The Wedding Planner.

By sassyabhie05

10.8K 309 96

More

The Wedding Planner.

10.8K 309 96
By sassyabhie05

dedicated sa napangakuan kong si Stupidlyinlove XDD eto na yung one-shot story na ni promise ko ^O^ ...

ang story pong ito ay balak ko sanang ipasa sa org newspaper namin, so manghihingi po sana ako ng comments... medyo palasak na po yung plot, i know -_________- ewan ko ba, peborit ko kasi yung ganitong flow ng story.. hehehehe

basta po, sabihin niyo sakin yung suggestion/comments/critics/etc.

need lang po talaga ^_____________^

-- to Joanne and Janela, mga loka, eto yung ipapasa ko. Ok lang ba talaga? :))

so ayun... feel free to vote din po hah :))

pabasa..

*********************************************************************************************************

“Congratulation Yanna, ang ganda ng kinalabasan ng kasal ni Mr. And Mrs. Yap” tuwang-tuwang bati sa akin ng boss ko—na halos kasing edad ko din, habang niyuyugyog-yugyog pa ang balikat ko.

“Maraming salamat po Ma’am.” Natatawa ding tugon ko sa kanya.

Ito ang trabaho ko, ang magplano ng isang magandang kasal para sa ibang tao. Bata pa lamang ako, ang mag-ayos sa mga kasal na ang gusto kong gawin, dahil para sa akin, kasal ang isang bagay na minsan lamang mangyayari sa ating buhay kung kaya’t nararapat natin itong pagandahin. At Masaya akong gumawa at mag-isip ng mga bagay na pwedeng magpaganda ng kasal.

“Nako Yanna! Excited na tuloy akong ikasal ka, gusto ko nang malaman yang dream wedding mo na ayaw mong ipagsabi.” Panunudyo pa ng boss ko.

Napangiti na lamang ako. Iyong dream wedding ko, sa tingin ko, hanggang pangarap na lang talaga siya, dahil yung lalaking gusto kong makasama sa pagharap sa altar, hanggang ngayon, wala padin akong balita.

Si Lance, kababata ko siya. Siya yung itinuturing kong best friend. Siya yung kalaro ko lagi at siya yung nagtatanggol sa akin sa mga nang-aaway sa akin noon. Si Lance, minsan na din kaming ikinasal, noong naglalaro kaming dalawa kasama na din yung iba pa naming kalaro. Simula noong araw na iyon, doon ako nangarap ng isang magandang kasal, doon ko binuo ang bukas ko, kasama siya, kasama si Lance, ang pinapangarap kong maging groom.

Malandi na kung malandi pero, sa tingin ko, bata pa lamang ako, mahal ko na siya, siya na ang gusto ko, siya na iyong masasabi kong “The One”, yung taong paglalaanan ko ng buong buhay ko. ‘yung taong makakasama ko hanggang sa pumuti ang buhok ko. Pero... noong umalis siya, pakiramdam ko, gumuho lahat. Nasaktan ako ng sobra, pero hindi ako nawalan ng pag-asa na isang araw... babalik siya, babalik siya at sasabihin sa aking, “Mahal kita, Yanna.”

*

Nagulat ako ng biglang pumasok si Ma’am Cheska sa opisina ko, inilapag niya sa aking harapan ang isang folder. Mula sa binabasa kong magazine, nabaling sa kanya ang atensyon ko. “Bagong kliyente?” nakangiting tanong ko sa kanya.

*pout* “oo eh!nakakainis ang gwapo pa naman niya, tapos ikakasal na agad siya? Sayang naman ang itsura niya, magpapatali na agad siya. Nako Yanna, endangered species na ang katulad niya, nakakaloka talaga. Anyway, special request yan, aba choosy pa siya, ikaw talaga ang gusto niyang maghawak ng kasal niya. Sikat ka na talaga girl.” Napapailing-iling na panunudyo niya.

Napangiti naman ako, “hindi siguro. Alam niya lang talagang type mo siya kaya baka daw mahirapan siyang makipagtrabaho sayo. ha-ha, takot ma-seduce.” Biro ko sa kanya.

“Oh well, matakot talaga siya, aba! Baka hindi niya alam, iilan lang ang nakakaligtas sa alindog at charm kong ito ‘no. Ha-ha. O sya, sige na, anytime lang dadating na din yung si Mr.Papabol, kaya gora lang, mag-start ka ng pag-aralan ang profile niya ng makaisip ka na ng ideya. Bye girl.” With that, lumabas na siya.

