ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 11: CAREN'S FATE

638 41 14
By angelodc035

Sa isang abandonadong gusali ay nakahiga ang natutulog pa ring si Caren. Nababalutan ng puting benda ang kanyang balikat at hindi pa rin gumigising pagkatapos ng naging duelo nila ng lalaking Alpha.

Hindi siya pinahintulutang sa loob ng Santuaryo para gamutin dahil na rin sa pangambang ano mang oras ay puwedeng magpalit na ng anyo ang babaeng pulis bilang isa ng taong-lobo.

Nasugatan siya ng nakalaban niyang lider ng mga taong-lobo at sapat na iyon para pumasok sa katawan ni Caren ang kamandag na magpapabago sa anyo niya.

Ang mga pulutong ay kasalukuyang naghihintay kay Caren para gumising. Hihintayin siya para sundin ang kauna-unahang utos ng bagong Alpha, bilang lider ng kanilang angkan.

Sumunod naman ang mga taong-lobo sa kanilang pangako sa mga tao sa Santuaryo. Wala silang ginalaw sa mga tao at nananatiling hindi kumakain simula ng mawalan ng malay si Caren dahil sa epekto ng kamandag ng napatay niyang lalakeng Alpha.

Marami ang nadismaya at tutol sa pagiging Alpha ni Caren sa mga pulutong pero ang batas ay batas. Kamatayan ang parusa sa mga sumuway sa pakikipagkasundong ginawa ng isang Alpha. Napakasagrado ng salita ng isang lider na dapat nilang irespeto at sundin.

May iilan sa mga ito ang nagtatangkang agawin ang liderato kay Caren sa pamamagitan ng pagpaplanong pagpatay sa kanya habang natutulog pa ito. Pero laging nakabantay sina Father Mexo at ang dalawang kasama niya, sa gusali na kung saan nagpapagaling si Caren kaya bigo sila na maisagawa ang plano. Sa kasaysayan ng kanilang angkan, ngayon pa lamang tinalo ng isang mortal ang isang lalaking Alpha sa pamamagitan ng isang duwelo. Ang nakakababa pa sa kanilang pagkatao ay isang babaeng mortal pa ang tumalo sa kanilang lider. Isang kahihiyan na magmamarka sa kasaysayan ng mga taong-lobo.

Nang hapon na iyon ay nagkaroon ng pagpupulong sa Santuaryo na ipinatawag ni Kapitan Ben para sa kung ano ang magiging desisyon nila kay Caren bago pa man ito gumising at makapagpalit ng anyo. Naiwang nagbabantay sina Raul at Kiel sa wala pa ring malay na si Caren para maproteksiyonan pa rin ito sa mga nagtatangkang umagaw sa kanyang liderato bilang bagong Alpha.

Nagpupumilit sanang magbabantay rin sina Adrian at Margaux pero hindi pumayag si Father Mexo sa kagustuhan ng dalawang bata. Kahit na ayaw ay walang nagawa ang dalawang batang malapit kay Caren.

Bago nagsimula ang pagpupulong ay binisitang muli ni Alex si Caren. Hindi Matanggap ni Alex na sa ganitong sitwasyon niya makikitang muli ang babaeng pulis. Ni hindi pa niya ito napapasalamatan ng personal lalo na sa makailang-ulit siyang iniligtas nito at ngayon naman ay ang kabayanihang ginawa niya para mailigtas lahat ang mga tao sa Santuaryo sa mga kamay ng mga taong-lobo. Isinakripisyo niya ang sarili para sa kaligtasan ng mga taong naroroon.

Marahan ay hinawakan ni Alex ang kamay ni Caren. Napansin niya ang sobrang init ng kamay nito at napatitig siya sa kakaibang pagkagaspang ng palad nito. Nagbabago na nga ang anyo ni Caren, umeepekto na ang kamandag ng taong lobo sa kanya.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Alex ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o matutuwa sa mga nangyayari.

Natutuwa siya dahil natagpuan niyang buhay ang kanyang asawa. Natutuwa siya dahil nailigtas ni Caren ang Santuaryo at mahigit sa dalawang-daang katao ang nailigtas sa bagsik ng mga taong lobo. Pero nalulungkot siya dahil sa naging kapalaran ng babaeng naging parte na rin ng kanyang buhay, kapalarang tila isang sumpa habang siya ay nabubuhay.

