ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS

748 37 4
By angelodc035

Nagtataasan ang mga puno sa kagubatan ng Manuali. Mga puno na iba't-iba ang kulay at hugis ng mga dahon na nagbibigay ng sobrang kagandahan sa buong paligid. Mga nagtataasang mga talon na ang tubig nito ay bumabagsak sa napakalinis at napakalamig na tubig na kung saan nagtatampisaw ang mga isda at mga engkanto sa tubig.

Ang mga kabundukan ay punong-puno ng iba't-ibang mga buhay. Mula sa mga damuhan na nagbibigay pagkain sa mga hayop sa paligid. Mga naggagandahan at makukulay na mga bulaklak na tanging doon lamang ito matatagpuan. Ang mga baging na nakakapit sa mga katawan at sanga ng mga puno ay tila mga ahas na nililingkis ang kanyang biktima.

Sa gitna ng malawak na kagubatan ay matatanaw ang ilog na paliko-liko ang hugis na nagbibigay ng napakatabang lupa sa mga halamang tumutubo as paligid nito. At sa tuktok ng isang napakagandang burol ay matatanaw ang isang palasyo na malabughaw na kristal ang pagkakagawa dito. Ito ay ilang daang taon din itong matiyagang nililok ng mga pinakamagaling na manggagawang engkanto sa buong Elitheria na sakop ng Murcia. Mayroon itong tatlong nagtataasang tore at malawak na espasyo sa loob na kung saan madalas ginagawa ang mga pagtitipon ng mga makapangyarihang engkanto at diwata sa buong mundo.

Ito ang kaharian ng Elitheria. Matatagpuan ito sa gawing hilagang kanluran at isa sa pitong kaharian na bumubuo sa isla ng Murcia. Itinuturing itong may pinakamalaking lupaing nasasakupan sa buong Isla at pinakamayaman dahil sa minahan ng Alaber, ang enerhiyang nagbibigay ng lakas sa mga Manggagaway. Ang Elitheria rin ang ginagawang lugar bakasyunan ng Hari ng Murcia dahil sa magaganda nitong tanawin at napakalinaw na tubig-dagat. Ito rin ang lugar na may pinakamagandang klima sa lahat ng mga nasasakupang teritoryo sa Isla.

Ang Elitheria ay ang lugar kung saan isinilang si Anilaokan. Dito rin siya unang natuto ng kanyang kapangyarihan sa murang edad pa lamang. Dahil sa epidemyang kumalat noon ay namatay ang kanyang mga magulang at hindi na niya nakita pa ang nag-iisa niyang kapatid na lalake na tumutulong noon sa paghahanap ng lunas sa kumalat na sakit.

Pinasunog ng hari ng Murcia ang buong pamayanan ng Pagayon kung saan pinaniniwalaang nagsimula ang epidemya. Lahat ng mga tao roon ay pinagbawalang lumabas ng kani-kanilang mga bahay, kaya lahat ng mga taong naroroon ay namatay dahil sa sunog. Maliban kay Anilaokan na papauwi pa lamang ng mga sandaling iyon galing sa pangangaso kasama ang kanyang kaibigang si Kalaguan.

Nang makita nilang nasusunog ang kanilang mga tahanan at naroroon ang mga tauhan ng hari ay minabuti na muna ng magkaibigan na magtago sa masukal na kagubatan. Alam nila na sa oras na makita sila ng mga tauhan ng hari ay siguradong papatayin sila ng mga ito.

Takot na takot sina Anilaokan at Kalaguan sa kanilang pinagtataguan. Alam nilang wala na silang magagawa pa para matulungan ang kanilang mga mahal sa buhay. Kitang-kita rin nila ang mga nagkalat na bangkay ng mga diwata na ang tanging ginawa lamang nila ay ipagtanggol ang mga mamamayan ng Pagayon.

Pero lahat sila ay idinamay. Bata, matanda, lalake o babae, maysakit o wala lahat ay inalisan ng karapatang mabuhay.

