(COMPLETED) Anong oras na?

By Youngfilipina

203 6 17

minsan sa buhay natin. may darating. mag mamahal tayo. masasaktan dahil nag mahal lang tayo at may mang-iiwan... More

Andrew De lara Side story
ANNOUNCEMENT!

Ano oras na?

122 3 4
By Youngfilipina

PLAGIARISM IS A CRIME!!

"Ano Oras na"

Minsa sa buhay, kailangan natin magmahal.

Kailangan masaktan.

At higit sa lahat Tanggapin kung may mawawala o may mang-iiwan saatin.

"Ano Oras na?"

eto ang unang tanong nya saakin, bago ko sya na kilala.

Hindi ko inaasahan na sakanya ko,mararamdaman ang Pag-bilis ng Pintig ng puso ko.

at mag mahal sa taong hindi ko lubos pa nakilala hindi nga ba?

sa bawat tanong nya kung anong oras na.

may naka tago palang lihim ang naka tago doon.

"Anong oras na?"

❤Yongfilipina❤

 ❤- ❤- ❤

"Nadia!"  na dinig ko na may tumawag saakin mula sa likuran ko, kaya naman ay napa hinto ako sa pag lalakad at napalinggon sa pinang gaglingan ng boses na tumawag saakin.papalapit sya ngayon saakin.

"whoa...Nadia naabutan din kita" hingal sya ng makalapit saakin.

"Oh bakit Trish?" tanong ko sakanya, si Trish Cruz ay matalik kong kaibigan.

"Nadia pasensya na hindi ako makakasabay kumain sayo ngayong lunch may pracrice game kasi kami ng Volley ball ngayon oras" 

pag ka sabi nya nun ay tinap ko sya sa balikat at ngumiti.

"ayos lang sa susunod na araw nalang" sabi ko.

"sure ka Best?"

"oo naman sige na bumalik kana sa gym baka hinahanap kana doon"

matapos ng pag uusap namin ni Trish ay nag lakad ulit ako hanggang sa makalabas na ako ng university, napag desisyunan ko na kumain nalang sa Mcdo ng tanghalian, kaya naman sumakay na ako ng jeep papunta sa Waltermart.

"Good Morning Ma'am" bati saakin ng babae sa Counter. "My i take your order ma'am?"

"Crispy Chicken with Coke float" sabi ko.

"Ok po Ma'am" sabi ni ate at sinabi saakin yung mag kano ang babayaran ko at inabot ko na sakanya yung bayad ko.

Inasikaso na ni ate yung inorder ko at pag katapos ay ibinigay na saakin yung inorder ko kaya naman kinuha ko na yung Tray na may order ko, nag hahanap na ako ng bakanteng pwesto. ng makakita na ako ay agad naman ako nag lakad papunta sa may dulo, sa pang apatan na upuan na tabi ng salamin.

"Sayang wala si bestfriend"  bulong ko sa sarili ko at umupo na.

ng maayos ko na yung pag kain ko, isusubo ko palang yung kutsara ng may biglang may nag tanong saakin, kaya naman binababa ko ang hawak kong kutsara at tumingin sa taong naka tayo sa may gilid ko.

Isang lalake na medyo may katangkaran, maputi ay hindi pala medyo maputla sya at may dala syang Tray ng pag kain.

"ah ms. pwede maki share? wala na kasing bakante" tanong nya saakin.

"Ok po" sagot ko nalang sakanya.

hinila nya yung bakanteng silya sa may harapan ko at dun sya umupo,bale mag kaharapan kaming dalawa nitong lalake, inayos nya yung pag kain nya.

aaminin ko.

ang cute nya...

"Ms. sigurado ka bang ayos lang sayo? baka may hinihintay ka na kasama at hindi pa dumadating" sabi nya saakin habang naka tingin talaga saakin ng deretso sa mata ko.

