The School Player (Book 1 of...

Por indielunes

4.4M 57K 4.7K

Kathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She... Más

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Note

Ten

126K 1.7K 196
Por indielunes

Noong pagkauwi ko ay saktong nakauwi na si Kuya. Pagod na pagod ito pero niyaya pa akong manuod ng TV, Isang Chick flick ang pinanuod namin at kinuwento niya ang mga nangyari. Sinundo daw nila ang dalawang kaibigan ni Jules sa bulacan at dumeretso sa Fontana doon sa Pampanga. Isa iyong Beach Resort at sinabi niya na gusto niya daw akong kasama kapag bumalik siya doon kung sakali, Naexcite naman ako. Gusto ko ding magswimming pero malayo pa ang summer.

Kinaumagahan, Maaga akong nagising para ituloy yung pangatlong essay. Pagkatapos noon ay naligo na ako at naghanda para sa School, Nauna ulit si kuya kahit na sobrang pagod gawa ng pagpapractice sa Basketball. Hindi ko alam kung bakit hindi nasama doon si Daniel dahil kasama naman siya sa liga ng school, Dadaanan niya rin ako mamaya para sabay daw kaming pumasok.

Hindi nagtagal ay dumating na siya. Nagpaalam na ako kay mommy at nilagay sa bag ko yung laptop, Kung kakayanin magtytype ako sa loob ng kotse. Pagpasok ko sa shotgun seat ay ngumiti sakin si Daniel at lumapit para halikan ang aking pisngi, "Morning, Babe."

Hindi pa rin ako sanay, kaya nakayuko akong pumasok at tipid na ngumiti. "Morning.."

Napanguso naman ito at nagdrive na. "Unfair, Call me babe din. Iparamdam mo naman na totoo to kahit pag papanggap lang ang lahat." Malungkot niyang sabi.

Napalunok naman ako at dahan dahang nilabas yung laptop. Tama nga naman, Umagree ako sa deal na to kaya kung ano dapat ang gawin, gagawin ko. "Okay.. babe."

Sa sulok ng aking mata, Alam kong napalingon siya sakin at ngumiti. Binalik niya ang kanyang tingin sa daan at nagsimula ulit akong magtype sa laptop.

"May pinabibigay pala si Jules kaso naiwan ko, baka siya nalang magbigay. Hindi ko alam kung ano yon eh. Tinatanong ko pero ayaw sabihin." Sabi nito sakin. Ano naman kaya iyon? Hindi ako nakatanggap ng text sakanya simula pa kagabi, Naisip ko baka pagod lamang iyon.

Saglit lamang ang byahe dahil walang traffic, Nilagay ko na yung laptop noong naghahanap si Daniel kung saan ipapark ang kanyang kotse. Maraming estudyante sa napili niyang parking, Yung iba nga nakatingin na sa kanyang kotse. Tinted naman ito at hindi siguro malalaman na kasama niya ako sa loob.

Sana lang talaga wala si Ella.

Binuksan na ni Daniel ang kanyang pintuan, Huminga ako ng malalim at bubuksan na sana ang pintuan ng kotse ng naunahan niya ako. Dahan dahan akong bumaba at noong isinara niya na iyon ay pinalupot niya ang kanyang braso sa aking balikat. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking ulo at hinalikan ito.

Nagbulungan ang mga tao sa aming paligid, yung iba nakangiti kaming tignan at yung iba naman ay masama.

Mayroon kaming naririnig na bulungan na hindi maganda sa pandinig, Napapikit na lamang ako at tinago ang aking sarili malapit sa kanyang dibdib. At least I feel protected around him.

Napatigil kami sa paglalakad ng may babaeng nakatayo sa aming harap, Naalala ko siya, siya yung babaeng dinala noon ni Daniel sa kanilang bahay noong nauntog niya ako sa pinto. (dahil sa aking katangahan) Nakasimangot ito.

"Still not done with your flavor of the month, Daniel?" Nakangisi nitong sabi.

Napayuko naman ako, Feeling ko aagree si Daniel sakanya. Hindi ko alam, parang ayon ang posible eh. Napaangat ang tingin ko sa kanya at nakitang nakaigting ang kanyang mga panga.

"I won't be over her, Marianne. Shut up. Ikaw ang flavor of the month. Hindi ibig sabihin na nasaktan ko kayo eh sasaktan ko na siya. Iba siya sa inyo." Nilagpasan namin si Marianne na nakatunganga sa pwesto niya kanina. Napahinga ako ng malalim..