Labis naman ang kanyang kalungkutan dahil nakasalalay ang buhay ngayon ni Caren sa magiging desisyon ng mga tao sa Santuaryo.

"Lumaban ka Caren, alam kong malakas ka. Huwag mong hahayaang mawala sa isipan at puso mo sina Adrian, si Margaux, si Jhayvee at ako..." Ang mahinang sabi ni Alex sa natutulog na si Caren.

Alam niyang naririnig siya nito. Kitang-kita ni Alex na kahit nakapikit si Caren ay malilikot ang mga mata nito. Naririnig ba siya nito? Muli ay pinisil niya ang kamay ni Caren.

"Kaya mo 'yan. Alam kong malalampasan mo yan, ikaw pa? Basta ano pa man ang mangyayari ay nandito pa rin ako pati na ang mga bata para sa'yo." Ang muling sabi ni Alex.

Marahang tumayo si Alex at hindi niya inalis ang kanyang tingin kay Caren. Kailangan na niyang pumunta sa pagpupulong pero gusto niyang manatili sana sa abandonadong gusali para bantayan ang dalaga. Ngunit kailangan din na nandoon siya magtatanggol at magiging boses ni Caren kung kinakailangan. Batid niya na marami ang tumututol na manatili siya sa Santuaryo dahil na rin sa panganib na maaari niyang idulot sa mga taong naroroon. Ang masaklap ay marami rin ang gusto sa kanya ay patayin na lamang bago pa man ito gumising para raw maiwasan pang makapatay pa pagdating ng ika-pitong araw na magpapalit siya ng anyo.

Malungkot na nilisan ni Alex ang gusali na kung saan naroroon ang walang malay pa ring si Caren. Paglabas niya ay naroroon pa rin ang dalawang seminarista na sina Raul at Kiel na nakatokang magbabantay sa babaeng pulis.

Sa di kalayuan naman ay naroroon din at binabantayan din ng mga taong lobo ang kanilang bagong pinuno. Hinihintay nilang gumising si Caren para ibigay ang magiging unang utos nito sa kanila bago sila gumawa ng kanilang aksiyon kung ano ang gagawin nila sa mga tao.

Alam nila na pagkagising ng kanilang bagong Alpha ay gutom na gutom ito at wala itong ibang gugustuhing gawin kundi ang gumain ng sariwang lamang-loob ng tao. Magiging kapana-panabik para sa kanila  ang paggising ng kanilang bagong pinuno. Ilang araw na lang at madadantian na naman ang kanilang mga labi ng sariwang dugo at laman mula sa mga taong nanunuluyan sa Santuaryo.

Halos mapuno na ng mga tao ang isang basketball court gym na kung saan idaraos ang pagpupulong. Pag-uusapan nila kung ano ang pinakamagandang gawin kay Caren na nagligtas sa kanila sa kapahamakan mula sa mga gutom na gutom na mga taong lobo.

Karamihan sa mga dumalo ay mga kalalakihan at iilang mga kababaihan na kasama sa konseho ng tinitirhan nilang Santuaryo.

Sa pinakaharapan ng pagpupulong ay nakaupo sa itaas ng entablado sina Kapitan Ben bilang pinaka lider ng nasasakupang lugar, apat na konsehal at si Father Mexo.

Napakaingay ng lugar dahil na rin sa kanilang mga kuro-kuro hinggil sa magiging desisyon nila sa Babaeng pulis na ngayon ay magiging taong-lobo na rin. May mga iilan na naiinis na rin dahil hindi pa rin nagsisimula ang pagpupulong at panay paypay sa sarili dahil sa sobrang init ng panahon.

Sa gawing kaliwa at ikalawang hanay sa harapan doon umupo si Alex. Kasama niya sa upuan ang iilang kalalakihang kanina pa nagtatalo sa kahihinatnan ni Caren. Pinili ni Alex na huwag na lang magkomento sa pinagtatalunan ng mga kalalakihan at ipinikit na lamang nito ang kanyang mga mata.

Iilang sandali pa ay tumayo na si Kapitan Ben sa harapan ng entablado.

"Magsitahimik na po tayo para magsimula na ang pagpupulong!" Isang malakas na boses ng lalaki ang halos pumuno sa buong paligid ang nag patahimik sa mga tao.

"Tahimik na daw at magsisimula na ang pagpupulong." Ang mahinang sitsit ng isang matandang babae sa kanyang mga katabi.

