Existence Of A Peculiar Lady

By purpleprose14

536 58 42

Highest rank: #71 IN SCIENCE FICTION Naranasan mo na bang magamit? Yung tipong hahanapin ka ng lahat kasi kai... More

Existence Of A Peculiar Lady
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 1

118 9 8
By purpleprose14

A/N: please enjoy the first chapter because I enjoyed writing it.

MORGIANA'S EXISTENCE

Morgiana

Naglalakad ako papunta sa paaralan kong nagngangalang High Angel Academy. Kita ko nanaman ang nangungutyang tingin ng mga tao sa paligid ko. Nang-aakusa ang kanilang tingin na tila ba wala na 'kong ginawang maganda sa buong buhay ko.

Malaki ang bahay na tinutuluyan ko at kada linggo, may pumupunta na mayayamang tao sa bahay ko para i-check ang kalagayan ko. Pero katabi ng bahay ko ay mga normal na bahay lang kaya ganyan nalang siguro ang galit nila sakin.

Wala akong mga magulang kung yun ang iniisip niyo. Literally.

Tinignan ko ang mga tao sa paligid ko. Yung iba umiwas ng tingin, pero may isang matandang babae na nakatitig pa rin sa akin at naka-ngiwi. Tinignan ko naman siya ng matalim.

Unti unti akong lumapit sakaniya.

"Ba't ka naka-tingin?" tanong ko sa matanda.

"Aba kita mo tong batang to, bastos! Palibhasa lumaking mayaman! Naku, kung ganyan ang anak ko, hindi na nakatagal ng buhay yun!" sabi ng matandang babae na tinanong ko kahit kaharap pa ako tapos lumayo na sa'kin. Narinig ko ang pagsang-ayon ng ilang mga tao.

Gusto ko sanang patulan kaso may nakita akong nagtitinda ng cotton candy kaya iniwan ko na sila dun at bumili na lang ng cotton candy.

Mga walang kwenta. Buti pala wala akong magulang.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang makarating ako sa eskwelahan ko. Senior high school na ako at pumapasok ako sa eskuwelahang 'to para sa isang bagay na kailangan kong kunin para sa mga taong naging mabait sa'kin.

Kumakain ako ng cotton candy nang napansin ko nanaman ang tingin ng mga tao sakin. Kinuha ko lahat ng natirang cotton candy tapos sinubo ko 'yon lahat, pagkatapos ay agad ko iyong nilunok.

"Grabe! Ang weird talaga ng babaeng yan!"

"Isubo ba naman yung pagkadami-dami ng cotton candy!" saad nito at sinabayan pa ng isang malakas na pagtawa.

"Ba't sila tumatawa? Madali naman talaga matunaw ang cotton candy ah."

"Kakaiba to, pre. Dat pala vinideo-han natin. Pfft!"

Nilapitan ko yung isang lalaki na malapit sa'kin at parang may balak ding magsalita at gatungan yung ilan sa mga narinig ko.

"Magsasalita ka rin?" tanong ko sakaniya.

"A-ang weird mo kasi eh.. Pfftt!" sabi niya kaya naman sinuntok ko siya sa mukha tapos napahiga siya. Tumama yung ulo niya sa bato.

Agad na nagreact ang mga naka-kita at kinuyog yung lalaking na knock-out ko.

Hindi ko na sila pinansin at nagdire-diretso sa classroom.

May mga kaklase din ako na pumasok kasunod ko at tinitignan nila ako ng masama.

Unti-unting nakumpleto ang mga tao sa loob ng classroom at may isang grupo ang tingin ng tingin sa'kin tapos bumubulong sa kasama pagkatapos ay tatawa sila.

Ba't kaya nila 'ko tinatawanan? Mas nakakatawa nga itsura nila eh.

Tumayo ako at lumapit sa grupong 'yon.

"Bakit kayo tumatawa?" tanong ko sakanila.

"Wala ka na dun!" sabi ng isang babae sakin. Naka-porma na ang kamay ko at handa na akong sumuntok nang biglang may yumakap sa'kin.