"a-ayos lang, wala ako kasabay" na utal pa ako ng sumagot ako at sumubo nalang ako ng pag kain ko.

na di-distract ako sa kagawpuhan ng lalake na ito.

*chuckle*

na dinig ko syang tumawa ng mahina, kaya naman na pa angat ako ako ng tingin at nakita ko syang kumakain na din at naka ngiti ng wagas.

Hindi kaya...

Takas Mental itong si lalake?

Mag sasalita sana ako para tanungin ang pangalan nya ng mapansin ko, ang isang babae na nakatayo at may dalang tray ng pag kain na pinag kainan na, at nakatingin sya sa gawi namin. iba yung mga tingin nya kaya naman napa iwas nalang ako at pinag patuloy ang pag kain ko.

Oh no! di kaya...

GIRLFRIEND NYA YUN! tapos, akala nya nag t-two timer itong boyfriend nya?! whoaaa!! ayoko maging kabit! kabit ? echos lang!

"ah...ano pala ang pangalan mo?" tanong nya saakin ng makatapos na kami kumain.

pansin ko talaga maputla sya...

baka ganyan talaga ang kulay nya...

"Nadia...Nadia Mendez" naka ngiting sagot ko sakanya, tama bang sabihin ko sa taong di ko kakilala ang pangalan ko? pero kasi mukha naman syang mabait at...

maputla nga lang sya...

"ang gandang pangalan, ako nga pala si Andrew De lara" sabi nya, aba killer smile sya ang cute nya kapag ngumiti, inilahad nya yung kamay nya, kaya naman tinaas ko yung kamay ko at hinawakan ang kamay nito. nag shake hands kaming dalawa.

"Saan ka nga pala nag aaral?" tanong ko, naka sibilyan kasi sya.

"ah...sa De- -" hindi nya pinatuloy yung sasabihin nya ng nag tanong sya saakin. "ano oras na?"

tumingin ako sa wrist watch ko.

"11:30am" sagot ko.

"n-naku ms. kailangan ko na pala umalis by the way nice to meet you" naka ngiting sabi nya saakin at tumungo nalang ako bilang sagot ko, at saka sya tumayo at nag lakad na paalis. pero bago sya makalabas sa Mcdo ay lumingon sya ulit saakin at kumaway habang naka ngiti saakin. at kumaway din ako sakanya.

❤- ❤- ❤

Kinabukasan

"ayiee baka naman soulmate mo na yun" kinikilig na ewan sabi ni Trish, break time kasi namin at nasa canteen kami ngayon, kinuwento ko sakanya yung nang yari kahapon. na may na kilala akong Andrew ang pangalan.

pag katapos ko ikuwento sakanya yun, ayan inaasar nya na ako doon sa lalake. na baka soulmate ko na daw yun.

"hindi naman siguro"

"baka malay mo diba? meant to be kayo, pero teka itanong mo sakanya kung bakit sya maputla"

pag ka sabi ni trish nun ay napa samid ako sa iniinom ko.

"oh dahan-dahan lang kasi sa pag-inom"

"kasi naman bigla mo sinabi yan na samid tuloy ako, ayoko itanong yan sakanya baka magalit yun saakin baka isipin nun pinapake elaman ko sya di naman kami ganun ka close"

"wala namang masama kung mag tatanong ka diba? di naman nakakamatay ang pag tatanong kung nakakamatay ang pag tatanong edi wag ka mag tanong oh diba?"

"ah...basta ayoko"

"psh...mag tatanong lang naman ayaw pa"

aisssshh ang kulit talaga ng babaeng ito.

