Please Fight, Samantha (Monte...

By loyalgirl98

27.6K 798 12

"Please fight, Samantha." Said a trembling man's voice before I closed my eyes. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Last Chapter 50
EPILOGUE
Alexa
HOW TO FIGHT

Chapter 42

419 13 0
By loyalgirl98

I felt empty.

Kahit na masaya akong nandiyan ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko ay feeling ko ay kulang yung sayang nararamdaman ko at ramdam ko at alam ng puso ko kung sino ang taong 'yon.

Miss na miss ko na siya.

Gustong-gusto ko ng sumuko sa pagmamatigas kong bawal siya dito kasi hindi ko talaga kaya. Ngumingiti ako pero bakit kulang parin ang sayang nararamdaman ko kapag tumatawa ako?

"Sam, tatanggalin na muna 'yang aparato sa katawan mo. May improvement naman kaming nakikita kaya pwede ka nang magkulit-kulit kahit sa anong sulok." Ngiti sa akin ni Luke.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko at wala na atang mas sasaya pa sa akin ng nakita kong nakangiting tumango siya.

"Oh my! Thank you!" Naiiyak na sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya at tsaka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko kaya napatingala ako sa kanya.

"You don't need to thank me. Kung meron ka mang gustong pasalamatan, yun ay ang sarili mo Sam. Bilib ako sayo kasi hindi ka sumusuko kahit na three times a day kang tinutusukan ng malaking karayom. You're a fighter, Sam."

Bigla akong napangiti sa sinabi niya. Nang matanggal nila lahat ng aparato ay mas lumawak ang ngiti ko at saktong pasok ng pamilya ko.

"Look! I'm free!" Masayang pinakita ko sa kanila at tsaka ako tumayo at umikot sa harap nila. Naluluhang pinagmasdan ako ni mommy habang nakangiti.

"Thank God! My baby!" Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun rin si daddy at ang mga kuya ko. Hindi ko maiwasang maluha pero agad ko naman yung pinunasan.

"Ayan, makakapunta ka na ng garden, Sam." Nakangiting sabi sa akin ni kuya Zeijan habang pinipisil yung ilong ko.

Pinaliwanag naman sa kanila ng doktor ko ang kondisyon ko at masaya akong nagiging okay na rin ako at mukhang epektibo ang panggagamot nila sa akin.

Nang makaalis na ang doktor ay hinarap ako ni Luke ng nakangiti.

"Gusto mong pumunta sa garden?" Alok niya sa akin.

"Sure!" Nakangiting sabi ko at tsaka kami naglakad papuntang garden.

Namangha ako sa ganda ng garden nila dito dahil ang parang cherry blossom at mukhang naalagaan at malinis dito.

Noon kasi ay hindi ganito dito. Ibang-iba noong nakaraang naglagi ako dito. Nakakarelax yung ambiance niya kaya napapikit ako at inamoy ang sariwang hangin.

"Ang ganda dito." Manghang sabi ko at tsaka napadilat ng mata.

Umupo kami sa may gazebo.

"Parang Japan lang dito. Kaya pala maraming pumupunta ditong pasyente sa gabi dahil mas maganda dito dahil nilagyan nila ng ilaw yung cherry blossom."

"Wow. Palagi ka dito sa garden?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at tsaka nagkibit balikat.

"Na-curious ako sa bulungan ng co-workers ko." He chuckled.

Napangiti ako at tsaka ko siya pinagmasdan.

"Ang laki ng pinagbago mo Luke. Mas lalo kang gumwapo, may girlfriend ka na siguro noh?" Tukso ko sa kanya.

Bigla siyang namula sa tanong ko kaya napatawa ako.

"Ano ba, Sam! Si mama muna ang aasikasuhin ko bago ang mga babae." Namumulang sabi niya.

"Ows? Mga babae daw? Mga ilan ba?" Nakakalokong tanong ko sa kanya.

Bigla siyang napaisip at tsaka nag-form ng nakakalokong ngisi yung labi niya at napalingon sa akin.

"30!" Nanlaki ang mga mata ko at tsaka ko siya pinalo. Humahalakhak na umiwas siya sa palo ko sa kanya.

"Babaero ka!" Sigaw ko sa kanya na mas lalong nagpahalakhak sa kanya.

"Siyempre joke lang! Eto talaga. Loyal ako sa magiging soon to be girlfriend ko kaya magbebehave ako." Parang batang nag-gesture siya kaya natawa ulit ako.