"Ssshhh! Tahimik na po tayo mga kasama!" Sabi ng isang maitim at payat na lalaki.

"Ay sa wakas at magsisimula na rin!" Ang medyo malakas na boses ng isang nanay sa bandang likuran.

Nanatiling nakatayo si Kapitan Ben sa harapan ng entablado at hinihintay na tumahimik lahat ng mga taong dumalo sa pagtitipon. Kaya nang tumahimik na ang lahat ay saka ito nagsimula sa pagsasalita.

"Magandang hapon sa lahat ng dumalo ngayon sa napaka-importanteng pagtitipon na kung saan ay agarang bibigyan natin ng aksiyon ang isang napakahirap na desisyon. Desisyon na maaaring magpabago sa ating pamumuhay dito sa Santuaryo." Ang panimula ni Kapitan Ben sa mga taong nasa loob ng basketball court.

"Alam kong lahat kayo ay nabalitaan ninyo ang kabayanihang ginawa ng isa sa mga kasamahan natin dito sa Santuaryo na kung saan ibinuwis ni Caren, ang babaeng Pulis na galing Maynila ang kanyang buhay para lamang tayo ay mailigtas sa mga taong-lobo. Isinakripisyo niya ang kanyang buhay para lamang hindi tayo lusubin ng mga halimaw habang karamihan sa inyo ay mahimbing na natutulog. Sa kabutihang palad ay nagawa niyang mapatay ang lider ng mga taong-lobo, bale dalawa sa lider nila ang kanyang napatay. Sa pagkapatay ni Caren sa mga taong-lobo ay siya ngayon ang kinikilala nilang lider kaya hanggang ngayon ay hindi tayo inaatake ng mga halimaw."
Napatigil sa pagsasalita si Kapitan Ben ng magkaroon ng mga bulung-bulungan ang mga taong naroroon.

"Tahimik, patapusin po muna natin sa kanyang pagsasalita ang ating mahal na punong-baranggay at mamaya ay bibigyan kayo ng pagkakataong sagutin ang inyong mga katanungan!" Ang malakas na sabi ng isa sa mga konsehal ng baranggay na nakaupo rin sa entablado.

Pagkarinig ay muling tumahimik ang mga tao at itinuon ang kanilang atensiyon kay Kapitan Ben para makinig. Nananatiling nakamasid lamang si Father Mexo at tahimik na pinag-aaralan ang buong sitwasyon.

"Sa pagkapatay niya sa lider ng mga taong-lobo ay malubhang nasugatan si Caren. Dito ngayon papasok ang malaking problema, base na rin sa mga naobserbahan natin sa mga nasusugatan ng mga taong-lobo ay lahat sila ay nagiging taong-lobo rin. Ang direktang kagat ng mga ito ay sa loob lamang ng pitong oras nangyayari ang pagpapalit ng anyo. Ang kay Caren dahil sa mga kuko lamang ng taong-lobo siya nasugatan  ay mayroon itong pitong araw para makapagpalit-anyo bago tuluyan ng maging katulad nila."

Lalong naging mas maingay ang pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga taong naroroon na labis na ikinabahala ni Alex. Pagkabahala na puwedeng kamatayan ang ibibigay nilang desisyon para sa wala pa ring malay na si  Caren.

"Ngayon ang ika-limang araw mula ng masugatan siya ng lider ng mga taong-lobo, at mayroon na lamang dalawang araw para sa pagpapalit ng kanyang anyo. Ang mga mahigit sa tatlong-daang mga taong lobo ay naririyan lamang sa paligid, nakikiramdam at nagmamasid, naghihintay sa paggising ng kanilang bagong pinuno. Oo't hindi sila umaatake sa atin, pero hihintayin pa ba nating mangyari ang kanilang paglusob at pag-patay sa bawat isa sa atin bilang kanilang pagkain?" Huminga ng malalim si Kapitan Ben. Pakiramdam niya ay nanginginig ang kanyang buong katawan. "O, maaring paggising ni Caren ay naaalala pa rin niya tayo at hindi niya gagawin ang unang posibilidad na nasabi ko sa inyo. Ngunit iyon ay isang sugal at walang kasiguraduhan. Ngayon, sa pagtitipong ito kayo ang magdedesisyon kung ano ang pinakamainam na gagawin kay Caren habang hindi pa siya nakakapagpalit sa kanyang anyo!"

