Magkabilang Mundo [★PUBLISHED...

By krizemman

143K 2.5K 327

|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginag... More

Prologue
ShamEul- One
ShamEul- Two
ShamEul- Three
ShamEul- Four
ShamEul- Five
ShamEul- Six
ShamEul- Seven
ShamEul- Eight
ShamEul- Nine
ShamEul- Ten
ShamEul- Eleven
ShamEul- Twelve
ShamEul- Thirteen
ShamEul- Fourteen [flashback]
ShamEul- Fifteen [flashback]
ShamEul- Sixteen [flashback]
ShamEul- Seventeen [flashback]
ShamEul- Nineteen
ShamEul- Twenty
ShamEul- Twenty One
ShamEul- Twenty Two
ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]
Epilogue

ShamEul- Eighteen [flashback end]

3K 69 4
By krizemman

Pagkalabas ng silid ni Jess agad akong napa upo sa gilid ng kama. Nakakaramdam pa din ako ng galit dahil sa mga masasakit na sinabi nya sa harapan ko.

'Hindi ako baliw!' Mariing sigaw sa isip ko. Alam kong sa sarili ko na totoong nakikita ko si Van sa panaginip ko. Naniniwala din ako sa mga sinabi niya na babalik siya para magkasama na kami.

'Nangako ka na hindi ba?' Usal ko habang hawak ko ang litrato niya.  'Handa akong maghintay sayo, dahil nangako kang babalik ka at alam kong tutuparin mo iyon'

Nahiga na ako, habang yakap ang litrato ng lalaking pinamamahal ko. Ilang sandali lang at nakaramdam na ako ng antok, hanggang sa makatulog.

KINABUKASAN

Pagkalabas ko mula sa palikuran. Ito naman ang pagpasok ni Jess sa silid ko na may dalang pagkain.

"Mabuti at gising kana, dinalhan na kita ng agahan" Usal niya habang isa isang nilalapag ang pagkain sa maliit na lamesa sa gilid ng aking kama. "Kumain ka na habang mainit pa, kung may kailangan ka pa sabihin mo lang. Nasa kabilang silid lang ako, naglilinis." Malamig na usal pa niya. Nang maiayos niya na ang mga ito ay agad na siyang lumabas ng silid.

Nagumpisa na akong kumakain dito ng magisa. Hindi ko na lang din ininda ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kung maging ganun. Alam kong malaki ang utang na loob ko sa kanya, dahil sa pagtulong sa akin. Pero hindi naman tama na pagsalitaan niya ako ng mga masasakit na salita.

Ilang araw na hindi kami nagkikibuan. Paminsan minsan nasabay ako sa pamilya nya sa pagkain. Ngunit kadalasan hinahatiran niya na lang ako sa aking silid ng pagkain, kapag hindi ako lumalabas ng silid.

Sumapit na naman ang gabi. Pakiramdam ko darating na siya at magkikita na ulit kaming dalawa. Dahan dahan akong lumabas ng silid, para hindi ako mahuli ni Jess na lumabas. Dahil siguradong sisitahin niya ako at pilit pababalikin sa loob ng bahay.

Nang makalabas na ako ng bahay, mabilis akong tumakbo palapit sa puno. 'Aking mahal nandito na ako.' Mahinang usal ko. Umaasang magpakita man lang siya sa akin.

Magdamag akong nakaupo sa ilalim ng puno. Ramdam ko ang lamig ng hangin. 'Konting tiis lang, darating na ang mahal mo.' Pangungumbini sa sarili ko.

"Shamy." Dinig kong may natawag sakin mula sa likod. 'Ang boses na 'yun.' Dahil kilala ko kung sino ang may ari ng boses na yun kaya walang alinlangan akong lumingon saking likuran.

"V-Van?" Nangingig kong saad. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya ngayon. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya.

"I-Ikaw nga a-aking m-mahal." Umiiyak na usal ko. Unti unti kong tinaas ang kanang kamay ko para mahawakan ang kanyang mukha. Habang patuloy pa din ang pag patak ng mga luha saking mga mata.