"Minaaaaaa!" tawag sakin ng isang lalaki. Otomatikong bumaba ang kamay ko nang maboses-an ko ang lalaking tumawag sakin.

"S-sorry, Aki..." sabi ko sakaniya at tumingin sa lapag.

May nasuntok nanaman kasi ako. Buti nga, dumating si Aki para pabalikin ako sa tamang pagiisip ko.

Mina ang tawag niya sakin dahil masyado daw mahaba ang Morgiana. Ayaw niya ng Morg o kaya Ana kaya Mina nalang daw.

Ngumiti siya na parang aso tapos ay ang pag-pat niya sa ulo ko.

"Ilan na, Mina?"

"I-isa lang..."

Lalo siyang napa-ngiti.

"Anong ginawa mo sakaniya?"

"Sinuntok, Aki..." sabi ko habang naka-tingin pa rin sa lapag.

"Pero... Tumama ata yung ulo ng ulupong sa bato eh." dagdag ko.

Napa-tawa siya. Nung tinanong niya ko kung ilan na, he's pertaining to the people that I hurt.

"Lagot ka nanaman, Mina. You must learn how to control yourself." sabi ni Aki tapos pumunta na sa upuan ko.

Dahan-dahan akong tumango. Alam ko naman 'yon. Binibigyan ko na nga sila ng chance eh. Bago ko sila suntukin, tatanungin ko muna sila pero pag di pa rin maayos, do'n ako susugod.

"Bakit ka nandito, Aki?" tanong ko sakaniya. Hindi naman na siya nag-aaral. Nagtatrabaho nalang siya para sa Agency na pinapasukan ko rin.

Masyado siyang matalino kaya siya na-accelerate, dahil dun, hindi na niya kailangan pang magpakahirap mag-aral.

Sa totoo lang, hindi mahirap mag-aral. Mahirap makisama sa mga mag-aaral.

Ngumisi si Aki sakin.

"Baka raw kasi maubos mo ang tao dito sa High Angel Academy." saad niya tapos dinugtungan niya 'yon ng mapang-asar na tawa.

Nanahimik na ako pagkatapos nun. Dumating na ang magtuturo at mabilis na lumipas ang oras.

Palabas na sana kami ni Aki nang biglang tumunog ang speaker.

"Miss Morgiana! Please come to the principal's office immediately. Once again, Miss Morgiana, please come to the principal's office immediately."

Ayan na nga ba ang sinasabi ko.

Lumingon si Aki sa gawi ko.

"Punta na, Mina. Andiyan naman si superman." tumawa nanaman siya.

Kilala ko ang tinutukoy niya kaya bahagya akong napa-ngiti bago tumalikod kay Aki pero naramdaman ko ang presensiya niya ulit sa likuran ko.

"Bakit?" tanong ko sakaniya.

"Anong oras kang natulog?" tanong niya.

"11 PM-7 AM." sagot ko sakaniya.

Narinig ko ang mahinang pagmura niya.

"2:50 na, Mina. Kailangan na kitang samahan. Sabi ko kasi sayo wag ka late matutulog eh." sermon niya sa'kin.

Naguguluhan na siguro kayo. Totoo 'yong mga sinabi ko kanina. Wala akong mga magulang. Ginawa lang ako ng mga scientists. Siguro nakuha nila ang katawan ko sa isang babaeng patay na. Hindi ko alam ang totoong kwento pero balita ko, nagka-mali sila kaya wala na kong maalala nang binuhay nila ako. Balak kasi nilang ibalik 'yong babaeng may ari ng katawan ko, pero dahil pumalpak sila, wala na 'kong maalala.

At dahil nga hindi ako tunay na tao, kinakailangan kong mag-recharge para gumana ang mga makinang naka-kabit sa katawan ko. Kung ilang oras akong natulog, ganun din ang itatagal ng katawan ko para mag-function.

Kaya tinanong ni Aki kung anong oras na akong natulog.

Nakadating kami sa tapat ng isang pinto na may nakalagay na principal's office. Bubuksan ko na sana ang pinto nang pigilan ako ni Aki.

