The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 3: Breaking up
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 22: Stranded
Chapter 23: Stuck with each other
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 26: Hello Korea
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 29: Her other side
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 37: Father and Son
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 40: Who and where?
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 49: Tragedy
Chapter 50: He's Gone
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 53: Win or Lose
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 55: Make a Wish
Chapter 56: Road to Forever
Chapter 57: The Heir
Chapter 58: The Choice
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 21: Surprise gift

2.5M 58.3K 31K
By blue_maiden

CANDICE

Nagkakamali lang ako. Hindi 'yon si Jeydon at hindi siya pwedeng maging si Jeydon.

Wala nang pakialam pa sa 'kin si Jeydon at wala na rin akong pakialam sa kanya kaya kalokohan lang 'yong mga pinag-iisip ko.

Nag-i-imagine na ako rito. Nagugutom na siguro ako. Oo, tama gutom lang 'to.

Bakit kasi ang tagal naman ng kainan? Ayon nga 'yong gusto ko sa party na 'to e. Gutom na talaga ako.

Tumayo ako tapos lumapit ako kina Mama.

"Mama, pwede na bang kumain?" Nagkatinginan sila ni Yaya Linda tapos tumawa sila.

Nagpaawa effect lang ako sa kanila.

"Oo naman, anak. Kakain na tayo." Salamat naman.

Bumukas lahat ng ilaw. Umupo na kaming lahat para makakain na kami. Ang pinakahihintay kong chibugan.

Nasa isang table kaming lahat nina Kuya Charles. 'Yong ibang bisita, nasa iba't ibang table.

Bago pa ma-serve 'yong pagkain, biglang dumating si Blake. Akala ko hindi rin siya dadating katulad ni Lucas. Hmpf! Buti pa nga siya, dumating e. E 'yong Lucas na 'yon? Wala.

"Candice! Sorry, na-late ako ha," napakamot na lang siya ng ulo. "Happy Birthday! Nga pala, ito 'yong regalo ko."

"Salamat, Blake. Sige, upo ka na. Kakain na tayo." Umupo talaga siya sa tabi ni Kuya Charles. Sabagay, okay na naman 'ata siya e. Napansin agad siya ni Ate Serina.

"'Di ba ikaw 'yong delivery boy?" tanong niya.

"Ha? E oo nga po. Kaibigan ko rin po si Candice." Lakas niyang magpatay-malisya ha. Mukha rin namang naniwala si Ate Serina kaya nakahinga nang malalim si Kuya.

Dumating na 'yong mga pagkain. Woohoo! Ang dami nito.

Kumain ako nang kumain. Birthday ko naman kaya okay lang na kumain ako nang madami. Ang sasarap pa naman ng mga pinahanda nina Mama.

Malapit na kami matapos kumain tapos biglang umalis sina Kuya. At saan naman sila pupunta?

Maya-maya lang, biglang namatay lahat ng ilaw. May bumukas na ilaw sa stage. May stage pa pala talaga sila ha? Akala mo debut ko e.

Hinintay ko kung anong mangyayari.

"Candice, happy birthday."

Teka, boses ni Kuya Charles 'yon ha?

"Para sa 'yo 'to."

Unti-unti silang lumabas. Si Kuya Charles, Troy, Juan Paulo, Jayshin, Marky, tapos si Blake. Ang laki ng mata ko sa gulat. 'Yong mga suot nila, iba na. Para silang mga bata! Topless sila tapos naka-shorts lang at jumper. At 'wag ka! May tie. Hindi ko mapigilan 'yong tawa ko. Nakakatawa silang lahat sa suot nila!

Nag-play 'yong sasayawin nila.

What the?! "Baby "ni Justin Bieber.

Ang macho nilang lahat, lalo na 'to si Blake. 'Yong mga babae rito, tilian nang tilian. Lumapit sa 'kin sina Tiffany. Kilig na kilig si Tiffany kay Troy at ito namang si Stacey, cheer nang cheer sa manok niyang si Blake. Todo cheer naman din ako sa kanila kaso nakakainis na wala si Lucas dito. Sa lahat ba naman ng araw, ngayon pa siya naging busy? Alam naman niyang birthday ko e. Nagtatampo na talaga ako sa kanya.

"Hoy, Candice! Grabe ang macho ng manliligaw mo o! Haba ng buhok mo talaga! Dapat si Rapunzel ka e, hindi si Snow White!" sigaw ni Stacey. Ang macho nga talaga ni Blake.

