Pentastic: The Magical Pen (C...

By Delightful_Harmony

152K 6.6K 6.5K

☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229... More

Author's Note
View Cast Members
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
Ate Sky's Last Note

Chapter 1

15.1K 491 438
By Delightful_Harmony

Chapter 1: Magic o Gimik?

Ikumi's POV


"Mi, alis na po ako!"
Paalam ko sa aking mommy because it's June and obviously first day ko ngayon bilang second year high school sa Dandelion Academy, isang private school. Hindi ako mayaman, masipag lang ako mag-aral and luckily have my scholarship, so I have the opportunity to enroll in this elite school.


I'm Ikumi Yasuhiro, 16 years old. I'm half Japanese, half Filipino. My dad's name is Daisuke Yasuhiro. He's Japanese. Di na namin siya kasama ngayon dahil ayon kay mommy, nasa sinapupunan pa lang niya ko ay iniwan niya na kami. Itinatanggi n'yang anak niya 'ko.

At dahil half Japanese ako obviously singkit ang mga mata ko, long hair, maputi at simple lang pumorma. Sabi nila, "cute" raw ako. Haha, ewan ko. Siguro?

"Oh, nakalimutan mo 'to."
sabi sa'kin ni mommy sabay abot ng lunchbox ko.


"Ano po ito mommy?"
takang tanong ko.

"Laruan 'yan bunso! Titigan mo tapos biglang mawawala."
pilosopong sagot ng aking ina.

"Mommy naman e!"inis kong sabi then I pouted. Kahit kailan talaga 'tong mi ko, pilosopo. 


"Hahahaha, biro lang bunso."

"Bunso ka diyan mommy! Nagpapatawa ka po ba e nag-iisa lang naman po talaga ang anak n'yo. At ako po yun." saad ko kay mommy.

"EXACTLY! Ikaw nga lang ang anak ko so bunso kita and at the same time ate ka rin." Amaze na sabi ni mommy sa'kin habang nagniningning ang kaniyang mga mata.

"Oo na lang po mommy." Kakaiba rin 'to e. Mommy ko ba talaga 'to? 

"Ubusin mo yan anak, ha? Maraming tao ang nagugutom." bilin ni mommy sa'kin.


"Yes mommy. Teka ano ba laman nito?" tanong ko.

"See for yourself bunso."


At pagbukas ko...

"WAAH! My favorite adobo! Kahit di mo pa sabihin mi e talagang masisimot to. Isama mo pa ang lalagyan. Thank you so much sa pagprepare nito. Alam mo talaga ang comfort food ko. Mi, your the BEST!" Hyper kong sabi sa'king ina, sabay yakap ng mahigpit at kiss sa kaniyang pisngi. 


"Welcome! Anything, for my bunso." hirit ni mother.


"Mommy, malaki na'ko, don't call me bunso o whatsoever po. Baka kung sino pa ang makarinig, nakakahiya." pagpuna ko kay mi.


"Ito namang baby girl ko, naglalambing lang naman ako." At lumungkot ang kaniyang mukha.

"Okay, fine. kayo na po'ng bahala kung ano pong itatawag n'yo sa'kin."

"Talaga bunso? Haha salamat naman kung gano'n. O bilis na ang kilos at male-late ka na." galak na sabi sa'kin ni mommy at pumalakpak siya ng mabilis.

"Oo nga po pala. Bye mi, una na po ako!" Pagpapaalam ko kay mommy Evanna, sabay beso rito.

"Mag-ingat ka anak ha?" bilin pa ni mommy.


"Yes your Highness!" sabay umaktong parang nagbigay galang ako at yumuko.

"Your highness ka diyan? Layas na anak! Shoo!"

ay grabe makashoo si mi. Ano ako asong gala? Grabe siya sa favorite daughter niya. 


Paglabas ko ng bahay, napansin kong parang may nakatitig na pares na mata sa akin.

Paglingon ko ay napa-kurap ako...

OMG! May nakatingin nga.

"Grabe naman to makatingin si lola! May dumi ba 'ko sa mukha? Parang anytime kakainin niya ako ng buhay. " bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa matandang 'di ko kilala sabay iwas ng tingin dito.

Tinignan ko ang aking pananamit.

