Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)

By beeyotch

38.2M 654K 180K

(For Hire: A Damn Good Kisser Book 2) Meet the new Dana Kathryn Ferrer. A little bit older and wiser, and a l... More

Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
EPILOGUE
Special Chapter No. 1
Special Chapter No. 2
Special Chapter No. 3

Chapter 40

484K 8.6K 4.7K
By beeyotch

Chapter 40

Sara's Point of View

"Are you out of your mind, Cyriel?!" 

Kasama ko ngayon si Cy sa labas ng bahay nila Dave. Grabe. Hindi ko kinaya ang mga pangyayari sa loob. Parang, 'shet, ano nangyari?' Ang bilis eh, bigla na lang, galit na galit na sa akin si Dana, tapos bigla bigla na lang, engaged to be married na si Cyriel kay Ynna!

"Siguro nga.." Sabi niya tapos tinakip niya yung kamay niya sa mukha niya.

"Pero kasi naman, Cyriel! Hindi ba masyado na 'yung gagawin mo? Kasal na yun eh! Pang habang buhay na 'yun! Ibang usapan na 'yun.." 

Huminga siya ng malalim, "What's done is done, Sara. Tapos na eh, nakapagpropose na ako."

"Pwede mo pa namang bawiin, di ba? Sabihin mo nabigla ka lang o kaya joke time lang!" Pamimilit ko sa kanya. Hindi na 'to pwede. Oo, napatunayan ko na na mahal na mahal talaga ni Cyriel si Dana, pero 'tong papakasalan niya si Ynna para kay Dana? Sobra na 'to!

"Wag na.."

"Ha? Don't tell me gusto mo na talagang magpakasal sa kanya? In love ka ba kay Ynna?" Tanong ko sa kanya. Baka naman kasi na develop na din siya, mabait na naman si Ynna. Nagbago na siya.

"Alam mo naman na si Dana lang ang mahal ko eh."

"Eh bakit mo siya papakasalan?"

"Napag isipan ko na din 'to, kung hindi din naman si Dana ang ihaharap ko sa altar, kahit sino na lang siguro," tapos bigla siyang natawa, "eh nagkataong si Ynna. Bonus na siguro 'to, natulungan ko na si Dana, napasaya ko pa si Ynna. Iisipin ko na lang, nagccharity work ako."

Bigla naman akong natawa sa charity work niya. May pagka comedian din pala si Cyriel. Ngayon ko lang napansin.

"Pero.. si Dana? Paano si Dana?" Tanong ko sa kanya, baka sakaling magbago yung isip niya..

"The one that got away.." Mahina niyang sabi.

"Huh?"

"Search mo yung lyrics," tapos tumayo siya, "Alis na ako, sabihin mo na lang kay Dave happy birthday ulit."

------------------

Dave's Point of View

"Seryoso ka nga?!" Halos maibuga ko na sa mukha ni Cyriel yung iniinom ko. Nandito siya sa bahay ko. Kakatapos lang ng inuman kagabi sa birthday ko, nag iinuman na naman kami ni Cyriel. Anubayan.

"Oo nga. Ang kulet niyong dalawa ni Sara, bagay talaga kayo." Tapos ininom niya yung San Mig light.

"Tsk. Matindi na talaga sira ng ulo mo," tapos ininom ko din yung sakin, "Sino ba ang may sakit talaga? Si Ynna o ikaw? Ang labo mo, pare."

Bigla na lang siyang natawa, "Oo nga yata. May sira na yata ako sa ulo."

"Eh pano yan? Suko ka na kay Dana?"

"Ayoko pa pero.. Wala na, Dave. Mahal na niya si Andy." Sabi ni Cyriel tapos tumahimik siya. Ang tagal ko ng kaibigan 'tong lalaking to, simula pagkabata magkakasama na kaming tatlo. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, yung parang wala ng buhay. Kahit siguro ano ang dumating sa kanya, tatanggapin na lang niya ng hindi nag iisip. Malala na ang kaibigan ko.

"Pano mo naman nasabi?"

"Wala lang, nararamdaman ko lang."

"Eh baliw ka pala talaga eh! Wala naman palang sinabi, nagcconclude ka agad. Si Dana yun, Cyriel. Alam mo namang malakas ang sapak nun sa utak kagaya ni Sara. Pag sinabi niyang gusto niya, hindi talaga, pag hindi niya gusto, gusto niya talaga. Magulo kaya ang isip nun." Paliwanag ko sa kanya. Hindi naman sa kinakampihan ko si Cyriel, kaibigan ko din si Andy. Pero kasi, kung papakasalan lang din ni Cyriel si Ynna, ipagtutulakan ko na lang siya kay Dana. Panghabang buhay ang kasal kaya, wala pa namang divorce sa Pilipinas. =___=

"Basta, hindi ko kayang ipaliwanag eh. Nung nag usap kami kagabi.. parang wala na eh."

"Sigurado ka? Eh ang tagal kang hinintay ni Dana! Almost two years, pare! Sa tingin mo ganun ganun ka na lang makakalimutan nun?"

"Ewan. Teka, bakit mo ba 'to sinasabi? Lagot ka kay Andy niyan."

Tignan mo 'tong lalaking 'to! Magpapakasal na sa babaeng hindi naman niya mahal at lahat, si Andy pa ang naisip! Meron pa bang mas selfless sa kanya?

"Okay lang yan. What you don't know won't hurt you."

"Ulol."

Tapos biglang nagring yung phone niya, "Hello? Dito kila Dave.. Ngayon na? Sige." Tapos binaba na niya.

"Sino yun?"

"Si Ynna."

"Bakit daw?"

"Nandun na daw yung gagawa ng wedding cake."

Naibuga ko yung iniinom ko, "Bakit ang bilis naman yata?!" 

Di ba kakapropose niya lang kahapon?!

"As soon as possible sabi ng parents niya. Eight years, pare. Eight years lang. Kaya ko 'to."

---------------

Dana's Point of View

It's been 3 days simula nung birthday ni Dave. Tatlong araw na din kaming hindi nag uusap ni Sara. Actually, sinusubukan niya akong kausapin pero hindi ko siya pinapansin. Magsama sila ng Ynna niya!!

"Beb, spaced out ka na naman? Problema?"

I sighed, "Same old, same old.."

Niyakap niya ako, "Kausapin mo na kasi. Ikaw din, baka maging forever ex best friend mo na siya.."

Hinampas ko siya sa braso, "Don't say such things! Baka magkatotoo!" Tapos nag knock on wood ako.

"Tignan mo 'to, pag nandiyan si Sara, todo makaiwas, pag wala naman, namimiss. Ang gulo mo talaga."

"Mahal mo naman." Tapos nag belat ako sa kanya.

"Mahal na mahal na mahal," tapos nagkiss kami.

"DK!!" Naputol yung kiss namin dahil kay Kim. Asar lang. =___=

"Why?!" Naiirita kong sabi. Yung kiss ko, Andyyyy. 

"You won't believe it!!" She said.

"Ano nga? Cliff hanger naman masyado eh."

"Kasi---- Ano ba yan! Hindi ko masabi!!" Tapos kinuha niya yung smoothie ko at ininom. Talk about gross. Nainuman ko na yun eh. =___=

"Kalma lang, Kim. Ano ba yang balitang nasagap mo na halos hindi ka na makapagsalita?" Ano nga kasi yun? Na curious tuloy ako bigla bigla. Grabe lang kasi maka react eh. News of the year ba ito?

"Okay, here it goes. Wag kang mabibigla ha?"

I nodded.

"Ikakasal na si Cyriel at Ynna!"

Ikakasal na si Cyriel at Ynna!

Ikakasal na si Cyriel at Ynna!

Ikakasal na si Cyriel at Ynna!

Ikakasal na si Cyriel at Ynna!

Ikakasal na si Cyriel at Ynna!

Ikakasal na si Cyriel at Ynna!?!

Ano daw?!

"Are you nuts, Kim? Ano'ng ikakasal? Eh nag aaral pa kaya tayo!" I said. Almost shouting actually.

Bigla kong naramdaman na tinanggal ni Andy yung kamay niya sa kamay ko. Selosong boyfriend. =___=

"Beb naman! Wag kang magselos, okay? Friends kami ni Cyriel kaya natural mag alala ako." Paliwanag ko.

"Friends?"

"Yup. Friends. So quit being jealous, alright?"

Then he nodded.

"So now, Kim. Start explaining. Where the hell on earth did you hear that news?!"

Huminga siya ng malalim, "Ganito kasi yun, di ba alam niyo naman na boyfriend ko si Clarence ngayon? Eh di pinuntahan ko siya sa bahay nila. Hindi ko naman alam na kapatid niya si Cyriel! Mga bwisit kayo, hindi niyo man lang sinabi sa akin!!" Tapos pinalo palo niya kami ni Andy. Baliw talaga.

"Anyways, nagulat ako kasi nandun yung parents nila. Eh kasi ang alam ko, hindi umuuwi ng Pilipinas yun kasi sa States naka based yung main business nila, so nagulat ako nung nandun sila. Tapos ayun, pinakilala ako ni Clarence bilang katulong niya. Hayop na yun!!" Tapos nagsisigaw siya. Mukang timang lang. =___=

"Tapos yun nga, nalaman kong kaya sila umuwi dito ay para sa kasal ni Ynna at Cyriel. What the heck di ba? Hindi to joke time kasi umuwi ang parents ni Cyriel!!"

Okay, Dana. Breathe in, breathe out..

AAAAAAAGH! Bakit ako naiinis?!!

"Beb, san ka pupunta?"

"Magsshopping." Tapos umalis na ako agad.

----------------

Andy's Point of View

calling..

Dave Cruz

Tinawagan ko si Dave pagkatapos na pagkatapos umalis ni Dana. Kailangan kong malaman kung totoo ba yung sinasabi ni Kim.

("Bakit?")

"Seryoso ba? Papakasalan niya talaga yun?"

("Oo eh. Ewan ko ba dun.")

So, totoo pala talaga. Ano bang nakain ni Cyriel?!

"Nasan ka ba? Puntahan kita."

("Nandito ako sa Meero's.")

Tapos binaba ko na yung tawag.

Alam ko niloko ko si Cyriel pero pakakasalan si Ynna? Wala sa usapan namin yun! Kaibigan ko yun eh, hindi ako papayag na sirain niya yung buhay niya ng ganun ganun na lang. Hindi niya naman mahal si Ynna kaya bakit niya papakasalan yun?

After 20 mins, nakarating na ako sa Meero's. Nandun si Dave sa gilid kaya pinuntahan ko na siya. Umorder na din kami ng pagkain.

"Bakit niya daw ba gagawin yun?!" Naiinis na tanong ko kay Dave. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis?

"Alam mo naman yung dahilan, nagtatanong ka pa. Seriously, Andy, kailan mo ba sasabihin kay Dana?" Tanong sa akin ni Dave.

"Hindi ko alam. Ewan ko." 

Natatakot ako. Natatakot ako na pag sinabi ko kay Dana, iiwan niya ako.. Hindi ko alam ang gagawin ko pag iniwan niya ulit ako. Kung dati kinaya ko pa, ngayon hindi na. Mahal na mahal ko na siya..

"So papayag ka na makasal yung kaibigan natin dun sa babaeng yun dahil sa'yo?"

"Dave naman kasi, hindi naman yun ganun kadali.."

Iniisip ko palang, natatakot na ako.

"Sasabihin mo din naman sa kanya yun eventually, why delay, Andy? Kailan mo sasabihin? Kapag kasal na si Cyriel sa babaeng yun? Seriously, ganyan ka na ba ka selfish?"

"Pero.. si Dana lang ba talaga ang makakapigil?"

Hindi ba siya pipigilan ng magulang niya? Papayag ba silang magpakasal ang anak nila sa babaeng yun?!

"Si Dana lang. Sabi nga niya sa'kin, kung hindi din daw si Dana ang papakasalan niya, kahit sino na lang daw. Eh kahit siguro si Nof ang ipakasal ko dun papayag yun eh."

"Tangina naman."

"Oo, Andy. Tangina talaga kaya sabihin mo na. Maawa ka naman kay Cyriel. Papayag ka bang makasal siya dun? Tangina! Konsensya naman!"

"Sasabihin ko na.. Sa Thursday. Wag lang bukas, Dave. Susulitin ko lang bukas habang magkasama pa kami.."

----------------

Ynna's Point of View

"Danielle? Where the hell? Kanina pa ako dito sa Meero's!"

I'll be meeting Danielle, our wedding planner, here at Meero's. Supposedly, kanina pa dapat siya dito.

("I'll be late. Eat first. Sorry.")

I'm left with no option, kakain muna ako. Pasalamat siya i'm in good mood. I'll be meeting Cyriel's parents tonight. I have no plans of ruining my day.

I ordered vegetable salad and fruit juice. I stood up and walked towards the powder room nung makita ko si Dave at Andy sa gilid ng restobar. Ano'ng ginagawa nung dalawang yun dito?

I silently went near them to eavsdrop. 

"Si Dana lang. Sabi nga niya sa'kin, kung hindi din daw si Dana ang papakasalan niya, kahit sino na lang daw. Eh kahit siguro si Nof ang ipakasal ko dun papayag yun eh." Dave said.

I couldn't care less. Ako ang papakasalan ni Cyriel. Wala na akong pakielam sa iisipin nila.

"Tangina naman."

"Oo, Andy. Tangina talaga kaya sabihin mo na. Maawa ka naman kay Cyriel. Papayag ka bang makasal siya dun? Tangina! Konsensya naman!"

"Sasabihin ko na.. Sa Thursday. Wag lang bukas, Dave. Susulitin ko lang bukas habang magkasama pa kami.."

What?! Sasabihin niya kay Dana sa Thursday?!

I won't let this happen!

calling..

Mom

("Hija, may problema ba kay Danielle?")

"No, mom. Can i ask for a favor?"

("Of course. Anything for you. What is it?")

"I want a civil wedding tomorrow, Wednesday, mom."

("Civil wedding? I thought you want a church wedding?")

"Yes. But i want to be married tomorrow. Will you arrange that for me?")

("Of course, Ynna. You know i'll do anything..")

Then the line went dead.

Dana, i'll make sure na bago mo malaman, ako na si Mrs. Cyriel Edrian Perez.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 86.7K 21
Kasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (...
621K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.
207K 13.4K 66
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.1M 56.5K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.