Lahat sila magaling sumayaw pero hindi ko pa rin mapigilan na matawa dahil sa nakakatawa 'yong mga suot nila! Sigurado ako na si Kuya Charles 'yong may pakana nito. Ito siguro 'yong surprise niya sa 'kin. Kaya naman pala siya tumatawa e, natatawa siya sa sarili niyang idea. Tagumpay naman siya kasi na-surprise nga ako.

Tapos na 'yong kanta kaya akala ko tapos na rin 'yong presentation pero hindi pa pala. Dumilim na naman bigla tapos may isang malaking screen sa harap.

"Candice..."

Narinig ko pa lang 'yong boses niya, may luha na agad na pumatak sa mata ko. Tiningnan ko 'yong malaking screen tapos nakita ko siya.

"Anak, anong gusto mong regalo ngayong 7th birthday mo?"

Ang sigla-sigla pa ni Papa sa video na 'yan. Ang saya pa namin ng mga panahon na 'yan. Sobrang daddy's girl pa ko niyang panahon na 'yan. Hindi ko na napigilan na maiyak. Miss ko na si Papa. Miss na miss ko na siya.

"Appa, gusto ko po maging si Snow White tapos may Prince Charming ako! Tapos po, magsasayaw kami sa ilalim ng full moon tapos magki-kiss kami."

Ang bata ko pa sa video na 'yan. Ginulo ni Papa 'yong buhok ko habang natatawa siya sa sinabi ko. Binuhat niya ako tapos nilagay niya ko sa balikat niya.

"Masyado ka nang nanunuod ng mga Disney movies, anak."

"Appa, kasi gusto ko rin matulad sa mga Disney Princesses na may Prince Charming!"

"Magpalaki ka muna, Candice, para makilala mo na si Prince Charming. Kapag malaki ka na, tutuparin ni Papa 'yong wish mo na maging si Snow White."

Mas lalo akong naiyak. Ang daya-daya ni Papa. Hindi naman niya tinupad 'yong promise niya. Iniwan na niya ako kaya paano pa 'yon mangyayari? Sana hindi na lang siya nawala para sabay pa namin tutuparin ngayon 'yong wish ko.

"Appa, bumalik ka naman kahit ngayon lang." Tuluy-tuloy na 'yong pagpatak ng mga luha ko.

Namatay na naman 'yong mga ilaw. Akala ko may surprise na naman sina Kuya pero hindi. Hindi na ulit bumukas ang mga ilaw. May biglang nagtakip ng bibig ko tapos piniringan ako. Hindi ako makasigaw habang binubuhat ako palayo. Anong nangyayari? Anong gagawin nila sa 'kin?

Naramdaman ko na lang na pinasok nila ako sa isang van. Hindi ako makapagsalita tsaka hindi rin ako makakita. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nasa panganib na naman ba ako? Ano na naman bang mangyayari sa 'kin?

Ilang minuto lang 'yong nakalipas, huminto na rin 'yong van. Tinanggal din naman nila 'yong takip sa bibig ko.

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo sa 'kin ha?" Hindi sila nagsalita. Binuhat na naman nila ako.

Konting lakad lang 'yong ginawa namin tapos inupo nila ako sa isang upuan. Nakapiring pa rin 'yong mga mata ko tapos wala akong makita. Kinakabahan pa rin ako. Ano na naman kayang mangayayari sa 'kin?

"Sino ba kayo?"

Hindi nila ako sinagot pero tinanggal na nila 'yong piring sa mata ko. Pagmulat ko ng mata ko, akala ko nasa isang tagong lugar ako o sa isang warehouse pero nasa isang park lang pala ako.

Nakaupo ako sa isang upuan na may mga bulaklak. Madilim 'yong lugar pero nakikita ko pa rin 'yong paligid dahil sa ilaw ng buwan. Wala na 'yong mga nagdala sa 'kin dito. Mag-isa na lang akong nakaupo rito. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Akala ko may kidnapper o may masamang tao na gusto akong saktan pero bakit sa upuan na napakaganda pa ako pinaupo?

Nagulat ako kasi biglang bumukas 'yong mga ilaw. Ang daming mga Christmas lights. Ang ganda ng lugar na 'to. Tumayo ako tapos sinundan ko kung saan papunta 'yong ilaw. Parang may ginawaang daan 'yong mga ilaw na 'to tapos do'n ako dapat pumunta.

Habang naglalakad, may natanaw na akong isang tao sa malayo tapos may mga kandila at mga balloons pa na heart. May narinig din akong tugtog. Dinalian ko 'yong paglalakad ko para makapunta ako sa pinakadulo.

