CHAPTER 3
(New Home Bitter Home)
Mag ti-three days na rin kaming nakatira sa bahay nina Denisse.
Syempre nahihiya na kami ni mama kaya nag isip na ako ng paraan.
Buo na ang desisyon ko na huminto muna sa pag aaral.
Mag tatrabaho nalang muna ako, mag iipon ako para sa next school year may pang dagdag ako sa tuition fee ko. (^.^)
At tsaka mangungupahan nalang kami ni mama.
Nakakahiya naman kung magtatagal kami dito kaya kaylangan ko ng mag double time sa work.
Ang hirap ng life.
Ayos lang kahit mahirap ang buhay atleast magkasama at masaya kami ni mama.
...
Pero nagbago ang lahat ng mga plano ko ng may i announce sa akin si mama.
Hanggang ngayon talaga di pa rin ako makapaniwala..
Bukas na bukas na mismo magbabago ang buhay namin ni mama.
..
Naka duty kanina si mama, di daw niya akalain na isa sa kanyang inassist na customer e ang long time bff niya nung high school.
Nawalan daw sila ng communication nung nag aral ang ultimate bff niya sa america. At ngayon lang daw sila muling nagkita.
At ayon nga, nagkamustahan sila.
Mukang nahalata daw nung bff niya na may problema siya e wala naman silang sikretohan sa isat isa.
Kaya sinabi niya ang di magandang nangyari sa amin lately.
At dahil mayaman ang bff niya..na may ari ng isang big company..hindi daw nagdalawang isip na tulungan kami.
Kinuha lang naman si mama bilang secretary ng bff niya.
At ako..kaylangan ko lang daw bantayan ang anak non na silent mode. Para daw may nagrereport sa kanya kung anu-anong pinag gagagawa ng anak niya. Madalang lang daw magkasama ang mag-ina dahil busy nga sa business ang bff ni mama. Kaya yon, kaylangan na naming pumunta sa house nila sa lalong madaling panahon.
At..
Doon na daw kami titira..hanggang kelan daw namin gusto.
***
"Waaaahhhh!!!"
haayy..nabibingi na talaga ako sa kakangal-ngal ni Denisse.
Dyusko kagabi pa yan ganyan nung sinabi ko na kaylangan na naming umalis.
"Waaahhh..kaylangan nyo pa bang umalis? Malulungkot uli ako dito..waaahhh.."
haayy. Si Denisse talaga.
"Dont worry hija. Magkikita pa naman kayo ni Ivan e. Pwede naman siyang dumalaw-dalaw dito." tapos hinagpos ni mama yung likod ni Denisse.
Promise readers. Tunay na iyak yon na may kasamang ngal-ngal.
"Oo, tama si mama Denisse. Ilang araw lang naman tayong hindi magkikita e. Tsaka magkikita naman tayo sa coffe shop."
Then bigla siyang yumapos sa akin na parang bata.
"Kahit na! Ma mimiss parin kita. Wag mo akong kakalimutan ha tsaka always kang tatawag. Ay, ako na lang pala."
Ang OA huh!? Wag ko daw kakalimutan e malapit lang dito yung street na lilipatan namin, i think mga ilang kanto lang ang pagitan tapos yun na.
"Ano ka ba naman Denisse, anong kakalimutang sinasabi mo e pwede mo ngang gamitin nalang yung bike mo para makarating ka don."
"Hehe, joke lang. Basta pag may mang aaway sayo dun sabihin mo lang sakin at reresbakan natin."
Mang aaway? Hay naku se Denisse. Ang alam ko kasi si Tita Jane at ang anak daw nun na silent mode ang nakatira sa malaking bahay nila.
Kaya imposibleng may mang away sa akin dun at tsaka, silent mode nga daw diba? Tsaka tinanung ko rin kung anong pangalan nung anak ni Tita Jane. Jacy daw ang pangalan. E di babae, I'm sure magkakasundo kami nun.
Nagbabye na kami kay Denisse at syempre nag thank you ng buong puso.
Sa mahigit na three days naming pag istay sa kanila napaka laking tulong na nun.
Ihahatid pa sana kami ni Denisse kaso hindi na ako pumayag. Nakakahiya na sobra.
Umiiyak pa rin siya nung lumabas na kami ng gate.
Kahit ako ganun din ang nararamdaman ko. Were just like sisters at napakabait talaga ni Denisse.
Naaawa nga ako sa kanya kasi kung wala yung yaya niya e di magisa sana siya sa bahay.
Hay, buhay nga naman.
Bago kami pumunta sa pupuntahan namin, dumaan muna kami ni mama sa isang Mobile Shop.
Wow.
Bibilhan ako ni mama ng cellphone.
Yipee.
Okay lang kahit mumurahin ang nabili namin. Atleast makaka contact ako. Pero may camera naman at music player, with memory card. Adik kasi ako sa music, pero hindi adik sakin ang music.
Iniregister ko kaagad ang cellphone number ni bestfren at ni Art Paper.
To: bestfren
yow, bestfren to.
Save mo na number ko. Binilihan na ako ni mama ng cellphone para daw may communication tayo. Hehe.
Message sent!
*beep (NP: Collide)
1 Message Received
From: bestfren
bwahahaha! Buti naman at mako2tak na kta!
I save mo rin ang cp no. ni pareng Art Paper.
Nandyan na ba kayo sa haus?
**
Message end.
Nireplayan ko naman siya, wala pa kami sa bahay ni Tita Jane, pero malapit na kami.
Hanggang sa tumagal tagal na ang pagkwekwentuhan namin ni bestfren sa text. Kala mo hindi kami magkasama kanina at matagal na panahong hindi nagkita. Haha.
Well, ganyan lang talaga kami.
Magkatext na rin kami ni Art Paper. Tagal ko na ring hindi nakikita ang mokong na iyon. Pero bukas magkikitakita uli kaming tatlo dahil duty namin bukas. Wenesday, at dahil Tuesday ngayon ay wala kaming pasok.
"Nandito na tayo Ivan.."
Ay, nandito na pala kami. Napababad pala ako sa pakikipag textmate sa dalawa kong bestfren.
Ganoon nalang ang pagkalaki ng mata ko ng makita ko ang magandang bahay. As in ang ganda talaga. Sa labas ng gate kitang kita mo na ang napaka gandang garden nila. Parang alagang alaga.
"Ang ganda ng bahay nila no?"
Tumango nalang ako pero ang pagkamangha ay nananatili pa rin sa muka ko. Parang ganito.
( 'o')
Nag doorbell na si mama. Maya-maya lang may nagbukas na ng gate.
May lumabas na magandang babae, I think ka age lang ni mama. Ang ganda talaga niya,ang kinis kinis ng skin at tisay.
Yun na pala si Tita Jane.
"Aaay!! Bff. Buti naman at nandito na kayo."
Nagyakap at nagbeso sina mama at tita Jane.
Parang kami lang ni Denisse pag nagkikita. Sobrang ingay.
"Salamat uli bff ah."
"Ano ka ba, okay lang yun. Buti na nga lang nagkita tayo uli."
"Ay, ito nga pala si Ivan. My one and only daughter na nagmana sa kagandahan ko."
Si mama talaga.
"Hello po. Good morning po."
"Wow, ikaw na pala si Ivan. Tama ka bff, manang mana talaga siya sayo. Ang ganda ganda niya. Bagay kayo ni Jacy ko."
Eeng! Ano raw? Di ba babae si Jacy?
"Hehe." yun nalang ang isinagot ko.
"Oh, come in. Sa loob nalang tayo mag kwentuhan at masyadong mainit dito sa labas."
Pumasok na kami sa loob ng gate.
Ganito na naman uli ang muka ko. Mas malalana kesa kanina sa labas.
('O' )--( 'O')
Papihit-pihit lang ang ulo kasi sa bawat tamaan ng mata ko maganda, malinis at..
(O__O)
(o__o)
(>___<)
May..
May..POOL!
Wow!
Hindi nyo alam na first love ko ang swimming.
Ayos to!
Hay. Tama na ang mangha. Grabe ang ganda talaga ng house nila!
Wala akong masabi.
Napadaan kami sa garage. May dalawang magandang kotse dun. Isang itim at isang..teka, parang pamilyar sakin tong kotseng ito ah. Pss..katulad lang siguro.
"Jacy boy! Lumabas ka dito at tulungan mo ang mga bisita natin sa mga gamit nila."
J-Jacy..boy..?
Ibig sabihin lalaki si Jacy?
Hindi ko alam na napahagalpak pala ako ng tawa.
"Bwahahaha..J-Jacy..boy!?" ako.
"Bwahahaha..tama. Jacy boy nga ang tawag ko sa anak ko. Ang cute di ba?"
Nakitawa rin pala sa akin si tita Jane. Ineexpect na pala niya na matatawa ako sa tawag niya sa anak niya. Teka? Bakit nga ba Jacy Boy?
Naramdaman kong siniko ako ni mama.
"Huy, Ivan. Anu ka ba? Wag ka ngang tumawa dyan!"
Napatigil naman ako sa pagtawa ko. Nakakahiya naman kay tita Jane dahil tinatawanan ko ang tawag niya sa anak niya.
"Bff. Okay lang yon. Expectation ko na talagang tatawa siya pag narinig niya ang tawag ko kay Jacky. Parang ikaw rin bff. Haha."
Ow, Jacky pala ang true name. Sabagay pag tinanggal yung K sa spelling ng name nya magiging Jacy talaga.
"So, okay lang pala sa inyo mama na pagtawanan ang tawag mo sa anak mo?"
Lahat kami napatingin sa nagsalita.
Nawala ang pagpipigil ng tawa ko ng makita ko kung sino yung nagsalita.
Ganito tuloy ang naging hitsura ko.
(O.O)
Syempre gulat na gulat talaga ako.
"Oh, not really my Jacy Boy. By the way this is your Tita Ivonne and.." ako naman yung itinuro kay Jacy Boy, este kay Jacky. "..this your ultimate taga bantay..si Ivan.."
***
"Ayan!?"
Sabay turo sa akin ni Jacky. "Dont foolish me ma. Wala akong panahon sa mga jokes nyo!"
Habang sinasabi niya yon sa kanyang mama ay sa akin naman siya nakatingin.
Then tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Tapos bigla nalang siyang napailing.
Napangitan yata sa akin.
Pweh!
Kala mo naman kung sino siyang gwapo.
Oh, sige na. Gwapo nga, masama naman ang ugali sa unang tingin palang.
Pero nabigla ako nung hablutin niya sa akin ang mga mabibigat kong dalang bag. Ano yon? pagka gentleman na papilit lang?
Tapos dirediretso na siyang pumasok sa loob ng bahay..
Mukang magkakaproblema na ako nito..
Dahil si Jacy boy slash Jacky slash Mr. Sunget ay ang lalaking nagmamay ari lang naman ng nabangga kong kotse nung isang araw.
Oo.
Siya yung lalaking iyon kaya lagot na ako!
Akalain mo nga naman, ipinagdasal ko pa naman din sa lahat ng santo na sana hindi na magkrus ang landas namin ni Mr. Sunget.
Mukang hindi umipek ang dasal ko.
Huhu. Patay na ako nito!
"Naku, Ivan. Pasensya ka na sa Jacy boy ko ha! Prinsipe kasi yun ng kasungitan at kasupladuhan. Pero dont worry, mabait naman yan."
Mabait? Siguro pag tulog?
Pss..
Waaahhh!! Pwede pa bang mag back out.
Huhu. Kanina lang iniimagine ko na magiging peaceful na at magkakaroon na kami ng magandang pamumuhay..
Pero parang hindi.
Nakakatakot talaga ang kasungitan ng anak ni tita Jane!
Sa lahat naman ng magiging anak ni tita Jane, bakit yang lalaking iyan pa!
Waaah!
Malas ba ako?
Tapos ang magiging trabaho ko pa dito ay bantayan sa bawat gagawin ng Mr. Sunget na yan!?
Tita, iba na lang ang ipagawa nyo sa akin please!
Pssh. Ang demanding ko naman.
Di pa ako pasalamat dahil may tumulong sa amin ni mama.
Haaayyy..
Di bale na nga! Nandito na e!
Sayang naman ang oportunity na ito lalo pa't hindi na masasakripisyo ang studies ko.
Opo. Magkakapag aral ako ngayong darating na pasukan. Yehey!
Ay! Masyado akong nagdidiwang..
Malaki nga pala ang problema ko sa Jacy boy slash Jacky slash Mr. Sunget na ito.
Bahala na.
Wala ng atrasan ito..
Good luck to me.
Whuhuhuhu. (T__T)
***
Sobrang awkward talaga!
Nasa kusina kaming apat ngayon at kumakain ng lunch.
Buti naman at sumabay sa amin kumain si Jacy boy..buhat kasi ng dumating kami kanina at ilagay niya yung gamit ko sa kwarto ko raw..nakita kong nagkulong na siya sa kwarto niya.
At ngayon nga lang siya lumabas nung tinawag na siya ni tita Jane para kumain.
May tanong ako. Marunong kaya itong ngumiti?
Lagi kasing seryoso ang muka niya. Hindi ko naman masabing nakasimangot. Parang facial expression na natural na..seryoso?
Parang ganun.
Ang gulo!
Hmm..may ganun pala.
Ang tahi-tahimik nga niya.
Pati sa pagkain niya ang tahimik din.
Focus sa pagkain? Ganun?
E para ngang hindi niya ine-enjoy ang pagkain niya e.
Tumingin ako sa kanya..
Tapos tumingin din siya sa akin..
( -.- )-->( -_-)
Toinks!
( ._.')
Ay! Ang suplado.
Hari nga rin pala ito ng kasupladuhan. Nakalimutan ko.
Blah. Blah. Blah..
Kwentuhan parin ng kwentuhan sina mama at tita Jane.
Pinagkwekwentuhan nila yung highschool life nila. Sa hitsura nila parang nagkaroon sila ng magandang highschool life ah.
Parang hindi yata sila nauubusan ng kwento sa isat-isa.
Na a-out of place na tuloy kami ni Jacy boy..
Teka..kaming dalawa nga ba ni Jacy boy o ako lang??
Tokwa! Silent mode nga pala yan. Walang pakialam sa paligid.
Nakakadisappoint talaga!
Buong akala ko talaga babae si Jacy. Lalaki pala at Jacky ang tunay na pangalan.
At siya pa yung nabanggaan ko ng bumper.
..
Speaking of his bumper.
Napansin ko kanina na wala na yung gasgas.
Napaayos na pala niya at..
Sa tingin ko pababayaran pa niya sa akin yon.
Dyusko! Ikaw naman kasi tadhana e!
Sisihin ba naman si tadhana?
"Syanga pala, Ivan. San ka nga pala napasok?"
Ay kamatis!
Nagulat ako dun ah. Si tita Jane pala kinakausap na ako, ganun na pala kalalim ang iniisip ko.
"A-ah, sa Santo Agustino National High School po."
Ganun nalang ang pagka gulat ko ng marinig kong napatawa si Jacy boy.
Huh!? Si Mr. Sunget slash silent mode tumatawa? Marunong pala siya nun?
Pero parang tawang nanglalait ang tawa niya ah!
Teka. Teka!
Pinagtatawanan ba niya ang tanyag na eskwelahang pinapasukan ko?
"Anong nakakatawa dun, Jacky anak?"
Ow, pag seryoso pala si tita Jane, Jacky ang tawag niya kay silent mode.
"Uh, it's nothing. It's just reminds me of something.."
At ano naman kaya yon?
Ay, wala na akong pakialam dun.
Tapos tumingin siya sa akin. "A public school."
Kinakausap ba niya ako!?
But..Aaarrgghh! Nakakainis ang hitsura niya! Parang nanglalait.
"I know."
Yown, nakaimik din ako sa wakas.
"A very poor school."
"So?"
“Lack of facilities.”
Pakilam mo ba?
"Not really," sige manglait ka pang damuho ka.
"Some students are iresponisible."
"Like you said..some students..but not all."
"Like you?"
Aarrgghh! Di ka pa ba titigil!? Akala ko ba silent mode ka!?
"Yeah. But dont worry, iresponsible nga yung iba pero hindi naman..ehem..matapobre sila. Di gaya ng iba!"
Hininaan ko talagang sabihin yung matapobre.
"Paano sila magiging matapobre kung pumapasok nga sila sa public school."
Ah, ah! Inuubos ng lalaking ito ang aking pasensya. Humanda ka sa akin.
Ngumiti ako ng fake.
"Maganda ang school na iyon kahit PUBLIC..di nalalayo ang pamamalakad katulad sa PRIVATE!"
"Pero, like i said before..they are lack of facilities..for examples the gyms, other sports activity like soccer field. And also a canteen, they have to go outside para lang bumili ng meryenda."
"I'm sorry to say but they have canteen inside. They also have gyms. But they dont have soccer fields dahil hindi naman uso yon!"
Haha. Kala mong pugita ka! Sige bumanat ka pa, pag ako napikon sayo!
"Rooms are not fully air conditioned."
Oh, come on! Patay ka sa banat ko.
"May bintana naman. Thats why hindi maiinitan ang mga studyante."
I said in a calmned voice.
Narinig ko nalang na tumawa na naman ang pusit! Kung anu-ano nalang ang itinatawag ko sa kanya no! Nakakainis na kasi siya. Ang galing manlait. Kala mo naman napaka ganda ng pinapasukang school..
Teka, san nga pala siya napasok?
Pweh! Pakilam ko ba sa pusit na yan!?
I'm not interested at all!
Sinimangutan ko siya.
Ngayon wala na akong ganang isubo pa ang pagkain ko.
Bwis*t kasing lalaking ito! Pagtawanan at laitin ba naman ang school na pinapasukan ko! At tsaka, ano namang pakialam niya kung dun ako pumapasok! Bakit kaylangan pa niyang laitin!?
Buti nalang may sariling mundo sina mama at tita Jane sa pagkwekwentuhan.
Pero mukang nakahalata na sila.
"Are you guys fighting?"
Tanong sa amin ni tita Jane.
"No, Ma. We’re just talking about her school."
Si pusit na ang sumagot.
Hindi na ako umimik. Nakakahiya naman sa harap ng pagkain kung makikipag away ako.
At nakakahiya naman kay tita Jane na inaaway ko ang kanyang nagiisang anak na pusit.
Psshh.
Tingin pa rin ng tingin.
Mali. Titig pala ng titig!
Sinamaan ko siya ng tingin sabay irap.
( --,)-->( --)
Sabay subo ko ng malaking pagkain.
Bigla namang tumayo si Jacky. Tapos na pala siyang kumain.
Hmp.
Tapos na rin naman na ako kaya tumayo narin ako. Tapos narin kumain sina mama at tita Jane kaya inisa isa ko ng ligpitin ang pinagkainan namin.
"Oh, Jacy boy. Tulungan mo naman si Ivan magligpit ng mga pinagkainan."
Eer? Tutulungan? E kayang kaya ko na ito e.
"Kaya na niya yan! Para yan lang e."
"Ano ka ba naman Jacy boy!? Bisita natin sila."
"I'm just joking ma."
Joke ba yun? Kakaibang joke yun ah.
Tss. Takot ka pala sa mama mo e! Dapat lang!
Lumapit siya sa akin ng malapitan at tinulungan ako.
Infairness, marunong..
Teka, kung wala pala silang maid dito, sino ang naglilinis ng kanilang bahay? Imposible namang si Jacy boy!
Parang matatawa yata ako!
Nasa lababo na kami at sinisimulan na naming hugasan ang pinggan. Kaso hindi maiwasang magkabunguan ang aming mga kamay.
Hindi ako kinikilig no!
Medyo lang. Hehe.
Hay. Yan na naman ang awkward situation.
At ngayon hindi na siya nagsasalita. Maigi naman.
Mas mabuti na yon kesa magkaroon pa ng gera between me and him.
Baka magkaroon pa ng world war three. Ay meron na pala, kanina lang nangyari.
Buti naman at natapos na kaming maghugas este ako lang pala kasi nung pagkatapos naming magsabon ako na ang pinag anlaw niya. Sumandal nalang siya sa lababo at pinanuod ako.
Aarrgh! Syempre ilang na ilang ako!
"Kung tapos na kayo dyan, Jacy boy ihatid mo na si Ivan sa kanyang magiging kwarto para makapag pahinga na siya."
Ha!? May sarili akong kwarto?
"Okay."
Ang tipid ah, di ko rin maintindihan to!
Silet mode nga pag minsan.
"Bilisan mo na rin diyan at gusto ko na rin magpahinga." Si Jacy boy.
Ay kalabaw! Ba't ba pag nagsasalita ito lagi akong nagugulat. Okay lang naman ang boses niya..
Gusto na raw magpahinga e halos wala namang ginagawa.
"Jacy boy, magpahinga ka na rin. Alam kong pagod ka."
Bwahaha. Kaylangan ko talagang pigilan ang sarili kong tumawa ng malakas. Natatawa pa rin talaga ako hanggang ngayon.
Jacy boy..ambwahaha! Nakakatawa talaga!
Teka, at san nga pala napagod itong Jacy boy na ito?
"Nag garden kasi siya. Alam mo namang napaka sipag ng Jacy boy kong ito!"
Eeng. Mag ina nga kami ni mama. Tinanong pala ni mama kay tita Jane kung bakit pagod si pusit.
Ahh..nag ayos pala siya ng garde--
Huwwat!? Siya ang nag ayos non? Di nga?
Ang galing naman niya kasi kanina nung pagkapasok ko na amazed talaga ako sa garden. E ang lawak pa nun! Nalinis niya yon ng mag isa?
Wow.
Kung ako di ko yun kayang gawin mag isa.
Siguro parang kaya ko pero aabutin yata ako ng maghapon.
Napatingin ako sa kanya.
Ngayon palang napapabilib na ako sa pusit na to.
E di siya na ang magaling mag garden.
Siya na!
Siya na!
"Ano ba? Tutulala ka nalang ba dyan o susunod ka sa akin?"
Ay pusit! Hayan, nag sungit na naman.
***
Sinamahan nga niya ako sa magiging kwarto ko.
Wow.
Ang ganda ng kwarto ko.
Weee. May medyo balkonahe pa. Dirediretso pala yun hanggang sa dulo, meaning, balcony ng lahat.
Ang ganda talaga.
Ang ganda ng structure ng house na ito. May glass door na slide pa tapos may nakalagay na magandang curtains.
Wooo. Ganda talaga.
At may sariling comfort room pa. Huwaw!
Kahit na kokonti pa lang ang gamit sa loob, maganda naman. Ito siguro ang nagsisilbing guest room nila.
Ang linis linis sobra.
Bale apat ang kwarto ng bahay nila kaya nagreresulta na tig iisa kami ng kwarto.
Napa tingin ako sa kanya. Di ko alam na nakangiti na pala ako sa sobrang pagka amazed.
Ngii! Naku po! Baka isipin ng pusit na to na nginingitian ko siya.
Argh! Ang sarap bawiin ng smile ko!
Medyo nabigla siya ng konti. As in konti lang. Napailing nalang siya tapos lumabas na siya kwarto.
As usual, seryoso ang face!
Hmp.
Medyo giniginaw ako kasi ang lakas ng aircon.
Hehe. Nasa number one lang pala. Sige. Aamin na ako, di ako sanay sa aircon.
I o-off ko nalang, tipid pa sa koryente. Wahehe.
Binuksan ko yung sliding door, actually kita naman ang labas kahit naka sara, fiber glass kasi yung salamin basta naka hawi sa pagitan yung kurtina.
Pumasok sa kwarto ko ang masarap na simoy ng hangin.
Hmmm..fresh air..
Wow.
Kitang kita dito yung buong village. Ang daming magagandang bahay. Mas maganda lalo siguro ito sa gabi.
Aayy!! Ang ganda ganda talaga dito..
Napatingin ako sa kaliwa sa may south ko kasi nakaharap sa west ang balcony and..
Totoo ba itong nakikita ko?
Huwaw!
T-teles..
TELESCOPE!!
Nasa may dulong kwarto yung telescope.
Bwahaha. Lagot ka sa akin telescope ka mamayang gabi! Ambwahaha.
Iiihh..lapitan nga kita!
Andyan na me!
*step-step-step-step..and..
Stop!
Teka.
Si Mr. Sunget slash Silent Mode slash Pusit yun ah!
Wiw, nagbabasa siya ng libro habang nakahiga pero nakasandal ang ulo niya sa headboard ng bed niya. Parang nagrerelax lang siya.
Mukang tinamad na siyang magbasa kaya binuksan nalang niya ang kanyang laptop.
Grabe!. Ang dami niyang mga gadgets sa kwarto niya.
May malaki pa siyang flat screen TV sa kwarto niya.
Tapos sa study table niya may kung anu-ano pang gadgets na hindi ko alam.
Hayy..iba na talaga pag mayaman..
Kung titingnan, simple lang ang kwarto niya.
May ilang poster din na nakakapit sa wall niya na hindi ko naman kilala kung sino ang mga tao sa poster.
Aaayyy! May isa pala akong kilala.
Si David Bek--
Aaayyy! Nakalimutan ko na! Basta! Magaling siyang football player.
Di naman kasi ako mahilig sa football. Nakalimutan ko na nga ang lastname ng David na yun e!
Iba ang gusto kong sports..
Basta.
Hindi mo lang maipagkakaila na lalaki ang may ari ng kwarto.
Teka..anu ba tong ginagawa ko!?
Namboboso ako ng masungit na pusit.
Eer, makaalis na nga lang!
Diyan ka lang muna telescope ha.
Lagot ka sa akin mamaya.
Bwahaha..
***