Napapailing na lamang ako habang nakangiti. Binuksan ko na ang folder na nasa harap ko. Napalis ang mga ngiti ko at binundol ng sakit ang dibdib ko. Sa loob ng maraming taong hindi namin alam kung ano na ang mga nangyayari sa isa’t-isa, sa ganitong paraan pa ako magkakaroon ng balita tungkol sa kanya. Ang sakit lang... kasi, yung taong pinapangarap mong makasama sa pagtanda mo...

... may iba palang gustong makasama sa pagtanda niya.

 

At talagang ako pa, ako pa ang gusto niyang magplano ng magiging kasal nila.

Buti na lamang at hindi nakasulpot si Lance noong mismong araw na iyon, dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung paano siya haharapin. Nasaktan talaga ako, sobrang sakit. Binalak kong tanggihan ‘yung naatang sa aking trabaho, pero naisip ko, baka madisappoint sa akin si Ma’am Cheska, at sabihin niyang hindi ako professional kung kaya’t ikinondisyon ko ang sarili ko sa araw na ito, ang araw na haharapin ko si Lance.

Napapitlag ako nang biglang may kumatok, ngunit nakabawi din ng Makita ko si Ma’am Cheska.

“He’s here...” masayang bati niya tapos may sinenyasan siya sa labas. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, heto na... heto na siya... ikinundisyon ko na ang sarili ko at tumayo. Maya-maya lamang, pumasok na siya, kasama ni Ma’am Cheska. Napatulala na lang ako sa kanya, lalo lang siyang naging gwapo at naging makisig ang katawan niya. Like OMG! Siya na ba talaga ‘to?

“So, iwan ko na kayo hah.” May panunukso sa tinging itinapon sa amin si Ma’am Cheska bago ito tuluyang umalis.

“Yanna...” nabaling ang atensyon ko sa nakangiting Lance na ngayo’y diretsong nakatingin sa akin. My heart skipped a beat. Hindi ko alam ang gagawin ko, suddenly, parang nagulo ang buong sistema ko at natataranta ako, “La-lance...” nauutal na bati ko sa kanya tapos ngumiti ng pilit.

“So, pwede na ba nating simulan ang pagpaplano ng kasal KO? May lakad pa kasi ako, so, nagmamadali ako...” natauhan ako sa sinabi niya. Oo nga pala, ikakasal na siya.

*

“Kelan ang gusto niyong date ng kasal niyo ni... ano nga bang pangalan ng mapapangasawa mo?” pinipilit kong maging pormal at mahinahon sa bawat tanong ko kahit na ang totoo, gusto kong sumigaw para ilabas itong sakit na nararamdaman ko.

“Yannie, Yannie ang pangalan niya. Regarding sa date ng wedding namin, August 21 namin gusto.” Bigla akong napatingin sa kanya, kailangan August 21 talaga? August 21 ‘yung date nung kasal-kasalan namin dati eh. At kailangan talaga magkatunog pa pangalan naming dalawa? Bakit hindi na lang kaya siya kumuha ng kutsilyo at sinaksak na lang ng tuluyan ang puso ko? Parang pinatay niya na rin ako sa sakit eh!

“yu-yung.... mo-motif ng kasal nyo?” nakayukong tanong ko, ayokong salubungin ang mga tingin niya, dahil baka traydorin ako ng mga pasaway kong luha.

“Periwinkle Blue, iyon kasi ang paborito niyang kulay eh.” So, pareho padin kami ng Fiancé nya? Ouch na talaga!

“Siya nga pala Yanna, samahan mo na din akong bumili ng singsing at gown para sa kanya , hindi kasi siya makakauwi galing Amerika, mahigpit kasi yung boss niya. Ok lang naman ‘di ba? Tutal naman mukhang magkasukat kayong dalawa.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. This is really insane! Pati ba naman singsing at wedding gown? God, kailangan po bang maging ganito ito kasakit? Masyado po ba akong naging ambisyosa kaya ipinamumukha sa aking walang wala akong pag-asang maikasal sa kanya? O ang nakatadhana lang talaga sa akin ay maglingkod sa inyo at pumasok ng kumbento?

AUGUST 20.

 

Isang araw bago ang kasal ni Lance at noong Fiancé niya na hanggang ngayo’y hindi padin nagpapakita, Pinuntahan namin iyong beach resort na magiging reception ng kasal niya.

Bukas, bukas ang araw ng kasal niya, ang pinakamasayang araw sa buhay niya at siya namang pinakamalungkot na araw sa buhay ko. ‘Yung kasalan na magaganap bukas, iyon ang kasal na pinapangarap ko, ang ayos ng kasal nila ang magsisilbing regalo ko sa kanilang dalawa. Iisipin ko na lang na ang kasama ni Lance sa harap ng altar ay... ako. Para kahit na papaano, kahit konti lang, maging Masaya ako.