Lalong naging mas maingay ang mga tao. Karamiham sa kanila ay nabahala sa sinabi ni Kapitan Ben. May mga nagalit at marami ang naiyak sa takot dahil na rin sa naranasan nilang bangungot sa kamay ng mga nilalang ng kadiliman sa mga nakalipas na buwan.

Isang lalake ang biglang tumayo sa kanyang kinauupuan, namumula ang kanyang mukha at nanginginig sa galit.

"Bakit pa nating kailangang isugal ang ating kaligtasan sa babaeng pulis na 'yan? Bakit pa nating hintayin na magkamalay pa siya gayong magiging katulad din siya ng mga halimaw! Kaya dapat habang hindi pa dumarating ang araw na iyon ay kailangan na natin siyang patayin!" Ang malakas na sigaw ng lalake.

"Tama! Kailangan na nating patayin ang babae!" Ang pagsang-ayon ng isa pang lalaki.

"Patayin na siya!" Ang sigaw pa ng isa hanggang sa nagsunud-sunuran na ang mga nagsitayo at nagsasabing patayin na si Caren.

"Huminahon kayo mga kasama! Maghulos-dili kayo! Kailangan nating pag-isipan ng mabuti ang magiging desisyon natin sa kanya. Tandaan niyo mga kasama, iniligtas niya ang ating buhay. Isinakripisyo niya ang sarili niya mailigtas lamang niya tayo sa mga halimaw!" Ang paalala ni Kapitan Ben.

Isang babaeng may edad ang biglang tumayo.

"Oo nariyan na tayo Kapitan. Utang namin sa kanya ang aming buhay, pero sa nangyari ay inilagay din niya sa panganib ang buhay natin. Panganib nasa kanya mismo nanggagaling. Bata pa ang mga apo ko kapitan at hindi ko hahayaang maranasan nila ulit ang mawalan ng mahal sa buhay, hindi na nila iyon kakayanin."

"Tama!!! Kailangan na natin siyang patayin bago pa mahuli ang lahat. Puwede naman natin siyang alalaanin sa ginawa niyang kabayanihan sa atin. Ipagtatayo natin siya ng rebulto bilang tanda ng kabutihang ginawa niya sa bawat isa sa atin!" Ang pasigaw na wika ng isang ginang na marami din ang sumang-ayon sa kanya.

Nananatili pa ring tahimik sa kinauupuan niya si Alex. Kumakabog ang kanyang dibdib sa mga nangyayari sa pagpupulong. Bawat pagbitaw ng mga salita na kailangan ng patayin si Caren ay tila malalakas na sampal ang tumatama sa kanyang mukha na lalong nagbibigay galit sa kanya. Ganon lang ba kadali para sa kanila na patayin ang taong isinakripisyo ang sariling buhay para iligtas sila sa kamay ng mga mababagsik na mga taong-lobo? Ganun na ba sila ka barbaro para iyan ang magiging solusyon nila sa ganitong sitwasyon? O baka nagiging bias lamang siya dahil napamahal na rin sa kanya si Caren?

"Mga kasama, kailangan ba nating umabot sa ganyang sitwasyon?" Ang tanong ni Kapitan Ben.

"Kung hindi natin siya papatayin kapitan, marami na naman ang mamamatay sa atin. Magkakawatak-watak na naman tayo at hindi na naman makakatulog kapag gabi. Marami na naman ang mawawala sa kanilang mga sarili at ang pinakamalala nito ay ang kawalang pag-asa na nauuwi sa pagpapakamatay." Ang tugon ng lalaking naunang nagsalita kanina.

"Paano ka makakasigurong ganyan nga ang mangyayari sa paggising ni Caren?" Ang biglang tanong ni Alex na mabilis na tumayo at humarap sa lalaking nagsasalita. "Hindi ba isa ka rin sa iniligtas niya maging ang dalawa mong anak pati na rin ang iyong asawa?!"

Natulala ang lalaki at halos hindi ito makasagot sa tanong sa kanya ni Alex.

"Ikaw lola,  sino ang nagligtas sa iyo at mga apo mo habang mahimbing ang inyong pagtulog at nakataya ang buhay ni Caren habang nakikipaglaban siya sa lider ng mga taong-lobo na sa mga oraa na iyon ay nakahandang lumapa sa inyo?!" Ang malakas na tanong muli ni Alex habang nakatingin sa lahat ng naroroon.

