Existence Of A Peculiar Lady

By purpleprose14

536 58 42

Highest rank: #71 IN SCIENCE FICTION Naranasan mo na bang magamit? Yung tipong hahanapin ka ng lahat kasi kai... More

Existence Of A Peculiar Lady
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 3

69 8 2
By purpleprose14

A/N: This story achieved 71 as its rank in science fiction. Normally, hanggang 100+ lang ang rank na inaabot ng story ko pero ito, oh well. Dahil masaya ako, may update!

FINDING THE PORTAL

Morgiana

Ngayon ko na sisimulan ang misyon na sa tingin ko ay matagal pa bago ko mapagtagumpay-an.

Aki's mission is done but it's not successful. Kakaunti lamang ang nakuha niyang impormasyon ukol sa misyon ko.

Kaya naman nakatanggap ako ng mensahe galing kay Morgan na ako na ang magpatuloy ng sinimulan ni Aki.

Nakatanggap din ako ng brown envelope kung saan nakapaloob ang mga nasagap na impormasyon ni Aki.

Inabot ako ng umaga kakaisip ng paraan para mahanap ang lugar na yon kaya naman nang nagcharge ako ay gabi na ako gumising. Agad kong binuksan ang brown envelope nang matapos akong magrecharge for 12 hours.

I got this clues:
-you need to find the portal
-the portal is found somewhere you'll not guess it's there
-your mission is far from being possible if you didn't find the portal

That's all the clues I got. The person I'm talking to was killed even before he mentioned where the portal is. Good luck, Morgiana.

Gusto ko nalang mapa-irap nang mabasa ko ang nakalagay. All of the clues he got was all about the portal. Tas yung iba pa, walang kwenta. Siyempre, sino ba namang maglalagay ng portal sa lugar na madaling mahulaan?

Inilabas ko ang tablet ko at nag dial ng number. Agad namang sumagot si Aki sa kabilang linya.

Nang marinig ko ang paghinga niya sa kabilang linya, agad akong nagsalita.

"Pwede ko bang malaman kahit ang pangalan lang at ang lugar kung saan nagaaral o nagtatrabaho ang taong pinagkuhaan mo ng impormasyon?" tanong ko sakaniya.

"Sure sure. His name is Monley also known as Lemon. Weird but his family loves that fruit so much. At ang eskwelahan niya ay ang High Angel." sagot niya.

"His surname is?" tanong ko ulit.

"Aguilar. Monley Aguilar."

"Thanks, Aki." agad ko ring ibinaba ang tawag.

Pagkatapos nun, hindi ko na alam ang bagay na dapat kong gawin. Katulad ni Aki, mabibigo ba ako sa pagtulong sa taga-likha ko?

Hindi pwede.

Kaya naman napagdesisyunan kong lumabas at nagbabakasakali na may makukuha akong sagot.

Una akong nagpunta sa High Angel. That's his school so some of his profile must be there. Uunahin kong tumingin sa profiles niya. Baka sakaling may makuha akong impormasyon.

Pagdating ko sa akademya, nadatnan kong naka-tayo ang guwardiya.

Lumapit ako sa guwardiya at kinalabit siya.

"O bata, gabi na! Bawal na ang estudyante rito! Umuwi ka nalang sainyo!" pambungad nito sakin. Tsh, magpapaalam na nga sana ako, tas itataboy pa ako.

"Ayoko. May kailangan akong gawin." saad ko sabay nagtangkang pumasok pero hinawakan niya ako sa balikat ko at ibinalik sa labas ng gate.

"Pasensya na bata, hindi talaga pwede." sabi niya tas tinulak tulak ako paalis.

"Alam niyo tanda, sa lahat ng ayaw ko, iyong mga sagabal ang nasa unahan." sabi ko. Ramdam ko ang biglaang pagbabago ng isang kamay ko habang naka-talikod ako sakaniya.

Napa-bitaw naman siya sa akin.

Unti unti akong humarap sa guwardiya. Itinutok ko sakaniya ang kamay ko,

"Ha-halima--!"

Sabay pindot ng gatilyo.

Bagsak.

Hindi ko siya pinatay. Tranquilizer lamang iyon hanggang trenta minutos. Hindi iyon ganon katagal kaya dapat ko nang bilisan pero dapat maging maingat pa rin ako.

Medyo nagulat ako dahil nakapag-command ako sa katawan ko gamit ang utak ko lamang. Kadalasan kasi, kinakailangan ko pang mag voice command. Siguro umeepekto ang ginagawa kong pagte-training kasama ang ilang mga scientist na in-assign ni Morgan sa'kin.

Dahan-dahan na akong naglakad patungo sa lugar kung saan alam kong doon nakatago ang mga profile ng bawat estudyante.

Tumitingin-tingin ako sa paligid dahil baka may makahuli sa'kin.
Nakarating ako sa building, nadatnan kong bukas ang gate kaya malaya akong nakaakyat papunta sa room na nilalagyan ng profile ng bawat estudyante.

Kaso, sarado ang pinto. Though, hindi naman mahirap para sakin na buksan to.

Pinindot ko ang isang button sa makinang naka-kabit sakin. Iyon ay ang voice command.

"Pointing finger: flexible key." sabi ko at agad na nagiba ang anyo ng isang daliri ko.

Isinuksok ko ang isang daliri ko na naka-anyong susi sa door knob at agad naman akong nakarinig ng mahinang pag-click. Senyales na nagbukas na ang pintuan.

Luminga-linga ako saglit para tignan ang paligid kung may tao. Wala akong nakita kaya pumasok na ako ng kwarto.

Tsh. Kulang pala ang impormasyong nakuha ko. Saang baitang kabilang yung Melon? Anong seksyon nung Melon? Teka, Melon ba o Lemon? Tsh.

Sinimulan ko nang maghanap at halos umabot na ako sa kalahati. Wala pa rin akong nakikitang nagngangalang Monley Aguilar.

Inabot na ata ako ng anong oras kakahanap pero wala talaga. Nasa dulo pa ata. Nagpapawis na ang katawang gamit ko samantalang naghahanap lang naman ako. Bakit parang ang weak ng katawan na 'to? Tss.

Umupo muna ako saglit at nagpunas ng pawis. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Anong oras na kaya? Gising na kaya yung guwardiya?

Nadako ang tingin ko sa lamesang nasa tapat ko. May makapal na papel ang nakapatong dito.

Kinuha ko naman ito. Naglalaman pala ito ng mga impormasyon tungkol sa mga estudyante. Nakita ko sa unahan ang pangalan ni Aki.

Akirlyn Luxio

Ah oo, ito. Naalala ko ito. Hindi pa ako natatanggal sa High Angel nang ipagawa ito sa amin.

Nilaktawan ko ang papel ni Aki at nagbasa ng iba pang papel.

Masyado akong nalibang sa pagbabasa kaya't medyo tumagal pa ako rito.

Pero may isang papel ang naka-kuha ng atensyon ko.

Monley a.k.a "Lemon" Aguilar

Ako si Lemon! Ako ay matamis! Kasing tamis ako ng isang taong amoy patis! Boom!

Habang binabasa ang biography niya, napapa-ngiwi nalang ako. Kelan pa naging matamis ang patis?

Natapos ko na ang pagbabasa at medyo nagkaroon ako ng ideya kung ano ang susunod na hakbang ang gagawin ko.

PAGKAUWI KO galing sa High Angel Academy, agad akong nagsearch tungkol sa Lemon. At hindi nga ako nagkamali, ang Aguilar ay isang kilalang pamilya dahil sa kanilang tahanan. Malaki, hugis lemon at kakulay din ng lemon.

They're also known as the owner of Aguilar Hospital. It's one of the biggest hospital in Philippines. Dahil din sa marami na silang talagang nagagamot ng mabilisan kaya kilala talaga sila.

Hindi ako nagkamali dahil alam kong ang mga nagaaral sa High Angel ay mga taong mapapalad, at mayayaman.

Hindi mahirap na puntahan ang hospital na yon kaya naman naghanda na ako para pumunta sa hospital na yon.

Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang mag lakad palayo sa aking tahanan. Hindi ko na kailangan manghingi ng tulong kala Aki. Gagawin ko ito magisa dahil kaya ko naman.

Bumili muna ako ng lemon para pang-suhol kung sakaling maka-kita ako ng kamag anak ni Lemon Aguilar.

Nasa kalagitnaan na ako ng tinatahak ko ng may makita akong matandang pinagtitripan ng mga bata.

Agad kong nilapitan ang matanda.

"Mga bata, aalis kayo o sasapakin ko kayo?" saad ko sa mga bata. Napa-tingin naman ang mga bata sakin. Eto yung mga batang palaboy laboy kaya nasanay na sila sa ganung paraan ng pamumuhay.

Tinawanan lang nila ako. Tsh. Umamba akong susuntukin ko sila kaya naman umiwas sila tapos nagpapahabol pa sila sa'kin. Mga bata nga naman.

Tinignan ko sila ng masama, do'n lang sila tumigil at umalis.

Ibinaling ko ang tingin ko sa matanda. Tumingin ako sakaniya habang naka-poker face samantalang ngumiti naman siya saakin.

Naka-suot siya ng maruming damit at parang hindi na siya nakakaligo ng mahigit isang buwan. Nakaupo siya sa isang gutter.

Aalis na sana ako ng tawagin niya ako.

"N-ne... Lemon?" saad niya dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at mapa-tingin sa kaniya.

Naka-tingin siya sa plastik na hawak ko na may lamang maraming lemon.

Impossible naman na Aguilar siya dahil napag-alaman kong may mataas na katayuan ang Aguilar sa buhay. Pero binigyan ko na rin siya ng isang lemon na agad naman niyang kinuha.

Isa lang ang binigay ko. Pasalamat nga siya binigyan ko siya.

"M-morgiana? Matutulungan kita." sabi niya.

Napakunot ang noo ko.

Paano niya nalaman ang pangalan ko? Matutulungan niya ko? Saan? Sa misyon ko?

"What do you know?"

"Isang tanong, isang lemon hija. Para parehas tayong may mapapala." sabi nito kaya naman napilitan akong bigyan siya ng isa pa.

Paano kung niloloko lang ako nito? Tsh.

"Ay hindi, hija. Give all of the lemon to me and I'll tell you how you'll find the portal." dagdag nito. Nagulat ako sa biglaang pagi-ingles nito ng diretso pero nainis naman ako dahil nais lang ata nitong kunin lahat ng lemon na dala ko.

"Paano ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo?" sabi ko sakaniya.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa gutter at ngumisi sakin. Lumapit ito saakin at hinawakan nito ang kamay ko. Sa isang iglap lamang, napunta kami sa isang lugar na puro puti ang makikita. Nasa hospital kami. Anong nangyari? Nasa panaginip ba ako?

Biglang may nagsalita kaya napa-lingon ako doon.

"I know you didn't came here without a weapon, Morgiana. I know you're prepared. Alam kong sa isang iglap, maaari mo akong mapatay." sabi ng matanda saakin habang nakatalikod saakin.

Ikinumpas niya ang kaniyang kamay sa harapan niya at biglang nagliwanag ang aming paligid. Nakakasilaw kaya naman napapikit ako.

Nang nawala ang liwanag ay humarap siya saakin at bumungad ang isang magandang babae.

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya, habang nginitian naman niya ako.

