Dorm Mates

By InyiboiYmaru

10.4K 154 119

A group of college students who met on a old and haunted dormitory ! Things go crazy when the dark night began More

Dorm Mates

10.4K 154 119
By InyiboiYmaru

Dorm Mates

Inyi Yruma

 Makulimlim ang paligid at padaglit na kumikidlat ang langit, tanging huni ng mga kuliglig at mga ibon ang madidinig 

na sinabayan pa ng dumadagundong na mga kulog. 

 Sa loob ng isang malaking unibersidad ay naroon ang isang luma at malaking dormitoryo na naliligiran ng malaking puno 

ng akasya.

 Kumakagat na ang dilim nang biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng sunod-sunod na pagkidlat at 

pagkulog. Sa ‘di kalayuan ay may paparating na isang taxi at isang kulay itim na kotse. Nagmamadaling bumaba ang isang 

lalaki mula sa kotse bitbit ang isang maleta, samantala isa namang babae ang bumaba mula sa taxi bitbit ang body bag 

niya.

 Dahil sa malakas na ulan, nagmadaling nagtungo ang dalawa paakyat sa mababang hagdan ng dormitoryo. Medyo 

nauna ang babae sa pag-akyat ngunit siya ay nadulas, di sinasadyang siya ay nasalo at napayakap sa lalaki, nagkatama 

ang mata ng dalawa at waring tumigil ang ikot ng mundo. Dahil sa lakas ng kidlat at kulog ay bumalik sa ulirat ang dalawa 

at nagpatuloy sa pagpasok ng dormitoryo. Binuksan ng lalaki ang pinto at bumulaga sa kanila ang isang nakakatakot na 

mukha. Nagulat ang dalawa at napa-urong sa kinatatayuan, ngunit ito pala ay isang lalaki na nakamaskara.

 “Sorry… sorry. I might have scared you guys! Come in. Come in. Turoy po kayo” sambit ng lalaki na nag-alis ng maskara. 

Tumuloy ang dalawa sa loob ng dorm. “By the way I’m Ryan Bang and this is Jenny, my pet”

 “Loko ka talaga Ryan. I’m Jenny Kim, welcome sa inyo, your names nga pala?”

 “I’m James. Nice meeting you two.”

 “Hi, ako si Devon”

 “Gelfriend, Boyflend kayo? As in Chuvachichu-chuvachuchu,” tanong ni Ryan.

 “No/Hindi,” sabay na sambit ng dalawa.

 “Ah, akala ko kasi GFBF kayo. You rook good together,” pangungulit pa ni Ryan.

 “Hay naku James, Devon, pagpasensyahan nyo na yan si Ryan, tara sa dining area andoon ang iba pa nating dorm 

mates.”

 Sumama sila Devon at James kila Jenny, iniwan nila ang kanilang dalang mga gamit sa may sala. Sa kanilang pagpunta sa 

dining area, nag-lock ang main door ng dorm ng hindi nila namalayan.

 “James, Devon, coffee muna kayo oh, by the way I’m Fretzie, and sila naman sila Bret, Kyra and Yong”

 “Thank you,” sambit ni James, samantalang nakangiti lang si Devon.

 “It’s weird in here, have you noticed guys?” sambit ni Bret.

 “Oo nga. Nakakatakot, parang laging may nakatingin sayo,” sabat pa ni Kyra.

 “Isa pa, ang laki-laki ng dorm na ito, pero parang tayo lang ang tao,” sambit Yong.

 “Ibig sabihin tayo lang walo dito?” tanong pa ni Devon.

 “Parang ni wala nga na welcome sa atin, wala ring land lady. It’s almost 9PM na, may darating pa kaya?” sambit ni Fretzie. 

Natigil ang usapan nila nang makarinig sila ng sigaw mula kila Jenny at Ryan. “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” at agad 

nilang pinuntahan ang dalawa sa may sala na nakatago sa likod ng kurtina.

 “Guys what happened?” pag-aalalang tanong ni Bret. 

 “Ipisssssssssssssssssssssssssssssssssss!” sigaw ni Jenny. 

“I lilly, lilly, hate cockroach!” Sigaw din Ryan. At doon ay nagtawanan sila Devon.

