po ako nagkamali dahil nakita ko pong palutang-lutang ang talaarawang ito sa gilid po ng pampang" patuloy pa ni Belinda at medyo napaatras siya nung binuklat ko yung puting telang nakabalot sa diary.

Gulat akong napatulala doon sa diary na kulay itim na dahil sa nasunog ito at lantang-lanta na dahil sa pagkakababad ng matagal sa tubig. Kahit sobrang lambot na nito hindi pa din naghihiwalay ang mga pahina. At kahit nasunog pa ito at nababad sa tubig kayang-kaya pa rin basahin ang mga isinulat ko dito.

Dahan-dahan kong hinawakan ang diary, at bigla kong naalala yung sinabi noon ni madam Olivia kay Carmelita...

"Nalalaman ng talaarawan mo ang lahat ng ginawa mong kasalanan, nalalaman ng talaarawan mo ang lahat ng galit, hinanakit, poot at pighati ng iyong puso... kung kaya't ang diwa at puso mo ay pansamantalahang mananahan dito hangga't hindi pa natatapos ng babaeng nakatakda ang misyon niya, at kapag napagtagumpayan niya ang misyon niya, kapag nailigtas niya si Juanito... magigising ka muli ngunit wala ka ng maaalala sa mga nangyari" tugon ni madam Olivia kay Carmelita.

Tama! Ang diwa at ang puso ni Carmelita ay nananahan dito sa diary na ito, pero bakit bigla siyang nakapasok sa katawan ko?

Bigla kong naalala na nagsimulang makilala ko ang buhay ni Carmelita na pinasilip sa akin ni madam Olivia noong magkausap kami sa labas ng kumbento sa Cebu habang nagtatahi. At kasunod nito, nagsimula nang pumasok ang mga alaala ni Carmelita sa utak ko nang muntikan ng mamatay si Juanito sa bangin dahilan para masunog ang harapang bahagi ng diary.

Ibig sabihin... noong gabing magtatanan sana kami ni Juanito pero nahuli kami at nahulog siya sa bangin na muntik na niyang ikamatay, nagsimula nang makawala ang alaala ni Carmelita na nananahan sa diary niya dahil nasunog ang unang bahagi nito.

Kaya pala sa tuwing pumapasok ang mga alaala niya sa akin palagi akong nahihilo at kung minsan ay nawawalan ako ng malay.

At ngayon, nang malagay muli sa peligro ang buhay ni Juanito sa kamay ni Leandro, tuluyan nang nasunog ang diary... dahilan upang makawala na si Carmelita sa loob ng diary!

Tama!

Kaya ngayon nandito na rin si Carmelita sa katauhan ko!

Bigla ko ring naalala yung sinabi noon sa akin ni madam Olivia...

"Carmela... lagi mong tatandaan na hindi mo ito kasalanan at walang may kasalanan nito, tadhana ang mismong sumulat ng mga nangyari at mangyayari pa lamang, nawa'y ang mga pangyayari ngayon ay hindi na katulad sa nakaraan ni Carmelita, dahil kayo ni Carmelita sa panahong ito ay iisa" -madam Olivia.

"Carmela, nagbago man ang mga pangyayari... hindi pa rin magbabago ang katotohanan na ikaw si Carmela Isabella, na nagmula sa makabagong panahon" - madam Olivia.

Kahit ang diwa at puso namin ni Carmelita ay nasa iisang katawan ngayon, Hindi pa rin magbabago ang katotohanan na magkaibang-kaiba kaming dalawa.





Gabi na naman, Nakaupo lang ako ngayon sa kama at kanina ko pa tinititigan yung diary ni Carmelita na nakalagay sa mesa ko. Malinaw na sa'kin na may kinalaman ang pagkasunog ng diary niya kaya nandito na siya ngayon, pero ang hindi ko maintindihan Bakit niya pinapahanap ang diary niya?

Hindi kaya... may kinalaman yung diary niya para magtagumpay siya sa mga plano niya?!

At dahil dun agad akong tumayo at kinuha ko ulit yung diary, narealize ko na hindi nalalaman ni Carmelita ang mga nasa isipan ko kahit pa nandito na siya ngayon sa katawan ko. Hindi niya nalaman na itinapon ko sa lawa ng luha yung diary niya kung kaya't kailangan kong itago ulit ito bago pa niya makontrol ulit ang katawan ko.

Nagtaklob na ako ng balabal at dahan-dahang lumabas ng kwarto, hatinggabi na at wala akong balak matulog dahil baka makontrol na naman ni Carmelita ang katawan ko. Halos tulog naman na ang lahat ngayon, at sa likod ng kusina ako dumaan.

Agad akong napayuko at nagtago sa ilalim ng malalaking paso na nasa bungad ng labas ng kusina nang maaninag ko ang dalawang guardia personal na nakatambay sa labas. nag-uusap sila ng halos pabulong.

"Kailan ba kikilos ang samahan? Hindi ko na maatim ang pagsilbihan pa ang pesteng pamilyang ito! Gustong-gusto ko na gilitan ang leeg ni Don Alejandro" naiinis na tugon nung isang guardia personal na napapasuntok sa hangin dahil sa inis. Sinuway naman siya nung isang guardia personal na kausap niya at nagpalingon-lingon ito sa paligid.

"Huwag ka ngang maingay diyan, baka may makarinig pa sa iyo, hindi tayo maaaring mabigo ngayon" suway nung isa. Napapikit naman sa inis yung isa.

"Kung umatake na sana tayo noon bago pa tayo naunahan ng mga nagpapanggap na mga rebelde, malamang kinakain na ng mga buwitre ang bangkay ni Don Alejandro ngayon!" buwelta pa niya. gulat namang napatingin sa kaniya yung kausap niya.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ba sila Ca-tapang ang nag-utos na umatake kayo dito noong nakaraan?" gulat na tanong nung isang guardia personal at agad nitong hinubad ang kaniyang sumbrero. Manipis-nipis na ang buhok nito at mistulang bagsak na bagsak dahil sa pagkakalapat ng sumbrero sa ulo niya.

"Hindi na ito napag-usapan pa dahil wala namang pakialam si Ca-tapang kung ibintang sa kaniya lahat ng mga pag-atake na nangyayari ngayon dito sa San Alfonso, Baguhan ka pa lang kung kaya't marami ka pang pagdadaanan, Ako ang naatasan sa misyong ito at wala akong natanggap na utos mula kay Ca-tapang na aatakihin namin ang hacienda Montecarlos noong Enero" sagot nung guardia personal na inis na inis kanina pa.

Bigla kong naalala yung pag-atake na nangyari sa amin noon dito sa hacienda Montecarlos kung saan hindi agad dumating ang hukbo nila Leandro upang tulungan kami. At naalala ko rin ang sinabi noon ni Maria nang makasalo namin sa hapag-kainan ang pamilya Flores...

"Bakit madaling napasok ng mga rebelde ang inyong hacienda?" -Natasha

"Bakit nga ba? Iyon din ang aking pinagtataka, bukod doon ay nagtataka rin ako kung saan nakuha ng mga rebelde ang mga baril nila na tanging ang hukbo lang ang mayroon" - Maria.

Ibig sabihin... Tama ang kutob ni Maria na hindi mga rebelde ang umatake sa amin noong araw na iyon. Posibleng, pakana iyon ng pamilya Flores upang magkaroon kami ng utang na loob sa kanila at hindi na namin magawa pang kalabanin sila.

"Nang dahil sa pag-atakeng iyon ng mga kalalakihang hindi naman natin kaanib sa grupo, mas lalong naghigpit tuloy ng pagbabantay si Don Alejandro dito" naiinis na tugon pa nung guardia personal at tinanggal na rin niya ang sumbrerong suot niya upang hawiin ang buhok niya na basang-basa na ngayon sa pawis dahil sa init.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino yung guardia personal na namumula na ngayon dahil sa inis...

Si Bergilio.

Ibig sabihin... siya ang naatasan dito magmanman at manguna sa mangyayaring pag-atake sa hacienda Montecarlos!

Mas lalo akong kinabahan nang maalala kong alam pala ni Bergilio na pinatay ni Juanito ang kasamahan nilang mga rebelde na sina Carding. At alam din ni Bergilio na buhay at kung nasaan ngayon si Juanito.

Ayon kay Juanito, tinulungan siya ni Bergilio at pinagtakpan siya kina Ca-tapang upang hindi parusahan si Juanito sa pagtataksil na ginawa niya sa kanilang samahan nang patayin niya sina Carding.

Pero bakit naman iyon gagawin ni Bergilio? Bakit siya magsisinunggaling para kay Juanito?

At ngayon nandito siya sa loob ng hacienda namin at malayang nakakagalaw at nakakapagmanman sa mga ginagawa ni Don Alejandro at ng pamilya namin.

Ngayon ko lang napagtanto, na hindi na rin ligtas si Juanito sa rebeldeng grupo ni Ca-tapang na kinabibilangan niya dahil napatay niya ang kasamahan niyang sila Carding noon. At kapag nalaman ito nila Ca-tapang, siguradong manganganib din ang buhay niya!

Babalik na lang sana ako sa kwarto nang bigla akong napatigil dahil sa pamilyar na boses na narinig ko.

"Bilyong! Pasuyo naman ako oh, maaari mo bang ipaabot ito kay Binibining Carmelita" narinig kong tugon ni Juanito dahilan para agad akong mapalingon muli sa kanila.

Napatakip na lang ako sa bibig ko dahil sa gulat nang marealize kong si Juanito nga iyon!

Naka-damit pang-magsasaka siya at mukhang kakatapos niya lang magsiga dahil nababalot ng itim na uling ang damit niya. "Hindi ka pa rin ba sumusuko Juanito? mukhang ayaw na sa iyo ng hilaw na mestisang iyon! Lumabas na ang totoong ugali niya na kasing itim ng buto ng kaniyang ama!" naiinis na tugon ni Bergilio. Bigla namang nagbago ang itsura ni Juanito at pilit na pinipigilan ang sarili na hindi suntukin si Bergilio dahil sa mga sinasabi nito.

"Huminahon kayo, tama na iyan! Baka magising ang mga kasambahay dahil sa ingay niyo" awat nung isang guardia personal na kausap kanina ni Bergilio. Napahilamos naman sa mukha si Juanito at namumula na siya ngayon sa galit.

"Sige na, ako na ang mag-aabot nito kay Binibining Carmelita" tugon nung guardia personal na halatang napilitan lang upang mahimasmasan si Juanito dahil mukhang hindi niya mapipilt si Begilio.

"Bahala nga kayo diyan! Magpapahangin lang ako Andoy" naiinis na tugon ni Bergilio at nilayasan na niya si Juanito at yung kasama niyang guardia personal na Andoy pala ang pangalan.

Agad namang tinapik ni Andoy ang balikat ni Juanito "Naiintindihan ko naman na mahal na mahal mo pa rin ang bunsong anak ni Don Alejandro, ngunit maka-ilang beses na niyang tinanggihan kunin at kung minsan ay itapon ang mga sulat mo para sa kaniya... naaatim mo pa ba iyon?" tanong ni Andoy kay Juanito, napayuko naman si Juanito at umupo sa tabi niya.

Teka!

Ano daw?

Makailang-beses kong tinapon ang sulat ni Juanito? Kailanman ay hindi ko magagawa iyon!

Parang biglang kumirot ang puso ko nang marealize ko na apat na araw nga pala nakontrol ni Carmelita ang katawan ko. Marahil ay siya ang nakatanggap ng mga sulat na iyon ni Juanito para sa akin!

Kasabay ng pagkabigla ko dahil sa mga narinig ko ay ang pagpasok ng alaala ni Carmelita sa utak ko...

Naglalakad si Carmelita at Maria sa hardin ng hacienda Montecarlos, nakapulupot ang braso ni Maria sa braso ni Carmelita habang nagkwekwento ito ng mga nakakakilig na pangyayari sa kanila ni Eduardo. Samantala, tulala at balisang-balisa naman si Carmelita at halatang hindi nakikinig sa mga pinagsasabi ni Maria.

"Kaya nga... sobrang nagagalak ako dahil nagawa mong isakripisyo noon ang sarili mo at nagpresenta ka na magpakasal kay Leandro upang hindi ipalaglag ni ama ang pinagbubuntis ko" tugon ni Maria dahilan upang gulat na napalingon sa kaniya si Carmelita.

"Ano? Buntis ka?" gulat at halos hindi makapaniwalang tanong ni Carmelita kay Maria dahilan para biglang magtaka yung itsura ni Maria.

"Ayos ka lang ba Caremelita? apat na buwan na akong buntis... kung sabagay, halos tatlong buwan din akong nawala dito sa piling niyo kung kaya't baka nawala na isipan niyo" sagot ni Maria at hinimas niya ang tiyan niya na hindi naman ganoon kalaki kung kaya't hindi masyado halata, Gulat namang napatingin si Carmelita sa tiyan niya at hindi ito makapaniwala. Kung kaya't hinawakan ni Maria ang magkabilang balikat ni Carmelita at iniharap ito sa kaniya.

"Naiintindihan ko na maraming bagay at problema ang bumabagabag ngayon sa isipan mo kapatid ko, ngunit huwag kang mag-alala nandito lang ako lagi para sa iyo, utang ko ang buhay ko at ng anak ko sa iyo, dahil kung hindi dahil sayo marahil ay asawa na ako ngayon ni Gobernador Flores" patuloy pa ni Maria at bigla siyang nalungkot.

Napailing naman si Carmelita at napaatras. "S-sandali lang, hindi na si Don Mariano ang gobernador ng San Alfonso?" gulat na tanong ni Carmelita, at tiningnan naman ni Maria ng mabuti si Carmelita at hinipo ang noo at leeg nito.

