CHAPTER 15: PRELIM EXAM
♥BLUE'S POV♥
Examination na namin bukas. Pero hanggang ngayon di pa rin ako maka get over sa nangyari nung saturday. Tsss.
Nakakainis kasi si James hindi kasi sumipot.
Nakakahiya kaya yung ginawa ko sa harapan ni Lee. Feeling naman nya gusto ko sya. Kadiri nya.
Tsk.
Andito pala kami ngayon sa 2nd subject namin. hinihintay namin yung teacher naming maganda. Yung Filipino teacher namin. Na nasa 20's ang edad.
Nasa unahan ako umupo, While si Lee andun sa kabilang upuan pero nasa unahan rin.
Feeling naman nya tatabi ako sa kanya. Urgh! Naiinis talaga ako sa kanya. Feeling naman nya ang gwapo-gwapo nya porket lahat ng babae dito nagkakandarapa sa kanya. Tsss. Feeling!
Pwes ibahin mo ako. Iba ang type ko no. Tsk.
Eh teka nga bakit ba yan yung mga nasa isip ko ngayon ha?
Hayst!!
Nakakaimbyerna.
Dumating naman na si Mam Pretty.
"Good morning Class! How's your day? Tomorrow na ang exam nyo sa ibang subject diba?"
"Yes mam! "Sabi ng mga kaklase ko.
Naghalumbaba lang ako sa mesa. Gusto ko kasing matulog. Inaantok ako eh.
"Ok. At tayo sa friday pa naman. para di naman maistress ang mga magaganda at gwapo nyong mukha, sige i will give you this time for you na makapagrelax o makapag aral pa. Its up to you. Para di na kayo haggard. Hehehe "
"YEHEY~!!"
"ASTIG KA TALAGA MAM!"
"MAHAL NA MAHAL KITA MAM!"
Sigawan ng mga kaklase ko ng mga lalaki. Ang o-O.A. tss. Para yun lang eh.
"I love you too class. So for now. Goodbye."
"Yahoooh~!!" Nagsitayuan na ang mga kaklase ko, at kanya-kanya ng nagsilabasan.
"Ms. Emperial?"
Tinawag ako ni Mam nung matutulog na talaga ako.
Naman o! Badtrip to si Mam. Pasalamat ka maganda ka. Haha. Di ako tomboy ha. Close lang talaga ako sa mga kauri ko. Magaganda. *smirk. Hihihi.
"Nabalitaan ko na magaling ka daw sa sports at sa dance. Nakapili ka na ba ng club na sasalihan mo?"
"Pwede bang wala?"
"Haha. Ikaw talaga. Syempre hindi pwede."
Ano bang club ang sasalihan ko? Pwede bang lahat?
"Pwede bang maraming club?"
"Well it depends on you kung kaya mong ihandle ang maraming club, paano kung magsabay sabay ang mga meetings diba?"
"May point ka."
"Pwede ka naman pumili. Ano ba pinakahilig mo?"
"Lahat. I can do all things. Ganun ako katalented."
"Wow. Pinapahanga mo ako Ms.Emperial."
"Tss. I dont want to impress you, i just want to beat myself for being good of everything."
"Lalim ah. Malaki ang hugot? Hahaha. O sige na. Ano na nga?"
Nakita ko si Lee papalabas pa lang ng room. Expressionless nga yung mukha eh.
Tss. Feeling talaga!
I want to beat that guy also. Balita ko magaling daw sya sa lahat ng bagay eh. Ano kaya ang mga clubs na sinalihan nya?"
"Gusto mo rin si Art?" Out of nowhere natanong ni Mam.
"Ano?! Tinatanong mo ako kung gusto ko si Art Joseph Lee? No freaking way! Huh! Tong mukhang to? Sa mukha lang nya yun? Over my dead body!"
Pagtataray ko kay Mam.
"Hahaha. Ikaw, napaka-defensive mo. Para tinanong lang eh."
"Wag kang magbiro ng ganyan sakin. Tss. War kami nyan. As in!" Sabay ikis ko ng arms ko.
Looks like 'di ko kayang tanggapin' act.
"Ok.ok. so ano na nga?"
"Ano ba sinalihan nyang club?"
"O see? Hindi daw gusto."
"Yack ha. Hindi nga. I just want to prove to myself that I am better than him."
"Wow. So you're trying na maging kalevel mo ang popularity na meron sya?"
"Nope. I will surpass him. Thats my plan."
"Oh. Well, lets see. Maganda yan para sayo. So that you can reach your higher level. :)"
"I can do that. For sure."
