MARRYING A HEARTLESS (HEARTLE...

Autorstwa sweetaica060791

1.5M 31.1K 1.9K

Kasal. Ang kasal ay isang napakasagradong okasyon na minsan lamang mararanasan ng isang babae. Ito ang espesy... Więcej

PROLOGUE
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
READ THIS ^<^
20
21
22
23
24
25
26(BOOK2)
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
TO ALL READERS
39
40
41(BOOK 3)
42
43
PATALASTAS
44
45
46
47
48
49
50
PLEASE READ!
51
53
54
55
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
SPECIAL CHAPTER 1
IVAN TROY & SAMANTHA STORY
MARRYING A HEARTLESS

52

21.5K 443 20
Autorstwa sweetaica060791

❤Chapter 52❤

Isang linggo na ang nakakaraan makalipas ang kaarawan ni Ivan. Wala naman kaming naging problema. Nagfile din sya ng leave para makasama kami ni Tyler.

"Mommy! Ayaw akong ipaghuli ni Daddy ng shark!" nagdadabog na sabi ni Tyler nang bumalik sa cottage namin.

"Anak. Hindi ka pwedeng ipaghuli ni Daddy ng shark. Kasi pwede syang kainin ng shark." narinig ko ang pagtawa ni Ivan palapit sa amin.

"Pewo diba sabi mo Mommy. Astronaut si Daddy. Madami na syang nakalaban na alien. Kaya madali nya lang matatalo ang shark. Kasi wala naman silang powers." nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ivan.

"Astronaut?" naguguluhang tanong nya. Gusto ko sanang pigilan si Tyler sa pagsasalita ngunit huli na dahil ipinagpatuloy na nya ang pagsasalita.

"Everytime i ask mom kung nasan ka at bakit di ka namin kasama. She told me na nasa ibang planeta ka daw. Kaya di ka namin kasama."

Tinitigan ako ni Ivan. Nagpeace sign naman ako sakanya.

"Kaya alam ko po na Astronaut kayo." ginulo naman ni Ivan ang buhok ni Tyler.

"Your mom lied baby." sinamaan ko naman ng tingin si Ivan nang makita ko ang matalim na titig ni Tyler sakin. "Dating alien si Daddy. Pero noon yun. Noong hindi ko pa natatagpuan ang mundo ko. " sabi Ivan habang nakangisi na nakatitig sakin.

Syet! Kung hindi lang nakakahiya. Kanina pa ako nagtitili dito. Buong buhay ko pinangarap kong maranasan kung paano mahalin ng isang Ivan Tyler Quijano. At ngayong nararanasan ko na. Gusto kong magsisi nung panahon na lumayo ako sakanya.

"Pwede nyo na po akong hulihan ng shark? Kasi may powers po kayo." pangungulit padin ni Tyler.

"Wala ng power si Daddy. Kasi buhat nung minahal ko ang Mommy mo. Sya na ang nagsilbing lakas ko. Kaya wala na akong power." sakay naman ni Ivan sa mga sinasabi ni Tyler.

"Okey lang po Daddy. Kapag malaki na ako. Maghuhuli po ako ng shark. Pwamis ko po yan."

Hay ang anak ko. Shark pa talaga ang nais. Pwede namang isda lang eh.

"Kumain na tayo. Baka gutom lang si Tyler kaya kung ano ano ang pumapasok sa isip." pagyayaya ko sakanila.

"Mabuti pa nga." sang ayon naman ni Ivan at kinarga na si Tyler.

Habang kumakain kami ay napansin ko ang pagsulyap sulyap ni Ivan sakin habang sinusubuan ko si Tyler. Napapanguso pa sya minsan.

"May problema ba Ivan? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong ko.

"Masarap sya. Pero sa palagay ko mas magiging masarap to kung susubuan mo rin ako." seryosong sabi nya. Bigla naman akong nasamid dahil nataon na umiinom ako ng tubig.

Damn you Quijano!

"Ivan! Ang tanda tanda mo na gusto mo pang magpasubo. Tsaka nakikita mo naman diba? Sinusubuan ko si Tyler."