 Dinig sa labas ng dormitoryo ang tawanan ng magkaka-dormate. Samantala tumigil na ang pagbuhos ng ulan. Isa-isa 

namang naglock ang mga pintuan at mga bintana ng Dormitoryo ng hindi namamalayan ng mga tao sa loob.

 Mag-alas 10 na ng gabi noon, nasa kwarto na ang mga babae at tahimik na nag-aayos ng kanilang mga gamit. Ang mga 

lalaki naman ay nasa kanila naring kwarto, si Ryan ay natutulog, si James ay naglalro ng PSP, si Yong at Bret naman ay 

nanonood ng T.V ngunit pawala-wala ang palabas sa TV kaya tinurn-off nalang nila ito at nagtungo sila Bret, Yong at James 

sa kwarto ng mga babae.

 “Girls, sino gusto sumama? Pupunta kami nila Bret ng convenience store sa labas”- pag-aaya ni Yong.

 “Sige, sama ako, Fretzie, Devon, Jen.. tara sama tayo sa kanila,” sambit ni Kyra

 “Ayoko, tulog nalang ako,” sagot ni Jenny. Si Devon at Fretzie naman ay sumang-ayon na sumama.

 Nagtungo na sila sa may main door, pinipilit buksan ni Bret ang pinto pero ito ay naka-lock.

 “Guys, I can’t open this door, the hell it’s locked?!” sambit ni Bret.

 “Subukan ko,” sambit ni Yong, pero hindi parin niya mabuksan. “Baka may susi na ibinigay sa inyo?”

 “Wait, parang may nakita akong mga susi sa drawer kanina, teka kunin ko,” sambit ni Fretzie.

 “I’ll go with you Fretz,” sambit ni Bret, nagtungo na ang dalawa sa may hagdan patungo ng 2nd floor.

 “Na-iihi na ako, wait lang guys. Mag CR lang ako,” sambit ni Kyra.

 “Gusto mo samahan kita?” tanong ni Devon. 

 “No need Devs, madali lang ako, hintayin nyo ako ha,” sagot ni Kyra at nagmadali ito magtungo sa may dining area kung 

saan naroroon CR.

 Patuloy na pinipilit buksan ni Yong ang pinto, samanta si James at Devon ay nakaupo sa may hagdan, hinihintay sila Bret 

at Fretzie, nagkaka-ilangan ang dalawa, ngunit palihim na sinusulyapan ang isa’t isa. 

 Sa labas ng dormitoryo ay madilim at tanging ilaw lamang sa poste at mula sa dormitory ang nagbibigay liwanag sa 

paligid at tanging ingay ng mga kuliglig at iyak ng mga palaka ang nadidinig. Sa loob muli ng Dormitoryo, naghihintay parin 

sila James, Devon at Yong kila Bret at Fretzie, si Kyra naman ay kasulukuyang nasa C.R at umiihi. 

 Ilang sandali pa ang nakalipas ay nagpatay sindi ang ilaw sa loob ng dormitory at tuluyang namatay ang mga ilaw. 

Napakapit si Devon sa braso ni James, kinuha ni James ang kanyang cellphone sa bulsa ng pantalon at ginawa itong munti 

nilang tanglaw, nagkatinginan ang dalawa at ngumiti sa isa’t-isa.

 “Yong, I think I saw some candles upstairs, Devon and I will get one for us, please wait for Kyra for awhile,” sambit ni 

James, pumayag naman si Yong kaya umakyat na sila James at Devon ng hagdan. 

 Samantala binubuksan ni Kyra ang pinto ng C.R ngunit naka-lock na din iyon, bahagya namang nagbukas ang main door 

ng dorm at napansin ito ni Yong dahil sa bahagyang liwanag na naggagaling sa labas, dahan-dahang lumapit si Yong sa may 

pinto, at dahan–dahan ding binuksan ang pinto, lumabas siya ng pinto at lumingon-lingon sa paligid na tanging ilaw lang 

ay ang posteng nagbibigay liwanag sa paligid. 

 Pinipilit parin buksan ni Kyra ang pinto sa C.R pero hindi niya ito mabuksan. “Tulong!Tulong! buksan nyo ito! Guys di 

ito magandang biro… Tulong! Buksan nyo ang pinto please!” sigaw at pagmamakaawa ni Kyra, nadinig ito ni Yong kaya 

nagmdali ito bumalik sa may pinto ngunit nang papasok na siya ay may humigit sa kanya papalayo at sumara muli mag-isa 

ang pinto at naglock.

