Sa labas ng dug-out...
ARA: So ibig niyong sabihin ikaw *turo kay Ria* at si Mika eh nanliligaw ngayon kay Jessey? *medyo gulat*
RIA: *napatungo na lang*
ARA: Sabi ko na nga ba eh!
KIM: Bakit?
ARA: Tama yung hinala ko na talagang may gusto yang si Mika kay Jessey.
MELA: Bakit mo naman nasabi yun, FO?
ARA: Kasi nung nalaman ko nun na best friend pala ni Daks yang si Jessey, sabi ko ilakad naman niya ako. *medyo natatawa*Kasi nung una kong nakita yang si Jessey, crush ko na agad eh. *napatingin kay Ria* Oh, wag kang mag-alala wala na akong balak makisali pa. Anyway, so yun nga kinukulit ko siya na ilakad niya ako, aba nagalit sa akin. Sabi niya hindi daw pwedeng ligawan yung BF niya. So tinanong ko kung taken na tapos yun nga NBSB daw. Biniro ko pa nga eh, sabi ko baka ako talaga ang meant for Jessey, aba, mas lalong nagalit sa akin. Sabi ba naman sa akin na kilalang-kilala na niya daw ako kaya alam niyang hindi ako nararapat kay Jessey, paiiyakin ko lang daw si Jessey. Pati pa nga height ko nilait eh. Tapos bigla akong bumanat na, baka naman kasi may gusto siya kaya ayaw niyang ligawan ko, bigla siya nun napatahimik eh pero ayun inaway lang ulit ako. Hanggang sa naging friend ko na si Jessey kaya medyo na-awkward na ako na ligawan siya.
KIM: Aba di ko yan alam ah... Kayo ah nagsisikreto na kayo sa akin ni Mika ah.
Di nila namalayan na papalapit na pala sa kanila sila Mika at Jessey.
MIKA: Anong sikreto? *sabat nito*
Nagulat sila Kim, Mela, Ara at Ria.
ARA: Ah wala-wala... yung tungkol sa dati kong crush sa Ateneo... *pagpapalusot nito*
MIKA: Akala ko na-kwento mo yun kay Ate Kimmy? *pagtataka nito*
KIM: Hindi! Hindi ko alam yun, kayo ah nagsisikreto kayo sa akin. *pagsisinungaling nito*
MIKA: Sus! Wala naman yun... matagal na yun diba Daks?
ARA: Oo... oo... matagal na yun!
Napansin ni Mela na tahimik si Ria at Jessey. Nakita rin niya na malungkot na nakatingin si Ria kay Jessey habang si Jessey naman ay parang may malalim na iniisip.
MELA: Guys!!! Tara na! *bigla nitong singit*
Nagulat si Ria at Jessey at sila’y nagkatinginan.
ARA: Saan tayo pupunta?
MELA: Saan pa eh di i-cecelebrate ang birthday ni Jessey, duh????? Kaya nga kayo nandito diba para sa birthday niya.
ARA: Ay oo nga pala. Hehehe!
KIM: Saan ba tayo? *tingin kay Jessey*
JESSEY: *medyo seryoso* Ummmm... may resto na po akong na-reserve.
MIKA: Saang resto ba yun BF, para alam namin saan kami susunod?
JESSEY: Sabay na lang kayo sa bus, tutal kasama din naman kasi yung buong team eh.
KIM: Hindi ba nakakahiya??? *tanong nito*
MELA: Huwooooow!!!! At talagang ikaw ang nagtanong nun Kimmy... meron ka ba nun, ha?
ARA: Hard! *pang-aasar nito*
KIM: Ansakit naman nun My labs!
JESSEY: *medyo natatawa*Ok lang po yun, mabait naman sila coach eh.
MELA: Si Kimmy at Ara, baka pwede... pero yang si Mika. Naku ewan ko lang kung makalabas pa yan ng buhay. Hahahaha!! Joke lang! Tara na.. tara na, siguradong gutom na yung mga yun.
JESSEY: *bumulong kay Mika* BF samahan ko muna si Ria.
MIKA: Okay sige... *biglang smile ng kaunti*
Nauna ng lumakad papunta sa UST Bus sila Ara, Mika, Kim at Mela. Habang tumabi naman sa paglalakad si Jessey kay Ria at medyo nagpahuli sila.
JESSEY: *hinawakan niya ang kamay ni Ria* Baby Riri, bakit ang tahimik mo?
RIA: Napagod lang po siguro. *sabay ngiti*
JESSEY: Riri, alam ko kapag nagsisinungaling ka sa akin.