"W-wala ka namang sinat ah, bakit ka nagkakaganiyan?" nagtatakang tanong ni Maria. hindi naman nakasagot si Carmelita at napapikit lang ito sa inis. "Bakit parang biglang nakalimutan mo na ang lahat? epekto ba ito ng pagkalunod mo sa lawa ng luha" tugon pa ni Maria at napaisip siya ng malalim.

"N-nasaan ang talaarawan ko?" biglang tanong ni Carmelita kay Maria, dahilan para mas lalong maweirduhan na si Maria sa kapatid niya.

"H-hindi ko alam, tanungin mo si Belinda, marahil ay alam niya kung saan mo huling nilagay ang iyong talaarawan" sagot ni Maria at nginitian niya ng bahagya si Carmelita pero hindi siya nito pinansin.

Babalik na sana sila sa loob ng mansyon nang biglang dumaan ang dalawang guardia personal na sina Bergilio at Andoy at agad nag-bow sa kanila. Nagulat naman si Carmelita nang biglang lumapit si Bergilio at inabot niya ang tatlong sobre kay Carmelita.

"G-galing ba iyan kay Juanito?" sabat ni Maria, napatango naman si Bergilio. "Sige Maraming Salamat, paki-kamusta rin ako kay Eduardo" patuloy pa ni Maria at agad na pasimpleng umalis sila Bergilio at Andoy na parang wala lang nangyari.

"Oh? Carmelita... Bakit hindi ka masaya? Nasaan ang ngiti mong halos ikapunit na ng iyong mukha matanggap lang ang sulat ni Juanito" pang-asar pa ni Maria kay Carmelita pero napatitig lang si Carmelita doon sa tatlong sobreng hawak niya.

"N-nagpapadala ng sulat sa akin si Juanito? A-akala ko ba hindi niya ako----" hindi na natapos ni Carmelita yung sasabihin niya kasi biglang nagsalita si Maria.

"Marahil ay hindi lang agad nakapagpadala sa iyo ng sulat si Ginoong Juanito dahil naghigpit si ama sa pagbabantay dito, kung kaya't huwag ka ng magtampo diyan, at marahil ay hindi siya makalabas ngayon sa simbahan dahil hindi pa naghihilom ng tuluyan ang mga sugat na natamo niya" paliwanag pa ni Maria, hindi naman nag-react si Carmelita, nakatitig pa din siya sa mga sulat na hawak niya, nabasa niya ang nakasulat sa likod ng sobre...

Carmelita

Ngunit sa mga sandaling iyon, Bagama't pangalan niya ang nakalagay sa sobreng iyon... Alam niyang hindi naman siya ang tinutukoy ng lalaking pinakamamahal niya.

Bigla akong napahawak sa malaking paso na nasa harapan ko kung saan ako nagtatago ngayon, Hindi ako makapaniwalang nabasa na ni Carmelita ang mga sulat ni Juanito para sa'akin!

At alam na din niya na umibig si Juanito sa akin!

Napatitig naman ako sa diary na hawak ko ngayon, narealize ko na kaya pala pinapahanap ni Carmelita ang diary na to upang malaman niya ang lahat ng nangyari dahil isinulat ko sa diary na ito ang lahat ng kaganapan mula nang umpisahan ko ang misyon kong ito.

Sa ngayon, ang alam pa lang niya ay patay na si ina at Josefina, alam na rin niya na si Kapitan Vicente Flores na ang bagong Gobernador ng San Alfonso, alam na din niya na buntis si Maria, alam na rin niya na nagpresenta akong magpakasal kay Leandro upang iligtas si Maria sa pamilya Flores, at higit sa lahat alam na rin niya na nahulog sa akin si Juanito!

"Hindi ko nga alam kung bakit siya biglang nagbago, hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla niya akong itinaboy ng ganito" narinig kong tugon ni Juanito at napatango-tango naman si Andoy habang dinadamayan siya.

Hindi maaari!

Ibig sabihin... nakausap na ni Carmelita si Juanito!

Nakita kong tumayo na si Juanito at nagpaalam kay Andoy, pero bago pa man siya makaalis agad akong tumayo at tinawag ang pangalan niya.

"Juanito!" tawag ko dahilan para mapalingon sila ni Andoy sa akin. Gulat namang napatulala sa akin si Juanito at nabitawan din ni Andoy dahil sa gulat yung sulat na hawak niya na ibibigay dapat sa akin ni Juanito.

"B-binibini...A-anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Juanito sa akin pero may halong ngiti na sa kaniyang labi. Hindi ko naman mapigilang mapangiti rin dahil nandito na siya ngayon sa harapan ko. napansin ko ang luhang namumuo sa kaniyang mga mata at agad siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap niya ako.

"H-hindi ka na galit sa akin?" bulong niya pa habang yakap-yakap ako ngayon ng mahigpit. Niyakap ko naman siya pabalik at hindi na ngayon maawat ang mga luha ko sa pagpatak. Magkahalong saya at takot ang nararamdaman ko ngayon. hindi ko pa alam kung anong mga sinabi ni Carmelita sa kaniya dahilan para masaktan at mawasak ang puso niya ng ganito.

Bago pa man ako makapgsalita biglang pumasok na ang alaaala ni Carmelita sa utak ko...

"S-salamat mahal ko dahil nasa mabuti ang kalagayan mo, labis akong nag-alala nang makita kitang mawalan ng malay noong Bagong taon ng mga intsik, at hindi rin ako mapalagay dahil hindi mo tinutugon ang mga sulat na ipinapadala ko sa iyo" tugon ni Juanito at akmang yayakapin na niya si Carmelita pero bigla itong humakbang paatras at tiningnan siya ng diretso sa mata.

Nandito sila ngayon sa tapat ng lawa ng luha, malalim na ang gabi at walang buwan o bituin sa langit, sa tulong ni Maria naitakas niya ngayon si Carmelita sa kanilang mansyon at nagtungo dito sa lawa ng luha na sakop pa rin naman ng kanilang hacienda.

Matapos mabasa ni Carmelita ang mga sulat na pinadala ni Juanito, naging mainitin na ang ulo nito at panay ang sigaw sa mga kasambahay, inutusan niya rin ang lahat lalong-lalo na si Belinda na hanapin ang diary niya.

"B-bakit may problema ba? N-napagalitan ka na naman ba ng iyong ama? H-hindi ka pa rin ba tinitigilan ni Leandro?" nag-aalalang tanong ni Juanito at hinawakan niya ang kamay ni Carmelita pero agad itong pumiglas sa pagkakahawak niya.

At dahil dun napatulala lang si Juanito sa kaniya dahil sa matinding pagkabigla. "C-carmelita----" hindi na natapos ni Juanito yung sasabihin niya kasi biglang nagsalita si Carmelita at tiningan siya ng matalim.

"Bakit Juanito? Bakit mo nagawang ibigin ang babaeng iyon?! Isinakripisyo ko ang buhay ko para sayo! para maituwid ang pagkakamali ko at muling mabigyan ka ng pagkakataong mabuhay pero bakit? Bakit ka umibig sa kaniya?!" sigaw ni Carmelita at tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. humakbang naman papalapit si Juanito sa kaniya upang punasan ang mga luha niya pero agad niyang sinagi ang kamay nito.

"Bakit hindi mo nagawang punasan ang mga luha ko noong nagmamakaawa ako sa harapan mo? Bakit hindi mo sinubukan mahalin ako sa kabila ng pagmamahal ko sa iyo? Bakit nais mong itigil ang kasal at iwan ako para kay Helena?!" sigaw pa ni Carmelita, mas lalong nagulat naman si Juanito at naguguluhan na siya sa mga nangyayari.

"A-ano bang pinagsasabi mo? Ikaw ang mahal ko Carmelita! Ikaw lang ang nasa puso ko" paliwanag pa ni Juanito at pilit niyang sinusuyo si Carmelita pero umiiwas at humahakbang ito paatras sa kaniya.

"Hindi mo ako mahal Juanito! Hindi ako ang babaeng minamahal mo! at hindi ako makakapayag na magkatuluyan kayo! Sinira niya ang pamilya ko! ipinagkatiwala ko ang buhay ko sa kaniya pero anong ginawa niya? Sinira niya ang lahat! at inagaw ka niya sa akin!" galit na sigaw pa ni Carmelita dahilan para mapatakbo si Maria na kanina pa nakatayo sa di-kalayuan dahil sinamahan niya ito.

"Carmelita! Juanito! huwag kayong masyadong maingay baka marinig kayo ng mga guardia----" hindi na natapos ni Maria yung sasabihin niya kasi nagulat siya nang makitang umiiyak na ng todo si Carmelita, kung kaya't agad niya itong niyakap.

"Anong nangyare? Anong ginawa mo sa kapatid ko?" nag-aalalang tanong ni Maria kay Juanito, napahilamos naman sa mukha si Juanito at hindi na niya alam ang gagawin niya ngayon. patuloy na rin ang pagdaloy ng mga luha niya.

Pero kahit ganoon ay sinubukan pa din niyang lapitan si Carmelita na ngayon ay umiiyak na sa bisig ni Maria. "C-carmelita... makinig ka, wala kaming relasyon ni Helena at kailanman ay hindi kami nagkarelasyon dahil ikaw ang totoong tinitibok ng puso ko... ikaw lang at wala ng iba" paliwanag pa ni Juanito, pero tiningnan lang siya ni Carmelita at nanlilisik ang mga mata nito kahit pa patuloy ang pagbagsak ng mga luha niya.

"N-nagkakamali ka sa akala mo Juanito... Ang tinitibok ng puso mo ay hindi ako" seryosong tugon ni Carmelita dahilan upang mapatulala si Juanito sa kaniya at ang mga huling sinabi niya ay labis na gumulo sa isipan ni Juanito.

Matapos makausap ni Carmelita sa lawa ng luha si Juanito at nagwala siya doon, sinamahan muna ni Maria si Carmelita sa kwarto nito at pinatahan sa pag-iyak, ayaw ikwento ni Carmelita ang dahilan kung bakit siya umiiyak at kung sino yung tinutukoy niyang babaeng minamahal ni Juanito.

Kinabukasan, nagulat si Carmelita nang makita si Juanito sa ibaba at nakatanaw sa kaniyang bintana. Ngumiti ito pero agad niyang sinaraduhan ng bintana dahilan para mas lalong masaktan si Juanito. Napaupo naman sa kama si Carmelita sa galit at nagbasa na lang ng libro, ilang sandali pa dumating si Belinda at ibinalita sa kaniya na hindi niya mahanap ang diary, at dahil mainit ang ulo ni Carmelita sinigawan niya si Belinda at hinampas pa niya ito ng libro sa braso.



"Carmelita? A-ayos ka lang?" tugon ni Juanito dahilan para bumalik ako sa katinuan, hawak niya ngayon ang mukha ko habang nakatitig siya sa akin. Kitang-kita ko ang labis na pag-aalala sa kaniyang mga mata. Sa pagkakataong iyon, hindi ko kinayang makitang umiyak ng ganoon si Juanito dahil sa mga pinagsasabi ni Carmelita.

Napayakap na lang ako sa kaniya, at umiyak sa tapat ng dibdib niya. tinatapik-tapik naman niya ang likod ko dahilan para mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. "Sabi mo noon, ang yakap ang isa sa mga paraan upang maghilom ang sugat na nararamdaman ng isang tao sa kaniyang puso" bulong sa akin ni Juanito. napangiti naman ako ng bahagya, naalala kong sinabi ko nga sa kaniya yun noong pinuslit kami ni Don Buencamino sa kaniyang barko papuntang Maynila. Iniwan niya muna kami noon sa kaniyang silid dahil hahanapan pa niya ako ng bakanteng silid kung kaya't nakapag-usap kami ni Juanito.

Magsasalita na sana ako kaso biglang lumapit sa amin si Andoy. "K-kanina ka pa riyan Binibini?" gulat na tanong ni Andoy habang nakatingin sa mga mata ko at nakaturo doon sa likod ng naglalakihang paso na pinagtaguan ko kanina.

Napabitaw na ako sa yakap ni Juanito at pinunasan ko na rin ang mga luha ko saka tumingin kay Andoy "Oo kanina pa ako riyan" sagot ko dahilan para biglang mapahawak siya sa panga niya dahil sa pagkabigla.

Nagtataka naman kaming napatingin ni Juanito sa kaniya "Bakit Andoy? Anond problema?" tanong ni Juanito pero napahawak lang si Andoy sa noo niya, mukhang stress na stress na siya ngayon.

"Narinig niya ang lahat Juanito! Narinig niya ang pag-uusap namin ni Bergilio kanina tungkol sa misyon namin dito" seryosong tugon ni Andoy dahilan para lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Hindi naman nag-react si Juanito.

"Kakampi natin si Carmelita, bagaman anak siya ni Don Alejandro, nasa panig pa rin natin siya" sagot ni Juanito. napatingin naman sa akin si Andoy na may halong pagdududa pa rin.

"Paano ka naman nakasisiguro Juanito?" tanong pa ni Andoy pero kahit kay Juanito niya sinabi iyon nakatingin pa din siya ng matalim sa akin.

"Ilang beses na pinatunayan ni Carmelita na hindi siya sang-ayon sa mga gawain ng kaniyang ama, ilang beses na rin niya pinagtakpan ang samahan natin" diretsong sagot ni Juanito. napahawak na lang sa noo si Andoy at napailing-iling.

"Kung gayon, aasahan namin ang katapatan mo Binibini" tugon ni Andoy sa akin, napatango naman ako sa kaniya. Alam kong medyo nabawasan na ang pagdududa niya dahil nawala na ang kunot sa noo niya, ilang sandali pa nagpaalam na siya at umalis.





