Half Blood Academy (School Of...

By Cavathepurple

1.8M 49.8K 3.1K

[COMPLETED] Isa itong paaralan na hindi maaaring makita ng isang ordinaryong tao. Tanging mga Half Bloods lan... More

READ THIS FIRST
Cast
Synopsis
Chapter 1: Expelled
Chapter 2: Forgiven
Chapter 3: New school?
Chapter 4: Welcome to Half Blood Academy
Chapter 5: Groups
Chapter 6: Meet Jane Varona
Chapter 8: The story of Killy's room
Chapter 9: Meet the King
Chapter 10: Queen
Chapter 11: Edwin Vam Lee
Chapter 12: Tagabantay
Chapter 13: Plan
Chapter 14: Finding Legendary Igley
Chapter 15: The Legendary Igley
Chapter 16: Esperanza
Chapter 17: The King is back
Chapter 18: Trouble and bad news
Chapter 19: Bully
Chapter 20: Bully II
Chapter 21: Announcement
Chapter 22: Can't say
Chapter 23: Partner
Chapter 24: Dark students
Chapter 25: Meeting
SCARLET EYE
Chapter 26: Sexual Harassment
Chapter 27: Seen zone
Chapter 28: Welcome to Half Blood Academy, Prince Zack.
Chapter 29: Lintik lang ang walang ganti!
Chapter 30: I like you
Chapter 31: Dance Practice
Author Note (MUST READ!!)
32: Mask Party
33: Mask Party
34: Mask Party
35: Mask Party Cancellation
Chapter 36: Extraordinary power
Chapter 37: Where are you Jane?
Chapter 38: Fight for Jane.
Chapter 39: El Nebre
Chapter 40: I hate you
Chapter 41: First kiss
Chapter 42: Shanlee's feelings
Chapter 43: Day with him
Chapter 44: Sword
Chapter 45: Killy's feelings
Chapter 46: My boyfriend
Chapter 47: I'm sick
Chapter 48: HBA hospital
Chapter 49: Kasalanan mo
Chapter 50: Ako na lang ba lagi?
Chapter 51: The illusion
Chapter 52: Goodbye but I will return
Chapter 53: Goodbye but I will return (Part 2)
Chapter 54: The celebration of Jane and Railey
Chapter 55: The return of the Scorpions
Chapter 56: Paralyzed
Chapter 57: Juliuse hidden love
Chapter 58: Juliuse happiness and Jessie's hurtness
Chapter 59: Dead
Chapter 60: The four elemental jewelry
For My Readers (Please Read)
Chapter 61: Opened in reality
Chapter 62: Jessie's anger
Chapter 63: Plan A, Plan B, Plan C
MISSION I:GOING TO MT. SARDONA
MISSION I:TWO WAY OR TO DEATH
MISSION I:MY BLOOD
MISSION I:THE FOREST OF TRAPS
MISSION I:ZOMBIE CITY
MISSION I:HOT AND COLD MOUNTAIN
MISSION I:THE DISASTER
MISSION I:GAME OVER
MISSION I:KILL THE LEADER
MISSION I:ALIVE
MISSION I:SARNA'S KINGDOM
MISSION I:THE THIEFS
MISSION I:MISSION FAILED
Chapter 77: His beerday party
Chapter 78: Mystery singer
Chapter 79: She's back
Chapter 80: New Killy
Chapter 81: Princess new rule
Chapter 82: Changes
Chapter 83: Welcome new half blood students
Chapter 84: Lisha and Luke
Chapter 85: Practice makes perfect
Chapter 86: Lisha vs Luke
Chapter 87: Same
Chapter 88: Surprise test
Chapter 89: Laging war
Chapter 90: New members of Spiders
PASILIP #1
PASILIP #2
Chapter 91: ELLAntod
Chapter 92: Suspicion
Chapter 93: Death threats
Chapter 94: Meet his parents
Chapter 95: Break up
Chapter 96: Hinala
Chapter 97: Save her
Chapter 98: Forever
Chapter 99: She's really back
Chapter 100: El Nebre thingy
Chapter 101: El Nebre, meeting and plans
MISSION II:GOING TO ENCHANTED FOREST
MISSION II:MEET MY MAMA
MISSION II:THE HARDEST TRAINING
MISSION II:THE START
MISSION II:THE MIDDLE OF THE TRAINING
MISSION II:THE FINAL TRAINING
MISSION II:HERE WE ARE ENCHANTED FOREST
MISSION II:THE GOLDEN DRAGON
MISSION II:THE EL NEBRE
MISSION II:EL RICA
Chapter 112: Save her
Chapter 113: One of the Royal Families
Chapter 114: The truth
Chapter 115: Ryza's decision
Chapter 116: Traitor
Chapter 117: Queen's Birthday
Chapter 118: Her death
Chapter 119: Ryza and Jessie's case
Chapter 120: Preparation (Part I)
Chapter 120: Preparation (Part II)
Chapter 121: War
Chapter 122: Lamela, Khey Lloyd and Katalina
Chapter 123: Jemuel's Father
Chapter 124: Sacrifices
Chapter 125: The end
Epilogue
BOOK 2