"Nagbalik ka nga." Masaya ako ngayon dahil tinupad nya ang pangako niya sakin. Heto siya ngayon at kasama ko.

Ngunit napansin kong lumungkot ang kanyang mga mata. "Hindi ka ba masayang nagkita tayong muli aking mahal?"malambing na tanong ko.

"Masaya akong makita kang muli Shamy. Pero nalulungkot akong makita ka sa ganyang kalagayan.Kaya sana mapalaya mo na ang sarili mo sa kalungkutan at maging masaya." Van.

"A-anong ibig mong ipahiwatig? H-hindi na tayong muling m-magkikita pa?" Kabadong tanong ko. Natatakot ako na hindi ko na siya makasama pa. "Van, hihintayin kiya. Handa akong maghintay gaano man ito katagal, basta makasama ka lang." Umiiyak na usal ko sa kanya. Ang bigat ng pakitamdam ko.

Lumapit pa ako sa kanya ng sobrang lapit. Niyakap ko sa siya ng buong pagmamahal ko. "Mahal na mahal kita Van, pakiusap wag mo akong iiwan. Isama mo na ako kung nasaan ka man ngayon. Ayoko ng mag isa. Balewala na din naman ang buhay ko. Kaya isama mo na ako ng maging masaya na tayong dalawa."

"Shamy!"

Habang nakayakap ako kay Van narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Kaya mabilis akong napalingon para tingnan kung sino iyon.

'Siya lang pala' sa isip ko. Binalik ko muli ang atensyon ko sa lalaking mahal ko. Ngunit laking gulat ko ng wala na ito sa aking harapan. Bagkus, ang malaking puno ang natunghayan ko.

"Shamy, anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?" Tanong sakin ni Jess ng makalapit siya.

Pero imbis na sagutin ko siya. Mabilis ko siyang sinugod. At galit ko siyang pinaghahampas ng dalawa kong kamay ang dibdib niya.

"Sandali lang lang Shamy." Pigil niya sa dalawang kamay ko. "Ano bang ginawa ko?!"

"Dahil dumating ka kaya umalis na si Van!" Galit na sigaw ko sa kanya. Pilit din akong kumakawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa dalawang braso ko.

-----

JESS POV

Pabaling baling ako ngayon dito sa higaan ko. Hindi ako mapakali kaiisip kay Shamy. Malaki na ang pinagbago ng kanyang ugali maging ang kanyang pagkilos. Wari'y wala na ito sa tamang katinuan.

Dahil hindi pa ako makatulog, kaya nagpasya akong puntahan siya sa kanyang silid. Madalas ko itong gawin kapag alanganin oras na, at alam kong tulog na siya.

Tuwing tulog ko lang kasi siya nakakasama at namamasdan. Kahit sa ganun paraan lang ay nakakaramdam ako ng kasiyahan. Masaya na akong makita ang babaeng minamahal ko na payapa ang mukha.

Maingat kong binuksa ang pinto ng silid niya. Laking gulat ko na wala siya dito.

Nakaramdam ako ng matinding kaba. Alam kong wala kasi siya sa tamang pag iisip kaya natatakot ako sa posibilidad na may masamang mangyari sa kanya o gawin sa kanyang sarili.

Agad akong lumabas ng bahay. Hindi nga ako nagkamali. Nandoon na naman siya sa ilalim ng malaking puno. Napansin ko din, tila may kinakausap ito.

Mabagal lang akong naglakad palapit sa kinaroroonan niya ng bigla niyang niyakap ang malaking puno. Habang naiyak siya.

"Mahal na mahal kita Van, pakiusap wag mo akong iiwan. Isama mo na ako kung nasaan ka man ngayon. Ayoko ng mag isa. Balewala na din naman ang buhay ko. Kaya isama mo na ako ng maging masaya na tayong dalawa." Dinig kong pakiusap niya habang nakayakap ito sa puno.