Dinig na dinig nila ang mga sigawan at pagmamakaawa ng mga kababaihan para sa kaligtasan ng kanilang mga anak at sarili. Pero berdugo ang mga tauhan ng hari.

Yakap-yakap ni Kalaguan ang kanyang kaibigan habang umiiyak siya sa sinapit ng kanilang mga pamilya at mamamayan ng Pagayon. Hindi na matagalan pa ni Anilaokan ang kanyang mga nakikitang pagpapahirap sa kanilang mga mamamayan. Gamit ang kanyang kapangyarihan ay inatake niya ang dalawa sa mga mandirigma ng hari at sinubukang lusubin ang mga armadong sundalo ng palasyo.

Pero masyado pa siyang bata sa pakikidigma. Isang hampas lamang sa kamay ng sundalo ay tumilapon na siya sa mga damuhan at halos mawalan ng malay. Hindi na siya makakilos lalo na ng marinig niya ang boses ng sumisigaw na si Kalaguan.

Hindi niya nagawang tulungan ang pinakamamahal na kaibigan na tinangay ng mga sundalo ng palasyo wala siyang kaalam-alam kung ano na ang nangyari sa kaibigan pagkatapos ng pangyayaring iyon.

Naiwan si Anilaokan na hindi makalakad. Umiiyak siya sa nangyari sa kanya pati sa pamayanang kanyang kinalakihan. Umiiyak siya para sa kanyang mga magulang at kaibigang si Kalaguan. At umiiyak siya dahil wala siyang nagawa.

Pinilit niyang tumayo para hanguin ang mga magulang na kasama sa nasunog nilang bahay. Nasaan ang kanyang kapatid? Bakit hindi dumarating ang kanyang kapatid?

Pinilit niyang gumapang papunta sa kanilang pamayanan na kasalukuyan pa ring tinutupok ng apoy. Damang-dama niya ang masidhing galit at hindi niya namamalayan na unti-unting umaangat ang mga maliliit na bato sa kanyang paligid. Dumidilim ang paligid at lumalakas ang ihip ng hangin.

Doon siya natagpuan ng isang matangkad na lalake na nakasuot ng puting balabal at bughaw na kasuotan. Puti ang kulay ng buhok pati na rin angkanyang balbas at bigote. Ang nakamamangha sa kanya ay ang tila may lumalabas na puting liwanag sa kanyang katawan. Hindi sumasaid ang mga paa nito sa lupa at parang inililipad-lipad siya ng hangin.

Noong una ay natakot si Anilaokan sa kanya. Pero may kakaibang karisma ang lalake at lahat ng takot at sama ng loob ay tila nawala sa kanyang puso at kaagad niyang tinanggap ang kamay ng lalake ng iniabot niya ito sa kanya.

Siya si Bathala, ang makapangyarihang diyos na kumupkop kay Anilaokan mula sa pamayanan ng Pagayon sa kaharian ng Elitheria. Iyon ang simula ng pagiging sikat ng kaharian ng Elitheria sa lahat ng kaharian sa maliit na isla ng Murcia.

Napakaliit lamang na isla ang Murcia, ngunit dito nanggaling ang mga makapangyarihang diwata at engkanto na nagpabago hindi lamang sa mundo ng mga elemental pati na rin sa mundo ng mga mortal o ang tao. Binubuo ito ng pitong makapangyarihang kaharian sa gitna ng malalawak na mga karagatan.

Sa dulong hilaga ng Murcia ay ang Manuali na pinamumunuan ng isang engkantong hangin. Sarado sa lahat ang kahariang ito kaya walang nakakapasok na hindi taga-roon at hindi naman nakakalabas ang mga mamamayan nito para makapunta sa ibang mga kaharian.

Lumikha ng isang napakataas na konkretong pader sa pagitan ng Manuali at Elitheria ang mga manggagaway ng kanilang kaharian na binabantayan naman ng mga naglalakihang mga halimaw sa pinakataas ng pader. Ipinag-utos ito ng hari dahil ayaw niyang mahaluan ng ibang lahi ang mga mamamayan nito lalo na ang kanilang nakagisnang paniniwala at pananampalataya.

