Jerome's POV
A/N: play niyo yung song guys if gusto niyo para masdama natin to HHAHAHAHAHAH
"1 minute" sabi ni Ara habang magkayakap padin kami
Napangiti naman ako
"Alam ko namang pogi ako at hot gusto mo buong gabi na to eh tutal sayong sayo naman na ako" sabi ko sakanya tapos kinindatan ko siya
YUNG PAMATAY HAHAHAHAHA
Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin
"Ew tara na nga ang corny mo" sabi niya tapos inirapan niya ako
"Baby girl wait mo ko!" Sigaw ko tapos hinawakan ko yung kamay niya
Napatingin naman siya sakin tapos namumula siya
Shit ang cute niya i can't
"Dun ka nga" sabi niya
"Asus pabebe pa" sabi ko tapos mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi tapos tumakbo ako
"HOY BASTOS KA!" Sigaw ni Ara
"Kiss lang eh!" Sabi ko tapos patuloy akong tumatakbo
"Halika dito! Humanda kang abnormal ka! JEJE!" Sigaw niya
Binelatan ko lang siya
"Tara naaaaa" yaya ko sakanya tapos hinawakan ko yung kamay niya
Nagpunta kami sa isang kainan buti nalang may bukas pang tindahan
Si Ara ang nagturo sakin na paminsan minsan ay kumain sa hindi restaurant na mamahalin kaya andito kami ngayon sa karenderya
Umorder kami agad tapos ngumiti kami sa isa't isa
Di naman nagtagal ay dumating na yung pagkain namin
HAHAHAHAH napangiti ako bigla kasi parang isang taong di kumain si Ara lakas kumain eh
Ay lamon na ata tawag dito :)
"Baby ahhh" sabi ni Ara tapos isusubo sakin yung kutsara
Ngumanga ako para kainin tapos bigla naman niyang kinain
Pshh haha
This girl..
Anong ginagawa mo sakin..
Bakit ganito yun pakiramdam ko?
Napatingin ako sakanya
"Hahahahahaha" malakas niyang tawa at biglang parang nagslow motion lahat ng makita ko siyang ganun kung tumawa
Ang ganda niya
Sobrang ganda pala niya
Hindi padin siya tumigil sa pagtawa kaya bigla akong tumayo sa upuan ko at nilapitan ko siya
"Baby Girl.." sabi ko kay Ara
"Hmm?" Sabi niya
Bigla kong hinawakan yung mukha niya
Napatitig siya sakin
Nagkatinginan kami ng matagal sa isa't isa
pero pinunasan ko nalang yung pisngi niya gamit ang kamay ko
May sauce kasi eh
"A-ay t-thank you" sabi niya
Namula nanaman siya
Bumalik ako sa upuan ko tapos sabay na ulit kaming kumain
Nagbayad nadin ako agad nang matapos kaming kumain ng masaya
Naglalakad kami ngayon sa ilalim ng buwan habang magkahawak kamay
"Baby" sabi ni Ara
Tumingin naman ako sakanya
"Kung bibigyan kita ng tatlong wishes anong pinakauna mong iwiwish?" Tanong niya
Ngumiti naman ako
"Bakit tutuparin mo ba?"tanong ko
"Oo kung kaya ko" sabi niya
"Sige unang wish ko hmmm sabihin mong mahal mo din ako" sabi ko tapos nagstop siyang maglakad
"Anong klaseng wish yun?" Sabi niya tapos nagpout
"Oh kala ko ba tutuparin mo mahirap ba? Mahina ka pala eh hahahaha" sabi ko
"Hoy hindi ako mahina ah dali sali lang nun eh" sabi niya
Tinitigan ko lang siya sa mata iniintay ko yung sasabihin niya
"I-I- AY SI MAMA OH!" sigaw niya tapos tinuro niya yung sa likod ko
Napatingin naman ako
"Wala naman baby girl eh dali nasa-" naputol yung sinasabi ko kasi may sinabi siya
"A-ANONG FAVORITE MONG NUMBER SA ELECTRIC FAN?" sabi niya ng malakas
"Hmm? Hindi naman kami nageelectric fan sa bahay eh pero 2 lang siguro" sabi ko
"AHHH HAHAHAHAHAH OKAY" sabi niya tapos naglakad siya ng mabilis
"Psh pinaglalaruan mo naman ako eh" sabi ko sakanya tapos inunahan ko siyang maglakad
"UYYY HINDI AH" sigaw niya mula sa likod pero hindi ko siya pinapansin
Patuloy lang akong naglalakad tapos bigla siyang sumigaw
"OO NA! I LOVE YOU BABY! I LOVE YOU JEROME! I LOVE YOU I LOVE YOU I LO-" sigaw niya pero bigla kong pinutol yung sinasabi niya tapos niyakap ko siya ng mahigpit
"Ingay mo baby girl gabi na oh HAHAHAHAHAH" sabi ko habang kayakap ko siya
Bigla naman siyang bumitaw tapos nagpout nanaman
"Isang pout nalang baby girl isa nalang AHAHAHAHAH you should stop that habang napipigilan ko pa" sabi ko
Natuwa naman ako sa reaction niya kasi bigla niyang tinakpan lips niya gamit yung kamay niya
Maglalakad na sana siya pero bigla kong hinawakan yung kamay niya at hinatak ko siya papalapit sakin kaya napayakap siya sa bewang ko liit liit kasi ng babaeng to HAHAHAHA
"I love you too" mahina kong bulong sakanya
Napalunok ako kasi feeling ko namumula ako ng sobra
Matagal din kaming magkayakap at naglakad hanggang sa nakarating na kami sa kotse pauwi sa bahay nila
Nasa tapat na kami ng bahay nila Ara
"Nandito na tayo" sabi ko pero pagtingin ko sakanya ang himbing ng tulog niya
Napatitig ako sakanya
Hahawakan ko sana yung mukha niya pero bigla siyang nagising
"Nandito na pala tayo bakit hindi mo ako ginising" sabi niya tapos nakakunot pa
"Lakas mo kasing humilik eh" sabi ko tapos halatang naconscious siya kaya napailing siya sa sarili niya
"T-thank you sa paghatid bye" sabi niya tapos lalabas na sana siya pero napatigil siya dahil nagsalita ako
"Kiss ko?" Tanong ko
Bigla namang umangat yung isa niyang kilay
"Eto baby kiss mo?" Sabi niya tapos tinaas niya yung fist niya pinapakita niya pa sakin
"Kaya mo ko?" Tanong ko tapos ngumisi ako
Napatingin siya sa kamay niya tapos binaba din niya
Bigla naman niyang sinarado yung pinto
"Shoo na shooooo gabi na umuwi ka na" huli niyang sinabi bago siya pumasok sa loob
Nagdrive naman ako ng nakangiti pauwi saamin
A/N: Hope you all enjoy reading this chapter! ♡
Credits to MsKawaiiMelody for doing this cover for me thank you so muchhh i really love it 😚😚
VOTE
COMMENT
AND BE A FAN!♡