Half Blood Academy (School Of...

By Cavathepurple

1.8M 49.8K 3.1K

[COMPLETED] Isa itong paaralan na hindi maaaring makita ng isang ordinaryong tao. Tanging mga Half Bloods lan... More

READ THIS FIRST
Cast
Synopsis
Chapter 1: Expelled
Chapter 2: Forgiven
Chapter 3: New school?
Chapter 4: Welcome to Half Blood Academy
Chapter 5: Groups
Chapter 6: Meet Jane Varona
Chapter 7: Royal Families
Chapter 8: The story of Killy's room
Chapter 9: Meet the King
Chapter 10: Queen
Chapter 11: Edwin Vam Lee
Chapter 13: Plan
Chapter 14: Finding Legendary Igley
Chapter 15: The Legendary Igley
Chapter 16: Esperanza
Chapter 17: The King is back
Chapter 18: Trouble and bad news
Chapter 19: Bully
Chapter 20: Bully II
Chapter 21: Announcement
Chapter 22: Can't say
Chapter 23: Partner
Chapter 24: Dark students
Chapter 25: Meeting
SCARLET EYE
Chapter 26: Sexual Harassment
Chapter 27: Seen zone
Chapter 28: Welcome to Half Blood Academy, Prince Zack.
Chapter 29: Lintik lang ang walang ganti!
Chapter 30: I like you
Chapter 31: Dance Practice
Author Note (MUST READ!!)
32: Mask Party
33: Mask Party
34: Mask Party
35: Mask Party Cancellation
Chapter 36: Extraordinary power
Chapter 37: Where are you Jane?
Chapter 38: Fight for Jane.
Chapter 39: El Nebre
Chapter 40: I hate you
Chapter 41: First kiss
Chapter 42: Shanlee's feelings
Chapter 43: Day with him
Chapter 44: Sword
Chapter 45: Killy's feelings
Chapter 46: My boyfriend
Chapter 47: I'm sick
Chapter 48: HBA hospital
Chapter 49: Kasalanan mo
Chapter 50: Ako na lang ba lagi?
Chapter 51: The illusion
Chapter 52: Goodbye but I will return
Chapter 53: Goodbye but I will return (Part 2)
Chapter 54: The celebration of Jane and Railey
Chapter 55: The return of the Scorpions
Chapter 56: Paralyzed
Chapter 57: Juliuse hidden love
Chapter 58: Juliuse happiness and Jessie's hurtness
Chapter 59: Dead
Chapter 60: The four elemental jewelry
For My Readers (Please Read)
Chapter 61: Opened in reality
Chapter 62: Jessie's anger
Chapter 63: Plan A, Plan B, Plan C
MISSION I:GOING TO MT. SARDONA
MISSION I:TWO WAY OR TO DEATH
MISSION I:MY BLOOD
MISSION I:THE FOREST OF TRAPS
MISSION I:ZOMBIE CITY
MISSION I:HOT AND COLD MOUNTAIN
MISSION I:THE DISASTER
MISSION I:GAME OVER
MISSION I:KILL THE LEADER
MISSION I:ALIVE
MISSION I:SARNA'S KINGDOM
MISSION I:THE THIEFS
MISSION I:MISSION FAILED
Chapter 77: His beerday party
Chapter 78: Mystery singer
Chapter 79: She's back
Chapter 80: New Killy
Chapter 81: Princess new rule
Chapter 82: Changes
Chapter 83: Welcome new half blood students
Chapter 84: Lisha and Luke
Chapter 85: Practice makes perfect
Chapter 86: Lisha vs Luke
Chapter 87: Same
Chapter 88: Surprise test
Chapter 89: Laging war
Chapter 90: New members of Spiders
PASILIP #1
PASILIP #2
Chapter 91: ELLAntod
Chapter 92: Suspicion
Chapter 93: Death threats
Chapter 94: Meet his parents
Chapter 95: Break up
Chapter 96: Hinala
Chapter 97: Save her
Chapter 98: Forever
Chapter 99: She's really back
Chapter 100: El Nebre thingy
Chapter 101: El Nebre, meeting and plans
MISSION II:GOING TO ENCHANTED FOREST
MISSION II:MEET MY MAMA
MISSION II:THE HARDEST TRAINING
MISSION II:THE START
MISSION II:THE MIDDLE OF THE TRAINING
MISSION II:THE FINAL TRAINING
MISSION II:HERE WE ARE ENCHANTED FOREST
MISSION II:THE GOLDEN DRAGON
MISSION II:THE EL NEBRE
MISSION II:EL RICA
Chapter 112: Save her
Chapter 113: One of the Royal Families
Chapter 114: The truth
Chapter 115: Ryza's decision
Chapter 116: Traitor
Chapter 117: Queen's Birthday
Chapter 118: Her death
Chapter 119: Ryza and Jessie's case
Chapter 120: Preparation (Part I)
Chapter 120: Preparation (Part II)
Chapter 121: War
Chapter 122: Lamela, Khey Lloyd and Katalina
Chapter 123: Jemuel's Father
Chapter 124: Sacrifices
Chapter 125: The end
Epilogue
BOOK 2

Chapter 12: Tagabantay

23K 721 9
By Cavathepurple

Killy's POV.

"Vam." Tawag ko sa kaniya.

"Bakit?"

"Matanong ko lang, bakit ba may pumapatay sa school na 'to?" tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya nang marahan.

"Dahil 'yon sa dating King."

"Dating King?" So mayro'n pa pa lang dating king maliban sa king ngayon.

"Oo, maliban sa king ngayon may dating king pa at ang king na 'yon ang nagpatupad na puwedeng pumatay sa umaga. Maging ang pasok natin na gabi, siya rin ang may gawa no'n. Kaya lahat ng istudyante rito ay galit sa kaniya." Ang cool niya kaya! Eh, bakit 'yong King ngayon parang walang nagawa? May aasahan ka ba sa manyak na 'yon?

"Anong nangyari sa dating King?" tanong ko

"Patay na siya." Nag-iwas nang tingin si Vam nang sabihin niya iyon.

"Bakit siya namatay?" Ang daming tanong sa isip ko.

"Aalis na ako may kailangan pa kasi akong gawin." Ang k.j naman nkto ni Vam, pero parang iniwasan niyang pag-usapan ang dating King.

"Vam, 'wag ka magagalit ha? May napapansin kasi ako sa 'yo..." sabi nga nila, curiosity kills.

"Ano 'yon?" tanong niya

"May koneksyon ka ba sa dating King? Kaano-ano mo ba siya? Saka bakit umiwas ka noong pinag-usapan natin siya kanina?"

"Malalaman mo rin 'yon, pero hindi pa ngayon." Bigla na lang siyang nawala at napagtanto ko na lang na nakabukas na ang bintana. Siguro doon siya dumaan.

Napabuntong-hinga na lang ako at humiga sa kama. Hindi ko maintindihan! Malalaman ko rin naman pala 'yong tungkol sa dating king pero bakit ayaw niya pang sabihin ngayon? Bakit hindi pa ngayon?

King? Bakit may gano'n sa school na 'to? Bakit 'yong mga school na napasukan ko ay wala namang gano'n?

Napatayo ako sa pagkakahiga sa kama nang marinig ang ilang katok sa aking pinto. Baka naman si Jane lang 'yong kumakatok, pero imposible! Takot siyang lumabas ng umaga. Sino naman kaya 'tong nilalang 'to?

Nang buksan ko ang pinto, nagulat ako nang bigla niya na lang akong tapatan ng patalim sa aking leeg.

"Subukan mong mag-ingay, itatarak ko 'to sa leeg mo." Pagbabanta ng lalakeng nakamaskara at may tattoo siyang scorpion sa kaniyang leeg

"Eh di gawin mo." Itinapat ko naman sa kaniyang leeg ang matalim kong kuko pero hindi ko pa man siya nadidikitan nang bigla na lang itong naging abo.

Teka! Anong nangyari? Napatingin ako sa aking likuran nang may maramdaman ako at laking gulat ko nang makita ko ang....

"K-Killing Shadow..." Hindi ako makapaniwala! Ang akala ko hindi totoo ang sinabi ni Jane at namamalikmata lang siya no'n pero mali ako at tama si Jane.

"Ayos ka lang ba princess?" Nagsasalita siya? Pero paano?

"Sino ka at paano mo ako nakilala?" Biglang humangin nang malakas at sumara ang pinto. Hindi ako nakakaramdam ng takot sa aninong 'to. Hindi ko alam kung bakit.

"Ako ang iyong tagabantay, princess. Isinugo ako ng iyong ama para bantayan ka," sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit? Wala bang tiwala si Dad sa kakayahan ko?" Medyo nakaramdam ako ng inis. Parang ako lang sa aming dalawa ni kuya ang laging binabantay. Kaya sinikap ko maging isang magaling na half blood, pero bakit gano'n? Ramdam ko pa rin na hindi pa sapat ang kakayahan ko.

"Hindi, malaki ang tiwala sa 'yo ng iyong ama pero may isa siyang dahilan kaya niya ako isinugo." 'Yon naman pala, eh. Malaki naman pala ang tiwala sa akin ni Dad, sadyang nag-oover react lang ako.

"At ano naman ang dahilan na 'yon?" tanong ko

"Malalaman mo rin iyon pero hindi muna ngayon." Isa rin 'to, eh! Parang si Vam. Bakit ba ayaw pa nilang sabihin?! Pa-suspense pa. "Huwag kang mabahala, malapit mo na iyong malaman dahil malapit na rin silang sumalakay kaya mag-ingat ka princess." Biglang na lang itong nawala ng hindi man lang niya sinasabi ang kanyang pangalan.

"Sandali ano ang iyong pangalan?!" Sigaw ko. Nagbabakasakali akong marinig niya pa ako.

"Tawagin mo na lang akong tagabantay." Narinig ko ang kaniyang tinig sa aking taenga. Masaya ako na mayroong nagbabantay sa akin.

Ngunit tama siya. Mukang kailangan ko na ngang mag-ingat minsan may nararamdaman akong kakaiba na may nakamasid sa akin mula sa malayo at hindi sila mga istudyante rito.

Nakakatamad naman dito. Mapuntahan na nga lang si Jane, maggagala na lang kami. Wala na rin naman akong gagawin dito.

Lumabas na ako at pumunta sa kuwarto ni Jane. Kumatok muna ako sa pinto ng kuwarto niya, baka matakot siya at himatayin kapag pinuwersa kong buksan ang pinto ng kuwarto niya.

"S-Sino 'yan?" Halata sa boses ni Jane ang takot.

"Ako 'to Jane, si Killy." Binuksan niya ang pinto at laking gulat niya ng makita ako.

"A-Anong ginagawa m-mo rito?" Hindi ko na gusto ang tono ng boses ni Jane, kaya naman binasa ko ang isip niya dahil alam kong hindi niya sasabihin sa akin ang bumabagabag sa kaniya.

'Anong gagawin ko? Kapag sinabi ko kay Kill ang balak nila siguradong papatayin nila ako, pero kapag nahalata ni Kill na may bumabagabag sa akin siguradong magtatanong siya sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!'

So may bumabagabag nga talaga sa kaniya. Kaya pala hindi niya ako matingnan ng maayos.

"Hindi mo kailangan magtago sa akin ng sekreto. Sino ba ang may balak at ano ang balak nila Jane sabihin mo sa akin," seryoso kong sabi. Bigla niya akong niyakap at umiyak siya. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon kaya nagulat ako.

"Sorry, sorry K-Kill. Tinakot nila a-ako kaya h-hindi ko nasabi s-sa 'yo kaagad. S-sorry! Sorry! Sorry!" Paulit-ulit siyang nagso-sorry sa akin ng hindi ko naman maintindihan ang ibig niyang sabihin. Hinarap ko siya sa akin at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa kaniyang pisngi.

"Shh... Tahan na. Okay? Gusto kong malaman kung ano ang ibig mong sabihin para maintindihan kita." Napatingin siya sa akin at tumulo na naman ang luha niya.

"D-Doon k-ko n-na lang s-sabihin s-sa h-headquarters n-ng S-Spiders."

"Sige, pero' wag ka ng umiyak, okay?" Tumango siya.

Naglakad kami papunta sa headquarters ng Spiders. Napansin kong nanginginig ang katawan ni Jane kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"'Wag kang mag-alala, hangga't nasa tabi mo ako hindi ka nila masasaktan. Sisiguraduhin kong mamamatay muna sila bago ka nila masaktan." Ngumiti siya sa akin at nagpatuloy na kami sa pagtahak ng daan patungong Spiders Headquarters.

Medyo marami rin kaming nilikuan pero nakarating din naman kami kaagad sa pupuntahan namin. Isang malaking pinto ang nasa harapan namin ngayon. Kumatok muna si Jane at mayamaya ay may nagbukas ng pinto.

"Jane, ikaw pala. May kailangan ka ba?" tanong ng isang babae. Napadako ang tingin niya sa akin at tinaasan ako nang kilay. Hindi ko na lang siya pinansin dahil ayoko ng gulo.

Pero kung pipilitin niya ako—sige pagbibigyan ko siya.

"Bawal ba akong pumason sa loob?" tanong ni Jane.

"Puwede naman. Sige pasok kayo." Pumasok na kami sa loob ni Jane. Napatingin ako sa lalake na ang daming ginagawa.

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig niyang tanong ngunit hindi niya ako binabalingan ng tingin kaya hindi ko siya pinansin.

Pero ang mas ikinagulat ko ay nang makita ko si Vam dito. Nakita niya rin naman ako at mukhang katulad ko ay nagulat din siya at nagtataka.

"Lly? Anong ginagawa mo rito?" Ngumisi siya na parang may binabalak. "Na-miss mo kaagad ako babe?" Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Wala akong panahon sa kakulitan mo Vam. Hindi ikaw ang sadya ko rito," sabi ko at naglakad papaunta sa table ni Railey. "Dahil ikaw ang sadya ko." Napatingin siya sa akin at lumingon pa sa likod niya upang makasigurong siya nga ang tinutukoy ko.

"Ako?" Sabay turo sa sarili niya.

"Ay hindi! Ayon 'yong bintana 'yong tinutokoy ko. Obvious ba? Malamang ikaw." Sumasakit ang ulo ko sa lalaking 'to!

"Bakit? Ano ba iyon?" Napatingin siya sa babaeng nasa likod ko. "'Wag mong sabihin na tungkol ito kay Jane?" Matalino siya pero mas matalino ako.

"What's happening here?" Isang lalake ang lumabas galing banyo. "Oh! We have visitors. Hello Ms.beautiful, can I have your name?" Biglang tinulak ni Vam 'yong lalake.

"Layuan mo siya Jessie dahil kung hindi mamamaalam ka na sa mundo!" Pagbabanta ni Vam doon sa Jessie.

"Sorry na dude, parang tinatanong lang naman 'yong pangalan niya, eh." Wow! Parang boss dito si Vam, ah. "So miss, can I have your name?" ulit nitong tanong.

"Puwede mong malaman pero hindi mo puwedeng kunin. Ako si Killy, Kill, Lly or Ly for short." Pagpapakilala ko.

"What a cool name." Lumapit sa akin ang isang babae. "Ako nga pala si Mary Joy." Pagpapakilala niya.

Biglang bumakas ang pinto at iniluwa no'n si Juliuse na ang sama ng tingin sa akin.

Teka! Teka! Anong ba ang ginawa ko sa kaniya? Bakit ang sama ng tingin niyang sa akin?

"Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?" Malamig ang tinig niyang tanong.

"'Wag kang mag-alala, hindi ikaw ang pinunta ko rito." Tumingin ulit ako kay Railey dahil napapalayo na kami sa tunay na dahil kung bakit kami naririto. "Jane, magsalita ka na," sabi ko kay Jane. Lumunok muna siya ng dalawang bese bago nagsalita.

"May binabalak si Jemuel k—" Hindi na tapos ang sinabi ni Jane nang biglang tumayo nang marahas si Railey.

"Wala na talagang magandang ginagawa 'yan si Jemuel." Balak niya na sanang umalis pero pigilan ko siya.

"Huminahon ka. Hindi naman si Jane ang binabalakan niya ng masama kun'di ako." Namula si Railey, hindi ko alam kung sa kahihiyan o dahil may gusto siya kay Jane.

"Ikaw? Binabalakan niya ng masama? Subukan niya lang talaga na saktan ka tatanggalin ko mukha niya!" ani Vam na ikinatawa ko ng marahan. "'Wag ka ngang tumawa! Nasa panganib na nga ang buhay mo tumatawa ka pa!" Inis na sabi niya sa akin.

"Ang OA mo, 'wag kang mag-alala hindi niya ako masasaktan." Kinuha ko ang kutsilyo sa may gilid ng lababo at itinapat sa pulso ko "Watch." Nilaslas ko pulso ko na ikinagulat nila.

"Bakit mo ginawa 'yon?!" Hiniwakan niya ang pulsuhan ko. Nilagyan niya pa ng panyo ang pulsuhan ko dahil dumurugo na ito.

"OA mo talaga, eh, 'no?" Inalis ko ang panyo na nasa pulso ko. "Walang mangyayari sa akin dahil kusang gumagaling ang mga sugat sa katawan ko." Paliwanag ko sa kanila.

"Parang may sariling buhay ang kaniyang katawan. kaya Vam, 'wag ka mag-over react," sabi ni Railey. Namula si Vam na ikinatawa ng lahat.

"Pero si Jane, sigurado akong kapag nalaman ni Jemuel na sinabi sa akin ni Jane 'yong balak nila. Si Jane ang mapapahamak, papatayin nila si Jane." Seryoso ang pagkakasabi no'n ni Mary Joy. Mukhang siguradong-sigurado nga siya sa gagawin ni Jemuel.

"Na hindi ko hahayaang mangyari. Dadaan muna siya sa akin bago niya masaktan si Jane." Nagkaroon ng matinding katahimikan sa loob ng kuwartong 'to pagkatapos sabihin 'yon ni Railey.

"Ehem! Puwede ba? Nakakabingi na ang katahimikan, puwede magsalita. Hindi 'yon nakakamatay." Pagbasag ko sa katahimikan.

Pinalibutan nila ako para malaman kung ano ang sasabihin ko. Kailangan namin ng plano para maprotektahan si Jane.

Hindi ko alam kung bakit pati si Jane dinadamay mo, Jemuel. Sa pagkakaalam ko kasi tayong dalawa lang ang naglalaro.

Isang malaking pagkakamali ang ginawa mo.

Itutuloy.

Continue Reading

You'll Also Like

314K 12.6K 64
Dahil hindi matanggap ni Jiwon Natividad ang unjust death ng kanyang ina, sikreto niyang inimbestigahan ang cold serial murder case. Nangalap siya ng...
53.9K 3.5K 27
MURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was s...
21.4K 1.2K 26
MURDER SERIES #02 After the incident, the government decided to cross out Dolorous Academy in the list of their prestigious schools for having highes...
5.2K 202 31
Demons vs. Demons There are 4 demonic symbols around the world, heart, club, spade and the most powerful of all, DIAMOND. Their unity can change the...