Montello High: School of Gang...

By sielalstreim

86.9M 1.9M 825K

What's a reckless transferee with a feisty attitude got to do when her new school puts the lives of its stude... More

Chapter 1: School of Monsters
Chapter 2: The Bloody Welcome Party
Chapter 3: The Evil Prince
Chapter 4: Nightwoods
Chapter 5: Dance with the Gangsters (Part 1)
Chapter 6: Dance with the Gangsters (Part 2)
Chapter 8: The Punishment (Part 2)
Chapter 9: Mind Maze
Chapter 10: Death For Cutting Class
Chapter 11: Dark Fairytale
Chapter 12: Cats and Curiousity
Chapter 13: Damsel in Distress
Chapter 14: Blood as Red as Fire
Chapter 15: Taming a Monster
Chapter 16: Colder Farewells
Chapter 17: Shattered Glasses
Chapter 18: School of Sick Heroes
Chapter 19: Waging Conflict with the Gods
Chapter 20: The Masquerade
Chapter 21: The Lion in its Cage
Chapter 22: The Elixir of Life
Chapter 23: Unmasked
Chapter 24: Storm's Eye
Chapter 25: Calm and Quiet
Chapter 26: The Mafia Reaper
Chapter 27: Insurgency
Chapter 28: Mercy Falls
Chapter 29: Safe and Danger Zone
Chapter 30: Moving Target
Chapter 31: When Blood Turns to Poison
Chapter 32: Autumn and Arturia
Chapter 33: No Escaping The Deadly Rose
Chapter 34: For the Most Invited
Chapter 35: Maximus Brown
Chapter 36: Blank Stares
Chapter 37: For Those Who Were Left Behind
Chapter 38: Through the Most Legal Means
Chapter 39: To Use and To be Used
Chapter 40: Driver's Seat
Chapter 41: Poisoned
Chapter 42: Treachery
Chapter 43: Ground Zero
Chapter 44: Under the Moonlight
Chapter 45: Taking Shots
Chapter 46: Behind the Mask
Chapter 47: Shakespearean Tragedy
Chapter 48: Farewell, My Romeo
Chapter 49: Achilles' Heel
Chapter 50: A Game of Chess
Epilogue
Montello High: School of Gangsters Official Soundtracks
Special Chapter I: The Woman and the Devil
Special Chapter II: Dreaming Alone
Special Chapter III: Shadows and Silhouettes
Special Chapter IV: The Menace from the Past
Special Chapter V: Invitation to the Devil
Special Chapter VI: The Woman of a Freniere

Chapter 7: The Punishment (Part 1)

2.1M 46.2K 20.1K
By sielalstreim

Chapter 7: The Punishment (Part 1)


I hated mornings. I hated waking up early, and I think almost all teenagers shared the same sentiments with me. Idagdag pa na ito na yata ang pinakakumportableng pagtulog na ginawa ko. I definitely loved that warm, sweet breath on my neck. It smelled like mint and berries. And the arm that wrapped tightly and protectively around my waist kept me at the center of the soft, black velvet bed of the dark prince. Wait, what? Breath on my neck? Arm on my waist? I turned around and—holy mother of cheesecake!

Bago pa ako nakapag-isip ng logical reasonings at rumehistro sa utak ko ang flashback and problem-solving techniques ay agad na dumako na ang kamao ko sa mukha ni Van.

"What the hell did you do to me?" pahisterya kong sigaw sa kaniya habang umuupo sa kama.

He groaned and massaged his jaw. "What the fuck? Is that how you say good morning?" inis na tanong nito. Bahagya lang nitong iminulat ang mga mat ana tila nasisilaw pa sa liwanag na nagmumula sa balcony. Mukhang hindi rin nito ininda ang atakeng ginawa ko sa kaniya.

Agad kong pinakiramdaman ang aking sarili. Okay. I was still wearing my black dress. And I didn't feel any weird stuff in my body. Nakahinga ako nang maluwag. I was just overreacting. Pareho naming ikinagulat ang biglang pagbukas ng pinto. Makki was still in his dream state kaya sigurado hindi ito iyon. Nang dumako ang aking tingin sa pintuan ay agad na nanlaki ang aking mga mata. Awtomatikong hinila ko ang kumot sa patakip sa akin na agad ko ring pinagsisihan dahil hindi naman kailangan at sa halip ay inilantad nito ang hubad na itaas ni Van. Naramdaman ko ang paggapang ng init sa aking mukha. I didn't do anything wrong! Well, at least hindi ko ginawa ang kung ano mang puwedeng mabasa sa sitwasyon namin. But hell, I still looked guilty. And the sexy groan the left Van's lips and his sensual waking-up face didn't even help our case.

