ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY

685 41 7
By angelodc035

Nakatayo si Odessa sa isang burol na kung saan ang ilalim nito ay ay isang napakatarik na bangin na punong-puno ng mga naglalakihang mga bato. Wala siyang makitang mga puno at mga berdeng damuhan, tanging mga tuyo at mga tuhod na mga dating bahagi ng mga puno sa kagubatan ang unti-unting tinatakpan ng mamula-mulang buhangin.

Biglang lumakas ang ihip ng napakainit na hangin. Unti-unting naging kulay dugo ang kalangitan at nakakatakot ang mga kumpul-kumpol na mga ulap na tila nagbabadya ng trahedya. Isang ipu-ipong apoy ang biglang namuo sa gawing hilaga at tinutupok nito ang bawat madaanan. Dinig na dinig niya ang nag-aalimpuyong lakas ng hangin na hindi lamang nagpapatumba sa mga dinaraanang mga puno, kundi lahat ng daanan nito ay nagiging abo sa tindi ng init ng apoy.

Sa kanyang nasasaksihan ay ngayon lamang nakaramdam ng sobrang takot si Odessa. Hindi niya maintindahan kung bakit nangyayari ito sa kanya. Sinubukan niyang tumakbo papalayo para ikubli ang kanyang sarili sa napakalaking apoy na gawa ng ipu-ipo pero naalala niya na siya mismo ay isang alagad ng apoy. Hindi siya tinatablan nito pero nararamdaman niya ang sobrang sakit ng pagkapaso mula rito.

Lalo pang lumalaki ang apoy dahil sa ginagawang pagkalat ng palaki ng palaking ipu-ipo. Biglang yumanig ng napakalas sa kinatatayuan ni Odessa. Dumadagundong ang paligid sa sobrang lakas ng pagyanig. Nawalan ng balanse si Odessa at bumagsak sa kanyang kinatatayuan.

Nagulat siya sa kanyang nakita dahil ang kanyang kinatatayuan pala ay isang bundok ng mga kalansay. Mga kalansay ng mga tao, daang libo o milyong kalansay ng tao na hindi maintindihan ni Odessa kung bakit mayroon ganoon karaming buto ng mga tao ang naroroon.

Biglang nagkaroon ng mga pagdagundong sa lupa at napatingin siya sa mga kabundukan na parang may kung anong puwersang tumitibag sa mga ito.

Mula sa napakapulang kalangitan ay biglang nagbagsakan ang mga bola ng apoy at tumupok sa mga makakapal na puno sa mga kabundukan. Dahil sa sobrang init ay biglang nabiyak ang lupa sa mga kabundukan at lumabas mula rito ang isang dambuhalang ibon na nababalutan ng bughaw na apoy.

Biglang humuni ito ng napakatining na boses na halos bumasag sa pandinig ni Odessa. Naramdaman niya ang sobrang nakakapasong init sa loob ng kanyang katawan na pakiwari niya ay gustong kumawala sa katawan niya at lalamunin din ang kanyang katawan hanggang maging abo.

Dinig na dinig ni Odessa ang sigawan ng mga tao. Mga sigawang tila naging panaghoy. Mga panaghoy ng mga bata at matatanda, lalake at babae na parang hirap na hirap at desperado ng kitilin ang kanilang mga buhay dahil sa sobrang sakit na kanilang nararamdaman na dulot ng sobrang init.

Kitang-kita niya ang mga lungsod na nilalamon ng apoy at naroroon na tila tuwang-tuwa sa kanyang paglipad ang Baguisan na kilala rin sa tawag na Dragon Phoenix na pamilyar sa kanya pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.

Habang nilalamon ng apoy si Odessa ay nakatingin sa kanya ang Baguisan, na bawat madaanan nito ay tinutupok ng apoy hanggang sa maabo.

Mula sa katawan ni Odessa ay may tila mga lubid na gawa sa apoy ang naglabasan at kumapit sa katawan ng Baguisan o ang maalamat na Dragon Phoenix na hinihigop ng kanyang katawan. Muling humuni ng nakakabinging tinig ang Baguisan at ang kanina'y kulay bughaw na apoy nito ay napalitan ng kulay pula.

Nakatingin pa rin sa kanya ang Baguisan at kitang-kita ni Odessa ang kanyang Imahe sa mata ng mala-alamat na ibon. Imahe ng isang babaeng punong-puno ng poot at bagsik ng hitsura.

"Ikaw at ako ay iisa..."

Ang sabi ng isang tinig na tila binubuo ng napakaraming maliliit na kampanilyang sabay-sabay na pinapatunog.

"Sino ka?!" Ang malakas at matigas na tugon ni Odessa sa narinig na tinig.

