The Scent of Love

By jpmanalo23

6.3K 323 117

Ano nga ba ang amoy ng pag-ibig? More

Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Epilogue 1.0
Epilogue 2.0
Author's Final Note

One

826 20 14
By jpmanalo23

Weird Phone Call and Bubblegums

Ano nga ba ang amoy ng pag-ibig?

O ng taong in love for that matter?

In English, What is the scent of love?

Aba, malay. May ganun ba? No idea. Hirap sagutin ng mga tanong na parang wala namang sagot. At saka, bakit ba kailangan ng sagot ng question na yun, di ba?

Mema.

Oo, isang malaking mema ang tanong na yun na siyang ibinigay ng Prof ko sa Literature 121. Gawa daw kami ng essay out of our answer from that question. What is the scent of love?

Kaloka. Ewan ko ba kung bakit ako kumuha ng Mass Comm at kung bakit may writing kaming kurso. Isa ito sa mga hiwaga ng pagkatao ko, which is saying something, dahil napaka-boring talaga ng buhay ko. No joke. Kaya nga boring eh.

Kaya eto, alas tres na ng madaling araw ay nakatunganga pa rin ako sa harap ng laptop ko. Blanko pa rin ang MS Word ko.

Lumagok ako ng Kopiko 78.

Tapos tingin ulit sa screen ng laptop ko. Tapos inalog ko ang utak ko. Ano na, Elle Jean? Kaya pa? Buhay ka pa?

Bakit kasi ang hirap ng topic ng essay na gagawin ko? Scent of love? Ano ba yun? Dapat ba pinagsisinghot ko yung kili-kili ng kapatid kong in love na in love sa jowa niyang jejemon? O dapat din ba eh nag-interview ako ng mga naglalampungang couples sa Luneta at tinanong ko sila ng pamatay na "Excuse me Ate, Kuya, ano po yung amoy ng love para sa inyo?"

I'm sure sinimangutan or worse tinarayan ako ng mga nun kung ginawa ko yun. Teka, dapat siguro mag-imbento na lang ako ng kung anong isusulat ko? Echosin ko na lang kaya yung Prof ko at isulat ko na lang na 'ang amoy ng pag-ibig ay kasinghalimuyak ng mga pulang rosas, kasing bango ng hangin sa umaga, kasing dalisay ng hamog sa mga talulot ng bulaklak, at kasing tamis ng Rebisco strawberry sandwich---

"Oy, di ka pa ba matutulog? Nasisilaw ako sa ilaw ng laptop mo!" Reklamo sa'kin ng isang naaasar na boses sa likod ko. Agad akong naimbiyerna at nilingon ko ang lalaking nakahiga sa kama ko.

"Hoy, Mister Pilay, ay wait, Mister Bachelor in Social Climbing pala, na major in Acting dahil sa kakapalan ng mukha mo, FYI, nagsusulat ako rito ng assignment ko! Kung di ka makatulog, aba, wala na akong paki dun!"

As usual lumalaban ang mokong sa pambabara ko sa kanya. "Hoy, kung di mo ako pinilay in the first place, wala ako rito sa kwarto mo! At teka, dapat nga eh ipinakulong na kita di ba! Ano nga bang pwedeng ikaso ko sa'yo? Reckless driving resulting to physical injuries! Oo, yun nga!"

Red na red na ang mukha ko sa inis. "Hoy, kutong-lupang feelingerong akala mo siya lang ang kailangang matulog, ano ako driver ng truck para kasuhan mo ng ganun? Siraulo ka na ba?"

"Oo, nakakasira kasi ng ulo itong sitwasyon natin! Ang sikip kasi ng kwarto mo!"

"Ay, taray! Pasalamat ka nga at tinutulungan pa kita, ugok! Hindi nga kita kilala eh! Baka mamaya sex maniac ka! O rapist! Or sex addict!"

Bigla siyang natawa. "Iisa lang lahat ng yun, Eel Gen."

"Elle Jean!" Pagtatama ko.

Nagkibit-balikat siya tapos yung mga kilay ko, nasa bubong na sa sobrang high blood na dinadala sa'kin ng lalaking 'to. Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa diwa at kaluluwa ko (char, kaluluwa talaga) na may pinatitira akong LALAKI sa apartment ko ngayon. Kung pano nangyari ang lahat ng ito, mamaya ko na ikukwento. Basta ngayon dumoble na yung stress ko. Una sa essay kong non-existent pa, at second, dito sa housemate kong napakagaling na lang sa lahat ng bagay.

Binigyan ko siya ng silent treatment, dahil salita pa siya nang salita kesyo maliwanag daw at di siya makatulog. Nagta-type na ako sa keyboard nang may itanong siyang may sense.

"Ano ba kasi 'yang homework mo?" Bigla niyang usisa sa ginagawa ko kuno.

Nilingon ko ulit siya, at nagulat ako dahil naka-de kwatro na siya ng upo sa bed ko, nakasilip sa ginagawa ko.
"Essay ko nga di ba?"

"Ano'ng klaseng essay?"

"Ewan, basta essay! Ang sabi ni Maam sagutin daw namin yung mahiwagang eme-emeng katanungan niya na 'What is the scent of love?'

Natawa siya dun. Yung tawang walang reservations at labas ngipin. Pinandilatan ko siya.

"Bakit, may nakakatawa ba sa tanong? Kung sabagay, paka-deep kasi itong Prof namin eh, para kunwari genius na siya dun sa 'What is the scent of love' niya. Kala mo naman hindi nakakalimutang maglagay ng kilay minsan sa mukha niya. Oh Lord, bakit parang walang sense lahat ng pinag-aaralan ko?"

"Ang daldal mo."

"Hoy, Mass Comm ako, alangan namang magpaka-speechless ako, no?"

Bumenta yata yun sa kanya kaya tawa pa rin siya nang tawa. "Pero may sagot pala ako dun. Wanna hear it?"

"O? Sige nga? What is the scent of love, aber?"

"Bubblegum."

"Sorry? Ano ulit?"

"Bubblegum. Bingi ka ba, Elle Gen?"

"Sorry naman!" Singhal ko sa kausap ko. "Malay ko ba kasing ganun ka-random ang sagot mo!? Mag-Judge ka kaya muna?"

"Hindi ako nagbibiro. Para sa'kin, yun talaga ang amoy ng pag-ibig. Amoy bubblegum."

Natawa na rin lang ako sa kawirduhan niya. "Ang taray mong sumagot, pang-Miss Universe. Ay teka, pang-Miss Wow na lang pala ng Wowowin. Bakit kasi yun ang sagot mo?"

"Kasi po, Miss Mass Comm, para sa'kin, kung ano yung amoy ng taong gusto mo noong una kayong nagkita, yun ang amoy ng pag-ibig para sa'kin."

Ay wow. Ang ganda ng sagot niya, pwedeng i-pang essay! Nakakuha ako ng idea! Ayos! Gagamitin ko ang idea niya! Bwahahaha!

"O, nakangiti ka? Na-flatter ka?" Tanong niya sa'kin.

"Ha? Bakit naman ako mafla-flatter sa bubblegum? Okay ka lang?"

Bigla siyang napakamot sa ulo niya. "Oh. I thought na-gets mo," he replied teasing.

"Na-gets na ano?"

Para siyang nahihiyang sumagot, kaya kinabahan ako bigla. "Na amoy bubblegum ka that day we first met."








***

Mass Comm ako pero after ng sinabi niyang yun, naging speechless nga ako. Hanep! Bakit naloka ako dun sa sinabi niya? Namula pa ako?

Na-flatter ba ako? Kinilig?

Simula nang dumating sa buhay ko ang lalaking yun, wala na akong naramdaman kundi inis at pagka-asar. Kung pwede ko nga lang siyang palayasin eh, siguro ginawa ko na. Hindi lang kasi siya alaskador, feelingero pa. At sa aming dalawa, siya pa talaga ang natutulog sa bed ko habang ako, doon sa sofa bed sa baba. Napaka-ungentleman kasi ng loko eh.

Kaya nga nawindang ang buo kong pagkatao sa sinabi niya. Yung amoy bubblegum daw ako noong unang araw kaming nagkatagpo.

Thinking about it now, tama nga siya. One week ago yun. Isang linggo bago niya ako hiniritan nang ganun, payapa pa ang buhay ko.

Isa lang naman ako nung ordinaryong babae na nag-aaral sa isang ordinaryong university. Graduating na at nakaka-survive naman. Masaya naman ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Ang sabi nga ng mga kaibigan ko, love life na nga lang daw ang kulang sa'kin.

Medyo sensitive sa'kin 'pag love life na ang pinag-uusapan dahil *insert curse words here* buhay 'yan, kahit man lang fling wala ako nun. Marami akong crush, local at international pero kahit isang lalaki wala talagang nanligaw sa'kin.

Sabi nila hindi naman ako panget. Pero ang feelingera ko din kung sasabihin kong ang ganda ko. On a scale of 1 to 10 sa kagandahan, in which 10 is the prettiest, ako siguro yung unknown number. Ganun.

Depressing, pero nasanay na 'ko. Habang tumatagal tuloy, napapansin ko nang nagiging hopeless romantic na 'ko. Yung tipong nagdi-daydream na balang araw magkakaroon din ako ng happily ever after.

Pero graduating na ako sa college at wala pa rin talaga akong love life. Minsan nate-tempt na nga lang akong manghablot na lang ng lalaki sa mall tapos ikukulong ko sa loob ng bahay ko para wala na siyang choice kundi magkagusto siya sa akin. Chos.

Kapag naiinggit nga ako sa mga kaibigan kong luma-love life, minsan kinakapalan ko na ang mukha ko at kung ano-ano ng klase ng kalandian ang ginagawa ko. Tinder, Facebook chat groups, o sa mga textmates sa cellphone, name it, at pinatos ko yan lahat dahil nagbabaka-sakali akong baka may mahanap akong matinong lalaking pwede kong maging jowa.

Pero waley.

Kaya ako, ang napakamagandang Elle Jean Ruiz, ay single, tigang, halaman, depressed, medyo bitter, at iritang-irita sa mga magjowang nagpapabebe sa malls. Gusto kong maranasang ma-in love. Siguro nga kapag may nanligaw sa'kin, hindi pa man siya nagsasalita para alukin akong maging girlfriend niya ay sasagutin ko na siya. Yes, desperada much. At bago ako grumaduate, desidido na akong bigyan ng kulay ang aking love life. Pero paano ko nga gagawin yun kung parang allergic naman sa'kin ang mga lalaki?

Hanggang sa dumating yung araw na una kaming nagkita ng lalaking sa unang pagkakataon in my twenty years of gorgeous existence ay magtatagal sa tabi ko. Medyo may pagka-OA yung description pero ganun talaga.

Papunta akong school nun, nasa loob ako ng jeep at bad mood ako agad dahil napansin kong ang daming missed calls ang nakukuha ko sa phone ko. Nang tiningnan ko kung kanino galing, galing pala dun sa ka-textmate ko dati. Hindi ko na kasi tinuloy yung pakikipag-textmate sa kanya dahil sa nakakatuyo ng utak niyang mga pamatay na replies.

Behbeyh Gurl, musta n ikW? Ik4w l4Ngz saP4t nAh.

Nahilo ako dun.

Pagkababa ko ng jeep sa labas ng school ko, napadiretso tuloy ako sa tindahan para bumili ng bagong sim card. Nakakatamad mang magbago ng number, ginawa ko na rin dahil may issue talaga ako sa mga jejemon. Ewan ko ba.

Akala ko makakakuha na ako ng peace of mind dahil bago na yung number ko pero hindi pala, dahil isang minuto pa lang ang nakakalipas ay may number namang tumawag sa'kin. Nagulat ako kaya sinagot ko agad.

"Hello?"

"Sa wakas, nakontak rin kitang hayop ka! Hello mo, mukha mo. Asan ka hoy?" Yun ang sabi ng lalaking caller, at shocked ako dun. Para pa siyang galit na galit. Napaisip naman ako kung may kakilala ba akong nakaaway ko, but then again naalala ko ring bago nga pala ang sim card ko.

"Sino 'to?" I tentatively asked.

"Ako? Sino ako? Aba, ayos ka din ano? Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko kung sino ka?" Singhal niya sa'kin at parang gusto ko nang ma-trauma.

"Aba, siraulo ka ba? Ikaw 'tong tatawag-tawag sa'kin tapos ikaw pa yung galit?"

Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. Yung tawang pang kontrabida. Basta yun ang nai-imagine ko. Maganda sana yung boses niya, boses pang dj, pero I'm sure yung ugali niya, pang-jeje. "Miss, kaya ako galit dahil number ko 'yang gamit mo. At phone ko yang ginagamit mo, magnanakaw!"

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naakusahang magnanakaw ng isang tao. Kahit nga yung mga barya-barya ni Mama sa tindahan namin dati, hindi ko kinukupit eh. Tapos sasabihin niya na ninakaw ko yung cellphone niya?

"Umamin ka na! Ikaw nagnakaw sa phone ko! Asan ka ha? Asan ka!"

Kulang na lang eh mag-Super Saiyan ako sa galit. "Excuse me, kung sino ka mang uwak ka na walang magawa sa I'm sure ay pathetic mong buhay, wala akong phone na ninanakaw! May sarili akong phone!"

"O sige nga, ano ang model ng phone mo?" Hirit niya.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo, ano ako, uto-uto? Mamaya nasa tabi-tabi ka lang at budol-budol ka pala! Oo wala akong love life pero hindi ako tanga!"

"Wala akong sinasabing love life mo, kaya 'wag mong isingit yan, Miss! If I know, nagpapalusot ka lang! Now Miss, tell me kung asan ka para ibalik mo na lang yung phone ko. Hindi na kita ipapakulong kapag isinoli mo ngayon ang phone ko!"

I took a deep breath. "Hirap mo'ng paliwanagan, Kuya. Phone ko nga 'to! Isang taon na sa'kin 'to! At etong number na 'to na tinatawagan mo, kakabili ko lang nito sa sari-sari store mga five minutes ago! Kaso masyado
kang mapilit, ano'ng akala mo sa'kin, walang pambili ng cellphone?"

"What do I know? Baka wala ka ngang pambili ng phone. Imbes kasi na maghanap ka na lang nang marangal na trabaho, nang-gagancho pa kayo ng ibang tao!"

"Alam mo ikaw, hindi ko na kinakaya 'yang mga pinagsasabi mo. Ang lakas  ng arrive! Ikaw na, Koya! Pagpalain ka nawa ng mga anitong sinasamba mo!" Banas na banas na talaga ako sa kausap ko at gusto ko na siyang makita sa personal para mabigwasan ko siya ng isang beses.

"Look, kahit ano pang sasabihin mo, I'm going to get you. Akala mo ba palalampasin ko ito? Importante sa'kin ang phone na yan, kaya ibigay mo na lang!" Giit niya na naman.

"Paano ko naman ibibigay ang isang bagay sa'yo Kuya kung wala naman ito sa akin! Diyos ko naman, nung hiniling kong sana pansinin naman ako ng isang lalaki, hindi ganitong pagpapansin ang tinutukoy ko!"

"Stop fooling around! Ayaw mong makipag-cooperate? Pwes, hahabulin kita. May gps tracking app itong phone na ginagamit kong pantawag ngayon sa'yo Miss. And it's currently tracking you. Kaya humanda ka."

Medyo kinabahan ako doon. Seryoso ba siya? O baka naman nagba-bluff siya? Hindi niya naman talaga ako pupuntahan di ba? Wala naman talaga kasi akong ninanakaw sa lalaking 'to!

"Alam mo Kuya, sobrang sabog ka na siguro. Grabe ka. Sa acting skills mong 'yan, pwede kang mag-artista. Tinatakot mo 'ko? Haler? Ako, tatakutin mo nang ganyan? Eh di puntahan mo 'ko dito para magkaalaman na kung talaga bang may ninakaw ako sa'yo!"