Nandito kami ngayon ni Juanito sa lawa ng luha at nakaupo sa pampang, sobrang ganda ng buwan na nag-rereflect sa kumikinang na tubig ng lawa. Bigla kong narealize na ang ganito kagandang tanawin ay hindi dapat binabahiran ng kalungkutan. Walang dapat nagpapakamatay sa lawang ito na sobrang kaakit-akit.

Ang lamig din ng ihip ng hangin, magmamadaling araw na rin kasi kaya medyo makapal na ang hamog. Buti na lang nagdala ako ng balabal kaya pinang taklob ko sa balikat ko. Napatingin naman ako kay Juanito na nasa tabi ko at mukhang nilalamig din siya, manipis lang ang kaniyang damit pang-itaas at puro uling pa ito.

Umusog ako papalapit lalo sa kaniya dahilan para magdikit ang mga balikat namin, bigla naman siyang napalingon sa akin at ngumiti "Akala ko ay galit ka pa sa akin kung kaya't natatakot akong baka mabigla kita kapag lumapit ako sa iyo" panimula niya, natawa naman ako. napaka-gentle man talaga ng lalaking to.

Inalis ko yung balabal na nasa balikat ko at ipinatong ang dulo niyon sa balikat niya, mahaba naman kasi ang balabal na ito kung kaya't pwede kaming mag-share. Nakita ko namang pasimpleng ngumiti si Juanito at halatang ayaw niya ipakita sa akin na kinikilig siya diyan.

At dahil dun sinilip ko ang mukha niya na nakalingon sa kaliwa at nakita ko ngang nakangiti siya na parang aso haha!

Aba! Ganito pala kiligin ang mga lalaki sa panahong to ah. Ang cute! Haha!

Napa-ehem muna ako at dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya, nabigla naman siya sa ginawa ko at agad napalingon sa akin, sobrang naweweirduhan siguro siya sa'kin ngayon kasi nung isang gabi lang inaway ko siya (which is Carmelita naman talaga ang nang-away sa kaniya) tapos ngayon biglang ngingitian ko siya na parang wala lang nangyari "Bukod sa ayokong makitang umiiyak ka, ayoko ring makitang nasasaktan at nagagalit ka sa akin" tugon niya pa at dahan-dahan siyang ngumiti, yung ngiting nagpabihag sa puso ko noong una pa lang kaming nagkita.

Nagulat ako nung biglang nag-thumbs up siya, natawa na lang ako at nag-thumbs up din.

Napasandal na ako sa balikat niya, pero napansin ko ang bakas ng dugo sa damit niya sa bahagi ng tiyan niya. "B-bakit dumudugo pa rin ang sugat mo?" tanong ko sa kaniya, agad naman niyang tinakpan ng kamay niya yung sugat niyang dumudugo.

"W-wala ito, nasobrahan lang siguro ako sa pagsiga kanina kung kaya't hindi ko nalagyan ng gamot" sagot niya, hindi ko alam pero bakit parang hindi ako kumbinsido sa sinasabi niya. Naiintindihan ko na hindi ganoon madaling humilom ang sugat lalo na ang tama ng bala pero bakit hanggang ngayon lumipas na ang ilang linggo dumudugo pa din ang sugat niya.

Teka!

Hindi kaya nagkaroon na siya ng komplikasyon sa atay, bituka o kidney o kung anuman ang nasa loob ng tiyan niya?

"Huwag kang mag-aalala, malayo ito sa puso, Hindi ako mamamatay" tugon pa ni Juanito habang nakangisi siya, natutuwa siguro siya ngayon makitang nag-aalala ako ng sobra-sobra. At dahil dun kumunot yung kilay ko.

"Kahit na, hindi ka pa magaling, paano kung malaki pala ang nadamage---Ah este napinsala ng tama ng bala sayo... kailangan mong magpahinga muna" reklamo ko sa kaniya pero nginitian lang niya ako. kilig na kilig na siguro to dahil concern ako sa kaniya.

"Wala na akong panahon upang magpahinga, lumalakas na ang pwersa namin, maganda ang resulta ng pagatras nila Ca-tapang sa kabilang bayan, mas madaming mga mamamayan ang sumapi na sa aming samahan, nakabuo na rin kami ng mga plano sa pagsalakay at handa kong ialay ang buhay ko para sa bayan" napatulala naman ako sa sinabi niya. parang may kung anong kirot akong naramdaman nang marinig ko sinabi niyang handa kong ialay ang buhay ko para sa bayan.

Malamang ay naramdaman din ito ng mga asawa at kasintahan ng ating mga bayani tulad nila Gregoria De Jesus, Gabriela Silang, Josephine Bracken, Catalina De Jesus at madami pang iba.

Kung iisipin, masarap pakinggan na handang ialay ng taong mahal mo ang buhay niya para sa kalayaan ng bayan pero hindi pa rin maitatanggi na masakit din pala ito sa pakiramdam lalo na ang ideyang maiiwan ka na lang mag-isa.

"Ngunit huwag kang mag-alala, kahit anong mangyari tutuparin ko ang pangako ko sa iyo na lalaban ako at hindi ako mamamatay" sabi pa ni Juanito at hinawakan niya ng marahan ang kamay ko. "May nakalimutan ka pang isang pangako" sabi ko naman dahilan para mapaisip siya.

"Ah! Oo... tutuparin ko rin ang pangako ko sa iyo na kahit mahirap, kahit anong mangyari hinding-hindi ko bibitawan ang kamay mo" nakangiti niyang tugon, para namang sasabog yung puso ko dahil sa saya. Sa totoo lang, wala ako sa lugar ngayon para magsaya dahil sa mga problemang dinudulot sa'kin ni Carmelita pero kahit ganoon sa tuwing kasama ko si Juanito kusang sumasaya ang puso ko.

"Asahan mong makakarating sa iyo ang mga balita ng pag-atake ng aming grupo sa iba't-ibang panig dito sa San Alfonso at sa karatig bayan, ngunit huwag kang mag-alala sisiguraduhin kong hindi ka mapapahamak at ang pamilya mo" sabi pa ni Juanito, napatango naman ako sa kaniya. Gusto ko mang pigilan siya na huwag nang iligtas ang pamilya namin laban sa rebeldeng grupo ni Ca-tapang pero alam kong si Juanito lang ang makakatulong sa amin upang hindi masira ang pamilya Montecarlos at ang hacienda.

Kapag nasira ngayon sa panahong ito ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya Montecarlos, hindi ko na alam kung anong buhay at pamilya ang babalikan ko sa 2016.

Ngayon ko lang narealize na halos wala na pala kaming kakampi, mukhang ang pagtulong na ginagawa ng pamilya Flores ay may kaakibat na utang na loob, ang rebeldeng grupo naman ni Ca-tapang ay unti-unti nang nagtatagumpay laban sa mapang-abuso naming lahi.

Maging si Juanito naman ay nasa alanganin din, delikado siya sa kamay ng pamilya Flores at kay Don Alejandro at ngayon kapag natuklasan ang pagpatay niya kina Carding manganganib na din ang buhay niya sa rebeldeng grupo nila Ca-tapang.

Napatitig ulit ako sab akas ng dugo sa tiyan niya, maging ang kalusugan ngayon ni Juanito ay napapabayaan na rin niya. hindi pa naman high tech ang mga kagamitan sa panggagamot sa panahong ito, kung kaya't ang mga nagkakasakit at nagtatamo ng malalalim na sugat ay nasa peligro talaga ang buhay.

Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang mukha ko at tiningan ako ng diretso sa mga mata "Ayos lang ako, Ayokong makitang nag-aalala ka pa, nagkataon lang talaga na hindi ako nakapagpahinga kanina dahil kailangan ni Padre Orlando ng madaming siga, pasensiya na kung hindi na rin ako nakaligo pa bago magtungo dito" echoes pa ni Juanito at nginitian niya ako ng bonggang-bongga dahilan para mawala yung kunot ng noo ko at nahawa na din sa ngiti niya. Haays, kainis! Hindi ko magawang magsungit ng matagal sa lalaking to oh.

Napahilig ulit ako sa balikat niya, ang bango pa rin niya, kahit medyo madungis siya ngayon ang gwapo pa rin niya at sobrang nakakaadik talaga ang scent niya "Bakit mo ako sinisinghot?" natatawa niyang tanong dahilan para matauhan ako sa kahihiyang ginagaawa ko. Waahh!

Ngayon ko lang narealize na nakasubsob na pala yung ilong ko sa balikat niya at sinsinghot ko siya. Kyaaahh! Nakakahiya ka Carmela! Hindi yan gawain ng isang dalagang Pilipina!

"Ang baho mo kasi" sabi ko na lang at agad akong umiwas ng tingin sa kaniya, nakita ko naman sa peripheral view ko na mas lalong lumaki yung ngiti niya at natawa pa siya.

"Talaga? Halos masinghot mo na nga ako ng buo kanina eh" pang-asar niya pa dahilan para maramdaman kong uminit yung mukha ko. Omg! Sobrang haliparot ko ba kanina?

Binigyan ko lang siya ng whatever-look dahilan para mas lalo siyang matawa. "Sige na, maaari mo na akong singhutin muli" pang-asar pa niya tapos inilapit niya yung sarili niya sa akin, aksidente ko tuloy nahawakan yung matigas na bagay sa tiyan niya---My Gosh! Abs!

Nakakainis na nakakakilig na nakakabaliw na nakakaakit yung ginagawa niya! Nakahilig na siya sa'kin ngayon at hindi ko naman siya magawang itulak kasi---Gusto ko naman eh! Enebey! Hahaha!

"P-pasalamat ka kaya kong tiisin ang amoy mo" banat ko pa sa kaniya, bigla naman siyang natawa at tiningan ako ng diretso sa mata at humilig pa siya lalo sa akin dahilan para maitabig ko yung isang kamay ko sa likod ko para di kami matumba. Ang lapit ng mukha niya ngayon sa leeg ko and My Gosh! I can feel his breath on my neck! Kyaaahh!

"Gracias MI amor" (Thank you My Love) tugon niya sabay ngiti sa akin dahilan para mas lalo akong matunaw Waaahh! Hindi ko rin mapigilan ang pagngiti ko ngayon dahil sa sinabi niya. kahit papaano pala may advantage din ang pagkakaintindi ko ng wikang Kastila ngayon My Gosh!

Nakatitig pa din siya sa akin ngayon at ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko Kyahh! Mukhang nag-aabang siya sa sasabihin ko. Omg!

"De nada mi amo"(You're Welcome My Love) sagot ko dahilan para mas lalong lumaki yung ngiti niya. napapikit na lang ako at napatakip sa mukha dahil sa kilig. Omg! Carmela wag kang kiligin sa harapan niya! nakakahiyaaa...

Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko at inialis niya iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang sobrang lapit na ng mukha niya sa akin, "Puedo tener un solo beso?"(Can I have just one kiss?)

"Si mi amor" (Yes My love) sagot ko pa, Sa ilalim ng liwanang ng buwan, sa paligid ng nagkikislapang katubigan, sa gitna ng naglalakihang puno sa kapaligiran, alam kong ang puso naming dalawa ngayon ay nag-uumapaw sa pagmamahalan.

At sa pagkakataong iyon ramdam ko ang pagdampi ng kaniyang matatamis na labi sa aking labing uhaw na tanging ang pag-ibig lamang niya ang makapagpapawi.





Kulay asul na ang kalangitan ng magpaalam kami sa isa't-isa. Nalaman ko na madaling nakakapasok na si Juanito dito sa aming hacienda dahil halos kalahati ng mga guardia personal namin ay kaanib ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang.

Natatakot man ako sa posibleng pag-atakeng gawin nila, ayoko namang ipahamak sila kung kaya't mas pinili kong tumahimik na lang at hindi ito sabihin kay Don Alejandro. Wala ring ideya si Maria na ang mga guardia personal na nagbabantay sa amin ay may planong lusubin kami. Ang akala lamang niya ay kaibigan ni Juanito ang guardia personal na si Bergilio kung kaya't napapakiusapan ito ipaabot ang mga sulat sa akin.

Nangako naman sa akin si Juanito na ipapaalam niya sa akin ng maaga kung sakaling aatake na ang mga guardia personal para makatakas kami. Sa ngayon, ayaw muna namin gumawa ng anumang hakbang dahil baka makahalata ang ibang kasamahan nila.

Lumipas pa ang isang araw at halos wala sa bahay si Don Alejandro, hindi naman na niya kami pinayagang makalabas ng bahay. kung kaya't nakakulong lang kami ni Maria sa mansyon. Buong araw lang din ako sa loob ng kwarto habang iniisip kung ano ba talaga ang plano ni Carmelita, hindi rin ako natulog kagabi at ngayong gabi at wala rin akong balak matulog sa susunod pang gabi.

Nakatitig ako ngayon sa diary, Oo nga pala hindi ko nagawang itago ito dahil nakita ko sila Juanito noong isang gabi. Tumayo na ako at binitbit ko muli yung diary. Halos wala namang pagala-galang kasambahay sa labas ng kwarto ko at sa salas sa baba kung kaya't madali akong nakalabas at nagtungo sa hardin na nasa tabi lang naman ng mansyon namin.

Nakita ko ang isang pala sa gilid ng isang paso at agad kong kinuha iyon upanng maghukay ng malalim. Nagpalingon-lingon naman ako sa paligid at wala namang bakas ng tao. ilang sandali pa inilibing ko na doon yung diary at agad itong tinabunan ng lupa. pinatungan ko rin ito ng malaking paso para hindi paghinalaan na nahukay ang bahagi ng lupang iyon.

Kahit papaano ay may advantage pa din ako kay Carmelita, hindi niya nalalaman ang mga ginagawa ko. hindi niya ngayon malalaman kung saan ko tinago ang diary niya.

