Hay.
Ang sarap talagang matulog sa loob ng jeep.
Lalo na at malamig ang panahon at sinaktuhan ng traffic.
" Uy, Em. Mukhang inaantok ka pa ata?" tanong ni Eric na nasa tabi ko.
" AH, oo nga ee. sarap kasi ng tulog ko kagabi." sagot ko naman.
" Hmmm... Dahil ba yan sa text ko sayo kagabi? Alam mo ang sarap sarap sarap at himbing himbing ng tulog kokagabi kasi nag-text ka sa akin. Samung beses ko binasa un. Memorize ko na nga ee.." sabi ni Eric.
" Ayan ka na naman eh. Nang-aasar ka na naman." tugon ko naman habang naka-ngiti.
" Hahaha. Sarap mo kasing asarin eh. Halik na nga. Matulog ka na sa braso ko at gigisingin na lang kita pag malapit na tayo."
" Huh?! W-wag na.Nakakahiya naman sayo eh."
" Sus. Nahiya ka pa. Hindi na uso ngayon yan Em! Kung may chance grab it na. Sige ka baka mawala pa at hindi na ulit maulit."
Kinuha ni Eric ang ulo ko at ipinatong niya sa braso niya.
Grabe!
Ang tigas talaga ng braso ni Eric.
Halatang pumupunta sa gym.
Naipikit ko na nga ang mga mata ko at maya-maya ay naramdaman ko ang dampi ng mga labi ni Eric sa buhok ko.
"Wag mo akong lalawayan Em. Okay?" bulong ni Eric sa buhok ko at iinaas na niya ang ulo niya.
Ginising na ako ni Eric dahil malapit na daw kami sa school.
Kainis.
Sarap na ulit ng tulog ko eh!
Thankfully ay hindi ko nalawayan si Eric.
Bumaba na kami at dumiretso na sa classroom.
" Good morning Em!" sabi ni Jane.
" MOrning Eric!" tili naman ni Jade.
Etong kambal talaga.
Lahat na lang pinag-iintirisan.
" Morning din mga kambaletes!" sabi ni Eric.
" Good morning. San nga pala sina Josh at Nicole.?" tanong ko sa kambal/
Naunang sumagot si Jade.
" Si NIcole nasa CR. Nag-aayos ng sarili."
Sinundan ni Jane.
" Si Josh naman hindi namin alam kung san lupalop na naman ng campus napad-pad. Baka nga wala na naman siya sa campus eh. Inutusan ata ni Nicole."
" Ah. Ganun ba. "
" Hey! Andito na pala si Nicole, kasama si Val!?" gulat na sabi ni Eric.
At tama nga ang sinabi ni Eric dahil sa ikod ni Nicole ay naka-buntot si Val.
At mukhang hindi pa rin sila magka-bati.
" Uh, hi Nicole." bati ko.
" Hi Em." sagot naman ni Nicole.
Bad mood na nga to.
" Hi Emily!" sabi ni Val.
Napalingon ako sa kanya at nakitang kumakaway-kaway pa with matching smile.
" Hi. Val right?"
" Good! Kala ko naka-limutan mo na ung name ko!"
" Pano namin makakalimutan ung name mo eh halos minu-minuto mo binubiksan ung MALAKI mong bibig." sabi ni Nicole habang naka-tingin sa kuko niya na kaka-manicure lang kahapon.
" What did you say!" sigaw ni Val.
" Ay sorry. HIndi ka ba nakaka-intindi ng tagalog? Sige para sayo iinglisin ko." kalmadong sabi ni Nicole.
" Nang-iinsulto ka ba!" sigaw ulit ni Val.
" Ay hindi! Pinupuri pa nga kita eh."
" Hmph! Ingit ka lang sakin because I ain't chubby like you."
" Sinong chubby! At least ako hindi isang walking toothpick gaya mo!"
"WALKING TOOTHPICK!"
Tila sumabog na ata si Val dahil sa isang kisap ng mata ay hawak na niya ang buhok ni Nicole at nag-sabunutan na sila.
Ouch.
Eto namang mga kaklase ko ay tila nag-eenjoy pa ata.
Ung iba nag-pupustahan kung sino ang mananalo.
Ung ibang boys nang-boboso pa.
Pervs talaga.
At ang iba naman,gaya ko, ay takot maki-sali at baka madamay pa kami.
Buti na lang etong si Eric ay nandito.
Kahit bakla ay true gentleman at heart naman.
Tumayo si Eric at agad na pinuntahan ang dalawang nag-rarambulan na ngayon ay nasa harap na ng classroom.
Unang kinuha ni Eric si Val dahil nasa taas ito.
Kinuha niya ang kanyang collar at itinaas siya.
"Tumigil na nga kayong dalawa. Pag-kababae niyong tao pero kung kumilos kayo daig niyo pa ang mga beki't pusa. "
Tumigil sa pagpupumiglas etong si Val at si Nicole naman ay tumayo at pilit inayos ang sarili.