Nakaramdam ako ng kilabot ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ni Van. Kaya tinawag ko siya.

"Shamy!"

Tinawag ko siya bago ako lumapit. Nakaramdam ako ng takot. Kahit paano hindi pa ako nakakakita ng kaluluwa ng taong namayapa na.

"Shamy, anong ginagawa mo dyan ng ganitong oras?" Tanong ko sa kanya. Dahil madaling araw na, nandirito pa din siya.

Ngunit hindi siya sumagot. Mabilis siyang sumugod palapit sakin. Bakas sa mukha niya ang galit. Hindi ko na nagawang umilag pa ng dambahan niya ako ng hampas ng dalawang kamay niya.

"Sandali lang Shamy." Pigil ko sa kanya. "Ano bang ginawa ko?!" Takang tanong ko. Wala akong matandaan na ginawa sa kanya. Para ikagalit niya sakin ng ganito.

" Dahil dumating ka kaya umalis na si Van!" Galit niyang singhal sakin.

Kung ganun ako ang sinisisi niya.

"Wala na si Van! Patay na siya, kailan kaba gigising Shamy? Hindi ka ba napapagod? Maawa ka naman sa sarili mo. Hindi lang si Van ang lalaki dito sa mundo na pwede mong mahalin, at magmamahal sa'yo! Baliw kana sa pagmamahal na yan!" Galit na sigaw ko. Pero nabigla ako sa huling mga salitang nasabi ko sa kanya. Kaya napayuko ako. "Patawad sa sinabi ko" Hinging paumanhin ko.

"Oo! Baliw na marahil ako sa paningin mo, sa paningin nyong lahat! Baliw na ako sa dahil patuloy ko pa din minamahal ang taong matagal ng patay!" Malakas niyang sigaw sa harap ko. "Tama ka, hindi lang si Van ang nagiisang lalaki dito sa mundo. Pero siya lang ang nagiisang lalaking mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay. Hanggang sa huling pagkakataon aasa ako na magkikita pa din kami. At handa akong maghintay sa kanya." Umiiyak na usal niya. Bakas sa pananalita ang sakit at lungkot na nararamdaman niya.

Hindi ko na nagawang magsalita dahil mabilis siyang tumakbo papasok sa loob ng bahay. Hindi ko na din siya sinundan pa.

Nagpunta na lang ako sa hardin para magpalipas ng oras. Masyado masakit ang katotohanan na hindi ako kayang mahalin ng babaeng mahal ko. Kahit alam ko naman yun. Pero mas masakit pala talaga kapag sa mismong harapan mo ito sinabi.

Lumipas pa ang ilang araw. Dalawa na lang kami ni Shamy ang naiwan dito sa bahay. Dahil lumipat sila Nanay at Tatay kasama ng mga kapatid ko ng tirahan. Hindi ako sumama dahil hindi ko pwedeng iwan ang bahay, ganun din si Shamy.

"Shamy." Tawag mula sa labas ng silid. Kaninang umaga pa siya hindi nakain. Kahit nung tanghalian hindi pa din siya kumain. Kaya ngayon hapunan nagpasya na akong dalhan siya ng kanyang pang hapunan. Nakailang tawag na ako pero hindi pa din niya ako pinagbubuksan ng pinto.

Naging ugali na din niya ang ikandado ang pinto kaya hindi ako basta napasok.

Pero sa pagkakataong ito. Kinabahan na ako, wala akong marinig na nagsasabing nandoon siya. Kaya kinuha ko ang susi mula sa bulsa ko para mabuksan ang pinto.

Ibang kaba ang nararamadaman ko sa mga oras na 'to habang binubuksan ang pinto. Tulad ng inaasahan ko, hindi ko siya nadatnan sa loob ng silid.

Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Diretso patungo sa malaking puno.

"Shamy!" Malakas na sigaw ko. Halos manlumo ako sa aking nakita. Nanlambot ang dalawang tuhod ko.

