Fate of Love.

By blueballoon19

2M 15.9K 4.6K

Is it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? H... More

Fate of Love.
Chapter 1: Thank God I found you
Chapter 2: NOT him.
Chapter 3: Love Messages???
Chapter 4: Crossing Paths
Chapter 5: Starting my life with you
Chapter 6: Text then Call.
Chapter 7: Not a very lucky day.
Chapter 8: Real side?
Chapter 9: I, Warren Gabriel Villaroel, swears not to give you up
Chapter 10: Plan for Love <3
Chapter 11: Friends yung isa, less than lovers din yung isa?
Chapter 12: Parting Ways :((
Chapter 13: Impatient >.<
Chapter 14 (part1): The Date?!!!
Chapter 14 (part 2): The Date?!!!
Chapter 15: Akin ka na lang ha?
Chapter 16: Right and Left.
Chapter 17: Small kisses
Chapter 18: Its not enough :'(
Chapter 19: Trap in LOVE?!!
Chapter 20: May I?
Chapter 21: Valentine <3
Chapter 22 (Part 1) : Alam kong gago ako. ='(
Chapter 22 (Part 2): Alam kong gago ako ='(
Chapter 23 (part 1): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 2) : Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 3): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 24 : Pendant
Chapter 25: Double Date?
Chapter 26: Patrick's past
Chapter 27: Sorry
Chapter 28: Angry Birds
Chapter 29: Meeting Maxene
Chapter 30: Ang kawal.
Chapter 31: Mahal mo ba ako?
Chapter 32: The Answer
Chapter 33: DATI :(
Chapter 34: Patrick's Confession
Chapter 35: Till my heartaches end
Chapter 36 (part 1) : Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 36 (part 2): Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 37: Fireworks
Chapter 38: Hello and Goodbye
Chapter 39: Standing up for you
Patrick's POV (part 1)
Patrick's POV (part 2)
Chapter 40: Kissing Coach
Chapter 41: Mukhang Badtrip. =____=
Chapter 42: Deeply Madly
Chapter 43 (part 1): A Week of Truth.
Chapter 43 (part 2): A Week of Truth.
Chapter 44: His heart.
Warren's POV
Chapter 45: Empty Beginning
Chapter 46: Pasan
Chapter 47 : Key Chain
Chapter 48: No Rainbow After the Rain.
Chapter 49: My turn
Chapter 50: Always You
Chapter 51: Familiar Face
Chapter 52: Loss Memory
Chapter 53: Reconcile
Chapter 54: Letting him go.
Chapter 55: Departure
Chapter 56: Bitaw
Chapter 57: Birthday Wish
Chapter 58: Remember
Chapter 59: *clash*
Chapter 60: Denial
Chapter 61: Advice
Chapter 62: Understanding
Chapter 63: Semestral Break
Chapter 65: Quarrel
Chapter 66: Flowers
Chapter 67: Puzzle Pieces
Chapter 68: *promise*
Chapter 69: Red Umbrella
Chapter 70: Angel
Chapter 71: Just forget the world
Chapter 72: Jealousy
Chapter 73: My kissing coach is back...
Chapter 74: Race
Chapter 75: Outburst
Chapter 76: Angst
Chapter 77: I do
Chapter 78: Let's Start Again
Chapter 79: Facing Patrick
Chapter 80: What If?
Chapter 81: Ultimatum
Chapter 82: Final Blow
Epilogue: Forever

Chapter 64: [ Time Out ]

16.9K 171 47
By blueballoon19

Hello Loves! :">

Eto na po ang update. YEY!!! Thanks sa lahat ng nagpray na maging maayos ang sem ko. Thank you po! Naging maayos nga siya. Yey! Im having my summer classes kaya hanggat bakasyon pa eh lagare na ako para sa stories ko na naiwan ko.

Kakaupdate ko palang po ng The One Chapter 4 : Yellow Orange Guy. Just click the open external link at the side.

BABALA: May mga spoilers po dun about Warren. Tsaka there's an encounter of Maxene and Andrei.

Maguupdate po ako ng Too Late for Love : Right Timing which is the point of view ni Llyod sa Tuesday.

