Story of A Campus Girl

By Mnemonicss

4.1M 50.8K 4.8K

"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkaka... More

Prologue
Chapter 1: Meet the Sarmiento
Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts
Chapter 3: First Encounter
Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Chapter 6: Love at first sight?
Chapter 7: Seat mate
Chapter 8: Meet the other friends
Chapter 9: Phone Call
Chapter 10: Long Lost Cellphone
Chapter 11: Unexpected Visitor
Chapter 12: Class Activity
Chapter 13: When They Become Closer
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect
Chapter 19: Marjorie's Threat (Part 1)
Chapter 20: Marjorie's Threat (Part 2)
Chapter 21: Finding Nikki
Chapter 22: Piece of Shattered Memory
Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends
Chapter 24: Battle for Nikki's Heart
Chapter 25: First Heartache
Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)
Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)
[Warning: This is not an Update]
Chapter 28: Vinci, Watchout!
Chapter 29: The Loveteams
Chapter 30: Xander's Secret
Important: Must Read
Chapter 31: Nikki's Broken Heart (Part 1)
Chapter 32: Nikki's Broken Heart (Part 2)
Chapter 34: Make Her Happy (Part 1) [Nikki's POV]
Chapter 35: Make Her Happy (Part 2) [Vinci's POV]
Chapter 36: Acting Club President
Chapter 37: Friend or Love (Part 1)
Chapter 38: Friend or Love (Part 2)
Chapter 39: Friend or Love (Part 3)
Chapter 40: Friend or Love (Part 4)
Chapter 41: Twist of Fate
Chapter 42: It's Time to Move On
Chapter 43: Vinci's Unexpected Move
Chapter 44: Detention
Chapter 45: James Vs. Vinci
Chapter 46: Nikki's not my type
Chapter 47: Unexplained Emotions
Chapter 48: Nicole Sarmiento (Beast mode version)
Chapter 49: Other Side of Mr. Almost Perfect
Chapter 50: The Unexpected Auditionist
Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl
Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses
MAJOR ANNOUNCEMENT!
Chapter 53: Marius' Weakness
Chapter 54: Result of Desperation
Chapter 55: The Bitch is Back
Chapter 56: Lovesick (Part 1)
Chapter 57: Love Sick (Part 2)
Chapter 58: Strange Noise (Part 1)
Chapter 59: Strange Noise (Part 2)
Chapter 60: I choose you
Chapter 61: Mystery Girl (Part 1)
Chapter 62: Mystery girl (Part 2)
Chapter 63: The Incoming Rival?
Chapter 64: Meeting the Rival

Chapter 33: Tomorrow is Another Day

65.1K 895 59
By Mnemonicss

Chapter 33: Tomorrow is Another Day


"Nikki.. Hmmm.. May pagtatapat sana ako sayo"


Yun ang sabi ni Vinci habang naka-yuko at nakaharap sakin. At sa mga oras na ito? Nahihiya pa siya habang sinasabi ang mga salitang yan.


"Ahmm.. Ano yun?" pagtatakhang sabi ko.


Tinitigan nya lang ako sa mga mata ko nang mga sandaling iyon. Parang nangungusap pa ang mga mata nya habang tinitignan nya ako.


Hindi ko alam pero.. 


pero habang ginagawa nya yun..


Gustong kumawala ng puso ko sa sobrang kaba.


*dugdug*


"Nikki.." pag-uulit na sabi nya.


Nagulat ako nang bigla naman nyang hawakan ang dalawang kamay ko. Dahil sa ginawa nya, lalong bumilis ang tibok ng puso ko.. 


*dugdugdugdugdug

 

Shocks, ano ba 'tong sasabihin nya sa akin? At bakit parang na-iilang na ako sa mga titig nya?


"Pwede bang... ahm.." sabi nya at napahinto ulit.


*dugdugdugdugdug


"P-Pwede bang.. Ahm.. ano?" kinakabahang sabi ko habang pilit na tumitingin sa kanya.


Oo, pilit ko na siyang tinitignan ng diretso sa mata ngayon para naman hindi nya mahalata na kinakabahan na ako. At the more na tinitignan nya ako, the more na nagiging abnormal na ang tibok ng puso ko.


P-Pero..


Pero ang hindi ko maintindihan.. ay kung bakit nung ginawa nya yun, para akong na-kuryente?


Para bang may spark ng kwitis at..


Spark..


W-wait.


Hindi kaya--


"Nikki?"


Napatingin naman ako sa kanya nang bigla siyang magsalita. Pag tingin ko sa kanya, hindi ko inaasahan ang nakita ko..


S-Sobrang lapit na pala ng mukha nya sa mukha ko!


"Nikki.." sabi nya habang unti-unting lumalapit ang mukha nya sa mukha ko.


  *dugdugdugdugdug  


"A-Ano?" sabi ko ulit.


Shocks. kinakabahan na talaga ako. Vinci naman eh. 


Dahil sa sobrang kaba ko, pumikit nalang ako at sinubukang hintayin ang mga susunod na kaganapan. Pero habang nakapikit ko, na-fefeel ko pa rin na unti-unting lumalapit ang mukha nya sa mukha ko. 


Waaah! Anong gagawin ko?


Naramdaman kong huminto siya nang makalapit ang bibig nya sa bibig ko. Sa naiimagine ko, parang 1 inches nalang ata ang pagitan. 


*dugdugdugdug*


"Nikki" rinig ko na namang sabi nya na halos pabulong na. "Pwede bang.....







Akin nalang si Xander my loves mo?"


WHAT?!


Pati si Vinci, kaagaw ko kay Xander??


Waaaaaaahh!!!! HINDEEEEEE!!!!!!


O_O


Huh?


Teka..


*blink blink

 

I-Ibig sabihin.. Panaginip lang pala?


*blink blink

 

Waaaaah!!! Lord!!! Grabeeee!  Akala ko talaga totoo na.. Huhuhu..