Agad na akong bumalik sa kwarto at naligo. Ngayon ko lang narealize na nakakapagod pala magbungkal ng lupa, ang sakit sa braso at sa likod. Hindi pala biro ang trabaho ng mga magsasaka at hardinero.

Pagkatapos ko maligo ay umupo ako sa isang upuan dito sa tapat ng mesa malapit sa bintana. Pinagmasdan ko na lang ang mga bituin sa langit. At plano kong titigan sila buong gabi para hindi ako makatulog---





Naalimpungatan ako dahil tumama ang sinag ng araw sa mata ko habang natutulog ako. Iminulat ko na ang mga mata ko at nakitang bukas na bukas ang mga bintana dito sa kwarto.

Teka!

Bakit nandito na ako sa kama? At Bakit iba na ang baro't saya na suot ko?!

Nakaupo lang ako sa tapat ng bintana kagabi ah!

"M-magandang umaga po Binibini, naghihintay po sa inyo sa ibaba si Heneral Leandro" tugon sa'kin ng isang babaeng payat na payat at lubog ang mga mata. Pero maganda naman ang kaniyang balat at maayos ang kaniyang pananamit.

"S-sino ka? n-nasaan si Belinda?" tanong ko sa kaniya. Nagtaka naman yung itsura niya.

"A-ako po ito si Anling, ang bago niyong tagapag-silbi nakalimutan niyo na po ba?" nagtataka niyang tanong. Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at napahawak ako sa dibdib ko na ngayon ay sobrang lakas na ng kabog dahil sa kaba.

"Nasaan si Belinda?" tanong ko pa, napayuko naman siya bago sumagot.

"W-wala na po si Belinda, natagpuan po ang kaniyang bangkay sa gitna ng kagubatan sa labas nitong hacienda" sagot ni Anling at halatang kinakabahan siya. parang may kung anong lamig akong naramdaman sa buong katawan ko nang marinig ko ang sinabi niya.

Bakit parang may kakaiba akong pakiramdam sa pagkamatay ni Belinda.

"A-ano na bang araw ngayon?" tanong ko kay Anling, napaisip naman siya at napatingala sa kisame.

"Ika-15 na po ng Pebrero Binibini" sagot niya dahilan para biglang nanlumo ang buong katawan ko at nabalot ako ng matinding takot na sa pagkakataong iyon ay hindi ko alam kung paano ako mahihimasmasan pa.

7 na araw nakontrol ni Carmelita ang katawan ko!

At hanggang ngayon hindi ko alam kung paano niya nagagawang makontrol ang sarili kong katawan nang hindi ako nakakalaban.

Biglang pumasok ang alaala ni Carmelita sa utak ko...

"Hindi mo pa rin ba nahahanap ang talaarawan ko?" galit na tanong ni Carmelita kay Belinda na ngayon ay nakatayo sa labas ng kwarto ni Carmelita, Samantalang naka-pamewang naman si Carmelita at nakasandal sa pintuan niya.

"H-hindi ko po kayo maintindihan Binibini... nakita ko pong naghukay kayo kagabi sa hardin at ibinaon niyo po ang talaarawan niyo doon at ngayon tinatanong niyo po sa akin kung nasaan ang inyong talaarawan" reklamo ni Belinda dahilan para biglang lumaki ang mata ni Carmelita.

"I-ibinaon niya sa hardin? Samahan mo ako! ituro mo sa akin kung saan niya ibinaon ang talaarawan ko!" sigaw pa ni Carmelita na mas lalong ikinagulo ng isipan ni Belinda.

"Niya? Hindi po ba kayo ang nagbaon niyon?" nagtatakang tanong ni Belinda, bigla siyang pinandilatan ng mata ni Carmelita. "Huwag nang maraming satsat! Ituro mo na lang sa akin kung saan nakabaon ang talaarawan" naiinis na tugon ni Carmelita at agad siyang bumaba sa hagdan, nag-aalanganin namang sumunod si Belinda sa kaniya pero wala pa rin itong nagawa kasi baka sigawan ulit siya ng amo.

"Sigurado ka? dito nakabaon?" nagdududang tanong ni Carmelita kay Belinda. Nasa hardin na sila ngayon at nakatayo sa tapat ng paso kung saan mababakas ang bagong hukay na lupa sa ilalim nito.

"O-opo Binibini, sigurado po ako" natatakot na sagot ni Belinda, naguguluhan na siya ngayon sa kinikilos ng amo niya.

"Hukayin mo na!" utos ni Carmelita at napaatras ito. Gulat namang napatingin sa kaniya si Belinda. "B-bakit niyo po inilibing dito kung huhukayin niyo rin?" nagtatakang tanong ni Belinda pero agad siyang nakatikim ng hampas mula kay Carmelita sa pamamagitan ng malaking abaniko na hawak nito.

"Ang mga taong pala-tanong na hindi maawat sa paghukay ng kasagutan ay siyang naghuhukay na rin ng kanilang sariling paglilibingan" serysong tugon ni Carmelita dahilan para biglang balutan ng takot si Belinda. Napatango na lang siya at agad niyang hinukay ang lupa kung saan nakabaon ang diary.

Ilang sandali pa, nakuha na ni Belinda ang diary na balot na balot na ng lupa ngayon. agad itong kinuha ni Carmelita sa kamay ni Belinda at binuklat-buklat ito, animo'y asong nagkakalkal ng pagkain sa basurahan.

Nagtataka namang napatitig si Belinda sa kay Carmelita na ngayon ay gulat na gulat habang binabasa ang unang pahina ng diary. "B-binibini, mawalang galang na po, nais niyo pong hukayin ang talaarawan niyo na mismong kayo po ang nagbaon dito upang basahin lang muli? Hindi po ba kayo lamang ang nagsusulat sa talaarawang iyan? Bakit po parang sabik na sabik kayo sa mga nilalaman ng-----" hindi na natapos ni Belinda yung sasabihin niya kasi biglang isinara ni Carmelita yung diary at tiningnan siya ng matalim.

Dahan-dahan itong tumayo at tumingin sa paligid. Nakita niya ang dalawang guardia personal na naglalakad papapunta sa kabilang bahagi ng hacienda, agad niya itong tinawag, nagulat naman yung dalawang guardia personal kung bakit sila tinawag ng senorita pero agad naman silang tumakbo papalapit dito.

Lumapit si Carmelita doon sa dalawang guardia personal na taking-taka, at binulungan niya ang mga ito "Te mando matarla ahora, y recibirás una recompensa de mi parte" (I command you to kill her now, and you will receive a reward from me) bulong ni Carmelita doon sa dalawang guardia personal. Nagkatinginan naman yung dalawa pero madali silang naakit ng ganda ni Carmelita at ng reward na inaalok nito.

"B-binibini... p-pumasok na po tayo sa loob, malapit ng dumilim" kinakabahang tugon ni Belinda, hindi man niya maintindihan kung anong sinabi ni Carmelita doon sa dalawang guardia personal dahil hindi siya nakakaintindi ng wikang Espanyol, batid niyang masama ang plano nito sa kaniya.

"Hindi mo na kailangan pang pumasok sa mansyon, dahil hanggang ngayong araw na lang ang paninilbihan mo" sarcastic na sabi ni Carmelita na iknagulat ni Belinda at agad napaluhod ito sa harapan niya at nagmakaawa.

"P-pero... P-patawad po Binibini kung may nagawa man po akong k-kasalanan---" hindi na natapos ni Belinda yung sasabihin niya kasi biglang nagsalita si Carmelita.

"Sinabi ko naman na sa iyo, ang taong matanong ang siyang naglalapit sa kaniya sa kasagutang nais niyang malaman, ngunit hindi niya nababatid na sa patuloy niyang pagtuklas sa katotohanan kaakibat nito ang pagtuklas niya sa kamatayan" tugon pa ni Carmelita at tinalikuran na niya si Belinda.

"H-huwag po Binibini! P-parang awa niyo na po!" sigaw pa ni Belinda at akmang hahabulin pa si Carmelita pero agad siyang hinarangan nung dalawang matangkad at matipunong guardia personal. Sa pagkakataong iyon, tanging ang sigaw na puno ng hinagpis, sakit, sumpa at galit ang nabaon sa hukay.

HINDI!

PINAPATAY NI CARMELITA SI BELINDA DAHIL NAGHIHINALA NA ITO SA KILOS NIYA!

Biglang sumikip ang dibdib ko at parang mababaliw na ako. Hindi ko akalaing nagawa niyang gamitin ang bibig ko upang sambitin sa mga guardia personal na pumatay ng ibang tao!

"Binibini... Sabihin ko na lang po ba kay Heneral Leandro na hindi niyo siya mahaharap ngayon?" tanong sa'kin ni Anling at medyo naiilang pa siya.

Tama! Si Leandro!

Kailangan kong makausap si Leandro upang malaman ko kung nasaan si Kolonel Santos!

Hindi na dapat ako magsayang pa ng oras, kaya kahit namamanhid ang buong katawan ko, kahit patuloy ang matinding kabog ng puso ko, kahit halos hindi na ako makapag-isip ngayon ng maayos pinilit ko pa ding umarte ng normal at hinarap si Leandro na ngayon ay naghihintay sa akin sa salas.

Agad siyang napangiti nang makita akong pababa ng hagdan, Bigla akong napatigil sa pagbaba sa hagdan nang biglang pumasok ang alaala ni Carmelita sa utak ko...

Dinakip ng dalawang guardia personal si Belinda at dinala sa masukal na gubat sa likod ng hacienda Montecarlos, doon ay ginahasa at pinagsamantalahan siya bago patayin at itapon ang kaniyang bangkay sa gilid ng ilog. Kumalat naman ang balita sa buong San Alfonso, ipinag-utos ni Carmelita doon sa dalawang guardia personal na ipagkalat na mga miyembro ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang ang may gawa niyon, inabot rin niya ang ipinangako niyang malaking halaga ng pera doon sa dalawang guardia personal at inutusang umalis na ito sa San Alfonso.

Agad nakahanap ng bagong tagapag-silbi si Don Alejandro na si Anling na anak ng isa sa mga kasambahay ng pamilya Montecarlos.

Kinabukasan, dumating si Leandro upang dumalaw, Kinabahan si Carmelita dahil ngayon na lang niya ulit makikita ang dati niyang kasintahan, wala na siyang pag-ibig na nararamdaman kay Leandro at kahit nakita niya pa ito muli pagbaba niya ng hagdan, hindi pa rin tumibok ang puso niya para kay Leandro.

"Magandang Tanghali Binibini... masama raw ang pakiramdam ng iyong ama, kung kaya't minabuti kong dalhan rin siya ng mga ubas na ito na mula pa sa Europa" panimula ni Leandro, tinanggap naman ni Carmelita ang mga dala ni Leandro, maging ang rosas na inabot nito.

"Magpakasal na tayo sa lalong madaling panahon" diretsong tugon ni Carmelita kay Leandro dahilan para mabigla si Leandro at mapatulala sa kaniya.

"S-sisigurado ka? h-hindi ka na galit sa akin?" gulat na tanong ni Leandro pero hindi naman nagreact si Carmelita, sa halip ay poker face lang itong nakatingin ng diretso sa kaniya.

"Gusto kong magpakasal na sayo at gusto kong patayin mo si Juanito" patuloy pa ni Carmelita dahilan para mas lalong lumaki ang mga mata ni Leandro.

"P-paano mo nalamang buhay si Juanito?" gulat na tanong ni Leandro.

"Nagpakita siya sa akin" pagsisinunggaling ni Carmelita.

"N-ngunit Carmelita... n-nabasa mo na ba ang sulat ko sa iyo na ipinaabot ko kay Natasha, nangako ako sayo doon na hinding-hindi ko na sasaktan ang mga taong malapit sa iyo at ang mga mahal mo sa buhay... kahit pa si Juanito na karibal ko sa puso mo" paliwanag pa ni Leandro, pero hindi natinag si Carmelita.

"Kalimutan mo na iyon, ang gusto ko patayin mo na si Juanito at magpakasal na tayo," pagmamatigas pa rin ni Carmelita, hindi naman alam ni Leandro kung matutuwa ba siya o mag-aalala sa mga sinasabi ngayon ng mahal niya. "Mas makakabuti kung si Kolonel Santos ang babaril kay Juanito, upang hindi na madamay pa ang pangalan mo, Nasaan ba si Kolonel Santos?" tanong pa ni Carmelita.

"Bakit si Kolonel Santos? Matagal ko na siyang sinibak, at ang balita ko umuwi na siya sa Cavite" sagot pa ni Leandro at napaisip siya ng malalim.

"Ipatawag mo si Kolonel Santos at ibalik sa tungkulin, kailangang siya ang babaril kay Juanito" banat pa ni Carmelita. Napaisip naman ng mabuti si Leandro, naisip niyang mas maganda kung ibang tao ang magiging instrumento nila.

"H-hindi naman ako sigurado kung nasaan ngayon si Juanito" sabi pa ni Leandro.

"Nasa simbahan siya ng San Alfonso, itinatago siya ni Padre Orlando" tugon ni Carmelita na mas lalong ikinalaki ng mata ni Leandro.

"S-sigurado ka? Ang kura ng simbahan na si Padre Orlando ay kaanib ng mga rebelde?" tanong ni Leandro at halos hindi na siya makapaniwala ngayon.

"Oo! Ang paring iyon ay sumusuporta sa mga rebelde kung kaya't patayin niyo na rin siya, tinatago rin niya si Angelito Alfonso sa isang baryo sa kabilang bayan, ang rebeldeng grupo naman ni Ca-tapang ay nasa kabundukan na ngayon sa kabilang bayan, palihim na silang kumikilos at hinihikayat ang karamihan na sumapi sa kanilang pag-aalsa, balak nilang lusubin anumang araw ang kwartel ng mga guardia civil kung kaya't bantayan niyo ito ng mabuti, ang ilan naman sa kanilang kasamahan ay nasa paligid lamang at nagpapanggap na mga guardia personal, Ako na ang bahala sa aming hacienda, ituturo ko kay ama ang mga taksil na tauhan dito sa aming tahanan" tugon ni Carmelita, bakas naman sa mukha ni Leandro ang matinding pagkabigla at napasandal siya sa salas.

"Paano mo nalaman ang lahat ng ito?" nagdududang tanong ni Leandro, kahit pa mahal niya si Carmelita hindi pa rin niya mapigilang pagdudahan ang mga kilos at sinasabi nito.

"Sinabi sa akin lahat ni Juanito" diretso niyang sagot, napatulala naman si Leandro sa kaniya at napailing-iling ito.

"A-akala ko ba mahal mo siya... B-bakit ngayon---" hindi na natapos ni Leandro yung sasabihin niya kasi nagsalita muli si Carmelita.

"Natauhan na ako, hindi ko dapat mahalin ang tulad niya, nagsisisi ako kung bakit sinakripisyo ko pa ang sarili ko para sa kaniya, at ngayon kaanib siya sa mga rebelde na gustong sirain ang kapangyarihan at impluwensiya ng mga pamilya natin sa bayang ito, Hindi ako makakapayag na masira ang pamilya ko, Pagbabayaran ng taong sumira sa pamilya ko ang lahat ng ginawa niya" seryosong tugon ni Carmelita at napahawak ito ng mahigpit sa rosas na hawak niya dahilan para maputol at madurog ang tangkay nito.

Napayuko naman si Leandro at mukhang nasaktan siya dahil narinig niyang minahal ni Carmelita si Juanito. Napansin naman iyon ni Carmelita kung kaya't kahit wala siyang nararamdaman kay Leandro hinawakan niya ang kamay nito.

"Gusto kong magsimula tayo muli, malayo sa lugar na ito, pero bago iyon dapat mamatay si Juanito" dagdag pa ni Carmelita, napatitig naman si Leandro sa mga mata ng iniibig niya, at hindi naglaon agad umiral ang pag-ibig niya kay Carmelita at ipinangako niyang gagawin ang lahat para dito.

Bigla akong napahawak sa gilid ng hagdan dahil muntikan na akong mahulog, Hindi ako makapaniwala sa mga ginawa ni Carmelita nitong mga huling araw. nagawa niyang ipapatay si Belinda, nagawa niyang ibintang sa mga rebelde ang masaklap na nangyari kay Belinda, nagawa niyang sabihin ang lahat ng magiging hakbang ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang, at nagawa niyang ituro kung nasaan ngayon si Juanito!

Paano niya nalaman ang lahat? paanong----

Agad namang tumakbo papalapit sa akin si Leandro at inalalayan ako "Binibini... Mas mabuti kung magpahinga ka na lang, babalik na lang ako bukas" sabi ni Leandro, hindi naman ako nakasagot dahil umiikot pa rin ang paningin ko ngayon.

Inalalayan na rin ako ni Anling at ng iba pang mga kasamabahay pabalik sa kwarto. pagdating doon ay inihiga na nila ako sa kama. "May kailangan po ba kayo Binibini?" tanong pa ni Anling, napatingin ako ngayon sa kinaroroonan niya, ang layo niya sa akin. Natatakot siguro siya na saktan ko din siya.

Nakatayo siya ngayon sa tapat ng mesa ko na malapit sa bintana. Biglang napukaw ng atensyon ko ang putting sobre na nakalagay sa ibabaw ng mesa. "P-pakiabot sa akin ng sulat na iyon" pakiusap ko kay Anling sabay turo doon sa sobre na nasa likod niya. napalingon naman siya sa likod at agad kinuha yung sobre at iniabot iyon sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pamilyar ang itsura ng sobreng iyon, pagtingin ko sa likod ng papel ay nakita ko ang sulat kamay na...

Carmelita

Hindi ako nagkakamali! Sulat kamay iyon ni Juanito!

Mas lalong gumuho ang mundo ko nang makitang nabuksan na ang sobreng iyon. Hindi! Hindi! Hindi!

"B-bakit po Binibini? May problema po ba?" nag-aalalang tanong ni Anling, napansin niya siguro na nanginginig na ngayon ang kamay ko habang hawak-hawak yung sobreng iyon.

"S-sino ang nagbukas ng sulat na ito? At k-kelan ito napunta dito?" kinakabahan kong tanong sa kaniya. Nag-isip naman ng mabuti si Anling.

"Noong ika-12 po ng Pebrero dumating ang sulat na iyan na iniabot po ng isang guardia personal kay Binibining Maria, at ikaw lamang po Binibini ang nagbasa niyan" sagot ni Anling dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.

Ibig sabihin... matagal na nabasa ni Carmelita ang sulat na ito!

Agad kong kinuha yung papel sa sobre at binuklat ito, napatakip na lang ako sa bibig ko dahil hindi ko kinaya ang mga nakasulat doon...

Mahal kong Carmelita,

Nabalitaan ko kagabi nang magtungo ako sa kampo na nakabase ngayon sa kabilang bayan na sa ika-20 ng Pebrero ay aatake na kami sa kwartel ng mga guardia civil, kasabay nito ay aatake rin ang ikalawang pangkat sa bayan kung kaya't huwag muna kayong pupunta sa bayan lalong-lalo na sa plaza at sa palengke, ang panig naman nila Ca-tapang at ang mga napiling niyang magaling sa pakikidigma ay mangunguna sa pag-atake sa munisipyo, Matapos ang sunod-sunod na pagsalakay namin sa bayan at sa kabisera ng San Alfonso, magbibigay ng hudyat na pitong magkakasunod na putok ng baril si Ca-tapang upang sumalakay na ang mga rebeldeng nagpapanggaap na mga guardia personal sa inyong hacienda, pati na rin sa hacienda Flores at sa mga tahanan ng opisyal na kakampi ni Gobernador Flores.

Ang inyong hacienda ang pinaka-pakay ng grupo dahil malapit ang tahanan niyo sa lawa ng luha at sa kagubatan na kung saan mas madaling makagawa at makabuo ng kampo, Hinihiling ko na pakiusapan mo ang iyong ama na tumakas na kayo riyan bago mag-umpisa ang malawakang pag-lusob, wala ng makapipigil pa sa nagaalab na damdamin ng mga mamamayan dahil sa paghihirap at pangaabuso na sinapit nila sa gobyerno. Kung kaya't nakikiusap ako na lumayo na kayong tatlo, tumakas na muna kayo nila Don Alejandro, Maria at ikaw. Ayokong may masamang mangyari sa iyo.

Nagmamahal,

J

Parang bigla akong nabuhusan ng napakalamig na tubig, hindi ko rin namalayan na nabitiwan ko na ang sulat ni Juanito dahil sa matinding pagkabigla. Napatingin din ako sa sunog na diary na nakalagay din ngayon sa mesa. Mukhang natapos na ni Carmelita basahin ang lahat, alam na niya ngayon ang takbo ng kwento at ang lahat ng nangyari mula nang umpisahan ko ang misyon na ito.

At ngayon... alam ko na kung paano rin nalaman ni Carmelita ang mga gagawing hakbang ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang, dahil siya ang nakatanggap ng sulat na ito ni Juanito at nabasa na niya ang lahat-lahat.

Nasabi na rin niya ang lahat kay Leandro at mukhang nanganganib na ngayon ang rebeldeng grupo ni Ca-tapang!

Narinig ko ang paghakbang ng kabayo mula sa ibaba, dahilan para mapabangon ako agad at napadungaw sa bintana. Nakita kon pasakay na ng kalesa si Leandro at paalis na siya. Hindi! Kailangan ko siyang pigilan!

Dali-dali akong tumakbo papalabas sa kwarto at narinig ko pang tinawag ako ni Anling pero hindi ko na siya pinansin, "Bininibi! Mag-hunos dili po kayo!" pagpigil pa ni Angling at hinabol niya rin ako pababa ng hagdan.

"SANDALI! LEANDRO!" sigaw ko dahilan para mapalingon si Leandro at yung kutsero sa akin na kakaupo pa lang ngayon sa loob ng kalesa.

Agad na bumaba si Leandro sa kalesa at tumakbo papalapit sa akin, nagkasalubong kami ngayon sa salas. "Binibini... B-bakit? Magpahinga ka na lang---" hindi na natapos ni Leandro yung sasabihin niya kasi bigla kong hinawakan yung braso niya at tiningan siya ng diretso sa mata.

"L-leandro makinig ka..." panimula ko, bigla namang nagtaka yung itsura niya. bigla tuloy akong napaisip. Ano palang sasabihin ko sa kaniya? Maniniwala ba siya kung sasabihin kong hindi totoo ang mga binunyag ni Carmelita sa kaniya?

Pero nasa katawan ko si Carmelita nang mga oras na iyon, hindi siya maniniwala kung babawiin ko ang mga sinabi ni Carmelita. Matutulad lamang siya kay Belinda na magtataka at maghihinala sa mga kilos ko.

"A-ano ba iyon Binibini?" nag-aalalang tanong ni Leandro at hinawakan niya ang kamay ko. hindi naman na ako makatingin ngayon ng diretso sa mga mata niya. wala pa akong plano, hindi pwedeng magkamali ako ng hakbang baka mas lalong magduda si Leandro.

"M-mag-iingat ka" iyon na lang ang nasabi ko, bigla namang napangiti si Leandro at niyakap ako. "Kay sarap pakinggan na ikaw ay muling nagbabalik sa akin mahal ko" bulong pa sa'kin ni Leandro. hindi naman ako nag-react sa sinabi niya. Napahinga na lang ako ng malalim at napapikit, kahit pa makumbinse ko si Leandro na hindi totoo ang mga nalaman niya mula kay Carmelita noong isang araw, may ideya pa rin siya sa kinaroroonan ng mga rebelde at maghihigpit pa rin sila sa pagbabantay sa lahat ng sulok dito sa San Alfonso.

Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay pigilan ang mga impormasyong dumadating sa akin mula kay Juanito dahil maglalagay ito sa panganib sa kanila. at kailangan ko rin iparating kina Ca-tapang na hindi dapat muna nila ituloy ang pagsalakay dahil alam na ni Leandro ang kanilang plano.

Kung itutuloy nila ang pagsalakay sa San Alfonso, ilalagay lang nila sa panganib ang buhay nila dahil siguradong aabangan sila ni Leandro.

At ang isa pang problema ko ay pinagtapat ni Carmelita kung kanino niya nalaman ang mga gagawing hakbang ng mga rebelde, sinabi niya kay Leandro na si Juanito ang nagsabi!

Siguradong mapapahamak si Juanito! Hindi na siya tutulungan ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang dahil aakalain nilang nilaglag sila ni Juanito!

At ngayon malinaw na sa akin ang plano ni Carmelita...

Hindi niya hahayaang magtagumpay ako sa misyon ko, Ang misyon ko ay ang mapanatiling buhay si Juanito.

At ngayon gusto niyang mamatay si Juanito upang habambuhay na akong manatili sa panahong ito, at kapag nangyari iyon ikakasal kami ni Leandro at habambuhay akong matatali sa kasamaan ng pamilya Flores, iyon ang gustong mangyari ni Carmelita, ang habambuhay akong mabigo.

Malinaw na sa akin na hindi na mahalaga sa kaniya ang muling makabalik sa katauhan niya bilang Carmelita kapag nagtagumpay ako sa misyong ito dahil hindi na rin naman niya maaalala si Juanito, at wala na rin ang kaniyang ina at kapatid na si Josefina.

Nais niyang parusahan ako! nais niyang maranasan kong maging mag-isa habambuhay katulad nang naranasan niya!

At hindi ko hahayaang magtagumpay siya.

Ika-15 pa lang naman ng Pebrero ngayon, may 5 araw pa para ayusin ko ang lahat gulong ginawa ni Carmelita.





10 am na ng umaga ngayon, napakiusapan namin ni Maria si Don Alejandro na pupunta muna kami sa simbahan, nung una ay ayaw niyang pumayag pero sinabi naming maaari kaming samahan ng mga guardia personal.

Nakatingin ako ngayon sa tapat ng salamin habang sinusuklay ko ang buhok ko, hindi ko akalaing hahaba na ng ganito ang buhok ko dahil sa tagal ko dito sa panahong ito. Parang kelan lang halos mabaliw ako at magwala dahil hindi ko matanggap na nandito ako sa sinaunang panahon.

Nakasuot ako ngayon ng kulay itim na baro't saya at ipinatong ko na rin ang itim na belo sa ulo ko. nakapusod ngayon ang buong buhok ko sa likod, at sinubukan kong ngitian ang sarili ko sa salamin. Kaya mo yan Carmela.

Pagdating namin ni Maria sa simbahan kasama ang sampung guardia personal na nakasunod sa amin, hindi ko mapigilang malungkot, ito na ang huling beses na makakatuntong ako sa simbahan ng San Alfonso sa panahong ito.

Napalingon naman ako sa paligid at napangiti ako nang makitang normal pa rin naman ang mga scenario sa labas ng simbahan na kung saan labas-pasok ang mga kababaihang may suot na belo at may hawak na rosaryo, hindi rin magkamayaw ang mga nagtitinda ng mga Sampaguita sa gilid, ang ilan namang mga Kastilang mayayaman ay patuloy ang pag-iwas sa mga Pilipinong nag-aalok ng kanilang paninda.

