I Know Places (COMPLETED)

By Ellisire

1.3K 93 19

You stand with your hand on my waist line It's a scene and we're out here in plain sight I can hear them... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
Alex's Letter

24

32 1 0
By Ellisire

Shin's POV

Nag-drive na ako papunta sa WOTG at agad namang nag-park. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Kris doon kaya lumapit na kaagad ako sa kanya.

"Thought you'll never come." Malamig niyang sabi.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah. My school is just around the corner. I already ordered." Sabi niya at tumango na lang ako.

I opened my phone at don ko lang nakita na ang dami niyang missed calls at texts sakin.

"Kris," Pagtawag ko sa kanya at tinignan naman niya ako without any interest.

"Galit ka?" Tanong ko at umiling lang siya.

"We?" Tanong ko at ngumiti siya sa 'kin.

"Hi, Shin!" Pagbati sakin nung isang lalaki sa gilid ko.

"Uhh hello." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Naks. Iba ata kasama mo ngayon ah? San sila Alex?"

"Wala na. Nagkasawaan na kami eh." Natatawang sagot ko sa kanya. 

"You look good together." Pagpuri niya sa amin at ngumiti na lang ako sa kanya at muling ibinaling kay Kris ang attention ko at nakita ko naman siyang nakatingin sakin habang nakangiti. 

"Bakit?" Taka kong tanong sa kanya. 

"Wala." Sabi niya at sumimangot ulit. 

"Bati na kasi tayo. Wag ka na mang-away." Natatawa kong sabi sa kanya. 

"Ayoko." Parang bata niyang sabi at humalukiplip pa.

"Kapag hindi ka nakipag bati sakin ngayon lalong hahaba yang baba mo." Pananakot ko sa kanya pero mukhang hindi naman umubra. 

Malamang Shin, kanino ba naman uubra 'yong pananakot na 'yon?

"Wala akong pake." Sabi niya. 

"Kris, sorry na, please? I promise I'll make it up to you. Promise talaga, hindi na rin mauulit." Sabi ko with full sincerity at tumingin naman siya sa akin.

"Sige na nga. Bati na tayo." Sabi niya at ngumiti nang nalawak kaya naman napangiti na rin ako.

"Teka, bakit ka ba nagalit?" Tanong ko sa kanya upon realizing that I did nothing wrong. 

"Anong bakit? Hindi mo alam?" Hindi niya makapaniwalang tanong. 

"Hindi. Kaya ko nga tinatanong diba?" 

"Nag-sorry ka ng hindi mo alam kung para saan?" Tanong niya at tumango naman ako sa kanya. 

"Mababa lang kasi pride ko." Sabi ko sabay kindat sa kanya. 

"Talaga lang ah?" 

"Oo, pagdating sa 'yo! Pero why were you mad at me nga? What did I do wrong?" Tanong ko ulit sa kanya since he did not answer me the first time.

"Buong araw ka kayang hindi sumagot sa text at tawag ko, na-miss kita nang sobra tuloy." Nakanguso niyang sabi at napangiti ako. This precious boy.

"Costumer Kris!" Tawag nung babaeng nasa counter at agad naman na tumayo si Kris. 

"Wait here." Sabi niya at naglakad papunta sa counter habang sinundan ko naman siya ng tingin. In fairness ang ganda ng uniform nila.

Medyo natagalan pa siya sa pagkuha nung pagkain dahil nakipagtitigan pa sa kanya 'yong babae at ngumiti ng pang malandi sa kanila.

"Sir, 'yon lang po ba gusto niyo?" Narinig kong sabi niya. Malapit lang kasi yung table namin sa counter at malakas naman ang pandinig ko kaya hindi malabong hindi ko marinig. 

"Oo miss. Wala na siyang ibang gusto. Kaya bitawan mo na yung tray at gutom na ako." Sabat ko at napatingin naman siya sakin at napapahiyang tumungo. 

"Sorry ma'am, Shin." Sabi niya at pumasok don sa kitchen nila. 

"Pano ka nakilala nun?" Tanong sakin ni Kris pagkaupo niya. 

"Madalas kami nila kuya dito." Sagot ko at sinimulan ng kainin yung pagkain na binili niya. 

"Selos ka?" Tanong niya at napatingin ako sa kanya. 

"Kanino?" 

"Dun sa babae." 

"Nope. Gutom lang talaga ako." Sabi ko sa kanya at bumalik sa pagkain. 