"ay maiba nga pala tayo, hindi na ba talaga nag papadala yung secret admirer mo sayo?"

napa isip tuloy ako bigla sa sinabi ni trish, may secret admirer kasi ako at tatlong buwan na sya nag papadala ng sulat saakin sa locker ko,  mga tula ang sinusulat nya para saakin nakakakilig yung mga pinapadala nyang sulat. kaso walang naka lagay na pangalan nya kaya nga secret admirer diba?  may naka drawing lang na orasan sa bawat pag tatapos ng sulat nya. Pero pag kalipas ng tatlong buwan bigla ako nalungkot, dahil hindi na sya nag papadala pa ng sulat. na at wala pa din ako na tatangap hanggang ngayon mula sakanya, iniisip ko nga baka may iba na syang niligawan at baka may girlfriend na sya.

"uy...uy nadia" 

napa balik ako sa realidad ng tapikin ako ni trish.

"b-bakit?"

"hay... ang haba ng iniisip mo" sabi nya.

"ah..e kasi di na talaga sya nag papadala pa saakin baka may iba ng niligawan yung tao"

"baka nga, sa dinami-dami ng estudyanteng nag aaral dito sa university alangan di manligaw yun sa iba, at isa pa di mo naman sya kilala"

tama si trish... malay ba namin kung sino sya.

"uy sasabay kaba saakin kumain mamayang lunch?" pag iiba ko ng tanong.

"hindi" sagot nya. "kailangan na kasi namin mag practice talaga dahil nalalapit na ang laban namin, sorry babawi nalang ako sayo kapag natapos na ang laban"

"naku ayos lang yun na iitindihan ko naman"

Nang nag Bell time na ay umalis na kami ni trish sa Canteen at pumunta na kami sa classroom, sakto naman ang pag dating professor namin sa Physics at nag simula na kami mag klase.

**

"uy Nadia sorry ah"

"ok lang trish sige na una na ako" paalam ko kay trish at nag lakad na ako paalis ng classroom.

hindi uli sya makakasabay kumain ngayon saakin dahil nga kailangan nila pag handaan ang nalalapit na laban ng Volleyball, kaya naman ako nalang ulit ang mag isang kakain, bigla sumagi sa isipan ko kung kumain ulit kaya ako sa Mcdo? makita ko kaya ulit doon si Andrew? nag babakasakali lang naman.

"Magandang umaga ma'am" bati nung babae saakin. "My i take your Order?"

"large fries, sundae and spagetty" sabi ko.

Pag katapos ay ibinigay na saakin ang inorder ko, kaya nag lakad na ako para humanap ng mauupuan at ng makakita na ako ng pwesto ay agad naman ako pumunta doon. sa dating pwesto ko kahapon.

Nang malagay ko na yung tray sa table, uupo lang ako ng may lumapit saakin na babae, kung di ako nag kakamali sya yung babaeng iba kung maka tingin kahapon saakin, base sakanyang suot na uniporme ay dito sya nag t-trabaho sa Mcdo. di kaya sisigawan nya ako? o kaya naman sasabunutan dahil kasama ko kahapon ang boyfriend nya?

wag naman sana.

"ah ms." sabi ko.

"may sasabihin sana ako sayo" 

mahinahong pag sasalita nya nyng may tumawag sakanyang, yung manager ata. kaya ayun umalis na sya.

"ano kaya ang kailangan nya?" bulong ko at umupo na ako.

Isusubo ko na sana ang yung kutsara ng may mag salita sa gilid ko kaya naman tumingin ako.

sana sya...

sana sya...

at laking gulat ko.

"hi can I join with you?" tanong nya saakin with his killer smile.

"a-andrew"

"buti naman at na aalala mo pa ako"

"oo naman, um opo ka" hehe na hihiya ako.

umupo sya sa may bakanteng silya sa may harapan ko.

"dito ka ba lagi kumakain?" tanong nya saakin.

"ah oo, kami ng bestfriend ko" sagot ko naman.

"talaga? bakit di mo sya kasama?"

"may practice game kasi sya ng ilang linggo kaya naman di sya makakasabay saakin tuwing lunch break saakin"

"ah ganun ba? kung di mo sana masasamain pwede ba- - - "

"pwede ba? eeh ang tagal nyang ipag patuloy yung sasabihin nya. 

