My Playboy Boss

נכתב על ידי paujhoe

8.6M 141K 2.3K

Sexy, matalino, maganda , mayaman, at higit sa lahat VIRGIN. Yan ang standard ni Malik isang certified pla... עוד

Prologue ***
One***
Two***
Three***
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Forty-seven
Forty-nine
Fifty (Final)
Epilogue
Married Life of Mr. Playboy

Forty-eight

119K 1.9K 17
נכתב על ידי paujhoe

Forty-eight

Malik's POV

Kinakabahan man siya sa maaaring mangyari sa kanila ni Issay, kailangan niyang magpakatatag para dito. Lalo ngayon na nalaman niyang nagdadalangtao na naman ito sa pang-apat nilang anak.

Kailangan nilang makatakas dito ng ligtas silang parehas.

Yakap yakap niya ito ngayon, he feels so sorry sa mga nangyayari sa kanila ngayon. Kasi naman kaysa nasa bahay lang sila ngayon at kasama ang mga anak nila. Ito sila ngayon hindi nila alam kung kailan sila makakauwe, o kung makakauwe pa ba sila.

"Malik, hindi ka pwedeng mamatay dito"sabi ni Issay sa kanya.

Kita niya ang takot sa mga mata nito. kaya naman kailangan niyang palakasin ang loob nito.

"No, I will not...sasamahan pa kita sa delivery room kapag nanganak ka na"sagot naman nya dito.

"Siguraduhin mo lang, kapag ako nanganak na hindi kita kasama I swear Malik ipapabago ko lahat ng apilyido ng mga anak mo"banta pa nito sa kanya.

Alam naman niyang hindi iyon gagawin ni Issay, tinatakot lang siya nito para gawin niya ang lahat para hindi siya sumira sa usapan nila ngayon.

Tumawa naman siya sa sinabi nito sa kanya. Niyakap niya ito ng mahigpit at nagtagal sila sa ganoong posisyon. Sinusulit niya ang bawat minuto nilang dalawa, ayaw man niyang isipin pero baka ito na ang huling gabi na makakasama niya si Issay.

Mas pipiliin niyang siya ang mapahamak makaalis lang ng ligtas dito si Issay.

Nang mangalay sila sa posisyon nila binuhat na niya si Issay at hiniga sa kamang naroon, kahit masakit ang katawan niya dahil sa pangbubugbog sa kanya kanina ng makarating siya pinagdalhan sa kanya ng mga tauhan ni Lopez.

Pinatay niya ang ilaw ng lumaon, para na din hindi makikita mula sa labas kung ano man ang gagawin nila.

Kaya naman tumapat siya sa bintana. Umaasa siya nasundan siya ng mga kaibigan niya kanina ng umalis na siya sa opisina nila ng basta basta. Kahit pa alam niyang malabong mangyari na masundan siya ng mga ito dahil sa pangliligaw na ginawa ng mga tauhan ni Lopez.

Nagmatyag lang siya sa mula sa kinatatayuan niya sa labas ng bahay kung nasaan sila ni Issay.

Matagal tagal din siyang nakatayo sa tapat ng bintana ng may mapansin siyang green na ilaw mula sa malayo. Tatlong beses itong umilaw, gaya ng sinasabi ni Owen sa kanya kapag malalagay siya sa panganib.

Nabuhayan siya ng loob sa nakita niya. alam niyang nasa paligid lang si Owen ngayon at ililigtas sila ng mga ito. kaya naman tumango tango naman siya bago siya umalis tapat ng bintana at tumabi na kay Issay.

Hindi siya matutulog at hihintayin niya kung ano ang magiging hakbang ni Owen. Wala siyang komunikasyon dito. Kaya naman tinalasan niya ang pakiramdam niya ng sa ganon ay maramdaman niya kung nasa malapit na si Owen.

Naramdaman niyang dahan dahang bumukas ang pintuan.

"Malik"narinig niyang bulong mula sa bumukas ng pintuan.

Nilingon niya ang nagsalita at nakita niya si Owen.

"Owen"ganting bulong niya.

"Shhh...are you okay?"tanong nito sa kanya.

"Fine, konting bugbog lang"sagot naman niya.

Dahan dahan siyang tumayo sa pagkakahiga niya ayaw niyang magising pa si Issay sa pagkakahimbing nito. bubuhatin nalang niya ito palabas.

"They're fine"bulong ni Owen.

May kumausap marahil dito. dahan dahan niyang binuhat si Issay para ihanda ang pag-alis nila doon.

"Were going out"turan pa ni Owen sa kausap nito.

Nasa may pintuan na sila ng may nagpaputok ng baril mula sa labas. Kaya naman nagising si Issay sa kanyang pagkakabuhat.

"Malik?"nag-aalalang tanong sa kanya ni Issay.

"Fuck!!!"mura naman ni Owen.

"Shhh..stay still okay"utos niya kay Issay.

Niyakap siya nito ng mahigpit.

"Owen"tawag naman niya sa kaibigan niya.

"Magtago muna kayo Malik doon, kami ng bahala dito"utos naman ni Owen sa kanya.

Tumango siya at dali dali siyang nagtago sa isang sulok ng dresser sa loob ng kwarto.

"Anong nangyayari Malik?"naiiyak ng tanong ni Issay sa kanya.

"Owen is an NBI agent honey, he's here to save us"sagot niya dito.

Niyakap niya ito ng mahigpit para kahit papano maibsan ang takot na nararamdaman nito. kampante naman kasi siya na makakaalis silang ligtas dito dahil kasama nila si Owen. Malaki ang tiwala niya dito na mailalabas sila nito ng ligtas.

Nagkaroon ng palitan ng putok ng baril sa loob ng kwarto kung nasaan sila. Nakita pa niya si Owen na lumapit sa kanila para protektahan sila sa mga paparating na mga tauhan ni Lopez.

"I need a back here Marco"narinig niyang turan ni Owen.

Kasama pala ng mga ito ang kaibigan niya, baka hindi lang si Marco ang kasama nito baka pati sila Jake at Benjamin ay kasama na rin nito.

"Shit"mura muli ni Owen.

Nilingon niya ang bandang pintuan, ung kaninang apat na kasama ni Owen isa nalang ang natitira, at mukhang madami pa ang paparating sa pwesto nila.

"Owen, give me a gun"utos naman niya kay Owen.

"Malik no..."si Issay ang sumagot.

Tinapunan niya ito ng pansin, muli nakita na naman niya ang pag-aalala nito sa kanya.

"Don't worry honey, tutulong lang ako kay Owen. Kailangan niya ng tulong."bulong niya.

Tinapunan siya ni Owen ng isang baril, hindi naman bago sa kanya ang paghawak ng baril kasi meron naman siyang baril talaga hindi nga lang niya nagagamit pa.

"Just point it forward and full the trigger"turo naman sa kanya ni Owen.

"Okay"sagot niya.

Mas lalo niyang hinapit palapit sa kanya si Issay ng may dumating na naman na mga tauhan ni Lopez. Agad naman pinaputukan ang mga ito nila Owen ng natitira nitong kasama ang mga bagong dating.

Nakaantabay lang naman siya doon, hanggat maari ayaw niyang gamitin ang baril na hawak niya. kaya lang naman siya kumuha ng baril para maprotektahan niya si Issay.

"Malik"tawag sa kanya ni Owen.

"Bakit?"tanong niya.

Naubos nila ang mga taong nagtangkang pumasok sa loob ng kwarto, kaya lang maski ang kasama ni Owen wala na din. Tanging si Owen at silang dalawa ni Issay ang natitira sa loob.

"Be ready, lalabas tayo na tayo dito"utos sa kanya ni Owen.

Tumayo naman si Owen at nagsimulang mamulot ng mga baril ng mga nakahandusay na mga tauhan niya at tauhan ni Lopez.

Sumenyas naman si Owen na sumunod na sila dito. inalalayan niya si Issay na makatayo, at sumunod sila kay Owen.

May mangilan ngilan na sumasalubong sa kanila ni Owen na mga tauhan ni Lopez pero bago pa man makaporma nauunahan na iyon ni Owen. Nasa likod lang nito si Issay at nasa likod naman siya ni Issay.

Nakarating sila sa unang palapag ng bahay ng wala ng masyado taong lumalapit sa kanila.

"My men are out side"turan pa ni Owen sa kanya.

................

Third Person's POV

Nang nasa may bandang pintuan na sila si Owen ang nagbukas nito, sa hindi inaasahan na pangyayari hindi napansin ni Owen na mayroon palang naghihintay sa mga ito. dahil nasa labas ang mga tauhan ni Lopez, hindi naman masyadong maanino o makita nila Marco ang nangyayari kaya naman hindi nila ito nasabi sa binata.

Tinamaan ng bala si Owen sa kanyang kanang balikat at sa kanang binti nito. dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Naiwan namang nakatayo si Issay at Malik sa sobrang pagkabigla sa nangyari.

"Ang akala mo ba Perez makakaalis ka pa ng buhay dito sa lungga ko"bungad ni Lopez kay Malik.

Hindi alam nila Malik at Issay kung saan nanggaling ang mga boses na iyon. Wala naman kasi sa harapan nila si Lopez.

"Itapon mo ang baril na hawak mo Perez"utos pa ni Lopez.

Hinapit ni Malik si Issay at iniharang niya ang kanyang katawan sa dalaga.

"Just stay there"bulong naman ni Malik kay Issay.

"Lopez, pag-usapan nalang natin ito."simula ni Malik. "Ang company, pera at lahat ng ari-arian ko lang naman ang habol mo hindi ba. Okay I will sign it just let us go."dagdag pa ni Malik.

Tahimik lang si Issay sa likod ni Malik, nag-iisip na siya ng maari niyang itulong kay Malik.

"Huh... magagawan ko naman ng paraan ang bagay na iyan, makukuha ko ang gusto ko kahit pa patay na kayo ngayon."sagot naman ni Lopez sa binata.

Lalong kinabahan naman si Malik, hindi lang para sa buhay niya kundi pati na rin para sa buhay ni Issay. Hindi maaring may mangyaring masama kay Issay, hindi siya makakapayag doon. Pero sa sitwasyon nila ngayon kung mamatay siya ngayon dito at maiiwan niya si Issay sa mga ito na mag-isa hindi malayong mangyari na sumunod lang sa kanya si Issay.

"Alam mo Perez, gusto ko ang babae mo. Napag-isip-isip ko, bubuhayin ko nalang iyang babae mo. Gagawin ko siyang parausan ko, hindi na masama hindi naman mukhang nanganak iyang babae mo."nakangisi pang turan ni Lopez.

Nagngitngit naman sa galit si Malik, pero hindi niya iyon pinahalata pa.

"I wont allow that"nakangisi din nitong sagot sa matandang kausap niya.

"Huh, as if you have a choice Perez. Kapag namatay ka na wala ka ng magagawa pa"pang-aasar pa ni Lopez kay Malik.

Wala naman magawa si Malik kundi ang ikuyom nalang ang mga palad ni Malik sa sobrang galit nito. hindi sinasadyang napalingon si Malik sa gawi ni Owen, nakatingin ito sa may bandang likod ng mga tauhan ni Lopez maging ni Lopez.

Kaya naman sinundan ni Malik ang tingin nito, pasimple lang ang bawat galaw ni Malik. napansin ni Malik na may nga bulto ng katawan doon ng mga tao na sa tingin ni Malik ay mga tauhan ni Owen.

"Ahhhhh.....Malik"sigaw naman ni Issay.

Hindi napansin nila Malik at Issay na mayroon na palang lumapit na tauhan ni Lopez sa mga ito. kinuha ng sapilitan ng mga ito si Issay, at pilit na inilayo kay Malik.

"Issay!!!"ganting sigaw naman ni Malik.

Hawak na ngayon ng mga tauhan ni Lopez si Issay at maging si Malik kaya hindi makalapit ang huli kay Issay para kuhanin itong muli.

"Please Arnold, wag mong sasaktan si Issay. Nakikiusap ako sayo pakawalan mo nalang si Issay. Ibibigay ko lahat ng gusto mo, kahit pa buhay ko ibibigay ko din sayo wag mo lang sasaktan si Issay. Please she's pregnant."umiiyak ng pakiusap ni Malik.

