Under His Spell

By thatpaintedmind

11.1M 360K 114K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 1 Tyler Craig Smith's story "Don't trust what you see. Even... More

Warning!
Teaser
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
PLEASE READ
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
...
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
...
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L.1
Kabanata L.2
Wakas
Mensahe ng Manunulat
Special Chapter
1 Million Special
2/22/22

Kabanata XXXIV

145K 4.4K 1.1K
By thatpaintedmind

Napatulala si Dark. Tila ba hindi pumroseso sa kanya ang sinabi ko.

"D-Did you just... c-call me..."

"Kuya..." Pagpapatuloy ko sa kanya, at the same time pangkukumpirma.

And as if on cue, nanubig ang mga mata niya. Tumingin siya sa akin na tila hindi makapaniwala, ngunit nangingibabaw doon ang kasiyahan.

"M-My Light," he whispered before pulling me into a tight hug. Binaon niya ang mukha sa aking leeg at naramdaman ko kaagad ang masaganang pagdaloy ng luha niya roon.

Nanubig na rin ang mga mata ko. Naalala ko noong kinwento sa akin ni Dark kung paano nawala ang kapatid niya — na ako pala — I remembered him blaming himself about the incident. Naalala ko na nakalimutan niya ng sumaya simula ng mawala ako, simula ng sisihin niya ang sarili niya, kung paano siya nawasak ng dahil sa pagkawala ko.

But now, nandito na ako. Pipilitin kong hilumin ang sugat sa kanyang pagkatao na hanggang ngayon ay bukas pa rin. He deserves to be happy after all he had been through. That's why I will stay with him... no matter what happens. I'll stay with my brother.

Kumawala sa akin si Dark ngunit hindi pa rin siya lumalayo. Nakakapit pa rin siya sa bewang ko na para bang tatakbo ako sa kahit anong oras.

"W-Wala ng bawian, ha? Dito ka na sa tabi ko palagi, hindi ka na aalis." Nagsusumao niyang pakiusap.

Tila lumambot na naman ang puso ko sa sinabi niya, idagdag pa ang mata niyang nagmamakaawa sa akin. Iniangat ko ang dalawang kamay ko at pinunasan ang magkabila niyang pisngi na may bakas ng luha.

"Oo na po, kuya." Natatawa kong sabi.

Bigla naman siyang napasimangot. "Don't call me kuya, hindi mo naman ako kinu-kuya noon pa man."

"Oh?" Hindi makapaniwala kong tanong, at the same time, amazed.

"Yeah, I always tell you to call me kuya but you always refuse to. Sabi mo kasi wala kang kuyang panget."

Natawa ako sa sinabi niya. Paano ba naman, iyong ekspresyon niya pa ay halatang nagtatampo, lalo na sa huling sinabi niya, napanguso pa nga siya.

"Mukhang bata pa lang ako ay honest na talaga ako ah." Nakangisi kong sabi.

Nanlaki naman bigla ang mata niya sa sinabi ko na kinatawa ka na naman. Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.

"Ah ganon?" Binitawan niya na ako at tumalikod sa akin, pero hindi naman naglakad. Halatang nagpapalambing lang. Natawa ako lalo, pabebe amp.

Imbis na lambingin siya ay mas naisip kong asarin siya. Kaya nagtungo na ako sa may hagdan nang hindi niya napapansin.

"Tara na Dark, nagugutom na ako!"

Lumingon siya sa akin at tila pinagsakluban siya ng langit at lupa nang makita niyang pababa na ako at hindi man lang nag-abalang lambingin siya. Pinilit kong huwag matawa. Lalo na nang wala siyang nagawa kundi ang lumapit sa akin habang akala mo ay natalo sa sugal ang itsura niya.

"Tss. Hindi man lang nanlambing." Bulong niya nang daanan niya ako, pero halata namang nagpaparinig.

Hindi ko na talaga mapigilan ang matawa. Nauna na siyang bumaba sa akin kaya hinabol ko siya at walang pasabing niyakap siya mula sa kanyang tagiliran pero patuloy pa rin kaming bumababa ng hagdan.