"ako nalang muna ang sasabay sayo kumain tuwing lunch break mo dito?"

"a-ah?" hala... eh hindi ko naman sya ganun pa kakilala at isa pa kahapon lang kami nag kakilala nito.

"ayaw mo ba?" may lungkot sa tono ng boses nya.

"a-ano kasi hindi naman sa ganun na ayaw ko, kasi di pa kita masyadong kakilala"

"alam ko na yang iniisip mo, wag ka mag alala di ako masamang tao at isa pa katulad mo sa Denver University ka napasok doon din ako napasok"

whoa...

"talaga?"

"oo, di mo lang siguro ako napapansin"

"siguro nag kakasalubungan tayo?"

ng masabi ko yun bigla syang ngumit pero yung ngiti nya ay may kahalong lungkot.

"siguro" maikling sagot nya. "tara kain na tayo" pag aaya nya.

naka tingin ako sakanya habang nakain sya, may nasabi ba akong mali? napa dako naman ang tinign ko sa babaeng naka tayo di kalayuan saamin, sya yung babaeng lumapit saakin kanina, malungkot yung tingin nya saakin. hala baka nag seselos sya.

"haha... talaga parehas pala tayo ng paborito"

"oo nga... ikaw gaya-gaya ka"

"uh.. ako baka ikaw"

matapos kasi namin kumain nag kwentuahn kaming dalawa.

"bakit di kita nakikita sa university? kung nakita mo ako lapitan mo ako agad para sabay tayo mag lunch dito at maipakilala kita sa bestfriend ko"

"a-ano kasi- - - um ano oras na?"

yan na naman ang line nya.

anong oras na...

bakit sya natanong lagi ng kung ano oras na? napa tingin naman ako sa wrist nya wala syang sout na relo.

mukhang pinag papawisan sya.

"may problema ba?" tanong ko.

umiling sya.

at pmikit sya, napansin ko bigla nya kinuyom ang kamay nya.

"uy...bakit?" nag aalalang tanong ko, dumilat sya at nag ka titigan kami.

"a-ano oras na?"

napa tingin ako sa wrist watch ko.

yung oras...

"11:30am" sagot ko.

"s-sige Nadia, mauna muna ako sayo h-hintayin kita bukas dito...hihintayin kita"

bakit ganun para bang may pinapahiwatig sya...

tumungo ako.

mag sasalita sana ako ng bigla syang tumayo agad at saka mailis nag lakad sinundan ko sya ng tingin yung babae kanina, sumunod sakanya.

anong nang yayari?

 ❤- ❤- ❤

Ilang buwan na ang naka lipas at akalain nyo, naging mas close pa kami ni andrew sa isat'isa, na mamasyal kami tuwing sabado at kumakain kami sa paborito namin na kainan edi ang MCDO. kinukwento ko sakanya lagi ang nang yayari sa university na sabi nya saakin na huminto sya sa pag aaral dahil may hindi daw inaasahan ang nang yari.ng maitanong ko sakanya kung ano yun ang lagi nyang sinasabi saakin secret. tuwing luch break sya na ang lagi kong kasama, busy na talaga si trish sa game nila at isa pa nag t-text kaming dalawa, kinukwento ko naman sakanya yung tungkol sa pagiging malapit namin ni andrew at ang loka kinikilig.  yung tungkol naman doon sa babae? sa tuwing kakain kami ni andrew doon naka masid lang sya saamin, mukha naman syang mabait di ko lang kayang kausapin sya baka naman isipin nya feeling close ako diba?

naging masaya ako kasama si andrew, sa bawat araw at oras ang nag daan na kasama ko sya hindi ko inaakala na ma i-inlove ako ng ganun ka bilis sakanya, ang love naman daw kasi walang pinipiling oras o panahon basta kapag naramdaman mo na ang kakaibang pintig ng puso mo sa taong malapit sayo, asahan mo na inlove kana sakanya. hindi naman alam ni andrew na may gusto ako sakanya, kailangan ko bang sabihin yun sakanya?

pero alam nyo ba...sa ilang buwan ang naka lipas may kakaiba akong napapansin kay andrew...