Maaliwalas naman ang langit, at pansin kong halos lahat ay masayang hinaharap ang araw na ito, siguro ako lang ngayon ang hindi masaya at naiiba sa kanila, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng pintuan ng simbahan at agad kaming sinalubong ni Padre Orlando.

"Magandang Tanghali mga Binibini" bati ni Padre Orlando at nagmano kaming dalawa ni Maria sa kamay niya. kahit pa hindi namin sabihin kay Padre Orlando alam kong alam niya ang pakay namin ngayon dito, napatingin naman siya sa mga guardia personal na nakatayo sa likod namin.

"Magsisimba rin ba kayo mga Ginoo?" tanong ni Padre Orlando sa mga guardia personal, nagkatinginan naman sila at napailing at lumabas na lang sa simbahan upang doon kami hintayin.

Nag-umpisa na ang misa, si Padre Orlando ang nangasiwa ng misa, taimtim akong nakikinig sa kaniya pero hindi ko mapigilang maisip na nasa peligro ang buhay niya dahil alam na ni Leandro na tinutulungan niya si Juanito at ang rebeldeng grupo.

Batid kong hindi rin maganda ang samahan ni Gobernador Flores at Padre Orlando dahil isa siyang paring Indiyo o purong dugong Pilipino.

Pagkatapos ng misa, agad akong lumapit kay Padre Orlando at sinabi ko sa kaniya ang lahat na alam na nila Leandro na itinatago niya si Juanito at Angelito. Sinabihan ko rin siya na lumayo na at tumakas na bago pa siya ipadakip ni Gobernador Flores.

Pero nagulat ako nang tiningan lang ako ni Padre Orlando ng malumanay. Ngumiti siya ng kaunti at tinapik ang balikat ko "Hija, nang tulungan ko si Juanito at Angelito handa na ako sa mga posibilidad na maaaring mangyari sa akin, totoong sinusuportahan ko din ang adhikan ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang, bagaman hindi ako naniniwala na karahasan ang kailangan upang makamit ang kalayaan sa tuwing nakikita ko ang kanilang tapang at lakas ng loob sa pakikipaglaban nauunawaan ko na tanging ang totoong pagmamahal sa bayan lamang ang kailangan upang magkaroon ka ng lakas na lumaban" tugon ni Padre Orlando, nandito kami ngayon sa likod ng altar. Habang kasama naman ni Maria ang ilang kababaihan sa pagdadasal.

"H-handa po kayong mamatay para sa bayan?" tanong ko kay Padre Orlando, napatango naman siya ng marahan dahilan para mapatulala ako sa kaniya. Walang pag-aalinlangan niyang sinagot ang tanong ko.

Sa totoo lang, ikinahihiya ko ang sarili ko dahil kapag tinatanong ko sa sarili ko kung Handa ba akong mamatay para sa bayan?

Hindi ko alam ang isasagot ko.

Pero ang mga taong nabubuhay sa panahong ito kung saan nasa ilalim ng pananakop ng mga Kastila. Handang-handa sila mamatay makamit lang ang kalayaan! Handa nilang ialay ang buhay nila para sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon. Handa nilang tiisin ang mga balang tatama sa kanilang katawan at ang mga tabak na babaon sa kanilang kalamnan makamit lang ang kalayaan na inaasam-asam.

"May mga bagay na dapat tayong isakripisyo para sa ating minamahal, mahal ko ang Pilipinas, mahal ko ang bayang aking sinilangan, at kapag mahal mo ang isang bagay... magagawa mong gawin ang lahat kahit ang kapalit niyo ay ang iyong buhay" patuloy pa ni Padre Orlando. Hindi na ako nakapagsalita pa, pakiramdam ko ay wala akong mukhang ihaharap sa kaniya lalo na ngayong pinilit ko pa siyang tumakas.

Kahit masakit para sa akin ang trahedyang mangyayari kay Padre Orlando, naniniwala naman ako na masaya siyang magtaya ng buhay para sa bayan.

Hindi pa kami tapos mag-usap nang bigla kong makita si Angelito at Theresita na kakadaan lang dito sa likod ng simbahan, hindi pa nila kami napansin kasi abala sila sa pag-uusap. May suot na maling salakot si Angelito upang takpan ang itsura niya pero agad niya itong hinubad at isinabit sa likod ng pinto. May suot namang itim na balabal si Theresita at isinabit na rin niya iyon sa pinto.

Nakangiti sila sa isa't-isa, animo'y walang silang problemang kinakaharap. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang mga araw kung saan ang tanging problema ko lang ay kung paano paglalapitin si Helena at Juanito upang matigil ang kasunduang kasal namin.

Noong mga panahong iyon ay para lang kaming si Theresita at Angelito na isip bata pa at palaging nag-aasaran. "Binibining Carmelita?" natauhan ako nang marinig kong magsalita si Theresita na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sa akin. Agad siyang napangiti at tumakbo papalapit sa akin sabay yakap ng mahigpit. "Hindi ko akalaing magkikita muli tayo Binibini!" sabi pa ni Theresita at napapatalon siya sa tuwa dahilan para medyo masakal ako.

"Dahan-dahan lang mahal baka masakal ang kasintahan ni kuya, sige ka lagot ka" pang-asar pa ni Angelito na ngayon ay naglalakad na papalapit sa amin. Hindi ko rin maiwasang mapangiti nang makita siya, tumangkad siya at nahubog na rin ang kaniyang katawan, Grabe! Para na silang pinabgiyak na bunga ni Juanito.

"Kamusta na kayo?" nakangiti kong tanong sa kanila lalo na kay Theresita na ang ganda-ganda na ngayon, nag-aayos na siya at mukhang inlove din talaga kaya blooming.

"Ayos lang kami, dito na rin kami nanatili sa simbahan dahil ayaw pang isali ni tatang Caloy si Angelito sa kilusan nila" sagot ni Theresita. Tapos siningkitan naman siya ng mata ni Angelito. "Totoo naman eh, bata ka pa" pang-asar pa ni Theresita kay Angelito na mukhang naasar sa tuwing sasabihin niyang bata pa ito.

"Talaga? Kaya ba ng isang bata gawin ito?" tugon ni Angelito at hinalikan niya sa pisngi si Theresita dahilan para biglang mamula sa kilig si Theresita. Napatakip din ako sa bibig ko dahil sa kinilig ako sa landian nila. Pero napatahimik kami ng biglang magsalita si Padre Orlando na nasa tabi ko pa pala.

"Angelito... Theresita... Ano sabi ko tungkol sa pag-aalab ng damdamin?" seryosong tanong ni padre, agad namang napayuko si Angelito at Theresita at hiyang-hiya sila sa nangyari. Napaisip naman ako, pag-aalab ng damdamin?

"Isa pong malaking kasalanan at kahihiyan ang pairalin ang bugso ng damdamin at laman ng dalawang taong magkasintahan nang wala pa po sila sa wastong edad at hindi pa kasal" sabay na sagot ni Angelito at Theresita. Napatulala naman ako sa kanila. Whuuut?

Ah! Oo nga pala, conservative talaga ang mga tao sa panahong ito.

"At ano-ano ang mga gawaing nagpapaalab ng damdamin?" patuloy pa ni Padre Orlando, nagkatinginan naman si Angelito at Theresita at pareho na silang namumula ngayon dahil sa hiya.

"Ang paghahalikan po Padre" sagot nila at halos lamunin na sila ng lupa dahil sa matinding kahihiyan. Hindi ko namalayan na napanganga na pala ako sa gulat.

Oh My Goodness!

Kaya pala talaga nag-aalab ang damdamin ko kay Juanito kasi palagi kami naghahalikan! Gosh!

"Sang-ayon ka ba sa sinabi nila Binibining Carmelita?" tanong ni Padre Orlando sa'kin dahilan para magulat ako.

Nakatingin na silang tatlo ngayon sa akin. Omg! Ang plastic ko naman kung sasabihin kong hindi dapat maghalikan ang magkasintahan pero ang landi ko naman tingnan kung ipupush kong okay lang ang kiss.

Haaays! I Feel so Pressured Right Now!

"Bueno, mukhang isa rin kayo ni Juanito sa mga dapat kong bantayan, kayong mga kabataan talaga" natatawang tugon na lang ni Padre Orlando, Oo nga pala nahuli rin niya kami noon ni Juanito na muntikan ng maghalikan, medyo nainis pa nga ako noon eh kasi ang kj ni Padre Orlando hahaha!





Naglalakad na kami ngayon ni Angelito at Theresita sa likod ng simbahan, mamaya pa daw dadating si Juanito dahil kasalukuyang nagtungo ito sa kalapit na isla kasama ang iba pang naatasan ni Ca-tapang upang manguha ng mga matatalim na bato at mga makakain para iimbak sa kanilang kampo bago dumating ang araw ng pagsalakay.

Nakaupo kami ngayon sa isang mahabang trunk ng punong kahoy na natumba na at nakahandusay sa lupa. may maliit na lupain dito sa likod kung saan nakatindig ang ilang puno ng mangga.

Nag-presenta namang kukuha ng mangga si Angelito kung kaya't naiwan kami ni Theresita dito sa ilalim ng puno.

"Binibini... kamusta na po kayo? Balita ko po nawalan daw po kayo ng malay sa selebrasyon ng bagong taon ng mga intsik" tugon ni Theresita, napatango naman ako. Sa totoo lang ayoko munang isipin ngayon si Carmelita. Gusto kong maging masaya ako, bilang Ako, sa araw na ito.

"Nabalitaan ko rin po na nahalay at namatay sa kagubatan ang inyong naging tagapagsilbi na si Belinda" patuloy pa ni Theresita. Napatango na lang ulit ako.

"Alam niyo po ba Binibini, kung papipiliin mas gusto ko pa rin po ang magsilbi sa inyo at makasama kayo" sabi pa ni Theresita at dahil dun napalingon ako sa kaniya.

"Bakit naman? Ayaw mo ba dito? Kapiling mo si Angelito" tanong ko, napangiti naman ng bahagya si Theresita.

"Masaya naman po ako dito, ngunit kaakibat po ng sayang nararamdaman ko ay ang takot at pangamba na baka mabigo kami sa aming layunin, na baka hindi na tayo makalaya pa sa mga mananakop" malungkot na saad ni Theresita. Nginitian ko naman siya at tinapik ang balikat niya.

"Huwag mong isipin yan, marahil ay hindi man ngayon pero sa darating na paglipas ng panahon makakamit din ng Pilipinas ang kalayaan" sabi ko, dahan-dahan naman siyang napangiti at mukhang gumaan ang pakiramdam niya.

"Talaga po? Lalaya tayo laban sa mga Kastila? Paano niyo naman po nasabi Binibini" medyo natatawang tugon ni Theresita.

"Oo nga lalaya tayo sa kanila... basta magtiwala ka lang, at patuloy nating suportahan ang mga taong magtataya ng buhay para sa Pilipinas" tugon ko pa, napangiti naman si Theresita.

"Nawa'y masaksihan ko ang kalayaan ng ating bansa" sabi pa niya, napahinga naman ako ng malalim. Hindi ko naman masabi sa kaniya na maiwawagayway nga ang watawat ng Pilipinas sa Hunyo 12, 1898 pero may mga darating pang mananakop na tatagal din ng dekada. At mukhang hindi na iyon maabutan pa nila Theresita.

Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakatanaw kay Angelito na nagpapakitang-gilas sa pag-akyat sa puno para manguha ng mga bunga.

Hindi ko mapigilang mainggit sa kanila, pareho silang nabubuhay sa iisang panahon.

Ilang saglit pa lumapit na sa amin si Angelito at iniabot na niya ang mga manggang dilaw na nakuha niya, agad naman naming pinasaluhan iyon, nakakain ata ako ng limang mangga sunod-sunod dahil ang tamis nito.

Lumipas pa ang kalahating oras at nagkwentuhan pa kami, nalaman kong naglalabandera si Theresita sa isang mayamang pamilya sa kabilang bayan, samantalang nagbubuhat naman ng mga sako ng bigas si Angelito sa palengke at kung minsan ay dumadaan siya sa isang propesor na handang turuan siya sa bahay nito dahil masipag at matalino naman siya.

Napatigil kami sa pagkwekwentuhan nang dumating si Padre Orlando at sinabing dumating na si Juanito kanina pero nang malaman na nandito ako ay umalis din ito at nag-iwan ng sulat para sa akin. Kumunot naman yung noo ko nung nabasa ko yung nakasulat sa maliit na papel na pinaabot niya kay Padre Orlando.

Sinta, magkita tayo sa lugar kung saan nagumpisa ang lahat.

Bakit di na lang kami sabay nagpunta doon?

Natawa naman sila Padre Orlando, Theresita at Angelito kasi magkadugtong na ngayon ang kilay ko.

"Huwag ka ng magalit Binibini, sinabi ko na sa iyo dati pa na talagang matalinghaga at mahilig sa surpresa ang kuya ko" nakangiting tugon ni Angelito at dahil dun natawa na lang din ako sa sarili ko.

Nang magpapaalam na ako sa kanila, hindi ko alam pero hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mga mata nila. Natatakot ako na baka tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. batid kong ito na ang huling araw na makikita ko sila.

"Oh? Binibini... bakit ka naluluha? Magkikita pa naman tayo" natatawang tugon ni Theresita at bigla niya akong niyakap dahilan para tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. ang bigat ng damdamin ko, pinaka-ayoko sa lahat ang magpaalam.

"Huwag ka ng umiyak Binibini, huwag kang mag-alala bibisitahin ka namin ni Theresita sa inyong tahanan nang di namamalayan ni Don Alejandro" biro pa ni Angelito, kitang-kita ko ngayon ang tawa niya, hindi siya marunong magbiro at palagi lang siyang seryoso noon, samantalang ngayon tinatawanan na lang niya ako.

