Ang Nurse ni Rude Bussinessma...

By sung0850

4.7K 75 8

Paano nila tatanggaping pareho ang pagbabago sa kanilang mga Buhay? Paano nila itatago ang mga pusong nagmama... More

Intro 1.

Intro 1.2

1.6K 37 7
By sung0850

Good Morning Sir! Bungad sa akin ng Driver ko pagbaba palang sa parking lot ng condo na aking tinutuluyan. Sa tagal ba naman ng pagt't'rabaho nila sa pamilya namin iwan ko nalang kong di pa niya ako makilala ng husto.

Good Morning din,sagot ko naman sa kanya habang pumapasok sa loob ng kotse. Hindi na ako nag abala magpabukas ng  pintuan ng kotse at ibinigay ang attache case na dala ko.

Nasaan si Tatay? Bakit ikaw ang sumundo sa akin? Tanong ko sa kanya habang tini tingnan ang aking cellphone kung may mga text/email akong natanggap.

Masama po ang pakiramdam ni Itay kaya ako po ang sumundo sa inyo sir. Sagot niya sa akin habang inaayos rin ang sarili.

Sana nagtext na lang siya sa akin odi kaya tumawag para hindi kana nag abala na sunduin ako dito. Kaya ko naman ipag drive ang sarili ko. Sagot ko nalang sa kanya.

Alam naman po ninyo na hindi papayog yun lalo na si Inay na hindi ko kayo sunduin Sir. Sabi nalang niya.

OKAY, Diretso tayo sa office, biglang sabi ko nalang sa kanya habang inaayos ang seat belt sa aking sarili. Alam ko naman na talo na ako. Wala na akong magagawa.

Ok po Sir. Iling nya habang naka tingin sa rear view mirror ng sasakyan.

Hay! Same old, same old, bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

Po? Narinig ko nalang na tanong ni mike sa akin habang nakatuon ang sarili sa pag d'drive.

Huh? Ah wala. Sagot ko nalang sa kanya. Bilib talaga ako sa lakas ng pandinig ng taong to. Lakas ng tenga odi kaya pakiramdam. Lakas makaramdam. Yung kahit di ko sabihin alam na niya.

Nga pala po sir, Sa mansion po kayo uuwi ngayon? Biglang tanong niya sa akin makalipas ng ilang minuto sa daan.  Pina patanong po kasi ni Inay. Alam niyo na. Magluluto na naman. Dugtong niya sa kanyang tanong.

Doon ako uuwi mamaya kong ititigil mo yang pag PO sa akin. Sagot ko sa kanya habang naka ngiti. Ilan taon ba agwat natin? 3 taon lang atska sabay tayong lumaki at magkaibigan tayo kaya tigilan mo yang pag Sir sa akin.Quota kana ngayon araw nato. Mahaba kong litanya sa kanya.

Ei Sir, alam niyo naman po diba ang sagot dyan. Bata pa lang po tayo nasabi na sa inyo nina inay ang dahilan. Sagot niya habang nakatingin parin ng diretso sa daan.

Alam ko naman yun mike, wala naman tayong kasamang iba. Kita mong dalawa lang tayong tao dito sa kotse. Sabi ko rin sa kanya sa seryosong tono.

Ewan ko sayo Dan. Kahit kailan talaga makulit ka. Kaya ka napagkakamalan hindi marunong mag seryoso sa buhay dahil sa ugali mo. Naka ngiti niyang sagot sa akin.

Seryoso ako sa buhay. Alam mo yun. Sila lang ang hindi. Hugot kong sagot sa kanya.

Sabi mo ei. Maikling sagot niya habang pinapasok sa parking lot ng kumpanya ang kotse.

Sige alis na ako. Sabi ko sa kanya habang bumababa ng kotse.

Okay po. Sunduin na lang kita mamaya. Sagot na lang niya.