"s-sorry kung late ako" sabi nya at umupo na sya.

ngumiti ako bago nag salita "ayos lang naman nag order na ako para kakain nalang tayo"

"ah...ok salamat sorry talaga nadia"

"sus...ayos sige na kumain tayo"

katulad nalang nito, di katulad dati na medyo may katabaan sya ngayon kasi payat sya at medyo itim yung nasa ibabang paligid ng mata ni andrew, sa tuwing tatanungin ko sya kung bakit ang lagi nyang sinasagot wala lang.

ano kaya yun...

pagkatapos kumain nag kwentuhan kaming dalawa.

hanggang sa nag tanong na naman sya kung anong oras na?

"11:30am" sagot ko.

bakit ba laging sumasakto ng 11:30am?

"s-sige nadia mauna *ouch*- - mauna na ako sayo"

nadinig ko syang umaray, mag sasalita sana ako ng bigla syang nag madaling umalis.

ano ba ang secreto mo andrew?

BAHAY

[baka malay mo sinumpong ng LBM kaya nag mamadaling umalis]

"hindi kim, ramdam ko may nililihim sya saakin ayaw nya lang sabihin saakin kung ano yun"

[naku best friend wag ka mag aalala sasabihin nya din nya yan sayo baka nga lang di pa sya read?]

"handa naman ako makinig kung ano man yun at isa pa bibigyan ko sya advice diba?"

[sasabihin nya din yan wag ka atat]

"sige na nga... so kailan ang balik mo?"

[baka sa susunod na linggo na at may good news ako sayo]

"sige pasalubong ah!"

[oo naman ikaw pa]

matapos ang mahabang pag uusap namin ni trish sa telepono ay binaba ko na ito at humiga na sa kama, kinuwento ko kay trish yung pag babago ni andrew.

at isa pa ang pinag tataka ko...

bakit lagi sumasakto ng 11:30am?

kapag mag tatanong sya saakin kung anong oras na...

 ❤- ❤- ❤

nasa MCDO ako ngayon at ano pa nga ba? hinihintay ko dumating si andrew, lunch break na kasi namin. kanina tinawagan ko sya kaso di nya sinasagot bawat tawag ko kaya naman ay tntxt ko nalang sya na at sinabing andito ako ngayon sa MCDO at hinihintay sya dumating. pansin ko din na wala yung babae na lagi kakaiba ang tingin saakin.

ilang oras na ako nag hihintay pero walang ANDREW ang dumating.

"ano pa ang problema mo andrew" galit na bulong ko sa sarili ko.

napag desisyunan ko na umalis na lamang at pumunta na sa university para pumasok na lamang.

***

dalawang linggo... dalawang linggo hindi nag paparamdam saakin si andrew, hindi ko alam kung bakit. may nagawa ba akong mali sakanya? o di kaya nag ka balikan na sila nung girlfriend nya yung babaeng nag t-trabaho sa MCDO? kahit text o tawag wala ako na tatanggap mula sakanya, minsana kapag ako lang ang mag isa napapa iyak ako, naging malapit na kasi ako kay andrew tapos ayaw nya manlang mag pa ramdam, baka ayaw nya na ako maging kaibigan?

hindi kaya... dahil doon sa tntext ko sakanya na gusto ko sya?

wala kasi ako natangap na reply sakanya.

ayos lang naman kung sasabihin nya saakin na kaibigan lang ang turing nya saakin.