Pero infairness ah, super kinabahan ako sa panaginip na yun. Actually, ramdam ko pa nga yung heartbeat ko ngayon oh.. Pakinggan nyo..


*dugdug... Dugdug..

 

Haysss...


Pero teka? Bakit nga ba ganun yung panaginip ko? Parang ang weird naman? Actually, Yun na yata yung pinaka-weird sa lahat ng napanaginipan ko..


Hmmm..


Anyways.. Hayaan ko na nga lang.. makatulog na lang ulit.. Tutal, wala naman daw kaming pasok sa Creative music at basic acting ngayon..


Humiga ulit ako sa kama ko tapos sinimulan ko ulit ipikit yung mata ko..Pagkatapos, niyakap ko naman ng mahigpit yung pinakamalapit na unan na nasa tabi ko..

Hayss.. Sana managinip ulit ako. Yung masaya naman. Yung hindi weird. Yung hindi ako magigising sa sobrang kaba. Para naman tuloy-tuloy ang tulog ko at---

Wait..

Hmmm...

Ba't ganun? parang may something na mali?

(Kapa-kapa)

Saka ba't parang masyadong matigas yung unan na yakap ko?

(Kapa-kapa)

Hala.. Ba't ganun?! Wala naman akong matandaan na may unan akong ganito ah..

(Kapa-kapa)

Saka ba't parang masyadong malaki yung unan na yakap ko?

Hmm...

Ano ba yan? Ang weird naman..

Dahil sa na-weweirduhan na talaga ako sa nakakapa ko, dumilat ako para makita ko kung ano yung itsura ng yakap kong unan at..

Ahhh.. Ok.. Kaya naman pala..

Eh si Vinci lang naman pala yung katabi ko eh.. Kala ko naman kung ano na..

Hmmm.. Pero infairness ah. Ang himbing himbing pa ng tulog nya..

At akalain mo yun, mas mukha pala siyang harmless lalo na't malapit yung mukha nya sa mukha ko...

Saka ngayon ko lang napansin na..

Ang gwapo pala talaga ni Vinci. ^_^

Haysss.. Anyways.. Ako nga rin nga.. matulog nalang ulit.. Kala nya, siya lang ang magiging mahimbing ang tulog ah.. Ako din kaya...

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz----

o_o

*blink blink

O_O

"AAAAAAHHHHHH!!!"

(Tulak ng malakas kay Vinci)

*boooogsh!

 

"Ouch!!!!" reklamo ni Vinci habang nakaupo sa lapag.  "Aish, Nikki naman! Ba't kaba nanunulak? Awww.. sakit..."

"B-b-bat nandito ka?! H-Ha?! S-Saka ba't magkatabi tayo sa kama?!"gulat na gulat na sabi ko sa kanya habang nakayakap  ako sa unan ko.. Yung unan na talaga ah..

 

"Aish. Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano dyan! Ikaw kaya may kasalanan kung bakit nandito ka sa kwarto ko... Awww.. Ang sakit.."

"Oy! Anong kwarto mo---"

O_O

Waaaaaaahh!! Ba't nandito ako sa kwarto nya??

"A-Anong ginawa mo sakin ha?!" sabi ko sa kanya sabay bato sa kanya nung unan na hawak ko..

"Huy! Ano ba? Wala akong ginawa sayo noh! Ikaw kaya yung lasing kagabi!" asar na sabi nya sakin.

"Anong lasing ka dyan?! Paano naman ako malalasing, eh hindi naman ako marunong umino--"

*flashback

 

"Ano po, ma'am? Bibili po ba kayo? Effective po yan sa broken hearted"

 

"S-Sige po"

*end of flashback

 

O_O

 

Waaaaahhh!!! Shocks! Lasing nga ako kahapon at--Awww.. Ang sakit ng ulo ko..

"Oh, ano? Naalala mo na?"

Napatingin naman ako sa kanya nung bigla siyang magsalita..

"A-Ahhh.. Ehh... M-Medyo" sabi ko sabay yuko.

Grabeeee.. Shocks. Nakakahiya naman.. T_T

"P-Pero teka, paano ako napunta dito?" sabi ko sa kanya.

"Paano kasi, nakatulog ka kahapon sa sofa dahil sa sobrang kalasingan. Kaya ayun, ginising kita then dadalhin na sana kita kagabi dun sa kwarto mo." sabi nya. . "Nung nasa taas na tayo, nagulat ako ng bigla ka nalang nagdire-diretso sa kwarto ko. Sinabi ko pa nga sayo na hindi doon yung kwarto mo pero nagpupumilit ka pa rin. Sabi mo pa nga sakin, "Ano ba? Hindi naman dyan yung kwarto ko eh" hanggang sa tuluyan ka nang nakapasok sa loob ng kwarto ko"

"T-talaga?" sabi ko "Eh ba't di mo ako pinaalis?!"

"Paano nga kita papaalisin, eh dirediretso kang pumasok dito. Tapos dali-dali ka pang humiga sa kama ko.." sabi nya.

"Eh bakit magkatabi tayo sa kama?"

"Pagkahiga mo sa kama, inayos ko sayo yung kumot."sabi nya sakin.."Paalis na sana ko kaso bigla mo kong hinatak. Sabi mo pa nga "Unan, saan ka pupunta? Pati ba naman ikaw, aalis"

"Waaaahh! Talaga?! S-Sinabi ko yun?" gulat na gulat na sabi ko sa kanya.

"Oo, sinabi mo yun sakin." Sabi nya "Pfft.. Mukha ka ngang timang nun eh. Pinagkamalan mo pakong unan. Pambihira."

Waahh.. Shocks! Grabe. Nakakahiya! Huhuhuhu.. Sabi na nga ba eh, kaya ayokong i-try yung alak na sinabi ni Kuya eh..  (*^*)

Pero wait..

