Killy's POV.
Hindi ko muna gagamitin ang Igley power ko kung hindi kinakailangan. Hindi ako sakim sa kapangayarihan kaya gagamitin ko na lang ito kung kinakailangan. Ayoko ng maulit ang nangyari kanina dahil nawala ako sa sarili ko no'ng pinapili ko si Mary Joy, naramdaman ko ang itim na aura na lumalabas sa aking katawan.
"I need to control myself." Pumasok na sa loob ng banyo at naligo. Hindi na ko nagmadali dahil kahit anong gawin ko hindi rin naman ako aabot sa tamang oras.
Yes, araw-araw akong late.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako. Sinuklay ang buhok ko at lumabas na sa aking kuwarto. Ginamit ko ang speed ability ko para mabilis makarating sa room pero pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Ma'am Joni na magtuturo sa harap.
Bumaling ang tingin niya sa akin at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Why are you late Ms. Killy?!" tanong ni Ma'am Joni habang nakataas ang kaniyang kaliwang kilay.
"Pagod ako Ma'am." Uupo na sana ako ngunit nagsalita ulit siya.
"Bakit? Ano ang ikinapagod mo?!" Naglabas ako ng isang malalim nabuntong-hininga at pinakalma ang aking sarili.
"Please Ma'am 'wag ka na lang magsalita. Mainiinis mo lang ako." Ang huling pangungusap na sinabi ko ay mahina lang. Ayoko talagang makipag-usap kahit kanino dahil...
Wala lang, ayoko lang.
"Bakit hindi?! Ako ang teacher mo at late ka sa klase ko!! Bakit hindi—" Hindi niya na natapos ang kaniyang sinabi nang bigyan ko siya ng masamang tingin. Bumakas ang gulat at takot sa kaniyang mukha.
"Hindi mo magugustohan ang susunod na mangyayari kapag nagsalita ka pa." Malamig ngunit nakakatakot kong sabi. Nagbutil-butil ang pawis sa kanyang noo senyales na kinakabhan siya.
Pathetic.
"C-Class d-dissmiss." Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang gamit at nagtatakbo palabas ng classroom.
Naupo naman ako sa upuan sa gitna ni Railey at Jane. Ginawa kong unan ang mga braso ko at ipinikit ang aking mga mata. Alam kong magtatanong sila kaya gumagawa ako ng paraan para maiwasan sila.
"Kill, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Jane.
"I'm fine." Walang gatol kong sagot.
"Sabay tayong kain mamaya nila Railey ha? Pwede ba?" tanong niya.
Naiinis ako kay Railey pero pinipigilan ko lang ang inis ko. Hindi ako ganito dati, hindi ako 'yung nagpipigil ng galit pero ngayon pinipigilan ko dahil maraming madadamay kapag hindi ko ito pinigilan at ayokong mangyari 'yon.
"Okay." Walang gana kong tugon.
"Sigurado ka bang okay ka lang Kill?" Ulit na tanong ni Jane.
Ang unli naman nitong babaeng 'to. Hindi ba siya kuntento sa isang tanong isang sagot?
"For the second time Jane, I'm fine," sagot ko. Inangat ko na ang ulo ko at idinilat ang aking mata, nakita ko silang nakatingin sa akin. May pag-aalala sa mga mata ni Jane habang si Railey naman ay ordinaryong nakatingin sa akin na para bang walang nangyari kanina. "I'm fine. Hindi mo ako kailangang alalahanin Jane."
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n sina Ryza, Marry Joy at 'yung isang babae kaninang umaga. Tumingin sila sa gawi namin at 'yung tingin ni Marry Joy sa akin ang talim. Banatan ko na kaya 'tong babaeng 'to? Naiinis na talaga ako sa kaniya!
"'Wag mo akong tingnan ng ganyan, alam mo bang naiinis ako o baka naman gusto mo pang iparamdam ko sa 'yo kung paano ako mainis," seryoso kong sabi.
"Kill, tama na." Saway ni Railey. Palibhasa kasi hindi niya muna pinagsasabihan 'yung kaibigan niya.
"Wag akong pagsabihan mo Railey, 'yang kaibigan mo! Nanahimik ako rito tingnan daw ba ako ng matalim. Kaya mas gusto kong mag-isa eh." Tumayo ako at lumabas ng room. Hindi na ako sinundan ni Jane dahil alam kong pinigilan siya ng mga 'yon. Pumunta muna ako sa kuwarto ko, sasusunod na class na lang ako papasok.
I need to take a chill.
Jane's POV.
Lumabas si Kill dahil sa inis. Naiintindihan ko siya, naiinis din ako kay Railey dahil si Mary Joy lagi 'yung pinapaburan niya. Tatayo na sana ako pero pigilan ako ni Railey.
"Hayaan mo muna siya," sabi ni Railey.
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko, gusto ko siyang sampalin sa sinabi niya.
"Hayaan? Alam mo bang maling-mali ka na Railey? Pinapaboran mo 'yung mali! Hindi mo kasi nararamdaman yung nararamdaman ni Kill! Hindi porket hindi siya nasasaktan at porket malakas siya hindi na ibig sabihin no'n na hindi na nasasaktan ang dadamin niya! Sana naman intindihin mo siya! Hindi 'yung iba lagi ang iniitindi mo!" Singhal ko sa kaniya. Lumipat ako ng upuan, ayokong lumabas dahil merong nagbabadya sa buhay ko. Kung hindi nila ako papansinin, e di 'wag! Bakit?! Kailangan ko ba sila?
Nang dumating na ang next teacher namin, hindi pa rin dumadating si Kill kaya nagkaroon na ng matinding kaba sa akin. Buong klase iniisip ko si Kill kasi baka may nangyari na sa kaniya. Kaya nsng nag-dismiss na 'yung teacher namin, lumabas kaagad ako ng room at pumunta sa kuwarto ni Kill. May nararamdaman akong nakasunod sa akin pero kapag tumitingin ako sa likod ko wala naman akong nakikita.
Mukhang mali 'ata na pumunta ako sa kuwarto ni Kill ng mag isa, pero kailangan kong magpakatatag para kay Kill.
Napahinto ako sa paglakakad nang may maramdaman akong kung ano sa leeg ko.
"Binalaan na kita na 'wag mong sasabihin kahit kanino ang plano ko." Narinig ko na naman ang kaniyang boses.
"Pwede ba tigilan mo ako Jemuel? Wala akong panahon sa mga katarantaduhan mo." Umirap ako sa hangin. Kabanas 'tong lalaking 'to, pasalamat siya hindi ko kayang pumaslang.
Hindi ngayon.
"Wala rin dapat akong panahon sa 'yo pero nang nalaman mo 'yung plano namin nagkaroon ako ng interes sa 'yo—interesado akong paslangin ka." Mas lalo niya pang inilapit ang patalim sa aking leeg. Nagbutil-butil na ang pawis sa aking noo, pakiramdaman ko nawala lahat ng tatag ko at napalitan ng kaba.
"Bitawan mo siya Jemuel. Ang babae hindi sinasaktan, minamahal 'yan." Nang marinig ko ang kanyang boses, nabuhayan ako ng loob.
Inalis na ni Jemuel ang patalim na nakatutuk sa aking leeg at hinarap ang may-ari ng boses.
"Ikaw pala. Nagkrus na naman ang landas natin. Tadhana nga naman," nakangising sabi ni Jemuel
"Araw-araw mo akong pinasusubaybayan sa mga kamiyembro mo at alam ko 'yon." Nanlaki ang mata ni Jemuel sa narinig niya. "Shock? Ewan ko nga sa 'yo Jemuel kung bakit ginagawa mong security guard 'yong mga kamiyembro mo, bakit nga ba?" Ngumisi ito ng nakakaloko kaya bumakas sa mukha ni Jemuel ang inis.
"Alam kong alam mo na kung bakit." Ngumisi naman si Jemuel pero halata parin sa mukha niya ang inis. His smirk is not enough to hide his annoyance.
"So totoo nga 'yung sinabe Jane? Na may balak ka sa akin." Sumeryoso ang mukha nito. Ramdam ko ang nakakatakot niyang presensiya. "Kung ako sa 'yo hindi ko na ituloy ang plano mo, dahil hindi mo magugustohan ang mga igaganti ko sa 'yo. It's either makakasama mo si kamatayan o makakasama mo si El Diablo Nightblood." Kinakabahan na ako dahil nakakatakot ang boses niya. Maging si Jemuel ay halatang natatakot na.
"Ms. Killy, alam mo bang bawal lumiban sa oras ng klase?" Ang boses naman naman ni king ang nangibabaw.
Lumuhod kami sa harap niya bilang paggalang pero si Killy ay nanatili pa ring nakatayo.
Ano ba ang ginagawa niya? Kaya siya napapahamak eh!
Killy's POV.
Lumuhod si Jemuel at Jane sa harap ni Liam pero ako ay hindi. Remember? Mas kagalang-galang ako kaysa sa kaniya.
"Wala ka ba talagang galang?" Walang emosyong tanong ni Liam.
"Galang? Ano 'yon? Nakakain ba 'yon?" tanong ko.
"Hindi kinakain ang salitang paggalang," sabi ni Liam.
"Hindi naman pala eh, so wala akong pakialam do'n." Tinarayan ko siya tapos hinila ko patayo si Jane at umalis doon. Dinala ako ng mga paa ko sa may canteen, siguro dahil gutom na ako. Limang minuto na lang rin naman at recess na.
"Galit ka ba sa akin?" tanong ni Jane. May lungkot sa kaniyang boses.
"Hindi, saka bakit naman ako magagalit sa 'yo?" Abnormal din 'to minsan.
"Talaga?"
"Oo," tugon ko.
"Ma'am ano po ang order n'yo?" tanong nung waiter. Nagkatinginan kami ni Jane at sabay na ngumisi.
"Palabok." Sabay naming sabi.
"Ah, ma'am wala po kami no-" hindi niya na natapos ang sinabi niya ng tingnan ko siya ng masama.
"E di gumawa ka! Wala akong pakialam kung hindi n'yo kayang gawin, basta gawin n'yo!" Pagtataray ko. Nag-bow na lang 'yung waiter at umalis na.
"Kill, pagpasensyahan mo na si Railey, ganon lang talaga siya. Mas matagal niya kasing nakilala si Mary Joy," sabi ni Jane sa malungkot na tinig.
"Okay lang 'yon. Naiintindihan ko naman 'yung sitwasyon, kung mas matagal lang sana akong nakapasok dito e di sana mas matagal ko na kayong kilala." Nakakatuwa lang na ang bait ni Jane. Hindi katulad ni Mary Joy na ang sarap baliaan ng leeg.
"Ma'am ito na po yung order n'yo." Ibinaba nung waiter yung order namin at umalis na. Bilis ah, paano kaya nila nagagawa 'to?
"Nagtataka ako kung bakit ang init ng dugo sa 'yo ni Mary Joy,hindi naman siya ganyan date, tuwang-tuwa pa siya kapag may mga baguhan dito sa HBA," sabi ni Jane.
Oh? Weird. Bakit sa akin galit na galit siya?
"Baka naman may nawalang tao sa buhay niya," sabi ko.
Just a guess.
Iniisip ni Jane kung may ganon nga at bigla siyang tumingin saakin at nanlaki ang mata niya.
"Bakit may problema ba?" Umiling-iling ito na para bang inaalala ulit.
"Sabi ko na nga ba 'yon ang dahilan." Hindi ko siya maintindihan. Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to? Nabubuang na ba siya? Ay! Matagal na pala siyang buang.
"Ha?"
"Kaya pala ang init ng dugo sa 'yo ni Marry Joy dahil kay Esperanza." Ano naman ang kinalaman ko sa Esperanza na 'yon? Ni hindi ko nga siya kilala.
"Esperanza? Sino 'yon? Hindi ko naman siya kilala." Sabi ko habang nakakunot ang noo.
"Siya ay-" hindi na natapos ang sinasabi ni Jane ng biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang recess.
"Dalian n'yo! Baka mahuli tayo ni king!"
"Dalin n'yo nga! Si king paparating na!"
"Dali-dali!"
Nagkakagulo ang mga half blood students dahil sa padating ang King? Ano namang kinalaman niya?
"Dalian na natin babalik na ang king, kailangan nating pumunta sa Gymnasium." Hinila ako ni Jane at nagpahila naman ako.
Ano ka ba talaga king? Bakit takot na takot ang lahat sa 'yo? Ikaw lang naman ang King ng school na 'to at wala ng iba, bakit takot sa 'yo ang lahat?!
Itutuloy.