Yung next update naman ng Fate of Love ay after ng quota. Yes, dahil buhay na ulit ako eh may kota na naman po. Please, pagbigyan niyo na ako para maayos natin yung flow at talagang marinig ko yung comments niyo. Thanks sa mga constructive criticisms. :) It will help me. 

Ayun pom balik na ulit sa 100 votes at 50 comments.

Iniisip ko pa kung kelan ako maguupdate ng Perfect Match kasi kailangan ko na agad matapos ang Too Late for Love.

Guys, comment kayo sa reaction niyo ha? As in iniisa isa ko na po ang mga mangyayaring kaabang abang sa Fate of Love. As in. Malapit na talaga. patikim palang po tong chapter na to.

Next Chapter is entitled Chapter 65: Quarrel.

Happy Reading!

Much Love,

Raiiinn <3

_____________________________________________________________________________

Im tired of playing mind games.

After a minute or two na natunganga ako sa kinatatayuan ko eh sinundan ko si Warren. Hindi pa siya gaanong nakakalayo sa bahay namin nung nakita ko siyang nakaupo sa kalsada at hawak hawak ang right ankle niya. Dahan dahan siyang tumayo at lumakad pabalik sa kotse niya at pinasok si wael dun sa backseat. Dun tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Warren pwede ba once and for all tapusin na natin lahat? Hindi yung babalik ka dito at sinusumbatan ako. Wala na tayo!"

Tinignan ako ni Warren. Seryosong tingin.

"Natutuwa ako at ganyan ka na katapang Rachel"

Aalis na siya kaso nahigit ko yung braso niya.

"Anong gagawin mo kay Wael?"

"Diba sabi mo mapapakinabangan siya ng iba? May alam na akong pagbibigyan sa kanya"

"Akala ko ba-"

Lumingon siya sa akin tapos he pinned me to his car.

"Sa tingin mo, bakit ko nakayanan na iwan ka ng ganun katagal?"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya di ako nakapagsalita.

"Sa tingin mo gusto ko pang bumalik dito? Bakit ayokong makasama ka sa klase? Na ayoko na magbasketball? Bakit di ko tinupad ang pangako ko sayo?"

I stiffened my posture at tinanggal ang kamay ni Warren na nakaharang sa akin.

"Kasi narealize mo na hindi mo naman talaga ako minahal"

Pero imbes na bumaba yung kamay ni Warren ay padabog niya itong hinampas sa may kotse niya kaya napasandal ulit ako dun.

Huminga siya ng malalim at humawak sa batok ko tapos sinandal niya ang noo niya sa may pisngi ko.

"Tandaan mo, hindi lahat ng ginagawa ko gusto ko. Pag kinuha na sayo ang bagay na pinakakaingatan mo, everything doesnt seem to matter. Nawawalan ka na ng gana to the point na parang patay ka na"

 

Inaamin ko, Natamaan ako. 

 

Gusto kong itanong kung bakit pero mas pinili kong kumalas sa posisyon namin ni Warren.

"Ikaw ang pumili niyan Warren. Kung ano man ang nangyari sayo isa lang ang masasabi ko, iniwan mo parin ako. Naging duwag ka na ipaglaban ako kung ano man ang pumipigil sayo. Kaya pwede ba? Tama na"

Paalis na ako nung nagsalita si Warren.

"It will be so soon Rachel."

Nagbabadya na tumulo ang luha pero ayoko na. Naapektuhan ako pero hindi na tama. 

Ano bang gagawin niya?

Narinig ko na lang na pinaandar niya yung kotse at umalis.

Kung bakit gusto niya akong makita eh sa ganitong paraan pa?

Kung ako nga si Guardian Angel...

_____________________________________________________________________________

"Hmmm?"

"Hmmm?"

Parang may nararamdaman akong malamig sa bandang mukha ko.

"Pandak, gising na"

Nung narinig ko yun automatic na bumukas agad ang mata ko at tumingin ng masama sa kanya.

"Oh gusto mo?"

"Ano yan?"

"Buko shake"

"Alam ko."

"Bakit ang suplada mo?"

"Bakit mo ginigising ang taong mahimbing ang tulog?"

"Sa duyan? At nakabukas lang ang gate niyo. Pano kung may pumasok dito?"

"Hindi naman ganun nakabukas"

"Bukas pa din"

Hindi ko na siya pinatulan nung linapag niya yung buko shake ko sa may lamesa at nagpatuloy na uminom. Isasandal ko na sana yung ulo ko pabalik dun sa duyan nung bigla niyang binaba yung buko shake niya at humiga.

"Sandal na"

Napatingin ako sa kanya.

"Ano yan?"

"Braso ko?"

"Ano ba Patrick?!" Obvious naman kasi.

Inakbayan niya ako at hinila ako pahiga sa kanya.

"Wag na magsalita. Sorry kanina, matulog ka na ulit"

Hindi rin nagtagal eh hindi na ako napakali.

"Pat"

"May nangyari ba?"

Umayos ako ng upo.

"Si Warren"

"o?"

"Andito siya kanina."

"Bakit daw?"

"Dinonate ko kasi yung stufftoy na binigay niya sa akin"

"yung valentine gift?"

"Oo"

Kinuha niya yung kamay ko na nakapatong lang sa lap ko tas hinawakan niya. Hinayaan ko naman siya.

"Date tayo"

"Bakit?"

"Wala lang"

"Lagi na nga tayong magkasama"

"Di naman date yun"

"Teka ano ba yung kapalit ng pagkatalo ko? Di ba sabi ko sayo kahit anong hilingin mo eh tutuparin ko"

"Ang yabang mo talaga"

"Nagsasabi lang ng totoo"

"Tandaan mo, hindi lahat ng ginagawa ko gusto ko. Pag kinuha na sayo ang bagay na pinakakaingatan mo, everything doesnt seem to matter. Nawawalan ka na ng gana to the point na parang patay ka na"

Out of no where eh pumasok yun sa isip ko then bigla kong nasabi kay Patrick na

"Pwede bang hayaan mo na magtry out na si Warren sa basketball team?"

Natigilan siya at napatingin sa akin. 

"Ayoko lang na masisi sa akin na nakuha ang lahat sa kanya. Hindi man katulad ng pagmamahal mo sa baskteball pero alam naman natin na gusto niya din yun diba? Kahit yung bagay na yun maibalik ko sa kanya ng maayos"

"Pati ba naman dun magiging kaagaw ko siya?"

"Hindi naman sa ganun"

Tumayo siya.

"Yun lang ba? Hayaan mo tutuparin ko"

"Galit ka ba?"

"Yun lang ba nangyari?"

"Oo? Hindi ko din maintindihan yung mga sinasabi niya."

"Tulad ng?"

"Hindi niya daw gusto yung ginagawa niya tapos parang may inaalam siya. Hindi ko talaga alam"

"Naniniwala ka ba?"

"Ewan" tumayo ako at lumapit sa kanya "pero maniniwala ako pag sinabi mong nagseselos ka ngayon"

"Ano?"

Yinakap ko siya.

Kailangan kong gawin yun kasi ayokong nakikitang ganun si Patrick.

Hindi ko gustong isa walang bahala siya.

"Im not going to do something crazy, Pat. Not anymore."

Yumakap din siya sa akin.

"Hindi ko rin naman hahayaan na gumawa ka ng ganun"

I cannot risk Patrick like I always did in the past.

Not anymore.

_____________________________________________________________________________

Malapit na mag-undas at naeexcite na ako sa paguwi ni Sasha at Kuya Nico. Kami namang magbarkada eh nilulubos ang october. Kadalasan sama sama pero nitong mga huli parang may sariling lakad si Lyka. Si Jason naman at Joyce eh madalas nakahiwalay. Siguro meron nang development sa kanila. Napapansin kong hindi na sila masyado nagbabarahan.