"Oo talaga. Humanda ka talaga," banta niya over the phone.

"Bring it on! Di ako nasisindak!" Paghamon ko rin. "O sige na, may klase pa ako! Bye!"

Pinatay ko na ang phone ko. Gusto ko pa ngang bumalik sa tindahan para palitan ulit yung nabili kong sim card, pero tinamad na ako dahil mali-late  na ako sa klase. Tsaka feeling ko naman hindi ako seseryosohing puntahan nung lalaking yun. Kutob ko kasi prank caller lang naman siya na malakas mantrip. Malas ko nga lang at ako ang napagtripan niya.

Sa classes ko, damang-dama ni Beverlyn, ang bestfriend-slash-classmate-slash-alalay ko ang dark aura na nakapaligid sa'kin kaya sinita niya ko nang magkaroon kami ng break.

"Napano ka at busangot ang mukha mo?"

"Wala 'to, may nang prank lang sa'kin kanina," sagot ko. Binigyan niya ako agad ng ilang piraso ng candy bilang pampa-relax. Si Beverlyn o Bevs kasi yung tipo ng kaibigan mong palaging may dalang candy o chocolate sa bag, at palagi akong may share sa mga 'to. At dahil ibang level ngayon ang pagka-imbiyerna ko, yung Juicy Fruit niya na mahal pa naman ang pinagtripan ko at nag-bubblegum ako hanggang sa uwian namin. Nakalimutan ko na nga yung tungkol dun sa prank caller  ko kanina.

Nagtambay kami ni Bevs sa cafeteria. Hinihintay niya yung boyfriend niya dahil may klase pa ito kaya sa'kin muna siya sumasama.

"Uy, gigimick kami ni Bernard mamaya. Sama ka!" Yaya ni Bevs na parang hindi alam kung anong isasagot ko.

"Para ano? Maging third wheel niyo? Ayoko nga. Nakakaumay yung mga lampungan niyo, 'pag nakikita ko kayong super sweet parang gusto kong mag-cartwheel."

Natawa lang siya na sanay na sanay na sa balahura kong bibig. Minsan pinuna niya yun, at sabi niya bawas-bawasan ko daw ang maging maldita at talakera para may magkagusto na raw sa'kin. But as usual, tinalakan ko lang siya na hindi ko kailangan ng love life na yan. But deep inside, mega question na ako sa universe kung bakit wala pa akong jowa.

"Sumama ka na. Para naman maging mabenta ka na. Kumbaga sa product, advertise yourself! Charot!"

"Naku, wag na. Hindi ko type magpupunta sa mga club. Kayo na lang ng jowa mo. Maglalaba na lang ako sa apartment."

"Eh di sige. Uy, buti pala nakakayanan mo nang mag-isa sa apartment mo. Maghanap ka na kaya ng housemate? Kung pwede lang sana ako---"

"Paano ka naman magiging pwede eh diyan ka lang sa labasan nakatira, Beverlyn Madlangbayan. Pauso ka neng. And FYI, nai-enjoy ko ngayon ang pagiging independent ko no, hindi ko pa kailangan ng kasama," sagot ko. Dati kasi, ang Ate ko yung kasama ko dun sa apartment ko. Taga-Quezon kasi kami at nagre-rent lang kami rito sa Manila. Pero nung magtrabaho na si Ate, nalayo na siya sa'kin dahil doon siya nagboard sa pinapasukan nila. Noong una nalungkot akong mag-isa sa bahay, but as time went on nasanay na ako. Hindi nga lang ako makapanood ng mga horror movies. Dahil madali akong matakot.

Pagkadating ni Bernard, umalis na sila at ako naman ay pupunta pa sana sa bookstore sa labas kaso nagri-ring na naman ang phone ko. Unregistered number ulit pero sinagot ko ulit yun.

"Hoy Miss snatcher, nasaan ka na?" Bulyaw niya sa phone.

"Ikaw na naman? Sinabi ngang hindi ako nagnanakaw mula sa'yo! Bye! Adios! Sayonara!" Pinatay ko na ulit yung phone ko. Nakalabas na ako ng gate at tumawid na 'ko ng kalsada. Naglalakad na ako sa may mga puno papunta sa bookstore nang mag-ring ulit ang phone ko.

"Nakikita na kita."

Natakot na ako. Diyos ko, what if  budol-budol nga 'to? Naphinto ako sa paglakad.

"Estudyante ka pa pala."

"N-Nasaan ka?"

"Nasa paligid mo. Nakikita kitang naglalakad. White blouse, black jeans at may pink na bag. Ikaw yan, right?"

Nakikita niya nga ako! Kinakabahan akong lumingon-lingon sa paligid ko, ngunit wala naman akong makitang nagmamasid sa'kin.

"Tatawag ako ng pulis," sabi ko. "Stalker ka na! Bawal yan sa ilalim ng Saligang Batas!"

He laughed aloud. "Kung stalker ako, ano ka? Snatcher? Kawatan?"

"Pwede ba tigilan mo na ako? I told you, wala akong ninanakaw na kahit anong bagay mula sa'yo!"

"Are you sure?" Nakakatakot na tanong nito sa phone at napilitan na akong maglakad nang mabilis papunta sa mga tao. Peste ka, Elle Jean, bakit di mo na lang patayin yang phone mo? Kinakausap mo pa kasi eh!

"Phone ko nga itong ginagamit ko!"

"I can see it now. Hindi ko nga yan phone."

"See? Kita mo ng ugok ka! Inosente ako! Wala akong ninanakaw sa'yo kaya lubayan mo na ako! Papatayin ko na 'to!"

"May ninakaw ka pa rin sa'kin," aniya at yun na ang huli kong narinig sa kanya over the phone at dali-dali ko na iyong pinatay. May nakita akong lalaki na nakatambay sa tabi ng isang bisekleta sa may gilid ng kalsada at nilapitan ko siya para humingi ng tulong. Siya na kasi ang pinakamalapit na tao sa'kin at sobrang paranoid ko lang.

"Excuse me Kuya, saan may pulis dito? May kailangan lang akong i-report! Please!"

Ngunit imbes na tulungan ako nung lalaki, ngumiti lang ito sa'kin nang malapad. Yung ngiting pangkontrabida. "May ninakaw ka nga talaga sa'kin," aniya at namutla ako doon sa sinabi niya.

"Ikaw yun?" Banggit ko dahil nagulat ako. Yung lalaki kasing nasa harapan ko, siguro kung mago-orgy man sina Zac Efron, Ryan Gosling, Chris Evans, at Kilua ng Hunter x Hunter, malamang siya ang magiging anak nila. In short, ang gwapo niya! Siya ba talaga yung prank caller kanina?

Bigla akong nagpabebe mode. "Ano nemen eng nenekew ke seye kuya? Yeng puso mo ba hehehe..." sabi ko sabay ngiti with no reservations. Baka kasi ito na yun! Yung love life kong incoming at papausbong!

Ngumiti din siya sabay hawak sa dalawa kong braso nang mahigpit. "Hindi. Yung sim card ko ang ninakaw mo. Pwedeng iba na yung ginamit mong phone, pero yan pa rin yung number ko kaya halika, daldalhin kita sa pulis at ipakukulong kita."

At sa ganoong paraan ko siya nakilala. Sayang nga lang at hindi ko matandaan kung ano yung amoy niya nung araw na yun.

@jepoylee

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 57
Limited Time: 50 Coins or less! September Sale Alert! From fresh starts to lasting love, these stories have it all. Unlock now until Sept 22! ** Cyr...
263K 497 2
[BOOK 1] [Full version is available on DREAME] Cooler Keitan Alonte is a so called womanizer, play boy, whore, heartless and jerk in their campus. A...
328K 7.2K 47
Being a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming a mother at age 12 will ever be humorous...
1.1K 879 11
"Ni minsan minahal mo ba ako? " I said with full of tears in my eyes. "I've never been in love such a desperate woman like YOU." He said in a cold vo...