Yannie
1 message receive**
09162345678
Hi? Number po ba ito ni Ms. Yannie De Leon?
Iyan ang nabasa kong message pagkatapos na pagkatapos kong maligo, sino naman kaya to at mukhang importanteng importante ang text nito kaya rineplyan ko
To 09162345678
Opo ako nga po. Ano pong meron?
Tamang tama naman na nagpaload ako kaya magrereply ako. Maya maya pa'y nakatanggap na naman ako ng reply mula sa numerong iyon.
1 message receive**
Opens**
Hi! This is Bernadette Ramirez, SSG president ng Roxas High School, Remember?
(That school name is just made by me)
Natatandaan ko si Bernadette, minsan ko na din siyang naging friend nung gigh school kaya naman nag reply ako.
Oo naman Bernadette! O ano meron at napatext ka? May outing ba?
Di naman kasi magtetext ang isang to kung walang ganap sa dati kong school e. Napakaactive niya pa din pala sa dati naming school.
Exactly! Yung 4th year batch natin,Sama ka ha? Miss ko na din kayo e, para naman may bonding tayo after graduation.
Naexcite naman ako dun bigla! Yes! Mamimiss ko din mga High school friends ko!
Sure! Sure! Sasama ako syempre, sasama din ba sina Kamille?
--Oo naman, pumayag na din sila kahapon ko pa silang ininform, then u know what? Sasama din si Jai, yung High School crush mo, akala mo di ko alam? Haha
May nalalaman din pala itong babaitang to about dun, excuse me? Dati yun noh after nung pag ligaw niya sa akin na pinahinto ko din agad, anong dahilan? Nung nalaman ko sa isa sa mga kaibigan nito na gusto lang pala akong manyakin ng hinayupak na Jai na yun agad ko itong pinatigil!
Before yun Bernadette! Haha so saan ba ang venue?
--At Paradise Villa Resort, don't worry about the expenses sagot naman na ng RHS e.
Maganda yan! Libre lahat hahahaha so im comiiing!
And its week end, ito na yung araw ng outing namin na batch, dalawang araw lang naman kami doon dahil may mga klase pa kami at okay din naman yun para sa amin susulitin nalang namin yung dalawang araw
So its 5 am in the morning at ready na ready na ako, halatang excited ba? Aba syempre namimiss ko na sina Kamille noh!
Kaya naman ay tinawagan ko na si Kamille kung nasaan na ba siya, nakuha ko din ang number niya kay Bernadette nung isang araw at nakapagusap naman na kami ni Kamille matapos mabigay ni Bernadette ang number niya.
Calling Kamille**
Di naman nagtagal ay sinagot din ako nito, buti nalang!
"Huy Kams!! Asan ka na ba ha? Wag mo sabihing kakagising mo lang dahil mapipilitan akong puntahan ka jan at kaladkarin ka na nang walang ligo!"
"Ano ka ba naman Yannie, ang aga aga ang ingay mo, on the way na akong school, e ikaw where are you na ba?"
"Im on my way na din, lakas maka english e! Harvard ka ba nag college ha? Don't me nga!"
"O siya siya napapraning ka na naman e, bilisan mo at mag breakfast na muna tayo sa Mcdo malapit sa RSH alam ko namang late din darating ang iba e"
"Okay fine! Pero sagot mo ha? Limited lang dala kong baon e, alam mo naman para sa gamot pa ni nanay"
"Hahaha sure thing! Ako nang bahala"
Matapos kong patayin ang tawag ay sumakay na ako ng taxi at nagpahatid na sa Mcdo malapit sa school, buti nalang at maraming dumadaan ng maaga
Pagbaba ko nakita ko naman agad si Kamille na kakababa lang din mula sa sasakyan nito tapos nakita niya ako at kumaway naman sa akin
"Yannieeeeee!!! Omg!!!!! At last! After graduation nag kita na din tayo, omoooo I miss you!" Sabay yakap nito sa akin, di halatang masyado ako nitong namiss
"Miss na miss na din kita Kams!" Ginatihan ko din ito ng yakap haaays memories with old friends is one of the thing in this world that you can treasure the most, pak english! Hahahaha
Kumain kami ni Kamille tutal masyado pa namang maaga para sa 6:30 am na sinabi sa amin ni Bernadette, napasarap din kasi ang kwentuhan namin ni Kams ang dami niyang kinukwento sa akin na may nanliligaw na daw sa kanyang basketball player from Ateneo which is nakakaduda lang dahil man hater itong si Kamille e, well, people change nga naman.
Maya maya pa'y nakatanggap ako ng message, i mean siguro parehas din kami ni Kamille na nakatanggap nung message dahil galing iyon kay Bernadette
From Bernadette
Guuys its already 6 am, I am expecting those who are in their way to settle up here in less than 10 mins, kailangan nating makaalis ng maaga. Thank you!
"Natanggap mo na din ba message niya?"
Tanong ko kay Kamille
"Oo, so tara na?"
Tumango ako at nauna nang tumayo, matapos ay tumungo na kami ni Kams sa RSH. Nadatnan namin ang iba pa naming mga ka-batch nung 4th year high school na nagsisimula nang maghanap ng pwesto sa bus na sasakyan namin,
Pagdating na pagdating namin sa harap ng bus nakita naman kami kaagad ni Bernadette na siyang pagbati nito sa amin ng mabilisan
"Hey! I miss the both of you" sabi nito at agad na niyakap kaming dalawa ni Kamille
"Naku naman Bernadette parang kahapon lang yung graduation natin e" sabat naman ni Kamille
"Akyat na tayo guuuys mamaya na tayo mag chikahan hmm?"
Lahat naman sila ay nag agree sa akin kung kaya umakyat na kami at sumunod nalang si Bernadette nung nasiguro niyang nakaakyat na lahat ng iba pa naming kasama
After 1 and a half hour narating na din namin finally ang Paradise Villa Resort
Kulang ang mga salitang, Wow, Amazing, and Beautiful sa lugar na ito dahil para sa akin ay paraiso nga ito
"Kaaaams, ang ganda!" Di ko na napigilang sabihin iyon sa katabi kong kagigising lang.
"Hmm, I agree" sambit niya habang nagpupulbo
"Guuuuys, As you can see were already here and I'll add some instructions para mas mag enjoy pa tayo, alright? So first of all, sumama kayo dito dahil hindi para maging kj, second is mas masaya kapag sama sama sa lahat ng activities na gagawin natin walang maghihiwalay ang landas except kung free time natin like, break ganyan and lastly enjoy the stay hmm, so everybody are you ready?" Lahat naman ng nasa bus ay naghiyawan except samin ni Kamille well of course na amaze naman kami
Pagbaba namin ng bus ay kanya kanya nang dala ng mga gamit at kung ano ano pa, naramdaman ko namang may umakbay sa akin kaya napalingon ako agad
"Jai?" Nagulat ako well expected ko namang dadating siya pero hindi ko in-expect na you know kakausapin niya ako for pete's sake i Just rejected the most popular heartthrob way back highschool
"Miss me babe" mayabang pa din pala to hanggang ngayon tss
"Tss, Bitawan mo na ako" sabay tanggal ko sa pagkakaakbay niya at umalis na, hindi ko pa din talaga gusto ang guts ng isang iyon
Kinagabihan ay sabi ni Bernadette na magpahinga nalang daw muna kami para may lakas kami bukas sa mga activities kaya kanya kanya nang pagpunta ng designated room, each room kasi ay may tig apat na tao ang kinuha ni Bernadette at siyempre silang dalawa ang kasama ko sa room and yung Mika na friend ni Bernadette
Lumabas muna ako ng room to catch some fresh air, namimiss ko na din kasi agad si nanay e, syempre di din kasi ako nasanay na iwan siya e kaya naisio kong tawagan siya
Matapos ang ilang ring ay sinagot namn niya ito
"Hello po nay!" Masiglang bati ko syempre para alam niyang okay ako
"Anak, kamusta ang lakad ninyo?"
"Naku nay sobrang nakakapagod po pero ang saya naman, teka uminom na po ba kayo ng gamot?"
"Syempre naman anak, ikaw bata ka ha, huwag na huwag kang magpapalipas ng gutom naku sinasabi ko sayo"
Natawa naman ako, si nanay talaga
"Opo nay, sige na po babalik na po ako sa kwarto namin"
"O siya ingat ka ha? Mahal ka ni nanay"
"Opo nay, I love you too" tapos narinig ko nalang ang pagputol ng linya haaays
Pabalik na ako ng room namin ng may humila sa braso ko, ano ba naman to!
Paglingon ko bahagya pa akong nagulat ng makita ko si Jai na mukhang nakainom
"Jai? Anong ginagawa mo rito? Girls room ang nandito!'
Ngumisi naman siya sa akin, oh no! Trouble na naman ba to, kinikilabutan ako sa ngisi niyang iyon
"Ano ka ba naman Yannie, pagbigyan mo nalang ako, ang tagal ko ng nagtitiis sa yo a, ano bang wala ako at di mo ako magustuhan?" Sigaw niya sa akin
"Wala Jai, Wala! Kay bitawan mo na ako!" Nagpupumiglas ako pero lalo lang itong lumalakas, ano bang nagyayare kay Jai
Nagulat ako nang bigla niya ako hawakan ng madiin sa braso at kinaladkad nalang bigla sa kung saan
"Ano ba Jai! Bitawan mo na ako!"
Natatakot ako! Sobrang natatakot ako, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil dinala niya ako sa wala man lang katao tao, walang bang security guards na naglilibot dito?
"Tuloooong! T-tulungan niyo po—"
Napatigil nalang ako ng daganan diya ang tiyan ko at tinakpan ang mga bibig ko
"Shut up you bitch! Ill make sure walang makakarinig sayo rito at masosolo din kita!" Sigaw niya, nagpupumiglas ako pero sobra na din akong nanghihina
He started kissing me to god knows where, wala na akong ibang naiisip pa kundi ang pano makawala sa lalaking to
Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa
"Hey pervert man! You're here in my territory so let her go or else I swear to god, your parents would not be able to recognize your own face! You son of stinky ass!"
To be continued!!