"We? Selos ka eh." Pangungulit niya pero hindi ako sumagot.

"Shin."

"Oh?"

"Galit ka?"

"Hindi."

"Galit ka eh."

"Hindi nga."

"Tapos hindi ka namamansin."

"Kumakain ako."

"Pansinin mo ko."

"Kumakain nga ako."

"Pansinin mo muna kasi ako."

"Mas importante pagkain kesa sa 'yo."

"Ah ganon?"

"Oo, ganon."

"Sige ako na lang kainin mo." Sabi niya bigla at nabulunan naman ako at agad uminom ng coke.

"Okay ka lang?" Natatawa niyang tanong sakin at binato ko siya ng tissue.

"You're such a pervert." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Hala galit na." Sabi niya pero hindi ako umimik.

"Shin? Iris? Bautista? Tuazon?"

"Sorry na."

"Ganern?"

"Pakyu?"

"Shin?"

"Baby?"

"Teka nga. Ako yung galit ah? Bakit ako 'yong nanunuyo?" Tanong niya sakin at napatingin naman ako sa kanya.

"Aba ikaw lang may karapatan magalit? Bawal ako?"

"Edi galit ka nga?" Tanong na naman niya. We're going in circles pero okay lang kasi neg-eenjoy naman ako kahit walang context ang pinag-uusapan namin ni Kris.

"Hindi nga, gutom lang."

"I love you."

"I love y-- tibay!" Sabi ko sa kanya sabay palakpak at natawa siya nang malakas.

"Kala ko makakakuha na ako ng i love you too eh." Natatawa niyang sabi at huminga nang malalim pero ngumisi rin naman after.

"Drama mo." Sabi ko naman sa kanya at natawa siya.

"Nagpapa-cute lang sayo." Sagot niya sabay kindat sa akin.

"Di ako nacute-an. Nabanas ako." Sagot ko at ngumuso siya.

"Sus. Gusto mo rin eh."

"Ha?"

"Gusto mo din." Pag-uulit niya.

"Inolet!" Pangbabara ko sa kanya at lalo pa siyang ngumuso.

"Kumain ka na nga dyan. Ikaw pagbayarin ko eh." Sabi niya at umirap ako.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sa 'kin bigla at napakunot naman ang noo ko. Eto bang food tinutukoy niya?

"Yung alin?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"You didn't receive it?" Tanong niya sa 'kin ng nagtataka.

"Ang alin ba kasi?" Tanong ko sa kanya at napatigil na ako sa pagkain dahil sa curiosity sa kung ano ba ang sinasabi niyang nagustuhan ko.

"Nevermind." Malamig niyang sagot at kumunot na naman ang noo ko.

"Wala naman akong ibang natanggap kundi yung panda na may boquet na rose na maliliit saka yung text niya. Bukod don wala na." Wala sa sarili kong sabi at napatawa siya.

"So did you liked it? The panda?" Tanong niya sakin at napangiti ako.

"Galing sa 'yo 'yon?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Yes baby girl." Proud niyang sagot at kumindat pa sa akin. Talaga naman!

"Hala, thank you, Kris!" Sabi ko at nakipag-apir sa kanya.

"Apir lang? Walang kiss?" Tanong nito sakin.

"Kiss diyan sa lamesa gusto mo?" Tanong ko sa kanya at natatawa siyang umiling.

Masaya pa kaming nagkwentuhan at halos paliparin ko na ang sasakyan ko papunta sa subdivision namin upang makauwi. Hindi ko kasi namalayan ang oras at nakita kong alasais na. Lagi kasi kaming may training tuwing 6:30 pm hanggang 12 am. At hindi magugustuhan ni Soul kung late na naman ako. Paniguradong bagong parusa na naman 'to.

Agad kong pinark sa labas ng gym ng subdivision namin ang  kotse ko at nakita kong nakasilip sila kuya sa bintana at wala pa ang kotse ni Soul.

Bago ako pumasok ay sumenyas ako kila kuya na ipaghanda nila ako ng damit, ipit, at sapatos at nagtakbuhan naman sila.

Pagkapasok ko pa lang sa gym ay isinuot na kaagad sakin ni kuya Jin yung isang t-shirt ko at inabot naman sakin ni kuya Trace yung short ko at sinuot ko ito sa ilalim ng palda ko at pinatong ito so cycling shorts na suot ko at hinubad yung palda ko. Pagkatapos ay tinanggal  ko yung blouse ko na nasa ilalim ng t-shirt na sinuot sakin ni kuya Jin. Habang si kuya Miere ang nagsusuot ng ruber shoes ko sa kaliwa at kanan naman si kuya Jonas. Si Blake naman ang nagtali ng buhok ko at nakatikim ako ng tag-iisang pektus sa kanila ng matapos nila akong tulungan.