"Ako ang iyong lakas at ikaw ang aking pagkatao, ikaw at ako ay iisa..." Ang muling sabi ng tinig.

Biglang nagising si Odessa nang maramdaman niya ang napakalamig na tubig na bumuhos sa kanyang katawan. Kaagad ay napabangon siya at napansin niya na tila naligo siya sa ulan.

"Pa... Pasensiya na Odessa kailangan kong gawin na buhusan ka ng tubig kasi bigla ka na lamang nagliyab at pati ang kuwarto mo ay nasusunog na rin. " Ang ninenerbiyos na si Danum.

Napatingin si Odessa kay Danum, nanggigigil siya sa galit. Pero nang makita niyang nangitim ang kabuuan ng kuwarto at umuusok pa ang ilang mga kagamitan roon ay nawala ang galit niya bagkus ay napalitan iyon ng pagkahiya lalo na sa ipinapakitang kabaitan ng diyos ng tubig na si Danum.

"Patawad po sa naging asal ko diyos na Danum. Marahil ay nadala lang ako sa nakita kong pangitain. " Ang paghingi ng paumanhin ni Odessa na hindi makatingin kay Danum dahil sa hiya.
"Pangitain... Pangitain na may kinalaman sa hinaharap sa iyong buhay, at ang mangyayari pa. Hindi ko alam na mayroon ka palang kakayahang makita ang hinaharap Odessa."

"Ang hinaharap? " Ang nagtatakang tanong ni Odessa kay Danum.

"Tama ang hinaharap. May kakayahan kang makita kung ano ang mangyayari sa'yo sa hinaharap. Kakayahang nakuha mo bilang isang Sangre, bilang isang anak ng Buan. " Ang tugon ni Danum sa kanya na tila hindi na siya nagtataka na mayroong ganoong kakayahan ito.

"Hindi ako kailan man naging isang anak ng Buan, at hinding-hindi mangyayari iyon! " Ang wika ni Odessa na napataas ang tono ng kanyang boses.

"Kahit pagbaligtarin mo pa ang mundo iyan pa rin ikaw. At hinding-ng hindi na magbabago pa dahil nananalaytay sa'yo ang dugo ng isang anak ng buwan ang dugo ng Sangre. At ang nakikita mo ay ang iyong hinaharap."

"Hindi! Hindi totoo yan! " Binalutan ng takot ang mukha ni Odessa. Takot sa nakita niyang pangitain.

Ano ba ang ibig sabihin ng kanyang mga nakita? Ang bundok ng kalansay ng mga tao, ang pag-ulan ng apoy, mga ipu-ipong apoy, ang pagkabitak ng mga kabundukan at pagkasunog nito, ang higit sa lahat ang ibong Baguisan na alam niyang siya at ang ibong Baguisan ay iisa.

"Pero, ano ang ibig sabihin ng aking pamahiin? May nakita na rin akong pamahiin dati, sabay naming nakita ni Randy kahit iba yung nakita namin na pamahiin ay may pagkakatalud pa rin ito sa nakita ko ngayon. " Ang paliwanag ni Odessa habang nakatingin sa malayo at lumakad papunta sa bintana ng kuwarto.

"Sino si Randy na iyong tinukoy? " Ang tanong ni Danum.

"Si Randy? Siya ang...kaibigan ko. Siya ang mortal na reinkarnasyon ni Banaual."

"Si Banaual? Ha, naalala ko na. Ang aking pamangkin. Ang bunsong anak ng aking kapatid na si Bathala. Si Banaual na anak ng isang mortal na pinatay ni Banak." Ang malakas na tugon ni Danum ng maalala si Banaual sa katauhan ni Randy.

Tumango si Odessa bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ni Danum. Pero nagkainterest si Odessa na makilala si Banak na pumatay sa tunay na ina ni Banaual.

"Sino si Banak? Bakit niya pinatay ang ina ni Banaual? Sino ang mortal na ina ni Banaual?" Ang usisa ni Odessa na nagkainterest na malaman ang nangyari sa mortal na ina ni Banaual.

"Si Banak ang isinumpang kapatid na bunso namin ni Bathala. Siya ang reyna ng mga itim na diwata ng ikatlong mundo. Bilang paghihiganti kay Bathala ay pinatay niya si Mawina ang mortal na naging katipan ni Bathala. Noong panahong iyon ay labis na ipinagbawal ni Bathala ang pakikiugnayan ng mga diyos at diyosa sa mga mortal na tao na sinunod naman ng lahat maliban lamang kay Banak. Pinarusahan si Banak at ipinatapon siya sa isla ng Murcia, sa kaharian ng Paroba. Dahil sa galit ni Banak ay binalak nitong makidigma sa aming kapatid na Bathala. Pero natalo si Banak at isinumpa siya ni Bathala na mamalagi sa ilalim ng karagatan sa pagitan ng isla ng Culiat at kaharian ng Paroba. Pero isang araw ay bigla na lamang dumating si Mawina at ito ay nagdadalang-tao. Sabi niya ay anak iyon ni Bathala at nalalapit na ang kanyang panganganak. Nagkaroon ng kaguluan sa palasyo ni Bathala dahil na rin sa pagsisiwalat ni Mawina. Lahat ay nadismaya dahil kung sino pa ang gumawa at nagpatupad sa batas ay siya pa mismo ang lumabag dito. Maraming nagalit kay Bathala ng dahil don, galit sa kanya kahit na ang kanyang mga anak." Bumuntong hininga si Danum at panandaliang pinutol muna ang kuwento.

"O tapos, ano ng nangyari?" Ang seryosong tanong ng sabik na sabik na si Odessa.

"Tulad ng sabi ko, naging daan iyon ng pagtatanim ng galit ng mga pamangkin ko kay Bathala. Lalo na't isinumpa niya at ipinatapon mismo ni Bathala si Banak sa malayo at madilim na kaharian ng Paroba sa Murcia dahil nga hindi nito sinunod ang pagbabawal sa pakikisalamuha at pakikipagrelasyon sa mga Mortal na nilabag din mismo ni Bathala. Kaya ng gabing manganganak na si Mawina ay binalak nilang dukutin at patayin ang bata, pero nailigtas ng isa sa mga tagapangalaga ni Mawina ang sanggol, pero napatay nila ang mortal na si Mawina dahil sa pagtatanggol nito sa kanyang anak. Pinaniwala nila ang lahat na namatay sa panganganak si Mawina. Naibalik ang sanggol kay Bathala at pinanagot ang may mga sala. Pero hindi nila natukoy kung sino ang utak sa pagpatay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napaparusahan kung sino ang nagplano sa tangkang pagpatay kay Banaual at kung sino ang nag-utos dito."

"Ang saklap naman pala ng kasaysayan ng buhay ng mahal ko.." Natigilan si Odessa lalo na ng tumingin sa kanya si Danum na nagtaas ng kaliwang kilay. "...ang mahal na Banaual ang pamangkin mo." Ang palusot ni Odessa na hindi nito alam kung tatawa o titingin siya kay diyos na Danum dahil nadulas ang dila niyang nasabi na kasintahan niya si Randy.

"Tungkol sa kahulugan ng iyong pamahiin ay makakatulong sa'yo ang hermitanyong si Agathon. Siya lamang ang nag-iisang kilala ko ang puwedeng magbigay kahulugan at linaw sa iyong mga nakikitang pamahiin at...." Muli ay tumingin sa kanya si danum na tila mayroon pang gustong sabihin.

Napansin iyon ni Odessa at hinintay kung ano pa ang gustong idagdag ni Danum sa kanyang sasabihin.

"At ano, diyos na danum? Ano pa ang gusto mong sabihin?" Ang tanong ni Odessa.

"Ang propesiya..."

"Propesiya? Ano ang tungkol sa propesiya diyos na Danum?" Ang tanong ni Odessa.

Lumapit siya kay Danum para marinig ang lahat ng detalye tungkol sa propesiya.

"Ikaw ang tinutukoy sa propesiya sa matandang kasulatan. Taglay mo ang pagwasak at pag-usbong ng mundong nilikha ng Maykapal."

"Bakit mo nasabing ako ang tinutukoy ng propesiya?" Ang kinakabahang tanong ni Odessa.

"Puntahan mo si Agathon. Siya ang alam kong makakasagot sa lahat ng katanungan mo tungkol sa pangitain at propesiya." Ang tugon ni Danum sa tanong ni Odessa.

"Agathon?"

"Siya ang Ermitanyo sa kabundukan ng Baños sa kaharian ng Elitheria. Pero hindi ko alam kung naroroon pa siya dahil ng huli kami nagkita ay mahigit tatlong daang taon na ang lumipas."

"Hindi ko alam ang mga lugar na tinutukoy mo at hindi ako interesadong alamin pa. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako ngayon tapos poproblemahin ko pa ang pagpunta sa ermitanyong tinutukoy mo. Ang gusto kong mangyari ngayon ay bumalik na sa aking mga kaibigan para tulungan silang ipagtanggol ang mga tao sa mga anak... Kampon ng kadiliman." Ang matigas na wika ni Odessa at nagsisimula na naman uminit ang paligid.

Lubhang nabahala si Danum sa unti-unting pagtaas ng temperatura sa paligid. Batid niya na hindi pa alam kontrolin ni Odessa ang kanyang kapangyarihan.