"Eh kasi naman siya eh!"sabi ni Val.
"Anong ako! Sino bang nauna sa tin ha!" sagot naman ni Nicole.
" Walang akong pake kung sino ang nauna sa inyo!"sigaw ni Eric.
Binaba niya si Val.
"Ikaw kahit laking America ka o kung san lupalop ka man ng mundo lumaki dapat marunong kang makisama."sabi niya kay Val.
"At ikaw naman Nicole control controlin mo yang sarili mo! HIndi ung pag may kaaway ka eh sasabak ka na agad. Para kang manok na pansabong. Daig mo pa ata eh."sabi naman niya kay Nicole.
Matapos sermonan ni Eric sina Nicole at Val ay umalis na eto at lumabas ng classroom.
Sakto naman na dumating na si Josh at nakita ang lagay at itsura ni Nicole.
Bilib na talaga ako kay Josh.
Sa tagal ng relasyon niya ay nakayanan niya si Nicole.
"Anong nangyari sayo babe?"tanong ni Josh kay Nicole.
"Wala lng toh. Halik ka na. Samahanmo na lang ako papuntang CR." sabi ni Nicole.
Umalis na si Nicole at Josh at naiwang mag-isa si Val sa harap.
Kahit mataray at mataas ang tingin ni Val sa sarili ay nakaka-awa pa rin siya.
Wala kasi si Trev kaya siya lang mag-isa.
Umupo na rin ang mga classmate namin na parang walang nangyari.
Tumayo ako at nilapitan si Val na ngayon ay naka-yuko na.
"Um, Val okay ka lang ba?"tanong ko sa kanya.
"Sa tingin mo ba okay lang ako." mmahinang sagot ni Val.
Tiningnan ko ang mukha niyaat nakitang umiiyak na pala siya.
Hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa Cr kasi tiyak na nandun si Nicole.
Baka magkaround three pa sila.
Hay.
No choice talaga.
Sorry Eric.
"Val, gusto mo tawagan na lang natin si Trev? Baka kasi gusto mo na umiwi."tanong ko sa kanya.
Tumungo lang si Val.
Lumabs na kami ng classroom at pumunta sa phone booth na nasa labas lang ng gate namin.
Buti na lang at may 5 mins pang natitira kaya naka-labas pa kami at mukhang naawa rin si kuya guard.
"Val, alam mo ba ung no. ni Trev?"
Kinuha ni Val ung phone niya at ipinakita sakin ang number ni Trev sa bahay.
Idinail ko na ang number at matapos ang ilang segundo ay may sumagot.
"Hello?"sabi nung tao sa phone.
Babae ata.
"Um, Hello. Andiyan po ba si Trev?"
"Saglit lng po mam. Tatawagin ko lang ho. Sino po sila?"
"Emily. Emily Madrigal. Paki sabe na lang po na importante eto."
"Okay po mam."
Saglit na tumahimik ang phone at maya-maya ay narinig ko na ang boses ni Trev.
"Hi Emily! Napatawag ka ata?"sabi ni Trev.
"Uh, oo. Andito kasi si Val. Masama at paki-ramdam. Tanong ko lang kung sino ang pwedeng sumundo sa kanya."
"Si Val? Sige, sige. Ako na lang susundo tutal paalis na rin ako ee."
"Sige. Salamat Trev."
"No prob. Bye Emily"
"Bye"
Ibinaba ko na ang phone at nag-hintay kami shed.
"Thank you"mahinang sabi ni Val.
"Um, welcome. Pasensya ka na kay Nicole ha. Mainitin talaga ulo nun."
Tumahimik ulit si Val.
"Totoo bang bakla si Eric?"biglang tanong ni Val.
"Ah, sa kasamaang palad,oo."
"Hmm. Pero may gusto ka ba sakanya?"
"Huh?! Wala noh! Bast friend ko lang talaga siya"
"So okay lang sayo kung aagawin ko siya?"
Seryoso ba siya!
"Haha. Oo seryoso ako. Ramdam ko kasi na hindi pa talaga siya bakla. Malay mo lang naman. Besides ang hot niya at gentleman not to mention niririspeto niya kaming mga girls. What coud you ask for a boyfriend pa! Mukha rin naman siyang loyal eh. Sayang naman ung chance. "
Chance.
Nakaka-bilib din pala etong si Val.
Hindi madaling sumuko gaya ko.
"Uhm, siguro nga."
"Oh, andiyan na pala si Trev. Sige una na ako. Thank you ulit sa help mo! And oh, prepare yourself Emily Madrigal dahil aagawin ko ang best friend mong bakla ;)" sabi ni Val at sumakay na sa kotse ni Trev.
Binuksan ni Trev ang bintana at kumaway sakin.
Ako naman nag-wave na parang robot.
Nag-madali na akong pumunta nang classroom dahil siguradong late na ako.
At sa aking pag-alis isip-isip ko pa rin ang sinabi ni Val.