Kumatok muna siya ng tatlong beses.

Agad namang nagbukas ang pinto.

Naunang pumasok si Aki kaya sumunod ako sa kaniya. Pagkapasok namin, may isang babae ang nasa gilid ng pinto at naka-yuko.

Anong problema niya? Masyadong magalang.

Nakita ko ang principal kaya agad akong nagtungo sa harapan niya tapos umupo.

Si Aki naman, ngumiti na para bang nanghihingi ng tawad.

Nginitian siya ng punongguro at sinenyasan siyang maupo.

"Goodafternoon sainyo. Kaano-ano ka ni Miss Morgiana?" tanong ng punongguro sakaniya.

"A-ah.. Pinsan ko po siya. Ako po si Aki." sabi ni Aki tapos ngumiti sa punongguro.

"Aki. Nabalitaan ko kasi na ang pinsan mo ay may nasuntok na lalaki. From that, mahihinuha na nating nararapat lang na mabigyan si Miss Morgiana ng kaparusahan. Hindi maganda ang kaniyang ginawa at ilang beses na itong naulit kaya naman hindi na namin siya maaari pang pagbigyan. Kailangan na niyang mabigyan ng sapat na kaparusahan. And we can only serve justice through removing her from High Angel Academy--" hindi pa man tapos ang principal sa pagsasalita, napatayo na 'ko para magprotesta.

"Hindi pwede. Hindi ako aalis di--"

Gusto ko pang ipaglaban ang kagustuhan ko. Hindi ako pwedeng umalis sa eskwelahang to hangga't hindi ko natatapos ang misyon ko pero katawan ko na mismo ang nag po-protesta. Unti-unti kong naramdaman ang aking panghihina kasabay ng unti-unting pagsara ng talukap ng mata ko.

Bago pa ito tuluyang magsara, lumingon ako kay Aki.

Aki, help. Please.

Aki

Nasalo ko siya nang tuluyan siyang mawalan ng ulirat.

Tumingin pa siya sakin na parang nanghihingi ng tulong. Babaeng to talaga. Gagawin lahat para sa mga taong tumulong sakaniya.

And yes, I'm willing to do it. Not for Mina, but for the agency.

"S-sorry ma'am. May sakit po kasi ang pinsan ko. Kailangan ko na po siyang i-uwi. For Mina-- I mean, Morgiana's case, I will contact her guardian and I will let them do the negotiations." sabi ko sa principal at nagpaalam na.

NANG makarating ako sa bahay ni Mina, agad kong inabot ang tablet ko sa bulsa ko. Yes, kasya ang tablet ko sa bulsa ko because the scientists from the agency invented this. May button lang na kailangang pindutin para lumabas yung screen.

Agad kong tinawagan ang taong lubos na nagpapahalaga kay Mina.

"Sir.. She did it again. And now, the principal wants to expel her from their school."

"I'm coming."

"Sir I don't think they'll change their mind after those things Mina did."

"They will. I will pay them billions if needed. I'll hang up now, Akirlyn. Take care of her."

Binaba na niya agad ang tawag. He's one of the most powerful scientist in the agency. He's the one who invented Morgiana and named her after his name, Morgan Dalton.

I don't know if he really cares for her or it's just because he can use her. But either way, I'll help sir Morgan. I'll help the agency.

Even if it will destroy Mina.

Tinignan ko si Mina. Naka-dilat na siya pero hindi siya maka-galaw. Talagang hindi siya gagalaw Aki kung wala kang gagawin, tanga naman.

Kaya tumayo ako at binuhat ko siya papunta sa isang capsule kung saan doon siya mag re-recharge.

Binuksan ko ang capsule at inilagay si Mina doon. May ilan din akong mga kagamitan na isinaksak sa mga makinang naka-kabit sakaniya bago siya nanginig at parang muling nagka-buhay.

Tumingin siya sa akin na parang nagtatanong kung anong nangyari.

Ngumiti ako sakaniya at itinaas ang thumb finger ko para sabihing ayos na.

"Aki, salamat."

If not for the agency, I'll not help you Mina. You should thank the agency.

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...