Half-truths | Vicerylle Onesh...

Od planktonology

119K 2.2K 490

Collection of oneshots. Hindi po ako masyadong mag-uupdate dito ha. Kapag may naisip lang bigla. :) Více

1: Pill
2: Tickler
3: Entries (TKJ)
4: Manic
5: Tenses
6: Lens
EXTRA~
8: Ice Cream
9: Origami
10: Logoleptic
10: Logoleptic II
11: 3D
12: 11:11
13: Kalachuchi

7: Omegle

6.5K 159 19
Od planktonology

“Hanggang titig ka nalang ba dyan?”

Natigilan naman si Vice sa pagtitig niya sa pagdating ng mga kaibigan niya at tinabihan siya sa stone benches. “Gusto mo maglaway pa ko?”

“Eh bakit hindi mo kasi ligawan?”

“Hindi nga ako kilala nyan.”

“Edi magpakilala ka muna. Tapos ligawan.”

Umiling-iling naman si Vice habang nakangiti. “Langit yan brad.”

“Umakyat nang maabot.” Vhong then cleared his throat at kumanta. “Kung ayaw may dahilan, kung gusto parating mayroong paraan!”

Dinugtungan naman ni Billy ang kanta. “Gumawa nalang tayo ng,..”

“BABYYYYY!” sabay-sabay nilang sigaw at tumawa pagkatapos.

Napahinga naman nang malalim si Vice. “Bakit kasi ang ganda niya. Putik brad perfect eh. Matalino, maganda, mabait, talented… Para kang nakatama ng ilang milyon sa lotto.”

“Tama na kaka-FLAMES dyan Viceral, may exam bukas. Turuan mo na kami.” sabi ni Billy at nilabas na mula sa bag niya ang makapal na libro ng Physics.

Kinuha nalang ni Vice ang nakasabit na specs sa damit niya at sinuot ito and tried his best to ignore his long-time campus crush who is seated exactly 10 meters away from him.

~

Mag-aalas dos na ng madaling araw at nakasubsob parin ang mukha ni Vice sa makapal na libro niya ng physics. Hinilot-hilot niya ang ulo at ipinikit saglit ang mga mata dahil narin sa pagod. Napahinga siya ng malalim at binuksan ang laptop.

“Saglit lang talaga. Wala na akong naaabsorb eh. 45 minutes lang.” bulong nito sa sarili. Tinype agad niya ang “Ana Karylle Tatlonghari” sa search bar ng facebook niya.

Tinitignan nanaman niya ang mga pictures nito. Kagabi lang ang huli niyang pag-stalk dito kaya wala namang nadagdag na bagong photos, pero paulit-ulit parin niyang tinitignan ang mga ‘to. Naniniwala naman siyang hindi naman masama at nakakatakot ang ginagawa niya, at least hindi niya sinesave ang pictures na ‘to sa laptop o sa phone niya para lang titigan at gawing wallpaper.

Para naman siyang tanga na nakangiti lang sa screen. Umungol naman si Billy mula sa higaan niya kaya ibinaba agad ni Vice ang laptop, pero hindi naman ito nagising. Roommates niya sina Vhong at Billy at classmates din sila, pero siya nalang ang gising dahil sa pag-aaral dahil siya naman ‘tong GC daw at natural na masipag at matalino.

Binuksan na niya ulit ang laptop at sinara na ang tab ng wall ni Karylle, kahit pa labag ito sa loob niya. Natulala siya saglit sa screen habang nag-iisip kung anong pwede niyang gawin. Nagtype siya sa address bar ng omegle.com.

Omegle: Talk to strangers!

What do you wanna talk about? Add interests (optional)

First time niyang itry ang site na ‘to, nalaman lang niya ang tungkol dito dahil sa dinami-dami ng confession posts sa page ng school niya na nagkakakilala thru the site. Nagtype siya ng unicorns, physics, math, at ang school niya.

Looking for someone to chat with…

You’re now chatting with a random stranger. Say hi!

You: Hello!

Stranger: hi:)

Stranger: weird ng interest mo haha

You: Haha! Para namang ikaw hindi.

You: Kaya nga tayo yung magkausap ngayon eh

Stranger: cute naman kaya ng unicorns! ;)

You: Oo nga haha

You: Anyway anong pangalan mo?

Stranger: you don’t give out your basic info over the internet to a stranger. haha!

You: Aba eh bakit ka nandito kung ganun?

You: Tignan mo kaya yung sa taas

You: “Omegle:Talk to strangers!”

You: Joke lang hahaha

Stranger: o edi magdidisconnect na ko

Stranger: hindi naman sinabing “reveal your identity to strangers!”

Stranger: “disclose your personal info to strangers!”

Stranger: hahaha

You: Anong pinaglalaban mo?

You: Haha joke nga lang ito naman. Edi codename nalang kung ayaw mo talaga.

Stranger: ahh wait

Stranger: rice!

You: Plain rice? Java rice?

Stranger: brown rice para healthy! :)

Stranger: ikaw anong codename mo?!

You: Edi toppings nalang. Para rice toppings.

