Spoken Poetry

By RobeeRobs

155 3 1

Poems I write when I'm bored More

Patago

Kapit pa o Bitaw na?

94 2 1
By RobeeRobs

Alam ko simula pa lang wala nang pag asa. Simula pa lang alam kong talo na. Pero mali bang umasa? Mali bang umasa na balang araw lilingon ka at magtatama ang ating mga mata at makikita ko sa mga mata mo ang isang bagay na matagal ko nang gustong makita mo.

Pagmamahal.

Pagmamahal na matagal ko nang nararamdaman para sayo. Pagmamahal na matagal nang umusbong nang di ko namamalayan. Pagmamahal na hindi ko alam kung kailan nagsimula at kung bakit nagsimula. Putang inang pagmamahal yan.

Pero pagmamahal nga ba itong nararamdaman ko? Pagmamahal na bang maituturing yung hindi kompleto ang araw ko kung hindi kita nakikita. Pagmamahal na ba yung gusto kong lagi kang nakangiti at masigurong okay ka lang. Pagmamahal na ba yung gabi-gabi na lamang ikaw ang naiisip ko at pati sa panaginip p*uta nandun ka. Siguro pagmamahal na nga yung okay lang na masaktan ako wag lang ikaw, okay lang na masaktan ako habang ikaw masaya, masaya sa piling ng iba.

Atleast, kaibigan parin kita.

Mas mabuti na yung ganun. Mas mabuti na yung magkaibigan lang tayo, kasi sa pagkakaibigan walang hiwalayan.

Kapit pa o bitaw na?

Tanong na hindi ko naman talaga masasagot.

Ano naman kasing kakapitan ko? Saan naman din kasi ako kakapit? Sayo? Eh kahit ang close na natin di parin kita maabot. At kung yung nararamdaman ko lang naman ang kakapitan ko, ako lang ang masasaktan. Mas mabuti na siguro yung bumitaw, pero ano naman bibitawan ko eh wala naman naging tayo. Anong bibitawan ko eh hindi nga kita maabot-abot. At hindi ko rin naman kayang bitawan ang pagkakaibigan natin kasi yun na lang ang kinakapitan ko para manatili sa buhay mo. Siguro dun nalang ako kakapit, sa pagkakaibigan.

I don't want to hold on but I don't want to let go either.

Hindi na ako kakapit sa nararamdaman kong ito pero hinding-hindi ko bibitawan ang kung ano mang meron tayo. Hindi ko bibitawan ang pagkakaibigan natin.

Kapit pa o bitaw na?

Kakapit pa ba o bibitaw na?

Wala, wala sa dalawa dahil ayokong mawala ka. Tanga na kung tanga.

Continue Reading

You'll Also Like

12.1K 630 83
She is an outcast. She finds it easier to express what she feels in the form of writing. Whether it is poems, letters or long texts. These are poems...
2K 12 116
By Bianca Sparacino - this tackles the gut-wrenching but relatable experiences of moving on, self-love, and ultimately learning to heal. In this book...
12.8K 1.7K 133
This is not poetry . . . Rankings: #1 in Poet (27/11/2023) #3 in Distress (22/12/2023) #3 in sadpoems (25/12/2023) #2 in lovepoem (25/12/2023) #3 in...
39.6K 1.8K 28
!ဒီအထိအတွေ့ ဒီအရသာ ဘယ်တော့မှ မေ့မှာမဟုတ်ဘူး...အရမ်းခံစားလို့ကောင်းတယ်...!