RIA: *napabuntong hininga* Gusto mo na siya noh?
JESSEY: *medyo nalungkot* Ria...
Huminto si Ria sa paglakad at bumitaw kay Jessey kung kaya nahinto din si Jessey at humarap kay Ria.
RIA: Ate Jessey, alam ko naman eh. Saka diba sabi ko naman kapag nahanap mo na yung taong magmamay-ari ng puso mo, sabihan mo lang ako. Kasi kahit masakit tatanggapin ko naman yun, saka ok lang kasi alam ko namang magiging masaya ka eh.
JESSEY: *hinawakan ang dalawang kamay ni Ria* I don’t wanna hurt you Riri...
RIA: Pero...
JESSEY: pero may nararamdaman na ako for Mika. *sabay yakap kay Ria* Pero ayaw kitang mawala. You’re my Baby Riri remember...
RIA: *yayakapin din si Jessey* Hindi naman ako mawawala eh. Kaya ba naman kitang tiisin, pero siguro i would really appreciate it if you would give me some time alone after this day. Iwas clingy moments muna tayo.
JESSEY: Huh? But why????
RIA: Ate Jess, kailangan ko lang mag-isip-isip syempre. Masakit kasi na kapag niyakap mo ako or bigyan mo man ako ng friendly kiss eh alam kong hanggang friendly moments na lang yun. Masakit mabasted ah! *medyo tumawa-tawa*
JESSEY: *medyo natatawa pero naiiyak din* Riri naman eh! Pero sige if makakatulong yun sa’yo para mabalik natin ang ating friendship the way it was before then sige papayag ako. Pero bukas na lang ha, birthday ko naman eh, pagbigyan mo na muna akong maging clingy Ate Jessey, ok?
RIA: Fine! Birthday mo eh... Basta bukas no hugs ah or kiss sa cheeks. Kahit kurot-kurot or panggigigil.
JESSEY: Ang hirap naman nun eh!!!!
RIA: Please Ate Jess, i just need to heal the wound here... *sabay hawak sa may part ng heart niya*
JESSEY: *medyo seryoso* Ok, i understand. Salamat ah for understanding. *sabay kumapit kay Ria at nagpatuloy na sila sa paglakad*
RIA: Alam mo naman Ate Jess eh, na ang priority ko eh yung makita kang happy, kahit na sa piling pa ng iba. But always remember andito pa rin ako parati para sa’yo.
JESSEY: Thanks Baby Riri... kapag nag-isip-isip ka na wag mo masyadong tagalan ah. Kasi ayaw ko masyadong mamiss ang Baby Sister ko... ok?
RIA: *medyo malungkot* Okay po... Tara na bilisan na po natin.
Lumakad na nga sila Ria at Jessey papuntang bus.. At dahil pag-akyat ng bus ay nakakapit pa rin si Jessey kay Ria ay inaasar tuloy sila ng iba niyang mga teammates...
DANS: Yiheeeee!! Ayan na ang JeRia oh!!!
MIA: Kinikilig akooooo!!!
Nagtitinginan lang sila Mela, Kim, Ara at Mika. Habang si Ria ay nakangiti lang.
PAM: Kim, diba bagay sila Jessey at Ria???
KIM: *hindi alam ang isasagot* Ah eh... hehehe! Pwede naman po... hehehe!
DANS: Ikaw, Mika... papasa ba itong bata namin para sa BF mo??
ARA, KIM & MELA: *pabulong* Patay!
MIKA: Ummmm.... *di alam ang isasagot*
JESSEY: *biglang singit sa usapan* Tama na nga yan! Kayo talaga... ang gugulo niyo, nakakahiya dun sa tatlong Lady Spikers oh...
CHLOE: Sus! Mahihiya ka pa ba diyan sa tatlong yan eh alam naman na nila kung gaano tayo kagulo, diba noh?? *tanong niya kina Mika, Ara at Kim*
ARA: Hehehe! Oo nga naman...
COACH O: Oi, sige na tama na yan. Jessey, Ria, umupo na kayo at ng maka-alis na tayo.
Umalis na nga sila ng Arena para makapunta sa resto kung saan sila magcecelebrate ng birthday ni Jessey. Nakaupo sa may bandang likod sila Mika, Mela, Kim at Ara. Habang ang mga Tigresses ay sa may harapan nila. Humiwalay si Ria kay Jessey para maupo sa harap kasama ang teammates niya habang si Jessey naman ay tumabi kay Mika.
