Nightfall

נכתב על ידי Missmaple

1M 52.7K 8.1K

To redeem the fallen pack Nightfall and restore the honor of the wronged alpha females, Eurus Bane, an albino... עוד

Prologue
Nightfall 1: White
Nightfall 2: Stray
Nightfall 3: First Kill
Nightfall 4: Eclipse
Nightfall 5: Sanguis
Nightfall 6: Full Moon
Nightfall 8: Bloodlust
Nightfall 9: Albino
Nightfall 10: Drugged
Nightfall 11: Snow Moon
Nightfall 12: Snowfall
Nightfall 13: Queen
Nightfall 14: Woo
Nightfall 15: Winter Break
Nightfall 16: Kiss or Kill
Nightfall 17: Damaged
Nightfall 18: Human
Nightfall 19: Iris
Nightfall 20: Paranoia
Nightfall 21: Celestial Bar
Nightfall 22: Restored
Nightfall 23: Spring
Nightfall 24: On
Nightfall 25: Amber
Nightfall 26: Warning
Nightfall 27: Invitation
Nightfall 28: The Packs
Nightfall 29: Honest Feelings
Nightfall 30: Azalea
Nightfall 31: Iris Academy
Nightfall 32: Possible Allies
Nightfall 33: Secret Room
Nightfall 34: Culprit
Nightfall 35: Confrontation
Nightfall 36: Ghost of the Past
Nightfall 37: Blood Moon
Nightfall 38: Exposed
Nightfall 39: Heavy Price
Nightfall 40: Cruel Waves
Epilogue
Special Chapter: Strays

Nightfall 7: First Drop

28.7K 1.6K 235
נכתב על ידי Missmaple

"A drop of your blood will start it all..."

EURUS

"Lunch na," sabi ni Celine nang dumaan siya sa upuan ko. Sumimangot ako. Mukhang makikita ko na naman sina Eclipse at Yul. Wala sa sariling inayos ko ang mga gamit ko at tumayo.

"May problema ba?" kunot-noong tanong ni Celine sa 'kin. Umiling ako. Hindi ko maaaring sabihin na sina Yul at Eclipse ang problema ko. Her raven hair was in tied in her signature high ponytail and her blue eyes were staring at me intently. Tila hinuhulaan niya kung ano ang problema ko at kung ano ang nangyayari sa 'kin. I knew she found this unusual because I was diligent when it came to studies.

"Hindi mo na naabutan ang quiz kanina," napapailing na sabi ni Celine. "It's unusual for you to go to class late. Nasaan pala ang kotse mo?"

"Nasa talyer," nakangusong sagot ko.

"Anong sira?" takang tanong ni Celine. Naglalakad na kami papunta sa cafeteria.

"'Yong trunk," sagot ko.

"Anong nangyari?"

"Mahabang kwento. Huwag mo ng itanong. Mahirap ipaliwanag." Nang pumasok kami sa cafeteria, natanaw ko sina Alys at Bess. Nakalugay ang itim at kulot na buhok ni Alys. We were all wearing our uniforms today. Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes lang kami maaaring magsuot ng casual attire.

We all wore our white collar, black long sleeves blouse with white ribbon necktie. This outfit matched our black pleated above-the-knee skirts and white knee-high socks. There was a VU gold letter pin on the left side of our uniform which stood for Vaire University. My black shoes were flat, making it easy to run.

For the guys, they also had white collar, black long sleeves uniforms. Their pants were pure black. I couldn't believe the taste of this university. It looked like we were all gathering for a funeral, but I was glad that the students wore these uniforms in a classy way not in a gloomy way.

Bess was checking her lipstick. Napansin kong nasa kabilang table lang ang tropa ni Yul. Malapit lang din sa table namin ang pack ni Eclipse.

Pinilit kong iiwas ang paningin sa kanila. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa ni Yul sa 'kin kaninang umaga. Kapag nakakita ako ng pagkakataon, ibabalik ko ang pabor sa kanya.

Maingay sa loob ng cafeteria. Dumiretso agad kami kina Bess at Alys.

"Musta? Bukas na ang pasahan ng initial draft ng thesis," bungad sa 'min ni Bess.

"Sa tingin ko naman, matatapos na natin mamaya. Chapters one to three pa lang naman ang ipapasa," kibit-balikat na sabi ko.

"I-send namin sa email mo ang mga nagawa namin para ma-consolidate mo na," sabi naman ni Alys. Sinusuklay niya ang kulot na buhok gamit ang mga daliri. Iniikot pa niya minsan sa daliri ang mga buhok niya para maging mas maayos ang kulot.