May isang lalaki na nakatalikod sa 'kin at may hawak na gitara. Naka-costume 'ata siya na Peter Pan?

Tatanungin ko pa lang sana kung sino siya pero bigla niyang pinatugtog 'yong gitara tapos kumanta siya ng "Ikaw at Ako" ni TJ Monterde.

"Hawakan mo ang kamay ko nang napakahigpit..." Unti-unti siyang humarap sa 'kin. Napahawak ako sa bibig ko sa gulat.

"Lucas?"

"Pakinggan mo ang tinig ko... Oh 'di mo ba pansin? Na ikaw at ako..." Lumapit siya sa 'kin. "Tayo'y pinagtagpo..."

Nakatingin lang ako sa mata niya habang kinakantahan niya ko. Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako kinikilig. Para gawin lahat ni Lucas 'to, sobrang effort 'yong ginawa niya. Ngayon ko lang din napansin na ang gwapo pala talaga ni Lucas. Ang amo-amo ng mukha niya.

Huminto siya sa pagkanta. Nilapag niya 'yong gitara na hawak niya tapos inabot niya sa 'kin 'yong kamay niya.

"Can I have a dance with you?"

Inabot ko rin sa kanya 'yong kamay ko. Ngayon, nagsasayaw na kaming dalawa. Nakalagay sa mga bewang ko 'yong kamay niya tapos ako naman, sa balikat niya. Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa.

"Akala ko talaga kung ano na. Pinakaba mo ako do'n ha."

"Sorry, gusto ko lang ma-surprise ka." Mas magaling siya mag-surprise kaysa kay Kuya Charles.

"Ikaw ba nag-set up ng mga 'to?"

"Oo, lahat 'yan, ako ang nag-ayos kaya hindi ako nakapunta pa sa party." Ang laki ng ngiti niya sa 'kin. "Ang totoo niyan, idea naming dalawa ni Charles 'to. Gusto kasi naming dalawa, matupad 'yong pangako sa 'yo ni Tito Danny. Gusto kong matupad 'yong wish mo noon."

"Ito pala talaga 'yong surprise sa 'kin ni Kuya? 'Yong surprise mo?"

"Kahit na hindi ako si Prince Charming para sa 'yo, kaya ko munang maging substitute para lang matupad ko 'yong wish mo."

"Salamat, Lucas."

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo, nagustuhan ko. Ang ganda, pero muntik na talaga akong magtampo sa 'yo! Akala ko nakalimutan mo na 'yong birthday ko." Natawa siya nang mahina sa sinabi ko.

"Pwede ba yo'n? Pwede ko bang makalimutan 'yong birthday ng taong mahal ko?"

Bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko nag-iinit 'yong mga pisngi ko. Hindi naman kasi gano'n ka-vocal si Lucas sa nararamdaman niya sa 'kin.

"Alam mo? Para kang floor wax."

Pambihira, bumabanat na naman siya. Ano na naman kaya 'yan? "Bakit naman?"

"Kasi mahal kita e. Ops, sorry nadulas ako."

Hindi ko napigilan na mapangiti. Sige, sabihin na nating kinilig din ako. Isipin mo naman, napakaseryoso at cold guy ni Lucas pero pagdating sa 'kin, nagiging sweet at korni.

"Hoy, Lucas! Bakit ganyan ka? Lantaran mo na talagang sinasabi na mahal mo ko!" Tumawa na naman siya.

"Na-realize ko lang na ang love, parang pangarap. Walang mangyayari kung hindi ka kikilos."

"Love." Napahinto kami pareho. "Mahal mo ba talaga ako, Lucas?" Tiningnan niya ko.

Hinintay ko 'yong sagot niya pero tiningnan lang niya ako. Tapos... bigla na lang niya akong niyakap. Niyakap niya ako nang napakahigpit. Ang bilis ng tibok ng puso ni Lucas.

"Naririnig mo ba 'yong tinitibok ng puso ko?"

Naririnig? Ayos lang ba siya? "Hindi naman nagsasalita 'yong puso e!" Natawa na naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw. Ikaw 'yong palaging tinitibok ng puso ko, Candice. Kasi mahal kita. Mahal kita, Candice."

Hindi ako nakapagsalita. Oo, speechless ako. Masaya ako sa mga naririnig ko ngayon pero may lungkot din akong nararamdaman. Lungkot para kay Lucas.

"Lucas, hindi pa 'ata ako handa na magmahal ulit."