Sa una ay pagkagulat ang bumakas sa mukha ni Ethan, pagkatapos ay rumehistro ang galit na agad rin nawala at napalitan ng malamig at blangkong ekspresyon.

"Not that I have to explain anything, but it's not what you think," mabilis kong depensa. Tsk! Bakit ba pakiramdam ko ay may ginawa akong masama? Bukod sa I trespassed this room to get my phone and slept here to avoid curfew—oh! May ginawa nga yata akong masama.

"She sneaked in here last night by climbing the tree at naabutan siya ng curfew. Get her! She's a trespasser," inis na agap ni Van at itinaboy ako na para bang isa akong pusa na nakapasok sa kanilang silid at ini-istorbo ang kanilang pagtulog.

"It's your fault! Kung hindi mo kinuha ang phone ko—oh!" I sighed exasperatedly. Napapagod na akong paulit-ulit na sabihin na kasalanan niya ito. Fine! I was the witch. Hang me now at the old willow tree or burn me alive. I didn't want to care anymore.

Padabog kong tinanggal ang kumot sa pagkakatakip sa aking katawan at bumaba ng kama. Lumikha iyon nang ingay na ikina-ungol ni Makki. "Shh. Sleeping person here," he murmured.

Sa inis ko ay binato ko sa kaniya ang nahagip kong unan. He just groaned but his eyes remained closed. Masama ko siyang tiningnan. Bakit ba parang gusto kong ipukol kay Makki ang nararamdaman kong inis kay Van?

Dinampot ni Ethan ang magkahiwalay kong sapatos sa carpeted floor at saka humakbang palapit sa akin. Yumuko siya at maingat na isinuot sa aking paa ang sapatos.

"Ethan—" I almost sighed in the gentleness of his touch, subalit bago ko pa madugtungan ang aking sasabihin ay mabilis na niya iyong naputol.

"Nakalimutan mo bang may punishment ka ngayon?" tanong nito. "Hinihintay ka na sa gym ni Trinity."

"Punishment? What for?" tinig ni Van, at nang lingunin ko siya ay tuluyan na itong nagising at nakakunot ang noo.

I rolled my eyes at him. "Trinity is punishing me for slapping you last night. I wonder kung anong kabaliwan ang maiisip niya sa sandaling malaman niya ang ginawa ko sa 'yo kanina."

Isang impit na hagikhik ang narinig ko mula sa direksyon ni Makki habang tumikhim naman ang hindi makatingin nang diretso sa akin na si Ethan.

"And what did you do to me, Summer Leondale?" Van asked, smirking like a devil—a sexy devil with abs and messy hair.

Muli ay naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha at sa pagkakataong iyon sa palagay ko ay umabot na rin sa aking tainga. Pakiramdam ko ay pinamumuluhan ang buo kong katawan. If allergy could be a person, Van would definitely be mine! Right! He was just an allergy. Redness and intense heart beat were symptoms of allergy, right? Iyon lang ang nararamdaman ko sa kaniya.

Inis na kinuha ko ang phone ko mula sa ilalim ng unan at saka tumakbo tungo sa direksyon ng balcony. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagbangon ni Van at pagsunod sa akin. Nang makarating sa balcony ay hinubad kong muli ang aking heels at pinagtig-isahang sinabit sa magkabila kong braso. Sinimulan kong sumampa sa railing habang tinatantiya ang pagitan nito at ng tatalunan kong sanga.

"What do you think are you doing?" Van asked furiously.

Lumingon ako sa kaniya at nakitang nakatayo ito sa bungad ng balcony at wala pa rin itong suot na damit. Nasa likod nito ang amused na si Makki at ang tila nag-aalalang si Ethan. I smirked at them. There was definitely more in the phrase women in action.

"I'm taking the emergency exit," sagot ko na hindi mapigilang maaliw sa kanilang reaksyon. "See ya!" At tinalon ang malapit na sanga.

"Shit!" I heard Van curse loudly as he ran towards the railing. Gusto kong mangiti sa bahagya niyang pamumutla kung hindi lang sa pag-aalalang maaari akong mawalan ng balance.

"Are you crazy?" bulalas ni Ethan. Oh, you have no idea!

"Careful, Summer! Wait for me. Bababa ako at sasaluhin kita," ani Makki.

Subalit hindi ko sila pinakinggan at nagsimula nang bumaba. Pakiramdam ko ay hindi sila humihinga habang pinapanood ako sa ginagawa. At gusto kong mangiti sa isiping iyon. Imagine, nagawa kong pakabahin ang tatlong miyembro ng Black Government?

Walang hirap na nakalapag ako sa lupa at isinuot muli ang aking heels. Tumingala ako sa balcony sa second floor at nakitang naroon pa rin at nakatingin sa akin ang tatlo. I grinned at them and waved my goodbye bago tumakbo palayo. That was a scene! Most of the time, it was the girl who was left behind in a one-night stand. But the night I had was not a one-night stand and this time, I was the one who left the handsome boys behind with their mouth gaped open. And boy, how satisfying it was!

I was still smirking and probably still had the adrenaline rush when I opened the door to our room. Napasinghap pa ako nang salubungin ako ni Jamie ng isang super hug. Well, it was super hug because it was super tight. Kung nakaligtas ako sa clutch ni Van at napagtagumpayan ang curfew at puno, baka sa yakap ni Jamie ay hindi na ako magiging masuwerte. It felt like she was blocking my airways. I could barely breathe!

"C-can't breathe!" I gasped. Binitiwan naman niya ako. Subalit hindi rin nagtagal at humalili naman si Mirden sa pagyakap. Seriously? Hug monsters ba ang mga roommates ko?

"We were so worried about you. Kung hindi lang siguradong mapapahamak ka ay baka nagsabi na kami sa student council. What happened?" tanong ni Jamie nang tuluyan na akong makawala sa kanila.

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ko sinabi na mag-alala kayo para sa akin."

Hindi kaagad sila nakapagsalita. Tila ikinagulat nila ang aking sagot. "Ano ka ba, Summer. Natural lang na mag-alala kami dahil kaibigan ka namin," banayad na sagot ni Mirden nang makahuma. Seryoso ang ekspresyon nito habang si Jamie ay tila maiiyak sa kaniyang kinatatayuan.

"Friends?" I laughed humorlessly. Hindi ako nagkaroon ng mga kaibigan sa mga schools na napasukan ko. Minsang may kumausap sa akin ay nadiskubre kong ginawa lang nila iyon upang may mapagbintangan sila sa kanilang gagawing kalokohan. At ang huling taong inisip kong kaibigan, ang tanging taong inaasahan kong hindi ako kailanman iiwan ay...agad akong tumigil sa pagsilip sa parteng iyon ng nakaraan ko. Subalit huli na dahil unti-unti ay may sakit na gumapang sa aking dibdib. Mapait akong ngumiti kina Jamie at Mirden. "Just because we're sharing a room doesn't mean that we're already friends," malamig kong wika.

Parehong kinabakasan ng sama ng loob ang kanilang mga mata. Tahimik akong kumuha ng jeans at t-shirt mula sa closet at nagtungo sa banyo para mag-shower. It was better to disappoint them than to be the one disappointed. Siguro naman ay hindi na sila mag-aabala pang lumapit sa akin. Nang matapos ako sa pagsa-shower ay agad rin akong lumabas ng banyo. Nagulat pa ako nang madatnan ko pa rin sina Mirden at Jamie sa silid na tila ba sadyang hinihintay ako.

"Someone went missing last night at hanggang ngayon ay hindi pa siya nakikita." Lumapit si Mirden at ipinakita sa akin ang poster na may larawan ng isang pamilyar na lalaki. Kunot-noo ko itong tinitigan. He was in my English class, the one with nerdy glasses. I couldn't believe that he was missing.

"The last time I saw him was in English class. Hindi ko na siya nakita," wika ko at nagpatuloy sa pagpapatuyo ng buhok.

"The faculty and the student council are talking in hushed voices. Pakiramdam ko ay may tinatago sila sa mga estudyante." Natahimik saglit si Mirden na parang may iniisip. Tila mas kumapal pa ang kaniyang salamin dahil sa kaseryosohan ng kaniyang mukha.

"Siguro ay nagpasya lang ang estudyanteng iyon na hindi na niya gustong pumasok sa Montello High. Hindi naman iyon imposible, 'di ba?" Sinuot ko ang aking sling bag. "I have to go."