Pinunasan ko na ang luha ko at hinarap ko si Theresita "M-maraming Maraming Salamat sa lahat Theresita, k-kahit pa hindi tayo magkadugo ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal at pagmamalasit mo sa akin, itinuturing na rin k-kitang kapatid" tugon ko, hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko.

Ngumiti naman siya at niyakap ulit ako "Walang anuman po Binibini, karangalan ko po ang pagsilbihan kayo, at hindi niyo rin naman po pinaramdam na iba ako sa inyo kahit pa nitong mga huling buwan lang po tayo naging malapit sa isa't-isa" tugon pa ni Theresita at naluluha na rin siya.

Napatingin naman ako kay Angelito at niyakap ko rin siya "I-ingatan mo at igalang mo ang kuya mo ah, huwag mo siyang bibigyan ng sakit sa ulo, k-kayong dalawa na rin ang natitirang magka-pamilya kung kaya't alagaan niyo ang isa't-isa" bilin ko pa sa kaniya. Tumango naman siya at ngumiti.

"Opo ate... huwag kang mag-alala, siguradong hihingiin na rin ni kuya ang kamay mo sa lalong madaling panahon at kapag nangyari iyon magiging Alfonso ka na rin" nakangiting tugon pa ni Angelito at dahil dun mas lalong kumirot ang puso ko. Masarap man pakinggan ang sinabi niya alam kong napaka-imposible niyon.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kaniya at nagsimula nang maglakad papalayo, sa huling pagkakataon, nilingon at tinitigan ko silang dalawa. Gusto kong sulitin ang sandaling ito kung saan aalalahanin ko ang mga ngiti nila ngayon sa akin habang kumakaway sa akin papalayo.

Si Theresita na naging tapat sa akin at palaging sinusuportahan ang mga kalokohan ko noon. At si Angelito na talo pa ang matanda kung magsalita at palaging pinagdududahan ang mga kilos ko. Pareho ko silang iiwan ngayon. Nakakatuwang isipin na ang lahat ng iyon ay babaunin ko na sa alaala ko magmula ngayon.





"Bilisan mo lang, Bumalik ka dito bago mag-alas dos" bulong sa'kin ni Maria, nandito kami ngayon sa gilid ng simbahan at hindi pa tapos ang pagdadasal nila. Nagpaalam ako na pupuntahan ko si Juanito at pumayag naman siya. napatingin naman kami sa mga guardia personal na seryosong nagbabantay pa rin sa labas ng simbahan.

"Paano mo pupuntahan si Juanito?" nag-aalalang tanong ni Maria. napatingin naman ako kay Padre Orlando na papalabas sa likod ng simbahan at ngayon ay tumango sa amin. "Sige, basta huwag niyong idamay si Padre Orlando sa mga kalokohan niyong iyan ni Juanito ah" bilin pa sa'kin ni Maria napatango naman ako sabay ngiti.

Nandito na kami ngayon ni Padre Orlando sa kalesa, tahimik ang buong paligid at ang daming mga guardia civil ang naglilibot. Napalingon naman ako kay Padre Orlando, mukhang payapa naman ang itsura niya. Walang bakas ng takot sa nalalapit na pagsalakay na alam kong alam din naman niya dahil suportado niya ang mga rebelde.

At dahil hindi ko na matiis nagsalita na ako "Padre, bakit po niyo po sinusuportahan ang mga rebelde?" tanong ko sa kaniya. Tiningan naman niya ako at ngumiti ng bahagya.

"May tanong ako Binibini, Bakit mo rin piniling manahimik? Hindi ba't dapat kang mangamba dahil ang lahi niyo ang nais palayasin ng mga mamamayan" tanong ni Padre Orlando at dahil dun napatahimik ako. hindi naman niya alam na galing ako sa modern world.

"Ano ang gagawin mo kung biglang may umangkin ng isang bagay na pagmamay-ari mo? at hindi pa siya nakontento, sinira, inabuso, dinumihan niya pa ang bagay na pinaka-iingat-ingatan mo? Hindi ba't magagalit ka at babawiin mo iyon?" patuloy pa ni Padre Orlando, bigla akong napatingin sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin niya... tinutukoy niya ba ako na umangkin at sumira sa buhay ni Carmelita? o ang bansang Pilipinas na inangkin ng mga dayuhan?

May nalalaman ba si padre Orlando?

Nagulat ako nang biglang tumawa ng marahan si Padre Orlando at tumanaw ito sa bintana ng kalesa, "Tayo ay Pilipino, dumadaloy sa dugo natin ang dugong Pilipino, tayo ang totoong may ari nang Pilipinas, ang ating mga katutubong ninuno ang naunang nanirahan dito sa napakagandang bansang ito, kung kaya't dapat nating ipaglaban ang karapatan natin sa sarili nating bansa" tugon pa ni Padre Orlando. Napahinga naman ako ng maluwag. Kinabahan ako, akala ko alam niya ang nangyayari sa akin.

"Nawa'y mamulat ang iyong mga mata Hija, hindi biro ang magsakripisyo para sa bayan at mas lalong hindi biro ang mamatay para sa kalayaan kung kaya't ipinagdarasal ko na pahalagahan ng mga susunod na henerasyon ang lahat ng paghihirap naming ito" sabi pa niya, napayuko na lang ako. Siguradong masasaktan at malulungkot si Padre kapag nalaman niyang hindi na masyado pinapahalagahan ng mga kabataan sa makabagong panahon ang lahat ng buhay na inalay sa inang bayan.

Ilang sandali pa tumigil na ang kalesa, Teka! Paano nalaman ni Padre Orlando kung saan kami pupunta? Paano niya nalaman na ang ibig sabihin ng lugar kung saan nag-umpisa ang lahat ay ang burol ng puno ng manggang ito na malapit sa hacienda Alfonso?

Magsasalita na sana ako kaso biglang nagsalita si Padre Orlando "Kinuwento sa akin ni Juanito ang lahat, at hilig ko rin ang mga matatalinghagang bagay" sabi pa niya sabay ngiti. Napangiti naman ako ng todo at nagmano sa kaniya. "Maraming salamat po Padre sa lahat ng tulong niyo" sambit ko, napapikit naman si Padre Orlando at tumango-tango.

"Laging mong tatandaan na palaging may tulong na dadating sa buhay ng isang tao, dahil hindi tayo pinapabayaan ng Diyos" sabi pa niya. parang gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. bumaba na ako sa kalesa at nagpaalam na sa kaniya.

Kahit sandali ko pa lang siya nakilala, nalulungkot pa rin ako dahil alam kong hindi ko na siya makikita pa.



Nang makalayo na ang kalesang sinasakyan ni Padre Orlando, napalingon ako sa paligid. Napakaaliwalas ng kalangitan, at kahit mataas ang sikat ng araw hindi naman ito nakakapaso sa balat. Sariwa at malamig din sng simoy ng hangin, at amoy na amoy ko ang mga sariwang damo na nakakalat sa buong kapaligiran. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang ilang bulaklak ng sunflower na papausbong sa bawat paligid.

Napangiti naman ako dahil naalala kong nakita ko na ito sa panaginip. Napalingon ako sa likod kung saan natatanaw ko na ngayon ang mababang burol paakyat at sa tuktok niyon ay may malaking puno ng mangga.

Habang naglalakad ako papalapit doon hindi ko maiwasang mapangiti, alam kong nag-aabang doon ang lalaking pinakahihintay ko. ilang sandali pa, natanaw ko na sa di-kalayuan si Juanito, nagulat ako at napahawak sa bibig ko nang makita siya. Nakatayo siya habang ang mga kamay niya ay nakasuksok sa kaniyang bulsa. Nakatalikod din siya sa akin habang tinatanaw ang view sa baba ng burol sa kabila. Nakasuot siya ng barong tagalog at itim na pang-ibaba. Nakasuot din siya ng itim na sapatos at maayos ang pagkakasuklay sa kaniyang buhok.

Napanganga din ako sa malaking puting tela na nakalatag sa damuhan sa ilalim ng puno ng mangga, may mga mangga sa gilid at mga bulaklak ng Sampaguita.

Ilang sandali pa natunugan na niya siguro na nandito na ako kaya dahan-dahan siyang lumingon sa akin nang may ngiti sa labi.

Dugdug. Dugdug.

Napalunok na lang ako at napatulala sa kaniya, bagay na bagay sa kaniya ang barong tagalog na suot niya, para siyang isang prinsipe na ikakasal ngayon----Teka nga! Ikakasal?

"Kanina pa ako naghihintay dito, ang akala ko ay hindi ka na darating" tugon niya pero nakangiti pa din siya. hindi naman ako nakapagsalita, hindi ko pa rin maalis ang mga mata ko sa kaniya ngayon. napakaaliwalas ng mukha niya.

Naglakad na siya papalapit sa akin at kinuha ang mga kamay ko "Ito dapat ang sasabihin ko sa iyo noon sa daungan ngunit hindi mo naman ako sinipot" panimula niya habang nakatitig ngayon sa akin. Hindi ko naman maalis ang mga mata ko sa kaniya.

"Ngunit naniniwala ako na lahat ng bagay ay may ikalawang pagkakataon, kung kaya't sa pagkakataong itatanong ko sa iyo ang bagay na matagal ko na sanang nagawa kung dumating ka lang sa daungan noon" sabi pa niya. bigla kong naalala na kaya hindi ako nakarating noon sa daungan kasi biglang sumulpot si Helena sa bahay at sinabing sasagutin na niya si Juanito kung kaya't hindi na ako tumuloy.

"Maaari ba kitang makasama habambuhay?" sabi niya sabay pakita sa akin ng isang singsing na gawa sa kahoy. "Dati ko pa ginawa ito ngunit naunahan lang ako ng kaba kung kaya't hindi ko agad naibigay sa iyo" patuloy niya pa. Hindi ko naman mapigilang mapangiti ngayon, naalala pa din niya na gusto ko ang mga bagay na pinaghirapan at ngayon mukhang nagtiyaga pa siya mag-ukit ng singsing na may nakaukit na bulaklak ng Sampaguita sa palibot nito at sa pinakagitna ay may nakaukit na salita I Love you since 1892.

Napanganga naman ako at napatingin sa kaniya nang mabasa ko yung nakaukit doon "Pansin ko na magaling ka sa wikang Ingles at kahit pa noong nakaraang taon pa akong nagsimulang umibig sa iyo, nagawa mong sabihin sa akin na mahal mo ako noong Enero 1892" sagot niya, dahilan para mas lalong matulala na lang ako sa kaniya pero nagulat ako kasi hinawakan niya ng marahan ang kamay ko at lumapit pa siya lalo sa akin.

"Batid kong hindi madali sa iyo sabihin ang salitang iyan, napatunayan ko iyon noong makailang-beses kong sabihin sa iyo na mahal kita ngunit tanging ngiti lang ang isinasagot mo sa akin, kung kaya't laking tuwa ko nang magawa mong sabihin na mahal mo ako noong nakaraang buwan" patuloy niya pa, bigla tuloy akong natawa. Tama naman siya, hindi talaga ako yung tipo ng tao na vocal sa nararamdaman at ang salitang I Love you o Mahal Kita ay alien para sa akin.

Siguro isa rin sa dahilan kung bakit ako napunta sa panahong ito ay upang matutunan kong sabihin ang mga salitang iyon.

Inilagay na ni Juanito ang singsing sa daliri ko at hindi ko mapigilang mapangiti na mapaiyak na ewan. Basta parang halo-halong emosyon na hindi ko maipaliwanag. Bigla naman akong niyakap ni Juanito. "I Love you" tugon niya, natawa tuloy ako ang gara pakinggan pag nag-eenglish siya.

"Mahal din kita" sagot ko dahilan para yakapin niya ako ng mahigpit. Napapikit naman ako at dinama ko ang mga yakap niya, gusto kong maging pamilyar sa akin ang lahat, na kahit nakapikit ako alam kong si Juanito ang kayakap ko.

Sa pagkakataong iyon, ang pagihip ng sariwa at malamig na hangin, ang dahan-dahang pagkahulog ng mga dahon sa puno ng mangga, ang nagkakantahang huni ng mga ibon sa kapalagiran ay sumasabay sa mga puso naming nagmamahalan.





"Seryoso? Hindi mo naintindihan noong umpisa ang salitang I Love you?" gulat kong tanong kay Juanito at natawa naman siya. nakaupo kami ngayon dito sa puting tela na inilatag niya at kumakain kami ng mangga. Medyo masakit na nga yung tiyan ko kasi naka-limang mangga na kami kanina nila Angelito at Theresita.

"Kahit hindi ko naintindihan, alam ko namang 'Mahal mo rin ako' ang ibig sabihin niyon" sabi pa niya. eh kung minura ko kaya siya in English, iisipin kaya niya na Mahal ko rin ako ang ibig sabin nun haha!

"Nagtungo pa ako sa propesor na pinupuntahan ni Angelito upang itanong kung anong ibig sabihin ng salitang iyon" sabi pa niya at napakamot siya sa batok niya at dahil dun natawa tuloy ako. Kung sabagay, ako rin naman engeng pagdating sa wikang Kastila eh haha!

Hindi ko pa tapos pagtawanan siya nang biglang sumandal siya sa balikat ko at dahil naistatwa tuloy ako. napalingon ako sa kaniya at nakapikit siya ngayon, parang ang comfortable ng pagkakahilig niya sa akin.

"Parang kailan lang nakita kitang masasagasaan ng paparating na kalesa Maynila at nakita pa kitang nakalambitin sa bintana, alam mo bang sobrang bumilib ako sayo dahil doon" sabi pa niya at mukhang amaze na amaze siya. Papuri ba yun?