❤- ❤- ❤

Linggo, inutusan ako ng pinsan ko na bumili ng pag kain...saan pa nga ba edi sa mcdo ulit. pumasok na ako sa loob at mahaba ang pila, ayoko man isipin yung lahat ng alaala na meron ako dito.  pumili ako doon sa bandang likuran.

hahakbang sana ako ng biglang may humatak sa braso ko at pina upo ako at nasa unahan ko sya.

yung babae...

"sorry kung kinaladkad kita" sabi nya, yung mga mata nya mugto para bang kakagaling lang sa iyak.

"a-ano kailangan mo?" tanong ko sakanya.

kita ko ang pag buntong hininga nya tumingin ulit sya saakin at may pinatong sa lamesa na isang box na maliit. at pinadulas nya hanggang sa harapan ko.

"t-teka?"

"mag papakilala muna ako... ako si Sandy de lara"

de lara?

"tama ang iniisip mo, kapatid ko si andrew yung lagi mo nakakasama kumain dito"

wah! akala ko nung una boyfriend nya si andrew.

"talaga po? ano po asan po si andrew? kamusta na po sya? di na po kasi sya nag paparamdam saakin"

pag ka sabi ko nun, bigla nalang tumulo ang luha nya...

at ang huli nyang sinabi ang hindi ko inaasahan...

"patay na si andrew... *snift* sorry nadia kung ngayon mo lang nalaman ito *snift* hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa..*hingang malalim* si andrew yung secret admirer mo sa tuwing gagawa sya ng letter para sayo ay pinapabasa nya saakin, *snift* may isa sya kuhang litrato mo kaya nakilalakita. pero nung araw na dito ka kumain ay laking gulat ko na makita ka sa personal at mas lalo ako nagulat ng makitang dumating si andrew dito- -"

hindi ko na din na pigilan pang umiyak sa mga nadinig ko mula sakanya...

"alam ko sa mga oras na yun ay tinitiis lang ni andrew ang mga sakita na raramdaman nya kaya malungkot akong naka tingin sainyo noon,*snift* nung unang beses na lumapit ako sayo na may sasabihin ako...sasabihin ko sana sayo na si andrew ay may malubhang sabkit at *snift* bilang nalang ang buwan na itatagal nya"

"a-ano"

"nadia... sa tuwing mag tatanong ng oras si andrew sayo, ay dahil tumatakas lamang ito sa hospital para makita ka... 11:30am yan lagi ang oras na dapat andun na si andrew sa hospital"

nahihirapan ako huminga...

bakit ganito...

"nadia...*snift* na receive ni andrew ang text mo sakanya noong isang linggo at alam mo ba... yun ang huling oras ni andrew ang makita ang text mo sakanya"

"sabihin nyo po na *snift* nag bibiro lang po kayo"

"hindi nadia... totoo lahat ng sinabi ko sayo...alam ko mahirap paniwalaan at tanggapin ang totoo...nadia nasa kahon na yan ang lahat ng kasagutan lahat ng katanungan sa bumabagabag sa isipan mo.

❤- ❤- ❤

naka tulala ako ngayon sa loob ng kwarto ko, bakit ganito lahat ang nang yayari sa buhay ko?

bakit kailangan may makilala?

bakit kailangan masaktan?

bakit kailangan may mang iwan?

kaya ko bang tanggapin ito?

napa tingin ako sa kahon na hawak ko ngayon...

binuksan ko ang kahon ay may mga papel at may cd ang naka lagay, kinuha ko ang cd at tumayo ako para ilagay sa dvd player.

PLAY

sinumulan ko na iplay yung video...

ng makita ko sya di ko maiwasan ang hindi maluha...

"andrew"

A/N:PLAY THE SONG SA SIDE HABANG NAG BABASA KAYO>>>>>>>>>

naka higa sya sa hospita bed.