"I missed you, Dark." Nanlalambing kong wika. Ito lang naman ang gusto niya, hindi ko nga inaakalang may ganito siyang side. But I like this side of him.

Umismid siya bigla. "Paano mo ako na-miss kung 'di mo naman ako maalala?"

Napanguso ako. Eh bata pa kasi kami no'n eh.

"Meron pa naman tayong maraming taon para gumawa ulit ng panibagong mga alaala."

Nagliwanag ang mukha niya at napangiti sa sinabi ko. "Right, we have all the time in the world, now that you're here again."

Hinalikan niya ang gilid ng noo ko, napapikit ako sandali nang dahil doon habang nakangiti.

"And you don't need to go to Tyler's house anyway, you have all you need here, no need to get your things, if that means seeing that bastard again."

Napalis ang ngiti ko. Naalala ko na naman si Tyler.

Tumigil si Dark at tumingin sa akin nang mapansin ang naging reaksyon ko. Narating na namin ang sala nang banggitin niya ang pangalang iyon.

Tyler. H-Hindi ko na ba talaga siya babalikan? P-Pero kasi...

"You're not thinking of getting back together with him, right?" Madilim na tanong ni Dark, gone his adorable side. All I could see now is his seriousness and dangerousness.

"D-Dark kasi... b-baka naghihintay na siya sa akin. B-Baka nag-aalala na siya--"

"That's bullshit!"

Halos mapatalon ako nang umalingawngaw sa buong mansyon ang sigaw niya.

"Tyler? Waiting for you? Worrying about you? Ha! I bet he's not even thinking of you at this moment. How could he wait and worry about you if he didn't even choose you? How could he wait and worry about you if he's with his family now? If he's already with Jamaica and their child?"

Tila latigo ang bawat salita niya na humahampas sa puso ko. Masakit ang katotohanan, pero mas masakit kapag pinamukha pa sayo.

"Tell me Zafina, how could he?"

"B-Because... H-He could."

He was taken aback because of my answer.

"He could wait and worry about me even though he didn't choose me. He could wait and worry about me even though he's with his f-family now. Because even though he didn't stay, I know... he loves me. I felt his love even at the moment he walked away from me. I-I saw it in his eyes, Dark. I saw it, and I'm sure of it."

"But is love enough, Zafina? Is love enough to forgive? To be stupid? How about the trust you gave him that he chose to break? How about the broken promises? How about the pain? How about you?"

Nakagat ko ang aking ibabang labi sa sinabi niya, pilit pinipigilan ang aking mga luha sa pagbagsak.

"A-Akala ko ba wala ng bawian,Zafina? Akala ko ba dito ka na sa tabi ko palagi? Akala ko ba hindi ka na aalis? Pero ano 'to? Ano 'tong mga sinasabi mo sa akin ngayon?"

Nataranta ako bigla nang nanubig ang mga mata ni Dark. I immediately hugged him. I felt so guilty in a sudden.

"I-I won't leave..." I assured him.

"How would I know if you're telling the truth? Kanina nga lang ay sinabi mo na 'yan sa akin, na hindi ka na aalis, pero nagbago lang din ang isip mo. How can I be assured knowing that you might just change your mind again?"

Humiwalay ako sa kanya at napakagat sa aking labi.

"I'm telling the truth..." Sabi ko kahit na alinlangan pa rin ako.

Naiinis na ako sa sarili ko. Bakit hindi ko kayang panindigan kapag ang usapan ay kailangan kong bitawan si Tyler? At ang resulta ay si Dark ang nasasaktan, ang taong wala namang ibang hinangad kundi ang makabubuti sa akin. Damn.

"Prove it," nangunot ang noo ko.

"How?"

"Come with me to U.S..." Nanlaki ang mga mata ko sa pinahayag niya. What?! U.S?!

"A-Ano? Bakit kailangan pa nating pumunta ng US para patunayang nagsasabi ako ng totoo?"

