NO STRINGS ATTACHED

By cold_deee

489K 19K 16K

-COMPLETED- CONTENT: [BxB] Romance / Comedy / Heavy Drama / Slice of Life Synopsis: Sa loob ng sampung taon... More

Author's Note
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
Pre-Finale (Part 1)
Pre-Finale (Part 2)
FINALE - PART 1
FINALE - PART 2
FINALE - PART 3
AUTHOR'S MESSAGE
SPECIAL CHAPTER 1

chapter 11

8.3K 439 370
By cold_deee

A/N

Medyo mabigat pa rin po itong mga susunod na tagpo. Pasensya na kung may mga hindi nagugustuhan ang madramang kwento. Pero ito po talaga ang uri ng kwentong isinusulat ko.

Para sa'yo 'to StephenDamasco !!! Cheer up na!! Kaya mo 'yan!! 😊😊

Paki-play din po ng paulit-ulit ang nasa media na song kung feel n'yo. 'Yan po ang theme song para sa chapter na ito. (Song title: Dance With My Father by Luther Vandross.)

----> si Randy po sa media.

----------

RANDY's POV

"Sigurado ka na ba dito?" pag-aalala ni Rigo.

Mahigpit n'yang hawak ang aking kamay habang nasa tapat kami ng isang pinto dito sa ospital.

"Hindi ka naman aalis 'di ba? Dito ka lang naman 'di ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Sigurado akong kahit anong mangyari, hindi ako aalis dito. Ikaw lang ang inaalala ko." malungkot n'yang saad.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. 

"Salamat, Rigz." wika ko at saglit na tumigil. "Pero ikaw na rin ang nagsabi, kailangan kong harapin ang takot ko. Kailangan kong balikan ang lahat para na rin sa ikatatahimik ko." dugtong ko pa rito.

Hindi s'ya nakapagsalita, nanatili ang pag-aalala sa kanya.

"Don't worry, Rigz. Gagawin ko ang makakaya ko para malampasan 'to. Basta dito ka lang ha?" paniniguro ko sa kanya.

Sa wakas ay nakita kong ngumiti s'ya.

"Oo naman, pangako." sambit n'ya lang.

Matapos iyon ay binitawan n'ya ang kamay ko. Inangat n'ya ang kanyang mga kamay at inilagay iyon sa magkabilang pisngi ko.

"Liam, ito na ang hinihintay mo. Lahat ng gusto mong sabihin, lahat ng gusto mong itanong, lahat ng gusto mong isumbat, sabihin mo sa kanilang lahat. Hindi kita pipigilan. Kung ito lang ang tanging paraan para makawala ka na ng tuluyan, susuportahan kita. Hindi ako aalis sa tabi mo. Kasama mo ako hanggang sa paglaya mo." mahaba n'yang saad habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.

Tumango ako habang suot pa rin ang tipid na ngiti ko.

Matapos ang pagtugon kong iyon ay marahan na inilapit ni Rigo ang kanyang sarili at binigyan ako ng masuyong halik sa labi.

"Kaya mo 'yan, Liam. Nandito lang ako, hindi ako aalis kahit isang segundo." wika n'ya matapos ang masuyo n'yang halik.

"Salamat." tangi ko lang nasambit.

Muli akong humarap sa pinto. Hawak pa rin ni Rigo ang kamay ko at sa pagkakataong ito ay mas mahigpit na iyon.

Kahit ipinapakita kong kalmado ako sa mga oras na ito ay hindi ko maitatanggi sa aking sarili na nakakaramdam pa rin ako ng labis na takot. Mabilis ang tibok ng puso ko at nanginginig ang buong katawan ko. Alam kong ramdam din iyon ni Rigo dahil hawak n'ya ang kamay ko.

Ilang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ko inangat ang isa kong kamay para pihitin ang doorknob.

Dahan-dahan ako sa pagtulak ng pintong iyon. Ilang beses din akong napalunok para mapanatili ang pinapakita kong pagiging kalmado.

Nang tuluyan kong mabuksan ang pintuang iyon ay bumungad sa akin ang dalawang babae na dati kong itinuturing na mga pinakamahalagang tao sa buhay ko. Nakaupo ito sa mahabang sofa na bubungad sa pinto kapag pumasok ka rito.

Nanlalaki ang mata nilang pareho nang makita ang imahe ko sa pinto.

"R-randy...?" utal na pagtawag sa akin ni Ate Sandra.

Hindi ko tinugon ang pagtawag n'yang iyon. Sunod kong nilingon ang babaeng may isang dekada ko nang hindi nakikita. Nasaksihan ko ang mabilis na pag-agos ng kanyang mga luha nang muli n'ya akong masilayan sa mahabang panahon.

"R-randy..." sambit n'ya rin sa aking pangalan.

Walang ekspresyon ang aking mukha habang salitan ko silang tinitingnan. Malaki na ang pinagbago nilang dalawa. Si Ate Sandra ay maganda pa rin, pero nadagdagan na ang edad n'ya. Madali ko pa rin s'yang nakilala noong nagpunta s'ya sa aking bahay dahil halos wala naman pagbabago sa kanyang mukha kahit halos dalawang dekada kaming hindi nagkita.

Ang sumunod kong tinitigan ay ang babaeng tinatawag ko noon na Mama. Ang ilaw ng dati naming tahanan, ang aking ina. S'ya ang may malaking pagbabago. Nadagdagan na ang kulubot sa kanyang noo ngunit masasabi kong sa kanyang edad ay taglay n'ya pa rin ang gandang hinahangaan ko noong bata pa lang ako.

Wala akong ibang espesyal na naramdaman habang pareho ko silang tinitingnan. Hindi katulad sa iba na kapag matagal nilang hindi nakita ang kanilang pamilya ay nananabik sila. Sa sitwasyon ko, mas nakakaramdam ako ng galit sa mga oras na ito.

Sila.

Sila ang mga taong nagpahirap sa akin noon.

Sila ang mga taong naging dahilan ng malaking pagbabago ko.

Sila ang mga taong sinaktan ako.

Ang sariling pamilya ko.

Matapos ko silang suriin ay naramdaman ko ang pagpisil ni Rigo sa aking kamay. Pinaramdam n'ya sa paghigpit ng kanyang hawak na dapat ko nang simulan ang lahat.

Hindi ko binitawan si Rigo nang simulan kong ihakbang ang mga paa ko para tuluyang makapasok sa kwartong iyon.

"Nasaan s'ya?" malamig kong tanong sa kanila.

"K-kamusta ka na, Randy?" biglang pagsasalita ng magaling kong ina.

Matalim ang mga mata kong nilingon s'ya. Patuloy pa rin s'yang umiiyak sa hindi ko malamang dahilan.

"Hindi ako nagpunta rito para makipagkamustahan sa inyo. Gusto n'ya akong makita 'di ba? Nasaan s'ya?" malamig kong pagtatanong sa walang kwenta kong ina.

Nasaksihan ko ang lungkot sa kanya matapos kong itanong ang bagay na iyon.

Nalulungkot s'ya? Bakit? Hindi ba dapat wala s'yang pakialam kung nandito ako ngayon sa harap n'ya? Hindi ba dapat dinadaanan n'ya lang ako tulad ng ginagawa n'ya sa akin dati sa tuwing nabubugbog ako ng ama ko?

Nakakatawa s'ya.

Siguro ay hindi ako kayang sagutin ni Mrs. de Torres kaya si Ate na ang sumagot sa katanungan ko.

"N-nandoon s'ya..." sagot ni Ate habang tinuturo ang isang bahagi ng kwarto.

Nilingon ko ito at nakita ko ang isang kama na may takip na kurtina.

Hindi na ako nagdalawang-isip pang kumilos. Hawak ko pa rin ang kamay ni Rigo nang simulan kong ihakbang ang mga paa ko patungo sa kama kung saan nila ako itinuro. Naramdaman ko naman na sumusunod ang dalawang babae sa likuran namin ni Rigo.

