ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

Por angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... Más

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK

686 38 8
Por angelodc035

Apat na araw na silang naghihintay sa Villa Hermanuevo. Apat na araw na naghihintay na sana ay bumalik na ang kanilang kaibigan at kasintahan na si Odessa.

Tapos na ang kaguluhan sa loob ng mansion. Tapos na ang paghahari dito ni Claudius Rickman, ang pangkalahatang pinuno ng mga anak ng buwan sa Pilipinas.

Labis ang pag-aalala ni Randy sa kanyang kasintahan. Hindi niya alam kung nasaan na si Odessa at hindi na rn niya ito nakakausap sa pamamagitan ng mental telepathy.

Masyado ring naapektuhan si Sagaway sa nangyari. Ngayon ay dalawa na sa mga matalik niyang kaibigan ang nawawala. Sinisisi ang sarili dahil sa laki niya ay tila wala siyang silbi para maprotektahan ang dalawang nilalang na malapit sa kanyang buhay.

Halinhinan silang nagbabantay kung saan nagsara ang lagusang pinasukan nina Odessa. Wala silang ideya kung nabihag din ba si Odessa ng itim na engkanto o ang mas malala pa na ayaw na ayaw na mangyari ni Sagaway kay Odessa at Laurea. Ang kamatayan.

Si Demetria ay nangungulila pa rin sa pagpanaw ng kanyang nakagisnang ina. Hindi rin niya matanggap na siya ay anak ng mismong kalaban niyang mortal na si Claudius. Pilit niyang nililibang ang sarili sa pagbabasa ng mga naiwang aklat ni Impong Sendang, ang makapangyarihang bruha. Naghahanap siya ng mga dasal at mahika para sa pagbubukas ng mga lagusang konektado sa mundo ng mga elemental.

Pero paano kaagad nagsara ang lagusan gayong hindi pa man nakakapasok si Impong Sendang dito ay napatay na nila ito? O may kakayahan ding magbukas at magsara ng lagusan si Anilaokan?

Posible. Ito ang naglalaro sa isip ngayon ni Demetria. Posibleng may alam si Anilaokan sa paggawa ng mga lagusan.

Sa isang banda ay inaantok na nakamasid kay Demetria ang Malakat na si Alimog. Halos maghapon siyang nagmamasid mula sa himpapawid kaya marahil ay nakaramdam na ito ng sobrang pagod. Ibinaba na nito sa makinis na marmol na sahig ang mala-pusang ulo ni Alimog para umidlip sandali nang mapa-angat muli ang kanyang ulo.

May naaamoy na kakaiba ang Malakat. Alam niya na nasa paligid lamang iyon. Sinundan ng kanyang ilong ang naamoy nito sa paligid. Amoy nasusunog na laman.

Ginamit ng malakat ang kanyang paningin sa madilim na paligid. Marahan ay tumayo ito at sininghot-singhot ang naaamoy na sunog na laman.

Napatingin si Demetria kay Alimog ng mapansin niyang may kakaibang ikinikilos ang Malakat.

"Alimog?!" Ang nagtatakang tanong ni Demetria habang nakatitig sa Malakat.

"Ssshhh..." Ang pagsaway ni Alimog kay Demetria.

Kaagad namang naintindihan iyon ni Demetria at inihanda niya ang sarili sa kung ano man ang nararamdamang panganib ni Alimog.

Mula sa gilid ng kanang mata ni Demetria ay nakita nito ang isang taong nakatalukbong ng itim na tela ang mabilis na tumakbo papalabas sa hardin ng mansion.

"Alimog!" Ang sigaw ni Demetria.

Kaagad na lumapit si Alimog kay Demetria at patalon namang sumakay ito sa Malakat.

Pagkasakay ni Demetria ay mabilis na lumipad papalabas ng mansion si Alimog para hanapin ang nilalang na nakita niyang nagmamasid sa kanila.

"Hayun siya!" Ang sigaw ni Demetria pagkakita sa nilalang na mabilis na tumatakas sa mga makakapal na puno papalabas sa hardin ng mansion.

Binilisan lalo ni Alimog ang paglipad para mahabol ang papatakas na nilalang na nakatalukbong ng kulay itim na tela. Kitang-kita nila mula sa himpapawid kung makailang ulit itong nadapa makatakas lang kina Demetria at Alimog.

Pabulusok na lumipad pababa si Alimog habang papalapit sila sa tumatakas na tao.

Tinamaan ng napakalaking pakpak ni Alimog ang kanilang hinahabol na dahilan ng pagpabagsak nito sa madamong lupain.