"Ang club nya ay Music Club, ang part nya nasa instrument and singing. Meron din syang Sports last two years ago nasa football soccer sya, ngayon naman nasa basketball sya. At the same time Vice president sya ng ating Student Council. At marami pang iba na ginagawa sya outside of this school. Balita ko sa church nila, head sya ng dance team, and assistant ng Head of production Team. He is also a leader of 12 people na may people din na hinahawakan."
"Huh? Ano yung last?"
"Ewan. Tinatawag nila itong G12 eh."
"Ang dami nya namang sinasalihan ka eklabushan!."
"Ay naku. Madami talaga. Di ko na nga mabilang yung iba eh."
"Anyway. I dont care. All i know i am better than him."
"Hahaha. Sige ikaw bahala. So pili ka"
"Lahat ng club na meron sya, sasalihan ko."
"Are you sure?"
"Yes im perfectly sure."
"Ok. Welcome sa club ng music. :) ako ang naghahandle. Hihi"
"Yeah sure."
"Baka mainlove ka nyan sa kanya, ha. Di mo makayanan ang pagiging almost perfect nya."
"Huh. Watch me. I am perfect than him."
"At saka feeling ko, may isa kang bagay na di mo kakayaning i-surpass."
"Ano yun?"
"Yung faith na meron sya sa Diyos na naglikha ng lahat."
"Do you believe in those stuffs?"
"Hey, im not antichrist. So im a believer too. But not like what he has. You know. Discipling people chuchu. Haha. Anyway i have to go my dear. Kasi may date pa ako. Hahah"
"Ikaw pala ang malandi mam eh."
"Ssshhh..."-and she's smiled at me.
i smirk. I will surely beat him.
♥MIKA'S POV♥
Examination day na! Waaaah~! Hallelujah! Ayos to.
"Uy, ready ka na?"- sabi ko kay Yana.
"Yeah. "- she said.
Alam nyo bang andito kami ngayon sa thursday class namin yung math of investment namin.
Kaya ito katabi ko si Migs. As usual. Pero si Gray? Ba't wala dito? Exam kaya.. yae na nga lang.
Nagsimula na ang exam. Maya maya pa kinalabit ako ng katabi ko.
Nilingon ko sya. "Bakit?" Tanong ko ng mahina lang. Napaka tahimik kasi ng klase. Lahat serious sa pagsagot.
Like duh~ math kaya ito. Hindi biro ang labanan na to. Hahaha.
"May ballpen ka pa?"
"Huh? Ah.. oo meron." Kumuha naman ako sa bag ng ballpen tapos binigay ko sa kanya.
Sumagot na ako.
Math..
Math..
Math..
Napakakomplikado ng math.. huhuhu
Mayamaya pa umalis si Sir kaya nagsi-ingay ng konti ang mga kaklase ko. Fight sila ng kupyahan.
They are all cheaters! >_<
Hayst. Kami nila Yana at Ken kanya-kanya kaming pray. :) kasamahan ko sila sa Church.
Si Ken, 144 level. Si Yana ganun din.
Mas lalong nagsi-ingay sa loob.
"Lord, in Jesus name. Protect me. Hindi ako mangongopya at hindi ako magpapakopya. Di bale walang sagot, basta hindi lang kita nadisplease."- i intercede.
Maya-maya pa ulit. Naririnig ko na yung mga sagot . Kulang na lang hindi na ako sumagot at takpan na lang ang tenga ko.
My gosh! Anubayan!
Naramdaman kong may nilagay si Migs sa ulo ko.
Headphone.
tiningnan ko sya...
"So that you cannot sin against your God." Tapos bumalik na sya sa pagsagot.
*dug- dug. Dug-dug.*
Bumalik na ang paningin ko sa papel ko. I put my right hand sa dibdib ko.
In Jesus Name! I rebuke this feeling. Lord protect my heart.
After exam namin. Binalik ko na sa kanya ang headphone. Di naman ako pinagalitan ni Sir, kasi alam naman nya na Disciple ako ng Lord and i just want to guard my ears so that i can guard my testimony sa school.
We have to make a distinction sa school so that we can win people to Christ. Coz we're bringing change into this campus.
How can we influence them to do good, if we are doing bad, right?
"Thanks. " i said to him.
Kinuha nya lang yung headphone at umalis na.
Atleast di ako nagkamali ngayon. Alam kong ginamit din sya ng Lord para maiprotect ako kanina.
Oh well. Ang demonyo ay demonyo pa rin talaga sabi ni Art Joseph. So we have to take care ourselves. Our testimony. I smile.
"Thank you Lord for protecting me."- i said.
"Ano kaya pa?"- Ken.
"Hahaha. Nakaya ko nga."-Ako
"good. Tara na sa susunod na subject."-Yana.
"Tara."-ako
***end of chapter 15***