Kung nung time nayun, pinagkamalan ko siyang unan..

Ibig sabihin..

I-Ibig sabihin..

Magdamag ko siyang yakap?!

"Waaah!!!" sabi ko tapos napahawak ako ng mukha dahil sa sobrang kahihiyan.

"Oh, bakit ganyan itsura mo?" sabi ni Vinci.

Tumingin naman ako sa kanya bago ako magsalita..

"V-Vinci?"

 

"Oh?"

 

"Wala bang.. ahmm..."

"Wala bang?" nagtatakang sabi nya sakin.

"W-wala bang.. ano kasi.. ahm.." nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Wala bang ano?"

 

"Wala bang *gulp* N-Nangyari satin?" sabi ko

Sinubukan ko siyang tignannang directly sa mata nung sinabi ko yun.. Pero sana w-walang—

"Tsk. What do you think?"

 

O_O

"W-w-what do you think?! I-ibig sabihin.. I-Ibig sabihin?! Hindi nako... Waaaahh! Hindi nako virgi----"

*tooogsh

"Aish! Ba't mo naman ako binato ng unan?!" asar na sabi ko sa kanya. Paano kasi bigla nalang nya kong binato ng unan eh.

"Paano kasi, nag-freak out ka nanaman dyan." Natatawang sabi nya sakin.

"Paanong hindi mag-ffreakout?! Ang pagkababae ko kaya ang nawala sakin tapos--"

*toooogsh

"Aish! Ba't mo ba 'ko binabato ng unan,ha?!" asar na sabi ko sa kanya.

"Walang nangyari sa'tin.. Ano ka ba?"

Nabigla naman ako sa kanya nung sinabi nya yun..

"T-Talaga?" sabi ko

"Oo. May sinabi ba ko?"

"E-Eh s-sabi mo kasi—"

"Ang sabi ko, what do you think?! Hindi ko sinabing may nangyari satin" nakangiting sabi nya sakin.

"S-So you mean? Walang--"

"Oo. Baliw!"natatawang sabi nya.

Tumayo siya sa pagkakaupo nya sa lapag tapos umupo siya sa bandang gilid ng kama..

"Weeeeh? Hindi nga?" sabi ko.

"Oo nga,." sabay turo sa damit ko. "Naka-damit ka nga oh!"

 

Tinignan ko naman yung sarili ko at-

Ay, oo nga. Nakadamit nga ako.. hehehehe..

"Whew!"

Nakahinga naman ako ng maluwag nung sinabi nya yun. Hayss.. Buti nalang talaga walang something na nangyari..

Pero shocks! Nakakahiya pa rin..huhuhu.. Nikki naman kasi eh, may palasing lasing ka pa kagabi. Dapat, ginaya mo nalang si Ian nung uminom siya ng rootbeer eh.. huhu..

"Saka kahit matagal na kitang gusto, hindi ko magagawa sayo yun.."

Agad naman akong napatingin sa kanya.

 

"Ha? Ano ulit yun?"

Hindi ko kasi masyadong narinig yung sinabi nya kasi pabulong..

"Wala!" ngiting sabi nya tapos ginulo yung buhok ko.

"Weeeh. Di nga. Eh ba't parang may binubulong ka?" sabi ko

"Wala nga sabi yun. Ang kulit!"

Hayss.. Baliw talaga 'to. Narinig ko talaga na may binulong siya kanina eh. Tapos---

Teka?

Ba't parang namumula siya?

"Nag-blush on ka ba, Vinci?"

"Huh? Bakit?"

"Eh ba't namumula yung mukha mo?" sabi ko tapos tinuro ko yung mukha nya.

Nagulat naman siya nung sinabi ko yun..

"N-Namumula?"  sabi nya tapos tumingin sa salamin sa side table nya.. "O-oy! H-Hindi kaya.. Anong namumula?"

Pero namumula talaga siya ngayon.. Promise!

"Oo kaya. Ayan oh! Kitang kita ko" sabi ko sabay turo ulit sa mukha nya. "Hayss.. sabi na nga ba, bakla ka eh!"

"What?! Anong bakla?! Hindi ako bakla noh!" asar na sabi nya sakin..

"Weeeh? Hindi nga? Eh bakit—"

*tooogsh

"Ay pambihira! Ano ba? Kanina mo pako binabato ng unan ah!"asar na sabi ko sa kanya.

"Dapat lang kasi sayo yan. Kung ano-ano yung iniisip mo" natatawang sabi nya tapos--

*tooogsh

"Ay. Pambihira! Hindi ka ba titigil ng kakabato sakin ng unan?"

"Pfft.. Hindi!" sabay bato ulit sa kin ng unan pero naharang ko.

"Aish. Ano ba?! Naghahamon ka ba ng pillow fight? Ha?" asar na sabi ko.

"Pillow fight? Hmmm"

Nag-isip muna siya tapos tumingin ulit sakin..

"Pwede rin" sabi nya sabay dampot nung isa pang unan tapos binato ulit sakin. Buti nalang, naharang ko ulit yung unan na binato nya.

Dahil sa sobrang asar ko, tumingin ako sa kanya..

"Ahh.. Ganun? Pillow fight pala gusto mo ah! Oh, eto sayo!"

Kumuha ako ng unan sa tabi ko tapos agad kong binato sa kanya.

*Tooogsh

Yown! Sapul siya! Wahaha.. Ang galing ko talaga!

"Oh? Ano? Akala mo ah.. Hindi ako marunong magpillow fight ha! Mwaha---"

*Tooogsh

(Sapul sa mukha si Nikki)

"Ha? Ano ulit yun, Nicole Jane Sarmiento?" sabi nya habang tumatawa pa na parang nang-aasar.

"Ah, ganun? Mayabang kang Vincent Romero ka ah!"

Kumuha ulit ako ng unan tapos binato ko sa kanya at--

What?! Nakailag?