Pero kailangan kong magmadali baka hindi pa huli. Kaya mabilis akong tumakbo palapit sa kinaroroonan niya. Nang makalapit na ako. Kinuha ko ang lanseta, at pinutol ang lubid. Nanginginig ako habang dahan dahan kong binababa ang katawan niyang halos walang ng buhay.

"Shamy gumising ka, wag kang mamatay, pakiusap." usal ko, at pinulsuhan ko siya. Ngunit bigo ako. Dahil wala ng tibok maging ang kanyang puso. "Bakit mo ginawa ko?" Umiiyak na tanong ko. "Patawad huli akong dumating. Hindi kita agad napigilan." Tuloy kong usal habang nakayapa sa kanya.

Bubuhatin ko na siya para dalhin sa loob ng bahay. Nang may napansin akong may hawak siyang papel.

Isang liham na gawa niya.

-----

Jess,

 Maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sakin. Sa pagpapatuloy at pag aaruga mo. Salamat sa pagmamahal na inalay mo. Patawad dahil hindi ko man lang ito nasuklian ng pagmamahal ko, alam ko naman naiintidihan mo kung bakit.

Siguro nga baliw na ako dahil sa ginawa kong ito. Alam ko din isa itong malaking kasalanan sa Dyos tulad ng kasalan na ginawa ko sa sarili kong pamilya. Pero ito lang ang tanging paraan na alam ko para makasama kong muli ang lalaking pinakamamahal ko.

May pakiusap ako sa'yo Jess. Sana mapagbigyan mo ang huling kahilingan ko. Kung maaari sana. Dito mo ako mismo ilibing sa tabi ng malaking puno. Wag mo na din ako bigyan ng maayos na burol, dahil ayoko ng may ibang tao pang nakakaalam ng pagkamatay ko. Pakiusap sa oras na matagpuan mo ang katawan ko dito sa ilalim ng puno, ay agad mo din akong ilibing. Dahil sabik na akong makasamang muli si Van.

Shamy,

-----

Nang matapos kong mabasa ang sulat. Agad ko nang binuhat ang katawan niyang wala ng buhay. Dumiretso ako sa silid na tinutuluyan niya, inilapag ko muna siya sa kama. At naghanap ng pambalot sa katawan niya. Nang maibalot ko na siya ng maayos. Dagli din akong lumabas para maghukay ng paglilibingan niya sa ilalim ng puno.

Sakit ang nararamdaman ko habang ibinababa ang bangkay ng babaeng mahal ko. Sa huling pagkakataon. Ako ang kasama niya, ngunit hindi ako ang mahal niya.

'Mahal na mahal kita Shamy. Tinupad ko ang huling hiling mo. Sana magkita na kayo ng pinakamamahal mo' Mahinang usal ko sa kanya bago ko siya tabunan ng lupa. Napakasakit, at puno ng hinagpis ang puso ko. Diretso lang ako sa pagtabon ng lupa, habang ang mga luha ko naman ay walang patid sa pagtulo.

Simula ng insidenting iyon. Hindi na ako lumapit pa sa puno. Bilang respeto sa kanya.

Lumipas ang isang taon nagkaroon ako ng asawa. Pero hindi nagtagal namatay din siya.

Hindi ko pa din nagawang iwan ang malaking bahay. Dahil ito man lang ang maging kapalit ng nagawa kong kasalanan.

Walang may alam sino man na dito nakalibing ang katawan ni Shamy.

END OF FLASHBACK

*****

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

Continue Reading

You'll Also Like

34.4K 980 45
" Mangingibabaw man ang unang pag-ibig, matatabunan parin ito ng tunay na pagmamahal." . . Sa mundo ng pag-ibig, di akalain ni Sebastian Navarro na m...
13.6M 608K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
1.3M 18K 15
One and Only Rule: Bawal pumasok ang magandang babae sa loob ng BAHAY ni MARIA.
476K 30K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...