Napabuntong hininga naman sya.

"Im sorry baby. Kahit anak ko sya. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng inggit." napaiwas sya ng tingin at bumaling sa pagkain nya.

"Baliw kana Ivan. Pati ba naman anak mo?"

"You cant blame me. Ang tagal mong nawala. Kaya sabik ako sa atensyon mo."

Para naman may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko inakala na ang lalaking halos pandirihan ako noon, ay masasabik din pala sa atensyon ko.

"Sige na. Huwag ka ng mainggit. Susubuan na rin kita."

Nakita ko ang pagningning ng mga mata ni Ivan ng marinig ang sinabi ko.

Pagkatapos namin kumain ay inayos ko na ang pinagkainan habang bumalik naman ang mag ama sa may dagat para gumawa ng sand castle.

Mula sa malayo ay pinagmasdan ko silang dalawa. Halos apat na taon ang kinuha ko sakanilang dalawa. Ni hindi man lang nasilayan ni Ivan nung lumabas si Tyler. Ni hindi nya rin naranasan kung paano ang magpalit ng diaper, magtimpla ng gatas, o ang ihele ito kapag umiiyak.

Napaka selfish ko. Sarili ko lang ang inisip ko ng mga panahong yun. Mas inintindi ko ang sakit na nararamdaman ko kesa sa sakit na maaaring maramdaman ni Ivan kapag nalaman nyang nagsinungaling ako.

Pero nagpapasalamat ako. Dahil pagkatapos ng lahat. Napatawad padin nya ako. Inintindi nya ang mga dahilan ko kung bakit ko nagawa yun.

Napagtanto namin na sa relasyon. Mahalag ang komunikasyon. Mahalaga yung napag uusapan kaagad ang anu mang problema para hindi na ito lumala. Mahalaga din ang tiwala. Dahil paano mo masasabi na mahal mo ang isang tao kung wala ka naman tiwala sakanya.

Natatandaan ko noon. Yung panahon na walang tiwala si Ivan sa lahat ng sinasabi ko. Iniisip nya palagi na nagsisinungaling ako. Ni hindi nya din ako hinayaang magpaliwanag. Kaya nauuwi kami palagi sa pagtatalo.

Kahit sinasabi nyang noon pa man ay minahal na nya ako. Pero yun nga lang. Wala syang tiwala sakin. Dahil iniisip nya na may nangyayari samin ng kapatid nya kahit wala naman.

Pagpapatawad. Yan ang sumagi sa isip ko noong panahon na gusto ko nang umuwi sa Pilipinas upang harapin si Ivan at patawin sa lahat ng nagawa nya. Ngunit natakot akong baka sakin naman sya magalit kapag nalaman nya ang kasinungalingan na nagawa ko.

Tama nga sila. Hindi mo malalaman ang resulta ng gagawin mo kung hindi mo ito susubukan. Parati akong pinapangunahan ng takot sa kung ano ang magiging reaksyon nya. Na hindi ko naisip na parehas lang pala kaming nahihirapan.

"Anung iniisip mo?" napatingin ako kay Ivan na nasa harap ko na pala habang karga ang natutulog na si Tyler. Mukhang napagod sya sa paglalaro.

"Wala naman." nginitian ko sya at tumango naman sya upang ilapag si Tyler sa kamang naroon.

"Gusto mo bang maglakad lakad muna?" tanong ni Ivan sakin ng makabalik sya mula sa loob.

"Baka magising si Tyler." sagot ko sakanya.

"Dito nalang tayo. Panoorin natin ang paglubog ng araw." sabi ni Ivan at niyakap ako mula sa likod habang nakaharap kami sa may dagat. Kung saan matatanaw ang paglubog ng araw.

"Ivan.."

"Hmmm."

"I love you.."

"I know. I love you too."

"Sorry sa lahat lahat."

"Ako ang dapat magsorry Steph."

"Nagsisisi kaba na pinakasalan mo ako noon?" tanong ko at nilingon ko sya kung kaya nagtama ang mga ilong namin. Nakatitig ako sa mga mata nya habang sya naman ay nakatitig sa mga labi ko.

"Hindi ako nagsisisi na pinakasalan kita Steph. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko pinakita sayo noon na mahal kita. Yun ang bagay na pagsisisihan ko siguro kung hindi kita naging asawa." hinalikan nya ako sa labi kung kaya napapikit ako. "Eh ikaw? Kahit minsan ba hindi ka nagsisisi na pinakasalan mo ako?" tanong nya.

"Wala akong pinagsisihan Ivan. Mula nung mahalin kita hanggang sa pagpapakasal ko sayo hindi ako nagsisi. Mas pinagsisihan ko ang ginawa kong paglayo sayo. Alam mo yun? Nagiging masaya lang ako noon dahil kay Tyler. Pero kahit ganoon palaging may kulang. At alam ko naman kung ano ang kulang na yun. Ikaw Ivan. Nung aminin ko sa sarili kong mahal parin kita. Dun lang muling nabuo ang puso ko. Yung puso kong nagka pira piraso nung iwan kita. Akala ko masakit na malaman na may namamagitan sa inyo ng kaibigan ko. Pero mas masakit pala yung iwanan kita. Kahit mahal na mahal kita." naramdaman ko nalang ang pagpatak ng mga luha galing sa mga mata ko. Mabilis naman itong pinahid ni Ivan gamit ang right thumb nya.

"Mangako ka Steph. Kahit anong mangyari hinding hindi mo na ulit ako iiwan. Please. Mangako ka." nagsusumamong sabi nya.

"Promise. Hinding hindi na kita iiwan ulit Ivan. Kahit kailan."

Umalis si Ivan mula sa pagkakayakap sakin at pumunta sa harapan ko. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagluhod ni Ivan. Napanood ko na ang ganitong mga eksena sa tv. Ngunit di ko inaasahan na talaga palang mapapatakip ka ng bibig kapag sayo mismo ito nangyari.

"Alam ko hindi naging maganda ang naging simula natin. Nagpakasal tayo dahil sa kagustuhan ng mga magulang natin. Kaya ngayon. Gusto kong gawin ito dahil ito ang gusto ng puso ko." hindi ko na mapigilan ang maiyak. Hindi ko inaasahan na gagawin ni Ivan ito. Even in my wildest dream.


"Stephanie Ferez- Quijano, will you marry me again?" tanong ni Ivan habang nakaluhod at may hawak na singsing.

Ang luha ko ay tila naging falls dahil sa dire diretsong pagdaloy nito mula sa mga mata ko. Ito na siguro ang masasabi kong pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Bukod sa pagsilang ko kay Tyler.



"Yes Ivan. Palagi naman akong nakahandang magpakasal sayo. Kahit saan. Kahit kailan."

Ipinadaus-us nya sa kaliwang palasingsingan ko ang sing sing na hawak nya. Pagkatapos ay niyakap ako.












May mas sasaya paba sa sandaling ito?
Sa palagay ko'y wala na.






Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1.4M 22.8K 47
WARNING: READ AT YOUR OWN RISK! MARAMING MGA ERRORS TO SO PASENSYA NA. KUNG PERFECTIONIST PO KAYO; I'M TELLING YOU, IT'S NOT SUITABLE FOR YOU. Tungko...
287 20 50
Naranasan mo na ba ang mag mahal? Yung tipong sakanya umiikot ang buong buhay mo?paano kung dumating ang araw na pag gising mo may iba na siya? At a...
235K 5.3K 32
KASAL, ang araw na pinakamasaya sa buhay ng isang babae pero kabaligtaran ang nangyare. Kinidnap siya ng di niya kilalang lalaki sa mismong araw ng k...
850K 19K 34
This story has a 'mix' genre. Note: Prepare your mind and heart. The person who can only read this story are ready to be hurt. Cali is a complete opp...
Apka Wattpada - odblokuj wyjątkowe funkcje