"hi nadia... una sa lahat sorry, sa lahat sa totoo lang kilala na talaga kita ako ang secret admirer mo.matagal na kitang gusto nadia simula palang ng 1st year ka. napaka bait mong babae at iba ka sa lahat.. sana tinatago mo lahat ng mga sulat na binibigay ko sayo kahit na sinusulat ko lang ito sa isang yellow pad...nadia nung buwan na di na ako nakakapag padala ng sulat sayo ay nag drop na ako sa university dahil kailangan ko ng maconfine dahil  lumalala na ang sakit ko, pero alam mo ba sa lahat ng sakit ng nararamdaman ko na wawala ito sa bawat araw at oras kitang kasama, nung araw nakita kita na mag isang kumakain  ay bigla ako sumaya sa totoo lang tumatakas ako sa hospital para makita ka sa universty kaso hindi kita naabutan makita, kaya naging masaya pa ako ng pumayag ka na lagi tayo sabay kumain dito...nadia...mahal na mahal din kita sorry kung hindi na ako naka reply pa sayo nung araw na yun...nadia masaya ako dahil kahit ilang buwan at oras nalang ang itatagal ko sa mundo kapag kasama ka para bang wala akong sakit na raramdaman at nadia *snift* sana matanggap mo na mamawala ako sayo, pero wag mong isipin na mawawala ako tabi mo...nadia nakatatak ako sa puso mo lagi din kitang babantayan kahit na di mo ako nararamdaman...ang pag mamahal ko sayo ay walang kapantay.

wag ka umiyak at maing malungkot...dahil hindi naman ako nawala sayo, nasa puso mo ako at nasa tabi mo, babantayan kita.

nadia...hanggang dito nalang ako...hindi ako mag papaalam dahil nasa puso mo ako mahal kita nadia"

bawat sa pag sasalita nya sa video ay alam ko nahihirapan sya...

"andrew mahal na mahal din kita"

at buong gabi ako umiyak ng umiyak hanggang sa maramdaman ko na ang pag tanggap sa pag kawala ni andrew.

 ❤- ❤- ❤

Trish POV

Isang taon na din ang naka lipas third year college na kami ni nadia, pero talaga hindi ko inaasahan ang nabalitaan ko noon.

Nang maka uwi na ako at maka pasok sa university isang matamlay at mugtong mata ang sumalubong saakin...si nadia yumakap sya saakin at iyak ng iyak...sinabi nya na si andrew ang secret admirer nya at ang huling sinabi ni nadia ang kinabigla ko, patay na si andrew dahil sa sakit nito.kaya naman pala hindi na sya nag papadala ng sulat kay nadia.

sinabi ko kay nadia na kayanin nya ito.

Nadia POV

"kamusta kana? sana kung na saan ka man hindi mo na nararamdaman pa ang sakit mo, andrew yung kahon...nabasa ko na lahat ng liham na dapat ibibigay mo saakin sana noon palang binigay mo na ito saakin, wag ka mag aalala ayos lang ako alam mo sa tuwing may mag tatankang manligaw saakin sinasabi ko na may boyfriend na ako at ikaw yun andrew" inilagay ko sa harapan ng puntod nya ang bulaklak na binili ko.

"andrew mahal na mahal kita"

"nadia tara na baka malate tayo sa graduation ng kapatid mo" tawag ni trish.

"sige" sagot ko at humarap ulit kay andrew.

"mag kikita din tayo" hintayin mo ako andrew

Sa pag-ibig lagi tayo nag mamahal ng madaming beses, pero  kung may isang tao ang dadating at makikilala natin at mamahalin natin, pero kahit hindi sya ang makatuluyan natin ang taong yun ay nakatatak sa puso natin.

-end-

 ❤- ❤- ❤

 A/N: hihi...alam ko bitin sorry... short story lang po ito, lahat ng naka sulat dito ay aking gawa-gawa galing saaking utak ng bigla nalang nag pop out..ito ay gawa ko po talaga:)

thank you sa pag babasa

 ❤-Youngfilipina-

Continue Reading

You'll Also Like

253K 11.1K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
182K 7.2K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2.2M 56.7K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...