"San ka ba galing, ha, babae?" Tanong nila pero hindi na ako nakasagot dahil pumasok na si Soul sa loob.

"Pawis na pawis kayo, nag warm up na ba kayo?" Tanong nito samin.

"Naghabulan lang." Sambit ni kuya Jin at napangisi ako.

Tinignan muna ako ng mabuti ni Soul.

"May I.D ka pa, Shin." Nakangiting sabi niya bago tumalikod at inayos ang gamit niya.

-

Natapos ang madugong training namin at iniwan kami ni Soul na nakahandusay sa lapag.

"Demonyo talaga yung lalaking yun." Sabi ni kuya Jonas at napatawa ako.

"Lakas magpatakbo ng two hundred laps palibhasa alaga ni Sir Matt." Natatawang sabi ni kuya Jin.

"Sino may alaga kay Hiro, kuya?" Tanong ko.

"Andyan sa bahay. Iniwan ko kay nanay Corazon." Sabi niya at umupo naman ako at naglakad na.

"Una na ko, dami ko pang gagawin." Sabi ko at umuwi na sa condo ko.

Pabagsak akong humiga sa kama at plano ko na sanang matulog ng maramdaman ko na ang lagkit ko na. Halos maiyak na ako dahil sobrang pagod ko na at hindi ko na kayang kumilos pero kailangan dahil hindi rin naman ako makakatulog kung malagkit ako.

"Konting tiis lang, Shin. Makakayakap mo na yung babe mo." Pagkumbinsi ko sa sarili nang matauhan ako dahil muntik na akong makatulog habang nakatayo rito sa banyo ko.

Mabilis akong naglinis ng katawan at nagbihis ng pantulog na malaki sa akin at saka itinodo ang aircon at dumapa sa kama ko.

*ding dong

"ANO NA NAMAN BA?! HINDI BA AKO PWEDENG MAGPAHINGA?! NUNG NAKARAANG BUHAY KO BA PURO PAHINGA GINAWA KO?! HA?!" Sigaw ko habang naglalakad papunta sa pinto at huminga nang malalim bago buksan ang pito.

"Hey." Nakangiti kong sabi kay Kris habang pilit na itinatago yung inis ko.

"You were sleeping?" Inosente niyang tanong at tumango naman ako sa kanya.

"Was about to." Sabi ko at hindi ko na napigilan na maghikab at napatawa siya.

"Here. Babalik ko lang phone mo. Nakalimutan mo sa table natin kanina." Natatawa niyang sabi at napatingin ako sa phone ko na agad ko naman kinuha sa kanya at ipinatong sa malapit na cabinet.

"Thanks." Mahina kong sabi dahil nilalamon na ako ng antok.

"Can I hug you?" Tanong niya at tumango naman ako. I would kill for a sleep right now.

Bago niya ako niyakap ay tinulak niya ako papasok sa condo ko at mabilis na isinara ang pinto and the next thing I know is that my back is against the wall.

"I can't hug you outside. Someone might see us." Sabi at niyakap ako nang mahigpit at hinalikan ang ulo ko.

Nakangiti akong tumango sa kanya at mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Sobrang sarap sa pakiramdam ng yakap niya dahil sa sobrang higpit pakiramdam ko nabubuo ulit yung dating ako na gumuho.

"Do you want to stay all night like this?" Natatawa niyang tanong dahil hindi pa rin ako bumibitaw sa yakap.

"Pwede ba?" Tanong ko at tumingin sa kanya. He was hesitant at first tapos bigla na siyang ngumiti sa akin.

"Not happening, Shin. I'll see you tomorrow." Nakangiti nitong sabi at hinalikan ulit ako sa noo bago ako bigyan ng isang mahigpit pero saglit na yakap at naglakad na palabas ng condo ko.

Nakapikit akong naglakad papunta sa kwarto ko at kinuha sa study table ko yung teddy bear na bigay ni Kris.

"From now on, you're name is Kris. Tulog na tayo ah? Antok na me." Sabi ko at humiga sa kama at nagtalubkong ng kumot bago tuluyang makatulog ng mahimbing.

Continue Reading

You'll Also Like

172K 3.3K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
313K 21.7K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...