Sinubukan ko ulit siyang batuhin ng maraming unan at--

Hala, ba't ang bilis nyang makailag? Ang daya naman!  Tumayo kasi siya eh..

"Ano, Nikking makulit? Kaya pa?" pang-aasar na sabi nya.

"Loko ka talaga, Mr. Antipatiks ka! Halika nga dito."

"Ayaw" sabi nya tapos lumayo ng konti sakin.

"Halika nga sabi eh!"

"Ayaw nga." natatawang sabi nya.

"Ah. Ayaw mo ah."

Kumuha ako ng mas malaking unan then umakma ako na susugurin siya..  Pwes, kung hindi ko kasi siya natatamaan sa malayuan, tatamaan ko siya sa malapitan.. Wahahaha.. What a brilliant idea! *evil laugh pero charot lang..

Ok, Nikking makulit!!!

Attack!!!

Sinugod-sugod ko si Vinci with matching palo-palo pa habang siya naman pilit na sinasangga yung unan na pinapalo ko..

Dahil sa mabilis yung pagpalo ko sa kanya ng unan, napapa-aatras siya ng napapa-aatras hanggang sa makakuha na rin siya ng unan at—

Waaah!!! Mas Malaki yung unan na nakuha nya!!!

Nang makuha nya yun, pinalo-palo na din nya yung unan na hawak nya sakin hanggang sa puro feathers na ng unan yung makikita sa paligid ng kwarto nya.. At siyempre, dahil pinapalo nya ako, gumaganti ako. In short, gantihan lang kami.. Haha.. Hindi porket babae ako, mamaliitin nya ako..Hah!

Although,mas maliit talaga ako sa kanya.. =P

Anyways..

Let thebattle begin! *tekken mode activated

*palo-palo

 

*ilag ilag

 

*takbo takbo

Hala, wait!

Mukhang nalulugi na ko ah?!

Waah.. Hindi pwede!!! Kailangang itayo ang bandera ng mga babae!!!

*palo palo

 

*ilag ilag

 

*takbo takbo

Waahh!!! Lugi pa rin ako! Wait, hindi ako susuko! Kaya pa yan!

*palo palo

 

*ilag ilag

 

*takbo takbo

Waaahh! Matatalo na talaga ako! Mas malaki yung unan nya!

Shocks.. Kailangan mag-isip ng strategy..

Isip,isip,isip at--

*ting!

Ah! Alam ko na!

Since nalulugi nako dahil mas malaki talaga yung unan na hawak nya, umilag muna ako tapos tumakbo muna ako palayo sa kanya para kumuha ng mas malaking unan. Yung mas malaki pa sa hawak nya..

Maya-maya, dahil sa sobrang ilag at pagtakbo ko palayo sa kanya, biglang---

*blagggg

*tuggssh

"Ouch!"

"N-NIKKI?!"

Napatingin ako kay Vinci nung bigla siyang sumigaw tapos bigla siyang lumapit sakin..

"N-Nikki?!" sabi nya "O-Ok ka lang? Anong nangyari?"

"S-sumabit yata yung paa ko dun sa kumot kaya bigla akong bumagsak.."

"Patingin? S-Saan masakit? Ha? May masakit ba sayo?" pag-aalalang sabi nya.

"Yung-aww.. yung ano.. yung dito ata.. Masakit" sabi ko sabay turo sa tuhod ko.

"Wait, patingin?" sabi nya.. "Dito ba?"

 

Tapos medyo nadiinan nya yung tuhod ko..

"Awww" sabi ko. "Oo, dyan nga.."

 

"Ay, s-sorry" sabi nya tapos tinignan ulit yung tuhod ko..

Tinignan ko lang siya habang nakatingin siya sa tuhod ko.. Tapos, habang nagcoconcentrate siya sa pagtingin sa tuhod ko..

Dahan-dahan kong inangat yung hawak hawak kong unan at—

*tooogsh

"Awww"

 

"Hahahahaha"

Tawa ko yun. Haha. Natawa kasi ako sa reaction nya nung hinampas ko yung unan sa kanya,.. Hahaha. Galing ko talagang umacting..Wooh! Another round of applause for Nicole Sarmiento. =P

Habang tumatawa ako, tumingin naman siya sakin tapos ngumiti..

"Ayos ah. Off guard ako dun ah. haha." Sabi nya habang hinahawakan yung ulo nya.

"Hahaha. Galing ko noh?" sabi ko.

"Pfft.. Fine, ikaw na magaling!" ngiting sabi nya tapos ginulo yung buhok ko. "Oh, siya, tumayo ka na dyan. Dali. Kumain na tayo ng breakfast sa baba"

Pagkasabi nya nun, agad naman siyang tumayo. Tapos kinuha yung mga unan na ginamit sa pillow fight namin kanina, which is nasa lapag..

Ako naman.. Ayun, napangiti. Haha. Naisahan ko kasi siya kanina eh. Weheheh..  Galing ko talaga! ^_^

Habang tinitignan siya na dinadampot yung mga unan na nasa lapag, bigla akong napaisip..

Kung may nasabi ako sa kanya tungkol sa unan at alak, which is hindi ako aware na nasabi ko yun..

Ibig sabihin..

Ibig sabihin, may possibility na..

Shocks!

"Wait.. Vinci?!" sabi ko.

Napatingin naman siya sakin nung tinawag ko siya..

"Oh? Bakit?" sabi nya

"May... n-nasabi ba ako sayo kagabi?"

Para naman siyang natigilan sa pagdampot nung unan nung sinabi ko yun sa kanya.. Tapos tumingin siya sakin..

"W-What do you mean?"sabi nya

"I-I mean.. Bukod sa unan at sa alak? Ahmm.. May nasabi ba ako sayo kagabi?"

 

"Ahhh.."

At that time, bigla siyang nag-isip. Tapos nung ginawa nya yun, bigla akong kinabahan.. Hindi ko alam kung bakit pero..