Chapter 7: Royal Families

24.9K 767 47
By Cavathepurple

Killy's POV.

"Pati ikaw Ms. Varona?!" Sigaw ng guro. Napatakip na lang ako sa tenga ko. Nakalunok ba siya super megaphone? Ingay, eh!

"F*CK! CAN YOU PLEASE TURN OFF YOU F*CKING MOUTH!!" Natigilan siya sa pagsigaw ko. 'Yan, much better. "Yes, alam namin na late kami. Pero, anong karapatan mong sigaw-sigawan kami?! Teacher ka, 'di ba?! You should know your responsibility to us, and also your limitations. You're not our mother to shout at us like what you did earlier just because we're late in your freakin' class!" Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong pakialam kung i-report niya ako kay Dean sa pambabastos ko sa kaniya. Hindi ko lang talaga ginagalang ang mga nilalang na hindi kagalang-galang.

"A-Ah, s-sige. M-Maupo na k-kayo." Tinaasan ko na lang siya ng kilay at hinila na si Jane sa bakanteng upuan.

"S-Salamat, Ms. Killy." Nahihiyang pagpapasalamat ni Jane na ikinatawa ko ng mahina.

"Just call me Kill, no need to be formal."

"S-Sige, Kill," naiilang na sabi niya.

Habang lumilipas ang oras lalo lang akong inaantok. Ang corny kasi ng mga tinuturo nila at mga teacher pa ang pumupunta sa room namin, hindi kami yung lumilipat, sila! Ang cool lang kasi parang ang special namin.

Wala akong ganang nakikinig sa guro sa harap. Sa bawat teacher na pumasok at nagtuturo sa harap ng mga dapat malaman ng isang half blood na matagal ko naman ng alam! Napapa-irap na lang ako at napapahikab.

Biglang tumunog ang bell senyales na tapos na ang klase.

Okay! Break time na!

Naramdaman kong may kumalabit sa akin. Ang akala ko si Jane pero nang lingunin ko—hindi pala.

It's Railey.

"Sabay na tayo? Gaya ng sabi mo," sabi niya habang nakangiti. Nakangiti ko siyang tinanguan.

"Jane, sabay ka na sa amin." Aya ko kay Jane na nagdadalawang isip pa nang makita kung sino ang kasama ko. Nagkatitigan silang dalawa sandali tapos biglang nag-iwas ng tingin. Napansin ko rin na namula silang dalawa matapos ang sandaling sulayapan.

Something is not right here.

"Ah, sige kayo na lang. May gag—" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Bawal tumanggi dahil kung hindi paglilinisin kita ng buong school." Pananakot ko. Kaya mo Killy? Kaya mo?

"Sige na nga." Wala ng nagawa si Jane kun'di ang sumama sa amin.

Habang naglalakad kami papuntang canteen, nakasalubong namin si Clesh na masama ang tingin sa akin. Naiinis ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

"Hoy!" Napatingin ako sa likod.

"Ako?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.

"Ay hindi! Siya," pamimilosopo ni Clesh at itinuro si Railey.

"Oh, Railey ikaw raw," sabi ko sabay tulak kay Railey papunta kay Clesh. "Pagsawaan mo 'yan ha?" sabi ko saka hinila ang braso ni Jane at pumunta sa canteen.

Sorry, Railey.

Nakarating kami sa canteen kaya humanap kami kaagad ng bakanteng lamesa na pu-puwestuhan.

"Ano po ang order n'yo?" tanong sa amin nang waiter at binigyan kami ng menu.

Wow! Waiter sa canteen? Bago 'yon, ah! Ang alam ko sa mga restaurant lang may waiter.

"Wala bang palabok?" tanong ko. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang mga pagkain na nasa menu-ng 'to. Kaloka, ah!

"Wala po," he replied.

"Problema ba 'yon? E di magluto kayo!" Ugh! Gusto kong kumain ng palabok!

"Ah... pasensya na po hindi po talaga" pinutol ko ang sinasabi niya.

"Sige, bibigyan kita ng pagpipilian. Magluluto ka ng palabok o kukunin ko ang buhay mo?" Pinahaba ko pa ang kuko ko. Namutla siya at napalunok.

"A-Ah, sige po. Paglulutuin ko na sila. Sa 'yo po?" Bumaling siya kay Jane.

"Yong katulad na lang ng kaniya," mahinhing sabi ni Jane.

"Sige po." Nagmamadaling umalis ‘yong waiter.

Brat talaga ako minsan. I'm aware of that. Gusto ko nakukuha ko kaagad ang gusto ko, pero alam ko ang limitasyon ko.

Iba lang talaga kapag gutom na. Madaling mag-init ang ulo.

"Jane ano lahi mo?" tanong ko.

"Half ghost, ¼ dwarf, ¼ human," sagot niya.

"Wow, pwede pala kahit may ¼ kang lahi." Ngayon ko lang alam 'yon ah!

"Oo pwede. Bakit? Hindi mo alam? Baguhan ka lang ba rito?" tanong ni Jane.

Eh? Hindi niya ba alam na baguhan pa lang ako rito? Halos lahat 'ata ng istudyante rito alam na bagong pasok pa lang ako.

"Malamang oo." Based on her facial expression, I can say that she's shock.

"'Di nga?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Itong mukhang 'to? Mukha ba 'tong nagsisinungaling?" Sabay turo sa maganda kong mukha. Nanay ko lang ‘yong sinungaling hindi ko, pero past is past. 'Wag na nating balikan ang panahong 'yon dahil napatawad ko na sila.

"Hindi naman sa gano'n pero ang sabi ni Dean sa amin na hindi na raw magpapasok ng kahit na sinong half blood maliban na lang kung isa siya sa royal families," sabi ni Jane.

"Royal Families?" I know that we, Nightbloods, is a Royal Family. But I didn't know that there are other Royal Family.

"May limang royal families sa mundong ito. Ang una ay—" Nahinto ang sinasabi ni Jane nang biglang sumingit 'yong lalakeng kumuha ng order namin kanina.

"Ito na po 'yong order n'yo," sabi ng waiter at inilapag ang mainit-init pang palabok sa harap naming dalawa. Tiningnan namin siya ng masama ni Jane dahil sa kabastusan niya. Wala man lang excuse me? "B-bakit po?" tanong niya.

"Puwede bang umalis ka na lang sa harap ko at baka tuluyan na kita!" Gigil na sabi ko, kaya naman dali-dali siyang kumaripas ng takbo.

"Anyway, ang unang Royal Family ay ang kilalang pamilya ng Nightblood. Ang mga meyembro ng pamilya nila ay si El Diablo Nightblood, ang hari. Shasha Nightblood, ang reyna. Zack Nightblood, ang susunod na hari at ang hindi kilalang prinsesa." Hindi kilalang prinsesa? Baka ako 'yon? Ay shunga! Malamang ako nga 'yon!

"Bakit hindi kilala 'yong prinsesa? Hindi ba siya pinakilala or what?" Maang-maangan. Best actress ka talaga Killy.

"Wala ring nakakaalam."

"Kung sakaling maging kaibigan mo ang prinsesa na 'yon, ano ang magiging reaksyon mo?" Siguro 'wag ko munang sabihin. Baka may dahilan si kuya at Mom kaya hindi nila ako pinakilala sa publiko.

"Magtatatalon ako sa tuwa, saka isisigaw ko na kaibigan ko siya," sabi niya at nagd-day dreaming pa.

"Ano 'yong pangalawang pamilya sa Royal Families?" tanong ko.

"Ang mga Brazil." Brazil? Ngayon ko lang narinig 'yong apilyedo na 'yon. "Ang pangatlo ay ang mga Tan." Hindi ko rin 'yon kilala. "Ang pang-apat ay ang mga Darknight." Hindi ko kilala 'yon "Ang panglima ay ang mga Chua." Chua? Teka apilyedo ni Jemuel 'yon, ah! Oo, tama si Jemuel nga!

"Bakit kasama ang mga Chua? Parang wala naman silang binatbat, mga mayayabang lang katulad ni Jemuel." 'Yong kupal na 'yon! Masasabi kong masaya siyang kalaro dahil hindi siya basta-basta natatakot sa akin. Pero! Walang kuwenta ang mga balak niya sa akin. Ang daling malaman kung ano!

"Hindi lang naman kasi galing sa pakikipalaban ang kailangan para masama ang pamilya mo sa Royal Families. Kailangan mo rin ng pera, maraming-maraming pera. At ang mga Chua kaya lang naman 'yan nasama sa Royal Families dahil sa pera. Wala naman silang galing sa pakikipaglaban, buti pa 'yong mga apat na naunang pamilya, mayaman na nga sobrang galing pa sa mga patayan. Especially Nightbloods, mas magaling pa sila sa mga Assassins." Syempre pamilya ko 'yon, eh! "Eh, ikaw ba? anong lahi mo?" tanong niya sa akin.

"Half Human..." Takte! Kapag sinabi kong half human at half demon ako malalaman ni Jane na isa akong Nightblood at ako hindi kilalang prinsesa.

I need to lie.

"Half human lang?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Half human at half vampire," pagsisinungaling ko. Okay. Nakapagsinungaling na naman ako pero ginawa ko lang naman 'yon dahil kailangan. "Bakit?" There's a hint of surprised in her face.

"Ah... Wala, hindi ko inaakala na kasama ka pala sa top five na lahi rito."

"Top 5? Ano naman 'yon?" Ang dami ko talagang hindi alam sa school na 'to.

"Mukha ngang wala ka pa talagang alam sa school na 'to." Kasalanan ko bang walang ipinaliwanag si kuya tungkol sa school na 'to?

"Sabihin mo na lang kaya," sabi ko sabay subo ng palabok ko.

"As usual, ang top 1 na lahi dito ay ang demon pero wala pang lahi ng demon na nakapasok dito maliban sa isa. Kaya nga lang hindi siya half blood dahil pure demol siya." Okay...? Na confused ako sa sinabi niya.

"Paano makakapasok ang pure blood dito? 'Di ba ang first rule rito ay bawal magpapasok ng mga pure blood?" Oh, diba? Alam ko 'yong first rule. Narinig ko lang 'yon kung saan.

"'Yon na nga, hindi siya nagtagal dito. Mga isang buwan lang siya nanatili rito tapos inilipat na ulit siya," ani Jane.

"Sino naman siya?" tanong ko.

"Siya si—" Naputol ang sinasabi ni Jane nang biglang dumating si Railey na pawis na pawis.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ko.

"Nag-announce ang secretary ng school na 'to. Maaga raw papasok lahat ng istudyante dahil maglilibot daw ang King," sabi ni Railey.

Dali-dali kaming tumayo at tumakbo papunta sa room. Teka! Bakit ba ako tumatakbo? Ah, basta! Makikisali na lang ako sa kanila. Marathon is real.

Nang makarating kami sa room nandirito na lahat ng classmates namin. Naupo na ako sa tabi ni Jane pero nagulat ako nang makita rin si Railey sa tabi ko. Bale nasa kaliwa si Jane, nasa kanan naman si Railey. Napapagitnaan nila akong dalawa.

"Hoy! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Wala namang naka-upo, kaya rito na lang ako." Teka! Dito ba siya naka-room? Parang hindi ko siya napansin kanina nang dumating kami ni Jane rito no'ng unang subject namin.

"Dito ang room mo?" 'Di makapaniwalang tanong ni Jane.

"Oo dito ako, nakita ko nga si Kill kanina na sinagot-sagot 'yong teacher natin," sabi ni Railey. Natahimik ang lahat nang biglang dumating 'yong teacher namin. Mukha siyang masungit pero mas masungit ako.

"Good evening class," bati nang teacher namin.

"Ano pong maganda sa gabi?" Bulong ko. Hindi ko inaasahan na titingin siya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay.

"You're so rude," sabi niya sa akin na ikinataas naman ng kilay ko. Walang puwedeng magtaas ng kilay sa akin.

"Sorry Ma'am." Binigyan ko siya ng pekeng ngiti. I really like teasing someone. 

Nagturo na siya dahil wala naman siyang mapapala sa akin. Lumipas ng lumipas ang oras at natapos na ang klase, kaya naman nagsilabasan na kami.

"Kill, sabay tayo," Aya ni Jane.

"Sabay na rin ako sa inyo," sabi ni Railey.

"Sige ba." Nagsimula na kaming tahakin ang daan patungo sa aming kaniya-kaniyang kuwarto. Si Railey ang unang makakarating sa kuwarto niya at si Jane naman ang pangalawa at syempre ako 'yong huli. Malayo pa kasi 'yong kuwarto ko. Nang makarating na kami sa kuwarto ni Railey 'agad niya namang binuksan ang pinto.

"Good night sa inyo," sabi niya.

"Correction, umaga na po. 6:30 na kaya." Pagco-corect ko sa kaniya. Natawa na lang siya at pumasok sa loob.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Jane hanggang sa makarating kami sa kuwarto niya.

"Sige, mauna na ako Kill." Kinuha niya na ang susi sa kaniyang bag pero parang may problema siya.

"May problema ba?" tanong ko.

"Nawawala kasi 'yong susi ko," sabi niya habang hinahalungkat ang kaniyang bag. "Asan na ba 'yon?" Hanap siya ng hanap ngunit wala siyang nakita. "Paano na 'yan? Mukhang nawala ko yata ang susi ko," sabi ni Jane sa malungkot na tono.

"Makitulog ka na lang muna sa kuwarto ko," sabi ko. Ngayon ko lang 'to gagawin. Ang ugali ko kasi ay maldita at walang pakialam kaya walang nakikipagkaibigan sa akin dahil sa ugali ko.

"Talaga?"

"Oo nga, tara na." Hinatak ko ang kamay niya papunta sa kuwarto ko.

Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng kuwarto ko, napansin ko na may naka-ukit na dragon sa aking pinto. Bakit kaya hindi ko 'yon napansin no'ng una pa lang?

"A-Ang k-kuwartong 'to," nauutal na sabi ni Jane na animo'y takot na takot. Nakatingin siya sa pinto ng kuwarto ko. Nanginginig ang kaniyang buong katawan.

Ano ba ang misteryo ng kuwartong 'to? Minsan napapansin ko ring may kakaiba rito. Ano ba talagang meron sa kuwartong 'to?

Itutuloy.

Continue Reading

You'll Also Like

21.4K 1.2K 26
MURDER SERIES #02 After the incident, the government decided to cross out Dolorous Academy in the list of their prestigious schools for having highes...
53.9K 3.5K 27
MURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was s...
21.4M 790K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
5.2K 202 31
Demons vs. Demons There are 4 demonic symbols around the world, heart, club, spade and the most powerful of all, DIAMOND. Their unity can change the...