Mabilis na lumundag si Demetria at iniumang nito ang kanyang matatalim na mga kuko sa leeg ng nilalang na nakabalot ng itim na tela ang buong katawan.

Kinabig ng lalaki ang itim na tela para itago ang mukha nito.

"Sino ka?!" Ang malakas na tanong ni Demetria sa lalaki.

Hindi sumagot ang lalake bagkus ay pilit nitong itinatago ang mukha nito sa kanila.

"Sumagot ka!" Ang dumadagundong na utos ni Alimog at sabay na ipinagaspas ang napakalapad na pakpak nito.

Hinila ni Alimog ang itim na telang pilit na tinatakip sa katawan ng lalake. Habang nakahanda ang mga matutulis na kuko ni Demetria.

Pero napaurong siya ng makita ang lalake sa kanyang harapan. Kitang-kita niya ang sunog na sunog na katawan ng lalake na halos sumagad sa kanyang mga buto. Sariwa pa ang pagkakasunog ng lalake at amoy na amoy pa rin ang nasusunog na laman sa kanya.

"Huwag! Huwag niyo akong papatayin! Hindi ako lalaban...Anak." Ang takot na takot na pakiusap nito sa kanila habang pilit na isinasangga ang dalawa niyang kamay sa kanyang mukha.

"A...anak?" Ang nagtatakang tanong ni Demetria at pilit na tinititigan ang lalakeng sunog ang buong katawan. "Sino ka?! Sino?!!!" Ang galit na galit na tanong ni Demetria at hinawakan nito ang itim na telang suot nito papalapit sa kanya.

Natulala si Demetria ng makilala ang lalake sa kanyang harapan. Binitawan niya ang pagkakahawak sa suot na tela ng lalake.

"Claudius..." Ang tanging nasambit niya.

Tinakpan ng lalake ang kanyang mukha para itago ito kay Demetria. Hindi niya inaasahan na makikita siya ng kanyang anak na ganito ang hitsura at kalagayan niya. Masyado na siyang mahina. Araw-araw ay unti-unti siyang nanghihina. Para siyang nakasinding kandila na unti-unting nauupos.

"Pa...patayin mo na ako anak..." Ang umiiyak na pakiusap niya kay Demetria.

"Hinde, hindi mo ako anak at hindi kita ama. Hinding hindi ko matatanggap na ikaw ang aking ama!" Ang malakas na sabi ni Demetria sa kaawa-awang kalagayan ni Claudius.

"Pakiusap, Sarah. Patayin mo na ako..."

"Hinde! Hindi kita papatayin. Hinding-hindi kita papatayin Claudius! Dahil gusto kong mahirapan ka hanggang s huling hininga mo. Kabayaran sa mga ginawa mong kasamaan hindi lamang sa akin pati na rin ang ginawa mong pagpatay sa aking pinakamamahal na ina na si Morgana! Dahil kung tutuusin ay hindi pa sapat yan sa mga kasamaang pinaggagawa mo para pahirapan ang mga tao at ang masamang ginawa mo sa akin!"

"Patawarin mo ako anak, patawad." Ang sabi ni Claudius at mabilis na niyakap nito ang kamay ni Demetria, nagsusumamo at pilit na nakikiusap sa kanyang anak.

"Hindi. Bitawan mo ako Claudius! Wala sa bokabularyo ko ang patawarin ka! Tulad ng sinabi ko na hindi kita ama!" Pilit na niyayapos ni Demetria ang kamay niya sa tila kapit-tukong pagakakayakap ni Claudius sa kanyang kamay.

"Anak, nakikiusap ako sa'yo...hinihingi ko sa'yo ang iyong kapatawaran. Patayin mo na ako. Tapusin mo na ang aking paghihirap" Ang umiiyak na pakiusap ni Claudius sa kanyang nag-iisang anak na si Demetria.

"Hindi sapat maging ang pangsampung buhay mo sa kasamaang ginawa mo sa mga mortal Claudius. Hinding-hindi rin sapat ang lahat ng paghihirap mo ngayon sa mga taong nawalan ng mahal sa buhay, mga batang nawalan ng mga magulang pati na mga kapatid! Kaya kulang pa yang paghihirap mong iyan sa mga kasamaang inihasik mo sa mundo ng mga tao!" Ang tugon ni Demetria.

Dahil sa naglalangis na katawan ni Claudius ay kaagad na naialis nito ang kanyang kamay sa pagkakayakap ng kanyang ama.

Tumingin si Demetria kay Alimog at tumango ito sa kanya. Mabilis na nilundagan ni Demetria para makasakay na siya kay Alimog.

Pilit na uniaabot ni Claudius ang kanyang kamay at patuloy na nagmamakaawa sa kanyang anak na mabilis ng inilipad papalayo ng dambuhalang Malakat.

Naninikip ang dibdib ni Demetria ng lisanin niya ang kaawa-awang kalagayan ni Claudius. Kahit gaano man kasama ang pinuno ng mga anak ng buwan ay nakakaramdam pa rin ng pagkaawa si Demetria para sa kanyang tunay na ama. Pero nangingibabaw pa rin sa kanya ang galit sa taong ilang ulit na rin siyang pinagtangkahang patayin. At ang taong palang iyon ay ang tunay niyang ama. Sobrang napakagaling makipaglaro ng tadhana para sa kanila.

Sa kanyang nararamdaman ngayon ay patunay lamang ba na lumalambot na ang kanyang puso para sa kanyang ama? Paano kapag nalaman ng mga kasama niya na anak pala siya ni Claudius, magbabago ba ang turing nila sa kanya at kaaway na rin ang magiging tingin nila sa kanya?

"Mukhang malalim yata ang iniisip mp Demetria?" Ang biglang tanong ni Alimog.

"Huh? Hindi napaisip lang ako kung tama ba na iniwan natin ng buhay si Claudius." Ang tugon ni Demetria.

"Demetria, iba ang sinasabi ng iyong bibig sa iyong puso. At iba rin ang inilalahad ng iyong utak para sa mga salitang lumalabas sa iyong bibig."

Napangiti si Demetria. Nakalimutan niya na natural na nakakabasa ng isip at nararamdaman ang mga Malakat.

"...tinawag ka niyang anak kanina at naramdaman mo iyon at totoong nanggagaling sa kanyang puso ang paghingi niya ng tawad sa'yo. Pero naguguluhan ka ngayon sa iyong nararamdaman Demetria." Ang dagdag na sabi ni Alimog.

Napabuntong hininga si Demetria. "Tama ka Alimog naguguluhan ako lalo na pagkakita ko sa kanyang kalagayan. Biglang napalitan ng awa ang galit na itinanim ko sa aking puso..." Ang tugon ni Demetria.

Napayuko so Demetria at lumuha ng dugo.

"Pero mahal ka ng ama mo, kahit kanina nababasa ko sa kanyang utak, nararamdaman ko mula sa kanyang puso. Nagsisisi siya na kinain siya ng kanyang galit. Nagsisisi siya na pinaniwala niya ang sarili niya na pinatay ka ng mga tao. Nagsisisi siya na tinalikuran niya ang pagiging tao niya. At labis ang kanyang pagsisisi na pinatay niya si Morgana ang nag-iisang kaibigan niya na nakasama niya noon pa man sa hirap at ginhawa."

Lalong nanikip ang dibdib ni Demetria sa narinig mula sa bibig ng Malakat.

"Alimog..."

"Demetria?"

"Puwede ba kung ano man ang mga nangyari sa araw na ito ay..." Huminga ng malalim si Demetria. "...huwag mo na munang babanggitin sa mga kasama natin?" Ang pakiusap ni Demetria sa kaibigang malakat.

"Alam mo namang hindi iyan magagawa ng kahit na sinong malakat. Lahat ng mga tulad ko ay hindi nagsisinungaling."

"Na...naintindihan ko Alimog. Pasensya na." Ang malungkot na tugon ni Demetria.

Hindi muna umimik ang malakat sa naging tugon ni Demetria. Wari'y nag-iisip kung paano niya matutulungan ang kaibigan.

"Demetria, siguro ang tanging maitutulong ko ay umiwas muna na sumagot sa mga magiging tanong nila tungkol dito. Hindi ako magsasalita kung ano man ang kanilang itatanong."

"Salamat...maraming salamat Alimog... Maraming salamat." Ang naluluhang wika ni Demetria.

Lumapag si Alimog sa likurang bahagi ng mansion. Pagkababa ni Demetria ay naroon at nakaabang sina Randy at Sagaway. Nakatuon ang kanilang mga mata sa kanya.

Muli namang lumipad sa himpapawid si Alimog at nag-umpisang magmasid sa nasasakupang lupain ng mansion. Ito na rin ang paraan niya sa pag-iwas sa mga magiging tanong ng kanyang mga kasama.

Nananatili naman si Claudius sa gitna ng kagubatan kung saan siya iniwan nina Demetria at Alimog. Marahang nakatingin sa mga luntiang dahon ng mga iba't-ibang mga puno sa paligid.

Bakit nga ba siya nagkakaganito? Ngayon siya ay nag-iisa. Sunog ang buong katawan at halos hindi na makilala. Inalisan siya ng kapangyarihan ni diyosang Bulan na inakala niya na kakampi niya sa lahat ng ipinaglalaban ng mga anak ng buwan dito sa Pilipinas.

Hindi na nga siya tinatablan ng sikat ng araw. Pero hanggang kailan? Pagkatapos ng bisa ng pulang likido sa kanyang katawan maghahanap na naman siya ng sariwang dugo ng tao at paulit-ulit lang iyon, paulit-ulit hanggang makagawian na naman at makapaghasik ng kasamaan.

Oo kinain siya ng kanyang galit. Nabulag siya sa paghihiganti at nakagawa ng puro kasamaan. Pero nang makilala niya ang kanyang anak na si Sarah... Si Demetria at nalagay siya sa sitwasyon niya ngayon, tila mga suntok na bumalik lahat sa kanya ang kasamaang inihasik niya sa mundo ng mga tao lalo na sa kanyang anak.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang galit sa mga mata ng kanyang anak na si Sarah. Hinding-hindi niya kayang titigan ang mga matang iyon na lalong nagpapahirap sa kanyang nararamdaman. Kaya gusto na niyang mamatay. Gusto na niyang mawala ang lahat ng kanyang nararamdaman, ang sobrang sakit sa kanyang damdamin at hindi ang pisikal na kirot ng pagkasunog ng kanyang katawan.

Naalala pa niya, at sariwa pa sa kanyang alaala ng makuha niya ang Eskrihala mula kay Odessa. Biglang nagliyab ang kanyang katawan at walang katumbas na sakit iyon na halos hindi niya makayanan. Bumulusok siyang nahulog sa masukal na bahagi ng lupain ng kanyang mansion.

Pinilit niyang tumakbo ng mabilis dahil alam niyang pansamantala lamang ang nararamdaman niyang iyon. Masasanay ang katawan niya at magiging bahagi ng katawan niya ang Eskrihala. Pero hindi iyon ang nangyari, pilit na sinusunog ng Eskrihala ang kanyang katawan. Hanggang sa makasalubong niya si diyosang Bulan.

May dala-dalang isang kahon na yari sa purong kristal ang diyosa at inutusan siyang ilagay ang Eskrihala sa kahon. Nangako si diyosang Bulan na aayusin niya ang katawan nito mula sa matinding pagkasunog na likha ng Eskrihala. Pero pagkalagay sa Eskrihala ay biglang tumawa ng malakas ang diyosa at tinawag siyang:

Hangal! Sa tingin mo ay kakailanganin pa kita sa hitsura mong iyan? Ikaw mismo ay alam mong walang lunas ang pagkasunog sa Eskrihala!

Dinig na dinig pa ni Claudius ang mga malulutong ng halakhak ng diyosang si Bulan. Marahil isa nga siyang tanga at madaling nagtiwala. Ginamit lamang pala siya ng mga pinagkatiwalaan niya sa mahabang panahon.

Imbes na tulungan ng pinaglingkurang diyosa ay ikinulong siya sa isang walong metrong hukay sa gitna ng kagubatan. Ginamit lang pala siya para sa muling pagbuhay kay Anilaokan, ang itim na prinsipe ng mga engkanto. Si Anilaokan ang unang aswang sa kasaysayan ng mga mortal at elemental.

Sinong makakapagsabi na ang tinatamasa na niyang tagumpay, sa isang iglap ay biglang naglaho na parang bula? Ang halos sinasamba ng napakaraming tagasunod ngayon ay nag-iisa sa gitna ng kagubatan ng kanyang sariling mansion.

Caw! Caw! Caw!

Napatingin siya sa pinanggalingan ng huni ng isang uwak na nakadapo sa isang puno ng Mahogany.

"Mo...morgana?!" Ang tanging nasambit niya at humagulgol na siya ng iyak sa kanyang kinahihigan.

Pero naroroon lamang ang itim na uwak na may pulang mata. Nagmamasid at nakikiramdam sa kanya.

Patuloy sa pag-iyak si Claudius sa kanyang kinaroroonan. Ipinosisyon niya ang katawan sa kanyang tagiliran at ibinaluktot ang mga tuhod at likod papunta sa harapan niya. Idinkit niya ang kanyang noo sa mga tuhod at parehong niyakap ng mahigpit ang mga tuhod..

Seguir leyendo

También te gustarán

26.3K 1.4K 55
Maligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal par...
243K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
103K 2.4K 34
[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes...
Adrasteia Por CG

Paranormal

191K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...