Tanging ang mga diyos at diyosa lamang ang puwedeng pumasok sa kaharian ng Manuali.

Isang mayamang kaharian naman ang Panganan na nasa silangang bahagi ng Murcia. Ito ang sentro ng kalakalan at Salamangka sa buong Isla dahil sa kanyang naggagandahang pantalan at pamilihang bayan. Napakaganda ng lokasyon ng Panganan dahil nakaharap ito sa mga iba pang mayayamang mga isla at kapuluan sa buong Banua.

Ang Banua ang tirahan ng mga engkanto, diwata, kasama na rin ang mga elemental at iba pang kakaibang nilalang sa Sunukluban. Dito pinaniwalaang bumuo ng sibilisasyon ang mga sinaunang imortal sa ikatlong mundo. Ito rin ang tinatawag na ikatlong daigdig na iilang mortal o tao pa lamang ang nakakapunta rito.

Mahirap ang daan patungo sa panganan dahil sa kabundukan ng Tili na dumaraan mula sa Elitheria hanggang sa pagitan ng Kaharian ng Alaya at Adlauan. Pinakamadaling ruta patungo sa Panganan ay ang pagsakay ng barko sa mga pantalan ng Adlauan.

Ang kaharian ng Alaya ay ang pinaniniwalaang pinagmulan ni Mariang Sinukuan at ng kapatid niyang si Aring Sinukuan. Isang kahariang nababalutan ng makakapal na kagubatan at mga iba't-ibang hayop na pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihan.

Sa kaharian ding ito matatagpuan ang Bantayog ni Bathala. Ito ang lugar kung saan puwedeng makausap ng personal ang diyos. Dito rin isinilang ang mga makakapangyarihang diwata na tagapangalaga ng mga kagubatan at mga kabundukan.

Ang kaharian ng Adlauan at Eudhoria ay hindi magkasundo lalo na't ang teritoryo ang pinag-uusapan. Ang mga mamamayan ng dalawang kahariang ito ay nabuhay sa ligalig at takot dahil na rin sa mahigit nang daang libong taon ng digmaan. Kahit namagitan na ang mga diyos at diyosa ay hindi pa rin nagkaroon kapayapaan sa pagitan ng dalawang kaharian kaya marami sa mga mamamayan nila ang lumisan na at tumungo sa mga karatig na kaharian ng Alaya at Paroba.

Masyado ng malalim ang pinagmulan ng hidwaan ng magkatabing kaharian kaya. Kanya-kanyang ideyolohiya na ang kanilang pinanghahawakan para isuko ng magkatunggaling kaharian ang kanilang laban.

Marami na ang namatay at marami na rin ang nagbuwis at isinakripisyo ang kanilang buhay. Kaya mas pinili na lamang ng mga diyos na huwag na munang makialam sa labanan ng dalawang kaharian.

Sa Timog-Silangang bahagi ng Murcia ay ang kaharian ng Paroba. Ang kaharian na hindi nadadantian ng sikat ng araw. Sa kahariang ito pinaniniwalaang nagmula ang mga magulang ni Anilaokan. Ang kaharian kung saan nagmula ang mga itim na diwata.

Sila ay pinangingilagan ng lahat ng mga mamamayan ng anim na kaharian. Itinuturing silang mga Outcast sa buong isla ng Murcia. Hindi sila puwedeng hawakan ng kahit nino man dahil sa sandaling madantian ang kanilang balat, kamatayan sa kalukuwa ng sino mang nahawakan.

Madalas ay iniiwasan at nilalayuan ng kahit sino dahil takot na madantian ng kanilang mga balat. Ito ang sumpa ni Bathala sa kanila ng dahil sa pagrerebelde ni Anilaokan.