"Sige. Ipa-print na lang natin mamaya," sabi ko. Kumakalam na ang sikmura ko. "Bumili na tayo ng pagkain," pagyayaya ko sa kanila. Tumango naman sila at sumunod sa 'kin. I checked my purse while walking. Hindi inaasahang may nabangga ako kaya muntik na akong matumba. Mabuti na lang naalalayan niya ako kaagad.

"Careful." Magaan ang tinig niya. Nang tingnan ko siya nang mabuti, kumunot ang noo ko. He looked familiar. Maging siya ay napakunot-noo. Namilog ang mga mata niya na tila naalala ako. Maging ako ay napasinghap.

"Eurus."

"Kuya L-Lexus."

Pareho kaming hindi makapaniwala sa nakikita. Nakagat ni Kuya Lexus ang kanyang labi. It had been nine years, but it was impossible for me to forget his face. Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. His green eyes turned distant. Umigting ang mga panga niya at agad akong binitawan. His ash brown hair was cut short in a clean way. Matangos ang ilong niya at mapupula ang maninipis na labi.

"Why are you here? It's dangerous here," mabigat na wika niya. "Magpanggap kang hindi ako kilala." His eyes looked suddenly conflicted. "Why didn't I smell your cat?"

Nakagat ko ang labi ko. Bahagya akong lumapit sa kanya at bumulong. "I cut my link with it. I'm a mere human now."

Mas lalong namilog ang mga mata niya dahil sa gulat. "You can't do that! Are you insane? You'll die!" mariing wika niya pero halos pabulong na lang ang pagsasalita niya. "Follow me. Let's talk." Nagmamadali ang mga hakbang niya nang talikuran ako. I looked around. It would be suspicious if I followed him, kaya sinigurado kong walang nakapansin sa pag-alis ko. Nakapila na sina Alys sa isang stall kaya lumihis na ako ng daan.

We ended up at the back of the building. Walang taong dumadaan dito kaya unti-unti akong naging kalmado.

"Do you want to die?" galit na tanong ni Kuya Lexus. Mariin akong napapikit.

"Siyempre, hindi! Wala lang akong pagpipilian. Kailangan kong itago ang pagkatao ko. I don't belong in any pack now. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa kayo. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang normal kung mananatili si White sa sistema ko," mariing wika ko.

"Kailan pa?" mariing tanong niya. He couldn't contain his anger and disappointment.

"Nine years ago," mahinang sambit ko.

"What the fuck, Eurus?!" halos pasigaw na sabi niya. He sounded frustrated. Napahilamos siya sa mukha. "Fine. I'll commend you for surviving this long but your life is fading away. I can sense it. You must restore the link but don't ever come back here," mariing sabi niya. "You must live—but not here. If they realize who you are, you're dead. Lumayo ka hangga't maaari."

Tiningnan ko siya nang masama. Alam kong nag-aalala siya sa 'kin pero naiinis ako dahil mukhang wala siyang balak na sabihin sa 'kin ang lahat. He would keep the truth from me. "What about you? Anong ginagawa mo rito? Nasaan ang mga kapatid natin? Did they survive?"

Naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya. Mariin niyang naikuyom ang kamao. "They all died. I'm the only one who survived," sagot niya. Natigilan ako. Tila may pumiga sa puso ko. A bile was building in my throat. I couldn't even speak. Pinigil ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.

"Hindi ko inaasahang buhay ka rin. I'm glad you are, but you make me nervous. Gusto kitang protektahan hangga't kaya ko. Ngayong alam kong buhay ka pa, gusto kitang ilayo sa lugar na ito."

"Who killed them?" mabigat na tanong ko. Diretsong tiningnan ko siya sa mga mata. His eyes turned dark.

"You don't have to know. Ako na ang bahalang maghiganti para sa ating dalawa. I'll make them pay," mahinang sabi niya.

"What about the pack? What about Nightfall? Anong nangyari sa kanila?" mariing tanong ko. "Don't do anything stupid. Mamamatay ka dahil sa ginagawa mo."

"They took over the pack. Wala na ang Nightfall, Eurus. We are governed by a new pack."

"So you are under a pack who killed our parents and brothers?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"It's for revenge," he answered.

"Don't be stupid! You're alone. You can't do it alone," mariing sabi ko. Halos pabulong na lang ang pag-uusap namin. Nanghihina ako dahil sa mga nalalaman ko.

Hindi siya nagsalita kaya muli ko siyang tiningnan. Matiim siyang nakatitig sa 'kin. "I think, I'm no longer alone. Restore your link with your cat. You're an alpha female. Maybe you can help and free all of us," seryosong sabi ni Kuya Lexus.