Pero baka kasi nasabi ko sa kanya yung tungkol kay Xander..

Maya-maya, tumingin na ulit siya sakin. Medyo seryoso yung tingin nya tapos..

Biglang ngumiti..

"Hmmmm.. Siguro?"

 

Ah, sigu---

O_O

"S-Siguro?!!" gulat na gulat na sabi ko.. "I-Ibig sabihin, may nasabi pa ako sayong iba?"

"Secret" ngiting sabi nya.

Bago pa ako makareact, bigla siyang kumuha ng unan tapos binato sakin kaya natamaan ulit ako sa mukha..

"Aray naman!" *pout

 

"Pfft.. Pikon!" sabi nya..

"Anong piko---"

"Manalamin ka muna bago bumaba ah.." sabi nya. "Saka wag mo na siyang isipin, ok?"

Pagkasabi nya nun, nagmadali na siyang lumabas kaya hindi nako nakaganti.

Loko talaga 'tong si Vinci. Kahit kailan, bipolar. Tinatanong ng maayos tapos bigla akong babatuhin ng una---

Teka?

*Flashback

"Saka wag mo na siyang isip"

*End of flashback

 

Ibig sabihin, may sinabi pa talaga ako sa kanyang iba?

Shocks!

Possible kayang nasabi ko nga sa kanya yung tungkol kay Xander kaya ganun yung sinabi nya?

Uh-oh!

Lagot na!!!

Nang maisip ko yun, dali-dali akong tumayo sa kama then lumabas ako kaagad ako para maabutan ko si Vinci..

"Vinci, wait!" sabi ko

Napahinto naman siya kaagad nung tinawag ko siya kaya napahawak pa ako sa braso nya..

"Oh, ano nanaman?" sabi nya

"Ano ba kasi yung sinabi ko eh?"pangungulit na sabi ko.

"Ahh.. Wala yun" sabi nya tapos nagstart na ulit maglakad.

Agad ko naman siyang sinabayan sa paglakad..

"Wehh, di nga?" sabi ko "Kanina, sabi mo, meron. Ngayon naman, sasabihin mong wala.."

"May sinabi ba kong meron? Ang sabi ko, 'Siguro'" sabi nya

"Eh ganun na din yun eh.." sabi ko.

"Hindi kaya ganun yun. Magkaiba nga yung 'spelling' nun oh" natatawang sabi nya.

Hayss.. Kita mo 'to, pinilosopo pa ko.. -_-

"Pero---"

*dingdong

 

Napatingin naman kami ni Vinci sa may bandang pintuan nung biglang may nagdoorbell. Pero sino naman kaya yun? Parang ang aga naman masyado..

Pababa na sana ako para buksan yung pinto pero pinigilan ako ni Vinci..

"Ako na." sabi nya.

Pero bago pa siya, tuluyang makababa, tumingin muna siya sakin.. "At tignan mo muna itsura mo, bago bumaba ah.."

Pagkasabi nya nun, bumaba na siya. Ako naman, tumingin naman ako sa salamin na malapit sa hagdanan..

Hayss.. Ano ba kasing meron sa itsura ko at---

O_O

Waaaaah!!! Mukha nanaman pala akong bruha at--

Wait.. Ano yung puting something na malapit sa bibig ko?

O_O

Tulo ng laway?!

Shocks.. Nakakahiya!!!

Nang makita ko yung itsura ko, dali-dali akong tumakbo sa kwarto ko para mag-ayos.. (Yung talagang kwarto ko na ah. Kayo talaga!)

Grabe.. Nakakahiya naman.. Ibig sabihin, nakipagpillow fight ako kay Vinci ng ganun yung itsura ko?! Waaa.. Nakakahiya talaga.. >_<

Anyways, ayun. Pagkatapos kong mag-ayos, nagmadali nakong bumaba sa may sala para makita ko kung sino yung nagdoorbell kanina at--

Woah! Bakit may malaking piano?

"Hello, my princess!"

Napatingin naman ako sa may bandang sofa nang biglang may sumigaw ng ganun at--

Daddy?!

Waaaah!!! Si Daddy nga!!!!

"Daddy!!!"

Agad naman akong tumakbo sa ibaba nung makita ko si Dad.  Tapos niyakap ko siya.. Waah! Grabe. Na-miss ko kasi si Daddy eh..

"Hahaha.. So, how's my princess?" ngiting sabi ni Daddy sakin

"Ok lang po. Eto, cute pa din" sabi ko kay Dad tapos niyakap ko ulit siya.

"Pffft.."

Napatingin naman ako kay Vinci nung bigla siyang natawa.

"Oh? Ba't ka biglang tumatawa?" sabi ko.

"Wala naman. May naalala lang ako" sabi nya tapos umalis.

May naalala siya?

Shocks.. Hindi kaya naalala nya yung sinabi ko kagabi?

Hala, ano ba kasi yun eh!!!

 

"Mukhang close na kayo ni Vinci ah" ngiting sabi sakin ni Daddy

"Hmmm.. Medyo po" sabi ko sabay tingin dun sa piano. "Bakit po pala may piano dito?"

"Nagustuhan mo ba?"

Napatingin naman ako nung biglang may magsalita galing mula sa pintuan. Tapos paglingon ko, si Tito Henry pala yun. Yung daddy ni Vinci..

"Hi po, tito Henry" ngiting sabi ko. "Opo, nagustuhan ko po"

"Good" ngiting sabi nya sakin. "Nga pala, bigay sayo yan ng daddy mo kaya may malaking piano dito. Bale, binili nya sa company namin at *tapik sa piano*, latest edition yan"

 

"Woah! Talaga po?"

"Yes! As a matter of fact, yan yung latest model na ni-launch namin ni Henry sa ibang bansa. Kaya kami nawala ng ilang araw" sabi ni daddy. "Bale, yan na yung advance birthday gift ko sayo ah"

"Wow! Thank you daddy" sabi ko tapos hinawakan ko yung piano..