 Samantala, sa 2nd floor, hawak ni James ang kandila at sinisindihan naman ni Devon ng apoy ang mitsa nito. Nang 

nagkaroon na ng apoy ang kandila ay bahagyang lumiwanag, muling nagkatinginan ang dalawa at nagkangitian, ngunit 

ilang sagilit pa ay “Help! Somebody open the door please!” tinig mula kay Bret na naggagaling sa kwarto ng mga babae. 

 Nagtaka sila James at Devon at agad nagtungo sa kwarto kung saan nanggagaling ang tinig ni Bret. Samantala umiiyak 

na si Kyra habang pinipilit buksan ang pinto, nakarinig siya ng ingay at paghingi ng saklolo na naggagaling sa labas ng 

dormitoryo. “Tulong!” mayroong maliit na bintana sa C.R, tumuntong siya sa inodoro at sumilip sa maliit na binta, 

naaninawan niya na may lalaking tumatakbo sa may damuhan malapit sa may punong akasya na waring takot na takot at 

humihingi ng tulong.

 Kinabahan at natatakot na si Kyra sa nakita. Samantala naramdaman niyang nagbukas ang pintuan ng C.R, lumingon 

siya patingin ng pinto, nanlaki ang kanyang mga mata at sumigaw “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!” tumilamsik ang 

..

kanyang dugo sa salamin sa dingding ng banyo na na-aaninagan ng liwanag na nanggagaling sa maliit na bintana mula sa 

labas.

 Sinipa ni James ang pinto ng kwarto at tuluyang nagbukas ang pinto. At doon ay lumabas sila Bret at Fretzie na waring 

takot na takot, agad yumakap si Fretzie kay Devon. 

 “Ano ba nagyari sa inyo?” nag-aalalang tanong ni Devon. 

 “Kelangan na nating umalis dito! Natatakot na ako.” Umiiyak na sambit ni Fretzie.

 “We are not safe in here, something weird is happening in this dormitory! We better get out of this damn place, C’mon 

let’s go!” nag-aalalang sambit ni Bret. 

 “Wait… wait, where is Ryan and Jenny?” tanong ni James, nagkatinginan ang lahat, nagpatay sindi muli ang mga ilaw, sa 

labas ng dormitoryo, makikitang nagpapatay sindi ang mga ilaw sa iba’t ibang kwarto maliban sa isa. Sa loob ng kwartong 

ito naroon si Jenny, nasa bathroom, nakabalot ang katawan niya ng bedsheet at may masking tape sa bibig. Nakahiga sa 

bathtub, nagpupumiglas siya pero hindi siya gaanong makakilos, bukas ng gripo na siyang unti-unti ng pumupuno sa tub 

ng tubig na umamabot na sa may ilong niya.. 

 Si Ryan naman ay nasa isang kwarto na patay sindi ang ilaw, nakaupo siya sa isang silya naka-masking tape ang bibig 

at nakatali ang mga kamay at paa. Nakatingin si Ryan sa bukas na pinto na mayroong nakaharang na tali na siya namang 

nakakonekta sa samurai sa may dingding malapit, at nakatutok sa kanya. 

 Bumalik si James at Devon sa 1st floor upang tawagin sila Kyra at Yong upang ipaalam ang nangyayari. Dala-dala ni Devon 

ang kandila patungo sa C.R 

 “Kyra, tara na kelangan na nating umalis dito,” sambit ni Devon na papalapit sa C.R. Si James naman ay hinahanap si Yong, 

ngunit ang nakita na lamang niya ay isang piraso ng tsinelas ng kaibigan sa may pinto. Sinubukan niyang buksan muli ang 

pintuan pero naka-lock parin ito. Maya-maya pa ay nadinig niya si Devon na sumigaw. 

 “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” agad tumakbo si James patungo kay Devon, pagkakita ni Devon kay James ay agad 

siyang yumakap sa binata umiyak, doon nakita ni James si Kyra na duguan at wala ng buhay.

 Humihingal na tumakbo sila James at Devon pabalik ng 2nd floor 

upang sunduin sila Bret at Fretzie na hinahanap naman sila Ryan at 

Jenny. 

 “Guys we better get out of this place now!” nagkakabulol-bulol na 

sambit ni James.

 “Anong nangyari? Asan sila Kyra at Yong?” kinakabahang tanong ni 

Fretzie. 

 “Wala na si Kyra, patay na siya”- umiiyak na sambit ni Devon. 

 “The Hell?!!!” sambit Bret. May pumapatak na tubig sa ulo ni James 

mula sa 3rd floor, napatingin siya sa kisame sabay nagkaroon muli ng 

ilaw sa buong dormitoryo. Sa itaas, umaapaw na ang tubig mula sa 

bathtub na kinalulugmukan ni Jenny. 

 Bumabaha na ng tubig sa buong kwarto, nakalas ang masking tape 

sa bibig ni Jenny doon nagkaroon siya ng pagkakataong makabwelo at 

bahagyang naiangat ang ulo mula sa tubig 

 “Help!” nanlaki ang mata ni Jenny at siya ay tiniik at inilubog muli sa 

tubig ng isang tao na nakitim at hindi ipinapakita ang mukha. “Si Jenny 

yun!”- sambit ni Fretzie. 

 Agad nagtungo ang apat sa 3rd floor at nakita ang kwarto na bukas ang pinto na siyang pinang-gagalingan ng tubig 

na tumutulo na sa 2nd floor. Ang kwarto ay waring isang music room, may piano at malaking aparador na may orasan. 

Pumasok ang apat sa kwarto, kapansin pansin ang bathroom kaya agad nagtungo doon sila James, Fretzie at Devon, 

samantala si Bret ay may napansin sa may bintana at nilapitan iyon. 

 Nakita ng tatlo si Jenny sa bathub na wala ng buhay at mulat ang mga mata. Agad iniahon ni James si Jenny sa tubig 

at sinubukang i-revive, umiiyak sila Fretzie at Devon dahil sa nakita at nagyayari, umiling si James na sinasabing wala 

na si Jenny.

..

“Guys,” pagtawag ni Bret na nakatayo malapit sa may malaking bintana. Agad lumapit sila James, Frezie at Devon at 

nanlaki ang mga mata nila sa nakita, yumakap si Fretzie kay Devon. Nakabigti si Yong, duguan at nakasabit sa puno ng 

akasya na nasa harap mismo ng bintana.

 “We better get out of this crazy place right now! Cmon let’s go” sambit ni James, agad lumabas ng kwarto sila James, 

Devon at Fretzie, samantala si Bret ay nabagsakan ng florescent light at nakoryente sabay bagsak ng lumang aparador na 

may orasan sa kanya. 

 “Bret!” umiiyak na sambit ni Fretzie, at muli ay nagpatay sindi ang ilaw at tuluyang nawalan ng ilaw. 

 “C’mon! Let’s go!” sambit muli ni James, hinawakan ni Devon si Fretzie na gustong lapitan si Bret, sumunod din sila kay 

James. Sa kanilang pagtakbo patungo sa may hagdan, natuon ang pansin nila sa kwartong patay sindi ang ilaw, doon nila 

naaninawan si Ryan. Dahan-dahan silang lumapit sa sa kwarto na kinaroroonan ni Ryan, nakaupo si Ryan sa silya kung saan 

nakatali ang mga braso at paa, may masking tape sa bibig at may dugo sa ulo. Papalapit sila James, pero umiiling si Ryan. 

 “Don’t worry Ryan, we’ll help you.”, papalapit si James sa pinto, pero umiiling si Ryan habang nakatingin sa lubid na 

nakaharang sa ibaba ng pinto. Dahil sa madilim ay hindi ito pansin ni James, si Devon ay gumilid sa may dingding at takot 

na takot, si Frezie naman ay napa-urong sa kinaroroonan niya habang lumilingon lingon sa paligid. Umiiling-iling parin si 

Ryan pero hindi maintindihan ni James ang iseneseyas ni Ryan, ilang saglit pa ay nakabig ng binti ni James ang lubid sa 

bungad ng pintuan, napigtas ang lubid mula sa pagkakakonekta sa samurai sa dingding na nagbigay pwersa dito upang 

umikot na siyang tumama sakto sa leeg ni Ryan. 

 Dahil sa lakas ng pwersa ay dumertso ang samurai palabas ng pinto. Alisto si James at naiwasan ang samurai na papatama 

sa kanya ngunit sa kasamaang palad si Fretzie na nasa likuran niya ang siyang tinamaan sa tiyan, at dahil sa lakas ng impact 

ay tumilapon ang dalaga, nahulog mula 3rd floor hanggang 1st floor. Nakahandusay na si Fretzie sa sahig nakasaksak sa 

tiyan ang samurai at may dugo sa bibig, ulo at tiyan. Wala nang buhay. Ang ulo naman ni Ryan humiwalay sa leeg nito at 

gumulong sa sahig, nanlaki ang mata ni James at Devon sa nakita. 

 Lumapit si Devon kay James na nakahiga sa sahig dahil sa pag-ilag. Umiiyak si Devon at si James naman ay gulat at takot 

na takot. Sa loob ng kwarto na kinaroroonan ni Ryan ang bahagyang nagliwanag dahil sa mga T.V na nag-turn on. Doon nila 

nakita ang ibat’t ibang lokasyon ng bahay na naka-monitor pala ng mga kamera. 

 Sa C.R kung saan duguan si Kyra, sa may puno ng akasya kung saan nakabitin si Yong, sa bathroom kung saan naroon si 

Jenny, sa kwarto kung saan si Bret, sa may hagdan sa 1st floor kung saan nakahandusay si Frezie at sa kanilang lugar na 

kinaroroonan nila. Nanginginig na sa takot si James at Devon sa mga nakita at mahigpit ang pagkakapit ng kanilang mga 

kamay. 

 Maya-maya pa ay nakarinig kaluskos at tunog ng bakal na kumakayod sa sementong sahig. Isang duguang palakol ang 

kumakaloskos sa sahig na bitbit ng isang lalaki na nakaitim, papalapit ang lalaking walang mukha sa kanila. Pabiglang 

pinalakol ng lalaki ang dingding na ikinagulat ni James at Devon. 

 ”Tagutaguan, maliwanag ang buwan, wala sa likod wala sa harap, pagbilang kong sampo nakatago na kayo! ‘Wag papahuli, 

‘wag papakita, palakol koy nakahanda sa katawan nyoy naka-takda! Takbo! 1.. 2… 3… whahahahhahahahahahhaha!” 

sambit ng lalaki at agad namang gumilalas na tumakbo ang dalawa.

 “Save your favorite Dorm Mate now!!! Who will be our 1st Dorm mate grand survivor?! Will it be Devon or James?! Just 

Key in DM SAVE Name of Dorm Mate and send to 2666” sambit ng T.V Host.

 “Dorm Mate Grand Survivor will win P15M plus 1 condo unit in Makati, while you, our Lucky voter will have a chance 

to win P13M kung ang favorite Dorm Mate niyo ang maligtas at mag Grand Survivor. Kaya text lang ng Text, vote lang ng 

vote!” 

 “This is your favorite Killer Reality Show! Dorm Mates! Matira Matibay. This is your host Tony Dee.”

 Ang mga manonood sa ibat-ibang tahanan ay nag te-text at bumoboto na kung sino kila James at Devon ang gusto nilang 

matirang buhay sa reality show na ito.

 Ipinakita sa T.V ang turn out votes na nakuha ang anim na contestants at flashback kung paano sila namatay. 

 Kyra Custodio received 10.3% save votes: Inilock ang pinto ng C.R, Pinalakol si Kyra ng lalaking nakaitim. 

 Yong Gopez, received 11.6% save votes: hinigit mula sa pintuan, tumatakbo siya papalayo sa killer pero naabutan siya at 

pinalakol, binikti at ibinitin sa puno ng akasya.

 Jenny Kim, received 11.9% save votes: natutulog, ibinalot ng bed sheet, nilagyan ng masking tape sa bibig, inilagay sa 

baththub, binuksan ang gripo, tiniik ng killer. 

...

Bret Jackson received 12.2% save votes: naghahanap ng susi sa girls room kasama si fretzie, inilock ang pinto, nabagsakan 

ng florescent light, nakuryente at nabagsakan ng aparador. 

 Ryan Bang, received 13.1% save votes: hinampas sa ulo ng baseball bat, iginapos sa upuan, napugot ang ulo dahil sa 

samurai. 

 Fretzie Bercede, received 13.5% save votes: naghahanap ng susi sa girls room, inilock ng killer ang pinto, nasaksak ng 

samurai at nahulog mula 3rd floor hanggang 1st floor.

 Patuloy parin ang pagdating ng mga text votes mula sa mga manonood ng Reality show na ito, dikit ang labanan nag flash 

sa screen ang percentage mula kay Dorm mate A: 48.6% at Dorm mate B: 51.4%. Ang lahat ay nakatutok sa pagtatapos ng 

Reality Show upang makilala ang matitirang matibay kina James at Devon. 

 Puro dugo ang makikita sa screen ng T.V na pinapanooran ng isang pamilya na walang mga reaksyon sa mga mukha, 

tanging ang kamay na kumakaluskos mula sa mga dugo ang nakikita sa T.V, hanggang ang palakol ay pumagitan sa mga 

dugo sa TV screens.

 Tumatakbo si Devon pababa ng hagdan at ng makarating ito sa sala ay nagtago ito sa likod ng sala set. Nanginginig si 

Devon sa takot at pinipigil ang iyak, lalo pa siyang nanginig sa takot nang ang killer ay malapit na, kinikiskis ang palakol sa 

pader, at pabiglang pinalakol ang maliit na lamesa. 

 Papalapit na ang killer kay Devon, pinalakol ng killer ang sala set na siyang nagpatakbo kay Devon, hinabol ng killer si 

Devon na nagtungo sa may kusina. Nakakita ng kutsilyo si Devon, papalapit na sa kanya ang killer kaya binato niya ito ng 

kutsilyo na siya namang tumama sa balikat ng lalaki. Sabay tumba ng iskaparate na malapit sa killer, kaya nakatakbo siya 

papalabas muli ng kitchen. Nagtungo siya sa main door at pinipilit buksan ang pinto.. 

 “Tulong. Buksan nyo ‘to. Buksan nyo to. Maawa na kayo…”

 Maraming nag-audition para sa reality show na ito, mula sa libo libong nag-audition, walo lamang ang nakapasa. 

Kasabay ng eksenang ito ay ipinakita ng pag-audition ni Devon. 

 “Magandang hapon po, ako po si Devon Seron, 17 years old from Cebu.” 

 “Bakit gusto mong sumali ditto sa reality show na ito?” tanong sa kanya. 

 “Kelangan po kasi namin ng pera, makakatulong po ang P15M cash prize para maipagamot ko po ang Nanay ko na may 

cancer at mabigyan ng magandang buhay ang mga kapatid ko”

 “Tulong. Buksan nyo to please.” Papalapit na ang duguan killer kay Devon, palapit ng palapit sa kanya. Papalakulin na siya 

ng killer ng humarang si James kaya siya ang natamaan ng palakol sa likod.

 “Good Afternoon, I am James Reid, Im form Australia, 17 years old.” 

 “What made you decide to join this reality show?” Ang tanong sa kanya. 

 “Coz, I wanted to save my Girlfriend from being killed in this show, I love her and I will do anything to protect her and I am 

willing to sacrifice myself just to see her happy and alive”

 Nagulat si Devon sa ginawa ni James, hinawakan niya sa mukha si James, nakangiti si James kay Devon at nagwikang “I’m 

sorry if I hurt you, one thing’s for sure… I Love You.” Nag-flash back ang nangyari sa kanilang totoong buhay. 

 Girlfriend ni James si Devon, Masaya sila at mahal na mahal ang isa’t isa, hanggang isang araw nakita ni Devon si James 

na nakikipag-flirt kay An Li. Humingi ng sorry si James, pero masyadong nasaktan si Devon, nalaman ni James na nag-

audition si Devon sa Dorm Mates Reality show, at para makabawi sa kasintahan nag-audition din siya para iligtas ipadama 

ang pagmaamahal kay Devon. 

 Nakatitig si Devon kay James at di mapigil ang pagtulo ng luha. Niyakap niya si James at nagsabing, “Mahal din kita”, 

lumaglag ang kamay ni James sa pagkakapit sa kamay niya dahil wala na itong buhay. Doon ay humagulgol si Devon sa 

pag-iiyak.

 Nagkagulo sa set ng reality show dahil si Devon dapat ang mamamatay dahil siya ang nakakuha ng mababang save votes 

at hindi si James. Biglang magiging blangko ang TV screen. 

Continue Reading