Hindi ko alam kung dahil sa pagkabigla ko ba pero biglang nagbago ang anyo ng kamay ko at agad ko itinutok ito sakaniya.

Kanina, medyo nagulat ako sa mga alam niya pero hindi ko alam na nakakagawa siya ng mga milagro.

Nakakapagbago siya ng anyo? Paano ba kasi kami napunta dito sa hospital? Totoo ba 'to?

Wala na ang maruruming damit niya, bagkus nakasuot na siya ngayon ng puting dress na bumagay sa kaputian niya. Mahaba ang kaniyang buhok at naka-tirintas ito.

"Hi Morgiana! I'm Cresselia and besides of being a healer, I can also change my appearance! Siguro naman sapat na iyon para paniwalaan mo ako at ibigay mo sakin iyang mga lemon na dala mo?" nakangiti niyang sambit at lalapit sana saakin.

"Subukan mong lumapit at mababaril kita." Banta ko sakaniya.

"You need me, Morgiana. You're doing this for Morgan right? If yes, then believe me. I'm ready to give the details about the portal." sabi niya, hindi ko alam kung uto-uto ako o ano pero bumalik sa tunay na anyo ang kamay ko at hinayaan ko siyang makalapit saakin.

Idinikit niya ang kaniyang palad sa noo ko at unti unti namang bumigat ang talukap ng mga mata ko.

NAGISING ako ng nasa hospital pa rin pero wala na si Cresselia. Syempre pati ang lemon na dala ko, wala na.

Pag may nakilala kayong Cresselia, layuan niyo kahit maganda. Budol-budol yun.

Sumasakit ang ulo ko pero ngayon, hindi ko man maipaliwanag kung paano nangyari, sigurado na ako kung nasaan ang portal.

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at hinanap ang exit ng hospital. Wala namang pumapansin saakin dahil busy ang lahat sa kanilang ginagawa.

Kinuha ko sa bag na dala ko ang isang sapatos. Gawa pa rin ito ng isang scientist sa agency namin.

Ang sapatos na ito, kaya mong utusan kung saan ka dadalhin. Voice command lamang din ang gagamitin ko para mapasunod ito. May pakpak sa gilid ang sapatos na ito at iyon ang nagsisilbing transceiver at detector kung malapit na ba ako sa pupuntahan kong lugar.

May pinindot akong isang button sa gilid ng sapatos at agad kong sinambit ang address ng lugar na pupuntahan ko.

Hindi ko na kinakailangan pang gumalaw dahil ito ang kusang gumagalaw para saakin. Kailangan ko lamang ng matinding balanse para hindi ako sumemplang. Mabilis akong nakarating sa pupuntahan ko dahil sa sapatos na iyon.

Huminto ang sapatos sa harap ng isang malaking library.

Agad akong pumasok sa loob ng librarya at dumire-diretso papunta sa isang pribadong kwarto.

Papasok na sana ako ng may babaeng humarang sa'kin.

"Ma'am, bawal po kayo diyan." sabi ng babae pero hindi ako tumigil sa paglakad bagkus kinuha ko ang bag ko at kumuha ako ng pera pagkatapos ay ibinigay ko iyon sakaniya.

Makapal ang perang kinuha ko kaya siguro sapat na yon para manahimik siya.

Ramdam ko naman ang biglaang pagtigil niya.

Mga tao nga naman. Buti pala, di ako tao.

Binuksan ko ang isang pintuan at tumambad sa akin ang mga libro. Napakarami pa ring libro dito pero isa lang ang pakay ko.

THE BOOK TO VERALTA MYSTICK UTOPIA

Madali lang itong mahanap dahil naka-arrange by title ang mga libro. Nang nakita ko ito, napa-ngisi ako.

Sino nga ba naman ang magaakala na isang libro ang maaaring maging daan para mapunta ka sa isang lugar na puno ng kababalaghan?

Malapit na, Morgan. Magagawa ko na ang inihabilin mo sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...