Woah.. Ang ganda talaga. Tapos kulay pink pa at--

Wait!

"Pero teka po" sabi ko tapos tumingin ako kay daddy "Hindi po ba super advance naman po masyado nito.I mean, Matagal pa naman po yung birthday ko ah"

Eh totoo naman kasi eh. Medyo matagal pa yung birthday ko.

"Hay nako,. Parang hindi mo naman kilala yung daddy mo, Nikki. Pag may latest edition, binibili nya kaagad." Natatawang sabi ni tito Henry

Ay, oo nga pala. Hehehe. Ganun kasi si daddy eh. Pag may latest model, binibili nya kaagad

"Anyways, marunong ka bang tumugtog?" tanong ni tito Henry sakin.

"Ah ehh.. Hindi pa po masyado eh"

 

"Ganun ba? Sayang, hindi mo pala siya ma-ttry, my princess" sabi ni Daddy

"Ay, oo nga" sabi ko tapos nagpout ako.

Hala, sayang naman. Hindi ko ma-ttry.. Mukhang maganda pa naman yung tunog nito.. T_T

"Haha. Ok lang, paturo ka nalang kay Vinci" sabi ni tito Henry.

Ay, oo nga noh. Marunong tumugtog si Vinci..

Tumingin ako sa part kung nasaan si Vinci. Nandun kasi siya sa may bandang dining area tapos nag-aayos ng kung ano-ano.. Then, tinawag ko siya.

"Mr. Antipatiks!" sabi ko.

Napatingin naman bigla sakin si Daddy saka si Tito Henry. 

"Huh? Mr. Ano?" sabi nila

"Mr. Antipatiks" sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan naman si Daddy at tito Henry tapos..

"Pffftt.. Hahahahaha"

"Bakit naman yun yung tawag mo sa kanya, anak? Hahaha.." sabi ni Daddy

"Eh kasi po, nung nakilala ko siya dati, Antipatiko po siya. Kaya yun yung tawag ko sa kanya." sabi ko.

"Kaya naman pala.. Hahaha.. Sabagay, tama ka nga. Antipatiko nga talaga si Vinci. Miski nga ako, sinusungitan nya eh."sabi nya

"Talaga po?"

"Oo. Haha. At kung hindi ko nga lang anak yan eh. Malamang, tinapon ko na yan sa kung saan-saan dahil sa sobrang kasungitan. Haha" sabi nya "In born na yata talaga sa kanya yan. Haha"

"Hahaha. Mukha nga po" sabi ko kay tito Henry

Maya-maya, mukhang napansin ni Vinci na nagtatawanan kami kaya lumapit siya samin mula sa dining area..

"Anong meron?" sabi ni Vinci

"Wala naman.. Hahaha" sabi ni Tito Henry

"Di nga?!" asar na sabi ni Vinci kay tito Henry

"Ang sungit mo talaga. Haha.. Anyways, fine, sasabihin ko na sayo." sabi ni tito Henry "May nasabi kasi samin si Nikki, anak. Kaya kami natawa. Haha"

"Ah, ganun ba?" sabi nya tapos binalingan ako ng tingin ni Vinci "Oy, may sinabi ka nanaman sa kanila?"

Hindi ko muna siya pinansin tapos kunwari patay malisya ako..

"Oy, kinakausap kita." sabi nya. "May sinabi nanaman ba sa kanila?"

 

This time, sinagot ko na siya..

 

"Hmmm. Siguro?"

"Hindi nga?"sabi nya.

"Secret"

"Aish! Nikking Makulit!"

 

"Ha? Nikking ano?!" sabi ni Daddy at tito Henry.

"Nikking Makulit!" sabi ni Vinci

Nagkatinginan ulit yung mga daddy namin tapos..

"Pfftt.. Hahahaha"

Napatingin naman kaming dalawa ni Vinci sa mga daddy namin..

"Bro, may tawagan na sila. Hahaha" sabi ni Daddy kay Tito Henry

"Oo nga eh. Ang sweet. Hahaha" sabi ni Tito Henry kay Daddy.

Hayss..

Ok, Ayan nanaman po yung mga daddy namin. Ang lakas ng trip -_-

"Anyways, kumain na ba kayong dalawa?" sabi ni tito Henry samin

"Ay, hindi pa po. Kakagising palang po namin eh" sabi ko.

"Ahh.. Ganun ba?" sabi ni daddy "Naku, Buti nalang hindi pa kayo kumakain. Naguwi kasi ako ng chicken joy para sa princess ko eh"

Tapos winagwag pa ni daddy yung supot ng chicken joy. At siyempre, natuwa ako nung nakita ko yun. Hahaha..

"Waahh. Yehey!" sabi ko.

"Haha." sabi nya "Oh, siya kumain na tayo at baka maglaway pa yung isang 'to pag di pa siya nakakain. Haha"

"Daddy naman eh"*pout

"Haha. Biro lang" sabi nya "Oh, siya kain na tayo"

Sumang-ayon naman kaming lahat kay daddy at nagpunta na kaming lahat sa dining area.

Habang kumakain kami sa dining area, siyempre, nilantakan ko na yung chicken joy ko. Haha. Eh chicken joy kasi 'to eh.. Hihihi..

Tapos, habang sinisimulan ko nang kainin yung chicken joy ko, napansin kong parang tumitingin-tingin  sakin si Vinci. Pero bakit? Ganun na ba talaga ako ka-PG (patay-gutom) sa chicken joy at ganun nalang nya ako tignan?

Nang mapansin ko yun, tinignan ko naman siya hanggang sa nagkatinginan na kami. Tapos tinignan ko siya ng look na parang nagsasabing, "Bakit?"

Nung makita nya yun, medyo ngumiti lang siya sakin then nagpatuloy nalang ulit sa pagkain..

Hayss.. ang weird talaga nito ni Vinci..

Anyways, makakain na nga lang ulit..

"So nga pala, Nikki.. How's school?"

Napatingin naman ako kay dad nung bigla siyang magsalita..

"School? Hmm.." sabi ko tapos nagisip. "So far, ok naman po ako sa school"

"Ah, ok. Good" ngiting sabi ni Daddy then ininom yung hot chocolate nya.

"Bakit mo naman po biglang natanong, Dad?" nagtatakang sabi ko.

"Ahh.. Wala naman" sabi ni Daddy. "Naalala ko lang bigla.."

 

"Ahh..." sabi ko then nagsimula na ulit akong kumain..

"Saka nakita ko din kasi si Ashley kanina eh. Mukhang papasok sa school"

Napatigil naman ako sa kinakain ko nung marinig ko yun mula kay daddy.

"Si A-Ashley?" sabi ko.

"Oo, si Ashley. Yung best friend mo" sabi ni Daddy "Bakit, may iba ka pa bang kilalang Ashley na di ko kilala?"

"Ahh. W-Wala po" sabi ko then nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

Hindi ko alam pero parang biglang nagbago yung mood ko nung narinig ko yung pangalan ni Ash. Para kasing biglang bumigat yung pakiramdam ko tapos parang may slightly tumusok sa dibdib ko..

"Nga pala, my princess.."

Pero bakit? Bakit ganun nalang yung na-feel ko nung binanggit ni daddy yung pangalan nya?

"My, princess?"

Dahil ba 'to sa nalaman ko kahapon tungkol sa kanya?

"Nikki?"

Na sinabi ni Xander sakin na si Ashley ang gusto nya at hindi ako?

"Nikki? Huy, Nikki!!!"

Parang nanumbalik ako sa realidad nung maramdaman kong kinakalabit na pala ako ni daddy.. Tapos, pagtingin ko, nakatingin na pala silang lahat sakin..

"H-Ha?" sabi ko. "B-Bakit dad? Tawag mo po ako?"

"Oo, kanina pa kita tinatawag,princess. Hindi mo nga ako pinapansin eh.." Sabi ni Dad.

"Ay, s-sorry po." Sabi ko "M-may ahm..  May bigla lang po akong naisip.."

Then, nagpatuloy nalang ako ulit sa pagkain..

Habang kumakain ako, napansin kong nakatingin pa rin sila sakin kaya napatingin ulit ako sa kanila..

"B-Bakit po?" sabi ko sa kanila..

"My princess, may problema ba?"

Nagulat naman ako nung biglang sinabi ni daddy yun.

"H-Ha? Ahh.. ehh.. naku. Wala naman po" sabi ko. "B-Bakit nyo naman po biglang natanong?"

 

"Wala naman. Bigla ka kasing natulala dyan eh" sabi ni Daddy "Bakit? May gumugulo ba sa isip mo?"

"Naku.. W-Wala naman po, daddy" sabi ko "Ahmm. Naisip ko lang po kasi yung ano, kasi ahm.. Ahh..  Yung sinabi sakin ni sir dati. Yung sa competition.. Kaya ayun"

 

Tapos ngumiti ako kay daddy. Pero sana hindi halatang pilit..

"Ah, ganun ba?" sabi ni daddy "Sure ka? Yun talaga yung iniisip mo?"

"Opo" confident na sabi ko kay daddy.

Or should I say, fake confident.

"Ahh.. Ok" sabi ni dad at nagpatuloy na ulit sa pagkain..

Whew! Buti nalang nakalusot ako kay dad.. Haysss...

Nikki naman kasi eh. Ba't ba bigla ka nalang nawala sa ulirat kanina. Muntik ka na tuloy mabuko ni daddy.. -_-

*flashback

"I like your bestfriend, Nikki. Kung mabibigyan lang sana ako ng chance, liligawan ko talaga si Ashley"

*end of flashback..

Haysss..  *buntong hininga*

Ok, emo mode strikes to Nikking Makulit again.. T_T

Nagsimula naman akong kumain ulit after nun. Pero tahimik pa rin..

Maya-maya...

"Ahmm.. Tito Greg?"

Napatingin si daddy at tito Henry nang biglang magsalita si Vinci. Samantalang ako, ayun. Nakatitig pa rin sa kinakain kong chicken joy...

"Oh, bakit iho?" sabi ni Dad kay Vinci

"Muntik ko na po kasing makalimutan.....

......May pupuntahan po pala kami ni Nikki ngayon"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Vinci kaya napatingin ako sa kanya..

"Huh? Pupuntahan?" nagtatakang sabi ko "Anong pupuntahan?"

Wala naman kasi akong matandaan na may pupuntahan kami eh..

Tumingin naman sakin si Vinci tapos tinaasan pa ako ng kilay..

"Di ba, may project tayo?" sabi nya.

"Huh? Anong project? Wala naman akong matandaang may project tayo ah?" sabi ko.

"Eh paano mo matatandaan? Eh lasing ka---AWW!"

Hindi na nya natuloy yung sinasabi nya kasi bigla kong sinipa yung paa nya na nasa ilalim ng mesa.. Tapos tinignan naman nya ako ng masama nung ginawa ko yun..

"WHAT?! Lasing?! Anong lasing yun?!" sabi ni daddy tapos tumingin sakin "Nikki?! Anong yung tinutukoy ni Vinci?!"

Waah. Hala, lagot na!

"Waaah.. D-Daddy!!! Relax ka lang!" sabi ko.. "Ahmm.. Ano kasi..ang ibig sabihin ni Vinci ahmm.. Ah!  L-Lasing po yun katabi ko kahapon sa school. Kaya ano.. Kaya siguro hindi ko narinig kay sir na may project kami. A-Ayun po.."

Tapos ngitian ko nalang siya...

Pero shocks! Sana maniwala siya sa sinabi ko... Huhuhu.. T_T

Serioso pa ring nakatingin sakin si daddy.. At ayon sa nakikita ko, parang hindi yata siya naniniwala sa sinasabi ko.. Waaahh.. Patay na! T_T

After nya akong tignan, tumingin naman siya kay Vinci..

"Totoo ba yun, Vinci?!" seryosong tanong ni Dad.

Tumingin muna sakin si Vinci bago siya magsalita. Nung nagmeet ulit yung mga mata namin, ginamitan ko ulit siya ng "mental telepathy". Pero this time, yung tingin na nagsasabing "Please.. Wag kang maingay na nalasing ako kay daddy. Promise, gagawin ko yung gusto, wag mo lang sabihin. Please please."Atwith matching puppy eyes pa yan..

Mukhang naintindihan naman niya yung ibig sabihin ng tingin ko sa kanya. Tinignan nya rin kasi ako ng look na parang nagsasabing "Fine, akong bahala."

 

Tapos nun, tumingin na ulit siya kay daddy..

"Opo. Totoo po yun, tito.."ngiting sabi ni Vinci

Whew! Buti nalang...

Pero wait, hindi pa pala nagrereply si daddy..

Tinignan ko naman si daddy with matching "kaba" factor..

Maya-maya..

*drumroll...

"Ahh.. Ok. Naniniwala nako" sabi ni dad tapos uminom ulit ng hot chocolate nya..

Waahh.. Grabe. Kinabahan talaga ko.. Huhuhu. Masama din kasi magalit si daddy eh.. T_T

Hayss.. Anyways.. Makainom na nga lang ng tubig..

"Kala ko, uminom si Nikki eh"

Muntik ko nang mabuga yung iniinom ko nung marinig ko yun mula kay dad. Tapos tumingin ako sa kanya..

"S-si Dad naman oh. Tamang hinala. He-He.." Sabi ko."Eh magagawa ko ba yun, dad? Kayo talaga."

"Dapat lang talaga na hindi mo gawin yun.. Dahil kung ginawa mo yun...

...Grounded ka for 5 months!"sabi ni Dad

Waaah. Sabi ko sa inyo eh, nakakatakot magalit si Dad T_T

Anyways, ayun.. nanahimik nalang ako after nyang sabihin yun..

"So ok lang po ba na pumunta kami dun, tito?"

Napatingin naman si Daddy kay Vinci nung bigla siyang magsalita. Tapos kung kanina, "serious mode".. Ngayon naman, "ngiti mode" na.. May pagkabipolar din 'to si dad eh noh?

"Hmm.. kung school project naman siya, Sure, sige. Papayag ako" sabi ni Daddy "And besides, kasama ka naman ni Nikki eh"

"Dad!" sabi ko.

"Oh bakit?" sabi ni daddy sakin.

"Eh bat parang may gusto nanamang ipahiwatig yung sinabi nyo ah."

"Wala kaya akong sinasabi. Haha" sabi ni dad sakin with matching ngiting nakakaloko. Hay ewan -_- "Anyways, saan ba yun, iho?"

"Sa MOA po" sabi ni Vinci

Napatingin naman ulit ako kay Vinci.

"Huh? Anong sa MOA yu—"

Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko kasi tinignan ako ni Vinci ng look na nagsasabing "Nikking Makulit, sasabat ka pa?" (Talagang in-emphasize ko yung Nikking makulit para malaman nyong exclusive yung tingin nayun para sakin. Kakaiba kasi eh)

Anyways, at dahil sa takot kong sabihin nya kay daddy yung tungkol sa lasing ek ek na yun kaya tumahimik nalang ako.

"Ahh.. ganun ba?" sabi ni daddy "Ok, Basta wag kayong masyadong magpapagabi ah"

"Ok po,tito" sabi ni Vinci.

Napansin kong slightly napangiti si Vinci nung pumayag si daddy samantalang ako nakatingin sa kanya with matching kunot noo pa..

Nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya, ginamitan ko ulit siya ng mental telepathy ko na nagsasabing "May project ba talaga tayo sa moa?"

Paano kasi, wala naman talaga akong matandaang may project kami sa MOA eh. And besides, hindi pa nga ako nakakapunta dun eh.

"siguro" yun lang yung sinabi nya sakin.

Kala nyo siguro, sinabi nya talaga yun noh? Hindi, mental telepathy nya rin yun para sakin. With matching kibit-balikat pa yan. And besides, hindi naman nya pwedeng sabihin yun kasi nasa harap namin yung mga daddy namin.

Anyways, ayun.. nagpatuloy nalang kami sa pagkain ng breakfast..

After naming kumain, tumayo na kami sa dining area.. Tapos agad naman akong lumapit kay Vinci..

"Uy Vi---"

"Magbihis ka na ah. Dalian mo. Malelate na tayo. Baka magalit pa si sir satin" mabilis na sabi nya sakin..

Magsasalita pa sana ako pero nagmadali na siyang umakyat kaya hindi ko na siya natanong..

Pero wait..

Ano kaya yun? Para kasing may mali eh..

Saka bakit parang kanina pa ako may hindi maintindihan?

Yung totoo..

May project ba talaga kami sa MOA?

---------> See you in Next Chapter 34: Make Her Happy

 

Author's Note:

 

Hulaan ko sasabihin nyo.. Bitin? Or Update? Hehehe..  

 Anyways, don't worry, i-uupdate ko yung kasunod this "sunday".  May dahilan po kasi ako kaya hindi ko pa mapost ng sabay yun ngayon. And besides, Na-mention ko na po yun sa post ko sa FB groups and Wattpad account ko before ko i-release 'to.

Yun lang po.. Thank you and Godbless. =)

 

-Ms. Author

 


Continue Reading

You'll Also Like

12.5K 773 24
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
12.4K 163 23
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
81.7K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.