Lagi ko naman sinasamahan si Patrick sa mga practice niya. Pano ba naman kasi next sem pa daw magsisimula ang training ng volleyball team. At dahil dun mababawasan ang dahilan na magkita kami. Pinagbigyan ko na. Sa totoo lang unti unti na talaga akong naapektuhan sa mga ginagawa niya. Minsan nga pagwala pa siyang text na tapos na yung game nila eh nagaalala na ako. Nakabantay na ako sa cellphone ko para sa text niya. 

Kung mahal ko na siya? Oo naman matagal na. Ang lagay lang eh gaano na kalalim yung pagmamahal ko sa kanya?

Inaamin ko minsan naaalala ko parin si Warren pero once na kasama ko na si Patrick eh parang nawawala na lahat ng yun.

So siguro nga mahal ko na si Patrick.

"Apo andyan na si Patrick"

Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha yung bag ko.

Manunuod kasi ako ng practice game ni Patrick ngayon.

Pagkalabas ko eh nakatayo si Patrick sa may motor niya.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"

"Ang lamig ng panahon no?" sagot niya sa akin.

"Ha? Hindi naman ah?"

"Ang lamig kaya. Halika nga dito"

Lumapit naman ako sa kanya.

"Bakit?"

Kinuha niya yung dalawa kong kamay tapos pinagdikit iyon para hipan tapos hinawak niya sa mukha niya.

"Oh diba ang lamig?"

Naramdaman ko nga na ang lamig ng pisngi ni Patrick. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi makasagot.

Inulit niya ulit yung ginawa niya habang ako nakatingin lang.

"Gusto ko ba gawin ko sayo?" Tanong niya sa akin.

"Ha??" binawi ko yung mga kamay ko "Hindi ah"

"Pandak bakit namumula ka?"

Hinawakan ko yung pisngi ko tapso napatawa siya.

"Ewan sayo tara na nga" 

Humarap ako sa motor niya na hinihintay siyang sumakay.

"Rachel, gusto mo na ba ako?"

Seryosong seryoso ang tanong na yun sa akin ni Patrick. Considering na tinawag niya ulit akong Rachel. Pag tinatawag niya akong ganun alam kong seryoso siya. Tumingin ako sa kanya.

"Pat"

"Gusto mo na ako diba? Kitang kita ko sayo"

Wala na rin namang dahilan para itago.

"Oo, gusto kita"

Pero imbis na ngumiti eh sumeryoso lalo ang mukha niya.

"Mahal mo na ba ako?"

Kung ang bilis kong sumagot kung gusto ko siya eh ganun naman kabagal ko sagutin kung mahal ko na ba siya.

"Wag mo na sagutin. Alam kong hindi mo pa alam"

Dun ngumiti siya.

"Gusto ko na mahalin ka"

"Alam ko naman na sinusubukan mo. Masaya ako na gusto mo na ako ibig sabihin nagkaruon ng rason para hindi mo kaagad ako iwan"

"Hindi naman kita iiwan ah?" napatanong ang boses ko sa kanya.

Ngumiti siya.

"Tara na?"

Sumakay kami dun sa motor niya at pumunta sa school. Pagkaparada ng motor eh inabot ni Patrick agad ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya. Nung papunta na kami sa may court eh nakita ko si Warren na nakaupo sa may daraanan namin na nagaayos ng sintas niya. Napahinto si Patrick kaya napahinto nadin ako. Napatingin din si Warren sa amin nun.

(see upper promotional picture)

"Hindi ko alam na magpapakita ka pala" bati ni Patrick

"Natatakot ka ba at nandito ako?" sagot naman ni Warren

"Tsk, Nagpapatawa ka ba? Alam mo namang matatalo ka diba? Dapat di ka na nagpakita"

Tumayo si Warren at lumapit kay Patrick "Anong sinabi mo?!"

"Tama na Warren. Ano ba?" pigil ko naman Warren.

Tumingin sa akin si Warren. Halatang galit na talaga siya.

"Ayoko namang makasama ka eh. Tinutupad ko lang yung hiniling sa akin ni Elise na ibalik ang mga bagay na nawala sayo"

Hindi parin nawala yung tingin sa akin ni Warren nun.

"Hindi mo naman kailangang ibigay sa akin yun. Uumpisahan ko na kunin ang lahat na dapat ay sa akin at kasama ka na dun"

Iniwas ko yung mata ko kay Warren ng nagsalita ulit si Patrick.