Malapit na ako sa pinto nang muling humabol sa akin sina Jamie at Mirden. Naiinip na muli akong humarap sa kanila.

"Alam namin na kaya mong alagaan ang sarili mo dahil ikaw na yata ang pinaka-cool na taong nakilala ko. Well, next to Lelouch Lamperouge. But please, Summer, mag-ingat ka. You tend to attract trouble and Montello High has a lot of that. Hindi namin gusto na mapahamak ka," seryosong sabi ni Mirden.

"Kaya ko ang sarili ko," malamig kong sagot.

To my surprise, Jamie walked towards me and enveloped me in a tight hug. I flinched. Should I push her away? But the warmth felt nice, particularly after that cold shower. Pinalipas ko muna ang ilang segundo at saka bahagya siyang itinulak palayo sa akin.

Jamie stared at me with her mouth gaped open. It was as if she wanted to say something but didn't know how to start with it. "It's okay," kapagkuwa'y wika nito nang makabawi. "We understand if you don't see us as your friend for now. You just transferred here and met us. But soon, you're not going to be the new girl anymore. High school is not easy and having friends somehow makes it bearable. So, if ever you need us, maliban sa pakikipagsuntukan, please know na nandito lang kami."

Wala akong mahagilap na salita upang isagot kay Jamie. Nakatingin lang ako sa kanila ni Mirden na para bang hindi ako makapaniwalang nag-e-exist silang dalawa sa panahong ito. Hanggang sa makalabas ako ng kwarto ay nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Jamie. I had to admit that somehow, her words gave me assurance. It was like telling me that I could sleep at night without worries. But should I take my guard down for them? I had been betrayed by fake friends in my past schools. Would it be safe to trust them?

Nagmadali ako sa pagtakbo patungo sa gym. Ilang mga estudyante ang naabutan kong naglalaro ng basketball. Hindi ko na rin ikinagulat nang makitang naroon si Van at ang ilang mga miyembro ng Black Government. Nahagip rin ng aking paningin si Trinity na nakaupo sa bleachers at pinanonood ang paglalaro ni Van. Akala mo'y ultimate fan ng basketball kung makasunod sa bawat galaw nito. Napansin ko rin ang isang may katandaang babae na naka-utility uniform at nakatayo sa tabi ni Trinity. Nang sa wakas ay napansin ako ng huli ay tumayo ito at ngumiti sa akin. Sinagot ko iyon ng isang exaggerated na pag-irap. I would have seen it as a friendly smile if I didn't know any better.

"You're late, Leondale. You should have started an hour ago," panimula nito.

Well, I woke up late in Van's comfortable, huge bed. Subalit sa halip na sabihin iyon ay humalukipkip lang ako at tiningnan siya.

"This is Ophelia. Ibibigay niya sa iyo ang mga tools na kailangan mo sa paglilinis," tukoy niya sa babaeng kasama niya. "Also, don't cause a scene with the boys. I don't want rumors going around about this punishment of yours. If you're doing that in your previous schools—"

"Oh, shut up, will you? Kung mayro'n man dito na kanina pa gustong gumawa ng hakbang, sa tingin ko ay ikaw 'yon." Lumingon ako sa mga naglalaro sa court upang bigyang diin ang aking sinabi. Agad siyang pinamulahan ng mukha at nag-iwas ng tingin. "Face a mirror, Trinity, or you'll die choking in your own words," sarkastiko kong pahayag at tumalikod sa kaniya.

Alam kong nagpupuyos siya sa galit dahil may ilang nakarinig sa aming pag-uusap. Ipinagkibit-balikat ko iyon at dumiretso sa girls' locker room habang nakasunod sa akin si Miss Ophelia. I even saw her grinning as she glanced back to where we left Trinity.

It was Sunday kung kaya't inaasahan ko nang walang masyadong estudyanteng babae ang pumupunta sa gym maliban sa mga sporty at cheerleaders. Kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag dahil walang masyadong lilinisin sa comfort room at locker room ng mga ito. Itinuro sa akin ni Miss Ophelia ang mga dapat kong gawin sa paglilinis. At dahil mukhang magaan ang loob niya sa akin ay napakuwento siya at napag-alaman kong may naparusahan nang tulad nito dati at lumipat ng ibang school.

"Hindi na kita masasamahan sa boys' area dahil may kailangan pa akong linisin sa main building. Huwag kang mag-alala dahil kapag mabilis kong natapos ang paglilinis doon ay babalikan agad kita rito," anito at ngumiti sa akin.

Ginantihan ko iyon ng isang tipid na ngiti at saka nagpaalam. Mukhang mabait siya at hindi ko gustong isipin ang pagtratong maaaring nakukuha niya sa mga estudyante rito. Hindi bale dahil kung sakaling makita kong may tumatratong masama sa kaniya ay hindi ako magdadalawang-isip na mangielam.

Suot ang mask at dala ang cleaning tools sa magkabilang kamay ay nagtungo ako sa boys' area. At dahil hindi naman naka-lock ang pinto at parehong puno ang mga kamay ay paa ang ginamit ko upang buksan ito. Subalit mukhang napalakas ang aking pagsipa rito dahil humampas ang pinto sa dingding.

Tumambad sa akin ang mga walang pang-itaas na mga lalaking nasa loob nito. Karamihan ay mga bago lang paligo at nasa aktong nagbibihis ng damit. Ang ilan naman ay akmang maghuhubad pa lang. Lahat sila ay napatigil sa ginagawa at natuon ang atensyon sa aking kinatatayuan. May pagtataka sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa akin.

"Hey, babe! Are you looking for me?" nakangising tanong ng isa sa kanila. He was probably a senior student. Hindi ko siya pinansin at nagsimulang maglinis ng mga kalat. Damn! Napakalaki talaga ng kaibahan kapag babae o lalaki ang gumagamit ng comfort room.

"Are you a freshman? How much trouble did you get yourself in to end up here?" dagdag-tanong ng isa pa. Subalit ng nauna ay hindi ko rin ito sinagot at itinuon ang aking atensyon sa paglilinis. Mas mabilis akong matapos, mas mabuti.

Subalit mukhang hindi iyon ganoon kadali. Dahil sa paglilinis ay hindi ko naramdaman ang paglapit sa akin ng lalaki na unang nagsalita. Bago pa ako makakilos ay nagawa na niyang umakbay sa akin. Natigilan ako sa aking ginagawa at nagpakawala ng malalim na paghinga. Kailangan kong kumalma dahil kung hindi ay baka mas ibayo pang gulo ang mapasukan ko.

"I'm busy. Give me space," walang emosyon kong wika.

"Don't be a prude, babe. We know why you are here," aniya at hinapit ako sa kaniyang katawan.

Ang ano mang pagtitimpi na inipon ko ay kagyat na nawala at bago ko pa napigil ang aking sarili ay naihampas ko na sa kaniya ang hawak kong walis. Malakas na tumama iyon sa kaniyang mukha na ikinapamura niya.

"Bitch!" sigaw niya. Sumenyas ito sa mga kasamang naroroon. Ilang sandali pa at napapaligiran na nila ako.

"I think she's the new kid," narinig ko pang komento ng isa sa kanila.

Ilang segundo nila akong pinagmasdan. "Oh, yes! That's really her!" Muling humakbang patungo sa akin ang lalaking umakbay sa akin. Nang malapit na siya ay hindi ko hinayaang mahawakan niya ako at sa halip ay hinablot ko ang kaniyang balikat at tinuhod ang kaniyang family jewels. Napuno ang boys' area ng malakas niyang daing hanggang sa mapaluhod siya sa sahig. Hindi kaagad nakakilos ang mga naroroon upang tulungan ang kanilang kasama dahil sa pagkabigla. Sinamantala ko iyon at mabilis na tumakbo palayo sa kanila.

Subalit agad rin silang nakabawi at hinabol ako. Mabilis nilang naharangan ang entrance kung kaya't lumiko ako at nagtungo sa nakabukas na locker room. Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang makitang walang tao. Hindi na madadagdagan ang mga taong gustong puntiryahin ako. Subalit habang iniikot ko ang paningin ay na-realize ko na wala rin akong mapagtataguan rito.

Naririnig ko na ang papalapit na mga yabag ng mga humahabol sa akin. Unti-unti na rin na umaahon ang kaba sa aking dibdib. Lagaslas ng tubig ang nagpalingon sa akin sa shower room. Slippery and wet, definitely a place I didn't want to be in. Subalit wala na akong mapagpipilian. Maybe I could just threaten the person in one of those shower rooms to hide me.

Damn it. I cursed inwardly nang subukan ko ang unang dalawang pinto at makitang naka-lock ang mga ito. Masyado nang malapit ang mga taong humahabol sa akin. Kung hindi ako makakapagtago ay nasisiguro na ang aking kapahamakan.

Huminga ako nang malalim at itinulak ang ikatlong pinto. Bumukas ito kaya't agad akong pumasok. Ang pagbagsak ng malamig na tubig mula sa shower head ang una kong naramdaman. Kasabay ng pagbukas ng pinto sa labas ay ang pagsara ko ng pinto ng shower room. Sinundan iyon ng mga yabag.

"What the fuck?" pamilyar na tinig ng lalaking umu-okupa ng cubicle.

Sa mabalasik na mukha ay humarap ako sa kaniya. "Shut up or I'll kill you—"

Ang ano mang pagbabantang sasabihin ko ay napigil sa aking lalamunan habang nakatingala sa lalaking nasa aking harap. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng aking kaluluwa habang nakatitig sa mga matang iyon. Marahas niyang tinanggal ang aking mask.

"Summer?" kunot-noong bulalas ni Van.

Hindi ko nagawang sumagot. Tila estatwang nakatayo lang ako habang naninigas ang katawan sa pagkakatitig sa kaniyang mukha. I knew he was naked. And I knew I would be seeing hell in the deepest part of the earth if I dare myself to look down. He was the devil, after all. And I swore I wasn't tempted to gaze down. It was just that—my eyeballs seemed to have a habit of rolling 360 degrees and accidentally caught a glimpse of his sinewy chest, rock-hard biceps, glistening abs, and the smooth trace of thin hair that seemed to meet that intriguing V-line at the bottom of hell—ugh, no. What did I do to deserve this uneasy death?

Muli lang akong natauhan nang maramdaman ko ang kaniyang kamay na hinapit ang aking baywang palapit sa kaniya habang ang isang kamay ay kumilos upang i-lock ang pinto sa aking likuran. Nanlalaki ang mga mata na akma akong magpo-protesta subalit agad niyang itinakip ang kamay sa aking bibig.

"Hush," he commanded.

Natahimik ako nang marinig ko ang mga boses ng mga taong humahabol sa akin. Ilang pinto sa shower room ang inumpisahan nilang katukin at buksan upang mahanap ako.

"Where the hell is she?" galit na tinig ng taong umakbay sa akin.

Nang marating nila ang hilera ng cubicles na kinaroroonan ko ay agad nilang kinatok ang unang pinto. Bumukas iyon at narinig ko ang amused na tinig ni Makki. "What? Do you guys want to shower with me?"

"Sorry. May hinahanap lang kaming babae," tila awkward na sagot ng mga ito at muling sumara ang pinto.

"Maybe it's the one next door. Sexy with a voluptuous body," natatawang habol pa ni Makki.

Tila naman na-eksayt ang mga ito at mabilis na kinatok ang sumunod na pinto. "Come out now, babe," nasasabik na tawag nila.

Muli ay ang tunog ng pagbukas ng pinto. At hindi ko mapigilang hindi mapangiwi nang marinig ang tinig ng tinatawag nilang babe.

"May kailangan kayo sa student council?" seryoso ang tinig na tanong ni Ethan.

Saglit na natahimik sila pagkatapos ang ang mga yabag na tila lumalayo sa pintong iyon. "Pasensya na, Vice President!" hingi ng paumanhin ng mga ito.

Alam kong habang tumatagal ay sinisibulan na rin ng kaba ang mga humahabol sa akin. They should quit now. Monsters were lurking behind these doors. We were starring in a horror story. Isang atubiling katok ang narinig ko sa pinto ng cubicle na kinaroroonan namin. Umiling si Van at tila may amusement sa mga mata nito nang tingnan ako.

Napasinghap ako nang pakawalan niya ang aking bibig at bigla ay isandal ako sa pinto. It didn't hurt dahil kaunti lang naman ang distansya sa pagitan ng likod ko at ng pinto. Subalit sapat iyon upang makapagpakawala ako ng tinig na tila lumikha ng isang malakas na lindol sa paligid dahil sa reaksyong inani nito mula sa dalawang pinto sa aming tabi.

"Oh, damn!" hindi sinasadyang usal ko.

Kasunod nito ay ang malakas na paghampas ng isang kamay ni Van sa pinto. "Who's disturbing us?" he growled loudly.

Walang sumagot mula sa mga nasa labas. At lumipas lang ang isang segundo ay mga tumatakbong yabag palayo ang aming narinig. Ilang sandali pa at napuno ng katahimikan ang labas.

"You're enjoying this game too much," marahas kong akusa at itinulak siya. Lumayo naman siya at balewalang kinuha ang towel sa naroong rack at tinakpan ang pang-ibabang katawan.

"Maybe I should start locking the doors. You seem to have a habit of entering places you're not invited in," sarkastiko naman nitong sagot.

I rolled my eyes at him. Sasagot pa sana akong muli nang marinig ko ang malalakas na katok sa pinto.

"Let her out, Van," may awtoridad na utos ni Ethan.

Inabot ni Van ang pinto sa aking likod. Nang bumukas ito ay agad akong hinila ni Ethan palabas. Kahit si Makki ay mukhang tinapos na rin ang pagsa-shower upang maki-usyoso.

"Why are you with Van in the shower room?" he demanded.

I frowned. Why did it sound like it was my fault? "I was doing my punishment but those boys suddenly decided to become pigs. I had to escape them."

"And escaping them means going to Van?"

"I had no choice! Sarado ang mga pinto." Bakit ba kailangan kong mag-explain sa kaniya? Hindi ba at ang student council ang naka-isip ng punishment na ito?

"And why are you being so protective of her, Ethan?" Sabay kaming napalingon sa tinig na iyon ni Van. Water was still dripping from his body as he stepped out of the cubicle. Hindi ako makapaniwalang nakasama ko siya sa masikip na lugar na iyon. Saglit na nagtitigan ang dalawa na tila ba may pinag-uusapang hindi ko aalam.

Kapagkuwa'y tumuwid ng tayo si Ethan. "I'm the vice president of the student council. Students' welfare is my concern."

Right. He was merely doing his job. Subalit tumagal ang sumunod na katahimikan habang pareho lang silang nakatingin sa isa't isa. Pakiramdam ko ay may nais pa silang sabihin subalit pinipigilan nila dahil naroon ako. Well, whatever. Hindi rin naman ako interesado.

"Saan ka pupunta?" pigil ni Ethan.

Nilingon ko siya at nakitang nagsusuot na siya ng t-shirt. "Magpapatuloy na ako sa paglilinis." Muli akong tumalikod sa kaniya nang isusuot na niya ang kaniyang shorts.

"I'll go with you. It will be safe if you're with me."

"Kaya niya ang sarili niya, Montreal," muli ay sabat ni Van na ikinataas ng aking kilay. Well, it was nice of him to recognize a woman's strength.

"Of course! If men are being a biodegradable trash, then I'll have to put them in the garbage bin where they belong," sang-ayon ko habang nakatingin nang diretso kay Van.

"And what does that supposed to mean?" he demanded.

Bago pa ako nakasagot ay natapos na ni Ethan ang pagbibihis at hinila ako sa braso palayo ng shower room. Isang masamang tingin ang ipinukol ko kay Van bago tuluyang sumara ang pinto. Walang nagsalita sa amin habang naglalakad pabalik ng boys' comfort room. Hindi ko mapigilang isipin kung ano ang naglalaro sa utak niya.

Nang makapasok na kami sa boys' comfort room ay naroon ang mga humahabol sa akin kanina. Tila ba hinihintay ng mga itong makabalik ako. I glared at them and picked up the cleaning tools I left.

"Subukan n'yo siyang galawin at sisguruhin kong pagsisisihan ng bawat isa sa inyo ang araw na ito," kalmado subalit mayroong pagbabanta sa tinig na wika ni Ethan.

Hindi nagawang sumagot ng mga naroon. Kung aalma sila ay mamimili sila ng kahaharapin sa student council at Black Government, at kung mamalasin naman ay maaaring pareho nilang makalaban ang dalawa. Sa huli ay wala silang nagawa kung hindi ang tahimik na lumabas.

Ipinagpatuloy ko ang paglilinis. Si Ethan naman ay nanatiling nakatayo sa tabi at pinagmamasdan ang aking ginagawa. Alright, he wasn't doing anything that annoyed me. He didn't even attempt to talk to me. Hindi ba at iyon naman ang gusto kong mangyari pagdating kina Mirden at Jamie? But there was something about Ethan's silence that was making me uncomfortable. It was like his presence was too strong to be ignored.

"What are you thinking?" walang paliguy-ligoy na tanong ko sa kaniya.

"I'm wondering why you are here in Montello High," diretso niya rin na sagot.

This could fall between an easy and difficult conversation. We were quick to ask questions and give answers as if those words meant nothing to us.

"Hindi mo dapat pinag-aaksayahan ng panahon ang pag-iisip sa bagay na iyan." Inabot ko ang glass wiper at sinimulang linisin ang salamin.

"There are better schools than Montello High—better students than us. You could have gotten in one of them instead of staying here."

I scoffed as I stared at him through the mirror. "For a vice president of this school's student council, you're too proud of Montello High."

Sinalubong niya ang aking tingin sa salamin. "As a leader, I must not conceal the truth. This school is hell. And I don't think I would be able to lead the students properly if I tell them that they're in paradise when it's obvious that they aren't."

"Manage their expectations, ganoon ba?"

He smiled sheepishly. At pakiwari ko'y lumiwanag kahit papaano ang medyo gloomy na comfort room na ito. Hindi ko maitatangging bagay sa kaniya ang pag-ngiti. Subalit hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na kumplikado ang karakter ng isang ito.

"Why are you wearing a mask, Ethan?" bigla ay tanong na bahagyang nagpabawas ng kaniyang ngiti.

"A mask?" nagsasalubong ang kilay niyang tanong.

I nodded. "You're too composed and calm in front of other people, when the truth is there's a hurricane inside of you that want to bring chaos. Aren't you drowning in your own storm, Ethan?"

Tuluyan nang nawala ang ngiti sa mga labi ni Ethan. We were having a normal conversation until suddenly, we were not. Bakit ko nga ba nasabi ang mga iyon sa kaniya? Siguro dahil naramdaman ko na hindi niya ako gagawan ng masama. O marahil, nakikita ko ang aking sarili sa kaniya. And I knew how it felt to bottle everything inside. It was choking and uncomfortable. It felt like I'd break apart at any moment.

"I wanted to beat those guys who were running after you," kapagkuwa'y amin nito. "Maybe smash their heads on these walls, break the mirror with their nose, or make them drink from the toilet bowl." Nagpakwala siya ng malalim na paghinga na tila sa pamamagitan niyon ay maiaalis sa utak ang mga nais gawin. "I wanted to forget that I have a duty in the student council. Pero hindi ko puwedeng gawin iyon dahil may tungkulin ako sa kaayusan ng school na ito. Isa pa, gang fights enable me to loosen up a little."

"Oh," ang tangi kong nasabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin ngayong ipinapakita niya sa akin nasa likod ng kaniyang maskara.

"Van is a little bit uncontrolled at the moment. Stay away from him, Summer," dagdag nito.

Sukat doon ay napatuwid ako. Bakit napunta sa lalaking iyon ang usapan namin? "Why would I even go near the devil?" depensa ko.

"You don't know him, Summer. If you continue to provoke him, I'm afraid of what he would do to you."

Hindi ako sumagot. Even though Ethan was just using the gang fights to relieve his stress, he was still loyal to the Black Government's leader. At kung mangyari man ang kinatatakutan niya, nasisiguro kong hindi niya ako matutulungan pagdating kay Van. Tahimik akong nagpatuloy sa paglilinis. Hindi na rin siya nagsalita hanggang sa makatapos ako.

"Have lunch with me," biglang sabi ni Ethan nang inaayos ko na ang mga cleaning tools.

"Ayoko," mabilis at tipid kong sagot.

"Whyever not?"

"Because I'm already tired. Who knows what will happen if I agree to have lunch with you?"

Muling sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. May amusement sa mga matang tinitigan nito ako. "Nothing will happen, I promise."

I stared at him skeptically. "What do you want with me, Ethan?" tanong ko sa tila napapagod na boses.

"I told you. I want to have lunch with you," mabilis niyang sagot.

I sighed and took off my gloves. Katatapos ko pa lang na maghugas ng kamay ay hinila na niya ako palabas. Wala na akong choice kung hindi ang sabayan ang malalaki niyang hakbang. Ugh, curse inconsiderate, long-legged, tall people! 

Continue Reading

You'll Also Like

11.6K 251 21
Nang piliting kumahol ng pusa Isulat ang titik ng bawat hinuha Idaing ang hinagpis sa bawat pahina Ibulong sa aklat ang bawat luha.
216K 14K 70
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
623K 40.8K 162
Hi, bebi! An epistolary.
2.5M 92.5K 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, h...