"Oo nga eh, tapos muntikan mo na akong ipalapa sa aso mo at pagdating sa San Alfonso dinilaan pa niya ang paa ko sa ilalim ng mesa" banat ko naman, natawa naman siya. hindi ko naman mapigilang mapangiti nung makita kong tumawa siya.

"At pinagkamalan pa kitang buntis dahil naglilihi ka sa mangga kung kaya't sinamahan kita dito at hindi natin akalain na masusundan tayo nila ama" tugon pa niya habang nakangiti.

"Nagulat nga ako nang bigla sumulpot ang buong pamilya niyo sa bahay at nalaman kong pinagkasundo na pala tayo, Grabe! Alam mo bang halos mahimatay ako noong pinag-uusapan nila kung ilang anak ba dapat ang magiging anak natin" natatawa kong tugon at natawa rin naman siya, naningkit ang kaniyang mga mata at kumunot ang kaniyang matangos na ilong.

"Tinugtugan mo pa nga kami ng piyano at hindi ko mapigilang matawa dahil mukhang mahihimatay ka na dahil sa kaba" pang-asar pa ni Juanito. Okay so hindi talaga siya bumilib sa'kin nung time na do re mi ang tinugtog ko sa piano haha!

"At hindi rin ako makapaniwala na susundan mo kami ni ina papuntang palengke sa kabilang bayan" sabi ko pa.

"Alam mo bang naaalala ko pa din ang itsura mo noong nasa palengke tayo, manghang-mangha ka sa mga nakikita mo, animo'y parang hindi normal sa iyo ang mga nangyayari sa paligid" sabi pa niya, natawa tuloy ako nako kung alam mo lang na hindi naman talaga ako taga-dito sa panahong ito kaya sobrang naamaze ako sa itsura ng Pilipinas during the Spanish era.

"Maging sa kaarawan ni Helena, kumikislap ang mga mata mo sa dami ng bisita at pagkain sa mesa" pang-asar niya pa, kumunot naman yung noo ko, okay okay so ako na first time maka-attend sa formal party nung time na yun.

"Pero mas maganda pa rin ang kaarawan ng gobernador-heneral sa Malacanang" sabi ko pa at napa-thumbs up ako. naaalala kong halos hindi ako nakatulog nung gabi bago ang birthday party ng gobernador-heneral dahil sobrang excited ako sa makasaysayang bonggang party na iyon.

"Hindi ko nga akalaing sumasayaw ka pala ng Carinosa eh" pang-asar ko naman kay Juanito. sa modern world kasi karamihan noon sa mga kaklase kong lalaki ay nababaduyan at nacocornyhan sa pagsayaw ng Carinosa o anumang folk dance.

"Isang karangalan ang makasayaw ng Carinosa lalong-lalo na ang maisayaw ka" sabi pa niya sabay kindat sa'kin. Kyaahh!

"May kasalanan ka nga din sa akin eh, sandali lang tayo lumibot noon sa Binondo" pag-iiba ko ng usapan, feel ko kasi bibigay na naman ako sa kaniya Gosh!

"Kitang-kita ko naman kung gaano ka kasaya noong araw na iyon, nakuha mo pa ngang ubusin ang pagkaing tinda ng isang intsik, at nakita ko ring naiyak noong nanood tayo ng teatro na Alamat ang Rosas ang pamagat" pang-asar niya pa. Gosh! nakita niya pala yun, akala ko pa naman hindi niya napansin na naiyak ako sa pinanood namin haha.

"Pero mas masaya ako noong inupahan moa ng pinakamahal na silid sa barko para sa amin nila madam Olivia at Josefina" sabi ko pa, napangiti naman si Juanito.

"Alam mo bang pinag-ipunan ko rin iyon, gusto ko kasi na paghihirapan ko ang bagay na ibibigay ko sa iyo" sabi pa niya habang nakatitig ngayon sa akin. Feel ko inaakit niya talaga ako kaya dapat kong pigilan ang nagaalab na damdamin ko Kyaah!

O baka hindi naman talaga niya ako inaakit, ako lang itong berde kung mag-isip Ugh!

Teka nga! Ang OA na niya sa bagay na pinaghihirapan ah, hindi ko naman akalain na seseryosohin niya talaga paghirapan ang lahat ng ibibigay niya sa'kin Gosh.

"Naalala mo rin noong pinasyal ka namin nila kuya Sergio at Angelito sa aming mansyon, alam mo bang tuwang-tuwa ako makita ang reaksyon at pagkamangha mo noong nakita moa ng mga parangal na natanggap ko sa pagpipinta" sabi pa niya, Gosh! tinitingnan niya pala ako nung time na yun, tsk! Pano kung may nakadungaw na kulangot sa ilong ko na gustong magpa-discover, edi nadiscover na din niya Waahh!

"Naalala mo rin ba noong namasyal tayo sa Bohol, lalo na sa ilog Abatan kung nasaan naninirahan ang milyon-milyong nagagagndahang alitaptap, alam mo bang iyong ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil---" hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya kasi baka bumugso na naman ang damdamin kop ag narinig ko mula sa bibig niya ang salitang Halikan.

"Mas masaya noong kaarawan mo, nag-salo-salo tayo sa iisang mesa at naglaro pa tayo ng patintero, luksong tinik at taguan" pag-iiba ko ng usapan, natawa naman si Juanito mukhang hindi niya napapansin na iniiba ko ang usapan sa tuwing pupunta kami sa topic ng halikan o kung anumang bagay na makapag-papatrigger sa pagkaakit ko sa kaniya. Gosh!

"Alam mo bang labis akong nagalak nang kantahan mo ako, at maghabulan tayong lahat paikot sa siga ng apoy" nakangiting tugon ni Juanito at dahil dun natawa ako, naalala ko kasi na gusto naming ilechon si Angelito nung time na yun.

"Hindi ko rin makakalimutan noong namili tayo sa palengke at nakita ko muli si Angelito at ang aso mong si Sampaguita na balak akong lapain ulit" biro ko pa sa kaniya, natawa naman siya, gustong-gusto ko talaga yung pagkunot ng ilong niya kapag tumatawa siya.

"Nagseselos lang siguro si Sampaguita dahil may ibang babaeng umaagaw ng atensyon ko sa kaniya" echoes pa ni Juanito. Aba! So iniisip din pala ni Sampaguita na magkaribal kami.

"Hindi ko rin makakalimutan noong malaman ko ang mga kwento mo noong bata ka pa nang magkita tayo sa tuktok ng simbahan" nakangiting tugon ni Juanito. insip niya siguro noon na bad ass ako dahil kinuwento ko na palagi kaming nag-aaway ng mga kapatid ko at inakala niyang sila Maria at Josefina ang tinutukoy ko haha!

Napahinga naman ako ng malalim, Hindi ko akalaing sobrang daming magagandang alaala pala ang nangyari sa akin sa panahong ito at halos kasama doon si Juanito. kaya siguro sa tuwing kasama ko siya hindi nawawala ang mga ngiti sa labi ko.

"Huwag kang mag-alala, bubuo tayo ng mas madami pang magagandang alaala sa oras na makasal na tayo" sabi pa ni Juanito at ngitian na naman niya akon ng todo. Pero sa pagkakataong iyon parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko.

Imposible ang sinasabi niya pero ayoko namang saktan ang damdamin niya kung tatanggihan ko ang kasal na sinasabi niya. Ayokong lamunin ng kalungkutan si Juanito hanggang sa mga huling sandali ko sa panahong ito, kung kaya't pipiliin kong itago na lang ang kalungkutan at sakit na nararamdaman ko dahil ayokong malungkot siya.

Ilang sandali pa nakita ko ang paparating na kalesa, agad namang kumaway ang kutsero nito at natanaw ko si Eduardo.

"Marahil ay pinasundo ka na ni Maria, hindi natin namalayan na ilang oras na pala tayong magkausap ngayon" sabi ni Juanito at hindi niya pa din binibitawan ang kamay ko. Ganoon siguro talaga kapag kasama mo ang taong mahal mo, hindi mo namamalayan ang paglipas ng oras dahil ang bawat pagpatak ng segundo ay katumbas ng saya na inyong nararamdaman. kumaway naman siya kay Eduardo at sinenyasan ito na sandali lang.

Tumayo na si Juanito at inalalayan akong tumayo, "Mukhang matatagalan muli bago tayo magkita... Oo nga pala natanggap mo ba ang sulat na pinadala ko sa iyo noong huwabes?" tanong ni Juanito at parang bigla akong sinampal muli ng katotohanan na hindi pa pala tapos ang paghihirap naming ito.

Napatango naman ako at iniabot ko sa kaniya ang dalawang sobre bigla namang nagtaka yung itsura niya "Para saan ito?" nagtataka niyang tanong. Napahinga naman ako ng malalim, at napatingin doon sa dalawang sulat na binigay ko sa kaniya.

Alam kong hindi ko kayang sabihin kay Juanito o kay tatang Caloy ang lahat, hindi ko kayang sabihin sa kanila sa personal na alam na nila Leandro ang magiging hakbang ng kilusan nila kung kaya't minabuti kong isulat na lamang iyon at humingi ng tawad sa kanila.

Alam kong sa oras na mabasa na nila ang nilalaman ng sulat na iyon ay magagalit sila sa akin. sinulatan ko si Ca-tapang na wag na muna nilang ituloy ang plano dahil mapapahamak sila at itatrap sila nila Leandro, Samantala, humingi naman ako ng tawad kay Juanito sa isang sulat at inako ko na lang ang kasalanan ni Carmelita sa pagbunyag ng katotohanan.

Kahit saang anggulo tingnan, ang mga gawain ni Carmelita ay maibabato pa rin sa akin.

"Para sa iyo at kay Tatang Caloy ang sulat na iyan" sabi ko, mas lalong nagtaka yung itsura ni Juainto. "Bakit susulatan mo si Tatang Caloy?" tanong niya.

"Basta, tungkol iyan sa kilusan niyo" sagot ko, mukhang nakumbinse ko naman siya at napatango siya. ibinulsa na niya yung dalawang sulat at muling hinawakan ang kamay ko.

"Kailan kita muling makikita?" tanong niya at nakatingin na siya ngayon ng diretso sa mga mata ko. napahinga naman ako ng malalim at ginagawa ko ang lahat ngayon upang hindi ipahalata sa kaniya na naiiyak na ako, ginagawa ko rin ang lahat para pigilan ang mga luha ko na anumang oras ay handa nang bumagsak at ipakita kay Juanito ang totoong nararamdaman ko.

"Sampung araw" sagot ko. napangiti naman siya.

"Bakit ang tagal? Maaari bang dalawang araw na lang?" nakangiti niyang tugon, sinubukan ko namang ngumiti naman at iniwas ko rin ang mga mata ko sa kaniya.

"M-mahirap makatakas ngayon kay ama at magtutungo muna kami sa Maynila pansamantala gaya ng sinabi mo" sagot ko, napatango naman si Juanito.

"Limang araw na lang ay maguumpisa na ang pagsalakay namin, mas mabuti nga kung magtutungo muna kayo sa Maynila, sa tingin ko naman ay hindi na itutuloy nila Tatang Caloy ang pagsakop sa inyong hacienda dahil mas gusto nilang mag-umpisa ngayon sa bayan" sabi pa niya, hindi naman ako nakapagsalita at hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kaniya.

"Kung gayon, aasahan kong darating ka dito sa ating tagpuan sa loob ng sampung araw" nakangiti niyang tugon sabay thumbs up.

Napatulala naman ako sa kamay niya na naka-thumbs up ngayon, parang unti-unting gumuguho ang mundo ko. Hindi ko kayang iwan siya ng ganito at umaasang babalik ako.

Pero ito lang ang tanging paraan upang hindi na niya ako sundan pa, para hindi na niya ilapit ang sarili niya sa akin dahil hindi ko matatanggap na saktan siya muli ni Carmelita.

Napatingin na akong diretso sa mata niya at pilit kong itinago lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko sa mga ngiti ko ngayon, Tumango na ako at nag-thumbs up din sa kaniya dahilan para kumunot na naman ang ilong niya dahil sa pagngiti niya.

Masaya akong iiwan kita ng ganito Juanito.

Masaya akong makita ang mga ngiti mo kahit sa huling pagkakataon.

Dahil tanging ang mga ngiti mo at ang masasayang alaala natin ang babaunin ko sa puso ko habambuhay.

~Sana maulit muli
Ang mga oras nating nakaraan
Bakit nagkaganito
Naglaho na ba ang pag-ibig mo?
Sana'y maulit muli
Sana bigyan pansin ang himig ko
Kahapon, bukas, ngayon
Tanging wala ng ibang mahal~

~Kung kaya kong iwanan ka
'Di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na
'Di na sana lalapit pa
Kung kaya ko sana~

Tuluyan na akong bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Tumalikod na ako at dahan-dahang naglakad papalayo. sa huling pagkakataon ay hindi ko na nagawang lumingon pa sa kaniya dahil hindi na maawat ngayon ang pagbagsak ng mga luha ko habang tinatahak ang daan papalayo sa kaniya.



Paalam Juanito, Paalam Mahal ko.



************

Featured Song:

'Sana Maulit Muli' by Gary Valenciano

"Sana maulit muli" by Gary Valenciano

Continue Reading

You'll Also Like

27.5K 1.3K 65
๐’๐ญ๐š๐ญ๐ฎ๐ฌ: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION ๐‡๐ข๐ ๐ก๐ž๐ฌ๐ญ ๐‘๐š๐ง๐ค ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐: 1 in Dark Side, Princesses, Da...
103K 2.5K 21
May isang lalaking nakatayo sa ilalim ng arko. Ang lahat ng taong nandoon ay nakatingin sa sa kanya at pinag-uusapan sya dahil sa kanyang suot na hi...
56.3M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.3M 290K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...