"Para tuluyan ka nang mapalayo kay Tyler, at para tuluyan na akong makampante na hindi ka na babalik sa kanya. We have to go to US, you'll continue your studies there. Pursue your dream, that's what you want from the very beginning, why don't you aim for it again? You sure have big opportunities in US."

Napatulala ako. Parang naging blanko ang utak ko. Narinig ko ng malinaw ang mga sinabi ni Dark, at tila pinatigil no'n ang buong sistema ko.

"Sir Dark," nakuha ng isang kasambahay ang atensyon namin ni Dark nang bigla itong sumulpot. "Dumating na po sina Señora Karla at Señor Dante."

Bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig sa mga pangalan na binanggit nito. Kasabay no'n ang pagdating ng dalawang taong alam kong tuluyang pupuno sa pagkatao ko.
"My son!"

Lumapit ang isang ginang kay Dark at hinagkan ito. Nakatitig lang ako sa kanila habang ramdam ko ang malakas na kabog ng puso ko.

"I missed you, darling." Sabi pa ng ginang.

Napatingin naman ako bigla sa gilid ko nang may tumabi sa akin. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Mr. Dante.

"Hey wife, how could you ignore such a lovely woman like her?" Nakangiting sabi ni Mr. Dante habang nakatingin sa akin.

Bigla namang napalingon sa akin si Mrs. Karla at kaagad nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Hindi niya ako napansin kanina.

"Oh my! Zafina dear, is that you?" Tanong niya at lumapit sa akin.

Dahil doon, napagtanto kong hindi pa nila alam ang tungkol sa katauhan ko.

Ngumiti ako pero hindi ko napigilan ang panunubig ng aking mga mata.

Yes ma, it's me. "A-Ah, opo, ako nga po Mrs. Karla."

"Didn't I tell you na Tita na lang? Masyado ka namang pormal." Nakatawa nitong sabi.

Ngumiti lang ulit ako habang hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Gusto ko na siyang yakapin. I want to feel her embrace, a mother's embrace na kahit kailan ay hindi ko naranasan.

"Mom," lumapit sa akin si Dark, ngunit sa magulang niya siya nakatingin. "And also dad, I want to tell something to you guys."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Mr. Dante nang makita rin ang kaseryosohan sa mukha ni Dark.

"What is it?" Tanong ng ama nito.

Nangining ang labi ko. I can sense it, sasabihin niya na ang patungkol sa akin.

"You remember the lead I received about where our Light could possibly be?"

"W-What about it?" Agad na tanong ng ginang, halata ang kaba ngunit pagkasabik sa tinig nito.

"I already found her... "

"Then where is she?!" Nanginig ang boses ni Mrs. Karla. Kitang-kita sa mga mata niya ang pinagsamang pangungulila at pananabik. Nagbadya na rin ang mga luha niya roon at para iyong nakakahawang sakit dahil ganoon din ang nangyari sa akin.

Tahimik lamang si Mr. Dante. Pero bumilis ang hininga nito tanda ng kanyang antipasyon sa susunod na sasabihin ni Dark.

"Beside you..." Mahinang sabi ni Dark ngunit sapat na para marinig ng lahat dahil sa napakatahimik na paligid.

Natigilan ang mag-asawa. Dahan-dahan silang napalingon sa akin at tila napugto ang hininga nila nang makita ako kahit na alam naman nilang ako ang narito. Hindi sila makapaniwala. Katulad nang naging reaksyon ko nang malaman ang totoo.

"O-Oh God," tila nanghihinang sabi ng ginang.

Unti-unting lumapit sa akin si Mrs. Karla. Nanginginig pa ang mga kamay niya nang iangat niya iyon para haplusin ang aking magkabilang pisngi. Iyon na ang senyales para bumagsak ang aking pinipigilang mga luha.

"M-Mama,"

Sa isang iglap ay pumulupot ang kanyang mga braso sa akin kasabay ng pagkawala niya ng isang hikbi.

"M-My daughter," bulong niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.

I did the same. I'm crying again, but this time, it is because of pure happiness and longing.

"O-Our Light," wika ng isang baritono ngunit nanginginig na boses, si Mr. Dante, or should I say papa? Of course, I should.