"Diba may usapan tayo? Pasensya na hindi na ako marunong magpatalo ngayon. Siya kasi ang nakapusta." Nakatingin na si Warren nun kay Patrick.

(see the lower promotional pic)

"Kailan pa ipunupusta ang mayari ng iba?" Tanong ni Warren.

"You had your chance but you screw it. Pagpasensyahan tayo" hinila ni Patrick yung kamay ko.

"I did not screw it up. You blew it"

Hindi na muling nagsalita si Patrick pero naramdaman ko na humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Pagkapasok na pagkapasok namin ni Patrick sa court eh maya maya ding sunod ni Warren.Pahinto hinto siya sa pagaayos niya ng medyas niya. Hindi ko na siya tinignan. Nakita ko si Patrick na nakakunot parin kaya hinawakan ko yung noo niya.

"Hey, salamat sa pagtupad nun kahit alam kong ayaw mo. Maayos din ang lahat"

"Diba sabi ko kahit ano?"

Hinawakan ko yung mukha niya. "Alam ko. Galingan mo ha?"

Ngumiti sa akin si Patrick.

Nagmeeting na yung mga players at as I was expecting magkaibang team si Warren at si Patrick. Nung shake hands na mabilis ang yung sa kanilang dalawa. Hindi naman maitatanggi na may tensyon sa kanila eh. 

Dun ako umupo sa may banda kela Patrick. Unti lang ang tao sa court dahil sa practice game lang naman to na try out game ni Warren. Makuha niya kayang makapasok? 

Nagsimula na yung game at nakikita ko na parang hindi interesado si Warren. Pagsa kanya pinapasa yung bola eh pinapasa niya lang agad sa iba tas siya pa yung pinakamabagal tumakbo. Akala ko ba babawiin niya yung mga bagay na dapat ay sa kanya? Eh bakit di siya nageefort na mapasama sa basketball team?

Natapos ang first quarter na lamang sila Patrick ng 12 points. Ang laki nun. Kaya nga naririnig ko na magsalita yung teammates ni Patrick na kailangan pa bang ipagpatuloy yung laro eh mukhang tinatamad naman yung nagtatry out. Tama nga naman kaso kakaiba yung sinagot ni Patrick.

"Bantayan niyo parin siya. Inaaral lang ni Warren yung mga kilos natin."

Nung nagsimula na yung second quarter eh kaagad na nakashoot si Warren. Nagulat pa nga yung nagbabantay sa kanya.Totoo nga atang inaaral lang ni Warren yung kilos nila. Pero di parin siya ganun kabilis tumakbo. Nagulo yung depensa ng team nila Patrick hanggang sa lumamang na ang team nila Warren ng 2 puntos pagkatapos nung quarter na yun. 

Lumapit agad sa akin si Patrick. Halatang pagod na pagod siya.

"Babantayan ko ang ex mo sa susunod na quarter" yun ang sinabi niya after drinking the water I gave him "Okay lang?"

"Bakit ka pa nagpapaalam? Kailangan niyo manalo diba?"

"Gusto ko lang na maliwanag. You might not like what will I do"

Pagkatapos nun eh bumalik na siya sa court at tulad nga ng sinabi niya eh si Warren na ang binabantayan niya. Halatang di makalusot si Warren kay Patrick. Wala siyang nagagawa kundi ipasa yung bola. Wala pang nakakashoot nun makalipas ang 5 minutes. Nung nakay Warren na ulit ang bola nakita kong may sinabi siya kay Patrick na bigla na ikinahinto nito kaya nakalusot si Warren. Nung napansin ni Patrick yun eh bigla niyang kinabig yung braso ni Warrenna naging dahilan upang tawagan siya ng foul.

Bibigyan si Warren ng 2 points to shoot kaso nagtawag si coach ng time out.Pagkatapos pagalitan si Patrick eh agad siyang pumunta sa harap ko.

"Will you promise to stay at my side?"

Nginitian ko siya "Sinagot ko na yan diba? Hindi kita iiwan"

"Even after this?"