Nang makarating kami sa tapat ng kurtina ay huminto ako.

Sa likod ng kurtinang ito, naririto ang taong labis na kinatatakutan ko. Ang taong nagtanim ng poot at galit sa puso ko.

Nanlalamig na ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay gusto ko nang tumakbo palabas sa kwartong ito. Dahil sa oras na mabuksan ang kurtinang nasa harap ko ay muli kong masisilayan ang taong pinagtataguan ko sa mahabang panahon.

Handa na ba talaga akong harapin s'ya?

Natatakot ako. Natatakot ako dahil pakiramdam ko ay sasalubungin n'ya ako ng pagtutuok ng kanyang baril at aasintahin na naman ako sa ulo.

Naging mabilis ang mga paghinga ko.

Handa na ba talaga akong harapin s'ya?

Siguro ay naramdaman ni Rigo ang labis na takot ko sa mga oras na ito. Muli n'yang pinisil ang aking kamay para iparating sa akin na naririto lang s'ya sa tabi ko.

Tama. Nandito si Rigo. Hindi n'ya ako iiwan. Poprotektahan n'ya ako. Hindi n'ya ako pababayaan.

Marahil ay nakita nila Ate na handa na akong makaharap ang taong nasa likod ng kurtinang iyon kaya dahan-dahan s'yang pumwesto malapit sa aking harapan. Hinawakan n'ya ang kurtina at dahan-dahan ay binuksan iyon.

Napapikit ako. Inihanda ko ang sarili ko na muling makaharap s'ya.

Ilang segundo akong nakapikit hanggang sa marinig ko ang mahinang pagbulong sa akin ni Rigo mula sa aking tabi.

"Liam, nasa harap mo na s'ya. Kaya mo 'yan." malambing n'yang sambit sa aking tenga.

Mabilis pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa halo-halong bagay. Ngunit isa lang ang sigurado ako, takot na takot ako sa mga oras na ito.

"Nandito lang ako." muling bulong sa akin ni Rigo.

Dahil sa mga salitang iyon ni Rigo ay nagkaroon ako ng panibagong lakas ng loob. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko hanggang sa matagpuan ko ang taong naging sanhi ng malaking pagbabago ko.

Ang aking ama.

Nakaratay ito sa hospital bed habang maraming aparato ang nakakabit sa kanyang katawan.

Sinimulan ko s'yang suriin mula sa kalahati ng kanyang katawan paakyat sa kanyang mukha. At nang marating ng aking mga mata ang kanyang mukha ay halos mapaatras ako.

Ibang-iba na ang taong nasa harap ko. Malaki na ang kanyang ipinagbago.

Ang dati n'yang matikas na katawan ay tuluyan nang naglaho. Payat na ito hindi kagaya noon na halos parang semento ito na hindi madaling matibag. Impis ang kanyang dalawang pisngi na kabaligtaran noong mga panahon na kasama ko pa ito.

Ang kanyang mga mata na laging nag-aapoy sa galit noon sa tuwing makikita ako ay dilat na lang ngayong mga oras na ito. Tulala lamang s'ya at diretso ang tingin sa taas patungo sa kisame ng ospital na ito.

Ilang minuto ko s'yang sinuri. Hindi ako makapaniwala na ang taong halos hindi mapangiti kung hindi ako noon mapagbubuhatan ng kamay ay hindi na ngayon magawang igalaw kahit ang kanyang ulo man lang. Hindi n'ya ako magawang lingunin dahil nanatili s'yang tulala habang nakatingin sa kisame.

Ilang sandali pa ay nilapitan s'ya ng kanyang asawa. Dahan-dahang yumuko si Mrs. de Torres upang bulungan s'ya. Hinintay naming lahat kung may mangyayari ba sa ginawang iyon ng ginang.

Matapos bulungan ng ginang ang lalaking nakaratay sa ospital ay nasaksihan ko ang mabilis na pag-agos ng luha ng ginoo.

"A-agh-hhg.. Y-y-and- andy..." hindi nito maituwid na pagsasalita habang patuloy na lumuluha.

Ang boses n'yang iyon, ibang-iba noon na puno ng tapang. Ibang-iba noon sa tuwing ako ay kanyang masisigawan.

Naging mas mabilis pa ang paghinga ko habang pinagmamasdan s'yang nakaratay sa kama. At kahit hindi ko man gustuhin ay kusa na lamang pumatak ang mga luha ko.

Binitawan ko ang kamay ni Rigo na nakahawak sa kamay ko. Naramdaman kong ayaw n'ya iyon bitawan ngunit gusto kong kumilos sa mga oras na ito ng mag-isa.

Nang makabitaw ako ay naikuyom ko ang aking mga kamao habang nagdidikit ang mga ngipin ko.

"Anong ginagawa mo d'yan?!" madiin kong tanong sa magaling kong ama.

Hindi s'ya makasagot, hindi s'ya makapagsalita. Patuloy lamang s'yang nakatingin sa taas habang pumapatak ang kanyang mga luha.

"Nakikilala mo pa ba ako? Naaalala mo pa ba ako? Ako 'to. Ako ang anak na paborito mo! Ako ang anak mong paborito mong ipahiya, ang paborito mong saktan, ang paborito mong pahirapan! Naaalala mo pa ba ako?!" sunod-sunod kong tanong sa kanya na may kalakasan.

"Ano?! Bakit hindi ka makasagot d'yan?! 'Di ba noon kahit hindi pa ako nagsasalita, nakakatanggap na ako ng sagot galing sa 'yo?! Nakikita mo pa lang ang anino ko noon, kumukulo na 'yang dugo mo?! Huhubarin mo na lang ang sinturon mo at walang awa mong ihahambalos 'yon sa likod ko?!!! Nasaan na??!! Ilabas mo 'yang sinturon mong hayup ka!!!" sigaw ko na sa kanya habang patuloy ako sa pagluha.

Mas lalong nag-unahan ang mga luha sa kanyang mga mata. Naririnig ko na rin sa paligid ko ang malakas na pag-iyak ng aking Ate at ng aking ina.

"Eto na ako oh!!! Nakikita mo ba ako??!! Ibang-iba na ako simula nang huli kong matanggap ang pagmamalupit mo!!! Ibang-iba na ako simula noong huling pag-ilag ko sa pag-asinta mo ng baril mo!!! Kaya ko nang labanan ang demonyong kagaya mo!!! Kaya ko na ngayon lumaban ng patas sa'yo!!! Kaya tumayo ka d'yan!!! Magharap tayo!!!" tuloy-tuloy kong pagsigaw sa kanya.

Wala na akong pakialam sa mga oras na ito kahit nakikita ko s'yang nahihirapang huminga sa mga oras na ito dahil sa labis na pag-iyak.

"Masakit ba?! Masakit ba na ang dati mong anak na hindi ka magawang bulyawan, minumura ka na ngayon?!! Masakit ba??!!" tanong ko sa kanya.

Hindi pa rin s'ya makasagot kaya nagpatuloy ako sa mga sinasabi ko.

"Kulang pa 'yan!! Kulang pa 'yan, Papa!!! Kulang pa 'yan bilang kabayaran sa kahayupang ginawa mo sa akin!!! Kulang pa 'yan para pagbayaran mo ang pagsira sa buhay ko!!!" sumbat ko sa kanya.

Saglit akong tumigil dahil nauubusan na ng hangin ang katawan ko dahil sa labis na pagsigaw. Kahit pigilan ko ang mga luha ko ay hindi ko ito magawa. Nangingibabaw ang galit ko sa mga oras na ito dahil sa pag-alala sa mga naranasan ko noon sa kanya.

Wala na akong makita sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ay kami lamang dalawa ang nasa lugar na ito.

Makalipas ang ilang mga malalim na paghinga ay nagpatuloy ako sa panunumbat sa kanya. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ako sumisigaw. Naging madiin na lamang ang bawat salitang namumutawi sa bibig ko. At sa bawat salitang binibitawan ko ay ang mga luha kong hindi na yata nauubos simula nang isinilang ako.

"Ano bang naging kasalanan ko, Papa..? Dahil ba sa naging bakla ako..? Dahil ba doon kaya kailangan kong pagdaanan ang lahat ng pagpapahirap mo..? Sabihin mo nga... ginusto ko ba 'to..? Pinili ko bang maging ganito...?" tanong ko sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.

"Papa... kung kaya ko lang baguhin ang sarili ko, matagal ko nang ginawa... K-kasi... kasi simula pagkabata, wala akong ibang inasam, wala akong ibang hinangad kundi ang pagbigyan kayo ni Mama... lalo ka na... gusto kasi kitang mapasaya..." pagsasalita kong mahinahon sa pagitan ng pag-iyak ko.

Nahihirapan na akong magsalita dahil naninikip na ang dibdib ko. Pero wala akong balak na itigil ang pagsasalita ko dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko simula pa noong bata ako.

"Ginawa ko naman ang lahat 'di ba..? Nakita n'yo naman lahat ng pagsisikap ko 'di ba..? Kahit ba minsan napatawag kayo noon sa eskwelahan dahil may naging problema ako..? Hindi naman 'di ba..? Pero kulang pa rin... hindi ko pa rin makuha ang atensyon mula sa inyo..."

Humihikbi na ako habang nagsasalita. Hindi na halos maayos ang mga salitang binibitawan ko dahil sa labis na pag-iyak.

Matapos ang mga salita kong iyon ay napangisi ako dahil may bagay akong naalala noong panahon na sa kanila pa ako nakatira. Naging sanhi tuloy ito para makapagbitaw ako ng mahinang pagtawa.

"Kung sabagay, kelan nga ba kayo pumunta ng eskwelahan ko? Hindi pa naman 'yon nangyari kahit minsan 'di ba? Kasi si Nanay Elise lang ang kasama ko. S'ya lang ang nag-iisang taong sinasamahan ako."

"Naaalala ko noon kung paano ako naghihintay sa pagdating ng isa sa inyo ni Mama para isabit ang mga medalyang nakuha ko. Ako kasi ang consistent honor student noong elementary ako 'di ba? Nakaakyat na ako sa stage pero walang Mama at Papa na umakyat para isabit sa akin ang pinaghirapan kong mga medalya."

"Para akong tanga noon na isinasabit sa sarili ko ang medalyang pinaghirapan kong makuha sa halos isang taon... Hindi kasi ako pumayag na isabit 'yon sa akin ng teacher ko... Sabi ko kasi sa kanya, magulang ko lang ang pwedeng magsabit sa akin no'n. Kaya nga kahit nandoon si Nanay Elise hindi ko pinayagan na umakyat dahil umaasa akong darating pa rin kayo... Pero nangyari ba..? Hindi. Walang nagpakita kahit anino ng isa sa inyo ni Mama..."

"Bumaba ako ng stage na sobrang lungkot ko, pero hindi ako umiyak... K-kasi... mas iniisip kong pag-uwi ko ng bahay matutuwa pa rin kayong makita na marami akong medalyang naiuwi... Pero anong nadatnan ko..? Masaya kayong nagsasalo-salo sa mesang maraming handa dahil salutatorian ang Ate ko..."

"Ang saya 'di ba..? Pareho pala kayong um-attend sa graduation ng anak n'yong salutatorian... Ang anak n'yong iisa ang medalyang suot dahil sa pagkakaroon ng pangalawang karangalan sa school...Pero ang anak n'yong first honor at nakakuha ng maraming awards, nagsabit mag-isa ng mga medalya sa taas ng stage..."

Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang braso ko. Pero kahit paulit-ulit kong gawin ito ay hindi natigil ang pagpatak ng mga luha ko.

"Alam n'yo ba kung anong iniisip ko habang pinapanood ko kayong tatlo na masayang kumakain..? Iniisip kong baka may kulang pa sa akin kaya pagbubutihin ko pa sa susunod... Gagalingan ko pa para maranasan ko naman na kayo ang magsabit sa akin ng medalya..."

"Kaso anong nangyari..? Hanggang sa makatapos ako ng high school, natupad ko ang pinangako kong pagbubutihan ko pa... Halos hakutin ko na nga ang lahat ng awards, pero kahit isang beses ba nasamahan n'yo ako sa gitna ng stage..? O kahit ang panoorin lang ako habang sinasabitan ni Nanay Elise ng medalya, nangyari ba..? Hindi. Pero narinig n'yo ba akong nagreklamo..? Hindi. Kasi ayaw ko pa ring ma-disappoint kayo..."

Mas lalo nang lumakas ang naririnig kong mga pag-iyak mula sa dalawang babae na naririto sa kwarto. Ang akin namang ama ay ganoon pa rin, patuloy na umiiyak habang nakatingin sa kisame.

"Alam mo ba kung anong mas masakit doon, Papa..? Na kahit anong gawin kong pagsusumikap, hindi ako nakatanggap kahit na isang beses na papuri galing sa inyo... Anong natatanggap ko..? 'Yung mga palo sa likod ko gamit ang bakal na sinturon n'yo..."

"Alam mo rin ba kung anong iniisip ko habang patuloy kong sinasalo ang mga pananakit mo...? Iniisip kong baka 'pag nakayanan ko ang sakit, baka sakaling marinig ko mula sa inyo na 'ang galing ng anak ko'... Kaso hindi ko nakakayanan, Papa... Dahil hanggat hindi ako nawawalan ng malay, hindi mo ako tinitigilan 'di ba...?"

Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay narinig ko ang pagsabat ng magaling kong ina.

"P-patawarin mo kami,Randy... patawarin mo kami..." umiiyak nitong pagsasalita.

Napangiti ako ng mapait sa kanya habang patuloy pa rin na lumuluha.

"Ikaw, Mama..? Bakit ganyan ka sa akin... Ayaw mo rin ba sa bakla..?" tanong ko kay Mama.

Hindi s'ya sumagot. Napayuko lamang s'ya habang patuloy na lumuluha.

"Alam mo bang wala akong maalala kahit isang beses na tinawag mo akong anak..? Kahit isang beses hindi ko maalala na sinamahan mo ako sa kwarto para ihele ako sa pagtulog ko... O kahit man lang sana tinawag mo ako para punasan ang likod ko kasi puno ng pawis dahil sa paglalaro... Laging si Nanay Elise... S'ya lang ang naaalala kong inalagaan akong mabuti..." sumbat ko sa kanya sa pagitan ng pag-iyak.

Naitakip n'ya lamang ang kanyang dalawang palad sa kanyang mukha.

Nahihiya ba sila? Bakit? Bakit ngayon pa sila mahihiya? Sa tinagal-tagal na pinaranas nila ang masasakit na bagay sa akin, kahit minsan ba hindi nila naisip na nasaktan nila ako?

Nasa ganoon akong tagpo nang marinig ko ang boses ng aking  ama.

"Y... agh... an... dy..." pagtawag nito sa akin.

Nilingon ko s'ya at nakita kong sinusubukan nitong iangat ang kanyang kamay na tila ba inaabot n'ya ako.

Nagbalik ang nag-aapoy kong galit habang pinagmamasdan ang kanyang mga pagkilos.

"Subukan mo lang akong hawakan ulit! Kapag dumampi lang 'yang balat mo sa akin, sisiguraduhin kong kahit nakaratay ka pa d'yan sa hinihigaan mo, hindi ako magdadalawang-isip na gantihan ang lahat ng pananakit na ginawa mo sa akin sa mahabang panahon!" pagbabanta ko sa kanya sa madiin na tono.

