✓DOORWAY TO MAGIC WORLD

By IceOnMyEyes

79.5K 4K 345

Do you believe in magic? Well, Selestine Dennise Amores living peacefully with her mother and brother. In the... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Important mysterious author's note
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Not An Update
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Last Author's Note
Book2: The Strongest Guild
Her Prison Heart self-published under BSP Publishing
Announcement
Announcement again!
Important Announcement

Chapter 15

1.5K 85 6
By IceOnMyEyes

Alliexynne's POV.

"Guys, magsisimula na ‘yong second mission na 'tin ngayong gabi kaya lang si Seles. . ." Nasilayan ko sa kulay purple na mata ni Kendrix ang pag-aalala para sa aming kasamahan. Kaya pati ako ay nakaramdam na rin ng lungkot sa kanyang pinahayag.

Bumuntong hininga ako ng malalim. “Siguro tayo na lang muna ang gumawa ng mission na ito. Hayaan na lang muna na ‘tin siya."

"Siguro nga. Hayaan muna na 'tin siyang mapag-isa." Isang malungkot na ngiti ang iginawad sa amin ni Brynna. "Sana naman pagkatapos na 'tin sa mission na ito ay mapatawad na tayo ni Seles,” dugtong pa ni Brynna.

Nahagip ng mata ko ang direksyon ni Kurt. Tulala lang siya sa isang tabi na tila malalim ang iniisip.

"Don't worry. Mapapatawad din tayo ni Seles. I swear." Ngumiti ng malawak sa amin si Horin na nagpangiti sa aming lahat.

Bumuntong hininga si Kurt at saka tumayo mula sa kanyang inuupuan. "Tara na. Simulan na na 'tin ang mission.”

Tumayo na kaming lahat at pinikit ang aming mga mata katulad ng dati. Nandito na nga pala kami sa klase ni Sir Andrew. Dito namin napapatunayan na isa talaga kaming Knight Raid dahil sa mga pinapagawa sa amin ni Sir Andrew.

"Alliexy? Aalis na tayo."

Napalingon ako sa direksyon ni Horin dahil sa kanyang winika. Nahihiya akong tumango sa kanya. "Ah. . . oo, sorry."

Bumuntong hininga ulit ako ng malalim. Bigla ko kasing naalala yung scene katulad dati. Noong bigla nalang dumating si Seles. Bigla kong naisip na baka makahabol pa siya.

Pinikit ko na ang aking mga mata at nagteleport kasama sila. Pangalawang kakayahan kasi ng isang hair magic user ang makapagteleport sa isang lugar.

Katulad ng dati, pagbukas ng aming mata, ginamit ko ang aking flute para humaba ang aking buhok at saka iyon ipinulupot sa paa namin ng mga kasama ko. When they open their eyes, nasa himpapawid na sila katulad dati at sa baba namin ang aming mga kaaway.

Tama kayo ng pagkakabasa. Marami nga ang papatayin namin ngayon. Pito silang lahat at ang dahilan kung bakit namin sila papatayin ay dahil malaki ang ginawa nilang pinsala sa Magic World. Hindi ako sigurado, pero may isa sa kanila ang may kakayahang kumontrol ng isang tao, bagay, o hayop. Mayroon sa kanilang manipulator magic user. Tsk.

Sigurado akong mahihirapan kami sa kanila dahil ngayon pa lang nararamdaman ko na mula sa kinatatayuan ko kung gaano kalakas ang aura na mayroon sila. Isa pa, pito silang lahat at sa ngayon lima lang kami. Nakasuot sila ng isang jocket na may hood. Kaya hindi rin namin matukoy kung babae ba sila o lalake. May suot din silang eye patch at mask na black.

"Kumusta Knight Raid? Nandito ba kayo para sa amin? Ang saya naman kung gano'n nga." Hindi namin matukoy kung anong expression ang pinapakita ng isa sa kanila na nagsalita dahil natatakpan nga ang kanilang mukha.

Hindi namin matukoy kung babae ba sila o lalake dahil sa palagay ko ay gumagamit sila ng voice changer. Isa sa kanila ang may kapangyarihang Guns magic. Ang Guns magic ay may kakayang makapagsummon ng iba't-ibang klase ng baril. Hindi pang ordinaryo ang mga baril na ginagamit nito dahil tuwing maglalabas ito ng bala mula sa baril, naglalabas din ito ng silver light na maaaring makatunaw unti-onti sa katawan ng taong matamaan nito. 'Silver deadly light guns' ang tawag nila dito.

Samantala, nagulat kaming lahat sa biglang pangyayari. Mabilis na kumilos ang kalaban at mabilis itong dumaan sa harapan ni Kurt. Hindi nakagalaw si Kurt agad dahil sa pangyayari. Tila may ibunulong ito kay Kurt na nagpatigil sandali kay Kurt. Biglang nagbago ang expression ni Kurt. Ang kaninang walang ganang mukha ni Kurt ay napalitan ng galit na galit na mukha. Nilabas ni Kurt ang kadena niya at sinugod 'yong isang kalaban na binulungan siya kanina.

