Gabriel's POV
Pagkababa ko ng teddy bear nanlaki ang mata niya sa nakita niya
Napangiti naman ako sa reaksyon niya
Sumenyas na ako sa mga estudyanteng binayaran ko kanina para umalis kasi syempre gusto din ni Ara ng private
Lumuhod ako
"Arabella Serene Lopez, pwede ba kitang ligawan?" Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito
Medyo tinanggal niya ito agad at halata sa kanyang mukha ang ilang
Namumula siya
"Ahh ehhh kasi.." hindi ko siya pinatapos magsalita
"Si jerome ba?" Seryoso kong tanong
"Oo nanliligaw na kasi siya eh" sabi niya pero ngumisi lang ako
"Ligaw lang pala eh wala akong pake liligawan kita kahit ayaw mo" sabi ko
Nakita ko si Jerome sa likod ni Ara
Niyakap ko si Ara
"May mahal ka na bang iba?" Bulong ko
"H-ha?" Taka niyang tanong
"Psh" ngumiti ako
Nakita ko namang tinikom ni Jerome ang kanyang kamao
"Tara na baka malate pa tayo" sabi ko tapos ginulo gulo ko buhok niya
"Gab naman eh ang hirap hirap kaya suklayin ng buhok ko" pagrereklamo niya
"Edi guluhin mo din yung akin" sabi ko tapos talon siya ng talon pero hindi niya ako maabot
Kinurot ko yung pisngi niya
"Bleeeeh" binelatan ko siya tapos tumakbo ako
Arabella's POV
"Aray" sabi ko pano ba naman kasi si Gab kinurot yung pisngi ko
"Bleeeeh" binelatan niya ako tapos tumakbo
HAHAHAHAHAH bahala ka diyan tumakbo magisa
Kala mo naman hahabulin hahhahaha
Nagsimula na akong maglakad sa hallway
Hinarangan ako ni Philline at yung mga barkada niya
"Pagkatapos mo landiin si Jerome ngayon naman si Gab?"
"PANGET na nga MALANDI pa"
"NapakaHAROT"
Sabi nila tapos naunang maglakad binangga pa ako hays nalaglag tuloy yung mga libro na hawak ko
Inaabot ko yung isa kong libro
"OUCH!" Sigaw ko kasi may umapak ng paa ko habang inaabot ko yung libro
"oops sorry" sabi nung babae tapos tumawa sila
Tumayo ako
Nakakabwiset na yung mga ginawa nila sakin
Tinulak ko siya at natumba siya
Agad naman siyang tumayo at lumapit saakin
"Hah! Hoy malanding panget pagsisisihan mo yung ginawa mo hindi mo kilala kung sino yung kinakalaban mo" sabi niya habang hawak ang kwelyo ko
Binitawan niya ako at inayos niya yung kwelyo ko
Ngumisi siya
"Isang beses ko lang to sasabihin.." sabi niya at lumapit pa sakin
"La-yu-an mo si Gab" bulong niya at sabay tinulak nanaman ako
Wala akong nagawa kundi kunin ang mga libro ko
Pumunta muna ako sa locker para ilagay ang iba mamaya ko nalang kukunin
Pagbukas ko
*blop*
•-•
Sobrang daming basura mga papel na nalaglag
"Hay" bulong ko tapos lumuhod ako upang pulutin ang mga nalaglag na papel
Ang mga babae at lalaki sa paligid ko ay nagtatawanan
Napalunok nalang ako at kinagat ko ang labi ko upang pigilang umiyak
Isa isa kong binuksan ang mga papel
"Bakit hindi ka nalang mamatay?"
Isinarado ko to at binuksan ko pa ang iba
"Malandi"
"Mangaagaw"
"Mamatay ka na ang panget mo!"
"Hindi ka bagay sa school na to"
Napapikit ako ng matagal bago ko pinulot ang lahat
"Um hindi basurahan tong locker ko ah" sabi ko sa mga nakapaligid
"Basurera naman yung may ari nangongolekta ng mga lalaki"
"HAHAHAHAHAHAHAHHA" nagtawanan ang mga nasa locker room
*kringg kringg*
Nagbell na kaya nagmadali na silang lahat umalis
Ilang saglit pa natapos ko na ang mga gawain ko kaya umalis na ako
Nakayuko lang ako hindi ko namalayan na kusa na palang tumutulo ang mga luha ko
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nabangga ako
Pagtingin ko si Jerome lang pala
"Ah aray aray aray" sabi ko tapos yumuko ako ayoko na kasing magtanong siya kung bakit ako umiiyak
Ngumisi siya
"Ikaw tong nakabunggo tapos hindi ka manlang magsosorry?" Tanong niya
Inangat ko ang mukha ko kaya alam kong nakikita niyang umiiyak ako
"Pasensya na bastos ako pasensya na kung malandi ako at higit sa lahat pasensya na kung PANGE-" naputol yung sinasabi ko kasi niyakap niya ako bigla
"Bakit kasi hindi ka lumaban?" Tanong niya habang magkayakap kami
"E-eh k-kasi *hik* k-kasi *hik* h-hindi t-tama-" pinutol niya yung sinasabi ko
"Sinabi ko bang magsalita kang pader ka?" Tanong niya
"Cry" sabi niya ng mahina
Umiyak na ako hindi ko mapigilan lalo na kapag may kasama ako
Napapahigpit ang pagkayakap ko sakanya at humahagulgol lang ako
Sometimes kailangan mo talaga ng kaibigan na magcocomfort at nandiyan para sayo everytime na kailangan mo sila
Bumitaw nadin ako sa pagkakayakap nung umokay na ako
"S-salamat okay na ako" sabi ko
"Good mauna ka na" sabi niya sakin
Nauna na ako at pagpasok ko nagsimula na ang klase
"Miss im sorry po kung late ako hindi na po mauulit" sabi ko tapos yumuko ako
"Ms. Lopez kung itutuloy mo yan baka hindi mo na makuha ang valedictorian title" sabi ni miss tapos nagsimula na siyang magsulat
Sinimulan ko na din magaral
Aral
Aral
Aral
*kring kringg*
Uwian na pala
"Tara Ara sabay na tayo" sabi ni gab tapos hinawakan ang kanang kamay ko
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng classroom
Nang may biglang humawak ng kaliwang kamay ko
Si Jerome
Pareho silang nakahawak sa maglabilaan kong kamay
Nakita kong tinitignan ni Gab ng masama si Jerome
Tinignan ko si Jerome sa kaliwa ko at nakita kong sinasalubong niya ang masasamang tingin ni Gab
"Bitaw" sabi ni Jerome kay Gab at nagglare ito
"Ikaw ang bumitaw" sabi ni Gab
Haharangan ko na sana silang dalawa pero bigla kong nabitawan si Gab dahil sa lakas ng paghila ni Jerome sakin napunta ang ulo ko sa dibdib niya naririnig ko ang mabilis na tibok ng puso niya at nararamdaman ko din ang bawat tibok ng akin
Sandaliang nanahimik ang lahat
"Sorry but.."
"She's Mine"
A/N: Readeeeers im so sorry if natagalan pero eto naaa sana naenjoy niyo yung pagbabasa
Dont forget to
VOTE
COMMENT
AND BE A FAN!♡ lovelots