Mukhang naintindihan n'ya naman ang aking sinabi kaya muli n'yang inilapag ang kanyang kamay. Ngunit kasabay ng paglapag ng kamay n'yang iyon ay ang malakas na paghikbi n'ya.

Aaminin kong nakaramdam ako ng kirot sa sulok ng aking puso sa tagpong iyon.

Pero naisip ko, noon ba kinaawaan n'ya ako? Hindi naman 'di ba?

Wala nang nagsasalita sa mga oras na ito. Tanging mga paghikbi at pag-iyak na lamang ang maririnig sa buong kwarto. Ito ang kauna-unahang beses na nakita kong umiiyak silang tatlo ng sabay-sabay sa harap ko. Ang nakakalungkot lang, kasabay nila akong umiiyak sa mga oras na ito.

Sapat na siguro ito. Siguro naman ay sapat na ang mga salitang binitawan ko para makapagsimula na ako.

Muli kong pinagmasdan ang tatlong tao na patuloy sa pag-iyak sa mga oras na ito. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na dapat ay matuwa ako. Pero bakit hindi ko matagpuan ang kasiyahang iyon sa puso ko?

Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking palad. Ginawa ko ang lahat para hindi na muli pang magpakawala ng luha ang mga mata ko. Matapos iyon ay dahan-dahan ko silang tinalikuran na tatlo.

Natagpuan ng mga mata ko si Rigo na hindi pala umalis mula sa pagkakatayo kanina sa likuran ko. Tinupad n'ya ang kanyang pangako na hindi n'ya ako iiwan. Naririto s'ya sa harap ko at nakita ko rin ang mga luha n'yang naglalandas sa mga oras na ito.

"Tara na, Rigo. Umalis na tayo. Tapos na ang pakay ko rito." pagyaya ko kay Rigo.

Iyon pa lamang ang nasasabi ko at nakakaisang hakbang pa lang ako nang mabilis na kumilos ang aking kapatid at ang aking ina na lumapit sa akin. Pareho silang nasa tabi ko at mahigpit na hawak ang mga braso ko.

"Randy, please... parang awa mo na... 'Wag mong iwan si Papa nang hindi mo pa nasasabing napatawad mo na s'ya..." pakiusap ni Ate.

"Anak, pakiusap... patawarin mo na kami... patawarin mo na rin ang Papa mo... Sige na naman, pakiusap... 'Yan lang ang hinihiling n'ya bago s'ya tuluyang magpaalam sa atin... Patawarin mo na s'ya sa nagawa n'ya... Maawa ka, anak... pakiusap..." pagmamakaawa naman ni Mama.

Sa halip na makaramdam ako ng awa sa kanila ay mas lalo akong nakaramdam ng galit sa ginagawa nila.

Nagsalubong ang mga kilay ko at salitan silang tiningnan habang nanlilisik ang mga mata ko.

"Awa? Alam n'yo ba ang ibig sabihin ng salitang 'yan?! Hindi n'yo 'yan alam!! Dahil kung alam n'yo ang bagay na 'yan, sana pinakinggan n'yo ako noon!! Sana kahit isang beses pinakinggan n'yo ang pagmamakaawa ko sa inyo noon!!!" muli kong sumbat sa kanila ng pasigaw.

Naririnig ko rin mula sa aking likuran ang mga pag-ungol ni Papa at pagtawag sa aking pangalan na sinasabayan ng mga pag-iyak n'ya.

"Randy, naman... sige na... Kahit 'wag mo na kaming mapatawad... kahit si Papa na lang... Nagmamakaawa kami sa'yo... kahit anong maging kapalit, basta ibigay mo lang ang kapatawaran na hinihingi ni Papa..." muling pakiusap ni Ate.

"Randy.... sige na... Kahit ako na lang ang pahirapan mo... Kahit ano gagawin ko... basta mapatawad mo lang ang ama mo... 'Yon lang ang pakiusap n'ya, Randy... 'Yung mapatawad mo s'ya bago s'ya magpaalam..." pakiusap din muli ni Mama habang hawak ng dalawa n'yang kamay ang aking isang braso.

Dahil sa mga narinig ko mula sa kanila ay nabuhayan ako. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ko. Mula sa galit ay napalitan ito ng pagngisi.

"Talaga? Kahit ano gagawin n'yo?" nakangisi kong tanong sa kanila.

"Kahit ano, Randy... parang awa mo na..." walang pagdadalawang-isip nilang sagot na pareho.

Ilang segundo akong nag-isip para sa ikapapanatag naming lahat dito. At nang tuluyan akong makapagdesisyon ay mas lumapad pa ang pagkakangisi ko. Kasabay ng mga pagngisi kong iyon ay ang panlilisik ng mga mata ko.

"Kung ganon, lumuhod kayo sa harap ko! Magmakaawa kayo tulad ng pagmamakaawa ko noon sa inyo! Kung kinakailangan n'yong lumuha ng dugo, gawin n'yo! Gawin n'yo hanggang sa magbago ang isip ko!" galit na galit kong utos sa kanila.

Natigilan sila sa mga sinabi ko. Tila hindi maiproseso ng kanilang utak na kaya kong magbitaw ng mga ganitong salita.

Hindi na ako tulad ng dati. Hindi na ako madaling maawa o mapakiusapan. Bakit? Sino ba ang dapat sisihin dito? Walang iba kundi sila! Sila ang nagturo sa akin para maging ganito!

"Ayaw n'yo?!" tanong ko sa kanila dahil hindi na sila nakagalaw pa.

Hinablot ko ang aking mga braso mula sa kanilang mahigpit na pagkakahawak.

Kung wala silang balak na gawin ang inuutos ko, 'wag na silang umasa na pagbibigyan ko rin ang kahilingan nila.

Sisimulan ko na sanang ihakbang ang aking mga paa nang muli akong hawakan ng aking magaling ina.

"S-sandali, Randy..." mahina nitong sambit.

Nilingon ko s'ya. Nagsimula na naman s'yang umiyak ng malakas. Ngunit kasabay ng iyak n'yang iyon ay ang marahan n'yang pagbaba upang lumuhod sa aking harapan. At nang tuluyan s'yang makaluhod ay gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi.

Nilingon ko naman ang aking Ate na nanatili sa aking tabi na nakatayo.

"Hindi ka ba susunod sa magaling mong ina? Ha, Ate Sandra?" nakataas na isang kilay kong tanong sa kanya.

Kitang-kita ko ang sakit at lungkot sa kanyang mga mata. Kung noon nangyari ito, baka hindi ko matiis na makita kong ganito kalungkot ang Ate ko. Dahil sa kanilang tatlo, s'ya ang pinakamahal na mahal ko.

Nasaksihan ko ang ang unti-unting pagbaba ni Ate hanggang sa tuluyan na rin itong makaluhod sa harap ko.

"R-randy... parang awa mo na... patawarin mo na si Papa..." pakiusap ni Ate habang nakaluhod at hawak ang mga kamay ko.

"Anak... patawarin mo na s'ya.. 'yon lang ang pakiusap n'ya simula noong mawala ka... Maniwala ka, kaya s'ya nagkaganyan dahil sa labis na pagsisisi sa lahat ng nagawa n'ya sa'yo... Maraming taon din s'yang nagdusa kagaya mo... Pinagsisisihan n'ya ang lahat ng nagawa n'ya sa'yo... Sige na naman, Randy... patawarin mo na s'ya..." mahabang pagmamakaawa naman sa akin ni Mama.

Pinagmasdan ko silang pareho habang nasa harap ko. Nakatingala sila sa akin at halos lumuha na ng dugo dahil 'yon ang kagustuhan ko.