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Is it just for a show, too?

Mayroong Emergency meeting na nangyari kaya dumeretso kami sa Gymnasium, Halos lahat na ng estudyante ay naroon. Hinanap namin ang aming mga kaibigan at noong nakita ko si Julia ay agad ko itong nilapitan at niyakap. "Miss you!" Sabi ko sa kanya. Nakatingin naman si Julia sa likod ko at tinignan ang kanyang kapatid ng nakangiti.

"Sabay kayo?" Napa-Oo na lamang ako at siya ay ngumiti ng parang may kahulugan. May alam ba siya?

Sinabi lamang ang anunsyo tungkol sa padating na Intramurals namin. Pinagisip kami kung ano ang magiging tema ng aming party, Napagdesisyonan nilang costume party na lamang at nagopen narin ng mga ideya para sa mga booth. Inanunsyo na rin ang mga Sports na gagawin, nadagdagan dito ang table tennis at soccer dahil ito ang panibagong panlaban ng CBE.

Sinabi na rin samin ang papalapit na Midterms, Sinabi na nila ang araw at kung papaano ang panibagong paraan para makapagbayad ng tuition ng mabilis.

Nang matapos ang naging meeting sa Gym, Naunang umalis si Jules para kausapin ang coach nila sa Badminton. Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin si Daniel pero nawala ito. Saan kaya iyon pumunta? Hindi siya nagpaalam sakin. Baka pumunta sa Coach din niya sa Basketball.  Si Benj naman ay walang magawa kaya sakanya nalang ako sumama.

"Nasaan nga pala si Kelly?" tanong ko sakanya, Napairap lamang ito. "Ewan ko dun, Girl. Kaninang umaga ba naman eh tumakbo kaagad sa kabilang building. Meron daw hanash doon. Iniwan nalang ako ng ganon." Napairap dito at tumawa na lamang ako habang nakahawak sa kanyang braso.

Napatigil kami ng may lumapit saming Grade 7, sobrang liit niya pa. Naninibago ako kasi Grade 10 na kaming lahat. Nasanay ako sa mga halos kasing tangkad ko at kasing mature ng aking mukha. Inabutan niya ako ng Yellow na rose at humagikgik.

Napatili naman si Benj habang hinampas ang aking braso, Tinignan ko ang maliit na papel na nakapulupot sa tinik ng rosas.

Yellow Rose means Friendship. Thank you for being my friend despite of me being mean to you. I don't deserve you but I'm so thankful for being in my life.

Napakunot naman ang aking noo. Si Daniel ba ang nagbibigay ng mga ito?

"Ang Gandiz Everdeen mo namang gurl! Pak na pak!" Kilig na hampas sakin ni Benj. Natawa nalamang ako. Hindi kalayuan ay mayroon nanamang lumapit sakin at binigyan ako ng Pink na Rosas.

Pink Rose is the symbol of admiration. I adore you, Kath. I adore how kind-hearted you are, I adore your smile when you see something that makes you happy. I also adore when you're serious. God, I wanna kiss you when you're into something.

Namula ako roon, Hinugot ni Benj sakin yung papel at napasigaw pagkatapos niyang basahin ito. Tinignan ko ang dalawang rosas na nasa kamay ko, nang mayroon lumapit sakin na lalaking bata din, may hawak naman siyang White Roses.

White Rose, It means 'I'm thinking about you.' I always do, Baby.

Hinila naman ako ng isang babae paalis kay Benj dahilan kung bakit naasar ito, Natawa na lamang ako at hinila nila ako papunta sa rooftop. Inabot niya ang Isang Pulang Rosas sakin at ngumiti, Binasa ko iyon

I love you, baby.

Pagkaangat ko ng aking panginin ay nakita kong nakatayo si Daniel sa aking harapan at nakapamulsa. Maliwanan ang kanyang mga ngiti at hindi ko din napigilan ang aking pagkangiti.

Lumapit ako sa kanya. "Anong pakulo naman to?" Napataas ang kanyang kilay at napailing ako. "Anong pakulo nanaman to, Babe?" Sabi ko ulit. Tumawa naman siya.

"Sorry, Hindi lang talaga ako sanay na may tinatawag akong babe." Pagamin ko sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Tinignan ko muli ang mga rosas at ngumiti.

Hinila niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ang aking sentido.

"Bakit biglang ang sweet mo yata?" Natawa siya sa pagkasabi ko, Parang pataray kasi na mukhang nagtatampo. "Para malaman nila na akin ka."