"Ang swerte ng mapapangasawa mo Luke. Siguro kung hindi ko nakilala si Wadensel ay baka sayo ako nagkagusto, imagine? You're a good guy, masipag, inuuna pamilya, hindi umaapak ng iba, walang pakialam kung anong buhay ang meron siya basta nage-enjoy ka. I salute you for that." Nakangiting sabi ko sa kanya. Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Gusto mo bang mag-apply bilang asawa ko?" Nakakalokong tanong niya kaya nahampas ko siya at humalakhak ulit.

"Umayos ka!"

"Joke lang! 'Wag mong seryosohin baka mainlove ka sa akin!" Natatawang sabi niya.

"Asa! May Wadensel ako." Pagmamayabang ko sa kanya.

Umirap lang siya sa akin.

"Sus. Baka kapag narinig niya yung mga sinasabi ko, baka kanina pa ako nasa morgue." Natawa ako sa sinabi niya.

Knowing Wadensel, he's not going to think twice kapag ako na ang pinag-uusapan.

"Psh. Isumbong kaya kita?" Banta ko sa kanya. Bigla naman siyang namutla.

"S-Sam naman. Magkaibigan tayo diba? M-Makakaya mo bang makita akong pinaglalamayan niyo?" Nauutal na sabi niya kaya napahagalpak ako ng tawa.

"Oh my gosh! You're so coward! Bakit ba kasi kayo natatakot sa kanya?" Tatawa-tawang tanong ko. Napabusangot siya.

"Palibhasa'y hindi ka natatakot sa kanya. Baliktad kayo eh. Si Wadensel ang takot sa'yo. Alam kong kapag mag-asawa na kayo ay siya ang magiging under!" At tsaka siya humagalpak ng tawa. Bigla naman akong nalungkot sa sinabi niya.

Asawa.

Hindi ko alam pero ang sakit pakinggan nun dahil kahit gustong-gusto ko ay may parte parin sa akin na tumututol dahil baka hindi ko kayanin ang sakit ko.

"Whatever." Yun nalang ang sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang napaseryoso.

"Hindi mo man lang ba tatanungin si Wadensel sa akin? You never asked about him." Seryosong tanong niya.

Pinabantayan ko kasi sa kanya si Wadensel at baka kung anong gawin nung lalaking yun.

"He deserve someone better. I don't derserve him." Malungkot na sabi ko sa kanya.

"So you're going to endure the pain? Pareho kayong nasasaktan." Seryosong sabi niya.

"Makakalimutan niya din ako." Buntong hininga ko.

"Are you telling me that you're giving up?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Umiwas ako ng tingin at hindi nagsalita.

Masakit man sa akin, sa aming dalawa. Pero yun ang alam kong makakabuti sa amin.

"Sam. Giving up is not the solution of your problem."

Biglang nangilid ang luha ko.

"Pero mawawala din ako Luke! Mas lalo siyang masasaktan kapag mas pinatagal ko pa ang relasyon namin!" Naiiyak na sabi ko sa kanya.

Mabilis na umiling siya at tsaka niya ikinuling ang mukha ko sa mga kamay niya.

"No! Always remember the things that Wadensel's sacrifices for you. You also need to fight for him. Trust yourself na makakaya mo. Na kakayanin mong lumaban." Naiiyak na sabi niya. Bumagsak ang mga balikat ko at napatitig sa sahig.

"Pero hirap na hirap na ako." Bigla akong bumigay at tsaka ako napahagulhol. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at tsaka ako inalo.

"Shh. Magiging okay ka rin, Sam. Just don't give up. Maraming nagmamahal sa'yo na gusto ka pang makasama at isa na ako doon. May dahilan ka para mabuhay kaya 'wag na 'wag kang susuko." Mahinahong saad niya.

Napahikbi ako at tsaka kumalas sa yakap niya.

"How's Wadensel?" Humihikbing tanong ko sa kanya.

Bigla akong kinabahan ng ngumiti siya sa akin ng malungkot.

"You don't need to know. Not now Sam." Malungkot na wika niya na mas lalong nagpakaba sa akin.

"What do you mean?" Nag-aalalang tanong ko pero umiling lang siya sa akin at talagang siguradong hindi niya sasabihin.

"Luke." Pakiusap ko sa kanya pero umiling siya kaya bagsak ang balikat kong bumitiw sa kanya.

What's happening to Wadensel? Bakit ayaw niyang sabihin?

Bigla akong nag-alala para sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

19.8K 606 8
"Ace belongs to me." Spade thought. There's nothing she could do or say about it. She needs to take responsibility for her actions. Hindi pwedeng bas...
251 80 36
What is the sentiment of life?
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
42.6K 1.7K 46
Forced into a loveless marriage with a billionaire heir, Eva Alcaraz does everything she can to help her father's presidential campaign and save her...