Niyakap niya rin ako ng mahigpit habang nakayakap pa rin sa akin si mama. Hindi ko napigilan ang mapangiti habang patuloy na lumuluha. Maging sila ay ganoon din.

"Thank God! You're finally here with us now!"

Kumalas na sila sa akin, ngunit hindi sila lumayo. Nanatili sila sa tabi ko habang naroon ang kakaibang kislap ng kasiyahan sa mga mata nila habang nakatingin sa akin.

"W-Where have you been, our Light? We've been looking all over for you." Masuyong wika ni papa habang hinahaplos ang aking buhok.

"I-I'm so sorry papa," iyon lang ang tanging nasagot ko.

"Shh, you shouldn't be. Wala kang kasalanan, walang may kasalanan, walang may ginusto ng nangyari. Basta ang importante, nandito ka na." Madamdaming wika ni mama sa akin. Humarap siya kay Dark na mataman lang na nanunuod sa amin ngunit may munting ngiti sa labi.

"Thank you for bringing your sister back."

Tumango lang ito ng isang beses. Muling humarap sa akin si mama.

"Ang laki-laki mo na, anak. Masakit para sa aming hindi nasubaybayan ang paglaki mo. Pero babawi kami,pangako. Wala ka pa namang asawa, diba? Because it would be surely devastating for us kung wala kami sa kasal mo. But you do have a boyfriend, right? Tyler? Tyler Smith? Isn't he your boyfriend?"

Napaiwas ako ng tingin. Ayokong malaman pa nina mama ang tungkol doon. Mag-aalala lamang sila para sa akin at maging para sa nararamdaman ko.

B-Baka sabihan din nila akong magtungo ng US.

"Mom, I think Light needs to rest now." Pagsingit ni Dark. Mukhang nabasa niya ang naging reaksyon ko.

"What? But she just got here, we need to catch up." Dahilan naman ni mama.

"She just found out the truth today, I bet her mind is already dead tired, let's just give her some rest. And there's a lot of time to catch up, mom. It's not like she's going anywhere." Wika nito, ngunit titig na titig siya sa akin sa huli niyang sinabi, tila may iba pang pinapahiwatig. Napakagat tuloy ako sa aking ibabang labi.

"Right," pagsuko ni mama. Tipid ko siyang nginitian nang humarap siya sa akin. "We'll talk tomorrow, okay? We got a lot of talkings to do."

Tumango ako sa kanya. Hinalikan niya naman na ako sa noo, ganoon din si papa. "I love you our Light,"

"I love you too, papa, mama."

We hugged each other for the last time before Dark escorted me to my room.

"Take a shower, your closet has a lot of clothes of your size. But don't sleep yet, alright? I'll be back to send you a food."

Tumango ako sa kanya at sumaludo pa. "Sir, yes, sir!"

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko bago umalis. Nang hindi ko na siya makita ay nagpakawala ako ng buntong hininga.

It's hard to pretend I'm okay. Yes, I'll pretend that I'm okay in front of Dark. Dahil kapag nakita niya pa akong miserable, maaaring sapilitan niya na akong ipadala sa US. Ayoko no'n.

Living in US means no Tyler, and that means misery, my misery.

Bumuga ako ng hangin bago ako nag-shower. Saktong natapos naman ako sa pagbibihis nang bumalik si Dark, may dala-dala nga itong pagkain, may isang baso pa ng mainit na gatas.

Tahimik akong kumain habang siya ay tila may malalim na iniisip. Hindi ko na lamang siya ginambala hanggang sa naubos ko na ang kinakain ko. Pagkatapos ay deretso kong ininom ang gatas.

"Finished," napatingin siya sa akin. Tinignan niya ang pinagkainan ko saka siya ulit tumingin sa akin, kinabahan ako dahil sa seryoso niyang itsura.

"Think about what I told you Light, it's for your own good."

Napaiwas ako ng tingin. He's talking about the US thing.

"Kakabalik ko pa lang dito, pinapaalis mo na agad ako."

"It's not like that, if you chose to live in US, we will too."