Sakop ng Paroba ang isla ng Culiat. Ang isla na ipinagbabawal na puntahan ng kahit sino dahil ito ay isinumpa ng mga diyos at diyosa ng Banua. Wala na kahit sino ang gustong mapag-usapan ang tungkol sa nakaraan o kasaysayan ng isla ng Culiat o kahit mabanggit man lang ang pangalan nito. Sa isla rin ng Culiat pinaniniwalaang dumaraan ang mga espirito ng mga engkantong nabuhay sa kasamaan. Ito rin ang isla na kung saan naging lagusan ng mga isinumpang mga diwata patungo sa mundo ng mga tao, mga sinaunang mga Aswang tulad ni Anilaokan.

Ilan sa mga sinaunang Mortal na nakapasok sa Banua ay sina Khalil na naging Hari sa kaharian ng Elitheria. Si Jaro ang mortal na tumalo kay Anilaokan, at si Pedro Penduko na naging mandirigmang mortal na pinagkalooban ng kapangyarihan ng mga diwata para labanan ang mga sugo ng mga itim na diwata.

Ang kaharian ng Paroba ay nagbubunyi sa pagbabalik ni Anilaokan na matagal na nilang hinihintay na bumalik. Ipinagbubunyi rin nila ang pagkakasukol kay Bathala: ang diyos na naging dahilan ng kanilang paghihirap at sumpa ng pagiging mga halimaw.

Ngayon ay uunahin na nila ang paghihiganti ni Anilaokan sa kaharian ng Elitheria. Paghihigantihan nila ang mortal na hari ng Elitheria na naging dahilan ng pagkaubos ng mga mamamayan ng Pagayon, ang lugar kung saan isinilang si Anilaokan. Ang lugar kung saan sinunog ng buhay ang mga nakatira rito kasama ang mga magulang ni Anilaokan.

Kaharap ni Anilaokan si Banayo, ang hari sa kaharian ng Paroba. Kasama ang mga iilang opisyal ay pinag-uusapan nila ang planong pag-atake sa Elitheria at patayin si Haring Khalil. Kailangan nilang sakupin ang Elitheria para pagkuhanan ng Alaber, para gamitin sa mga salamangka ng mg manggagaway ng kaharian bilang bahagi ng kanilang kapangyarihan.

"Panginoong Anilaokan, mahirap ang pagpasok sa kaharian ng Elitheria. Bukod sa napakalayo nito ay lubhang malalakas ang kanilang mga sundalo at mga salamangkero. Bihasa na sila sa paggamit ng Alaber." Ang wika ng isang opisyal ng mga sundalo ni haring Banayo.

Marahang nag-iisip si Anilaokan sa narinig niya sa opisyal ng militar. Nakalimutan niyang inalisan sila ni Bathala ng kapangyarihan ang mga itim na diwata nang dahil sa kanya. Kaya nararapat lamang na humingi siya ng tulong kay diyosang Bulan para bigyan siya ng mga mandirigmang manggagaway at mga lamang-lupa tulad ng paglusob na ginawa ng mga ito para dukutin si Mariang Sinukuan.

Ang mga manggagaway ay may kakayahan ang mga ito sa pakikipagdigma lalo na't may mga kapangyarihan ang mga ito gamit ang itim na mahika na bigay sa kanila ng diyos na si Mangawen.

Kailangan na rin niyang gisingin si Mariang Sinukuan para gamitin ang Diwata sa kanyang mga plano lalo na't isa sa pinakamakapangyarihang diwata sa buong Banua si Mariang Sinukuan.

"Kung ganon, hayaan na ninyong ako ang gumawa ng plano para sa siguradong tagumpay ng ating lahi mga itim na diwata ng Murcia!" Ang malakas na sabi ni Anilaokan kasabay ng pagtawa nito ng malakas.

Continue Reading

You'll Also Like

37.5K 922 45
(SHINEYA BOOK 2. For further information and details, read first the FIRST BOOK!) The SEARCH is over. When the secrets are unleashed, she is revealed...
13.5K 782 65
In a world ruled by powerful gods, do you have the guts to play their games? Staying alive is the only rule to survive. Kailangang harapin na ni Odes...
26.3K 1.4K 55
Maligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal par...
115K 3.4K 29
Enter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you acc...