GIRLFRIEND for HIRE

By Mahyool08

125K 1.3K 142

(STATUS: REVISING) GIRLFRIEND FOR HIRE: Si Kayla ay isa lamang ordinaryong estudyante sa St. Louise Universit... More

Status: Revising
[Chapter 1]
[Chapter 2]
[Chapter 3]
[Chapter 4]
[Chapter 6]
[Chapter 7]
[Chapter 8]
[Chapter 9]
[Chapter 10]
[Chapter 11]
[Chapter 12]
[Chapter 13.1]
[Chapter 13.2]
[Chapter 14]
[Chapter 15]
GIRLFRIEND for HIRE [Chapter 16]
GIRLFRIEND for HIRE [Chapter 17]
GIRLFRIEND for HIRE [Chapter 18]
Girlfriend for Hire A/N:
Update:
Update:
Update:
Update:

[Chapter 5]

4.6K 59 3
By Mahyool08

CHAPTER 5: REVISED

READ FIRST.

DONT FORGET TO VOTE IF YOU LIKE IT.

COMMENT IF YOU HAVE SOMETHING TO SAY. :))

Chapter 5

“Hey, what’s that for?”

“Ingay kasi tsk. Yun lang pala ang makakapagtahimik sa sayo. KISS ko lang pala.”

“BWISET!” Nasabi ko nalang at ngayon siya na naman yung tawa ng tawa.

Pinaandar na niya yung kotse niya pero tawa parin ng tawa ang mokong. Ang sarap upakan. After 15 minutes . Guess what, kung nasaan kami? Sa Mall lang pala.

“Anong gagawin natin dito?”

“Wag ka na nga magtanong. Labas na!”

“Sungit!”

“Ano?!”

“Wala.” Tapos kinaladkad na naman niya ako. Good! Magiging habit na niya to. 

“Hoy teka! Marunong naman ako maglakad. Hindi mo na ako kailangan kaladkarin.”

“Ok.” Binitawan na niya ako. Tapos naglakad lang bigla. Bastos talaga, hindi man lang ako hinintay.

Pumasok siya sa Guess. Ehh ako? Ano pa bang magagawa? Ehh di pumasok din. May kausap siyang babae, I guess saleslady yun. 

“Anong ginagawa natin dito?” Tanong ko sa kanya.

“Malamang bibili ng damit, alangan namang mag-uuniform tayo gagala sa mall.” Sungit talaga nagatatanong lang naman.  

“Sige.” HAHA, Ok lang, libre naman. Joke lang. Lumapit samin yung isang saleslady.

“Her size.” Sabi ni Kyle sa saleslady.

“Ok sir.” Tapos nagsmile yung saleslady ni Kyle, if I know may lihim na pagnanasa yung saleslady nay un kay Kyle. Okay lang, sayo na yan si Kyle Ate. 

Bignigyan kami ng saleslady kung anu-ano. Sukat doon, sukat dito. Si Kyle naman kanina pa ako naiinis, yung gusto ko ayaw naman niya. Sino ba ang susuot? Ako or siya?  Ang tagal talaga namin, kasi nag-aaway pa kami. Hanggang sa nakapili kami ng susuotin. 

Pumunta din kami sa havaianas para bumili. Ganun pa rin ang nangyari, pili doon pili dito tska away doon away dito. Tapos yung mga saleslady ganun parin, todo smile kay Kyle.  

Pagkatapos naming namili ng tsinelas, ehh kinaladkad na naman niya ako at ewan ko kung saan kami pupunta.

“Pwede bang sabihin mo na kung saan talaga tayo pupunta?”

“Gusto mo talagang malaman?” Ahh hindi talaga Kyle, hindi ba obvious na gusto kong malaman. Kanina pa ako tanong ng tanong sayo.  

“Oo naman, baka kung saan mo ako dadalhin tas ipamassacre mo ako noh.” Hindi siya nagsalita. Arrrgh shet nice talking.  

“Ewan ko sayo.”

“Dun muna tayo sa Max’s, kain tayo tapos sasabihin ko sayo kung bakit tayo nandito.” Yehey, kanina pa ako gutom ehh. Libre na naman to. Bwahahaha.  

[Max’s]

“Table for 2 sir?” Sabin g isang babae.

“Yes.” 

“This way sir.” Nag-guide yung babae samin.

“Thank you.” Tapos umupo na kaming dalawa. Hinintay namin yung waiter.

“Hoy!” Sabi niya, hindi naman ako sumagot kasi hindi naman ‘hoy’ yung name ko, duh.

“Hoy!” Ano bang problema nito? Kanina pa hoy ng hoy. 

“Hoy!” Tapos kinalabit niya yung braso ko.

“Ano bang problema mo?”   

“Nagbingi-bingihan ka ba? Kanina pa kita tinatawag dito oh.”

“Excuse me de Guzman may pangalan ako at HINDI ‘hoy’ yon, OK?”  

“Sus. Ang arte nito.” Itinaas niya yung kamay niya parang akmang babatukan ako or something. Pero tiningnan ko lang siya and I rolled my eyes.

“Ano bang sasabihin mo?” Sabi ko habang tinitingnan yung view sa labas.

“Wag mong isipin na date to.” Napatingin agad ako sa kanya ng masama.

“BWISET ka talaga de Guzman may sinabi ba ako?”

“Nag-remind lang ako, baka kasi magfefeeling ka naman dyan.” Naku ha, ang sarap talaga sapakin ang lalaking to. I rolled my eyes again at tiningnan na lang yung view ulit.  

Biglang dumating yung waiter tas binigay niya samin yung menu.

“Ahh, this one and this one.” Tinuro ni Kyle dun sa menu.

“Ok sir.” Tumingin yung waiter sakin. “Ma’am?”

“Ahhhhhhmmmm, pwedeng lahat ng nandito sa menu, oorderin ko?” Halatang nagulat yung waiter sakin. Tiningnan ko si Kyle.   HAHAHA, nakakatawa na naman yung reaksyon niya. Tiningnan niya ako ng ‘ano-bang-pinagsasabi-mo-dyn-ha?’ look. Tas tiningnan ko din siya ng ‘pake-mo’ look.  

“Ma’am are you sure?” Sabi nong waiter.

“Ye---“ Tinakpan ni Kyle yung bibig ko.  

“Parehas lang kami. Umalis ka na!” Tas tinulak niya yung waiter. Kawawang waiter nakatikim sa ka brutalan ni Kyle.  

“Ok sir.” HAHAHA, alam kong napahiya si Kyle dun. BWHAHA success.  

“Ano bang pumasok dyn sa utak mo ha?”

“Ewan ko, sabihin mo na kasi kung anong ginagawa natin dito.” Sabi ko sa kanya ng walang gana.

“Gusto mo talagang malaman?” Wala ding ganang sabi niya.

“Ilang beses ka pinanganak Liam Kyle de Guzman?”

“Tsk, nandito tayo dahil iibahin natin yang style mo?”

“What do you mean?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Iibahin natin yang buhok mo, yung look mo. Tapos ayaw ko ng makita kang magsuot ka ng glasses.” Napansin niya pala yung glasses ko na nakasabit sa ID ko kanina.

“Hindi ko naman always ginagamit yung glasses ko.”  

“Ayaw kong suotin mo yun dahil nerdy ang dating. Tska sino pa ang maniniwala na girlfriend kita, iisipin lang nila na rebound ka lang.” Ayy, nakalimotan kong magpapanggap pala ang girlfriend niya para makuha si Lexie.  

“Ok.” Yun nalang ang nasabi ko. Parang kinabahan ako, tinanong ko yung sarili ko, kung tama ba tong decision ko. Haizt.  

“Here’s your order sir, ma’am.”

“Thank you.”

Tahimik lang kaming kumain. Hindi na ako nagsalita baka kasi papatayin ako ni Kyle ng hindi oras. Tiningnan ko siyang kumain, ang hinhin, gusto ko sanang matawa dahil hindi bagay sa kanya. Pinigilan ko nalang yung tawa ko.  

“Halika na!” Sabi niya.

“Teka hindi ko pa naubos tong banana spilt ko.”  

“Ang takaw mo, halika ka na!” Tapos, alam niyo na kung ano ang ginawa niya sakin. Huhuhu.  

“Ano ba? Hindi ba talaga titigil sa pagkakaladkad sa akin.”

“Shut up!” Hindi niya talaga ako binitawan. Huhu

“Good morning sir. What can we do for you?” Nandito pala kami sa David’s ngayon. Ewan ko ba dyan sa Kyle na niyan.

“Just give her a new look.” Whooaa, seryoso ba tong si Kyle. HAHA. I mean seryoso talaga siyang makuha uli si Lexie, tsk mahal niya talaga.  

“Ok sir.”

“Ma’am, please follow me.”

Pinaupo niya ako, tapos kung anu-anong nilagay sa buhok ko. Nakita ko si Kyle nakaupo lang tas nagbabasa ng magazine. Bwiset talagang lalaking to, iniinsulto ba niya yung beauty ko. Huhu. Hindi naman sa pangit talaga ako, pero ewan ko kung anong gusto ni Kyle. Simple lang talaga yung look ko, as in walang kolorete yung buhok, natural lang. 

“Ma’am boyfriend niyo po ba yang kasama mo?”

“Huh? Naku hi----“

“Naku ma’am wag na po kayong magdeny.”

“Naku, hin---“

“Sus, ang swerte mo naman po, ang gwapo ng boyfriend niyo."

“HEHEHE” Yung lang ang reply ko sa kanila, parang text lang.

Pagkatapos nun, kung anu-ano nalang ang nilagay nila ate sa buhok ko. Ewan ko nga kung ano tawag dun, yung iba nga masangsang yung amoy. Tinanong ko naman sila ate dun, ang sabi lang nila pangpakulay daw at para magbigay daw ng texture sa buhok. Yung ibang ate naman, medyo inayos yung kilay ko. Ang sabi nga nila ate hindi ko naman kailangan yung bonggang make-over dahil maganda naman daw ako, ang ginagawa lang nila ay para mas lalo akong pagandahin. WOW NAMAN MGA ATE, TOUCH AKO, SALAMAT! :D

After 4 Hours.

Ginising ko si Kyle, nakatulog kasi sa kakahintay.

“Hoy!” Dinilat niya yung mata niya.

“Si-sino ka?” Ano daw?

“Bwiset! Ako to!! Si Kayla.” Tapos dinilat niya pa yang mata niya.

“Weh?”

“Bakit ayaw mong maniwala?” Ganun na ba talaga ka sobra ang ganda ko ngayon? HAHAHA  

“Di joke lang yun. Syempre kilala pa din kita. Baka magfefeeling ka naman dyan.”  

“Leche ka talaga de Guzman!” Tumayo siya tapos binayaran niya yung make-over chuva ko. 

Pagkatapos niyang magbayad, guess what? Yung habit niya, mangaladkad. Parang ‘Drag me to Hell’ lang. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao, hanggang sa parking lot.

“Uuwi na ba tayo?”

“--------“ Ok nice talking. Pumasok na din ako sa kotse.

Nafeel kong napagod ako, kaya natulog nalang ako.

Pag-gising ko, tiningnan ko yung relo ko 6:00 na which means 2 hours na akong natulog. Tumingin ako sa labas, may malaking bahay at hindi naman amin yun. Tapos bigla kong naalala si Kyle, kaya tumingin ako sa left ko. Fck nandun si Kyle nakatingin sakin, tapos nag-smile siya na parang iba, basta IBA, yung parang manyak!.  

“Hoy! de Guzman, anong ginawa mo sakin?!”  

Tapos lumabas siya sa kotse, yung smile niyang manyak hindi parin mawala sa mukha.

Bakit ganon nalang makatingin at makangiti sakin si Kyle?    

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...