BINHI (Munting Handog - Book...

By AngHulingBaylan

28.9K 1.4K 188

Matapos ang sampong taon ay nagbabalik si DJ sa probinsiya ng kanyang nakatatandang kapatid, hindi upang magb... More

Dedication
Prologo
1. Sa Fiesta ng Sto. Rosario (Part 1)
2. Sa Fiesta ng Sto. Rosario (Part 2)
3. Bagong Alaga
4. Bilanggo
6. Ate at Bunso
7. Mahiwagang Paru-paro
8. Ang Batang Halaman sa Palengke
9. Ang Kuwento ni Mang Goryo
10. Ang Tinig sa Ilalim ng Tubig
11. Pinagtagpong Muli
12. Ang Puno at ang Singsing
13. Ang Manliligaw
14. Kasunduan
15. Maglako ng Gulay
16. Dayo sa Kaharian
17. Sa Kaingin ng mga Sitaw
18. Weird Guests
19. Pagtakas
20. Ang Oguima at Tahamaling at Talahiang
21. Sleeptalk
22. Ang Tibsukan
23. Pagbabati
24. Ang Doktor
25. Dalawang Dayo
26. Ang Supot ng Ginintuang Pulbos at ang Balahibo
27. Ang Lihim na Lagusan
28. Daruanak
29. Kapalit
30. Sirena, Serena
31. Ang Aghoy at Lewenri
32. Saminsadi

5. Ang Dalagang Maggugulay

1.2K 60 1
By AngHulingBaylan


Nilingon ni DJ ang natutulog na hayop sa gitna ng kanyang kama at napangiti. Parang naririnig niya ang paghilik nito sa kanyang isipan. Naalala niya, nang minsang makakita siya ng isang palaka sa kanilang hardin noong bata pa siya, hinuli niya ito at inilagay sa garapon.

Lihim niya itong dinala sa kanyang silid at doon ay ipinagtatabi niya ito ng mga ulam na kanyang ipinupuslit sa tuwing kakain. Namatay ito sa sobrang gutom dahil sa hindi pa niya alam noon na insekto pala ang kinakain nito. Napagalitan pa siya nang mag-amoy na ang naaagnas nitong katawan. Subalit dahil roon ay napadalaw sila sa isang pet shop. Tuwang-tuwa siya nang umuwi, bitbit ang kulungan ng isang dirty white na hamster. Ilang araw ang nakalipas buhat noon at doon na nagsimula ang kanyang allergy. Bahing siya nang bahing sa hindi malamang dahilan. Parang hinog na kamatis sa pula ang kanyang ilong. Nagpasya ang kanyang mga magulang na ipa-check-up siya sa doktor at doon naputol ang maliligayang araw niya sa pag-aalaga. Allergic pala siya sa balahibo. Sinabi naman ng doctor na pwede siyang mag-alaga ng ibang hayop maliban sa may balahibo pero nadismaya na siya. Ipinamigay nila ang hamster sa kapit-bahay. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na nakaramdam siya ng tigmak na kalungkutan.

Napapaisip tuloy siya habang patuloy na pinagmamasdan ang hayop, posible bang mawala ang isang allergy sa paglipas ng panahon? Baka. Hindi siya sigurado. At hindi na rin siguro iyon importante.

Isinara niya ang pinto at ibanaba sa kanyang mga mata ang sunglasses na nakapatong sa kanyang ulo. Mainit ang panahon at napagpasyahan niyang maligo sa dagat. Bahala na si Marietta na mag-ayos ng kanyang mga pinagkainan. Iniwanan nya lang kasi ito roon.

Patalon-talon pa siya habang bumababa ng hagdan nang isang braso ang biglang humarang sa kanya.

"Oops. Saan pupunta si Ginoong Pogi?" Nakadipang nakatayo ang kasam-bahay sa kanyang daraanan. Halos maabot na ng payat nitong mga braso ang magkabilang dulo ng hagdanan.

Napakamot ng ulo si DJ. Ayaw niyang maasar pero minsan ay gusto rin niyang mapikon sa tuwing bigla-bigla na lang itong susulpot at mag-aastang strikto. Para rin itong kanyang mga magulang, ibawas na lang ang pabiro nitong paraan nang pagsita sa kanya. "Maganda ang panahon. Parang naririnig ko ang mga alon na tinatawag ang aking pangalan," padula niyang sabi. "Hindi mo ba sila naririnig?"

Naningkit ang mga mata ni Marietta. Alam niyang gustong-gusto nito ang mga ganitong klase ng laro. "A, naririnig ko nga sila. Nananaghoy, sinisigaw ang iyong pangalan," padula rin nitong tugon habang kalong ng isang kamay ang isa nitong tainga. "Subalit saglit, ano ito? Mayroon pa akong naririnig." Ang kabilang kamay naman ang napahawak sa kabila niyang tainga. "Ang mga kutsara't tinidor, ang mga plato at baso, nagsusumamo sa iyong pagbabalik." At pilya itong ngumiti sa kanya.

Napasimangot siya. Hanggang dito ba naman, kailangan pa rin siya nitong disiplinahin?

Humakbang siya rito. Dahil mas matangkad siya ay payuko niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha nito. "Kailangan mo ba talaga akong parusahan nang ganito? Hindi pa ba sapat na parusa ang ginawa nila sa akin?" Ginalingan pa niya ang pagda-drama nang padula.

Humakbang paurong si Marietta. Nakaangat ang isang kilay. Naghalukipkip. Pagkatapos ay namaywang. "Bakit ka ba ganyan, DJ? Bakit patuloy mo pa rin akong sinusuway? Bakit?" Daig pa nito ang isang TV artist kung um-acting. "Ibig mo bang palayasin ako ng iyong mga magulang dahil lagi mo akong sinusuway? Sige. Tanggap ko na. Mag-iimpake na ako ng mga gamit." May pahikbi-hikbi pa itong tumalikod sa kanya.

"Huwag. Pakiusap." Napahawak siya sa balikat nito, sinabayan ang acting-an nitong mala-teleserye. "Susundin ko na ang iyong hiling, huwag ka lamang lumayas."

Humarap ito nang nakangiti sa kanya. Alam niyang talo na siya sa kanilang laro. Tuwing tatakutin siya nitong aalis na dahil sa katigasan ng kanyang ulo ay naduduwag na siya.

"Ay, very good boy." Ginulo nito ang kanyang buhok, tuwang-tuwa dahil panalo na naman ito. "Sige na, kunin mo na ang iyong mga pinagkainan at dalhin sa lababo upang hugasan."

Wala siyang nagawa kundi ang pumanhik ulit sa kanyang kuwarto at kunin ang kanyang mga pinagkainan. Bago siya muling bumaba ay napansin pa niyang wala na ang kanyang alaga sa kama.

Sa ibaba ng hagdanan ay naghihintay pa rin si Marietta sa kanya. Nginitaan niya ito nang malagpasan. Sa loob-loob niya ay lihim siyang nag-iisip ng plano upang maungusan rin ito pagdating ng panahon. Humanda lang siya.

Bago siya tuluyang makapasok sa kusina ay lumingon pa siya rito. Nakangiti pa rin ito habang tinatanaw siya at suminyas pa na pumasok na siya.

Mabigat ang kanyang mga paa nang ilapag sa lababo ang maruruming mga pinagkainan. Sa kanyang utak ay rumirehistro na ang napakaraming dahilan kung papaano siya makakaiwas sa mga ganitong sitwasyon kung saka-sakali mangyari ito ulit.

Pinaandar niya ang gripo, nakikiramdam kung bubungad ba sa kusina ang kanilang kasambahay. Nang lumipas ang ilang minuto at wala pa rin ito ay isinara niya ang gripo at dahan-dahang lumapit sa pintuan. Sumadal muna siya sa dingding, pigil ang hininga at nagmamatyag. Makaraan ang ilang saglit ay nagkalakas-loob rin siyang sumilip sa pasilyo. Napasuntok siya sa hangin nang hindi niya mamataan ang kasambahay. Marahil ay bumalik na ito sa kung ano man ang ginagawa nito kanina.

Muli siyang nagtago. Naghintay pa ng ilang sandali at baka nag-aabang lamang ito sa tabi-tabi. Ilang minuto pa ay humugot na siya ng hininga, bubuwelo siya nang takbo. Ngunit nang akma na siyang tatakbo sa direksiyon ng pintuan palabas, ay saka naman pumasok si Mamang, kasunod ang mag-asawang matanda, mga bakasyonista, dahil na rin sa bulaklakin nilang suot at bitbit ng hand carry bag. Napalingon pa sa kanya ang matandang babae, kunot ang noo.

Hindi siya nagpahalatang may ginagawang kalokohan at sa halip ay pasimpleng naglakad sa kabilang direksiyon. Nakahinga siya nang maluwag nang tumapat sa back door ng resort. Muntik na siya. Mabuti na lamang at hindi si Marietta ang nakakita sa kanya. Malalagot talaga siya.

Napangiti siya sa sarili. Makatatakas na rin siya. Magpapalipas lang naman siya ng oras doon sa dalampasigan, malapit sa batuhan. Kung mananatili kasi siya sa kanyang kuwarto ay mababagot lamang siya. Sobra. Maigi na itong mayroon siyang pagkakaabalahan.

Pagkahila niya ng pinto, natigilan siya sa paghakbang. Isang dalaga ang natanaw niyang nakayuko sa malalagong bougain villa na dikit na dikit na tumutubo sa sementadong pader ng resort. Kalahati ng katawan nito ay nakasubsob sa loob ng halaman, habang nagsasalita nang mag-isa. Sa kanan nito, nakalapag ang isang basket na walanag laman at sa kaliwa naman ay naroon ang natuping payong.

Maingat niyang isinara ang pinto, hinubad ang suot na tsinelas at patiyad na lumapit sa walang muwang na dalaga. Abala pa rin ito sa kung ano man ang ginagawa at hindi nagpakita ng sinyales na may napapansin. Halos matawa naman siya sa kanyang naiisip.

Dahil sa buhangin ay tahimik siyang nakalapit sa nakatuwad na dalaga. Tila may hinahanap ito roon at gigil na itong nagrereklamo sa sarili.

Kagat-labing nag-angat siya ng mga kamay upang gulatin ito. Subalit hindi pa siya nakalalapit nang husto ay biglang itong humakbang paurong. Natisod ito sa kanyang nakaharang na paa at pareho silang patingkayad na natumba.

"Mahabaging Bathala," bulalas ng dalaga na kaagad na bumangon at nagpagpag ng nadumihang palda. "Hoy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo!"

Namumula ang mukha nito. Marahil sa pinaghalong galit dahil sa ginawa niya at hiya na nadatnan niya ito sa ganoong posisyon.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sa 'yo," ganti niya. Pero sa loob-loob niya ay parang natutuwa pa siya sa nangyari. "Magnanakaw ka ano?"

"Ako? Magnanakaw?" Lalong namula ang mukha ng dalaga. Galit nitong dinampot ang basket at akmang ihahampas sa kanya. Kaagad naman niya itong nasalag at mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay nito habang patuloy itong nagpupumiglas. "Bitawan mo ako!"

"Hoy miss, kilala mo ba kung sino ako?" nagmamayabang niya sabi. "Sino ka ba at anong ginagawa mo rito?"

Biglang nagbukas ang back door at pareho silang napatingin sa dakong iyon. Nakatayo at nanlalaki ang mga mata ng kasambahay na nakatitig sa kanila.

"DJ!" Walang bahid ng biro sa tinig nito. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Salubong ang mga kilay nito nang lumapit sa kanila.

Binitawan niya ang dalaga.

Inalo naman ni Marietta ang dalaga. "Nasaktan ka ba, Serena? Pasensiya ka na. Hindi na mauulit." Bumaling ito sa kanya. "At ikaw naman, hindi ba dapat ay nasa kusina ka at naghuhugas?"

Hindi siya nakapagsalita. Madalang magalit ang kasambahay. At galit talaga ito kapag galit. "Pero..."

"Walang pero, pero," mariing putol nito sa kanya. Dumukot ito sa isang bulsa ng pitaka at humugot ng ilang perang papel. Iniabot niya ito sa dalaga. "Maraming salamat sa mga gulay. Pasensiya ka na talaga sa nangyari. Sana makabalik ka pa rin rito."

"Maraming salamat rin po." Nakangiting tinanggap ng dalaga ang pera. "Huwag po kayong mag-alala, dadalhan ko pa rin kayo ng mga gulay, magsabi lamang kayo." Galit itong tumingin sa kanya bago umalis.

Nang mawala ito sa sulok ay saka lamang ulit humarap sa kanya ang kasambahay. Umiiling itong tumingin sa kanya. Dismayado ako, iyon ang tanging kahulugan ng mga titig na iyon.

Lagot na talaga siya.   

Continue Reading

You'll Also Like

157K 11.9K 41
Itutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala...
1.6M 76.2K 21
Ang Ikalawang Serye. A girl dying from Leukemia was given a chance to make a wish, and there she met a mysterious guy who would lead her as she enter...
465K 20.4K 79
She's heartless person, She can kill you without blinking her eyes. Beg for your life she didn't care, and surely she make ur life living hell..... ...
17.6K 1.7K 200
"Basta mag-level up pa ako ng 10 beses, maa-activate ko na ang Gene Lock. Sa oras na iyon, magagawa kong sirain ang makalangit na katawan na ito!" ...