"Sobrang sweet, Hindi ako sanay."

Napatingin ako sa pulang rosas na hawak ko at naalala ko kung ano ang sinabi niya roon. Totoo kaya iyon? Kinuha ko ito at ibinigay sakanya. "Do you mean it?" Tanong ko sakanya. Ngumuso naman siya. "Of course." Mahina niyang sagot at hinalikan ako sa pisngi.

Pero panggap lamang ang lahat, Hindi ba?

"Intramurals na, Magbabasketball ka diba? Ba't hindi ka nagpapractice?" Iniba ko ang usapan para naman mawala yung kaba ko. He mean it.. daw. I'm not convinced, This is all fake.

Hinawakan niya ang aking kamay at pinaglaruan iyon. "You're my motivation, babe. I'll win basta alam kong nanjan ka." Tumawa ito ng mahina, lumakas naman ang tibok ng aking puso.

Tahimik lang kami doon, Nagusap tungkol sa kung ano ano, Nakinig ng music at nalaman na mahilig siya sa old school rock, bagay na bagay sa kanya. Hanggang sa nag bell na at bumaba na kami para pumasok sa aming classroom.

Buong araw ay napaka ordinaryo lamang, Pinakita ko ang Draft ng aking essay sa aming Guro at binigyan niya kami ng mga tips. Napagdesisyunan narin namin ni Daniel na picturan na yung mga materials para mainsert na ito sa aming Essay.

Nang maguuwian na ay nakita kong tumatakbo papunta saamin si Benj at Kelly, Nasa likod din nito ang magkahawak na kamay na si Yen at Xander. Hingal na hingal ito at napatingin kaming dalawa sa kanila.

"Sa.. Sama kami." Hinahabol ni Benj ang kanyang hininga at tawang tawa na hinampas ni Kelly si Benj sa nakakatawa niyang mukha. "Sama kami girl! Ang Boring! Ang hirap niyo ng hagilapin dahil ang busy busy chenes nyo na." Napatingin naman ako kina Xander na natatawa din sa mukha ni Benj. "Movie Marathon lang tayo, Kath. G kayo?" Tanong ni Yen.

Mukhang wala namang mawawala kung isang movie lang ang panunuorin diba? Makakapagtrabaho naman kami ni Daniel kahit nanunuod kaya pumayag ako. Lumingon ako kay Daniel para malaman ang kanyang plano, Napakamot lamang ito ng ulo at hinawakan ang aking kamay. "Kung ano desisyon ni Kath, Doon ako."

Masaya namang sumakay sina Benj at Kelly sa likod ng Everest ni Daniel. Si Yen at Xander naman ay dala ang kanilang Civic at sumunod nalang samin. Ang Ingay ng dalawa sa likod at minsan ay nakikisali ako sa pinagkkwentuhan nila. Plano daw ni Kelly na magdebut sa Valkyrie dahil noong sinundo daw niya yung Ate niya roon ay marami siyang nakitang 'super-keri' daw ang itsura ayon kay Benj. Narinig ko na din about sa club na iyon at alam ko malapit yon sa pinapasukang international school dati ni Kuya Sam.

Nakarating na kami sa bahay nila at natuwa si Jules ng makita kaming lahat. Nauna na pala itong umuwi dahil hindi daw kami makita at naiwan niya ang kanyang cellphone sa bahay. Naghanda ito ng meryende at inopen yung TV para masimulan na ang movie marathon.

Una nilang pinanuod ay yung Now You See Me. Kilig na kilig naman kami sa kagwapuhan ni Dave Franco, Noong kinikilig ako ay kinurot ni Daniel ang aking tagiliran at masama akong tinignan. Natawa nalang ako.

Nang medyo na boring na ako, kinuha ko yung laptop para ituloy yung sinusulat kong essay. Sinend ni Daniel sa aking Messenger yung mga pictures na ilalagay ko sa Essay. Inayos ko iyon at nag proofread para ma correct yung maling grammar ko.

Hinilot naman ni Daniel ang aking likod noong sinabi kong sumasakit ito. Napangiti naman ako at sumandal sa kanya, pinalupot naman niya ang kanyang kamay sa aking tyan at hinalikan ang aking sentido.

"Pagod ka na?" Tanong niya, Umiling ako at napatingin sa kanilang kasambahay na tinawag si Julia.

Napakunot ang noo ni Julia at sinuot ang kanyang tsinelas, "Mam, Andyan po si Ken sa labas."