Gumapang ang takot sa kalamnan ko. I could see war written all over his face. He was determined to take revenge. "I can't. Just live a normal life. Huwag ka nang maghiganti. It's alright to have a new pack. Mukhang maayos naman ang buhay ninyo. Huwag mo nang paguluhin ang sitwasyon. I don't think I'm an alpha female to begin with. No one knows that I even exist. No one will believe me." Mabigat ang tinig ko.

"You resemble our mother. They will believe you," giit ni Kuya Lexus. Sunud-sunod ang pag-iling ko.

"I don't want to live in the shadow of our mother. I don't want to use her name just so I can live. I'm not her. Hindi ako kasing-tapang at kasing-galing niya." Mapapansin ang inis sa tinig ko. Maybe they would recognize me because I was the split image of my mother, but I didn't like that. I didn't want their high expectations. I didn't want to let them down in the end.

"Nightfall has the lowest rank in the new pack," mabigat na sabi ni Lexus. "They're looking down on us because an alpha female led us. We're not really in good terms right now. Nightfall is suffering."

Bumibigat ang dibdib ko. "Just stay silent and earn their trust. Maybe you'll get a higher rank," mahina at naguguluhang sambit ko.

Mabigat na bumuntonghininga si Kuya Lexus. "You really don't plan to restore the link?"

Tumango ako. "Just live your life well. Don't think of revenge. It will hurt you and the people around you. It's not the only solution," mabigat na sabi ko. "Siguro kailangan lang nilang maramdaman na tapat kayo sa kanila."

Masamang tingin ang ipinukol sa 'kin ni Kuya Lexus. "You don't care about us. You don't care about yourself."

It was hard to care when I didn't even know them. Galit ako sa pumatay sa mga kapatid at magulang ko. The scars brought by that nightmare was already etched on my whole being. But the people, my brother talked about, was unknown to me. They might be family for him, but not for me.

And he was wrong. I cared too much about myself, and that was why I was being selfish.

"It's not like that," nanghihinang sabi ko.

"It's exactly like that, Eurus," mariing wika ng Kuya ko. "You don't care because you don't know them. You don't know us. Natatakot ka dahil hindi ka nila kilala? Then I will let them know that you exist. I will declare to everyone that you exist. Alam kong gusto mo ng tahimik na buhay. Gusto ko rin 'yon para sa 'yo. If you're not being like this, I will let you live that peaceful life. But right now, you're being selfish. You're throwing everything away. Your past and your true self. You are throwing your life away, Nightfall and even me," mariin at seryosong wika niya.

He was looking at me with determination I had never seen before. Mas lalong lumalaki ang bikig sa lalamunan ko. Pinipigil ko ang pagtulo ng luha ko. He was right. I was selfish. I was running away. I was throwing everything away.

"You will restore the link. I will make that happen," pinal na wika niya. "They will know who you are and what you are made of. Come to me if you need any help but don't reveal our connection. Give me your phone."

I did as he said. He saved his number and gave himself a call. Ibinalik niya sa 'kin ang cellphone.

"It's good to see you alive," mahinang wika niya. Malambot na ang ekspresyon ng mukha niya. "I'm sorry. Patawarin mo ako sa lahat ng gagawin ko."

"Anong binabalak mo?" nagdududang tanong ko.

"You know what, Eurus? Kahit hindi ako ang magsimula nito, magiging magulo pa rin ang buhay mo sa mga susunod na araw. I can feel it. Your power is slipping away. Your life is already at the edge. Maybe it will take some time for every werecat to notice, but soon you will be their target. You will become their prey," seryosong sabi ni Kuya Lexus. "Padadaliin ko lang ang lahat. Come find me if you need me," muling paalala niya.

Tinalikuran na niya ako. Napaawang ang labi ko. Anong binabalak niya? Masama ang kutob ko dahil sa mga sinabi niya. He couldn't do this to me!

Nang bumalik ako sa cafeteria, agad akong kinawayan nina Alys. Mukhang kanina pa nila ako hinahanap.

"Saan ka nagpunta?" Salubong ang kilay ni Bess. "Bigla ka na lang nawala. Matatapos na ang lunch break. Bumili ka na ng pagkain mo."

Tumango ako. Pasimpleng hinanap ng paningin ko si Kuya Lexus. Napasinghap ako nang makita ko siya sa grupo nina Yul. I didn't want to jump into conclusions, but I had a bad feeling about this. He was frowning and some of the guys in the group made fun of him. Bumaling ang atensyon ko kay Yul pero nakatingin pala siya sa 'kin. His half-moon smirk was a bad omen. He looked like a death god in his black uniform.