Dapat ay matuwa ako. Ito ang gusto ko 'di ba? 'Yung makita ko silang magmakaawa gaya ng pagmamakaawa ko noon sa kanila?

Pero bakit hindi ko maramdaman ang sayang hinahanap ko habang tinitingnan ko sila ngayon sa harap ko?

Sa halip na makaramdam ako ng tuwa ay natagpuan ko ang aking sarili na sinasabayan na rin ang kanilang mga pagluha. Sumasabay na rin ako sa malakas nilang pag-iyak.

Akala ko ba ako na ang may pinakamatigas na puso? Akala ko ba ako na ang may pinakapangit na ugali?

Pero bakit nalulungkot ako sa nakikita ko sa dalawang tao sa harap ko?

Hindi ko magawang magsalita. Marahan akong kumilos para hawakan ang braso nina Mama at Ate habang patuloy ako sa pagluha. At kasabay ng paghawak kong iyon ay ang paggaya sa kanila upang makatayo sila mula sa pagkakaluhod sa aking harapan.

Mas naging malakas ang iyakan naming tatlo nang matagpuan namin ang aming mga sarili na mahigpit na yakap ang isa't-isa.

Hindi pa pala ako ganoon kasama. Hindi ko pa rin pala kaya na makita silang nahihirapan sa kabila ng masalimuot na pinagdaanan ko mula sa kanila.

Matagal kami sa ganoong posisyon. Naramdaman ko ang pinaghalong pagsisisi at pananabik sa kanilang mga yakap dahil sa pagkakahiwalay namin sa mahabang panahon.

Habang yakap ko sina Mama at Ate ay natagpuan ko si Rigo na nakangiti sa kanyang kinatatayuan habang may mga luhang naglalandas sa kanyang mga mata.

Ngayon ko naramdaman ang hinahanap ko simula nang makapasok ako rito.

Ito lang pala ang kailangan ko para mawala ang bigat sa dibdib ko. Dapat lang pala ay mapatawad ko silang lahat para tuluyan na rin akong makalaya sa nakakatakot na bangungot ng nakaraan ko.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa tagpong iyon. Ngunit naghiwa-hiwalay ang aming mga katawan habang pinupunasan ang luha ng bawat isa.

Naging tahimik ang mga sumunod na nangyari. Iniwan nila ako sa loob ng kwarto upang kausapin naman ang ama ko. Sabay-sabay silang lumabas kasama si Rigo.

Naririto ako at nakaupo sa isang silya na nasa tabi ng kama ni Papa.

Nalaman ko kanina na malubha na talaga ang kalagayan n'ya. Nagsimula ang kanyang komplikasyon sa puso simula nang mawala ako sa aming mansyon. Tanging ang mga aparatong nakakabit sa kanyang katawan ang bumubuhay sa kanya ngayon.

Ang hindi pa magandang nangyari sa kanya ay nang madiskubreng may diabetes s'ya. Iyon din ang naging dahilan kaya hindi na s'ya ngayon makakita. Kaya pala tuwid na lang ang kanyang tingin sa kisame dahil tanging kadiliman na lang ang kanyang nakikita.

Pinagmasdan ko s'yang mabuti. Malaki na talaga ang ipinagbago n'ya. Hindi na s'ya tulad ng dati na nakakatakot ang mga mata.

"P-papa..." nauutal kong pagtawag sa kanya.

Kailan ko ba huling tinawag ang pangalan n'ya? Matagal na panahon na.

"A...ng...ghhh..." pag-ungol n'ya lang bilang sagot.

Naikagat ko ang ibabang labi ko para pigilan muli ang pagluha ko. Pero kahit anong pagpigil ko ay hindi pa rin nakaligtas ang mga luha kong iyon na kumawala sa aking mga mata.

"P-patawarin n'yo po ako kung naging ganito ako... k-kung... kung naging bakla ako..." nauutal kong pagsasalita.

"Hindi ko naman po ito ginusto eh... Sinubukan ko naman pong magbago para lang masunod kayo noon... pero kahit anong gawin ko, eto na po talaga ako..." pagpapatuloy ko at mas nadagdagan pa ang mga luhang naglalandas mula sa mga mata ko.

Hindi pa rin s'ya nakasagot o nakapagbigay ng reaksyon.

Gising na gising s'ya dahil mulat ang kanyang mga mata. Alam kong kahit hindi n'ya ako nakikita ay naririnig n'ya ako. Napapansin kong iginagalaw n'ya ang kanyang daliri sa tuwing magsasalita ako.

Napangiti ako ng mapait habang nakatitig sa kanya.

"Naaalala mo ba noon, Papa..? 'Yung tuwing uuwi ka galing sa misyon mo, ako ang unang hinahanap mo..? Sa labas pa lang ng mansyon, tinatanong mo na ang mga kasambahay natin kung nasaan ang unico hijo mo..?" tanong ko sa kanya.

"Iyon lang ang nag-iisang bagay na naaalala ko simula nang magbago ang pakikitungo mo sa akin... simula nang malaman mong iba ako sa inaasahan mo..." umiiyak kong pagpapaalala.

Mula sa aking pwesto ay nakita ako ang muling pagpatak ng luha ni Papa mula sa kanyang mga mata.

"A-ang... ang tagal kong hinintay na mangyari ulit 'yon, Papa... Pero habang lumalaki ako... sa halip na salubungin kita, pinagtataguan na kita... Kasi takot na takot ako marinig ko pa lang ang boses mo..."

"Bakit kailangang umabot tayo sa ganon, Papa...? Malaking kasalanan po ba ang maging bakla...?"

"Wala naman nagbago sa akin noon eh... K-kahit... kahit bakla ako, hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sa 'yo, sa inyo... Pero bakit kailangan kong sapitin 'yon sa kamay mo...?"

Alam kong mali ang sumbatan ko s'ya sa mga oras na ito. Pero ito ang mga bagay na gusto kong itanong sa kanya simula pa noon. Ito ang mga katanungan na hindi ko kayang itanong sa kanya noon dahil natatakot ako. Kaya wala akong ginawa noon kundi idaan sa pag-iyak ang lahat habang tinatanggap ang bawat latay na ibinibigay n'ya sa akin.

Napayuko na ako at ipinatong ang aking ulo sa aking mga braso na nasa ibabaw ng kanyang kama.

Matagal ako sa ginagawa kong pag-iyak at ganoon din s'ya. Sa bawat pahikbi ko ay ang mahihinang ungol na nagmumula sa kanya dahil sa pag-iyak din n'ya.

Nasa ganoon akong posisyon nang maramdaman kong ipinatong n'ya ang kanyang kamay sa aking ulo. Natigilan ako dahil sa labis na pagkabigla.

Unti-unti kong inangat ang aking ulo upang tingnan s'ya.

"Y...y...an..ghh.. and..y..." nahihirapan n'yang pagbigkas sa aking pangalan dahil sa pag-iyak.

Mas lalo akong napahagulgol. Kailan ba ang huling araw na naramdaman ko ang marahang paghaplos n'ya sa aking ulo?

Ang sarap pala sa pakiramdam. Ito ang matagal kong hiniling na mangyari simula pa noon.

Habang patuloy ako sa paghagulgol ay marahan kong kinuha ang kamay n'yang iyon mula sa aking ulo. At nang tuluyan ko itong makuha ay mahigpit ko itong hinawakan gamit ang dalawa kong kamay. Idinikit ko iyon sa aking mukha at paulit-ulit na hinalikan.

"Papa..." tangi ko lamang nasambit habang patuloy na lumuluha.

Nagbalik sa akin ang pakiramdam ng pananabik sa isang ama. Ito ang nararamdaman ko noon sa tuwing hinahanap-hanap ko s'ya sa tuwing mawawala s'ya para sa isang misyon bilang sundalo.

"Sorry po, Papa... S-sorry po kung nabigo kayo sa akin... Sorry po kung hindi ko natupad ang isang bagay na gusto n'yong mangyari sa akin..."