"Huminahon ka Odessa. Hindi mo matatakasan ang propesiya kahit na ano mang paraan ang gagawin mo. Naiukit na yan sa iyo ng Kapalaran at hinding-hindi mo na matatakasan pa." Ang ninenerbiyos na sabi ni Danum.

Pero may kakaiba ngayon sa kapangyarihan ni Odessa. Biglang may namumuong mga yelo sa basang pader ng kuwarto at ang kanina'y kumukulong tubig ay unti-unting lumalamig.

Nararamdaman ni Danum ang pagbabago muli ng temperatura sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay bumibigat at naninigas ang kanyang mga kamay at paa. Nagiging yelo ang mala-tubig na katawan ni Danum.

"Odessa..."

Napansin ni Odessa ang mga nangyayari kay Danum, kaya pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Hahawakan niya sana si Danum pero nagdalawang-isip siya na baka lalong maging yelo ang diyos ng tubig.

Kumalma ka Odessa, kumalma ka! Ang sabi nito sa sarili at pilit na humihinga ng malalim. Napansin niyang lalong kumakapal ang mga yelo sa paligid at halos maging yelo na rin si Danum.

Ipinikt ni Odessa ang kanyang mga mata at saka taimtim na nagdasal. Ayaw niyang buksan ang kanyang mga mata lalo na ang makita ang diyos ng tubig na tuluyan ng naging yelo. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit hindi niya makontrol ang kapangyarihan niya bilang isang diwata? Dalawang elemento kaagad ang nailabas niya sa tulong ni Danum.

"Odessa. Salamat." Ang sabi ni Danum.

Kaagad na binuksan ni Odessa ang kanyang mga mata pagkarinig sa boses ni Danum. Nakita niya na natunaw na ang mga yelo sa mga pader ng kuwarto at nakatayo na sa kanyang harapan si Danum at nakangiti.

"Patawad, hindi ko sinasadya. Hindi ko makontrol ang aking kapangyarihang taglay ko bilang diwata." Ang hindi makatinging si Odessa kay Danum.

Nakangiti lamang si Danum at pinagmamasdan si Odessa. "Naiintindihan ko Odessa. Tulad ng sinabi ko sa'yo narito ako para tulungan kang mailabas ang iyong mga kapangyarihan at gabayan ka na makontrol ito. Kaya kailangan mo ang tulong ni Agathon para lalo mong mapagbuti ang iyong kapangyarihan at magamit sa tama."

"Pero..."

"Alalaanin mo ang kapatid mong si Mariang sinukuan, Odessa. Nasa kamay siya ni Anilaokan at dito lamang sa ikatlong mundo mo matatagpuan ang kaharian ni Anilaokan." Ang paalala ni Danum kay Odessa.

"Si ate Laurea..." Halos mapaluha si Odessa ng maalala niya si Laurea. Iyon nga pala ang kanyang misyon bakit napunta siya sa ikatlong mundo.

"Naririto ka sa kaharihan ko Odessa. Ito ang kaharian ng Atlansia, ang kaharian sa ilalim ng karagatan sa pagitan ng karagatang sakop ng Ylyon at isla ng Amandur sa Katimauan."

"Salamat Danum. Salamat sa lahat. Napakabait mo kahit na makailang ulit na kitang muntikan ng masaktan." Tumingin siya kay Danum sa mga mata nito. "...sige, pag-iisipan ko ang pagpunta kay Agathon. Lahat ng sinabi mo pag-iisipan ko pero sa ngayon kailangan ko munang bumalik sa aking mga kaibigan." Ang wika ni Odessa.

"Kung iyon ang sinasabi ng iyong puso Odessa. Pero makakabalik ka lamang sa mga kaibigan mo sa pamamagitan ng mga lagusan. Marunong ka bang gumawa at magbukas ng mga lagusan?" Ang tanong ni Danum sa kanya.

Umiling-iling ang ulo ni Odessa bilang tugon sa tanong ni Danum.

"Kung gayon, oras na para turuan kitang gumawa at magbukas ng mga lagusan." Ang wika ni Danum kay Odessa na nagbigay naman ng panibagong ngiti sa babaeng Sangre.

Continue Reading

You'll Also Like

115K 3.4K 29
Enter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you acc...
726K 5.2K 33
She's Yuna Coldeft a La Orlian not so important in this society, she's a nobody, but her destiny suddenly change, and she find herself inside that ac...
13.5K 782 65
In a world ruled by powerful gods, do you have the guts to play their games? Staying alive is the only rule to survive. Kailangang harapin na ni Odes...
3.5K 71 53
Girlie Justine Samalca is a secret agent who disguised as an assistant detective. As a request from his twin brother, Ignacio Santiago, she enters th...