"Alex,  huminahon ka. Ibinabahagi lang naman nila kung ano ang kanilang saloobin tungkol sa problema." Ang sabat ni Kapitan Ben sa kanya.

Tumingin si Alex sa matandang kapitan. "Problema? Kailan ba naging problema ang taong ang tanging inisip lang naman ay iligtas ang inyong mga buhay? Anong ginawa mo kapitan habang nakikipaglaban at ibinubuwis ni Caren ang kanyang buhay sa kamay ng mabangis na halimaw?" Ang galit na galit na mga tanong ni Alex.

"Alex... " Ang tawag ni Father Mexo na makikialam na sana sa mainit na usapan pero kaagad na naudlot iyon ng muling magsalita si Alex.

"Ha,  Father Mexo ang sarap yatang panoorin habang nakikipagbuno si Caren sa halimaw di ba? Hindi ba napakalaking insulto sa inyo na isang babae pa ang naglakas ng loob na kumalaban sa lider ng mga taong-lobo?"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Alex." Ang tugon ni Father Mexo.  Hindi ito tumayo at nanatili ito sa kanyang upuan at nakatingin kay Alex.

"Hindi alam? Kayo! Kayo ang hindi alam ang mga sinasabi! Hindi niyo kilala si Caren, kaya wala kayong karapatang magdesisyon kung hanggang kailan lang dapat ang buhay niya! Hindi kayo diyos para magsabi kung hanggang kailan lang siya mabubuhay, mga walang utang na loob!!! " Ang galit na galit na wika ni Alex.

Isang lalaki ang biglang tumayo at nilapitan si Alex.  Isang napakalakas na suntok ang pinakawalan nito sa mukha ni Alex. Hindi iyon inaasahan ni Alex kaya hindi niya makuhang maka-iwas pa dito at bumagsak sa iba pang mga taong nakaupo sa kanyang likuran.

"Sinong walang utang na loob ha?! Mga dayo lang kayo at malugod namin kayong tinanggap dito sa Santuaryo tapos aasta ka ngayon na akala mo kung sino ka?!" Ang sigaw ng galit na galit na lalaki habang panay ang panduduro nito kay Alex.  Makailang ulit din nitong tinangkang suntukin muli si Alex ngunit mabilis siyang nahawakan ng iilang mga kalalakihang naroroon.

Hawak-hawak ni Alex ang kanyang nagdurugong ilong at nabiyak na labi at pilit na tumayo sa pagkakabagsak sa mga upuan. Pinunasan niya ang tumutulong dugo mula sa kanyang ilong at bibig gamit ang kanyang panyo.

Inilabas muna ang galit na galit at nagsisisigaw na lalaki para matigil na rin ang gulo.  wala namang balak na gumanti si Alex sa lalaking sumuntok sa kanya.

"Alex,  ang gusto lang namin ay ang kapakanan at kaligtasan ng nakararami. Bilang pinuno sa lugar na ito, responsibilidad kong maging ligtas lahat ang mga taong naririto. Habang nandirito ka matuto kang igalang kung ano man ang magiging desisyon ngayon ng mga nakakarami. Matuto kang makisama at rumespeto."

"Respeto ba Kapitan Ben? Respeto ba ang tawag dito sa buhay na gusto ninyong patayin? Kapag ba pinatay ninyo si Caren sa tingin ninyo titigil sa paglusob ang mahigit lang naman sa tatlong-daang mga taong-lobo na naririyan lamang sa paligid? Yan ba ang gusto ninyong mangyari? " Ang pasigaw na wika ni Alex dahil na rin sa galit. Lumapit ito sa harapan ng enteblado. "Pasensiya na pero marunong akong tumanaw ng utang na loob sa taong makailang ulit na iniligtas ang buhay ko. Ngayon kung para sa inyo ay panganib ang idudulot sa inyo ni Caren, ngayon at ngayon din ay lilisanin namin ang lugar na ito kasama ang asawa ko at mga bata. "

"Alex,  maghulos-dili ka sa sinasabi mo. Hindi mo puwedeng gawin yan lalo na sa mga bata. " Ang nabahalang si Father Mexo.