"Pero sinubukan ko naman bumawi sa ibang bagay 'di ba...? Nabigyan ko naman kayo ng karangalan sa ibang bagay, Papa... Pwede n'yo pa rin po akong maipagmalaki... K-kasi... kasi nagkaroon kayo ng anak na hindi tumulad sa ibang bata noon na napariwara na ngayon..."

"Pero gusto ko rin malaman n'yo, Papa... Wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kung hindi dahil sa inyo... Sa bawat tagumpay na natamasa ko, kahit nabuhay ako sa galit sa inyo, kahit kailan hindi nawaglit sa isip ko na malaki ang parte n'yo rito... Kasi kung wala kayo, walang Randy na taas-noong tatayo sa ibabaw ng entablado..." mahaba kong litanya sa kanya.

Nakita ko kung paano sinusubukan ni Papa ang ngumiti kahit hirap na hirap s'ya. At sa paraan ng ginagawa n'yang iyon ay alam kong nakakaramdam s'ya ng tuwa.

Proud sa akin si Papa. At kahit ganito ang sitwasyon n'ya ngayon ay alam kong ipinagmamalaki n'ya ako sa mga oras na ito.

"Unghh... pa... t... awa.. in.. m.. ko.." hirap na hirap n'yang pagsasalita.

Nang marinig ko iyon sa kanya ay gumuhit ang ngiti sa aking labi kahit patuloy ang paglandas ng aking mga luha.

Inangat ko ang isa kong kamay upang abutin ang kanyang mukha. Marahan kong pinunasan ang luha n'ya gamit ang aking daliri.

"Pinapatawad na kita, Papa... At kahit hindi ka na humingi na tawad sa akin ngayon, hindi ko na hihilingin pa 'yon... Sapat na ang maramdaman kong tanggap mo na ako... Sapat na ang malaman kong hinahanap mo pa ako... Masaya na akong malaman na may tatay pa pala ako na gusto akong makasama sa mga oras na 'to..." dire-diretso kong pagsasalita sa pagitan ng pag-iyak ko.

"Salamat, Papa... salamat..." huli kong mga salita habang suot ang pagkakangiti ko.

.

.

.

.

.

.

"Receive the Lord's blessing. The Lord bless you and watch over you. The Lord make his face shine upon you, and be gracious to you. The Lord look kindly on you and give you peace...

In the Name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit." huling bahagi ng seremonya.

"Amen." sabay-sabay naming sambit.

Lahat kami na miyembro ng pamilya ay nagsilapit sa kahon kung saan naroroon si Papa. Payapa ang kanyang mukha sa likod ng salamin kung saan s'ya nakahiga.

Ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko s'ya.

Akala ko ay ubos na ang mga luha ko sa nakalipas na araw na nakasama ko s'ya. Ngunit nang simulan kong haplusin ang salamin sa kanyang kabaong ay may kumawala pa ring mga luha mula sa aking mga mata.

Dalawang araw simula nang magkita kaming muli ay tuluyan na rin s'yang nagpaalam sa aming lahat. Ako ang huling taong nakasama n'ya bago s'ya tuluyang mawalan ng hininga.

Hawak n'ya noon ang kamay ko at napakahigpit ng pagkakakapit n'ya rito. Wala kaming binibigkas na salita nang mga oras na iyon. Pinagmamasdan ko lamang s'ya habang ang mga mata n'ya ay nakatuon pa rin sa kisame.

Nasa ganoon kaming tagpo nang maramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak n'ya sa aking kamay. Kasunod ng mahigpit n'yang hawak ay nagulat ako nang igalaw n'ya ang kanyang ulo.

Ang hindi ko maipaliwanag nang mga oras na iyon ay nang magtagpo ang aming mga mata. Tila ba malinaw n'yang nakikita ang aking imahe kahit bulag na s'ya. At habang magkatitigan kami ay nasorpresa ako nang gumuhit ang isang malapad na pagkakangiti sa kanyang mga labi.

Ilang segundo lamang iyon. Ngunit kasunod noon ay dahan-dahan n'yang ipinikit ang kanyang mga mata. Nagsimula nang mamuo ang mga luha ko lalo na noong maramdaman kong lumuwag na ang pagkakahawak n'ya sa aking kamay.

Iyon na ang huling pagkakataon na nagkasama kami ni Papa na may buhay pa s'ya.

Hindi ako nakakaramdam ng lungkot sa mga oras na ito. Sa katunayan ay panatag ako dahil hindi ko na makikita pa ang paghihirap n'ya sa ospital.

"Paalam, Papa... hanggang sa muling pagkikita..." nasambit ko habang hinahaplos ang salamin ng kabaong n'ya.

Pinanood namin ang pagbaba ni Papa sa hukay hanggang sa matabunan ito ng lupa.

Tinanong ako ni Rigo kanina kung nalulungkot daw ba ako. Hindi ko iyon masagot dahil hindi ko matukoy kung ano nga ba ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

Kinapa ko ang aking dibdib.

Hindi ako nalukungkot. Pero ang nararamdaman ko sa mga oras na ito ay purong panghihinayang.

Nanghihinayang ako sa matagal naming pagkakalayo. Dahil sa maling pag-intindi sa akin ni Papa, nawalan kami ng tyansa na magkasama pa ng matagal.

Ngunit naisip ko, hindi lang naman s'ya ang may pagkukulang dito. Maging ako ay may kasalanan din dahil nagpakulong ako sa takot. Kung noon pa lang sana ay hinarap ko na sila, sana ay mas matagal pa kaming nagkasama.

Pero sa kabilang banda, masaya pa rin ako dahil hindi pa nahuli sa amin ang lahat. Nabigyan pa kami ng oras para magkasamang muli at magkapatawaran.

"Let's go?" pagyaya sa akin ni Rigo matapos ang mahabang seremonya sa libing ni Papa.

"Sandali na lang." pakiusap ko sa kanya.

Nilingon ko si Nanay Elise na nasa tabi ni Rigo.

"'Nay, mauna na po kayo ni Rigo sa sasakyan. Kakausapin ko lang si Mama." pagkausap ko kay Nanay Elise.

"Sige, anak. 'Wag ka lang magtatagal dahil baka gabihin tayo sa biyahe." paalala nito.

Tumango na lamang ako sa kanya bilang pagsagot.

Sabay na silang umalis ni Rigo para tunguhin ang aming kotse.

Hindi na ako nagtagal pa sa pagkakatayo at mabilis kong inihakbang ang aking mga paa para puntahan ang aking ina. Nanatili itong umiiyak habang nakaupo sa mahabang silya na malapit sa libingan ni Papa.

Umupo ako sa kanyang tabi ngunit hindi n'ya man lang ako nagawang lingunin. Nanatili s'yang nakatitig sa lapida ni Papa.

Ibinaling ko rin ang aking tingin sa lapida ni Papa.

'Rolando de Torres'

'yan ang nakaukit sa lapida.

Ilang minutong katahimikan ang namayani bago ako nagsalita.

"Aalis na po ako." pagpapaalam ko kay Mama.

"Mag-iingat ka." mahina n'ya lamang na sagot.

Huminga ako ng malalim. Pareho pa rin kaming nakatingin sa lapida ni Papa.

"Hanggang sa huling sandali ng buhay ni Papa, hindi n'yo pa rin sinabi sa akin ang katotohanan." malungkot kong pagsasalita.

Nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata na natigilan si Mama at dahan-dahan akong nilingon. Alam kong kahit hindi ko s'ya kaharap ay nagtataka ang kanyang ekspresyon sa mga oras na ito.

Hindi s'ya nagsalita kaya nagpatuloy na lamang ako.

"Hanggang ngayon po ba wala pa rin kayong balak sabihin sa akin ang totoo?" tanong ko sa kanya.