Hmm. . . ano ba ang nangyayari? Bakit biglang nag-iba ang mood ni Kurt? Dahil sa curiosity ko, kinausap ko si Kurt sa pamamagitan ng aming isipan.

'Kurt, ayos ka lang ba? Ano bang sinabi niya sa 'yo?' Subalit hindi siya sumagot sa akin.

Umatake lang ng umatake si Kurt sa isang taong bumulong sa kanya kanina. Samantala, puro pag-iwas lang ang ginagawa nito sa kanya. Sumugod sa amin ang iba pang kalaban habang ang dalawang kalaban ay nakatayo lang at nanonood sa amin. Mabilis kong naiwasan ang unang pag-atake ng kalaban, gano'n din ang ginawa nina Brynna. Dinepensahan ko ang aking sarili sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. Pinatugtog ko ang aking flute at dahil dito ay agad na humaba ang aking buhok. With my deadly hair, ginawa ko itong pangsangga sa mga atake ng kalaban.

Napakunot ang noo ko ng may mapansin akong isang bagay.

'Brynna, Kendrix, at Horin. Sa tingin n’yo ano bang kapangyarihan ang mga gamit nila? Ngayon ko pa lang nakita ang istilo ng kanilang pakikipaglaban.'

Hindi ko na maiwasang kausapin ang mga kasama ko tungkol dito. Masama na ang aking kutob sa mga nangyayari.

'Tama ka, pero base sa isang mata na nakikita na ‘tin ngayon sa kanila. . .' Naunang sumagot sa akin si Brynna.

'Brown. . . pink. . . red. . . orange. . . silver... black at. . .’ Hindi natapos ni Kendrix ang kanyang sasabihin nang bigla ulit siyang sugurin ng kanyang kalaban.

Habang nakikipaglaban naman ako sa kalaban ko ngayon, inalala ko ang mga kapangyarihan ng mga eyes colors na binanggit ni Kendrix. Brown, bracelet magic. Pink, earing magic. Red, ring magic. Orange, fingernail magic. Silver, guns magic. Black, manipulator magic.

Hindi pa namin alam kung anong kapangyarihan ng isa pa naming kalaban. Bukod sa ang mga kapangyarihan nila ay maaring pumantay sa amin o mas malakas, pito silang lahat at lima lang kami ngayon. Ano ng gagawin namin ngayon?

"Aaahh!"

Natigilan ako nang makitang naputol ang katana ni Brynna dahil sa palad lang ng kalaban niya at dahil doon natumba si Brynna at napaupo nalang sa lupa.

"Tsk. . . Tsk. . ." Magkasabay na napailing sina Ken at Horin.

Sobrang bilis kasi ng galaw ng kalaban nila kaya dahil doon, hindi malaman ni Horin kung paano niya didipensahan ang sarili laban sa pag-atake ng kalaban. Si Ken naman ay hindi malaman kung saang banda aatake dahil halos hindi na niya masilayan ang kalaban dahil sa bilis ng galaw nito. Sumakit ang ulo ko at nawala sa konsentrasyon sa pagtugtog ng flute dahil unti-onting pinuputol ng kalaban ang buhok ko.

Patay na. Heto na ba ang katapusan namin? I never encounter this situation before.

Napahiga kaming lahat ng biglang may sumabog. Siguro hindi 'yon galing sa kalaban dahil pati sila ay napahiga rin sa lupa. Nang mawala ang usok galing sa pagsabog ay bahagya akong napangiti dahil sa aking nakita.

Now, we are even.

"Sorry sa paghihintay. May importanteng bagay pa kasi akong tinapos." Seles give us an apologetic smile.

May dala-dala siyang baton na gold. Ang suot naman niya ay palda at t-shirt na gold at white habang ang buhok naman niya ay nakatali katulad ng tali ng isang prinsesa tapos nakasuot na rin sa ulo niya ang gold crown.

Sa wakas dumating din siya, kasama niya pa si Sir Andrew na naka-fight attire rin together with his weapon.

Salamat naman at ayos na si Seles.

Continue Reading

You'll Also Like

32.7K 2.4K 15
Ngayong nalaman na nila ang kanyang tinatagong pagkatao. Ano kaya ang susunod na mangyayari?Mananatili ba siya at kakaharapin ang mga to?O aalis dahi...
20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
37.9K 1.5K 45
Major Editing | COMPLETE | Started:September 17,2020 End : January 23,2021 Rank#9 in apocalypse
122K 3.8K 50
FEROCIOUS The exhibiting or given to extreme fierceness and unrestrained violence and brutality. Kung malapit na ang katapusan ng sangkatauhan, mamam...