Napaluhod pa ito sa pakikiusap niya ng makita niya kung paano pabalyang paghawak ng mga tauhan ni Lopez kay Issay. Hindi niya kakayanin kung may mangyaring hindi maganda kay Issay at sa dinadala nito.

"Huh...patay niyo na iyan ang daming arte"pasigaw naman na utos ni Lopez sa mga tauhan nito.

"No!!!...please Malik!!!"sigaw naman ni Issay ng makitang tinitukan ng baril ang ulo ni Malik.

Nagpupumiglas si Issay na makawala sa pagkakahawak sa kanya ng mga tauhan ni Lopez, hindi niya kayang makita kung ano ang maaaring mangyari kay Malik ng mga oras na iyon.

Samantala kumilos na ang mga tauhan naman ni Owen upang mapigilan ang napipintong pagbaril kay Malik. isang snaiper ang pumatay sa babaril sana kay Malik kaya wala ng buhay itong bumagsak sa sahig.

Nagkagulo ang mga tauhan ni Lopez sa nangyari, hindi naituloy ang nangyari pagpatay kay Malik dahil naging abala na ang mga tauhan ni Lopez sa pakikipagpalitan ng putok sa mga pulis na dumating.

Samantala si Malik naman ay agad na tumayo para puntahan si Issay na ngayon ay tangay tangay ng mga tauhan ni Lopez kasama ang matandang Lopez para tumakas.

Habang patakbong palapit sa mga ito pumulot ng baril si Malik upang mayroon siyang magamit sa pagtatanggol sa saril at kay Issay.

"Malik!!!"sigaw ni Issay habang nakalingon siya sa binatang patakbong palapit sa kanila.

Natatakot si Issay para kay Malik mag-isa lang kasi ito samantalang napakarami pa din ng tauhan ni Lopez na kasama nito ngayon para sa pagtakas.

Nakaabot naman agad si Malik sa mga tauhan na may hawak kay Issay, nakipagbuno siya sa mga ito, palitan ng suntok ang nangyari ng mabitawan ni Malik ang hawak niyang baril.

Nakakawala naman si Issay kaya naman patakbo siyang nagtago sa likod ng isang puno malapit kila Malik at sa mga kasuntukan nito. samantalang ang matandang Lopez naman ay nakatingin lang sa mga tauhan niyang pinagtutulungan si Malik.

Walang nakakapansin na mga tauhan ng mga pulis sa nangyayari kila Malik dahil busy ang mga ito sa paghuli sa mga naiwang tauhan ni Lopez.

Nasa isang liblib na parte na kasi sila Malik at Issay. Awang awa naman si Issay sa mga tinatamong suntok tadyak ni Malik sa mga tauhan ni Lopez. Hindi naman magawang tumakbo ni Issay para humingi ng tulong, ayaw niyang iwanan si Malik sa mga taong ito.

Nakita ni Issay ang nabitawang baril ni Malik, agad niya itong pinulot at itinutok sa gawi ni Lopez. Walang pagdadalawang isip na pinaputukan ni Issay ito, kaso nagmintis siya kaya naman daplis lang ang tinamong tama ng baril ni Lopez.

Natigilan ang mga tauhan ni Lopez sa pangbubogbug ng mga ito kay Malik. nabaling ang atensyon ng mga ito kay Issay.

"Sige, ituloy niyo pa ang pagsuntok ng barilin ko ulit ang amo niyo"matapang na banta ni Issay sa mga tauhan ni Lopez.

Tumawa naman na parang demonyo si Lopez, hindi man lang ininda nito ang sugat na tinamo niya sa tama ng baril mula kay Issay.

"Sa tingin mo, matatakot mo ako sab anta mo iyan"sagot naman ni Lopez kay Issay. "Ang layo sa bituka ng tama mo saakin"pangtutuya pa nito sa kay Issay.

Kinakabahan man si Issay tumayo siya at pilit na nilapitan si Malik. kitang kita sa hawak ni Issay nab aril na nanginginig siya sa takot.