Bumaling si Yul kay Kuya Lexus. Tila may pinag-uusapan sila. My brother resembled my father, but he got those green eyes from my mother. We both had those green eyes. Hindi naman siguro mahuhulaan ni Yul na magkapatid kami. Mukhang may inuutos siya sa kapatid ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila.

Nagmadali ako sa pagbili ng pagkain. Bakit sa dinami-dami pa ng packs, sa pack pa ni Yul? Gusto kong malaman ang rank ni Yul. Siya ba ang bumawi sa buhay ng mga magulang ko? But he was still too young when that nightmare happened. Maybe his father?

Nawalan na ako ng ganang kumain kaya bumili na lang ako ng burger, fries at drinks. Bitbit ko ang tray pabalik sa mesa namin. I needed to get out of here as soon as possible. Bago ako makarating sa mesa ko, dumaan sa gilid ko si Kuya Lexus.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang patalim na lumapat sa kaliwang braso ko. Muntik ko nang mabitawan ang tray pero mabuti na lang hinigpitan ko ang hawak dito. He looked at me apologetically.

"It's an order," mahinang wika niya. "And this is the beginning. Finally, you will exist."

Nagsalubong ang kilay ko. Did he plan to bully me or what? Nilampasan niya ako na tila walang nangyari. Walang lingon-likod na lumabas siya ng cafeteria. I could feel the blood dripping from my wound. Sunud-sunod na pumatak ito sa sahig.

At the first drop of my blood, I could feel their heated gaze. Tumahimik ang lahat. Nagtataka naman ang ibang tao dahil sa biglaang katahimikan. My face turned pale. Every werecat looked at my direction. Everyone in the cafeteria looked at me. So, this was it? The beginning? I could clearly see the door of hell opening in front of me.

Napansin ko ang unti-unting pag-awang ng labi ni Yul. Namimilog ang mga mata niya dahil sa gulat. They finally noticed my scent. They finally noticed that if they killed me, they would get stronger. Wala sa sariling napatayo si Eclipse sa kabilang mesa. Gusto kong maglaho na parang bula. I had everyone's attention, and this was embarrassing and frightening at the same time.

Nagtatakang napalingon naman sa 'kin sina Alys. "Oh shit! You're bleeding!" bulalas ni Alys. Agad siyang lumapit sa 'kin at pinunasan ng panyo ang sugat ko. Agad niya itong itinali sa 'kin.

"What happened? Tara sa clinic!" agad na wika ni Celine. Kinuha niya ang tray sa kamay ko at hinila na ako ni Alys sa clinic. "We'll take care of your things. Susunod kami ni Bess," dagdag ni Celine.

Nahihirapan akong humakbang. Kaunting dugo lang ang nawala sa 'kin pero tila tinakasan ako ng kulay sa mukha at nanlalamig na ang mga kamay ko. They looked at me like I was their prey. Everyone wanted power and this was now their chance, an opportunity they couldn't miss.

I didn't want this kind of existence. It was creepy. Hindi ko mapigilan ang mga balahibong tumataas sa likod ng batok ko. Natigilan pa ako nang humarang sa daan namin si Eclipse.

"This is bad," mariing wika niya.

Napanganga naman si Alys dahil sa biglang paglapit ni Eclipse sa 'min. Nagtatanong ang mga mata niya sa 'kin. Alam kong gusto na niyang tumili pero pinipigilan lang niya ang sarili.

Nang lumingon ako sa likod ko, mas lalong napukaw ang interes ng mga werecats dahil sa paglapit ni Eclipse sa 'kin. Siguro iniisip nila na inuunahan na sila ni Eclipse.

Masamang tingin ang ibinaling ko kay Eclipse. "Go away," I groaned. Nagmamadali ang bawat hakbang ko kaya hinabol ako ni Alys.

"What was that?" takang tanong ni Alys. "Magkakilala ba kayo? Mukhang nagmamalasakit lang 'yong tao tapos sinabihan mo ng ganu'n," sermon ni Alys. "Hoy Eurus! Hindi ka ba nasasayangan sa kanya?"

Gusto kong sabihin na hindi siya tao. Pusa siya! Isang malaking pusang gala! Hindi ko alam ang motibo niya. Siguro, lumalapit lang siya dahil sa buhay kong gusto niyang makuha.

"Hoy Eurus! Dahan-dahan ka lang sa paglalakad, naka-heels ako. Loka ka!" reklamo ni Alys kaya binagalan ko ang paglalakad. Ang problema, may mga werecats kaming nadadaanan na napapalingon sa direksyon namin.