Sa wakas ay nagawa n'yang magsalita.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ni Mama pabalik sa akin.

"Na hindi mo ako tunay na anak. Na si Ate Sandra lang ang tunay mong anak. Nagmula ako sa kabit ni Papa noon. Na wala na ang tunay kong ina dahil namatay rin s'ya sa pagpapanganak sa akin." dire-diretso kong pagsagot sa kanya.

Nasaksihan ko ang pag-angat ng kanyang palad patungo sa kanyang bibig.

Nilingon ko s'ya at nakita kong nanlalaki rin ang kanyang mga mata.

Nagbitaw ako ng mapait na ngiti sa kanya.

"Matagal ko na pong alam 'yon, Mama. Bata pa lang ako noong marinig ko kayong nagtatalo ni Papa. Pinagtatalunan n'yo ako dahil mas naging malapit sa akin si Papa kesa kay Ate Sandra na anak n'yong dalawa. Noong panahon na hindi pa alam ni Papa na ganito ako, na bakla ako." mahaba kong pagbubunyag sa kanya.

Nakita kong bumuhos muli ang masagana n'yang mga luha sa kanyang mga mata.

Nakangiti pa rin ako. Hindi ko iyon tinanggal sa labi ko.

"Kaya nga kahit minsan hindi ka nagpakita ng interes sa akin 'di ba? Kasi hindi mo naman ako tunay na anak." malungkot kong saad.

Sa wakas ay nakapagsalita s'ya.

"I'm sorry, Randy... Nangako kasi ako sa Papa mo na hindi namin 'yon ipapaalam sa 'yo... Kaya kahit si Sandra ay walang alam o maging si Nanay Elise n'yo... Patawarin mo ako, Randy... patawarin mo ako..." umiiyak nitong paliwanag.

Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang ay hindi ako nakaramdam ng galit sa bagay na iyon.

"'Wag po kayong mag-alala, hindi ako galit sa inyo. Hindi ko rin naman kayo masisisi kung sa bawat paghingi ko ng saklolo noon sa inyo ay hindi n'yo ako pinakinggan. Naiintindihan ko kayo. Dahil sa bawat oras na nakikita mo ako, naaalala mo ang pagtataksil sa'yo noon ni Papa. Dahil iniisip mong ako ang kabayaran sa makasalanan kong ina, sa pagtataksil nilang dalawa ni Papa." muli kong pagbubunyag sa kanya.

Nasabi ko ang mga bagay na iyan na walang mahalukay kahit na katiting na galit mula sa aking puso.

"Nakiusap sa akin ang Papa mo na 'wag na iyon ipaalam sa'yo. Gusto n'yang makita mo pa rin na isang pamilya tayo." malungkot n'yang pagsasalita.

Natawa ako ng mapait.

"Pero kahit naman hindi ko pa alam noon, hindi naman tayo naging buo 'di ba? Wala naman kaibahan kung nalaman ko o hindi." sagot ko sa kanya.

Mas lalo s'yang napaiyak sa mga sinabi kong iyon. Ngunit kasabay ng paghagulgol n'ya ay hinawakan n'ya ang aking mga kamay na nakapatong sa aking mga hita.

"Patawarin mo ako sa lahat ng naging kasalanan ko sa'yo, Randy... Patawarin mo ako kung hindi kita natulungan noon... Maniwala ka... may mga pagkakataon na gusto kitang iligtas sa kanya... Pero kahit ako, natatakot sa ama mo... Iniisip kong 'wag na lang s'yang kontrahin sa gusto n'ya dahil baka kami naman ng anak ko ang pagbalingan n'ya..." pagtatapat n'ya sa pagitan ng pag-iyak.

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.

"Kaya nga ginawa ko ang lahat para maipadala si Sandra sa ibang bansa... Dahil kahit s'ya, hindi n'ya na kayang makita ka na sinasaktan ng ama mo... Masyado nang naapektuhan ang kapatid mo kaya nakapagdesisyon akong sa ibang bansa na lang s'ya pag-aralin..."

"Ilang beses na nagmakaawa noon si Sandra na 'wag s'yang ipadala sa ibang bansa dahil ayaw ka n'yang iwan... Pero dahil nga bata pa s'ya, wala s'yang nagawa nang sapilitan namin s'yang ipadala sa ibang bansa... Natatakot kasi ako sa kaligtasan ni Sandra... natatakot ako sa magiging epekto sa kanya habang nakikita ng dalawa n'yang mga mata ang pagmamalupit sa'yo ng ama mo..." sunod-sunod n'yang paliwanag.

Muling naglandas ang aking mga luha dahil sa narinig ko. Muli ko kasing sinariwa ang mga pagkakataon noon na nag-iisa ako. Pero sa kabilang banda, naisip kong tapos na rin ang mga paghihirap kong iyon. Makakalaya na ako.

Hinawakan ko rin ng mahigpit ang kamay ni Mama.

"Paano na 'to, 'Ma..? Ulila na pala talaga ako..?" umiiyak kong tanong sa kanya.

Umiling s'ya ng maraming beses habang umiiyak.

"Hindi... hindi pa, anak... N-nand'yan pa naman ang kapatid mo 'di ba..? Magkadugo pa rin kayo... At kung mapapatawad mo pa ako sa kabila ng mga naging kasalanan ko... pwede naman tayong magsimula 'di ba..? Pangako... babawi ako sa mga naging pagkukulang ko sa'yo noon bilang pangalawa mong ina... babawi ako hanggang sa huli kong hininga..." nahihirapan n'yang pagsasalita. Inangat n'ya rin ang aking mga kamay at paulit-ulit na hinalikan iyon.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko sa mga oras na ito na anak n'ya ako. Ang sarap pala sa pakiramdam. Ang matagal kong inaasam na mangyari ay nangyayari na sa mga oras na ito.

"'Ma... Gusto kong malaman n'yo na kahit nalaman ko noon na hindi kayo ang tunay kong ina, hindi nagbago ang tingin ko sa inyo habang lumalaki ako... Ikaw pa rin ang itinuturing kong ina dahil sa'yo na ako lumaki..." 

"At kahit na hindi mo ako noon sinaklolohan, nagpapasalamat pa rin ako... Dahil kahit pinapanood mo lang ako noong mga oras na 'yon, hindi mo naman ako pinagbuhatan kahit minsan ng kamay... Sapat na sa akin 'yon... malaking bagay na sa akin 'yon..." patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang binibigkas ko ang mga salitang 'yon.

Kahit puno ng luha ang kanyang mga mata ay nakita ko kung paano unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang ngiti n'yang sa kauna-unahang pagkakataon simula nang lumaki ako ay iginawad n'ya sa akin.

"Salamat, anak... salamat..." sambit n'yang umiiyak at mabilis akong niyakap.

Dinama ko ang yakap n'yang iyon. At kahit hindi ko s'ya tunay na ina ay naramdaman ko sa kauna-unahang pagkakataon ang yakap ng isang ina na matagal kong pinangarap mula sa kanya.

Ilang minuto rin kaming ganoon hanggang sa maghiwalay kami. At nang tuluyan kaming maghiwalay ay suot na rin namin ang aming mga ngiti.

"Paano po? Kailangan ko na pong umalis. Lagi po kayong mag-iingat, Mama, kayo ni Ate." maluha-luha kong pagpapaalam sa kanya.

Marahan s'yang tumango.

"Mag-iingat ka rin ha? Kayong dalawa ni Nanay Elise... At kung papayagan mo kami, pwede ba kaming dumalaw paminsan-minsan sa bahay mo para bisitahin kayo..?" nahihiya n'yang pagpapaalam.

Mas lumapad ang pagkakangiti ko.

"Oo naman po. Isama n'yo na rin po minsan ang mga pamangkin ko." pagtukoy ko sa dalawang anak ni Ate.

Nalaman kong sa ibang bansa na rin pala nakapag-asawa ang Ate ko at masayang namumuhay kasama ang kanyang pamilya.

"Sige... Alam kong matutuwa s'ya 'pag nalaman n'ya 'yan..." nakangiti nitong sambit.

Pareho kaming nakangiti habang pinupunasan namin ang luha ng isa't-isa. Sa tagal ng panahon na inasam ko ang bagay na ito ay napakasaya ko dahil sa wakas ay nangyari na ito. Nagkaayos kaming dalawa kahit alam naming pareho na wala kaming direktang ugnayan na dalawa.

Ilang minuto pa akong nagtagal na kausap si Mama bago ako nagdesisyon na tuluyang umalis.

Habang naglalakad ako patungo sa sasakyan namin nina Rigo ay nakasalubong ko naman ang babaeng itinuturing kong pinakamahalagang babae noon sa buhay ko.

"Uuwi ka na?" malungkot nitong tanong.

"Oo, Ate." sagot ko sa kanya.

Matapos iyon ay mabilis s'yang humakbang patungo sa akin. At nang tuluyan s'yang makalapit ay wala na kaming binigkas pang kahit na anong salita. Pareho na lamang namin niyakap ng mahigpit ang isa't-isa.

"Na-miss kita, bunso... kung alam mo lang kung paano ako araw-araw na nagdadasal na makita kitang muli..." umiiyak na nitong pagsasalita.

Muli ay hindi ko napigilan ang lumuha.

"Ako rin, Ate... Na-miss ko ang lahat sa'yo... Na-miss ko ang pag-aalaga mo..." pagtatapat ko sa kanya habang umiiyak.

Mas naging mahigpit pa ang pagkakayakap namin sa isa't-isa. Dinama namin sa mahigpit naming mga yakap ang pananabik sa isa't-isa, ang pangungulila sa isa't-isa dahil sa mahabang panahon na pagkakahiwalay naming dalawa.

"Grabe, mas matangkad na ngayon sa akin ang angel ko... At lumaki ka pang ang gwapo-gwapo..." sambit n'ya at nagbitaw ng mahinang pagtawa kahit umiiyak pa rin s'ya.

Natawa rin ako sa kanyang sinabi.

"Maganda ako, Ate.. Mas maganda na nga yata ako sa'yo eh..." natatawa kong pagkontra sa kanya.

Mas lalo s'yang natawa sa sinabi kong iyon.

"Kung sabagay... sa sobrang ganda mo, mas gwapo pa ang jowa mo kesa sa asawa ko..." pagbibiro n'yang muli.

Hindi na ako nakasagot sa sinabi n'yang iyon dahil mas lumakas na ang tawa ko.

Nagbitaw kami sa pagkakayakap habang patuloy sa pagtawa.

"Hindi naman ito ang huli nating pagkikita, 'di ba..?" tanong n'ya sa akin.

Nakatingala s'ya sa akin dahil mas matangkad na nga ako sa kanya ngayon.

"Oo naman. Dadalawin n'yo ako sa Manila 'di ba? Kasama ng mga bagong anghel ng buhay mo..." sagot ko sa kanya.

Muli s'yang natawa.

"Kahit may mga bago na akong anghel, Randy, hindi maitatangging ikaw pa rin ang kauna-unahang anghel sa buhay ko... Ikaw pa rin ang pinakamamahal kong bunso... ikaw pa rin ang nag-iisang kapatid ko..." wika n'ya at pinisil ang ilong ko.

Dahil sa narinig ko mula sa kanya ay sumilay ang ngiti sa aking mga labi.

Muli ko s'yang niyakap ng mahigpit na tinugunan n'ya rin ng pareho sa akin.

"Mag-iingat ka lagi, Randy, ha? At kung may problema ka, sana... sana, tulad ng dati, sa akin ka unang magsusumbong ha? Dahil kahit malayo ako sa'yo, ako ang unang taong sasampal sa mang-aapi sa bunso ko..." mahaba n'yang paalala.

Nanariwa sa akin ang mga kaganapan noong mga bata pa kami. S'ya ang mas matapang sa aming dalawa dahil talagang nakikipagsuntukan pa s'ya sa lalaki sa tuwing may umaapi sa akin na bata. Natigil lamang iyon nang ipadala na s'ya sa ibang bansa.

"Ikaw din, Ate... Alagaan mo rin si Mama dahil wala na s'yang makakasama..." bilin ko rin sa kanya.

Naramdaman ko ang marahan n'yang pagtango bilang pagsagot.

Tulad ni Mama ay ilang minuto rin kaming magkayakap ni Ate. At matapos ang ilang mga bilin ay tuluyan na rin kaming nagpaalam sa isa't-isa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa sasakyan namin nina Nanay Elise at Rigo.

Naabutan ko si Rigo na nakatayo habang nakasandal sa labas ng kotse. Nasa dalawang bulsa n'ya ang kanyang mga kamay habang matiyagang naghihintay.

Nang makita n'ya akong papalapit ay mabilis s'yang kumilos. Naglakad s'ya papalapit sa akin at hinawakan ako sa isang kamay.

"Are you okay?" tanong n'yang nag-aalala.

Napangiti ako.

"Oo naman." sagot ko.

Siguro ay may natira pa akong luha kaya pinunasan n'ya iyon gamit ang kanyang daliri.

"Good." nakangiti na n'ya ngayong sambit.

Hinalikan n'ya muna ako sa noo bago muling nagsalita.

"Let's go." pagyaya n'ya at inakbayan naman ako.

Habang naglalakad kami patungo sa kotse ay nilingon ko s'ya sa aking tabi. Inilagay ko rin ang aking isang kamay sa kanyang bewang.

Nilingon n'ya rin ako at suot n'ya ang kanyang pinakamagandang ngiti. At habang nakatitig ako sa kanyang mukha ay halo-halong bagay na ang tumatakbo ngayon sa aking isipan.

Tapos na ang pagharap ko sa nakaraan ko. Tapos na ang isang bangungot na tinatakasan ko.

Pero ito na rin ang simula ng panibagong pakikipaglaban ko.

Magsisimula na ang lahat para ayusin naman ang mga dapat ayusin sa pagitan namin ni Rigo.

Wala pa kaming mga plano. Pero ang ipinagdadasal ko na lamang sa mga oras na ito ay sana...

...sana makayanan namin itong pareho ni Rigo.

----------

A/N

Sino ang umiiyak d'yan simula sa umpisa nitong chapter hanggang sa matapos? 'Wag kang mag-alala, kwits lang tayo. Umiiyak ako simula sa umpisa hanggang sa matapos kong i-type ito.

Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa nitong kwento. At mas lalo akong nagpapasalamat sa patuloy na naniniwala sa magandang resulta nitong kwento. Pakiramdam ko kasi, naniniwala kayo sa kakayahang meron ako. 

Emeged. Nakikisabay pa ako sa drama.

Hanggang sa susunod na update po, mga mahal ko!

Salamat po sa mga magbibigay ng votes at comments!

Enjoy your vacation, mga mahal ko! Hanggang sa muli!

---- cold_deee

Add n'yo rin po si Randy on his Facebook account:

Randy Liam de Torres

Abangan ang pagmamaldita n'ya doon. 😂😂

Continue Reading

You'll Also Like

175K 7.7K 33
When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was cha...
204K 7.4K 37
Si Chase Montevista ang pinaka popular guy sa campus, lahat ng tao ay humahanga sa binata dahil sa maliban sa magaling sa lahat ng sport ay sobrang t...
559K 24.8K 29
BROMANCE BOYXBOY YAOI Pagkatapos ng mga samu't-saring pinagdaanan nila Eiji at Buknoy noong high school, sila'y nagbabalik para sa isa na namang adve...
323K 8.5K 58
Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketba...