Killy's POV.
Nang makarating ako sa bahay, hindi muna ako pumasok sa loob. Nakaharap lang ako sa pinto dahil may kakaiba akong nararamdaman.
Parang... May nakatingin sa akin mula sa malayo.
Sige lang pagmasdan n'yo lang ang kagandahan ko, tignan ko lang kung hindi kayo maglaway.
May naramdaman akong kakaibang hangin sa likuran ko kaya naman napalingon ako roon, pero wala naman akong nakita. No'ng humarap na ako...
"Ay, demonyong guwapo!" Gulat na wika ko nang makita ko sa harap ng pintuan si kuya, pero bakit hindi ko siya napasin? Ni hindi ko nga rin naramdaman ang pagbukas ng pinto.
"Gano'n na ba ka-obvious ang kaguwapuhan ko?" Malamig na tanong niya pero mararamdaman mo sa boses niya ang KAYABANGAN.
"Letse! Tumabi ka nga sa daraanan ko!" Tinabig ko siya dahilan para mapalayo siya sa pintuan.
Umakyat 'agad ako sa kuwarto ko, remember? Ayoko silang makita. Kinuha ko ang iPad ko at nagsimulang magpatugtog. Ang kantang napili ko ay 'That's What I Like By Bruno Mars'.
Sinabayan ko 'yong kanta at sumayaw-sayaw pa ako sa harap ng salamin pero natigil ang kasiyahan ko nang biglang may kumatok sa pinto ng aking kuwarto.
Sino naman kayang hampas-lupa ang may lakas ng loob na gambalain ang magandang tulad ko?! Baka gusto niyang ihampas ko siya sa lupa bwisit siya! Nagsasaya ako rito, eh!
Zack's POV
Pipigilan ko sana si Kill na umakyat sa taas pero naunahan ako ng kaba ko kaya hindi ko na siya napigilan. Napabuntong-hininga na lang ako at na-upo sa sofa sa gilid at napayuko.
How can I fix this family problem?
"May problema ba anak?" Napaangat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Mom.
"U-uh... Nothing, Mom." Pinilit kong ngumiti sa harap niya.
Napataas ang kilay niya at tumingin sa mukha ko na parang binabasa ang isip ko kaya naman umiwas ako ng tingin. Alam ko ang tingin na 'yon. Alam niyang nagsisinungaling ako.
"'Wag mo akong niloloko, Henry Zack Killton Nightblood." Nakakainis talaga kapag may tumatawag sa akin sa buo kong pangalan.
"Mom! Alam mo naman pong ayokong kinukumpleto ang pangalan ko!" Inis na sabi ko.
Hindi naman sa napapangitan ako sa pangalan ko, pero hindi ko talaga gusto na naririnig siya ng buo. It's too long! Zack is fine.
"Okay, okay, sorry, pero sabihin mo sa akin kung ano ang bumabagabag sa 'yo dahil hindi mo iyon maiitatago sa akin."
"Gusto ko ng makipag-ayos kay Kill," I admitted. Tumingin ako ng deretso kay Mom, pero hindi siya nagsalita at mukhang hinihintay niya akong ipagpatuloy ang sinasabi ko. "Natatakot ako na lalo pang lumala ang galit niya sa atin. Hindi niya naiintindahan kung bakit tayo nagsinungaling sa kaniya. Kaya gusto ko siyang puntahan at ipaintindi sa kaniya kung bakit natin 'yon nagawa."
"Bakit hindi mo siya kausapin tungkol sa mga bagay na 'yan?"
"Mom, natatakot ako."
"Natatakot saan?"
"Natatakot ako na baka mas lalong niya lang hindi maintindihan kapag nagpaliwanag ako. Na baka lalo lang siyang magalit at barahin niya lang ako." I know my li'l sister very well.
"Zack, hindi mangyayari 'yon. Nagsinungaling tayo sa kapatid mo kaya ang gusto niya ay katotohanan, gusto niyang marinig mula sa atin ang katotohanan. Anak, hindi pa rin naiintindihan ni Kill kung bakit tayo nagsinungaling sa kaniya, basta ang nasa isip niya ay nagsinungaling at sinungaling tayo."
"Tama ka Mom. Paliwanag ang gusto ni Killy, at ako ang kuya niya kaya kalangan kong tatagan ang loob ko at harapin ang kahihinatnan nito. Sigurp naman, magiging maganda ang resulta nito. Right, Mom"
"Tama anak. Always think positive."
Niyakap ko siya. "Thanks Mom, salamat sa pagpapalakas ng loob ko."
"Oh siya. Sige na kausapin mo na ang kapatid mo at susunod na lang ako roon sa taas," sabi ni Mom, saka pumunta sa kusina .
Ako naman ay nag-teleport papunta sa kuwarto ni Kill.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng pintuan niya. Ang kailangan ko na lang gawin ay kumatok, pero nang i-angat ko ang kamay ko para kumatok sa pinto, 'agad ko rin itong binaba at hindi tumuloy sa pagkatok dahil hindi ko mapagilan ang kamay kong nanginginig dahil sa kaba. Tatlong katok lang Zack! Tatlong katok lang!
Huminga ako nang malalim at kumatok sa pinto ng kuwarto ni Kill.
Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang nakakunot na noo ni Kill.
"Why are you smiling?" Walang kagatol-gatol na tanong ni Kill. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at tama nga siya, nakangiti ako. Binalik ko 'yong dating ako, 'yong seryoso at maangas. "What do you want?" tanong niya.
"Can we talk?" tanong ko.
"Bakit mo naman gustong makipag-usap sa akin? Tungkol ba 'to sa pagluhod ni Mom sa harap ko? Kung iyon nga, maaari ka nang umalis dahil wala akong ipapaliwanag sa 'yo."
"Hindi tungkol doon, Kill."
"Kung gano'n tungkol saan?"
"Tungkol sa kasalanan namin."
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nagulat ako nang bigla siyang tumango bilang sagot.
I didn't expect that she will let me. I'm surprised.
'Agad akong pumasok sa loob at umupo sa kama niya. Siya naman ay nakatayo sa harap ko habang nakapamewang.
"Ano na? Balak mo bang ubusin ang oras ko sa katutunganga mo diyan? Mahal ang oras ko," naiinip
niyang wika.
"First of all, I want to say sorry. Sorry Kill kung tinago namin ang katotohanan, may bagay lang talagang hindi mo puwedeng malaman," sabi ko.
Nagkaroon ng gatla sa kaniyang noo at bumakas ang pagkairita sa kaniyang mukha. "Bagay na hindi ko puwedeng malaman? So sinasabi mo na hindi ko puwedeng malaman ang katotohanan kung bakit namatay si Dad? Bakit? Hindi ba ako parte ng pamilyang 'to?" tanong niya habang nakataas ang kilay.
"Hindi naman sa gano'n Kill, ayaw lang namin ni Mom na mapahamak ka."
"Anong naman ang ikapapahamak ko kung malaman ko ang katotohanan? Ang gulo mo kuya!" May inis sa kaniyang boses.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh.
"Dahil alam naming kapag sinabi namin sa 'yo ang totoo'y maghihiganti ka, papatayin mo ang ibang kamag-anak ni Shin. Kill, alam mong ayokong mapahamak ka, 'yon ang dahilan kaya tinago namin ang katotohanan," paliwanag ko.
Natigilan siya at panandaliang nagulat at mayamaya'y napayuko.
"Kung gano'n... Pinuprotektahan n'yo lang ako kaya hindi n'yo sinabi sa akin ang katotohanan?"
"Gano'n nga anak." Napatingin kami sa pintuan at nakita namin doon si Mom. Naglakad siya papunta sa amin at tumabi sa akin. "Mas pinili naming magsinungaling dahil gusto naming maging maayos ang buhay mo. Mas pinili naming magalit ka sa amin dahil ayaw ka naming mapahamak. Alam mo bang bago mamatay ang Dad mo'y hinahanap ka niya. Sinasabi niya sa akin na mahalin kita gaya ng pagmamahal niya sa 'yo, mahal na mahal ka ng Dad mo kaya lahat ay ibinigay niya sa 'yo. Lahat ginawa niya para sa 'yo," ani Mom.
"I-Im sorry, nagalit ako sa inyo ng walang dahilan. Akala ko kasi kaya n'yo tinago sa akin ang katotohanan ay dahil hindi n'yo ako tinuturing na kasapi ng pamilya. Naisip ko tuloy na bakit n'yo tinago sa akin? Wala ba akong karapatang malaman ang totoo? Ang daming tanong sa isip ko."
"We're sorry Kill, patawarin mo kami," sabi ko.
"Sorry rin," sabi ni Kill.
"Wala ng mag-aaway ha? Okay ba 'yon?" tanong ni Mom
"Wala ng mag-aaway!!" Masayang sigaw namin ni Kill.
"Group Hug!" Sigaw ni Kill nang may ngiti sa labi. Nagyakapan kaming tatlo.
"Oh, siya. Magsibaba na kayo at kakain na tayo, ngayon na lang ulit tayo kakain nang sabay-sabay," sabi ni Mom at ang laki ng ngiti sa labi niya.
"Sige, baba na ako. Eh, ikaw Kill?" tanong ko.
"Sige susunod ako, maliligo lang muna." Tumango naman ako at bumaba na.
Killy's POV.
Nag-sorry-han, nagpatawaran, ang ending bati na kaming lahat.
Pumasok ako sa loob ng banyo para maligo dahil ligong-ligo na ako. 'Yong nangyari kaninang umaga sa school, wala akong balak ipaalam sa kanila.
Pumasok na ako sa banyo at binuksan ang shower. Nang matapos ako ay nagbihis kaagad ako at bumaba.
"Ang tagal mo naman." Walang kagatol-gatol na sabi ni kuya. In other word cold.
"Nasira kasi 'yong shower kaya natagalan ako." Pagdadahilan ko.
"Ipapaayos ko na ba?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi na, naayos ko naman na."
"Marunong ka?"
"Oo, natutunan ko sa school," pagsisinungaling ko.
"Well, tutal nabuksan na ang topic tungkol sa school. How's your study?" Dami mo kasing alam Kill! 'Yan tuloy nagtanong na.
"I'm doing good," pagsisinungaling ko ulit.
"Oh?" May bahid ng paghihinala sa boses niya.
"Yes."
"Don't lie Kill. I already know the truth." Napayuko naman ako sa sinabi ni Kuya.
So he knew the truth? Then why did he ask me if he already know?
"I-Im e-expelled," sabi ko habang nakatungo.
"Why?" tanong ni mom.
"Because there's so many bitch in that campus!" Bulong ko.
"What?" tanong nilang dalawa.
"Mayro'n kasing dalawang babaeng inggit na inggit sa akin. Sa sobrang gigil ko roon sa isa sinampal ko sya at 'yun, tumilapon siya sa sahig. No'ng nakita 'yon ni tita Cathy, nagalit siya pero nawala rin dahil alam niya naman ang ugali ko. Hindi ako nananakit ng walang dahi-" pinutol ni kuya ang sinasabi ko.
"Wait, Kill-" Pinutol ko rin ang dapat na sasabihin niya.
"Wait! Ako muna!" Angal ko. "Tapos habang nagle-lesson si tita ay biglang may pumasok na dalawang lalake sabi raw nila pinapatawag ako sa guidance office. No'ng pumunta ako ro'n, nakita ko si Ms. Elsa at si Cheska, 'yong sinampal ko. Tapos sinabi ni Ms. Elsa na expelled na raw ako pero bago ako lumabas ng school na 'yon sinampal ko muna nang pagka-lakas-lakas si Cheska. Tumama 'yong mukha niya sa may pader! Natawa pa nga ako, eh" Pagkukuwento ko.
Tinapos ko na ang pagkain ko at umakyat sa taas. Kinuha ko ang iPad ko at nagpatugtog.
Hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako dahil may kung ano akong naramdaman. Nakapatong pa ang iPad sa tiyan ko at tumutugtog pa. Tiningnan ko ang oras sa iPad ko.
"What the f*ck?!" 4:00 Am, madaling araw! Pero 9:00 AM ang tamang gising ko!
Biglang umihip ng napakalakas ang hangin. Nanggagaling ito sa may terrace. Wait! Sa pagkakatanda ko hindi ko naman binuksan ang terrace kaninang umaga, at dahil curious ako kung anong mayro'n sa terrace, pumunta ako roon.
Nang makarating ako sa terrace, isang maliit na paruparo lang ang nakita ko. Isang kulay itim at pulang paruparo.
Umupo ako sa upuan sa gilid habang 'yong paruparo naman ay nakapatong sa may veranda.
"Hey little butterfly." Pagkausap ko sa paruparo. Alam kong nagmumukha na akong tanga rito dahil kinakausap ko 'tong paruparo, pero siguro naman walang masama, 'di ba? Malay mo naman sumugot ang nilalang na 'to. Creepy. "Alam mo ba na ang saya ko ngayon kasi bati-bati na kami? Isang na lang at matutupad ko na ang pangarap ko. Alam mo ba kung ano 'yon? Syempre hindi! Oh, sige, sasabihin ko." Nakatingin ako sa kalingitan habang may naka-ukit na ngiti sa aking labi. "Ang isang pang pangarap ko ay ang makapag-aral sa iskwelahan ng isang katulad ko, kalahating tao at kalahating demon kasi ako." Napatingin ako sa paruparo nang bigla na lang siyang lumipad. Kaya naman bumalik na ako sa kama ko at ipinagpatuloy ang naudlot kong pagtulog.
Itutuloy.