>Andito ako ngayon sa loob ng elevator kong saan mga matataas ang posisyon ng kumpanya ang pwedeng gumamit. Natatawa parin ako sa pag uusap namin ni Mike kanina sa kotse. Minsan napapaisip ako. Paano ba ako nagka sundo ei sobrang opposite ng ugali namin. Kung gaano ako kakulit sa bahay ganun siya katahimik at kung anong seryoso ko sa labas lalo na sa kumpanya at sa mga taong nakapaligid sa akin ganun naman siya kakalog sa labas. 3 taon ang agwat namin sa edad pero kahit ganun naging magkaibigan naman kami. Sa totoo lang yung kapatid ko na ka edad niya ang mas close niya. Mas vibes sila kumbaga. Magkambal na nga kung mag turingan. Anak siya ng mga taong tinuring narin namin pangalawang pamilya ng mga kapatid ko simula nung mamatay sa isang car accident ang both parents namin almost 10 years ago. Tatlo kaming magkakapatid. Si ate Lili na nasa amerika na ngayon kasama ang asawa't nito at isang napaka cute na anak. 35 years old na siya. Late bloomers kaya late na rin nagpa kasal. Kala ko nga tibo yun dati. Kaya sobrang saya ko nung malaman kong may boyfriend na siya. Sobrang laki nang sakripisyo niya sa amin noon ng kapatid ko. Ako ang sumunod kay ate, 31 years old. Ako ang namamahala ng kumpanyang iniwan ni papa sa amin. Si ate ang unang humalili nito noong panahon iniwan kami nina daddy. Buti na lang at dito na siya nagt't'rabaho kaya madali na lang sa kanya. Siya rin ang nag train sa akin upang ako naman daw ang mamahala nito pagdating ng panahon. 5 taon na ang nakalipas simula nung umupo ako bilang presidente nito. Wala naman naging problema kahit papaano. Mas lalo pa ngang naging successful ang kompanya.  5'9 ang height ko.Maputi ako kasi hindi ko naman hilig mag bilad sa araw noon pa. Matangos ang ilog, medjo malaki ang mata na bumagay naman daw sa akin dahil sa mahahaba kong pilik mata. Bagay daw sa akin sabi ng mga nakaka flings ko. Dati hindi ako naniniwala na gwapo ako, yung pwede maging model sabi ng nakakarami. Wala naman kasi akong paki alam sa hitsura ko. Sobrang naging focus lang talaga ako noon sa pag aaral. Hangga't sa dumating yung babaeng nagpaniwala sa akin sa maraming bagay. Pinaramdam niya sa akin na special ako hindi lang dahil sa hitsura ko kundi dahil sa buong pagkatao ko. Mas naging pursigido ako sa lahat ng bagay. Nagkaruon ng inspirasyon. Gusto namin ang isa't isa.Ramdam ko yun.Hindi niya ako iniwan sa mga panahong nasa dilim ako. Mga panahon kailangan ko ng karamay at masasandalan. Ngunit nawala nalang siya bigla. Umalis at sumama sa bestfriend niya 5 taon na ang nakakaraan. Hanggang ngayon andito parin sa puso ko yung sakit na nararamdaman ko. Marami akong tanong na kailangan ko ng kasagutan mula sa kanya. Kaya siguro ngayon hindi ko parin magawang mag seryoso sa relasyon. Takot ako sumubok at masaktan. Isang malakas na tunog ang nagpa balik sa aking katinuan. Nasa 30th floor na pala ako ng building kung saan doon ang aking opisina. Tsk. Buhay nga naman. Biglang sambit ko. Serious mode on. Bulong ko sa aking sarili bago lumabas ng elevator. Iilan tao lang ang nakakakita ng totoo kong ugali, yung Soft side ng isang DANIEL "Dan" Villacosta, sabi ng isang bahagi ng aking utak<

Good Morning SIR, sunod sunod na bati sa akin ng mga empleyado dito sa kumpanya na aking nadadaana patungo sa aking sariling opisina. Tango lang ang nagiging sagot ko sa kanila.

Good Morming Sir, biglang tayo ng secretary ko pagkakita sa akin. Nasa Table na rin po ninyo yung mga papers na kailangan niyo ei review bago ninyo pirmahan sir. Dugtong niya habang kinukuha ang isang maliit na notebook sa akin table at ballpen. Hindi na ako nagpapalagay ng kape sa aking mesa kasi hindi ako umiinom nun. Minsanan lang pag walang choice.

Thank you. Sagot ko sa kanya habang diretsong pumasok sa opisina. Hindi na ako nag abala pang sabihin ky Miss Montel na sumunod sa akin para sa aking schedule, ramdam ko ang kanyang presinsya sa aking likod na sinundan ako.

Okay, Thank you ulit Miss Montel, pwede kanang lumabas. Sagot ko sa kanya pagkatapos niyang sabihin sa akin anong schedule ko para sa araw na ito. Buti naman walang meeting sa labas ng kumpanya. Tinatamad akong lumabas.

Okay po Sir, Thank you din po.  Narinig ko nalang na sabi ng secretary bago lumabas. Hindi na ako nag abala na tingnan siya dahil sinimulan ko nang basahin ang mga dokumento dito sa aking lamesa.