Nagtataka akong tinignan siya nung kinabig niya yung batok ko at bigla akong hinalikan. Sa sobrang gulat ko eh hindi ko siya natulak.

Bakit ako hinalikan ni Patrick?

Dahil nakabukas parin ang mata ko nakita ko sa may tapat namin si Warren. Nakatingin.

Nagalarm na to signal na game na ulit nung bitawan ako ni Patrick.

Ngumiti siya sa akin. "Mahal kita"

Hindi na ako nakapagsalita hanggang bumalik na si Patrick para sa freethrow ni Warren. Hindi ko alam pero parang di ko naramdaman yung halik ni Patrick. Para akong namanhid. Diba dapat masaya ako kasi alam ko na gusto ko siya?

Kaso si Warren. Yung mga mata ni Warren.

Beneath those eyes, I saw someone hurting.

I shook my head at tumingin sa score board. Hindi napasok ni Warren yung una niyang free throw kasi hindi nagbago yung score. Dun din sa pangalawa niya eh hindi pumasok. Air ball pa nga.

Bola na nila Patrick nun. At halatang mas pursigido si Warren. Naagaw ni Warren yung bola kay Patrick tapos takbo papunta sa side nila. Bumilis agad yung takbo ni Patrick para pigilan si Warren kaso alam niyang di niya mahahabol yun kaya bigla niyang hinarang yung right foot niya na siya namang kinabagsak ni Warren. Kasabay nung paggulong niya eh ang pagbitaw niya sa bola na siyang pagkuha ni Patrick para pumunta sa side nila at magshoot.

Hindi na nakatayo nun si Warren kaya isa isa na lumapit yung mga players sa kanya.

Lahat natigilan. 

Maliban sa isa.

Nakita kong papalapit na si Patrick sa akin.

"Umuwi na tayo. Tapos na yung game"

"Pat, na-injure ata si Warren"

"Kaya niya yan. Tara na." sabay hila niya sa kamay ko.

"Teka nga. Bakit di mo siya tulungan ikaw ang nakainjure sa kanya ah?"

"Umuwi na tayo Elise"

"Sinasadya mo ba to? Yung kanina, sinasadya mo ba?"

Hindi nagsalita si Patrick. Iniwan ko siya para lumapit kay Warren kaso pag punta ko dun eh andun na si Maxene.

Hawak hawak ni Warren yung right ankle niya at halatang namimilipit sa sakit. Nagpakuha na nun si coach ng stretcher. Si Maxene naman kinakausap si Warren.

"Sino ba kasi nagsabi na maglaro ka?! Warren you cant play anymore. Bat ang tigas ng ulo mo?" 

"Kaya ko to" sabi ni Warren kasabay ng mga ungol niya na pagpipigil ng sakit na nararamdaman niya.

"Kaya you cant barely walk after the accident tapos sasabihin mo kaya? Hindi ka na pwedeng maglaro ng basketball kahit tumakbo nga makakasama na sayo."

Nagulat ako sa sinabi ni Maxene.

Warren cant play anymore?

 

"That explains the bandage sa right ankle mo. Pare wag mo na ipilit. Wala na yung dati mong buhay. Hindi na maiibabalik yun. Tanggappin mo na lang"

Narinig kong nagsalita si Patrick sa likod ko. Tinignan naman siya ng masama ni Maxene.

"Pwede ba kung wala kayong gagawin para makatulong sa amin umalis na kayo." tinignan niya  din ako "lalo ka na"

"Tara na Elise"

Hindi man lang nakatingin sa akin si Warren nun. Halata kong ang sakit sakit ng nararamdaman niya. Nanghihina ako habang hinihila ako palabas ng court ni Patrick.

Kahit ngayon lang, why I cannot have a timeout?

Continue Reading

You'll Also Like

52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
542K 2K 5
Lumaki sa bruhang tita at malditang pinsan si Felice nang yumao ang ina niya. Lumaon ay inabandona din siya ng mga ito. Sinikap niyang maghanap ng tr...
20.6K 402 46
A DERPHERP FICTION ©2015