DANS: Oh bakit naghiwalay ang JeRia???
CHLOE: Hindi pwedeng maghiwalay ang JeRia!!!! Noooooooooooooo!!
RIA: Grabe ka ate chloe. *medyo matamlay nitong sagot*
LOREN: Oo nga naman pagbigyan niyo na baka namiss lang ni Jessey ang kanyang BF.
CHLOE: Sabagay, sige na nga...
Tumigil na rin ang pang-aasar ng mga Tigresses kina Jessey at Ria kung kaya’t nakapag-usap naman sila Mika at Jessey.
MIKA: Nagkausap na kayo ni Ria?
JESSEY: Yup! *maikli nitong sagot*
MIKA: Anong nangyari...
JESSEY: Hay, BF pwede huwag na lang muna nating pag-usapan, birthday ko naman eh, pagbigyan mo muna ako. I just wanna enjoy the remaining hours of my birthday...
MIKA: Okay, i understand... *sabay umakbay kay Jessey at hinawakan ang kamay nito*
JESSEY: Thanks BF... *sabay sumandal kay Mika*
MIKA: Basta ikaw... sige na pahinga ka na muna. Mukhang medyo traffic eh. *at hinalikan si Jessey sa ulo*
Ang hindi alam nila Mika at Jessey ay nakuhaan sila ng litrato ni Chloe ng hinalikan ni Mika si Jessey sa ulo. Agad niya itong pinost.
@chlodiacortez: Oh no!!! Paano na ang #JeRia look @marivicmeneses! Tignan mo ang mag-BF @jesseydeleon @mikareyesss! Pic.twitter.com/yt672VGuL9
At ng sinabi ito ni Chloe sa iba pa niyang teammates ay lalo pa nilang ginatungan ang post na ito. Habang walang kamalay-malay sila Ria, Jessey at Mika na nagkakagulo na pala sa twitter world.
Pagdating nila sa resto ay nahuling bumaba sila Jessey at Mika dahil nakatulog si Jessey sa biyahe. Pagbaba nila ay nakita nilang andun si Ria.
JESSEY: Oh Ria, bakit hindi ka pa pumasok sa loob? *pagtataka ni Jessey*
RIA: May gusto lang po kasi akong sabihin kay Mika at gusto ko rin na marinig mo ang sasabihin ko sa kanya.
MIKA: Ano ba yun? *seryosong tanong nito*
RIA: *tumingin siya ng seryoso kay Mika* Alam ko ikaw ang napili ni Ate Jessey, pero ito lang talaga ang tatandaan mo kapag pinaiyak mo siya ako ang makakalaban mo. Siguro siga ka sa court pero ako, mas loko-loko sa labas ng court. Kaya kapag sinaktan mo siya, lagot ka talaga sa akin. Siguraduhin mo lang na aalagaan mo siya, kasi ako lagi lang din akong andito for her pero wag kang mag-alala i-respect Ate Jess’ decision kaya hindi ko kayo guguluhin. Pero once na masaktan siya dahil sa’yo, tignan lang natin kung bumalik pa siya sa’yo.
MIKA: *ngumiti lang* Huwag kang mag-alala! Never kong binalak na saktan si Jessey. Bago ko pa siya mahalin eh BF ko na siya kaya alam ko kung paano siya alagaan.
RIA: Sinisigurado ko lang. *seryoso nitong sagot*
JESSEY: O sige na, tama na yan... Nagugutom na ako eh. Tara na sa loob. *Hinawakan niya ang kamay nila Mika at Ria at hinila papasok sa resto*
Nauna nang umalis ang mga coach. Naiwan naman ang mga Tigresses kasama ang tatlong LS para sa dessert. Habang masayang kumakain at nagkwekwentuhan ay naisipan ni Mela na i-check ang kanyang twitter at nagulat siya sa mga nakita niya sa TL niya dahil sa pinost ni Chloe.
MELA: *naiinis* Chlooooeeee!!!! *natahimik ang lahat dahil napansin nila na naiinis si Mela*
CHLOE: *kinakabahan* Bakit?
MELA: Ano tong pinost mo sa twitter ha?
CHLOE: Ah eh... wala lang naman yan, biruan lang?
MELA: Biruan? Sigurado ka bang tinake as a joke yun nung mga fans ha??? *nagagalit na*
KIM: *pinapakalma si Mela* Kalma ka lang my labs, may ibang tao oh... Ano ba kasi yun?
MELA: Check niyo ang twitter...
Lahat sila ay nag-check ng twitter... Hindi inakala ng Tigresses na marami pa lang magrereact sa post ni Chloe... At karamihan ay mga negative tweets for Jessey...
@IaMmEem: @chlodiacortez grabe naman yang si @jesseydeleon, mukha lang mabait pero malandi!
@Hoppypup: @chlodiacortez Kala ko mag-BF lang yang si @jesseydeleon & @mikareyesss? Bakit sila ganyan? Saka diba may something na sila ni @marivicmeneses
@gendiskhan: @chlodiacortez malandi pala si @jesseydeleon!
@jhephot: @chlodiacortez di naman maganda yang si @jesseydeleon tapos anlakas maka-two time!
@hannypots: @chlodiacortez ewwww!!! Turn-off ako kay @jesseydeleon, sooo malandi! Di na nga magaling lumalandi pa!
@fanndomm: @chlodiacortez grabe! Paano na ang #JeRia kala ko pa naman dalagang pilipina yang si @jesseydeleon. Baka mamaya may iba pa yang nilalandi ah.
Tahimik lang si Jessey habang binabasa ang mga tweets. Karamihan talaga ng mga tweets ay tungkol sakanya. May iba na kinikilig at ang ibang mga JeRia fans ay nagagalit at ang iba nga ay naninira kay Jessey.
MELA: Nakita mo yung gulong ginawa mo ah?
CHLOE: *na-guiguilty* I’m really sorry...
MELA: Ano pang magagawa nun ha? Andiyan na eh oh...
JESSEY: *hinwakan ang balikat ni Mela* Tama na Mela. *tumingin kay Chloe* Huwag ka ng ma-guilty ah. Okay lang yun. Nasa tao nalang yun kung anung iisipin nila. *bigla siyang tumayo* Mauna na ako ah! Don’t worry order lang kayo, bahala na sila Mama dito magbayad. *Dali-dali siyang lumabas*
Nagulat ang lahat sa nangyari. Tatayo na si Ria para habulin si Jessey pero naunahan siya ni Mika. Kaya nanatili na lamang ito sa kanyang kinauupuan.
KIM: *bumulong kay Ria* Hayaan mo na muna sila.... *napatungo lang si Ria*
MELA: Kita mo Chloe... grabe yung gulong nagawa mo talaga...
LOREN: Mela, tama na...
CHLOE: *naiiyak* Hindi ko naman kasi alam na sobrang seseryosohin ng ibang tao yun eh. Eh diba syempre mag-BF lang naman talaga sila Jessey at Mika eh kaya para sa akin walang malisya yun. Tapos never din naman umamin na may something talaga sila Ria at Jessey.
DANS: Tama ka naman Chloe eh, yung mga tao kasi anlakas mag-assume... Akala mo alam nila lahat. Huwag ka ng umiyak...
MELA: Oh sige na, sorry na, sorry na! Naiintindihan naman kita eh. Pero sana may natutunan ka ngayon. Alam mo naman may ibang fans diyan na lahat ng ipost mo eh seseryosohin talaga nila. Kaya next time pag-isipan mo munang mabuti bago ka mag-post, ok?
CHLOE: Okay... *napayuko* Babawi nala ako kay Sticky... birthday pa naman niya... hay... :(
LOREN: Oh sige na, tama na... tara na... feeling ko nawalan na rin naman tayong lahat na kumain pa ng kumain... Umuwi na tayo at may pasok pa ang iba sa atin ng maaga, kagaya ko.
MELA: Oh sige, kausapin ko na lang yung manager. Sunod nalang kami nila Kimmy at Ara sa bus.
PAM: Ok sige... mauna na kami...
Nakipag-usap na nga sila sa manager para ayusin ang tungkol sa bill ng kinain nila at kagaya nga ng sinabi ni Jessey ay na-settle na yun ng mom ni Jessey kung kaya’t bumalik na sila sa bus para makauwi na. Pagdating nila ay wala si Mika o si Jessey dun. Tinanong niya ang kanyang mga teammates kung nakita nila ang dalawa pero wala talaga. Kaya naisip nila na baka nauna na nga itong umuwi. Kaya napagdesisyunan na nila na umuwi na. Hinatid na muna nila sila Ara at Kim sa dorm nila sa Taft dahil late na rin at saka naman umuwi ang mga Tigresses sa kanilang dorm.
----------------------------------------------
Kawawa naman si Jessey... huhuhu!!!
PS. huwag niyo ko awayin ah dun sa mga terms na ginamit ko bout Jessey... kailangan lang talaga... :)
----------------------------------------------