Tila nanlaki ang aking tenga ng marinig ko iyon, napatingin ako sa pinto at umalis sa pagkayakap ni Daniel sakin. Parang natatakot akong malaman niya... I don't know.

Pumasok na ito at tumingin sa aming lahat, Umiral nanaman ang kalandian ni Benj at lalo pa itong inasar ni Xander. Napatingin ulit ako kay Ken at napansing nakatitig ito sakin.

"Ken, What are you doing here?" Napayuko ako at nagtype nalamang ulit. Iritado si Julia na pinasunod si Ken sa kanya sa kusina.

May bitbit itong bulaklak at sumama kay Julia.

Narinig ko naman ang malalim na hinga ni Daniel at hinila muli ang aking baywang papalapit sa kanya, Hindi ko nalang namalayan na nakaupo na ako sa kanyang kandungan. Napakagat ako ng aking labi.

"Bakit ganon nalang ang reaksyon mo tuwing nanjan si Ken?" Mahina niyang bulong sakin.

Umiling ako, Hindi ko alam.. "Hindi lang ako sanay na may nakakakita satin." Hinalikan niya naman ang likod ng aking batok.

"Don't. I'm Jealous." Mahina niyang sabi at hinigpitan ang yakap niya sakin. "Baby, You're mine for a week. Mine. Lahat ng ikaw ay akin."

May kung anong paruparong nagwawala sa aking tyan. Namula ako sa kanyang sinabi, Hindi ko yata kakayanin ang ganito, parang feeling ko tuwing magbibitaw siya ng salita ay mahihimatay ako.

Ilang segundo ay bumalik si Jules at Ken, Tumingin ito ng huling beses sakin at lumabas na ng pinto. Inirapan ni Jules ang pintuan at umupo.

"Ano daw iyon, Jules?" tanong ni Yen. Napakamot nalang ng ulo si Jules at inis na tumingin sa TV. "Nanliligaw, Sabi ko may boyfriend na ako eh pero hindi daw titigil." Tumahimik siya ng ilang minuto at noong magsasalita sana si Kelly ay nagsalita si Julia. "Kinakamusta ka pala niya, Kath. Di daw niya alam na kayo na ni Daniel."

Napakunot naman ang aking noo. Ano naman pakialam niya? Naiinis ako sa kanya kasi hindi siya naging tunay na kaibigan sakin. Sabi niya thru thick and thin, nandyan siya. Pero bakit niya din ako iniwan?

Naramdaman kong inalis ako ni Daniel sa kanyang kandungan at nakakunot na noong lumapit sa laptop. Mukhang naiinis siya sa kanyang narinig. Isinawalang bahala ko lamang iyon at narinig na tumawa si Benj. "Akin nalang sya! Papabells talaga! Ang laki ng katawan ang yummy!"

Natawa na lamang kami. Mukhang nawala na yung tensyon at bumalik na ang lahat sa panonood. Nilipat na nila yung movie sa isang thriller, Narinig kong napatili si Yen at inaasar ni Xander.

Napabaling naman ako kay Daniel. Nakasimangot itong nagopen sa kanyang facebook, Nilapitan ko siya at nagulat ako sa ginawa kong paghalik sa kanyang pisngi. Napatingin ito sakin ng walang emosyon. "Hi." natatawa kong sabi. Hindi ako pinansin nito at niyakap ko siya likod, pinatong ko din ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Bakit ang sungit mo?" tanong ko sakanya. Hindi ito sumagot at nakatuon ang pansin sa pinapanuod niyang facebook video. "Babe." Malambing kong sabi, Hinigpitan ko ang aking yakap.

Narinig ko itong nagmura ng mahina at ihinarap ako sa kanya. Hinalikan niya ako ng mabilis sanhi ng pagkabilis ng pintig ng aking puso. "You're mine. Alright? Akin ka lang."

Seguir leyendo

También te gustarán

63.8K 988 37
Thanks to you. Dahil marami akong nalaman sa'yo. At isa na dun ang mahalin ka. - Kathryn || Si Kathryn, ay simpleng babaeng nag-aaral sa isang campus...
29.1K 2.1K 43
Daniel John Padilla, bestfriend ni Kathryn Bernardo sa mahabang panahon. Nakaramdan ng kaunting pag kagusto si Daniel para kay Kath. And ganun rin si...
104K 2.3K 89
Elite Series # 1 (Ashton) "I love you so much enough that I am willing to hurt." - Daniel Kyle Ashton *** WARNING!! A/N: Just want to remind you guys...
1.7M 23.2K 53
Wallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyai...
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas