My Bestfriend is soon-to-be M...

By MissAngelHeart

395K 2.9K 201

Dahil sa maling akala ng Parents ni Chloe pinilit sila nito na magpakasal ng kanyang bestfriend na si Nathan... More

MBISTBMG?!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15.2
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 19.2
Chapter 20
Epilogue + Authors Note
Special: KenLine Moments ♥ (Part 1)
Special: KenLine Moments ♥ (Part 2)
Special: KenLine Moments ♥ (Part 3)
Special: KenLine Moments ♥ (Part 4)
Special: KenLine Moments ♥ (Last Part)

Chapter 18.2

9.1K 69 2
By MissAngelHeart

A/N: pasensya na walang 17.2 =) sa kadahilanang trip ko lang wag lagyan ng chapter 17.2 dahil ung update ko kasi after 2 years na..so ito na nahihirapan na ako kung anong mga pasabog ilalagay ko..joke! syempre di ko alam itatype ko dahil baguhan lang akong writer..at mabilis ako mag-isip kapag sa unang storya palang pero kapag ung magkakatuluyan chuva chuvarloo chuvaness wala na need ko na ng tutulong sakin..waaaahh!! lalo na sa ending...dont worry readers nag-iisip na ako ng magandang ending para sa storya na itey..hehe..

===================================================================

 CHAPTER 18.2

Chloe's POV

Grabe! gutom na ako..puro streetfoods nakikita ko dito..kung saan-saan din ako nakarating para mag-apply ng trabaho pero wala pa rin..hay..makakain nalang ng fishball at kwek-kwek at isang balot..sa una nakadama ako ng awkwardness pero isinantabi ko un dahil gutom na talaga ko..imagine! ito ang tanghalian ko..pero dati puro masasarap na pagkain nakakain ko hindi ganito..hay..pero ganoon talaga kaya kayo wag kayong lalayas kung ayaw nyo maghirap nako sinasabi ko sa inyo ang hirap ng buhay ngayon at hanggang sa huli sa magulang mo parin ikaw pupunta..

Parang gusto ko na bumalik sa kanila kaso baka di na nila ako tanggapin baka ikinakahiya na nila ako..pero diba lahat ng magulang naman di kayang tiisin ang sariling anak? Promise! Kapag nagkaroon ako ng lakas ng loob babalik na talaga ako..

Grabe! Kahit street food tong mga to ang sasarap parin. Teka parang may sasakyan sa likod ko ah?

"Chloe Nicole?" tawag ako? ako ba? O_________O "saan ang way mo? sumakay kana."

Kahit naman ganito ang kalagayan ko sa buhay nangingibabaw parin ang pride ko! Kaya umiling-iling nalang ako kay Nathan at naglakad palayo papunta sa mga sakayan ng bus. Sumakay na ako sa unang bus na huminto kahit di ko sigurado kung saan ito patungo pero mahalaga makalayo ako kay Nathan..

"God! Ano ba itong nangyayari? Sa lahat ng taong pwede kong makita bakit sya pa? Baka sa mga sandaling ito pinagtatawanan na niya ako..hmp! bahala nga siya sa buhay niya!" nabubuang na ata ako kinakausap ko sarili ko..

*****

Grabeng inet ng panahon ngayon..yuck! amoy araw na ako?! sige mag-inarte ka Chloe..ito ang napala ko dahil naglayas ako sa amin..kaya kayo wag kayong maglayas hanggat di pa kayo tapos ng pag-aaral dahil mahirap mamuhay ng mag-isa!

"nakakainis naman! ang hirap nitong trabahong napasukan ko. Kahit naman paano ay nakapag-aral ako, pero bakit ganito? Kung hindi lang talaga mauubos na ang pera ko hindi sana ako papayag maging promo girl ng mga hindi kilalang produkto na ito. hay!"

"Oops! Wag kang tatakbo!" nagbabala pa talaga habang pababa ng kotse tong Nathan na to! >____<

WTH!! para akong naestatwa dito ah..grabe nakita ako ng taong pinagmalakihan ko at tinakasan ko upang hindi maging asawa nakita niya ako bilang tagatinda ng kung anu-anong product na to!! =________=

"coincidence ba talaga to or talagang hinahanap mo ako?" sige chloe taray-tarayan mo lang siya.

"hinahanap kita..hindi na kasi ako natahimik magmula noong makita kita last year akala ko nga ay umalis ka na rito sa maynila dahil nahirapan ako sa paghahanap ko ulit saiyo."

After more than a year parang nasabik akong mayakap muli si Nathan...Malaki ang pinagbago nito, lalong gumawapo...

"nagui-guilty ako dahil parang ako ang dahilan kaya ka nagkakaganyan. Hindi ako makapag move on dahil sa guilt. Gusto ko na tulungan ka. Ayaw mo na bang umuwi sa parents mo? Kung ganyan ay sa akin ka muna tumira."

"are you out of your mind Nathan?! Kaya nga ako naglayas sa amin ay dahil sa ayaw ko sa iyo. Tapos ay titira pa ako sa poder mo."

"C'mon Chloe Nicole ibaba mo na ang pride mo. Walang mangyayari sa iyo kung nagmamatigas ka. Tingnan mo ang sarili mo. Ang laki ng ipinagbago mo. Malolosyang ka sa kakatinda ng kung anu-ano at iitim ka pa at papangit."

"wala kang pakialam! Umalis ka na. Pabayaan mo ako sa klase ng buhay na mayroon ako."

"you are really crazy Chloe Nicole sa tingin mo ba ay pababayaan kita sa ganyang kalagayan?"

"why do you care so much? gusto mo pa rin bang panindigan ang inaakala ng papa ko na may nangyari sa atin?"

"who told you that? kahit naman hindi na dumating sa puntong hindi mo ako sinipot sa simbahan, malaking kahihiyan parin ang inabot ng pamilya ko nang umatras ka sa kasal. Anyway, gusto kong malaman mo na wala na akong interes na magpakasal sayo."

"Listen chloe nicole, tigilan mo na ang pagtitinda ng kung anu-ano. I could help you find a job."

"I dont need you help Nathan!"

"yes you do."

"I don't. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. At huwag mong mamatahin ang pagiging promo girl ko. Marangal na hanapbuhay ito."

"i admire you for that Chloe Nicole."

Kung magtititigan tayo dito habambuhay ako na ang unang mambabawi ng tingin!

*****

WTH!! May tumawag daw na isang kompanya dito sabi ng landlady ko at sa dami ng pinag-apply-an ko di ko alam kung anong company iyon buti nalang naisulat ng landlady ko ung pangalan ng company..pero nagtataka ako dahil wala naman akong matandaan na pinag-apply-an ko na ganoong company..ay bahala na! basta may trabaho..

Kinabukasan nagpunta na ako sa company na iyon at sinabi sakin ng magiging boss ko na ako ang papalit na sexytary este secretary dahil nag resign na daw ang secretarya nito at ako ang nakuhang kapalit.

Madali lang naman ang gagawin ko dahil lahat yon tinuro sakin ng boss ko..pinakamadali sa lahat magtimpla ng kape..haha!

Panay lang naman ang tango ko habang nagpapaliwanag sya ng gagawin ko..

At actually tanggap na tanggap na ako sa aking work bilang secretary! whhhoooo!! haha! grabe mayayakap ko talaga tong boss ko pagnagkataon..hehe..wag nalang baka sabihin ng iba kerida ako! joke! wahaha!

Nang magsisimula na ako ng trabaho grabe lang ha ang babait ng mga nagtatrabaho dito pati ang manager ay mabait din. Kapag nabo-bored na ako pwede akong pumunta ng warehouse at makiusyoso sa mga workers doon..

Hay sarap mag daydreaming ngayon ah wala akong ginagawa...biglang may pumasok!

"dito ka pala nagtatrabaho?"

O__________O

"NATHAN?! oo dito ako nagtatrabaho, anong transaction mo rito?"

"nandyan na ba ang boss mo? may appointment kami ngayon."

In-inform ko muna sa intercom ang boss ko bago ko sya papasukin..

"pumasok ka na raw."

"thank you." walang kagatol-gatol na sagot yun ah.

Hmm..siguradong may bago na namang girlfriend ang kumag na iyon. May mababago pa ba roon? Eh noong bago matapos ang high school daming babaeng naghahabol dyan pati pagtuntong ng college meron na naman..eh sa gwapo niya na yan..hep! stop na! kakainis! >____<

*****

"Masaya ka ba ng makita mo sya roon?" tanong ni Deniesse ung roommate ko ng ikwento ko sa kanya mga nangyari this pass few days.

"of course not! sa totoo lang naiinis ako!"

"bakit iba nakikita ko sa mga mata mo?"

"tumigil ka Deniesse."

"kung bakit kasi ayaw mo pang aminin na kaya ka nagagalit kay Nathan ay dahil sa isipin na hindi pag-ibig ang dahilan ng pagpayag niya noon na ipakasal kayo. Kung minsan ay kailangan pa nating marinig sa iba ang mga totoo bago natin iyon marealize."

Sa unang pagkakataon ngayon ko lang narinig si Deniesse magsalita ng ganon ah..ano kaya nakain nito?!

Bigla kong naalala kung gaano ako kasaya noong magkaibiglang palang kami ni Nathan...kung paano ako alagaan at kung paano ako pagpasensyahan kapag tinotoyo talaga ako..ang pagiging maalalahanin niya, ang pagiging mapagbiro, lahat ng katangian nya na iyon ay tanggap ko kahit pa negatibo o positibo..

Nathan youre not really bad pero bakit nga ba mas pinili ko pang takasan ang kasal natin kesa magpakasal sayo? Tama ba ang sinabi ni Deniesse na dahil hindi ko matanggap na magaganap ang kasalang iyon dahil pinilit ka lang at hindi kusang-loob??

*****

Kakainis lang ha! Sinasadya ba ni Nathan na pumunta dito sa opisina o sadyang may appointment lang talaga sila ng boss ko??!!

Nung isang araw hinatid nya ako pauwi sa boardinghouse na tinutuluyan ko tapos kahapon he treats me lunch..ano be yen?? nakikipagkaibigan na ba siya ulit?? naku! wag na dahil parang nahuhulog na loob ko sa kanya..

"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib...."

"ako ba pinaparinggan mo Deniesse?

"kung ikaw ang tinamaan para sa iyo nga. Nakita ko inihatid ka niya pauwi dito." hala! sige Deniesse mang-asar ka pa! =_____=

"Lagi siya sa opisina. May business transaction sila ng boss ko. Makulit kaya sumakay nalang ako sa kotse niya."

"Kung ayaw mo talaga ay hindi ka nya mapipilit."

"nagsisimula ka na naman Deniesse." =_______=

"Aminin mo na kasi na love mo siya para matahimik na ako. Alam mo ba? Ako ang klase ng tao na apektado sa pag-ibig na hindi nagwo-work..sayang!"

"nag-iilusyon ka na Deniesse."

"realistic akong tao Chloe..Be true to yourself..Umamin kana."

==============================

TO BE CONTINUED.,..

Continue Reading

You'll Also Like

706K 19.9K 36
Farah only wishes for two things in life-to be acknowledged by her father and to be noticed by the guy she secretly likes. But when things go haywire...
114K 1.8K 51
I got bullied Poeple judged me My relatives hate us My parents died because of hatred But i didn't lose hope Because those are for loser ...
1.9M 37.6K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
29.4K 535 7
Isang babaeng nagpapakabaliw sa isang lalaking hindi naman siya gusto, at isang lalaking masyadong duwag harapin ang tunay niyang nararamdaman.