You: Yes naman

Stranger: haha baliw

Stranger: nakakagutom tuloy!

You: Oo nga eh.

You: Bakit pala gising ka pa? 2 am na ah.

Stranger: probably the same reason you’re still awake right now hahaha

You: Ano, nag-aaral ng physics?

Stranger: well actually! haha nagbreak lang ako saglit kasi info overload naaaa L

You: Ako nga rin eh. Teka schoolmate kaya kita?

You: Departmental ‘tong exam na ‘to bukas eh

Stranger: haha probably :)

Stranger: saan ka ba nag-aaral?

You: You don’t give out your basic info over the internet to strangers. :p

Stranger: ah ganon? hahaha

Stranger: edi wag

You: Haha unfair ka eh! Pero conincidence nga naman no

You: Pero may exam bukas tapos nandito tayo nakikipagchat

You: Ay mamaya pala

You: Ang babait na estudyante

Stranger: kanina pa ko nag-aaral no sinusuka na nga ng utak ko yung mga formula na yan

You: Ayaw mo ba ng physics?

Stranger: okay lang naman

Stranger: Eh kailangan sa course eh ano namang magagawa ko kung hindi mag-aral nalang diba? hahaha

You: Haha oo nga naman. Wala namang choice

You: Oo nga pala lalake ka ba o babae? Ilang taon ka na?

You: Kahit yan lang sagutin mo na hindi naman kita mahahunting sa ganyang info lang haha

Stranger: 19

Stranger: pag lalake ako magdidisconnect ka na ba?

You: Hindi naman. Nagtatanong lang naman ako haha

You: And magkasing-age lang tayo!

Stranger: babae po ako :)

You: Weh. Patingin nga sa camera hahaha

You: Joke lang po :p

Stranger: che hahaha

Stranger: parang walang patutunguhan ‘tong usapan natin

Stranger: disconnect na nga ako haha joke

You: Uy wag! Wag mo kong iwan!

You: Ano bang gusto mong pag-usapan?

You: Physics?

Stranger: hala magdidisconnect na talaga ko wag yan utang na loob!

You: Haha o eh ano nga?

Dali-dali namang nagbukas ng isa pang tab si Vice at nagsearch ng “interesting topics to talk about with a girl”. Hindi talaga siya masyadong sociable kaya naman hirap na hirap siyang mag-isip ng pwede nilang pag-usapan na hindi mababagot ang kausap niya. Puro naman science ang sinisigaw ng utak niya dahil dun naman siya maraming alam, pero pinipigilan niya ang sarili na magbukas ng ganung topic nang hindi maweirdohan ang kausap niya sakanya.

Stranger: uy nandyan ka pa ba? haha

Stranger: wag mo muna kong tulugan

Stranger: mag-aaral ka pa!

You: Sorry sorry nandito pa ko

You: Wait lang CR muna ko hahaha

Nagpatuloy naman siya sa paghahanap ng magandang topic pero siya naman ‘tong hindi mag-eenjoy sa usapan kung sakaling ito ang magiging subject nila. Hanggang sa nafrustrate na siya at tinype kung anong nasa isip niya kanina pa.

You: Lamarck’s theory of use and disuse?

Stranger: wow biology!

Stranger: at talagang evolution pa my fave topic!

Stranger: okay game! ;)

Nagkwentuhan lang sila tungkol sa bio hanggang sa mapunta na sila sa iba’t ibang topics na medyo personal narin. Hanggang sa napansin na nga ng kausap ni Vice ang oras.

Stranger: OMG malapit na mag 5!!

Stranger: sabi ko talaga 1 hour break lang eh!

You: Hala oo nga no

You: Ako rin kailangan ko na mag-aral

You: Pero wait lang

You: Pahingi ng number mo please?

You: Wag mong gagamitin sakin yang basic info na excuse na yan please lang.

Stranger: hahaha ehhh

You: What are the odds na pag ganitong interests ulit ang itype natin eh tayo ulit ang magkakausap?

You: Sa dami ba naman nang gumagamit nito

Stranger: kaya nga destiny na dapat bahala dun

Stranger: if it’s meant to be, it will be :)

Stranger: magkakakilala tayo kung yun ang dapat mangyari

You: Cmoooon

You: Bullshit yang destiny na yan

You: Scam yan

You: Name mo nalang o kaya school!

You: Tapos pag hindi kita nahanap edi wala hindi tayo meant to be

Stranger: ang kulit mo hahaha

You: Don’t you feel the connection?

You: Something tells me na kailangan kitang makilala.

Stranger: that’s bullshit

Stranger: scam yan

Stranger: haha joke! enough na yung rice for now:)

Stranger: log in ka lang nang log in sa omegle tapos toppings gamitin mong screen name

Stranger: maybe we’ll cross paths again :)

You: Please nagmamakaawa ako!

You: Kung mabagot kang kausap ako kahit one second lang once magkakilala tayo hindi na kita guguluhin.

You: Can’t we at least try it out?

You: Wala namang mawawala eh! And promise harmless ako!

Stranger: alam ko naman yun ano ka ba

Stranger: i was just messing with you haha ;)

Stranger: i wanted to prolong the conversation lang kasi sorry

Stranger: procrastination at its best hahaha!

You: Grabe buti naman!!!

You: Thank you!

You: Oh so ano talagang name mo rice? :) 

Excited na excited si Vice sa paghihintay ng reply ng kausap niya, pero pagkatapos ng halos limang minuto ay hindi parin ‘to sumasagot kaya naman nagtype ulit siya. Hanggang sa napatingin siya sa task bar niya.

“Punyeta anong nangyari sa wifi!!!!” sigaw niya. Nagising naman sina Billy at Vhong na binato siya ng unan.

~

Lutang na lutang si Vice pagpasok niya ng school nang umagang yun. Dalawang oras lang ang tulog niya dahil nagpatuloy na siya sa pagrereview pagkatapos nang pag-uusap nila ni rice, pero dahil din sa inis at panghihinayang dahil sa daot niyang wifi eh halos wala rin siyang naaral at napapatunganga nalang pag naaalala niya yung usapan nila.

“Class, don’t forget to write your codenames on your answer sheets kung ayaw niyong real name niyo ang ibandera ko sa bulletin board kasama ang mabababa niyong scores. Pero kung mayabang naman kayo at confident kayong mataas ang makukuha niyo, edi wag kayo mag-codename.” sabi ng prof nila Vice.

Iniwan munang blangko ni Vice ang codename dahil wala pa siyang maisip at nagsimula nang sagutan ang exam. May 20 minutes pa nang matapos siya at dapat ipapasa na niya ang papel niya nang maalala niyang kailangan niya ng codename. Unconsciously, toppings ang sinulat niya dito at umidlip nalang muna.

~

“Omegle ka nang omegle dyan, araw-araw nalang! Sino bang inaasahan mong makausap? Si Katy Perry?” tanong ni Vhong at tinabihan si Vice. Hindi naman siya pinansin nito at nagpatuloy parin sa pagtatype ng parehong interests na nilagay niya noong nagkausap sila ni rice. Halos dalawang linggo narin niyang sinusubukan na hanapin ulit siya sa omegle pero wala talagang nangyayari. Sinabi na nga niya sa sarili niya kanina na last na ngayong araw na ‘to at ibablock na niya ang omegle sa laptop niya.

“Huyyyy may resulta na daw yung exam! Taraaaa!” tawag ni Billy sa labas ng pinto ng kwarto nila. Dali-dali namang tumakbo ang dalawa palabas at papunta sa bulletin board ng department na malapit lang naman sakanila dahil nasa loob lang ng university nila ang dorm na tinitirhan nila.

Maraming tao ang naka-crowd sa harap ng bulletin board kaya’t tuloy tuloy na excuse me ang sinasabi nila para makalapit. Napangiti naman si Vice nang makita niyang #1 si toppings with 92.4%. Pero napalitan ang ngiti niya ng gulat nang makita niyang rice ang pangalan ng #3.

“Brad, brad, ano kamusta? Anong score mo?” tanong ni Billy. Hindi naman niya ito pinansin dahil iisang bagay lang ang paulit-ulit sa isip niya: nandito rin si rice.

“Putik paano kita hahanapin?” bulong niya sa sarili. Naconsider naman niyang magtanong sa prof niya, pero alam niyang suntok sa buwan yun at baka maging zero pa ang score niya.

“Girl ano bang codename mo?”

“Kaya nga nag-codename eh bakit ko naman ipagsasabi. Hahaha.”

“Eh kung lumapit ka kasi nang makita mo yung sayo diba.”

“Sabi ko kasi sayo hintayin nalang natin na maubos yung tao dito eh.”

“Wag ka na maarte kaloka ‘to.”

“OMG.”

“Bakit?”

“#3.”

Napalingon si Vice sa bulungan sa likod niya. Nagulat siya nang makita niya kung sino ang mga nag-uusap.

“Rice?” tanong niya sakanila.

Karylle nodded innocently at ngumiti sakanya humbly. Di naman mapigilang matawa ni Vice.

“Toppings.” sabi niya sabay abot ng kamay kay Karylle.

Hindi naman maipinta ang expression ni Karylle na parang naglalaro sa borderline ng amazement at confusion, pero mas lalo namang naguguluhan ang kasama nito.

“Lamarck’s theory of use and disuse.” sagot ni Karylle at kinuha ang kamay ni Vice at shinake ito. Hindi naman sila nagbitiw agad at nagtawanan.

“Kasalanan ng wifi ng dorm, sorry.” Vice smiled shyly.

Tumango naman si Karylle at nauna nang bumitiw sa handshake nila ni Vice. “Kaya ka pala nawala.”

“So… may I ask you out for coffee?”

“Coffee lang? Paano yung codenames natin?”

Natawa naman si Vice. “Right, okay. May I ask you out for dinner?”

“Yeah, sure. Basta your treat ha, #1 ka eh.”

“Oo naman.” sabi ni Vice at kinuha ulit ang kamay ni Karylle at nagsimulang maglakad paalis.

Pokračovat ve čtení