"Ayos naman 'tong uniform ko ah? Disente at 'di masagwang tignan. Problema no'n? Aga-aga, psh. Hayaan ko na nga lang kung ako ang trip nya, ang intindihin mo, male-late ka na! Oh no! Six mins. na lang. Shemay! I'm DEAD!" 
Taranta kong sabi .

Aktong aalis na sana ako para bumyahe na nang biglang...

May kumalabog at bumagsak sa kalsada. 

Pagtingin ko.

"Oh my gulay! Lola juice colored." Laking gulat ko nang bumagsak ang isang matanda. 

Dali-dali kong tinakbo ang pwesto kung nasaan ito nakahandusay ngayon.

Pinatong ko ang ulo ng matanda sa aking lap.

"Hala anong gagawin ko? TULONG! TULONG! Tulungan nyo po kami!" paghingi ko ng saklolo sa mga kapitbahay.

Ilang minuto pa'y may mga yabag akong narinig mula sa aking likuran. Mukhang may paparating. 

"Mahabagin! Anong nangyari diyan anak?"

"Mi mahabang chika, pasuyo naman po ng tubig. Salamat." sabi ko kay mommy.

"Oh sige! Kukuha lang ako."

At nang makabalik ito. 

"Oh ito na bunso." at inabot niya ang isang baso ng tubig sa'kin.

"Lola! Gising na po ! Male-late na'ko." Pagsusumamo ko rito sabay tap ng mahina sa kaniyang pisngi.

Tinapat ko ang pisngi ko malapit sa ilong ni lola para i-check kung may mararamdaman akong hangin mula sa ilong niya.

"Breathing, check. Lola, wake-up na po kayo, patay na ang beauty ko nito sa teacher ko." sambit ko. 

Makalipas ang walong minutong pagtapik at pagpapaypay dito ay gumalaw ng bahagya si lola at unti-unti itong nagmulat ng mata.

"Ah, s-sino ka? Anong nangyari? Bakit ako nandito?" walang prenong tanong ng matanda sa'min ni mi.

"Ikumi Yasuhiro po ang pangalan ko. Siya naman po ang aking mommy Evanna. Nahimatay po kayo rito sa kalsada lola. May sakit po ba kayo? Kamusta po ang pakiramdam mo? Heto po tubig, uminom po muna kayo." Pagpapaliwanag ko sa kaniya at inalalayang uminom ang matanda.

"Ah gano'n ba? Oo, ayos na 'ko iha. Naku pasensya na sa abala, 'di ko kinaya ang init ng panahon. Maraming salamat ineng. Napakabuti mong bata. Ako nga pala si Ophelia Snow." wika at pagpapakilala sa'kin ng matanda.

Tinulungan ko itong makatayo.

"Kaya n'yo na po ba talaga lola? San po ba kayo nakatira? Ihahatid ko na po kayo!" pagmamalasakit ko.

"Naku wag na ineng ang laking abala ko na sa inyo, nakakahiya. Isa pa diyan lang naman sa malapit ang bahay ko." paliwanag ni lola.

"Sigurado po kayo?" paninigurado ko.

"Oo iha, salamat." sabi ni lola Ophelia habang nakangiti. 

"O anak, ikaw na muna ang bahala kay lola. Mauna na 'ko sa loob at hinihintay na ko ng mga gawaing-bahay na naka-tengga sa'kin." nakangiting paalam sa akin ni mommy sabay tapik ng kanang balikat ko. 

"Yes mom," maagap kong turan dito. Maya-maya lamang ay tumalikod na ito at nagsimula nang lumakad papalayo sa amin. 

***

"Oh siya, mauna na po ako lola. Hehe medyo late na po ako sa school. Mag-ingat na po kayo sa susunod. Bye po!" Paalam ko.

"Sandali iha!"

"Bakit po?" takang tanong ko rito.

"Dahil sa kabutihan mo, sayo na 'to." Sabay abot ng pen at inilagay ito sa palad ko.

"Ano 'to lola?" manghang tanong ko.

"Akala ko pa naman malinaw ang mata mo ineng, hindi pala. Pen ang tawag d'yan." saad ni lola Ophelia.

"Alam ko po pen ito at malinaw po ang mata ko. What I mean is para saan po ito? Bakit n'yo po ako binigyan?"

"Ah! yun ba? my gift for you iha. It's my way of expressing my gratitude for your kindness." wika ni lola. Ang taray ni lola, english.

"May pen na po ako lola Ophelia." Sabi ko.

"Naiiba 'yang pen na 'yan iha, tanging ako lang ang meron n'yan!" Pagbibida pa sa'kin ng matanda.

At dahil sa sinabi niya'y natawa ako ng bahagya.

"Anong naiiba dito? Bukod sa gintong kulay nito e mukhang ordinaryong pen lang naman po ito." Puna ko habang sinisiyasat ng mabuti ang pen.

"Mahiwagang pen yan. Lahat ng iguhit mo magkakatotoo!" paliwanag ng matanda.

"WEH? Haha. Si lola talaga, umagang- umaga nagpapatawa. La, tigilan n'yo na po ang paggamit, hindi po 'yan makakabuti sa kalusugan niyo." Sabi ko na lang. Ang high ng imagination ni lola e. 'Di ko kinakaya. 

PAK!

Pinalo ako sa ulo ni lola ng dala nyang pamaypay.

"ARAY naman lola, masakit!" reklamo ko.

"Pilyang bata 'to! Totoo lahat ng sinasabi ko." paglilinaw ng ale.

"Parang ang hirap naman po talaga kasing paniwalaan e." pagtatanggol ko sa sarili ko.

PAK!

"Aray ko naman lola, masakit! Pangalawa na po 'yan ah." Paiyak na'ko.

"Hindi ako nagbibiro. Subukan mo muna para makita mo na totoo ang lahat ng sinasabi ko."

"Opo!" pagsuko ko.

Maya-maya lang...

Biglang lumiwanag at nagningning si lola.

AHAnong nangyayari sa inyo lola? Bakit ang liwanag nyo? Sinusundo na ba kayo sa Itaas? Naku 'wag naman. Ayokong masaksihan!" sigaw ko.

Sa sobrang liwanag, hindi ko maidilat ang aking mata. Naitakip ko ang dalawa kong braso sa'king mukha.

Pagkawala ng liwanag, unti-unti kong minulat ang aking mata.

At nagulat ako sa'king nakita...

"Hala! Sino naman 'tong kaharap kong kumikinang na magandang dalaga?" pagtataka ko.

Teka, nasan na si lola? Lola? Lola? Ang bilis namang nawala no'n.

"Ah ate, nakita n'yo po ba 'yong kasama kong matanda rito kanina? Nandito lang po 'yon e. Lola nasa'n ka na po?" pagtatanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon.

"'Di mo ba ako nakikilala Ikumi?"

"Hindi po kita kilala ate. Ngayon ko nga lang po kayo nakita rito. Sino ka po ba? Bakit po ang liwanag n'yo, parang may ilaw? Tsaka pa'no n'yo po nalaman ang pangalan ko?" taka kong tanong sabay iling sa kaniya.

"Ako ito iha!"

"Sinong ikaw po?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko at pilit kong inaalala ang kaniyanh mukha.

At muli ay may dumapong pamaypay sa ulo ko. 

"Aray! Bakit lahat na lang kayo nananakit? Huh? Teka wag mong sabihing ikaw at si lola? Wait. Totoo ba 'to? Sabihin mong panaginip lang 'to? OMG!" Nanlaki ang mata ko at gulat na gulat kong tugon sa babaeng kaharap ko. At naitakip ko ang aking kamay sa'king bibig sa labis na pagkabigla. 

"Tama ka sa'yong iniisip iha. Ako nga ito. Ang matandang tinulungan mo kanina. Walang iba kundi si Ophelia Snow." masayang wika ng dalaga.

"Pero p-paano pong nangya-yari 'yon? Ano 'yon Magic? Sabihin n'yo nga po, nababaliw na ba ako?" utal at nagulumihanang tanong ko.

Author's Note:
Please vote. Thanky. :)

Continue Reading

You'll Also Like

161K 5.2K 62
Long ago, magics are kept and protected. But the desire for strength and power ruined the world of magics. Prometrios aspires to be the most powerful...
6.2K 391 35
A girl, named Auli'i Fryxell lived in a town normally, yet she and her family is the one who is not normal. They used to hide what's weird on them so...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
96K 3K 49
A girl named Mifuyu who has been reborn. In those countless time she reborn, this time the headmaster of Kurai Clan takes an action. They recruited D...