Napabuntong hininga ako. He's really pushing it.

"I'd rather go, sleep tight, my Light."

Hinalikan niya ang noo ko bago siya umalis dala-dala ang pinagkainan ko. Napabuga akong muli ng hangin. How can I sleep tight if I have millions of thoughts right now?

Napakagat ako sa aking labi at pumikit. Sumasakit na ang ulo ko. Marahil dahil sa dami ng mga nangyari. Gusto ko na ngang magpahinga. Pero paano kung hindi ako pinapayagan ng utak ko? Pinilit kong matulog. Pero hindi ko nagawa. Paiba-iba na ako ng posisyon, pilit ginagawang maging komportable, pero wala pa rin.

Inis akong bumangon. I need a glass of water to clear my mind. That will do.

Tumayo na ako at handa nang lumabas ng kwarto ngunit napatigil ako nang mabuksan ko ang pinto. Sa labas ay naroon si Dark na  nakatalikod sa akin at may kausap sa kanyang cellphone. I know it's him, malinaw kong naririnig ang boses niya ngayon.

"Is the baby fine, Albert?"

Parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang tanong niya sa kanyang kausap. Sigurado akong ang investigator ang kausap niya dahil iyon ang nakita kong pangalan sa caller niya kanina nang sinabi niyang tumatawag na ang ini-hire niya na private investigator.

"Mabuti naman," nakita ko ang pagbuga ng hangin ni Dark na tila ba naginhawaan.

At dahil doon, alam ko na agad na magandang balita ang sinabi noong Albert. The baby's fine. Para akong nabunutan ng malaking tinik dahil doon. Thank God.

"How about the confirmation I asked you to know? Is Tyler really the father?"

Nanghina bigla ang katawan ko nang marinig ko ang kanyang sumunod na tanong.

Gusto kong isara na ang pinto ng kwarto ko dahil natatakot akong malaman ang maaaring maging kasagutan doon. Pero tila natuod ako sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko magawang lumikha ng isang galaw. Nakadikit lang ang tingin ko sa nakatalikod na si Dark.

Nanatili siyang tahimik. Hindi ko alam kung bakit. Sumagot na ba iyong Albert? Hindi ko makita ang reaksyon ni Dark. Ang sumunod na lang na ginawa niya ay binaba niya ang kanyang cellphone at ipinasok ito sa kanyang bulsa. Pagkatapos no'n ay nanatili pa rin siya sa kanyang pwesto. Hindi siya umimik. Parang nakatulala lang siya.

Sa puntong 'to gusto ko nang lapitan si Dark at itanong ang sinagot nung Albert. Iyon na ang balak kong gawin, pero hindi pa man ako nakakagalaw nang naglakad na palayo si Dark.

Pinagmasdan ko lang ang pigura niya. Gusto ko siyang tawagin, pero nanatiling tikom ang bibig ko. Hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Kumabog ang puso ko. Nadagdagan na naman ang mga katanungan ko sa gabing ito.



Anong ibig sabihin ng pananahimik mo, Dark? Nanahimik ka ba sa kadahilanang wala na tayong magagawa dahil si Tyler nga talaga ang ama?

O nanahimik ka dahil napagtanto mong nagkamali tayo dahil hindi pala si Tyler ang ama?

Continue Reading

You'll Also Like

3M 90K 39
A forbidden Story Mahal ko siya. Hindi ko kayang labanan ang aking nararamdaman hanggang sa lumipas ang panahon,parang ang pag ibig na naramdaman ko...
2.1K 137 21
(ONGOING) Sabrina Kye Corbin is impressed by the idea that all men must put in the effort to discover the feeling of love. Despite the fact that she...
3.3K 198 8
Tara, maglaro at bumalik sa pagkabata. Laro tayo ng Tumbang Preso... Started: 04/04/2021 End: 04/04/2021
30.7K 54 1
Synopsis Bata pa lamang ako ay sanay na 'ko sa ganito. Sanay na ako sa malalakas niyang pag-ungol sa tuwing may dinadala siya ritong costumer. Bata p...