This was bad. Really bad. Could I just die now? No. Erase that. I didn't want to die. I wanted to live as peaceful as possible.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko," nakangusong sabi ni Alys. She didn't sense the threat. Nakahinga ako nang maluwag nang makapasok kami sa clinic. I closed the door. Agad namang ginamot ng nurse ang sugat ko nang makita ito. Mabuti na lang, isa siyang normal na tao.

"Anong nangyari?" tanong ng nurse. She was curious because the cut looked intentional.

"Sumabit lang po," wala sa sariling sagot ko.

"Sa susunod, mag-iingat ka," naiiling na sabi ng nurse. Marahan akong tumango. I didn't feel safe anymore. Hindi ko alam kung makakauwi pa ako nang buhay sa araw na ito.

Nang lumabas kami sa clinic, nakita ko si Eclipse na naghihintay sa labas. Nakapamulsa siya at halatang hinihintay ako. He looked like a fallen angel in his black uniform. It was not a compliment. A fallen angel was a demon.

I secretly sighed. I hated to admit this, but he looked good in black. Natigilan naman si Alys. Tumatakbo naman patungo sa 'min sina Bess at Celine. Pakiramdam ko tuloy, isinugod ako sa emergency room dahil sa pag-aalala nila.

"Ayos ka na ba?" agad na tanong nina Celine. They were exaggerating. I rolled my eyes.

"It's just a cut," mariing wika ko. I was annoyed at them for no reason. Hindi na nila pinansin ang sinabi ko dahil nabaling na ang atensyon nila kay Eclipse. Napanganga sila dahil hindi nila alam kung ano ang dapat maging reaksyon nila.

But Eclipse was only looking at me. Maigting ang mga panga niya at seryosong nakatitig sa 'kin.

"Stay with me. Always," he blurted out.

Hindi na napigilan nina Bess, Alys at Celine ang impit na pagtili. I rolled my eyes once again. Kung alam lang nila ang totoo, tiyak na hindi sila kikiligin nang ganito.

"What for?" inis na tanong ko.

"Let's talk," he said. "In private," mariing wika ni Eclipse.

"Narinig ninyo 'yon? Private daw mga 'te! Alis na tayo," tulak ni Alys kina Bess at Celine.

"Hindi ba pwedeng private pero kasama tayo?" tanong ni Bess. Hindi talaga niya maiwasan ang pagiging tsismosa.

"Baliw!" sabi ni Celine. "Teka! Ito na ang gamit at pagkain mo Eurus. Mukhang maayos ka na naman kaya huwag mo na kaming hanapin. May klase pa kami," she mischievously said.

Kinuha ko na ang gamit ko mula sa kanya. "I-send ninyo sa email ko ang thesis natin!" pahabol na sabi ko. I hated it when all I could think about was my grades. Even when I was already at the verge of death.

"Sige! Kaming bahala!" sigaw ni Alys. "'Wag masyadong magpahard-to-get! Love life na 'yan! Sayang naman kung magiging bato pa!" She giggled. She really misunderstood.

Ang sarap nilang batuhin ng hawak kong bag. Nang tumingin ako kay Eclipse, hindi maipinta ang mukha niya. Walang galos ang mukha niya kaya natitiyak kong hindi natuloy ang pag-aaway nila ni Yul. Lihim akong nanghinayang.

"Sa rooftop," he said. May bandage na ang sugat ko kaya hindi na maaamoy ang dugo ko. Pero kahit ganu'n, may ilang werecats pa rin na napapalingon sa direksyon ko. I felt like I was being tailed. Sumunod ako sa kanya.

"Stay close. They won't hurt you if you do," seryosong sabi ni Eclipse. Hinila niya ako papalapit sa kanya at sabay kaming naglakad. Kinuha niya ang pagkain sa kamay ko. He was trying to be a gentleman, which was suspicious.

I didn't argue. I stayed close like he said. It was a bad idea to stay close though.

Could I trust him?

I gritted my teeth when I remembered something. My brother knew everything, but he still did it. I wanted to hate him but I just couldn't. He was my one and only brother. He was my only family left.

***

המשך קריאה

You'll Also Like

2.2M 38.2K 72
Alyx owns a pair of eyes that can see things not normally seen by other mortals, and this has doomed her to live the life of a loner. But what if thi...
30K 814 24
Ang lihim na yayanig sa lahat ng mga seksuwalidad na naroroon, at ang kasiyahan na hindi totoo. Kapag ang pagiging tanga ay talagang naging sukdulan...
40.7K 256 13
#2 poem Nawili akong tumula, dahil naging malaya. Malayang iparamdam at ipagsigawan na ako'y lumaya. Sa mga salita, ako'y natutong magsalita. |Spoke...
42.6K 1.7K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...