Bigla ko na lang narinig  ang aking cellphone na nag ring na nakapatong sa aking gilid. Hindi na ako nag abala pang tingnan kong sino ang tumatawag.

Hello. Bagot kong sagot.

Hello babe. Sagot ng nasa kabilang linya na nagpa kunot sa akin noo. Babe? Sino kaya ito? Sino kaya ito sa mga ka fling ko? Tanong ko sa aking sarili. Babe, still there? Maarteng tanong ulit niya sa akin.

Yes babe, andito pa ako. Sorry bigla akong nag space out. Sagot ko sa kanya.

Lunch naman tayo babe. Tanong niya sa akin. Lunch? Anong oras na ba? Biglang tanong ko sa aking sarili habang chini check ang aking relo para tingnan ang oras.

Oh shit. Biglang bulalas ko nalang  pagka kita ko anong time na.Quater to 12. Hindi ko man lang naramdaman ang oras. Ganun na ba ako katutok kanina sa trabaho ko.

Did you just curse? Sabi ng kausap ko sa sa kabilang linya pagka rinig sa aking sinabi. Doon ko lang din naalala na may kausap pa pala ko.

No. Sorry for that, naipit kasi yung kamay ko sa may drawer ng table ko. Explain ko sa kanya.

Okay. Sabi niya lang. Wow wala siyang pake kahit naipit yung kamay ko. Sabi ko sa aking sarili. So ano na babe?  Lunch tayo ngayon?  Tanong ulit niya.

Im sorry. Hindi ako pwede. May lunch meeting ako ngayon. Alibi ko sa kanya kahit wala talaga akong meeting ngayon. Ayaw ko lang makipag kita sa kanya. First.
Hindi ako sigurado sino siya sa akin mga ka fling. Second. No Lunch date rule. Hindi ako nakikipag lunch date kong kani kanino lang. Third. Ayaw ko siyang bigyan ng false hope. Mahirap na.

Sige na please. Na miss na kasi kita ei. Pilit niya sa akin. Please. Please. Please sunod sunod niyang pakiusap. Napapailing nalang ako sa aking sarili habang naririnig ko yun. Ayaw ko pa naman ng taong sobrang ingay at kulit. Isang beses lang kami nagkita at na miss na niya ako agad. Sigurado akong si dan dan ang na miss niya at hindi ako.

Im sorry hindi talaga ako pwede. Sabi ko parin sa kanya.

Mamaya pwede ka? Dinner date. Kulit parin niya sa akin.

Sorry. May appointment ako mamayang dinner. Tanggi ko parin sa kanya.

Kailangan ka pwede? Tanong nalang niya sa akin. Pagsuko nalang niya.

Diko pa alam. Sobrang busy ako ngayon ei. Sabi ko nalang sa kanya. Sige kailangan ko na itong ibaba. Need ko nang umalis para sa meeting ko. Sabi ko nalang at binaba ang tawag. Hindi ko na hinintay ang sagot niya.

Sir hinihintay na po kayo ni Mike sa baba. Bungad sa akin ni Miss mortel pagka labas ko ng wash room ng opisina ko. Naghahanda narin kasi ako para umuwi.

Huh? Anong oras na ba? At bakit sayo siya tumawag? Takang tanong ko sa kanya.

Kanina pa daw siya tumatawag sayo at hindi mo daw sinasagot. 5 pm na po sir. Paalis na rin po ako ng biglang tumawag ang information desk sa baba na hinihintay na po kayo ni Mike sa parking lot. Pinabasabi daw po niya. Mahabang. Paliwanag niya sa akin.

Okay. Thank you.sagot ko nalang sa kanya. Kilala narin nila dito sa kumpanya si mike. Alam nila na siya ang sumusundo sa akin pag hindi pwede si tatay.

Hello. Sagot ko sa aking cellphone ng biglang mag ring habang naghahanda na ako sa aking pag uwi.

Hello sir, andito na po ako sa baba. Sagot ng nasa kabilang linya.

Pababa na. Hintayin mo nalang ako dyan. Sagot ko sa kanya at pinatay na ang tawag.

Bat ang tagal niyo sir? Bungad niya sa akin. Kung maka asta to para siya ang SIR sa amin.

Busy ako. Marami akong tinapos. Sagot ko nalang sa kanya. Sanay na rin ako sa kanya. Bata pa lang kami ganyan na yan makipag usap. Yung parang tropa lang.

Okay. Tumawag kasi si inay, tinatanong kong pauwi naba tayo. sagot niya. Kaya pala parang atat to makauwi na kasi kasi si nanay.

Miss ko narin luto ni nanay. Sabi ko nalang sa kanya habang nakangiti. Musta trabaho mo? Tanong ko sa kanya pagka lipas ng ilang minutong katahimikan.

Ayos sa alright naman po. Sagot niyang naka ngiti. Wala kasing special assignment ngayon. Katatapos lang last month kaya hindi ako masyadong busy ngayon. Dugtong niya.

Ganun ba. Buti naman para kahit papaano mabasbawasan yung mga panahon na nag aalala sina nanay sayo. Sabi ko sa kanya. Iwan ko ba dito sa daming trabahong pwedeng kunin bakit doon pa siya sa delikado. Nagpaka agent pa. Kahit ilang beses na kami ng offer ng trabaho sa kanya sa kumpanya tinatanggihan lang niya. Nung tanggihan niya ang kapatid ko na siya mismo ang nag offer ng trabaho sa kumpanya doon na ako tumigil.Doon ko napatunayan na gusto talaga niya ang ginagawa niya. Hindi nga siya napilit ni ENZ. Iling ko nalang sa aking sarili.

Nga pala Mike, tumawag na ba sayo si enz? Tanong ko sa kanya.

Wala sir, hindi rin niya sinasagot mga tawag at text ko. Sagot niya sa akin na halata ang lungkot sa kanyang boses.

Ganun ba. Tumawag kasi siya sa akin last night. Sabi ko nalang at bigla siyang nag preno sa gitna ng daan.

Po? Tumawag siya sa inyo? Si Enz? Kailan? Sunod sunod niyang tanong

Kagabi nga. Kulit. Atska umandar kana kasi traffic na. Sabi ko sa kanya sa gamit ang aking seryosong boses.

Sorry sir. Natatarantang sagot niya sa akin. Alam kong gusto pa niya akong tanungin pero pinili nalang niyang manahimik. Hindi ko alam anong myron sa kanila at wala akong planong maghimasok doon. Hindi na sila mga bata.

Andito na tayo sir. Malungkot parin niyang sabi sa akin habang bumababa ng kotse.

Thanks. Sabi ko nalang sa kanya. Habang sinusundan siya sa loob ng masyon.

Magandang gabi po inay. Rinig kong sabi niya kay nanay habang nagmamano.

Magandang gabi din. Sagot sa kanya ni nanay. Bakit naka simangot ka? Takang tanong niya kay mike.

Wala ho. Sagot na lang ng isa. Kasama ko po nay si Sir. Andjan na siya. Naging dahilan yun para tumingin sa may pinto si nanay.

Magandang gabi po nanay. Bati ko sa kanya.

Ikaw bata ka. Kung hindi pa kita ipaalam na pumunta dito hindi ka pupunta. Sabi niya sa akin habang binibigay ang kamay niya para mag mano ako.

Busy po ako nanay. Sagot ko nalang habang nakangiti. Si tatay po?  Tanong ko sa kanya.

Sa kwarto. Hindi maganda ang pakiramdam kaya hindi ka nasundo kanina. Sagot niya habang hinihila ako sa may hapag kainan.

Okay lang po. Mas importante gumaling siya. Sagot ko sa kanya.

Kain kana. Sabi niya na nagpangiti sa akin. Kahit kailan talaga hindi nagabago si nanay. Maalaga parin.

Kayo po, hindi po ba kayo kakain? Si mike?  Tanong ko sa kanya habang sinisumulan ko nang kumain.

Tapos na ako. Si mike mamaya pa iyon. Kilala mo iyon. Kung kailan siya gutom doon lang siya kakain. Naka ngiti niyang sabi.

Okay po. Sabi ko na lang habang nagpa tuloy sa pagkain.

Andito ako ngayon sa aking kwarto. Hanggang kailan ako ganito. Mag isa. Kahit anjan mga kapatid ko at sina nanay. May kulang parin. Tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa kisame. Hay kung hindi sana niya ako iniwan. Bulong ko sa aking sarili. Iniisip ko parin ang dahilan niya. Lagi nalang ganito gabi gabi. Siya ang unang taong  naiisip ko pagka gising ko palang sa umaga at pinahuli sa aking isip bago matulog.








Park hae jin bilang si Daniel villacosta.

Salamat po sa pag basa. Keep reading, keep voting ang give me some feedbacks and comments. Thank you po sa lahat. God bless.


























Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...