"Pwedeng nasaktan ka niya noon pero hindi 'yon sapat na dahilan para itaboy mo lahat ng taong darating sa buhay mo."

Hinarap niya ako. Tiningnan na naman niya ako sa mga mata ko. Kung anong bilis ng tibok ng puso ni Lucas kanina, gano'n na rin kabilis 'yong tibok ng puso ko ngayon.

"Bago ka sumuko, bakit hindi mo muna subukan?"

"Lucas kasi—" Hindi na ako natapos sa sasabihin ko kasi niyakap na naman niya ako.

"Hindi ako nagmamadali. Kaya kong maghintay. Sa dalawang taon natin sa Korea, nakapagtiis ako. Ngayon pa kaya?" Tinulak ko siya para maiharap ko siya sa 'kin.

"Anong ibig mong sabihin sa dalawang taon?" Ginulo niya bigla 'yong buhok ko.

"Manhid ka nga." Tiningnan ko siya nang masama. Hindi ko siya maintindihan tapos ayaw niya pa agad sabihin sa 'kin. "Mahal na kita noon pa lang. Kaya ako pumunta sa Korea ay para makasama ka at hindi lang dahil do'n din ako mag-aaral. Nagtiis lang ako. Pinigilan ko lang 'yong nararamdaman ko sa 'yo para kay Jeydon."

Natigilan ako.

Kaya ba palaging nasa tabi ko si Lucas noon pa man? Kaya ba napakaimportante ko sa kanya noon pa lang? Kaya siya pumunta sa Korea para makasama ako. Kaya pala gano'n na lang siya mag-alala sa 'kin. Kaya pala gano'n na lang niya ako alagaan.

Gusto kong matawa. Bakit ngayon ko lang na-realize lahat ng 'to? Ganon ba talaga ako kamanhid na tao? O sadyang nakatuon lang talaga lahat ng atensyon ko noon kay Jeydon?

"Ang tanga ko."

"'Wag mong sisihin 'yong sarili mo. Gano'n mo lang siya kamahal kaya wala ka nang ibang napapansin kung hindi siya." Nakikita ko 'yong lungkot sa mukha ni Lucas. "Alam mo bang ako 'yong palaging nasa tabi mo pero nasa kanya pa rin 'yong atensyon mo?"

Oo, siya at hindi si Jeydon. Siya 'yong palaging nandiyan para sa 'kin pero si Jeydon pa rin 'yong pinili ko.

"Lucas, sana ikaw na lang talaga. Sana ikaw na lang 'yong minahal ko."

Niyakap ko ulit si Lucas. "Pwede bang isayaw mo lang ako, Lucas?"

Pinikit ko 'yong mga mata ko habang nagsasayaw kami ni Lucas.

Tama si Lucas. Ang pag-ibig, parang pangarap. Walang mangyayari kung hindi ka kikilos. Hindi habang buhay na makukulong ako sa nakaraan.

Paano ako magkakaroon ng sarili kong fairy tale story kung palaging nakasara 'yong pinto ko para kay Prince Charming?

Inisip kong mabuti 'yong gagawin ko sa desisyon ko na 'to.

Sa gagawin ko, hindi lang si Lucas 'yong bibigyan ko ng chance. Pati na rin 'yong sarili ko, 'yong puso ko.

Lumayo ako kay Lucas.

"Lucas, sabihin mo ulit sa 'kin na mahal mo ko."

Nagulat siya sa sinabi ko pero hinawakan niya 'yong mga kamay ko pagkatapos ay tiningnan niya ako sa mga mata ko.

"Mahal kita. Mahal kita, Candice."

"Ayoko nang lokohin 'yong sarili ko. Oo, Lucas, gusto rin kita. Hindi pa kita mahal ngayon pero kung mahihintay mo ko, kaya kong ibigay pabalik sa 'yo 'yong pagmamahal na binibigay mo sa 'kin."

Ngumiti siya. Lahat ng lungkot na nakita ko sa kanya, ngayon ay napalitan na ng saya.

"Maghihintay ako kahit sa dulo pa ng walang hanggan, Candice."

Hinawakan ko 'yong mukha ni Lucas.

Papa, nakikita mo ba ko? Tutuparin ko na nang tuluyan 'yong wish ko.

Unti-unti kong nilapit 'yong mukha ko kay Lucas tapos... hinalikan ko siya.

Continue Reading

You'll Also Like

235K 15.5K 76
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
531K 14.3K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
27M 715K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...