“Yanna...” tawag niya sa pangalan ko. Tahimik kaming nakaupo sa may buhanginan at pinanood ang paglubog ng araw.

“hmmmm...” tugon ko naman sa kanya habang nakatingin padin sa lumulubog na araw.

“bata pa lamang tayo pinapangarap ko ng dumating iyong araw na ikakasal ako sa taong mahal ko, pinapangarap ko na na Makita siya sa pagpikit at pagmulat ng mata ko. Pinapangarap kong Makita siyang dala-dala ang mga anak ko. At higit sa lahat, pinangarap kong makasama siya hanggang sa pumuti na ang mga buhok ko.”

 

“matutupad na iyan bukas Lance.” Singit ko sa sinasabi niya. Lalo lang akong nasasaktan sa mga sinasabi niya, kung alam niya lang talaga kung gaano kasakit.

“hindi nga eh.” Nagulat naman ako sa naging tugon niya, nagback out na ba si Yannie?

“b-bakit?” naguguluhang tanung ko sa kanya.

“kasi...” tapos tumingin siya sa akin mata sa mata. “hindi ko pa naiitanong sa kanya kung papayag ba siyang ikasal sa akin...” seryoso padin siyang nakatingin sa akin. Bahagyang napakunot ang noo ko, “hindi ka pa napopropose kay YANNIE?” gulat na tanong ko sa kanya.

“ngayon pa lang.” Tapos inilabas niya mula sa bulsa niya yung singsing na pinili ko. “YANNA, will you please spend the rest of your life with me? Please be my wife.” Nakangiting tanong niya sa akin.

Kulang ang salitang “SHOCK” para idescribe ang nararamdaman ko ngayon. Tinatanong niya ako, nagpopropose siya sa akin? Ako ang Yannie na tinutukoy niya? Kaya ba lahat ng gusto ko, iyon ang gusto niya para sa kasal ‘daw’ nila? Pwede bang pakikurot naman ako ng isa?  nananaginip ata ako eh.

“a-ano.. b-ba naman yan La-lance. Practice na naman?” sabi ko sa kanya sa pabirong tono. Tama, baka pinagpapraktisan niya lang ako.

“No. This ring belongs to the one I truly love. And it’s you Babe, it’s only you.” Nakangiti uling sabi niya habang iniipit sa likod ng tainga ko ang mga buhok na napupunta sa mukha ko.

Biglang nagpulasan ang mga luha ko, tears of joy. Sobrang saya ko kasi, hindi ko maexplain kung ano ang nararamdaman ko, basta sobrang saya ko.

“Hey.why are you crying?” natatawang tanong niya.

Hinampas hampas ko siya sa balikat niya, “nakakainis ka, akala ko ikakasal ka na talaga sa iba, ang tagal pa mandin kitang hinintay tapos pagbalik mo, kasal na agad ang inaayos mo. Asar ka talaga, pinapaiyak mo ako!”

 

“sorry na, ito na lang kais yung naiisip kong paraan para masorpresa ka.”

 

“nakakainis ka talaga, pinagtitripan mo ako!” sabi ko habang hinahampas padin siya, siya naman todo sangga sa paghampas ko.

“Ok, sorry na... pero, seryoso Yanna, mahal talaga kita at ikaw lang ang gusto kong makasama.”

 

Napangiti ako sa sinabi niya. Sobrang saya ko talaga. “mahal na mahal din kita Lance. At ikaw lang din ang gusto kong makasama. So, Yes! Tinatanggap ko, tinatanggap kita bilang kabiyak ko.”

 

“That’s my girl.” Tapos tinahak ni Lance ang pagitan naming dalawa hanggang sa maabot niya ang mga labi ko. We shared a sweet and passionate kiss.

-end-

**********************************************************************************************************

AUTHOR'S NOTE..

AN ulit? hahahaha.. ipapaalala ko lang po yung comment hah.. kung hindi niyo po siya nagustuhan keri lang, wag na lang magcomment. haha, de Joke lang.. sabihin niyo po sakin, pero sana naman po, in a nice way, don't be so rude naman. nakakadiscourage.. hehehe

mahina talaga ako sa one-shot pangako, kaya pasensya na po.. hehehe

VOTE.COMMENTS.LIKE po :))

thank you ^O^

--sassyabhie05

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

87K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
68.2K 886 47
Would you like to risk all of you for your love one sake? "I am willing to risk everything than to miss the good thing" -Mandy 'Till death do us p...
43.1K 359 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...