"Issay..."nanghihina ng tawag ni Malik sa kanya ng makalapit si Issay dito.

Tinulungan niyang makatayo si Malik, na hindi niya ibinababa ang hawak na baril. Pirmis lang itong nakatutok kay Lopez.

"Hindi ganyan ang tamang paghawak ng baril Miss Wilson, ganito"turan ni Lopez sabay tutok din ng baril sa kanilang dalawa ni Malik.

Napatikit nalang si Issay sa takot ng biglang nagkaroon ng putukan ng baril. Naramdaman ni Issay ang mahigpit na pagyakap sa ni Malik.

Wala namang naging laban ang mga tauhan ni Lopez sa mga dumating na pulis sa sobrang pagkabigla. Kaya ang lahat ng mga tauhan ni Lopez ay bumagsak sa lupa na wala ng buhay. Samantalang si Lopez naman bago siya tamaan ng bala ng baril mula sa mga pulis tagumpay pa siyang nakapagpakawala ng isang putok patungo kila Malik at Issay.

Agad namang nakita ni Malik ang ginawa ni Lopez kaya niyakap niya ng mahigpit si Issay.

Si Malik ang tinamaan ng bala mula kay Lopez.

Bumagsak sila Issay at Malik sa lupa.

"Are you okay honey?"nagawa pa ni Malik na tanungin si Issay na hindi pinapakita sa dalaga ang tinamong sugat.

Inilibot naman muna ni Issay ang kanyang mata sa kanilang paligid, nakita niya ang mga nakahandusay ng mga tauhan ni Lopez at maging si Lopez na wala ng buhay. Nagkalat na din ang mga pulis sa paligid nila.

"Yes, I'm okay honey"sagot naman agad ni Issay.

"Thanks God your okay"nanghihina ng salita ni Malik.

Doon lang napansin ni Issay na unti unti ng pumipikit ang mga mata ni Malik, gayon din ang pagkawala ng lakas nito sa katawan. Dali dali naman na pinagpalit ni Issay ang posisyon nila ni Malik para tingnan ang kalagayan ni Malik.

Nahipo niya ang isang mainit na likido mula sa likod ni Malik ng yakapin ito ni Issay. Nang tingnan niya ito'y dugo ang nasa kamay niya.

"No...no...no..Malik...stay with me...hindi mo ako pwedeng iwan"nagpapanic na si Issay ng makita niyang nakapikit na si Malik.

"Malik naman eh...wag kang matutulog...Tulong...tulungan niyo kami"sigaw na niya sa mga pulis na naroon.

Tinapik tapik pa ni Issay ang pisngi ni Malik para gisingin ito.

"Malik please...honey open your eyes look at me...please"umiiyak na niyang pakiusap kay Malik.

Mabilis ang mga kilos ng mga pulis at agad na binuhat si Malik para maitakbo na sa pinakamalapit na ospital.

Nadaan nila Issay ang mga kaibigan ni Malik, nag-aalala ang mga ito na sinalubong sila. Ang mga kaibigan na din ni Malik ang nagsugod sa binata sa ospital.

Habang nasa buyahe naman sila panay ang dasal ni Issay na sana walang masamang mangyari kay Malik.

"Issay don't worry fighter si Malik. malalagpas niya 'to"pagpapalakas ng loob ni Benjamin sa dalaga na patuloy sa pag-iyak.

Nang makarating sila sa ospital agad na isinalang sa operating room si Malik para tanggalin ang bala nito sa katawan. Naiwan naman sa labas ang mga kaibigan ni Malik at si Issay na patuloy sa pagdarasal na malagpasan ni Malik ang kritikal na lagay nito.


המשך קריאה

You'll Also Like

286K 6.3K 38
"You never learned Ashely!" Singhal nya sakin habang patuloy na umaagos ang luha. "You belong to me and you're staying this damn house whenever you l...
838K 28.7K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
46.6K 1.5K 4
Conrad Series 3: THE DETECTIVE ☽❃☾ Everyone thought marriage was the story's end, but not in Olivia Zera Escalante's life. Her so-called perfect life...
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...