"Dayo lang po kami rito among at walang respeto sa inyo at mga desisyon ng nakakarami. Salamat sa pagkupkop ninyo sa amin rito lalo na sa aking asawa. Pagkatapos ng pagpupulong na ito ay lilisanin na namin ang Santuaryo  ninyo. "

"Yan ang hinding-hindi ko papayagang gawin mo Alex." Ang sabi ni Kapitan Ben.  Tumingin siya sa dalawang lalaki sa tabi ni Alex at tumango ito sa kanila. Mabilis na kumilos ang dalawang lalaki at hinawakan sa magkabilang balikat si Alex.

Pilit na nagpumiglas si Alex sa pagkakahawak sa kanyang balikat.  Pero wala siyang magawa dahil malakas ang dalawang lalaki.

"Pasensiya na Alex pero walang aalis sa Santuaryo!" Ang nakangising wika ni Kapitan Ben kay Alex.

Hindi na nakuhang tumugon pa ni Alex sa sinabi  ni Kapitan Ben sa kanya ng isang matigas na bagay ang tumama sa likuran ng kanyang ulo at mabilis na nagdilim ang lahat sa kanyang paligid.

Napatayo si Father sa kanyang nakita at napatingin kay Kapitan Ben.

------------------

Makulimlim ang konkretong pasilyo patungo sa napakaluwang na bulwagan ng palasyo. Ang bawat pader nito ay napapalamutian ng mga watawat na nakaimprenta ang isang misteryosong hayop na sumisimbolo sa kanilang kaharian. Sa dulo ng bulwagan ay may maliit na entablado na kung saan nakaupo sa kanyang tronong ginto ang hari. Kausap niya ang isang matangkad na lalaki na namumutok ang mga kalamnan sa kanyang katawan.

Nakadungaw ang lalaki sa bintana ng bulwagan at tanaw na tanaw niya ang kabuuan ng kaharian pati na ang dalampasigan nito.

Singkit ang mga mata ng lalaki at maninipis ang kanyang mga labi.  Kulay bughaw ang kanyang mga mata at matangos ang kanyang ilong na may malaking nunal sa ilalim ng kanyang kanang ibabang labi. Maiitim at maayos ang kulot ng kanyang buhok na umaabot hanggang sa bewang at kadalasan ay natatakpan nito ang mga tenga niyang matutulis ang itaas na dulo.

Napatayo ang Hari sa kanyang kinauupuang trono ng makita ang isang babaeng pumasok sa bulwagan.  Napanganga ang hari sa kagandahang taglay ng babae na parang inililipad ng hangin ang katawan habang papalapit sa kanya.

Nagbigay pugay ang hari sa babae ng makalapit ito sa kanya.  Ngumiti ang babae sa hari at iniyuko din nito ang kanyang ulo bilang tanda ng pagtanggap nito sa pagbibigay pugay sa kanya ng hari.

Dumeretso ang babae sa lalaking nakadungaw sa bintana ng bulwagan at ibinaluktot ang kanang paa. Inilagay ng babae ang kanang kamay nito sa tapat ng kanyang puso at ang kaliwa naman ay idineretso sa kanyang tagiliran.

"Mahal na panginoong Anilaokan,  naririto na po ang inyong abang lingkod. " Ang mahinang sabi nito sa lalaking nakadungaw sa bintana.

Marahang humarap ito sa babae at ibayong saya ang dulot nito sa kanya ng masulyapan nito ang mukha ng babae. Lumapit ito sa babae at hinawakan ang balikat nito at tinulungang tumayo. Nakangiting hinawakan ni Anilaokan ang napakakinis na mukha ng babae.

"Tunay nga ang kakaibang kagandahan mo Mariang Sinukuan... " hinawakan ni Anilaokan ang mga kamay ni Mariang Sinukuan na kilala rin sa pangalan Laurea. Inilapit nito ang kanyang bibig sa tapat ng tenga ni Laurea. "...lubos ang aking kaligayahan na gumising ka na sa iyong pagkakatulog. Ngayon ay maihahanda na rin natin ang ating nalalapit na pag-iisang dibdib." Ang natutuwang wika ni Anilaokan kay Laurea.

Continue Reading

You'll Also Like

103K 2.4K 34
[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes...
726K 5.2K 33
She's Yuna Coldeft a La Orlian not so important in this society, she's a nobody, but her destiny suddenly change, and she find herself inside that ac...
54.9K 2.4K 52
Sabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa...
9.1K 188 38
Note: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prolog...